GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales

GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales

last updateLast Updated : 2022-05-31
By:  GHIEbeloved  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
6
2 ratings. 2 reviews
124Chapters
13.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Isang binatang nagngangalang Hagan Agustino ang dinala ng kanyang kapalaran sa mundong ni sa panaginip ay ayaw niyang paniwalaan. At ito ay ang mundo ng Gaia, o ang nakatagong mundo para sa mga kakaibang nilalang at alamat sa libro. Ang misyon niya roo'y bantayan ang pinakabatang myembro ng m

View More

Latest chapter

Free Preview

PROLOGUE

“La, ano po ang diwata?” walang muwang kong tanong ko habang sinisimot ang ang gatas na itinimpla sa akin ni Lola. Ngunit natakot ako nang biglang itinigil ni ate Soledad ang paghihimay ng malunggay at gulat na napalingon sa'kin. “Hagan! Saan mo iyan narinig?” sigaw nito nang may nagbabagang mga mata. Nakita ni Lola ang pagkatakot ko sa reaksyong iyon ni Ate. Kaya naman tinabihan ako nito at marahang hinawakan ang magkabila kong balikat. Hindi ko maintindihan. Bakas din sa mga mata nito ang pagaalala. “Apo, s-saan mo narinig ang bagay na iyan? Lumabas ka ba ng bahay?” “H-Hindi p-po. Lagi ko pong sinusunod ang bilin niyo na huwag akong lalabas ng bahay o ang makipaglaro sa mga bata sa labas,” mangiyak-ngiyak kong tugon. “Eh saan mo iyan narinig?!” Naiyak akong lal

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Juanmarcuz Padilla
i love fantasy
2024-02-26 17:21:48
0
user avatar
Oliver Eludo
Ang gulo ng mga episode pabalik balik, lutang yata Ang ng sulat
2023-10-25 20:25:59
0
124 Chapters

PROLOGUE

    “La, ano po ang diwata?” walang muwang kong tanong ko habang sinisimot ang ang gatas na itinimpla sa akin ni Lola.    Ngunit natakot ako nang biglang itinigil ni ate Soledad ang paghihimay ng malunggay at gulat na napalingon sa'kin.     “Hagan! Saan mo iyan narinig?” sigaw nito nang may nagbabagang mga mata.     Nakita ni Lola ang pagkatakot ko sa reaksyong iyon ni Ate. Kaya naman tinabihan ako nito at marahang hinawakan ang magkabila kong balikat.  Hindi ko maintindihan. Bakas din sa mga mata nito ang pagaalala.     “Apo, s-saan mo narinig ang bagay na iyan?  Lumabas ka ba ng bahay?”    “H-Hindi p-po. Lagi ko pong sinusunod ang bilin niyo na huwag akong lalabas ng bahay o ang makipaglaro sa mga bata sa labas,” mangiyak-ngiyak kong tugon.     “Eh saan mo iyan narinig?!” Naiyak akong lal
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

KABANATA 1 : Gravesend

“PAGALINGIN niyo po ang Lola ko, Dok. Please gawin niyo po ang lahat para mailigtas siya, nagmamakaawa ako,” luhod ko sa nagiisang doktor ng ospital sa aming baryo. Hindi ko na malaman ang gagawin. Bigla na lang umatake ang sakit sa puso ng Lola. At hindi ko na kakayanin pa kung maging siya ay mawala pa sa akin.Ilang buwan pa lang noong nawala si Lolo. Pero huwag namang pati si Lola... Nagmamakaawa ako. “Pero, Iho. Kailangan niyo ng malaking halaga para maisagawa ang operasyon. Dahil hindi kayang sagutin ng ospital na ito ang pagpapa-opera sa Lola mo,” sagot nito sa akin na ikinapantig ng tainga ko. Puro na lang ba pera!? Sa pera na lang ba talaga nakasalalay ang buhay ng tao ngayon?! “Magkano ba?! Magkano ang kailangan ng ospital na 'to para lang asikasuhin niyo ang Lola ko?” Tuluyan nang nanginig ang kalamnan ko sa galit. “Hindi kaya ng kagaya niyong alipin ang salaping kailangan para mapagaling ang Lola mo. Kaya naman suhestyon kong ilipat mo na lamang siya ng os—” Napatigi
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

KABANATA 2 : Golden eyes

Third Person's Point of View    “TUMIGIL KA! Ang nakatakda ay nakatakda! Ngunit kung hindi magbabago ang tadhana at tuluyang maisakatuparan ni Morriban ang propesiya'y wala na akong ibang rason para buhayin pa siya!” Malakas at nakakatakot na boses ang pumailanlang sa buong silid. Galing ito sa pinakamatandang myembro sa pamilya ng Gravesend, si Artimus. Sinasabayan ito ng pagkislap ng pula nitong mga mata. Bagay na ikinadagundong ng buong mansyon at nakagawa ng malakas na paglindol sa karatig-baryo.    Ikinaatras iyon ni Morriban, na hindi sinasadyang mapadaan sa silid kung saan nagpupulong ang mga nakakatanda. Mangilang segundo itong napatulala sa nalaman ngunit nang matauha'y lumuluha itong napaatras at dali-daling tumakbo pabalik sa kanyang silid.     Naging hudyat iyon upang tuluyang putulin ng lalaking nagmamay-ari ng puting mga mata ang kanyang pananahimik. Alam ni Luther na wala na ang dalagang nakikinig sa kanila bagay na agad
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

KABANATA 3 : Follow her

Third Person's Point of View    “How many times do I have to tell you na hindi ka maaring lumabas dito lalo na kapag kumagat na ang dilim?!  Seriously, Morriban?! Nakikinig ka ba talaga sa'kin?!” Niyanig ng sigaw na iyon ni Artimus ang dalagang ni ang matinag o ang matakot dito'y hindi na tinablan. Nagliliwanag na sa galit ang mga mata ni Artimus, ngunit nanatili siyang tikom.     Dahil sa galit ay mahigpit nitong hinawakan ang balikat ng dalaga.     “Tell me!  Where have you been last night,  Morri?!” Ngunit agad itong natigil nang pigilan siya ng isang kamay.     “Tss stop it, Art. Sumusobra ka na, nasasaktan na si Morri sa ginagawa mo,” awat ng isa pa sa mga Diety na si Quillon. Tulad ni Artimus, ay nagliliwanag din ang mga mata nito sa asul nitong kulay. Katangian ng mga Diety na lumalabas lamang kapag sila ay nagagalit o nagpapakita ng kanilang epikong kapangyarihan.    “Anong tu
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

KABANATA 4 : GAIA

    Napatigil ako sa mga katagang iyon. Hindi dahil sa takot sa taas ng boses niya. Kung hindi dahil sa isang gintong tungkod na niluwa ng lupa sa tapat ng kamay nito na agad nitong hinawakan.    Para akong mabingi matapos iyon dahil hindi na ako makapagsalita pa. Hindi maayos nairerehistro ng utak ko ang lahat nang nakikita ko mula kanina. At natatakot akong tanggapin na totoo rin ang mga binibitawan nitong salita.     Tumalikod ito sa akin dala-dala ang kumikinang na gintong tungkod. Humarap ito sa gawi ng burol kung nasaan ang gubat. May isang malaki at matandang puno ng balete roon na nakakakilabot pagmasdan.    “Batid kong napansin mo ang walang hanggang sakop ng kagubatan kanina,” pagiiba nito ng usapan. “Hinahati ng isang linya ng kagubatang ito ang baryo kung saan kayo naninirahan,” tuloy pa nito habang papalapit nang papalapit sa balete.    Tinanaw ko muli ang tinutukoy ni
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

KABANATA 5 : Andreas and Denzell

  “Kung gusto mong makalabas ng buhay sa mundong ito, matuto kang makinig at alamin ang kinalalagyan mo. Isa ka lamang mortal. At ipapaalala ko sa'yo na isang pabor ang dahilan kung bakit ka nasa lugar na ito,” tuluyan nitong alis sa harapan ko kasabay ang marahas na pagsarado sa pintuan.    Dahil sa prustasyo'y nasipa ko na lamang ang kama sa likuran ko. Naiinis ako sa katotohanang wala akong karapatang tumanggi sa utos ng kahit na sino! Alam nilang wala akong magagawa! Dahil nakasalalay ang buhay ng lola ko sa lahat ng ikikilos ko!    “Lola...” bulong ko sa hangin.    Bagsak-balikat kong nilakad ang pinakamalapit na bintana para buksan ito. Binuhat ko ang isang silya at hinayaan kong pumasok ang malakas na hangin mula sa labas. Umupo lang ako roon at pinagmasdan ang kalangitang unti-unting nababalot ng kadiliman.     Marahan kong kinuha sa bulsa ko ang lasog-lasog nang pitaka at kinuha roon ang nag-iisa at pinakaiin
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

KABANATA 6: The Four Kingdom

Hagan's Point of View    Ang balyenang nakita ko.    Hindi kaya...    "Taglay ng mga simbolong iyan ang apat na kahariang kinabibilangan ng mga nilalang batay sa kung saang elemento sila nabibilang." Pagpapatuloy nito sa pagpapaliwanag na sinabayan ng paglitaw ng kahariang may abuhing watawat sa screen. Ang nilalang na nakaburda sa watawat nito'y isang puting ibon na may mahabang buntot at malawak na pakpak.     "Aeras. Ang kahariang may pinakamataas na antas sa apat na kaharian. Dahil ito sa taglay na kakayahan at katalinuhan ng mga naninirahan doon. At karamihan sa kanila'y may kakayahang lumipad."    Isang video ang ipinakita nito kung saan kita ang buong kaharian ng Aeras. At hindi ko maiwasang mamangha sa lugar na iyon.    Ang kaharia'y naka-pwesto sa matayog at malawak na talampas sa gitna ng nagtataasang kabundukan. Agaw pansin doom ang isang puti at maliit na bersyon ng palasyo tulad
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

KABANATA 7: Morriban

    "Ang mga Fairy.  Sila ang mga naliliit na bersyon ng mga Diwata. Sila naman ang mga taga-pangalaga ng mga kahalamanan. Noon ay napakaraming Fairy sa Gaia. Ngunit palaon nang palaon ay kumokonti na ang populasyon ng mga ito. Hanggang sa isang pamilya na lamang ang natira sa kanila."    Napatingin akong agad sa mata ni Nelson sa pagkakataong iyon. Pinipilit hanapin ang sagot sa konklusyong nabuo sa aking isip.      Pero ang lumbay nitong mga mata lang ang naisagot nito sa akin.     "You've meet the three of them this morning, Hagan. The Last generation of Faries.  The Flordelina trio," usal nito na ikinatigil ko.     "Bakit anong nangyari?" Hindi ko mapigilang tanong.    Hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng galit. Pero napakababait ng mga Fairy. Nagawa nila akong bantayan kahit hindi nila alam kung sino ako. Likas silang mabubuti. Pero paanong naubos ang ganoong
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 8 : Deal

Hagan's Point of View    Napatigil si Morriban sa huling katagang sinabi ko. Ang matalas ngunit malungkot nitong mga mata'y nawalan ng buhay na ikinaatras ko.    May kung anong bagay ang meron sa mga tinging iyon. Malayo ito sa mga matang mayroon si Gertrude noong nanigas ako sa kinatatayuan ko sa takot. Pero ang mga tingin ni Morriban. Tila ba, inuubos nito ang hangin sa paligid ko na nakapagsasanhi ng pagkakapos ko sa hangin.    "Isang mortal ang nakatakdang protektahan ako?" walang pagkurap nitong tanong sa kanyang sarili na sinundan ng kanyang pagyuko at nakakikilabot nitong pagtawa.    Makailang sandali pa'y tinapunan muli ako nito ng hindi makapaniwalang tingin at binalik sa akin ang walang buhay nitong mga mata.    "Hindi ko kailangan ng kahit na anong proteksyon mula sa kahit na sino... lalong-lalo na sa isang hamak na mortal kagaya mo," dahan-dahan nitong komento na ikinapantig ng tainga ko. Hamak na mort
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Kabanata 9: Egor

    "E-Egor?" Bulalas kong tigil na agad nitong ikinangiti sa akin.    Egor, ang isa sa apat na Elders ng apat na kaharian. Ang mga nilalang na katumbas na ng mga hari. Ang mga pinuno ng apat na angkang unang naging residente ng Gaia.  At siya... ang malupit na Egor na manlilipol ng mga mortal!     Naging alerto ako sa kapahamakang napasok ko. Mahigpit na iniyukom ang kamao at isang beses na umatras mula sa mapanganib na matanda. Ngunit mas lalo akong naging alisto nang kumunot ang noo nito't pinanliitan ako ng mata, na para bang may sinisipat sa leeg ko.     Marahan ako nitong nilapitan. Inangat ang kanyang tungkod at kunot noong itinutok iyon sa leeg ko. Bagay na bahagya kong ikinailag, ngunit ang marahas na pagbukas ng pinto'y ikinatigil din nito.     "Hagan!"    Sigaw ng kung sino sa likuran ko na sa isang iglap ay nasa harapan ko na.    Isang pamilyar na likuran ng
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
DMCA.com Protection Status