Hagan Point of View
"Ano bang nagawa ko! Bakit niyo ba ako pinapahirapan nang ganito?" buong paghihinagpis na sigaw ng isang lalakeng hindi pamilyar sa akin. Kasing dilim ng kalangitang pinagkaitan ng mga btuin ang buhok nito. May malalalim na mga mata, at marungis na panganagatawang sinasamahan ng lasog-lasog nitong damit. Sa harap nito'y nakatayo ang apat na nilalang ang mga paa'y nakalutang sa hangin. Nakatalikod ang mga ito sa akin. Ngunit sapat na ito para makita ang iba't-ibang liwanag na mayroon sa apat na nilalang na ito. Mga liwanag na animo'y mga apoy na hindi nakakasunog. Isang asul, sang puti, isang pula, at isang berdeng liwanag na akala mo'y nanggagaling rin sa kanilang mga kapa. Sinubukan kong lumakad sa kinaroroonan ng mga ito para sana makita kung sino sila. Ngunit nang tatangkain ko na'y hindi ko man lang mai-galaw ang mga paa ko. Anong nangyayari? Nasaan ako? Sino siya? Sino sila?Hi Hoooman! Thank you for supporting GAIA AKADEMIA! Muahh
Tulalang nakababa ang binatang si Hagan sa karwahe. Manghang-mangha ito sa kanyang mga nakikita. Tila nalulula at hindi makapaniwala na nasa kanya nang harapan ang Dasos na nabasa niya lamang sa librong kanyang pinagaaralan sa aklatan ng mga Gravesend. Naghahawig ang kaharian ng Dasos sa baryong kinalakihan ni Hagan. Simple itong binubuo ng mga kabahayang gawa sa kamalig. May mga bahay na gawa sa pinagdikit-dikit na kawayan, may iba namang gawa sa sawali, at may bahay ring gawa sa pinatigas na putik. Iba-iba ang laki ng mga sambahayan batay sa kung anong klaseng nilalang ang nakatira rito. Ngunit pumapangibabaw sa lahat ang matayog na palasyong ang lokasyo'y nasa pinakasentro ng kaharian. "A-ako nga pala si A-Alek. A-ako ang napag-utusan ni Egor p-para kayo'y ihatid sa Sentral." Pansin ni Hagan ang panginginig ng nilalang na sumundo sa kanila. Bagay na agad nitong nginitian para maging komportable ito na hindi lang na
"Hagan?" Napakurap ako nang magsalita muli si Alek. Kita ko ang pagkabahala sa kanyang mga mata. Bagay na mabilis kong iniwasan at nilagpasan lamang ito ng tingin. Tinanaw ko si Morriban at mabilis itong nilapitan. Magkasalubong ang mga kilay nito, ngunit wala ko pa rin itong pasabing hinawakan sa magkabila niyang balikat. Buong alala itong sinipat hanggang ulo hanggang kanyang paa. "Ayos ka lang?" Binitawan ko ito't sinipat maging ang kanyang likuran. Hindi ako maaring magkamali. Gusto siyang siluin ng leon na iyon kanina. Ngunit imbis sa sagutin ako'y marahas lang nitong hinawi ang mga kamay ko. "Ano bang problema mo?" Galit ito at may matalas na mga tingin. Saka lang ako nabalik sa realidad. Oo nga, Hagan? Ano ba talagang problema mo? Hindi ba't kaaway ang tingin sa iyo ng babaeng ito? O dahil nalalapit lang talaga ang paguugali ni Morriban kay Ate Soledad? &n
Naningkit ang mga mata ng matandang si Egor nang mapansin ang komosyong nagaganap sa malapit sa tarangkahan. Kahit ilang daang taon na ang tanda nito ay malayo pa rin ang nararating ng kanyang mga paningin. Bagay na hindi katakha-takha dahil isa siyang Ent. Nabangga ng Guardian na si Soul ang binatang si Hagan kanina pa hinihintay ng matanda. Ngunit ang mas ikinatakha nito ay ang nakita niyang pagbabago sa reaksyon ng dalagang si Soul. Bagay na hindi normal para rito. Dahil kilala ang dalagang ito sa walang emosyong mga mata at pagkawala nitong damdamin. "Nariyan na pala ang hinihintay mong panauhin." ani ng maliit na itim na Fairy na si Kasim na nakaupo sa kanyang balikat. "Bumagay sa kanya ang kanyang anyo ngayon." Komento pa nito habang kinakain ang isang maliit na prutas galing sa hapagkainan sa Sentral na nakahatin sa apat na sulok ng lugar. Ngunit nanatiling hindi sumasagot ang matanda.
Pansin ko ang pagtahimik at pagkabigla ng lahat sa huling anunsyo ni Egor. Sabay-sabay ang mga itong napatingin kay Alek na akala mo’y may nagawa itong mali. Anong meron?“Siya na naman? Sigurado ba si Egor sa tinutukoy niya?” buong dismayang singhal ng isa sa kambal na lobo, ilang pagitan lamang ang layo nito sa kinapwe-pwestuhan ko.“I don’t see any problem with that.” Napakunot naman ako agad ng noo ko sa lakas ng boses na iyon ni Morriban. Ikinailing ko na lamang iyon.Pambihira. Hindi ba talaga mapipigilan ng isang ito ang pagsasabi ng opinyon niya? “Tama ang babaeng elf, Tyree. Ano naman nga kung makakasama ulit si Alek sa mga hinirang? Hindi ba’t mas maganda nga iyon at nabigyan siya ulit ng pagkakataong patunayan ang sarili sa Akademia?” sabat naman ng isa sa mga Orc na may
"May hirarkiya ang estudyente sa loob ng Akademia. Ang mga nilalang na nagmamay-ari ng kapang puti at pula ang pinakamatataas. Samantalang ang mga itim naman ang pinakamabababa."Kulay ang depinisyon ng hirarkiya sa Akademia?"Ang Dasos ay kabilang sa mga nilalang na may itim na kapa. Ang ibig sabihin ng itim sa mga estudyante ng Akademia ay mga alipin, talunan, at walang ambag o magagawa sa Akademia." Napatigil ako sa sinabi nito."Alipin?" kunot-noo kong bulalas.Tss Hanggang dito ba naman?"Oo, mga alipin. Saksi ako sa miserableng buhay ng mga nilalang ng Dasos sa loob ng Akademia. Ako lang talaga ang minalas-malas dahil nakabangga ko ang magkapatid na tinitingala ng lahat." Mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Alek habang diretsong nakatingin sa kawalan. Kitang-kita ko ang trauma sa madilim nitong mata na ik
Hating gabi na nang maalimpungatan ako dahil sa paghapdi ng balat ko sa leeg. Humahapdi na naman ito sa hindi malamang dahilan. Nagsimula ito simula nang pumasok ako sa Gaia. Marahan akong umayos sa pagkakaupo mula sa pagkakahiga sa sofa. Hindi ako makatulog ng maayos sa silid na ibinigay sa amin kanina. Hindi ako mapakali sa mga laman ko mula kay Alek at sa mga bagay na maaring mangyari sa Akademia. Binabalak ko na sanang tumayo at maginat nang may marinig akong pagkaluskos saitaas ng hagdan. Bagay na agad kong ikinalerto. Isang paggalaw ang sumunod dito. Kaunti ko lamang itong naaninag dahil sa madilim ang buong paligid. Rinig ko pa ang paghilik mula sa dalawang kwarto sa itaas na boluntaryo naming iniwanan ng bukas. Pero
Masaya akong nakitanaw sa masigabong pagpapalam sa amin ng mga taga Dasos. Ilan kaming nanatiling nakatayo iwinagayway ang kamay sa kanila hanggang sa tuluyan na namin silang hindi makita. Nagpatuloy lang sa paglalakad ang pagong na si Grump na tila naman kabisadong kabisado ang daan patungong Akademia. Hanggang sa kumunot ang noo ko nang makita kong papalapit kami nang papalapit sa gubat na tinutukoy ni Alek kagabi na Enchanted Forest. “Teka tama ba ang dinadaanan natin?” takot na takot na tanong ni Dima sa likuran. Marahil ay mas natanaw niya ang patutunguhan ni Grump dahil sa kanyang katangharan. “Alin?” tanong naman sa kanya ng katabing si Dallo. “Ang Enchanted Forest. Natatanaw ko ang Enchanted Forest. Doon patungo ang pagong.” May takot sa mga salitang iyon ni Dima. Inasahan ko ang konpirmasyon ni Alek sa nakitang direksyon ni Dima. Ngunit agad itong nakatay
Twenty minutes agoHagan Point of View“Sino ka!” sigaw ko nang makaramdam ako ng panganib nang sinundan ko ng tingin ang mga mata ni Morriban.Hindi ko rin alam kung namamalikmata lang ako pero kitang-kita ko ang isang kisapmatang paglitaw ng isang nilalang na nakatayo lang sa labas ng bilog na pomoprotekta sa amin.Ikinalerto rin iyon nang lahat at mabilis na humarap sa dereksyon kung nasaan ang nilalang na ngayon ay naglaho na naman. Pero alam kong naroon pa rin ito dahil may kung anong mabigat na bagay sa dibdib ko ang nagsasabing nasa panganib pa rin kaming lahat.Matinding napaangil ang kambal na lobo sa tabi ko. Sa tingin ko’y naamoy nila ang kalaban dahil gaya ng sabi ni Morriban ay matala ang mga pangamoy ng mga nilalang na ito. Dahil sa pangangamba ay mariin kong hinawakan si Morriban sa kamay nito. Hindi ko alam
Nang dumating ang grupo sa Nero ay agad silang nalapasok bilang mga ibang lahi. May pinainom s akanilang mapagpanggap na mga gamot upang magaya ang nga lahing kampi sa kanila. kaya namab agad nilang nakapasok sa Kaharian.Ngunit laking gulat ng mga ito na makita si Morriban na nasa tabi ng trono ng kalaban."Hagan? Anong ibig nitong sabihin?" Giit na sabe ni Tamara nang hindi napapansin ng mga kwarta sibil ng kaharian ng Nerro.Pero bago pa man sila masagot ni Hagan ay isang nalakas na hiyaw ang bumalot sa buong plaza.At ikinagulat nila nang makuha ng isang dambuhalang nilalang si Asya. Hawak hawak siya sa leeg nito na paulit ulir na humihingi nh tulong sa ating apat. "Asya! " Pinilit sanang magtago ng lahat nginit hindu mapigilan ni Mischa na hindi lumabas upang mailigtas ang kanyang kapatid. "Intruder!" sigaw ng mga maliliit na nilalang galing sa mga the wicked at nalaman nalang nila Hagan na napapaligiran na sila ng nga nilalang na hayok silang pagppatay patayin. "Mga lapastan
Third Person's Point of View"Pero kung titignan sino talaga ang may kamalian? " tanong ni Gavin kay Hagan hsbang tinatathan ang malamig na daan. "Ang monseho ang may kamalian dahim wala silang balak nilang iligtas si Morriban ay wala na. Wla ana dahim ano! DhIl s ang sandatang pinagawa s samin ni Sir Elisae."TUMIGIL KA! Ang nakatakda ay nakatakda! Ngunit kung hindi magbabago ang tadhana at tuluyang maisakatuparan ni Morriban ang propesiya'y wala na akong ibang rason para buhayin siya! " Malakas at nakakatakot na boses ang pumailanlang sa buong silid. Galing ito sa pinakamatandang myembro sa pamilya ng Gravesend, si Artimus. Galit na sinasabayan ng pagkislap ng pula nitong nga mata. Bagay na ikinadagundong ng buong mansyon at nakagawa ng malakas na paglindol.Ikinaatras iyon ni Morriban, na hindi sinasadyang mapadaan sa silid kung saan nagpupulong ang mga nakakatanda. Kanina pa ito nakikinig sa pagpupulong ng mga ito at hindi inaasahan ang mga maririnig. Mangilang segundo itong napa
Third Person person point of viewNakarinigv ng ingay patungk sa Kay Morriban si Hagan at gavin."Paanong ililigtas natin sila eh hindi naman nating magagawaNg itearidor ang sarili naging kalaban. Hinding hindi." Lugmok ang mga balikat na inunahan ni Hagan sa paglalakad si Gabin ng bbalik na ang mga ito sa head quarters.Ngunut ikinagulat ni Hagan ng pigilan siya ni Gavin."Sasama ako sa inyo. Iligtas natin si Morriban sa Nero."Tahimik naming sinundan ang dalawang Jinn kasabay si Alek. Bakas naman ang pagaalala ng mga naiwanan naming myembro dahil sa komosyong ginawa ng mga kawal ng konseho. Pero tonanguan ko lang naman si Mischa na nakasilip sa bintana upang kami ay tanawin bilang paalam. Wala naman kasi sigurong mangyayaring masama kung kakausapin man kami ng konseho. Dapat lang naman talaga nilang ipaliwanag sa amin ang lahat ng nangyari dahil kamuntik nang may masamang bagay ang mangyari kay Morriban. Isang karwahe ang nadatnan namin sa pagsunod namin sa dalawang Jinn. Isa iton
Hagan Point of View.Inis akong napatingin kay Gavin nang hilahin lang ako nitto kung saan. Hindi ko siya maintindihan. Ilang beses ko nang kinukuha ang braso ko mula sa kanyang mga kamay na halos kinababa na ng kanyang mga kuko dahil sa galit na alam kong ramdam niya. Kakaiba naman kasi talaga si Gavin. Kumpara sa kanyang kapatid na si Grant. Si Gavin ang pinakamatinong version nilang magkakakapatid. Pero ano ba ang iniisip ng isang itto? Ano ang sinasabi noyang kailangan kong harapin ang Konseho para lang mailigtas si Morriban? Hindi ba kayang ako na lamang ang kumilos?Kung maaari lang na ako na lamang ang kumilos ay ginawa ko na. Dahil ayoko na na may makpahamak pang kung sino sa kanila..Dahil sa inis ko ay marahas na akong huminto at pinigil si Gavin. Hindi ko na inalintana ang naging kalmot s aakin nito mula sa kanyang pagkakaladkad sa akin."Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya.Napadpad kami sa isang dungeon na hindi ko alam kung bakit naming pinupuntahan ngayon.Tumigil r
Third Person POV"Hagan!" Napakurap ang binatang si Hagan nang tawagin siya ng isang malakas na tinig.It was Tamara. Hindi na namalayan ni Hagan na nasa klase na sila kasama ang mga napiling Keeper. At kasama sila roon. Ngunit dahil sa pagkawala ni Morriban ay hindi na nakausap pa ng maayos si Hagan.Sinisisi nito ang kanyang sarili sa pagkawala ni Morriban sa kanya pang harapan. Ni wala itong nagawa sa harap ng kanilang mga kalaban, dahil tulad ng dati ay nanigas ito sa kanyang kinatatayuan gaya ng pagkakaagaw rin ng kalaban sa malay ng kanyang Lola."You know what, kung hindi ka magseseryoso, sana tinanggihan mo nalang ang karangalan mo para maging Keeper ng Gaia." Usal ni Grant habang patuloy na nagsusulat. Ikinagulat iyon ng lahat, Napuno ng tensyon ang kwarto dahil ramdam ng lahat ang seryosong aura ni Hagan simula nang mawala si Morriban. At walang nakakaalam kung kelan ito sasabog, dahil kung sumabog ito ay paniguradong ito ay magiging mapaminsala. Hanggang tahasang tumayo s
Third Person Point of View"Ito naman ang tinatawag na Mana. Ang klase ng aura na pwedeng gamitin sa lahat ng bagay gaya ng ginawa ko kanina."Nakatulala lang at walang maintindihan ang nga estudyante ni Eliasar sa kanyang mga sinasabi. Bagay na agad niyang ikinatingin sa gawi ng kanyang anak na si Eliot. Nagpakita ito ng pagkadismayang tingin sa anak. Pero nag kibit balikat lamang ito at ikinabuntong hininga ni Eliasar."I get it, kailangan niyo munang mabuksan ang mga mana point sa inyong mga mata, upang makita niyo at maintindihan niyo ang aking sinasabi at ituturo." Sabi nito sa lahat."Hagan, tama?" Mabolis na tinuro ng matanda si Hagan na nagitla rin naman."Yes sir!" Sagot nito."With no doubt, I know he already opened his mana point, pero sa nakikita ko ay hindi pa iyon gaanong bukas."Pagpapaliwanag ni Eliasar na naputol nang magtaas ng kamay si Morriban."But how can we obtain that skills? How can we open our mana point?" Asar nitong tanong dahil sa nararamdmaang ingit kay
Hagan Point of View"Paano mo ginawa iyon sir?" Bulalas na tanong ni Dalo nang mapaangat ni Mister Eliasae ang itak na nasa lagayan nito kahit hindi niya ito nilalapitan.Pero may kakaiba sa ginawa niyang iyon. I saw something between his moves. May kung anong bagay ang nagdugtong mula sa kanyang kamay hanggang sa sandatang iyon. Para iyong pisi na anino. At base sa nakita kong reaksyon ng mga kasamahan ko. Hindi nila ito nakikita."Walang pinagkaiba ang bagay na ito sa concentrated Aura na naituro sa inyo ng inyo ni Gremmy. Its the same thing, pero mas mataas nga lang itong lebel." Pagpapaliwanag nito sa amin hanggang sa magtana ang aming mga nata at tila may bumaril sa akin sa mga matang iyon. Na para bang nahuli niya ako sa akto.Pero imbis na mas lalo akong pakabahin ay agad nitong itinaas ang kanan nitong bahagi ng labi."One of you can understand what I am saying. Am I right, Hagan?" tanong nitong derekta sa akin na ikinanlaki ng nga mata mo."Ah-Ano po iyon?" Taranta kong tugon
Morriban’s Point of View Hindi ako makapagsalita hanggang ngayon na ginagamot ng isang simpleng katiwala ng mansyon ang aking mga sugat, habang pinapakain ako nito nang kung anong halaman upang mabalik ang lakas na nawala sa akin. Hindi ako makapagsalita at natutulala lang sa ginagawa sa akin kahit na alam ko sa loob ko na ang tipikal kong reaksyon sa ganitong sistema ay pagkairita. Ayaw na ayaw ko na iba ang humahawak sa akin bukod kay Ate Gertrude. Ayokong mga hamak na mabababang nilalang lamang ang magpagaling sa sa akin at natural ko iyong paguugali simula ako ay magka-isip. Pero ngayon ay wala akong magawa kung hindi matulala o miski ang makagalaw ay hindi ko magawa. What just happened earlier? How could he even do that in the middle of Quillon’s range? Pati ako ay natakot kay Quillon pero paano niya akong nagawang ialis sa ganoong sitwasyon? At isa pa, hindi ba’t pabor sa kanya ang hinihiling ni Quillon na isuko na ang pagaaral ko sa Akademia? Bakit hindi siya pumayag? Bakit
Nagsimula na ang araw ng pagtuturo ni Eliasar sa mga estudyante ng Dasos. He is not expecting much to them pero nakakakita siya ng kislap sa mga mata ng mga batang ito na naguudyok sa kanya lalo upang magturo. For he is seeing himself sa kanilang nga kabataan ngayon. Ng maging hayok sa pagkatuto at matuto para sa tamang dahilan. Unang namangha si Eliasar sa dalagang si Morriban. Dahil nakita agad nito ang pagsamo sa dalaga ng isang sandata upang ito ay kanyang gamitin.Hindi gaya ng mga paningin ng ibang nilalang. May espesyal na kakayahan ang mga kagaya ni Eliasar na bihasa sa paggamit at pagkontrol sa Mana o ng kanilang Aura.Dahil dito ay malayang nakikita ni Eliasar ang iba't-ibang mana na mayroon ang mga kabataang kaharap niya. At ang pinakamalakas na tila kumukuwala doon ay ang kay Morriban. Ang pinakamahina namang Mana na mayroon ay ang sa binatang si Hagan. Pero kakaiba ang Aura na mayroon si Hagan, dahil hindi sigurado si Eliasar sa tunay na katauhan ng binata. For elves h