Patuloy ang kasiyahan sa bulwagan ng palasyo habang kami ni Elle ay nasa hardin pa rin. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Naging maalinsangan ang hangin at hindi ako mapakali. May na aamoy din kaming hindi maganda sa ilong.
Ang mga dahon sa mga puno ay naglagasan, napatayo na rin si Elle dahil sa lakas ng hangin na parang may bagyong parating, mas lalong dumilim ang paligid. Patay sindi rin ng mga ilaw. At ang buwan ay nagkukulay dugo na.
“L-liah, ano ang bagay na―‘yan?” utal na tinuro ni Elle ang nakikita niya sa taas.
“H-hindi ko rin alam, Elle.”
Naestatwa kami sa amin kinatatayuan nang mapansin namin na ang mga dahon at mga bulaklak ay biglang nalanta na walang dahilan. Kahit na ang damo ay nawalan ng kulay. Pero ang pinagtataka ko, tanging ang gintong carnation ang natirang sariwa.
“A-ano ‘yan, Liah?” takot na sambit ni Elle.
Kasabay ng kulog at kidlat ay tumingala ako at naaninag ko ang isang babaeng nakasakay sa walis tingting. Hindi pa siya nakakalapit ay rinig na rinig ko ang kanyang tawa na nakaririndi sa tainga.
“Mangkukulam ‘yan!” napasigaw ako dahil sa takot.
Tuluyan nang napako ang aming mga paa. Nag-aalinlangan akong gumamit ng mahika kasi hindi pa rin alam ni Elle na mangkukulam ako at baka mahimatay akong muli.
Pinikit ko ang aking mga mata at tinawag ko si mama gamit ang aking isip. Naramdaman kong humawak si Elle sa braso ko. Mas lalong lumakas ang hangin at palakas nang palakas ang tawang naririnig ko.
“Mama! Tulong!”sigaw ng isip ko.
***
"Oh! Goodness, Liah where are you?" hanap ni mama sa akin. Naramdaman niya ang pagtawag ko sa kanya. Palinga-linga siya at hinahanap si Miss Tara sa mga bisitang nagkukumpulan.
Si Miss Tara lang ang tanging Gabay na mangkukulam ang pinagkakatiwalan ng pamilya namin, lalo na si Mama. Ito rin ang punong mangkukulam, tagapayo at katulong sa pagpapatakbo ng kaharian.
I was shocked when I learned that she’s a legendary witch. A master of her gifts. Ayon pa kay mama, she’s able to know everything, but not all knowing. May kahinaan din siya. Patuloy na naghahanap si mama kay Miss Tara nang may tumawag sa kanya mula sa likod.
“Mahal na Reyna?”
Nagulat pa si mama sa pagtawag sa kanya ni Miss Tara. Humarap siya sa likod at sinalubong ang Punong Gabay na naglalakad sa gawi niya.
“Nasa hardin sila, Mahal na Reyna.”
Hindi pa nagsasalita si mama ay alam na nito na hinahanap kami ng Ina kong Reyna.
“You’re such a great help, Tara. Let’s go get her, safe!” bulalas ni mama na hindi na mapakali.
"It's Lusiana, your dear wicked cousin," sambit niya kay mama. Hindi nga nagkamali si mama. Alam na alam ni Miss Tara kung sino ang dahilan ng pakiramdam na 'to namin.
"Yeah, she's into Liah and for the wand," saad ni mama.
It is our intuition. A feeling that there's something will happen. At si Lusiana ay ang pinsan ni mama, na hindi ko pa nakikita o nakilala. Kwinento lang ito ni mama sa akin.
“She’s with Elle, You’re highness.”
“Wait? What?” alalang tanong niya.
“Hindi natin maiiwasan ang ganitong pangyayari, Mahal na Reyna at isa pa malalaman at malalaman din ni Elle ang tungkol sa matalik niyang kaibigan.”
“Sabagay, tama ka.”
“You must aware now with your limitations, My Highness.”
Saad ni Miss Tara. Kapag ang sumpa ay napasa na― mababawasan ang abilidad nito at magiging limitado na lamang ang magagawa ni mama. Kaya kailangan niya ang gabay ng Punong Mangkukulam.
“Yeah, I know, Tara.”
“Kailangan na natin pumunta sa hardin, Mahal na Reyna.”
“Yeah, Liah is calling me.”
Habang pinipilit kong pakalmahin si Elle dahil nagpa-panic na ito sa takot. Sinubukan kong gumalaw dahil parang pinako ang aming mga paa para hindi makaalis. Pilit kong tinatawag si mama sa isip ko nang paulit-ulit.
Nang magawa na namin ang makagalaw ay agad kong hinawakan ang mga braso ni Elle at niyugyog.
“Calm down, Elle! Calm down!”
Ang akala ko ay kalmado na si Elle dahil bigla itong natahimik pero ang pinagtataka ko parang wala siya sa tamang wisyo. Takot itong nakatitig sa likod ko.
Nang lumingon ako ay gano’n na lang ang paglaki ng mga mata ko dahil sa nakita ko. Nakababa na ang babaeng nakasakay sa walis tingting. Hinahawi nito ang nakakalat niyang buhok.
Nang napadako ang tingin niya sa amin ay ngumisi ito nang nakakaloko. Napaatras kami nang nagsimula itong maglakad patungo sa amin. Si Elle ay hindi makapagsalita.
“Well! Well! Well…” saad nito na nakakaloko.
Habang ang hintuturo nito ay nasa natitirang bulaklak. At sa kanyang pagtapik ay sumabay sa hangin ang abo ng gintong carnation. Napakuyom ako ng kamao dahil sa galit.
“Sino ka?!” matapang na tanong ko.
"Liah! My dear niece?" malambing niyang sabi.
"Who are you?" ulit kong tanong.
"Ooh? Let me introduce myself," aniya.
"I'm Lusiana, your mother's first cousin― 2nd Princess of Verona," pakilala nito sa sarili niya.
"Ha?" takang tanong ko.
"Why in the world I didn't know you?" tanong ko sa kanya. Pero alam kong siya ang kinukwento ni mama.
"She was exiled from our kingdom. At hindi siya welcome sa kahit saang kaharian."
Napalingon kami ni Elle sa likod nang marinig namin ang boses ni mama. Parang nahihingal ito. Kasunod nito si Miss Tara na umiihip ng hangin patungo kay Elle. Napakalma nito ang kaibigan ko.
"Ma? Siya ba si―?"
"Yes anak,” sagot ni mama sa pinutol kong tanong.
“She tried to kill me and your lola and tried to steal Joshua from me. And worse she tried to steal the throne from me, for being the heir of the wand. And she's trying again now.”
"If she is exiled? Pa’no siya nakapasok sa palasyo?" I asked.
"Because it's the last full moon―portals are open to any witches. And we became stronger than usual. Pero dahil mabubuti tayong witch, we are not allow to use dark spell. We don't practice that, since your lola became Queen of Verona and being normal again, our innate race."
Ayon na naman, nagbibigay si mama ng clue sa mga katanungan ko tungkol sa pagiging mangkukulam namin. Pero malabo pa rin ang lahat.
"And she is allowed to use dark spell?"mariing tanong ko.
"You nailed it! Smart, Liah! Huh?" saad ng masama kong tiya. Naggagalaiti na ito sa galit at kagustuhan na makuha ang wand.
“Wala ka nang magagawa, Lusiana!" singal ni mama.
“Oh? Really?” saad nito.
"You try?! or I'll kill you!" singal ni Mama.
"Kill me? How pathetic you are, Airah!" tumawa ito nang malakas.
"I want all! If I got Verona, masasakop ko lahat," dagdag niya.
Lumipad ito pataas, sabay tawa na parang makukuha niya ang puso ng Verona.
“Ma!”
Sigaw ko.Nakita ko kasi na magca-cast ng spell ang masamang bruha, kaya nag-isip ako ng paraan, pero biglang may sumulpot.
And before she took a move and finish casting a spell, pumulupot na sa kanya ang mga ugat ng puno, at dinala siya pataas nang pataas.
"Who's spell is this?!" sigaw ni Lusiana.
"Mine!" sigaw ng maawtoridad na boses. Gulat kaming lahat nang sumulpot si lola Amanda.
"Akala ko ba, Ma, normal na si lola?" nagtatanong pa ko sa gitna nang labanan.
“I’ll tell you later honey,” saad ni mama.
“I wont let you spoil the party of my granddaughter!” sigaw naman lola. Tumawa nang malakas ang bruha. Determinado na makuha ang puso ng Verona.
“Well…well! Tiya Amanda, still on track? I thought your tradition of marrying a mortal makes you mortal?” saad niya sabay tawa nang malakas.
“Lusiana! Baka nakakalimutan mo na ang kinakausap mo ay Reyna ng mga reyna?” saad naman mama.
“And the heart is the main reason why you are eager to steal the throne from my daughter!” dagdag pa ni mama.
Tumawa lang ang babae habang pilit na kumakawala sa mahika ni lola. Mahigpit ang pagkakahawak ng mga ugat sa braso ni Lusiana. But she murmured at biglang nagliyab ang mga ugat at naging abo. Tumawa ito nang malakas. Nakatakas siya spell ni lola.
"Tara cover this place," utos ni mama kay Miss Tara.
At bigla nagkaroon ng malaking bola na parang bubble ang garden. Malayo ang hardin sa bulwagan ng palasyo. Kung saan nagaganap ang pagdiriwang ng kaarawan ko.
"Liah?" tawag sa akin ni mama, nag-aalala na ito.
"Ma?" tugon ko.
"Think about to be invisible and keep the wand and Elle with you, bilis!" utos ni mama sa 'kin. Nataranta naman ako pumikit ako at nag-isip na maglaho.
"Jezz! This is making me crazy!" sigaw ko na parang natutuwa ako kasi nagawa kong maging invisible.
"Liah where are you?" tanong ni mama. Meaning hindi niya ko nakikita.
"Perfect!"
"Beside you, Ma!" anunsyo ko pa sa kanya.
"You did it! Hide, Elle, go to your room and keep the wand safe,” utos ni mama.Nakita kong nanghihina na si lola. Pero she tried to push every strength she got matalo lang si Lousia.
At Miss Tara ay nagpapanatiling nakaselyado ang hardin para hindi na mabulabog ang lahat sa loob. At maprotekhan ang lahi namin mga mangkukulam. Dahil hindi lahat ng nasa loob ay mga witch, ang iba mga normal lang na mga royals.
"Let's go, Elle," anyaya ko kay Elle.
"Teka, Ma!" napatigil ako sa paghila kay Elle.
"Bakit, anak?"
Halata na sa mukha ni mama na nahihirapan na siya. Madilim na ang paligid at malamig ang panahon. Parang may bagyo sa gitna nang malaking transparent na bola.
"Pa'no kayo?" nag-aalala kong tanong kay mama.
"Leave this to us, don't worry."
Pagbibigay assurance ni mama sa 'kin.
-Witch in the Palace-
"Letsgo,Elle, kailangan nanatin makaalis." Hinila ko ang kamay niya at dinala siya sa dulo ng harang. Humakbang kami palabas sa malaking transparent bowl.Parang bubbled ito, na limilikopsabuonghardin. Pagkalabas ay nakita namin na normal anglahat. Ni hindi nila napansin na nagkakagulo na sa loob ng garden.Kahit na ang mga bantay na malapit sa hardin. Muli akong lumingon sa hardin, namangha ako kasi ang tahimik at mapayapa ito. Hindi talaga nakikita ang magulo at delikadong sitwasyonsa loob. Ilan sandaling paglalakad ay narating namin ang likod ng bulwagan. Do’n kami dumaan, tinahak namin ang mabatong daan. Pagpasok namin ay dumeretso na kami sa taas. “Liah! Naka-lock 'yong pintuan,”sigaw ni Elle. Door open! Just a thought of it ayagad na bumukas ang pintuan,parang nagug
Kinaumagahan, naramdaman kong may nakadagan sa baywang ko at parang may insektong bumubulong nang malakas sa tainga ko. Nakakairita dahil sa tunog nitong parang bubuyog. Pagmulat ko nakita ko si Elle, sarap na sarap sa pagkakahiga sa kama ko. Nakaharap siya mismo sa mukha ko. “Aish! Babaeng ‘to,” saad ko. Inangat ko ang kanyang mahabang biyas para makalaya ang katawan ko. Nakanganga ang baliw kong kaibigan at ang lakas pang humilik. Nang tumingin ako sa orasan ay nagulat ako kasi tanghali na pala. “Elle, gising! Gising!” niyugyog ko siya pero tulog mantika ito. Naisipan kong maligo muna. Excitedna akong pumasok sa secret campus. Sabi ni mama do'n daw nagtra-traning ang mga bagong witch. Nakakapanibago ang buhay ko ngayon, at kailangan kong masanay. “Augh! Aray!” bigla kong d***g. Pumasok ang bula ng sabon sa mata ko. Agad ko n
“What are you doing, Your Highness?” tanong ni Leo, sa seryosong boses nito, pero kita sa mukha nito na pinipigilan ang tawa. Si Miss Tara, naman ay playing safe. “A-ah, eh, can you explain it to me?” tanong ko. “It’s a magical palace, princess,” saad ni Miss Tara. “Ah, okay, I j-just can’t believe it. W-well anything is possible in this world,” ani ko sa nahihiyang tinig. Ngumiti silang dalawa at nasilayan ko ang magagandang ngiti ni Leo. “Well, I’ll show you the hall of Royalties,” ani ni Miss Tara. Si Leo naman ay bumalik sa kanyang seryosong mukha. Mas lalo itong naging attractive sa akin. “Chill ka lang, Liah,” ani ngisip ko. Nagpatuloy kami sa paggala sa bulwagan hanggang sa nakarating kami sa isang kwarto. Pagpasok namin ay agad ko na ginala ang paningin ko.
Ang Corinth, isang bansa na malapit sa kaharian ng Verona. At kasalukuyaan nandito si Lucas para sa kanyang misyon bilang prinsipe ng Asville. Sa kanya nakatoka ang pag-aasikaso ng lupa ng mga mamayanan ng Corinth na nakatira sa Asville. Kabilang na do’n ang lupa nila ni Elle. "Hey!Bro?Uuwi ka raw sa annual event ni'yo?"saad ni Baron, kaibigan ni Lucas. "Yeah, it's a tradition.I need to go home and I miss my sister, Liah and my parents too," saad niya. "Who else?" ngumisi ito,teasinghis friend. "Hmm?Who else?No one―bro, why?" kunot noong tugon ni Luke. “I doubt it.Sa dinarami-ramingmgababaengna-inlove sa'yo dito sa Corinth, ni isa sa kanila hindi mo pinapansin. Ni tingin nga hindi mo matignan. Akala ko tuloy bakla ka," saad ni Baron, sabay tawa. "You jerk! Wa
Malungkot, pero magaan ang loob kong lisanin muna ang kinalakihan kong lugar. Sa bawat hakbang ay dala ko ang lakas ng loob para harapin ang misyon na ito, nang mag-isa. Muli akong tumingin sa likod kumaway si mama at Elle, nang makita nilang lumingon ako. Kinaway ko ang kanang kamay ko na parang natutuwa sabay ngisi. So, this isit!Finally, I’mliving alone. Hope, life would be wonderful there and I’ll take the risk, if trials come my way. Tumalikod na ‘ko at tuluyan nang pumasok sa loob. "Here I come!Kingdom of Tyre!"I exclaimed,sa mahina kong boses. Baka pagkamalan akong baliw. Isang magandang ngiti ang sumalubong sa akin, nang nakapasok na ako sa loob ng eroplano. “Good morning, ma’am.” Bati ng isang flight attendant. Ngumiti ako pabalik at pumasok na ako nang tuluyan. Nasa second row ‘yong upuan ko. Isang first class seat ang kinuha
Kumakati na ‘yong puwet ko, kaya hindi ko na mapigilan gumalaw. Takte! Naramdaman niya siguro; kaya sumilip ito na parang tanga, “What? Walangtao? Nagpapanggap akong tulog makita lang ang mukha ng babaeng ‘yon,” himutok nito. Napangiti ako sa sinabi niya. Ang kyut niya talaga parang bata. “Lalapag na ang eroplano pero hindi pa rin bumabalik ang babaeng 'yon. Saan naman ‘yon pumunta?” saad nito. Hindi ko alam pero bakit parang naiinis ito; parang naisahan siya. "Tch. Tumae siguro,"saad niya.I laughed silently. “Kainis!Ano bang pakialam ko sa babaeng 'yon, damn!Hindi ako interesadong makita ang mukha niya, aish! Pero imposebling hindi ko siya makita. This floor is first-classseat. Kaunti lang ang tao rito, baka bumaba ngsecondfloor?Kainis ginayuma yata ako, no’n ah?” Gusto kong matawa nang malakas. Parang bata kasi
Kinaumagahan ay isang katok ang gumising sa mahimbing kong tulog. Napaunat ako ng katawan; tumayo para pagbuksan ang kumakatok. Isang babaeng nakangiti, mataba at maliit ito. Kumurap-kurap ako para makita ko nang malinaw ang mukha niya. Hindi naman ito katandaan pero mas matanda ito sa akin ng ilan taon. “Magandang umaga, Miss,” bati nito. Sabay abot ng isang malaking supot, bumati ako pabalik at pinapasok ko na siya sa loob. “Salamat. Ano ito?” takang tanong ko sa supot na inabot niya. “Gulay at isda, Miss, pa-welcome namin para sa mga bago dito sa lugar namin at apartment ko.” “Nako! Nag-abala pa kayo! Pero salamat dito.” “Teka, ako nga pala si Elsa, ako ang may-ari ng apartment na ito.” Ngumiti ako at nagpakilala rin, “Ako nga pala si Liah,” ani ko. Tumayo ito at nagsali
Nang makarating ako sa bukana ng kanto ay agad akong bumaba ng kalesa at pumasok na sa eskinita. “Miss, sigurado ka bang ayos ka lang?” habol na tanong ng lalaki. Lumingon ako at ngumiti. Sa isip-isip ko ang gentleman ng lalaking ‘to at ang gwapo pa. “Oo, ayos lang ako, salamat,” ani ko. “Nandito lang ako sa tabi-tabi kapag kailangan mo.” Nagtaka naman ako bakit ko siya kakailanganin? Ngumiti ako bilang tugon sa sinabi niya. Tinahak kong muli ang daan patungo sa unit ko. Muli akong lumingon sa lalaki at nakita ko siyang kumakaway sa akin nang nakangiti. Sandali ay nakaramdam ako ng payapa; ang gaan sa loob ko dahil sa ginawa niya. Kumaway ako at tumalikod na; hindi ko man lang natanong ang pangalan niya. “Aish!” Kinabukasanng hapon naghanda ako para maghanap ng trabaho. Nagsuot ako ng semi-formal na blouse at black jeans. Pinarisan ko ng itim na doll shoes. Tinali ko naman ang buhok ko pataas. Tumingin ako sa salamin at nang makita
data-p-id=9947c3f0af76c470ed98febbfcf078b8,style=text-align:left;,Kasalukuyan naglalakad sina Zek at Liah sa malaki at malawak na gubat ng Verona. Napagpasyahan nilang manatili muna sa Venora hanggang sa ipanganak ang anak nila. data-p-id=cce39fd6cdeaf50ecd31cb9bb3260011,” “Mahal, may pangalan ka na bang naiisip?” tanong ni Liah sa kaniyang kabiyak, habang namamasyal sila sa gubat, sariwa ang hangin kaya hindi nila napansin na napapalayo na sila sa kanilang teritoryo. ~~ data-p-id=1dec03f429b502669881f6472c170218,~~*~***~ -Flash back- data-p-id=3cc935aa2090d65dc573dcc81fc4454b, “Mahal na Reyna, wala na ba tayong magagawa para mabuhay si Zek?” tanong ni Tara, sa mahal na reyna na malalim ang iniisip. data-p-id=1e9bfeeeeeb0554818f75cd4fd490b6c,” “Tama, Tara!” bulalas ng reyna. “Mabubuhay ang namatay ―kapag namatay ito dahil sa salamangka o pinatay siya gamit ang salamangka. Pero dapat namatay siya sa pagsasakrapisyo para sa minamahal. Pero kapag ang tao pinatay ng D
Chapter 66 Nanghina nang husto si Zek nang makita ang pagdanak ng dugo, na halos hindi na makita ang lupa sa sobrang pag-apaw ng pulang likido. Kaunti na rin ang nakikita niyang nakatayong sundalo niya. Nawawalan na siya ng pag-asa na mailigtas ang kaniyang kaharian. Habang si Liah ay nakikita niyang lumalapit sa kaniya. Bigla naman kumulo ang kaniyang dugo sa galit, nakita niyang tila nag-iba ang anyo ng mukha nito. Naging maamo at nakikita na niya ang dating ganda ng mga mata nito, at ang inosenteng katauhan nito. Pero hindi niya maipagkakaila ang galit at poot na nararamdaman niya para dito. Nais niya itong patayin at pugutan ng ulo. Pero tila isang hangin na nawala lahat ng galit niya nang marinig nito ang boses ng babaeng mahal niya. Ito ang tunog ng boses niya nang una niyang marinig. “E-ezekiel, M-mahal ko,” saad ng dalaga. Naantig naman ang puso ng binata. “U-umalis ka na, Mahal ko. Pakiusap, umalis ka na,” nagsusumamong wika ng dalaga. Hindi malaman ni Zek kung maniniwala s
Chapter 65Habang patuloy silang naglalakbay, natanaw ng isang sundalo ni Zek na malapit na sila sa kabundukan ng Zeon, nang biglang may nakita silang mga anino sa ‘di kalayuan. Nagsenyas naman siya na tumigil sa paglalakad at sumigaw ito na humanda dahil may paparating. Agad naman na tinignan ng kasama niyang pantas kung ano o sino ang sumasalubong sa kanila. Gano’n na lang ang kaniyang gulat nang napagtanto niya na aswang ang mga ito. Agad na sumigaw ang pantas na ihanda ang mga pana.Kumuha naman ng teleskopyo si Zek para tignan ang nasa unahan. Gano’n na lamang ang kaniyang gulat nang makita ang mga nilalang kasama ang iba’t-ibang mangkukulam at mas lalong siyang nagulat nang makita ang isang pamilyar na babae, ito ang nangunguna sa lahat. Ito ang nag-uutos sa mga kasama na sumugod sa kanilang gawi. Nanlulumo naman niyang binitawan ang gamit niya, hindi niya alam ang gagawin kung kakalabanin niya ba ang babaeng mahal na mahal niya o haharapin ng buong tapang. Pero mas umaapaw ang
Chapter 64Hinanap ni Zek ang dalaga sa buong paligid pero ni anino ni Liah ay hindi niya nakita. Napa-isip siya tuloy kung panaginip lang ba ang nangyari kahapon? Sa sobrang lungkot, dismaya, pagod, pag-aalala at sobrang pangungulila niya sa dalaga ay naisip niyang ilusyon lang ba ang lahat? Napahilamos siya ng kaniyang mukha sa sobrang pagkabalisa. Gano’n pa man ay patuloy pa rin ang paghahanap niya sa buong palasyo. Kung sino-sino na ang kaniyang tinanong pero ni isa ay walang nakakita sa dalaga. Halos mabaliw na siya sa paghahanap.“Siguro ay ilusyon lang lahat ang nangyari,” aniya sa kaniyang sarili. Hindi na niya pinilit pa na makita ang dalaga, kailangan na nilang lumikas bago sumalakay muli ang mga masasamang nilalang. Bilang susunod na hari ay kailangan niyang patatagin ang sarili at malampasan ang lahat ng pagsubok. Tungkulin niyang pangalagaan ang mga tao.~**~
Chapter 63 “Huminahon ka, Atlas. May mga bisita tayo,” awat ng babae sa kaniyang asawa. Natauhan naman ang Alpha at agad na kumalma. Huminga ito nang malamin at kinuyom na lamang mga kamao. Napalunok naman ng laway si Tara, dahil pakiramdam niya ay siya ang may dahilan bakit nalaman ng pinuno ang nangyari sa anak nito. “Pumasok na muna sa iyong silid, Cyenthia,” ani ng ina nito. “Opo, Ina.” Agad siyang humakbang nang nakayuko at tumalikod, bakas ang sakit at hiya sa kaniyang buong mukha. “Humihingi po ako ng kapatawaran sa aking kalapastangan, Mahal na Pinuno,” ani naman ni Tara na hindi mapigilan ang kaba, nakayuko itong humihingi ng tawad sa mag-asawa. “Hindi mo kasalanan ang nangyari, Pantas. Sapagkat ay ikaw ang naging daan para malaman namin ang kaniyang kondisyon, hindi man lang namin na amoy na nagdadalang-tao pala siya
Verona Nasa bukana na sila ng teritoryo ng mga De Arcon, ngunit hindipa rinmapigilan ni Airah ang kabahan. Hinihintay nilang bumalik si Tara, ilan sandali pa ay humihingal na bumalik ang pantas,na pinagtaka ng dalawa, pawis na pawis ito at balisang-balisa. “Tara? Anong nangyayari sa iyo? Bakit ka pawis at nababalisa?” “Hindi ko nakita si Liah, Kamahalan. Pero sa tingin ko may hindi tama sa mga nangyayari.” “Anong ibig mong sabihin, Tamara?” alalang tanong ni Airah. “Sa ngayon hindi ko pa masasagot pero may hinala akong may gumagamit sa katawan ng prinsesa.” “Ano?!” bulalas ng dalawa. “Kailangan na natin humungi ng tulong sa mga De Arcon, dahil hindi ako maaring magkamali, may digmaan na darating.”
Napaluha si Zek nang makita niyang nawalan ng malay ang kaniyang kapatid at duguan ang kanan palad nito. Parang dinurong ang kaniyang puso sa kaniyang nakikita. Hindi rin mapigilan ang pagtawa ng bruha dahil sa nakikitang niyang sakit mula sa kapatid ng dalaga. Tila nagbibigay ito ng lakas sa kaniya. “Pakawalan mo ang kapatid ko! Magbabayad ka!” galit na sigaw ni Zek. Pero hindi man lang siya pinansin ng bruha. Samantala naghahanap ng tyempo si Uno para makulong ang bruha sa ginawa niyang bitag. Kailangan mapigilan ang pagsasagawa ng ritwal dahil kung hindi ay maapektuhan ang daloy ng panahon. Maaaring masira ang kaharian nila. Hinalo ng bruha ang dugo ni Ezra sa kaniyang dugo. Ilan sandali pa ay tumingin ang bruha sa kinaruruunan ni Zek, ngumiti ito nang nakakaloko na parang may binabalak itong gawin sa binata. Pero dahil nasa loob siya ng apoy ay hindi ito makalapit nang tuluyan. Muli itong nagsalita sa ibang lenggwahe a
Chapter 60 Nanginginig na ang mga kalamnan ni Erza sa sobrang kaba. Hindi na niya rin alam ang gagawin, nakikita na rin niya ang takot sa mukha ng kaniyang mga kasama. Pilit niyang pinatatag ang kaniyang sarili at hinahanap ang pag-asang matagpuan sila ng kaniyang kuya. Dahil nauubusan na siya ng panalangin. “Kuya, nasaan ka na?” mahinang bulong niya. Umaasang biglang dumating ang kuya niya. Muntik na siyang mapatalon nang maramdaman ang init na gumapang sa kaniyang kamay. Nang napalingon siya ay nakita niya si Marcus na nasa tabi na niya, at hawak ang kaniyang kamay. Napalunok siya ng laway at naramdaman niya ang pag-init ng kaniyang mga pisngi. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba, isang kuryenteng dumaloy mula sa kaniyang tiyan papunta sa kaniyang dibdib. Biglang nag-iba ang paningin niya sa lalaki. “A-ayos ka lang ba?” utal na tanong ni Marcus. “O-oo. Salamat,” Tila tumigil ang oras at hindi na nila namalayan na tuluyan nang nakalapit ang bruha sa kanila. At isang sigaw ang nari
Naging mahirap para kay Lusiana na matalo ang pantas. Nahihirapan siyang makatakas sa mahika nito. Pero kailangan niyang makatakas sa pantas ng mga Serano, at mahabol ang mga maharlika. Kaya binuhos na niya ang buo niyang lakas. Isang malaking apoy na bola ang kaniyang ginawa, kaniya itong ihinagis sa pantas. Nakaiwas ito pero natamaan ang kaniyang kaliwang braso. Natumba ito at sa lakas ng kaniyang pagkatumba at nawalan ito ng malay. At iyon ang nakitang pagkakataon ni Lusiana para makatakas. Naamoy niya ang amoy ng mga maharlika. Nang biglang may tumawag kaniya. Tinatawag siya ng kaniyang asawa sa pamamagitan ng isip. Nanghihingi ito ng tulong. Pero dahil kailangan niyang makuha ang mga bihag ay inuna niyang hanapin ang mga ito, hindi na niya pinansin ang sigaw ng kaniyang asawa. Sa kabilang banda naman ay narinig niya ang mga yapak ng mga bata. Malapit sa gu