"E-Egor?" Bulalas kong tigil na agad nitong ikinangiti sa akin.
Egor, ang isa sa apat na Elders ng apat na kaharian. Ang mga nilalang na katumbas na ng mga hari. Ang mga pinuno ng apat na angkang unang naging residente ng Gaia. At siya... ang malupit na Egor na manlilipol ng mga mortal! Naging alerto ako sa kapahamakang napasok ko. Mahigpit na iniyukom ang kamao at isang beses na umatras mula sa mapanganib na matanda. Ngunit mas lalo akong naging alisto nang kumunot ang noo nito't pinanliitan ako ng mata, na para bang may sinisipat sa leeg ko. Marahan ako nitong nilapitan. Inangat ang kanyang tungkod at kunot noong itinutok iyon sa leeg ko. Bagay na bahagya kong ikinailag, ngunit ang marahas na pagbukas ng pinto'y ikinatigil din nito. "Hagan!" Sigaw ng kung sino sa likuran ko na sa isang iglap ay nasa harapan ko na. Isang pamilyar na likuran ng lalaki ang pumagitan sa amin ni Egor habang pigil-pigil ang puting tungkod nito. "Egor. Ipagpaumanhin mo ang kung ano mang kalapastanganang ginawa ng binatang ito," pakikiusap nito dito sa mabilis at kalmadong tono. Kay Nelson ang boses na iyon. Hindi ako maaring magkamali. Pero ang hinintay kong sagot nito'y hinalilinan ng kanyang mahina at matandang tawa. "Nagkakamali ka, Lord Nelson. May gusto lamang akong siguraduhin bago ko tanggapin bilang kaisa ng Dasos ang mortal." Ang ngiti ni Egor ay hindi nagbago. Alam kong ang hatid na kapahamakan nito sa isang gaya ko, gaya ng nasasabi sa aklat. Ngunit sa hindi malamang dahila'y humapdi ang leeg ko. Tila may kung anong pumapaso rito na mahigpit kong hinawakan. Mabilis akong hinarap ni Lord Nelson dahil sa pakiusap ng matanda. Lord pala ang tawag sa kanilang mga diyos dito ng Gaia. Pansin ko ang namuong pawis sa noo nito habang pinanlalakihan ako ng kanyang mata. "Ano ba kasing ginawa mo?" mariin nitong bulong. Rinig ko sa tono nito ang pagaalala pero kibit-balikat ko lang itong tinugon. Wala akong alam. Matapos nito'y tumabi na ito't binigyang daan ang matandang Egor para makalapit sa akin. Gaya kanina'y dumeretso lang ang mga kamay nitong mahahaba sa aking leeg. Tila matandang sanga ng puno ang daliri nito. May napakahahaba at nangungutim na kuko. At ngiwi akong napatingala nang sundutin nito ang aking leeg sa ibabang bahagi ng tenga ko Ang balat ko? Anong mayroon sa balat na mana ko pa kay Lola? Mayroon ding ganitong balat si Ate Soledad na ang pamilya lamang namin ang mayroon. Sinubukan kong tignan ang mga mata ni Elder Egor dahil pariin nang pariin ang kukuko nito sa leeg ko. Pero ilan pang sandali'y binawi na niya ito't nginitian ako. Bagay na sinagot ko nang kunot kong noo habang tangan-tangan ang parte ng leeg kong tinusok niya. Pero kasabay rin niyon ang pagkawala ng mainit na pakiramdam sa leeg ko.Anong nangyayari?
"Tinatanggap ko na ang binatang ito bilang kaanib ng Dasos. Siya na rin ba ang dalagang makakasama niya?" Lumagpas ang tingin ng matanda sa likuran ko.
Bagay na ikinalingon ko rin at ikinagulat ko nang magtama ang mga mata namin Morriban. Gaya nang nauna'y tinapunan ako nito ng walang buhay nuyang mga mata at ikinaiwas ko iyon. Ayokong may kagalit ako, pero hindi talaga maganda ang timpla ng babaeng ito. Katulad ko'y nilapitan din ni Egor si Morriban. Ngunit nang makita ko ang matatalas na tingin ni Egor bago ako lampasa'y agad ko siyang sinundan para harangan sa kanyang dinaraanan. Hindi ko alam kung anong eksaktong dahilan ko sa ginagawa ko. Pero, mapanganib ang mga tingin niyang iyon kay Morriban! "Egor, siya si Morriban. Ang na-ikwento sa inyong dalaga ni Artimus noong huli niyong pagpupulong." Hindi ko na namalayan kung kailan napunta sa tabihan ko si Lord Nelson. Pero tila ba hinarangan din nito ang matanda. Pansin kong mas namawis ang noo nito at bakas ang kaba sa kanyang ekspresyon. "Morriban? Morriban... Tama Morriban! " Kaduda-dudang halakhak ng matanda at marahan na muling bumalik sa kanyang kinapwepwestuhan kanina. Sa ilang saglit na iyo'y ramdam ko ang pagtigil ng aking paghinga. Hindi ko alam, mapanganib ang mga tinging ipinamalas ng matanda kanina! Para siyang papatay! Pero bakit? Wala sa wisyo akong napalingon kay Morriban dahil sa nangyari. Kakakurap lang rin nito mula sa pagkakatulala. Kung gayo'y napansin niya rin... Matiim nitong kinagat ang kanyang labi't napatingin sa aking gawi. Muling kumunot ang noo nito't buong lakas akong binangga para lampasan. "Yes, Elder Egor. A-Ako Si Morriban Gravesend. At itinakda akong mapunta sa inyong pangangalaga, nawa'y tanggapin niyo rin ako sa kaharian ng Dasos." May kalakasan nitong hinto sa harapan nang nakaupong matanda na ikinagulat ko. Yumuko rin ito bilang paggalang sa nilalang na halos patayin na siya kanina! Pero dahil sa napagusapan naming dalawa kanina'y tahasan din akong tumabi dito't ginaya ang kanyang ginawa sa mas malakas na tinig. Hindi dapat ako magpatalo kay Morriban. At kung tama ako sa narinig ko, ako ay nakatakdang mapunta sa kaharian ng Dasos! Ang pinakagusto kong kaharian. "At ako naman si Dirt Agustino, isang mortal! Hindi lingid sa kaalaman ko na galit kayong mga nilalang ng Gaia sa aming lahi, nabasa ko ang lahat sa libro. Alam kong magiging mahirap para sa isang katulad ko ang manatili sa mundong ito. Ngunit nawa'y pahintulutan mo akong maging kaanib ng kaharian niyo."Natawa ang matanda sa inasta naming dalawa ni Morriban. Pero hindi nagtagal ay naging matalas at mapanukso ang mga ngiti nito.
"Isang Mortal at isang.... " Napakurap ako sa pagtigil na iyon ng matanda. Pansin ko ang mangilang pag-iling ni Lord Nelson sa kanya na nasa tabi lang namin. Lubos ko iyong ipagtatakha pero hindi na ni Egor pa tinuloy ang kanyang sinasabi. "Bilang mga bagong myembro ng kaharian ng Dasos, anong maipangangako niyo sa akin bilang katunayang hindi kayo tatalima sa akin maging sa Dasos?" Mapanukso nitong tanong at napaisip ako rito. Naunang sumagot si Morriban sa akin."Bilang bagong myembro ng inyong kaharia'y ipapangako ko ang katapatan ko sa inyo at sa Dasos. Maging pinakamagaling na estudyante sa Akademia upang bigyang parangal ang inyong kaharian. At bibigyan ko ng puwang sa akademia ang pagkakakilanlan ng Dasos! " Walang pagkurap na sagot ni Morriban na ikinabigla ko. Napangiti doon ang matanda, na ikinakaba ko dahil hindi ako sigurado kung magugustuhan rin ba nito ang isasagot ko. "Mataas, may paninindigan, at tuso ang iyong mga binitawang pangako, binibining Morriban. Nawa'y makamit mo nga iyang lahat nang may buong galak sa iyong sarili." Kita ko ang impit na buntong hininga ni Morriban dito. Tingin ko ri'y pasado na ito sa tanong ng matanda. Dahil hindi na ako nakararamdam ng panganib sa tingin niya dlnito. Pero nang oras na sa akin naman ito humarap ay tila kumislot ang daga sa dibdib ko. Paano kong malalamangan ang mga pangakong iyon ni Morriban? Nararapat ko iyong lampasan kung gustuhin kong makuha ang simpatya at tiwala ng matanda. Pero paano? Mataas ang posibilidad na magalit siya sa sagot na bumabagabag sa'kin. "Maging totoo ka sa sarili mo." Napangiti akong bigla, nang maalala ko ang katagang binitawan sa akin ni Lola matagal nang taon ang nakalilipas. Madalas ako nitong pangaralan sa mga bagay-bagay para sa ikauunlad ng aking sariling kaisipan at pagkatao. Tama, tama si Lola. Ano mang maging reaksyon ni Egor sa sagot ko. Kailangan ko pa ring magpakatotoo! Dahil ako ito, at ito ang tunay kong dahilan kung bakit ko na ginustong ituloy ang lahat ng ito."Bilang isa sa mga lahi ng mga nilalang na dahilan ng unti-unting pagkaubos ng inyong lahi. Pasan-pasan ko ang kasalanang kinabibilanhan ng mga mortal." Sinsero kong pangunguna. "Ngunit gusto kong itama ang lahat sa pagkakataong ito. Ang hangarin ng mga estudyante sa Akademia ay ang protektahan ang bawat nilalang ng Gaia maging ang aming mundo. Kaya gusto ko doong linangin ang aking sarili upang maging malaking tulong sa dalawang mundo. Gusto kong mapabilang sa mga taong nagiimbistiga sa mga halimaw na tinutukoy sa libro. Gusto kong itama ang mali ng mga tao, gusto kong magkaintindihan ang magkabilang panig. Gusto kong ibalik ang kapayapaan ng dalawang mundo na isa na lamang alamat sa libro. Dahil naniniwala ako na makakaya pa natin iyong mabalik." buong determinado kong dugtong namg hindi tinatanggal ang tingin sa matanda. Nang hindi iniisip pa ang takot sa magiging reaksyon nito.
Ito ang gusto ko, ang wala nang isang kagaya kong maipit sa ganitong gulo. Nilalang man ng Gaia ang may kasalanan sa nangyari sa Lola ko o nilalang na galing sa mga kalaban. Gusto ko iyong alamin at ayusin. Ayoko nang may naiipit na mga inusenteng nilalang dahil sa gulong nangyari matagal na panahon na ang nakakaaraan. Masyado nang malaki ang kinuha ng gulong iyon sa buhay ko. Ito ang dahilan kung bakit nawala sa akin si itay at si ate Soledad. At hindi ko hahayaang maging dahilan rin iyon ng pagkawala ng natitirang sa aking importanteng tao, ang Lola ko. Tama! Hindi ako papayag! Lalo na ngayong may magagawa na ako para sa kanila. Ito na lang ang nakikita kong solusyon upang mabigyang hustisya ang lahat. Ito lang.Hi, Hooooman! Thank you for supporting!
Nakita ko ang unti-unting panlilisik ng mata ng matanda. Bagay na ikaatras ko. Pero huli na nang mahigpit na ako nitong hinawakan sa magkabila kong balikat. "Naniniwala ka na kaya pang maibalik ang lahat sa normal? Ang isang kagaya mong mortal ay naisip ang bagay na iyon?" Giit nitong usig sa akin. Pero pinagpatuloy ko ang aking sinasabi. Nanatili ako sa aking paninindigan."Oo! Naniniwala ako! Naniniwala akong makakaya nating ibalik ang lahat kung magkakaroon tayo ng pagkakataong maipaintindi sa magkabilang panig ang katotohanan. Para wala nang madamay na inusenteng buhay! Para maging mapayapa na ang lahat! Gusto kong tapusin ang gulong mayroon sa dalawang mundo! At magagawa lang natin iyon kung magagapi natin ang mga halimaw na nakalathala sa mga aklat! Sa mga halimaw na naging mitsa para magsimula ang kaguluhan ng lahat!" giit ko na agad nitong ikinabitaw sa akin. Hinintay ko itong tumawa. Ngunit lumakad
Hagan Point of View "Ano bang nagawa ko! Bakit niyo ba ako pinapahirapan nang ganito?" buong paghihinagpis na sigaw ng isang lalakeng hindi pamilyar sa akin. Kasing dilim ng kalangitang pinagkaitan ng mga btuin ang buhok nito. May malalalim na mga mata, at marungis na panganagatawang sinasamahan ng lasog-lasog nitong damit. Sa harap nito'y nakatayo ang apat na nilalang ang mga paa'y nakalutang sa hangin. Nakatalikod ang mga ito sa akin. Ngunit sapat na ito para makita ang iba't-ibang liwanag na mayroon sa apat na nilalang na ito. Mga liwanag na animo'y mga apoy na hindi nakakasunog. Isang asul, sang puti, isang pula, at isang berdeng liwanag na akala mo'y nanggagaling rin sa kanilang mga kapa. Sinubukan kong lumakad sa kinaroroonan ng mga ito para sana makita kung sino sila. Ngunit nang tatangkain ko na'y hindi ko man lang mai-galaw ang mga paa ko. Anong nangyayari? Nasaan ako? Sino siya? Sino sila?
Tulalang nakababa ang binatang si Hagan sa karwahe. Manghang-mangha ito sa kanyang mga nakikita. Tila nalulula at hindi makapaniwala na nasa kanya nang harapan ang Dasos na nabasa niya lamang sa librong kanyang pinagaaralan sa aklatan ng mga Gravesend. Naghahawig ang kaharian ng Dasos sa baryong kinalakihan ni Hagan. Simple itong binubuo ng mga kabahayang gawa sa kamalig. May mga bahay na gawa sa pinagdikit-dikit na kawayan, may iba namang gawa sa sawali, at may bahay ring gawa sa pinatigas na putik. Iba-iba ang laki ng mga sambahayan batay sa kung anong klaseng nilalang ang nakatira rito. Ngunit pumapangibabaw sa lahat ang matayog na palasyong ang lokasyo'y nasa pinakasentro ng kaharian. "A-ako nga pala si A-Alek. A-ako ang napag-utusan ni Egor p-para kayo'y ihatid sa Sentral." Pansin ni Hagan ang panginginig ng nilalang na sumundo sa kanila. Bagay na agad nitong nginitian para maging komportable ito na hindi lang na
"Hagan?" Napakurap ako nang magsalita muli si Alek. Kita ko ang pagkabahala sa kanyang mga mata. Bagay na mabilis kong iniwasan at nilagpasan lamang ito ng tingin. Tinanaw ko si Morriban at mabilis itong nilapitan. Magkasalubong ang mga kilay nito, ngunit wala ko pa rin itong pasabing hinawakan sa magkabila niyang balikat. Buong alala itong sinipat hanggang ulo hanggang kanyang paa. "Ayos ka lang?" Binitawan ko ito't sinipat maging ang kanyang likuran. Hindi ako maaring magkamali. Gusto siyang siluin ng leon na iyon kanina. Ngunit imbis sa sagutin ako'y marahas lang nitong hinawi ang mga kamay ko. "Ano bang problema mo?" Galit ito at may matalas na mga tingin. Saka lang ako nabalik sa realidad. Oo nga, Hagan? Ano ba talagang problema mo? Hindi ba't kaaway ang tingin sa iyo ng babaeng ito? O dahil nalalapit lang talaga ang paguugali ni Morriban kay Ate Soledad? &n
Naningkit ang mga mata ng matandang si Egor nang mapansin ang komosyong nagaganap sa malapit sa tarangkahan. Kahit ilang daang taon na ang tanda nito ay malayo pa rin ang nararating ng kanyang mga paningin. Bagay na hindi katakha-takha dahil isa siyang Ent. Nabangga ng Guardian na si Soul ang binatang si Hagan kanina pa hinihintay ng matanda. Ngunit ang mas ikinatakha nito ay ang nakita niyang pagbabago sa reaksyon ng dalagang si Soul. Bagay na hindi normal para rito. Dahil kilala ang dalagang ito sa walang emosyong mga mata at pagkawala nitong damdamin. "Nariyan na pala ang hinihintay mong panauhin." ani ng maliit na itim na Fairy na si Kasim na nakaupo sa kanyang balikat. "Bumagay sa kanya ang kanyang anyo ngayon." Komento pa nito habang kinakain ang isang maliit na prutas galing sa hapagkainan sa Sentral na nakahatin sa apat na sulok ng lugar. Ngunit nanatiling hindi sumasagot ang matanda.
Pansin ko ang pagtahimik at pagkabigla ng lahat sa huling anunsyo ni Egor. Sabay-sabay ang mga itong napatingin kay Alek na akala mo’y may nagawa itong mali. Anong meron?“Siya na naman? Sigurado ba si Egor sa tinutukoy niya?” buong dismayang singhal ng isa sa kambal na lobo, ilang pagitan lamang ang layo nito sa kinapwe-pwestuhan ko.“I don’t see any problem with that.” Napakunot naman ako agad ng noo ko sa lakas ng boses na iyon ni Morriban. Ikinailing ko na lamang iyon.Pambihira. Hindi ba talaga mapipigilan ng isang ito ang pagsasabi ng opinyon niya? “Tama ang babaeng elf, Tyree. Ano naman nga kung makakasama ulit si Alek sa mga hinirang? Hindi ba’t mas maganda nga iyon at nabigyan siya ulit ng pagkakataong patunayan ang sarili sa Akademia?” sabat naman ng isa sa mga Orc na may
"May hirarkiya ang estudyente sa loob ng Akademia. Ang mga nilalang na nagmamay-ari ng kapang puti at pula ang pinakamatataas. Samantalang ang mga itim naman ang pinakamabababa."Kulay ang depinisyon ng hirarkiya sa Akademia?"Ang Dasos ay kabilang sa mga nilalang na may itim na kapa. Ang ibig sabihin ng itim sa mga estudyante ng Akademia ay mga alipin, talunan, at walang ambag o magagawa sa Akademia." Napatigil ako sa sinabi nito."Alipin?" kunot-noo kong bulalas.Tss Hanggang dito ba naman?"Oo, mga alipin. Saksi ako sa miserableng buhay ng mga nilalang ng Dasos sa loob ng Akademia. Ako lang talaga ang minalas-malas dahil nakabangga ko ang magkapatid na tinitingala ng lahat." Mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Alek habang diretsong nakatingin sa kawalan. Kitang-kita ko ang trauma sa madilim nitong mata na ik
Hating gabi na nang maalimpungatan ako dahil sa paghapdi ng balat ko sa leeg. Humahapdi na naman ito sa hindi malamang dahilan. Nagsimula ito simula nang pumasok ako sa Gaia. Marahan akong umayos sa pagkakaupo mula sa pagkakahiga sa sofa. Hindi ako makatulog ng maayos sa silid na ibinigay sa amin kanina. Hindi ako mapakali sa mga laman ko mula kay Alek at sa mga bagay na maaring mangyari sa Akademia. Binabalak ko na sanang tumayo at maginat nang may marinig akong pagkaluskos saitaas ng hagdan. Bagay na agad kong ikinalerto. Isang paggalaw ang sumunod dito. Kaunti ko lamang itong naaninag dahil sa madilim ang buong paligid. Rinig ko pa ang paghilik mula sa dalawang kwarto sa itaas na boluntaryo naming iniwanan ng bukas. Pero
Nang dumating ang grupo sa Nero ay agad silang nalapasok bilang mga ibang lahi. May pinainom s akanilang mapagpanggap na mga gamot upang magaya ang nga lahing kampi sa kanila. kaya namab agad nilang nakapasok sa Kaharian.Ngunit laking gulat ng mga ito na makita si Morriban na nasa tabi ng trono ng kalaban."Hagan? Anong ibig nitong sabihin?" Giit na sabe ni Tamara nang hindi napapansin ng mga kwarta sibil ng kaharian ng Nerro.Pero bago pa man sila masagot ni Hagan ay isang nalakas na hiyaw ang bumalot sa buong plaza.At ikinagulat nila nang makuha ng isang dambuhalang nilalang si Asya. Hawak hawak siya sa leeg nito na paulit ulir na humihingi nh tulong sa ating apat. "Asya! " Pinilit sanang magtago ng lahat nginit hindu mapigilan ni Mischa na hindi lumabas upang mailigtas ang kanyang kapatid. "Intruder!" sigaw ng mga maliliit na nilalang galing sa mga the wicked at nalaman nalang nila Hagan na napapaligiran na sila ng nga nilalang na hayok silang pagppatay patayin. "Mga lapastan
Third Person's Point of View"Pero kung titignan sino talaga ang may kamalian? " tanong ni Gavin kay Hagan hsbang tinatathan ang malamig na daan. "Ang monseho ang may kamalian dahim wala silang balak nilang iligtas si Morriban ay wala na. Wla ana dahim ano! DhIl s ang sandatang pinagawa s samin ni Sir Elisae."TUMIGIL KA! Ang nakatakda ay nakatakda! Ngunit kung hindi magbabago ang tadhana at tuluyang maisakatuparan ni Morriban ang propesiya'y wala na akong ibang rason para buhayin siya! " Malakas at nakakatakot na boses ang pumailanlang sa buong silid. Galing ito sa pinakamatandang myembro sa pamilya ng Gravesend, si Artimus. Galit na sinasabayan ng pagkislap ng pula nitong nga mata. Bagay na ikinadagundong ng buong mansyon at nakagawa ng malakas na paglindol.Ikinaatras iyon ni Morriban, na hindi sinasadyang mapadaan sa silid kung saan nagpupulong ang mga nakakatanda. Kanina pa ito nakikinig sa pagpupulong ng mga ito at hindi inaasahan ang mga maririnig. Mangilang segundo itong napa
Third Person person point of viewNakarinigv ng ingay patungk sa Kay Morriban si Hagan at gavin."Paanong ililigtas natin sila eh hindi naman nating magagawaNg itearidor ang sarili naging kalaban. Hinding hindi." Lugmok ang mga balikat na inunahan ni Hagan sa paglalakad si Gabin ng bbalik na ang mga ito sa head quarters.Ngunut ikinagulat ni Hagan ng pigilan siya ni Gavin."Sasama ako sa inyo. Iligtas natin si Morriban sa Nero."Tahimik naming sinundan ang dalawang Jinn kasabay si Alek. Bakas naman ang pagaalala ng mga naiwanan naming myembro dahil sa komosyong ginawa ng mga kawal ng konseho. Pero tonanguan ko lang naman si Mischa na nakasilip sa bintana upang kami ay tanawin bilang paalam. Wala naman kasi sigurong mangyayaring masama kung kakausapin man kami ng konseho. Dapat lang naman talaga nilang ipaliwanag sa amin ang lahat ng nangyari dahil kamuntik nang may masamang bagay ang mangyari kay Morriban. Isang karwahe ang nadatnan namin sa pagsunod namin sa dalawang Jinn. Isa iton
Hagan Point of View.Inis akong napatingin kay Gavin nang hilahin lang ako nitto kung saan. Hindi ko siya maintindihan. Ilang beses ko nang kinukuha ang braso ko mula sa kanyang mga kamay na halos kinababa na ng kanyang mga kuko dahil sa galit na alam kong ramdam niya. Kakaiba naman kasi talaga si Gavin. Kumpara sa kanyang kapatid na si Grant. Si Gavin ang pinakamatinong version nilang magkakakapatid. Pero ano ba ang iniisip ng isang itto? Ano ang sinasabi noyang kailangan kong harapin ang Konseho para lang mailigtas si Morriban? Hindi ba kayang ako na lamang ang kumilos?Kung maaari lang na ako na lamang ang kumilos ay ginawa ko na. Dahil ayoko na na may makpahamak pang kung sino sa kanila..Dahil sa inis ko ay marahas na akong huminto at pinigil si Gavin. Hindi ko na inalintana ang naging kalmot s aakin nito mula sa kanyang pagkakaladkad sa akin."Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya.Napadpad kami sa isang dungeon na hindi ko alam kung bakit naming pinupuntahan ngayon.Tumigil r
Third Person POV"Hagan!" Napakurap ang binatang si Hagan nang tawagin siya ng isang malakas na tinig.It was Tamara. Hindi na namalayan ni Hagan na nasa klase na sila kasama ang mga napiling Keeper. At kasama sila roon. Ngunit dahil sa pagkawala ni Morriban ay hindi na nakausap pa ng maayos si Hagan.Sinisisi nito ang kanyang sarili sa pagkawala ni Morriban sa kanya pang harapan. Ni wala itong nagawa sa harap ng kanilang mga kalaban, dahil tulad ng dati ay nanigas ito sa kanyang kinatatayuan gaya ng pagkakaagaw rin ng kalaban sa malay ng kanyang Lola."You know what, kung hindi ka magseseryoso, sana tinanggihan mo nalang ang karangalan mo para maging Keeper ng Gaia." Usal ni Grant habang patuloy na nagsusulat. Ikinagulat iyon ng lahat, Napuno ng tensyon ang kwarto dahil ramdam ng lahat ang seryosong aura ni Hagan simula nang mawala si Morriban. At walang nakakaalam kung kelan ito sasabog, dahil kung sumabog ito ay paniguradong ito ay magiging mapaminsala. Hanggang tahasang tumayo s
Third Person Point of View"Ito naman ang tinatawag na Mana. Ang klase ng aura na pwedeng gamitin sa lahat ng bagay gaya ng ginawa ko kanina."Nakatulala lang at walang maintindihan ang nga estudyante ni Eliasar sa kanyang mga sinasabi. Bagay na agad niyang ikinatingin sa gawi ng kanyang anak na si Eliot. Nagpakita ito ng pagkadismayang tingin sa anak. Pero nag kibit balikat lamang ito at ikinabuntong hininga ni Eliasar."I get it, kailangan niyo munang mabuksan ang mga mana point sa inyong mga mata, upang makita niyo at maintindihan niyo ang aking sinasabi at ituturo." Sabi nito sa lahat."Hagan, tama?" Mabolis na tinuro ng matanda si Hagan na nagitla rin naman."Yes sir!" Sagot nito."With no doubt, I know he already opened his mana point, pero sa nakikita ko ay hindi pa iyon gaanong bukas."Pagpapaliwanag ni Eliasar na naputol nang magtaas ng kamay si Morriban."But how can we obtain that skills? How can we open our mana point?" Asar nitong tanong dahil sa nararamdmaang ingit kay
Hagan Point of View"Paano mo ginawa iyon sir?" Bulalas na tanong ni Dalo nang mapaangat ni Mister Eliasae ang itak na nasa lagayan nito kahit hindi niya ito nilalapitan.Pero may kakaiba sa ginawa niyang iyon. I saw something between his moves. May kung anong bagay ang nagdugtong mula sa kanyang kamay hanggang sa sandatang iyon. Para iyong pisi na anino. At base sa nakita kong reaksyon ng mga kasamahan ko. Hindi nila ito nakikita."Walang pinagkaiba ang bagay na ito sa concentrated Aura na naituro sa inyo ng inyo ni Gremmy. Its the same thing, pero mas mataas nga lang itong lebel." Pagpapaliwanag nito sa amin hanggang sa magtana ang aming mga nata at tila may bumaril sa akin sa mga matang iyon. Na para bang nahuli niya ako sa akto.Pero imbis na mas lalo akong pakabahin ay agad nitong itinaas ang kanan nitong bahagi ng labi."One of you can understand what I am saying. Am I right, Hagan?" tanong nitong derekta sa akin na ikinanlaki ng nga mata mo."Ah-Ano po iyon?" Taranta kong tugon
Morriban’s Point of View Hindi ako makapagsalita hanggang ngayon na ginagamot ng isang simpleng katiwala ng mansyon ang aking mga sugat, habang pinapakain ako nito nang kung anong halaman upang mabalik ang lakas na nawala sa akin. Hindi ako makapagsalita at natutulala lang sa ginagawa sa akin kahit na alam ko sa loob ko na ang tipikal kong reaksyon sa ganitong sistema ay pagkairita. Ayaw na ayaw ko na iba ang humahawak sa akin bukod kay Ate Gertrude. Ayokong mga hamak na mabababang nilalang lamang ang magpagaling sa sa akin at natural ko iyong paguugali simula ako ay magka-isip. Pero ngayon ay wala akong magawa kung hindi matulala o miski ang makagalaw ay hindi ko magawa. What just happened earlier? How could he even do that in the middle of Quillon’s range? Pati ako ay natakot kay Quillon pero paano niya akong nagawang ialis sa ganoong sitwasyon? At isa pa, hindi ba’t pabor sa kanya ang hinihiling ni Quillon na isuko na ang pagaaral ko sa Akademia? Bakit hindi siya pumayag? Bakit
Nagsimula na ang araw ng pagtuturo ni Eliasar sa mga estudyante ng Dasos. He is not expecting much to them pero nakakakita siya ng kislap sa mga mata ng mga batang ito na naguudyok sa kanya lalo upang magturo. For he is seeing himself sa kanilang nga kabataan ngayon. Ng maging hayok sa pagkatuto at matuto para sa tamang dahilan. Unang namangha si Eliasar sa dalagang si Morriban. Dahil nakita agad nito ang pagsamo sa dalaga ng isang sandata upang ito ay kanyang gamitin.Hindi gaya ng mga paningin ng ibang nilalang. May espesyal na kakayahan ang mga kagaya ni Eliasar na bihasa sa paggamit at pagkontrol sa Mana o ng kanilang Aura.Dahil dito ay malayang nakikita ni Eliasar ang iba't-ibang mana na mayroon ang mga kabataang kaharap niya. At ang pinakamalakas na tila kumukuwala doon ay ang kay Morriban. Ang pinakamahina namang Mana na mayroon ay ang sa binatang si Hagan. Pero kakaiba ang Aura na mayroon si Hagan, dahil hindi sigurado si Eliasar sa tunay na katauhan ng binata. For elves h