“PAGALINGIN niyo po ang Lola ko, Dok. Please gawin niyo po ang lahat para mailigtas siya, nagmamakaawa ako,” luhod ko sa nagiisang doktor ng ospital sa aming baryo.
Hindi ko na malaman ang gagawin. Bigla na lang umatake ang sakit sa puso ng Lola. At hindi ko na kakayanin pa kung maging siya ay mawala pa sa akin.Ilang buwan pa lang noong nawala si Lolo.Pero huwag namang pati si Lola... Nagmamakaawa ako. “Pero, Iho. Kailangan niyo ng malaking halaga para maisagawa ang operasyon. Dahil hindi kayang sagutin ng ospital na ito ang pagpapa-opera sa Lola mo,” sagot nito sa akin na ikinapantig ng tainga ko. Puro na lang ba pera!? Sa pera na lang ba talaga nakasalalay ang buhay ng tao ngayon?! “Magkano ba?! Magkano ang kailangan ng ospital na 'to para lang asikasuhin niyo ang Lola ko?” Tuluyan nang nanginig ang kalamnan ko sa galit. “Hindi kaya ng kagaya niyong alipin ang salaping kailangan para mapagaling ang Lola mo. Kaya naman suhestyon kong ilipat mo na lamang siya ng os—” Napatigil ito nang tuluyang mandilim ang paningin ko sa mga walang kwentang salitang lumalabas sa bibig niya. Hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang kwelyo, “Kilala ang ospital na ito sa para sa mga taong may kumplikasyon sa puso. Tapos ngayon sasabihin mo sa'king ilipat ko ang Lola ko sa ibang ospital? Nagbibiro ka po ba?!” gigil kong sigaw. Ngunit sinagot lang ako nito ng mapanuyang mga ngiti. Pinilit nitong hawiin ang kamay ko. Pero dahil mas tagtag ako sa kanya ay hindi man lang ako nito natinag. “Hands off of me!” Pero hindi ko ito sinunod. "Pagalingin mo ang Lola ko o gagawa ako ng eskandalo sa lugar na ito!" Pagbabanta ko. Ngunit imbis na matakot ay humagalpak lang ito ng tawa. “Do what ever you want, Iho. Kung gusto mo talagang may kalagyan. Magsama-sama kayong mga dukha sa kabilang buhay!” Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapait sa harapan nito. Isa siya sa mga taong daig pa ang kahayupan kaysa sa aming mga walang pinagaralan. Dahil sa pagpantig ng tainga ko ko'y agad kong sinuntok ang panga nito. Na agad nitong ikinatumba at ikinaalarma ng mga Nurse at pasyente sa paligid.Wala akong pakielam! Walang karapatan ang kahit na sinong humatol sa buhay ng isang tao! “Naririnig mo ba ang sarili mo? Hindi ba't doktor ka? Ang trabaho mo ay ang gumamot ng pasyente at bigyan ito ng pag-asa para mabuhay! Hindi ang hayaan itong mamatay!” Natanaw ko na sa dulo ng pasilyo ng ospital ang ilang mga gwardya na may dala-dalang mga baril. Pero naagaw na naman ng doktor na ito ang atensyon ko nang marinig ko ang mahina nitong tawa. Akma ko sana ulit siyang susugurin nang tuluyan na nila akong mapigilan. Nagpumilit akong kumuwala pero masyado silang malalakas! Nakakuha ito ng pagkakataong makatayo at pinagpag ang nagusot nitong uniporme. Bagay na ikinanlisik lang ng mata ko. “We sold a lot of our property just to reach the place Im standing right now. And you poor thing doesn't deserve any of my service. At kung ipipilit mo pa ang gusto mo, wala na akong ibang magagawa kung hindi ang itapon kayo sa labas ng ospital na ito.” Pagmamataas nito at tuluyan among tinalikuran. Hind pwede. Hindi nagtatapos ng ganito ang buhay ni Lola! Hindi ako papayag. Nanghihina man ay mabilis kong sinulyapan ang Lola kong nakaratay sa isang lumang higaan. Kitang-kita ko sa mabagal na pagtaas at pagbaba ng kanyang dibdib ang kanyang paghihirap sa paghinga. At hindi ko na maatim na pagmasdan pa iyon. Hindi, La. Hindi ako papayag! “Sabihin mo! Sabihin mo kung magkano ang kailangan ng ospital na ito para madugtungan niyo lang ang buhay ng Lola ko. N-nagmamakaawa ako. Gagawa ako ng paraan..” luhod ko at wala ng nagawa ang mga gwardya kung hindi ang bitawan ako. Bakit kailangang maghirap ng ganito ang Lola? Bakit hindi na lang ako ang nagkasakit? Bakit sa kanya pa nangyari ito? Siya na lang ang mayroon ako. “Sampong milyon.” Agarang sagot ng doktor na nakapagpalaki ng husto sa mga mata ko. S-sampo? Sampong milyon? “Sampong milyon ang kailangan mong bayaran at kung hindi mo pa maibibigay miski ang kalahati nito bukas ay hindi na kayo makakapasok pa sa ospital na ito.” Tigil ng doktor sa paglalakad na hindi nagtagal ay umalis na rin. Tila ba nabingi ako sa narinig kong iyon. Sampong milyon, sampong milyon ang kailangan ng Lola ko para mabuhay. Sampong milyon.... Unti-unti nang nawala ang tao sa paligid hanggang sa kami na lang ang natira ni Lola. Nahahati sa manipis na kurtina ang bawat higaan ng pasyente sa silid na ito. Mga pasyenteng kapos kagaya namin na pinagkasya lamang sa tila bodegang parte ng ospital. Mga pasyenteng kabilang sa mga alipin at mga dukhang ni katiting na pagpapahalaga ay wala sa ospital na ito. Pero hindi ito ang gusto ko para kay Lola! Ang nais ko ay ang magandang silid, silid na may sapat na kapasidad para sa Lola. Lugar na may sapat na lunas para magising na ang Lola ko. Pero sino bang niloloko ko? Kulang pa ang kinikita ko sa tatlong beses naming pagkain sa isang araw. Dalawang daang pilak kada gawa. Hindi mabubuhay kung hindi magtratrabaho at mamamatay sa gutom kung hindi magiging nasikap. Ngunit ang sampong milyon. O miski ang kalahating milyong pilak na paunang bayad man lang ay isang malaking biro para maipon ng isang hamak na aliping tulad ko. Aliping pinakamababa sa antas ng lipunan sa bansang ito. Na kumikita lamang ng kakarampot sa bawat trabahong pinapasukan ko. At isa sa antas ng lipunang tila wala ng puwang sa mundong pinapatakbo na lamang ng salapi at mga taong ganid dito. Pero hindi ako papayag, hindi ko hahayaang mawala na lang ng ganito ang Lola ko. Ayoko. Nanginginig kong nilapitan si Lola. Pasaglit na napangiti nang mapait nang mapansin ko ang panapin ko sa paang iisa lang dahil sa pagmamadali ko kanina. Kahit nangungutim ang mga palad ko sa grasang sumiksik sa mga linya nito'y hinawakan ko pa rin ang kamay ni Lola. “La..” Pinipilit kong magpakatatag pero patuloy lang na umagos ang luha sa mata ko dahil sa pagkawalang pag-asa. Pero hindi pwede! Hindi ako papayag na rito lang magtatapos ang lahat. Hindi pwedeng mawala ka, La. Hindi ko na kakayanin pa... Dahan-dahan ko na itong kinumutan. Matapos ay mabilis ko itong hinalikan sa noo at tuluyan na akong umalis sa ospital. “Hahanap ako ng paraan, La. Patawarin mo ako pero hindi ko hahayaang mawala ka,” bulong ko sa sarili bago suungin ang malakas na ulan. Mabilis ang pagtakbo ko at hindi na ininda ang madulas sa putikan. Pagod na pagod man ay hindi ako tumigil hanggang sa marating ko ang lugar na tanging nakikita kong solusyon para makakuha ng halagang kinakailangan ko. Bumungad sa akin ang itim na mansyon ng mga 'GRAVESEND'. Ang kaisa-isang mansyong nakatayo malapit sa kinakatakutang gubat. May napakatataas itong pader na nababalutan na ng lumot at gumagapang na halaman. Ang tarangkahan nito'y nangangalawang na, ngunit may kataasan ring bakal na rehas. Dala nang malakas na ulan at pagkislap ng kidlat sa kalangitan. Ang kilalang itim na mansyo'y kakila-kilaboy lalo tignan. Pero ikinagulat ko namg madatnan ko itong bukas. Sa tanang buhay ko'y ngayon ko lang ito nakitang bukas. Palihim akong pumasok sa luwasan nito at nakakapagtakhang wala ring kahit na sinong nagbabantay. Tama ang bulong-bulungan ng matatanda sa baryo. Wala ngang nakatira sa mansyon ng mga Gravesend. Kinatatakutan lamang ang masyon dahil sa paniniwalang kinatitirhan ito ng mga nilalang na galing na kagubatang hindi pwedeng pasukin ng kahit na sino man. Bagay na hindi ko pinaniniwalaan. Pero ang kawalang pag-asa ko ang nagdala sa akin dito. Nais kong pasukin ang mansyon at kumuha ng gamit na sapat lang para sa pangangailangan ng Lola ko. Hindi ako masamang tao, tinuruan ako ng Lola ko na mabuhay ng tapat. Ang mabuhay gamit ang sarili kong kakayanan. Pero malayong-malayo na ito sa natitirang paraan upang mabuhay si Lola. Hindi ko inaakalang sa kabila ng lahat ng gininagawa ko upang mamuhay ng tapat at mabuti. Ay mauudyok pa rin akong makagawa ng masama tulad nito. Hindi ko kasi maintindihan pa kung bakit kailangang magpakabuti sa masasamang taong nakapaligid sa'yo. Masasamang taong walang ginawa kung hindi ang mang-api, magpahirap at ipamukha sa'yong walang mararating ang kabutihang mayroon sa puso mo. Nakakailang hakbang pa lamang ako sa loob ng gate ay may makaibang kilabot na akong naramdaman sa paligid. Huminto ako at nakiramdam. Ngunit malabo ang lahat dahil sa napakalakas na ulan. Sinubukan kong lumakad muli. Pero nabalot ng takot ang buong katawan ko nang hindi na ako makagalaw pa. A-Anong nangyayari! Sinubukan kong ilinga ang ulo ko ngunit wala pa ring kahit na sino o ano. Bagay na sa isang kisap-mata'y nagbago nang lumitaw sa harapan ko ang dalawang tao. “Patiwari ko'y may kailangan ka sa amin, Ginoo?” Napaatras ako ng tuluyan nang sabihin iyon ng isang lalaking kasing idaran ko. May berde at magara itong kasootan, maginoong tindig at matang ni hindi kumukurap. Sa pagkislap ng kidlat sa kalangita'y nakita ko ang puting mata ng lalake. Bulag? Pero napakawirdo ng lahat dahil sa lakas ng bagyong bumabayo sa mansyon ay nanatili lang ang kanilang pusturang.... tila hindi man lang nababasa. Ang babaeng katabi nito'y deretyo lang at seryosong nakatingin sa akin. Matapang ang mukha nito, na pinabigat pa ng kanyang walang emosyong mga mata. Pero paanong hindi sila nababasa ng ulan? Anong nangyayari? “Ngunit ang paggawa ng masama ay hindi sagot upang madugtungan ang buhay ng taong mahal mo.” Saad pa ng lalake nang hindi ako sumugot sa kanya. At ikinagulat ko iyon na para bang alam niya ang pakay ko. Pero hindi. Napaka-imposible. “I-abot mo na sa kanya.” Dinig kong utos nito sa babae. Na tuluyan kong ikinatras nang unti-unti nang humakbang papalapit sa akin ang babae. Rinig na rinig sa marmol na sahig ng hardin ang takong ng sapatos nito na tila ba mas malakas pa sa tunog ng ulan. Napakamisteryoso ng berdeng mga mata nito na para bang may kung ano kaya't hindi ko maputol ang tingin sa mga ito. Ngunit sa paglapit nito'y ikinakumpirma ko ang kinatatakutan ko. “S-sino kayo?” halos pabulong kong tanong dahil sa takot at lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi... Ni hindi dumadapo ang patak ng ulan sa babaeng ito! Nagliwanag ang kanyang mga mata. “Nagkakahalaga ang gamit na iyan ng sampong milyon pilak.” Tukoy ng babae sa singsing na hawak. Ginto ito na kinakakabitan ng napakalaking bato. “Magmadali ka at ibenta iyan sa magsasarado nang Museo sa bayan. Agad mo iyang dalhin sa taong nagngangalang Roberto. Kunin mo ang salapi at nang mapagaling na ang Lola mo. ” Masyado nang magulo ang nangyari matapos niyon. Lutang ang katawan kong sinunod ang mga sinabi ng babae. Na tila ba sumailalim ako sa isang mahikang ni sa panaginip ay ayaw kong paniwalaan. Nakuha ko ang dalawang sakong pilak at agad nang dinala sa ospital. Ngunit hindi ko inaasahan ang madaratnan ko roon. “L-La!” hapong-hapo kong tawag sa lola kong may malay na. At ipinagtakha ko ang paglibot ng lahat ng kilalang doktor sa Lola ko. “Isa itong himala! Nawala na ang kanyang karamdaman!” bulalas ng isang doktor na babae ngunit imbis na matuwa ay mas nagalala lang ako. Hinawi ko ang mga nakaharang na doktor at mga nurse upang makausap si Lola. “Apo! Magaling na ako! Salamat sa Diyos, apo!” yakap nito sa akin pero hindi ko pa rin ito kinibo dahil sa kaimposiblehan ng lahat. Hanggang sa matuon ang atensyon ko sa nurse na nag-check ng mga aparatong nakakabit sa katawan ng Lola ko. Takip-takip ng isang face mask ang kalahati ng mukha nito. Ngunit ang kanyang mga mata... Mga matang kulay berde ang tila ba nagpakilabot sa buong katawan ko. Hindi ako maaring magkamali..S-siya ang babae sa Mansyon.~To be continued...Third Person's Point of View “TUMIGIL KA! Ang nakatakda ay nakatakda! Ngunit kung hindi magbabago ang tadhana at tuluyang maisakatuparan ni Morriban ang propesiya'y wala na akong ibang rason para buhayin pa siya!” Malakas at nakakatakot na boses ang pumailanlang sa buong silid. Galing ito sa pinakamatandang myembro sa pamilya ng Gravesend, si Artimus. Sinasabayan ito ng pagkislap ng pula nitong mga mata. Bagay na ikinadagundong ng buong mansyon at nakagawa ng malakas na paglindol sa karatig-baryo. Ikinaatras iyon ni Morriban, na hindi sinasadyang mapadaan sa silid kung saan nagpupulong ang mga nakakatanda. Mangilang segundo itong napatulala sa nalaman ngunit nang matauha'y lumuluha itong napaatras at dali-daling tumakbo pabalik sa kanyang silid. Naging hudyat iyon upang tuluyang putulin ng lalaking nagmamay-ari ng puting mga mata ang kanyang pananahimik. Alam ni Luther na wala na ang dalagang nakikinig sa kanila bagay na agad
Third Person's Point of View “How many times do I have to tell you na hindi ka maaring lumabas dito lalo na kapag kumagat na ang dilim?! Seriously, Morriban?! Nakikinig ka ba talaga sa'kin?!” Niyanig ng sigaw na iyon ni Artimus ang dalagang ni ang matinag o ang matakot dito'y hindi na tinablan. Nagliliwanag na sa galit ang mga mata ni Artimus, ngunit nanatili siyang tikom. Dahil sa galit ay mahigpit nitong hinawakan ang balikat ng dalaga. “Tell me! Where have you been last night, Morri?!” Ngunit agad itong natigil nang pigilan siya ng isang kamay. “Tss stop it, Art. Sumusobra ka na, nasasaktan na si Morri sa ginagawa mo,” awat ng isa pa sa mga Diety na si Quillon. Tulad ni Artimus, ay nagliliwanag din ang mga mata nito sa asul nitong kulay. Katangian ng mga Diety na lumalabas lamang kapag sila ay nagagalit o nagpapakita ng kanilang epikong kapangyarihan. “Anong tu
Napatigil ako sa mga katagang iyon. Hindi dahil sa takot sa taas ng boses niya. Kung hindi dahil sa isang gintong tungkod na niluwa ng lupa sa tapat ng kamay nito na agad nitong hinawakan. Para akong mabingi matapos iyon dahil hindi na ako makapagsalita pa. Hindi maayos nairerehistro ng utak ko ang lahat nang nakikita ko mula kanina. At natatakot akong tanggapin na totoo rin ang mga binibitawan nitong salita. Tumalikod ito sa akin dala-dala ang kumikinang na gintong tungkod. Humarap ito sa gawi ng burol kung nasaan ang gubat. May isang malaki at matandang puno ng balete roon na nakakakilabot pagmasdan. “Batid kong napansin mo ang walang hanggang sakop ng kagubatan kanina,” pagiiba nito ng usapan. “Hinahati ng isang linya ng kagubatang ito ang baryo kung saan kayo naninirahan,” tuloy pa nito habang papalapit nang papalapit sa balete. Tinanaw ko muli ang tinutukoy ni
“Kung gusto mong makalabas ng buhay sa mundong ito, matuto kang makinig at alamin ang kinalalagyan mo. Isa ka lamang mortal. At ipapaalala ko sa'yo na isang pabor ang dahilan kung bakit ka nasa lugar na ito,” tuluyan nitong alis sa harapan ko kasabay ang marahas na pagsarado sa pintuan. Dahil sa prustasyo'y nasipa ko na lamang ang kama sa likuran ko. Naiinis ako sa katotohanang wala akong karapatang tumanggi sa utos ng kahit na sino! Alam nilang wala akong magagawa! Dahil nakasalalay ang buhay ng lola ko sa lahat ng ikikilos ko! “Lola...” bulong ko sa hangin. Bagsak-balikat kong nilakad ang pinakamalapit na bintana para buksan ito. Binuhat ko ang isang silya at hinayaan kong pumasok ang malakas na hangin mula sa labas. Umupo lang ako roon at pinagmasdan ang kalangitang unti-unting nababalot ng kadiliman. Marahan kong kinuha sa bulsa ko ang lasog-lasog nang pitaka at kinuha roon ang nag-iisa at pinakaiin
Hagan's Point of View Ang balyenang nakita ko. Hindi kaya... "Taglay ng mga simbolong iyan ang apat na kahariang kinabibilangan ng mga nilalang batay sa kung saang elemento sila nabibilang." Pagpapatuloy nito sa pagpapaliwanag na sinabayan ng paglitaw ng kahariang may abuhing watawat sa screen. Ang nilalang na nakaburda sa watawat nito'y isang puting ibon na may mahabang buntot at malawak na pakpak. "Aeras. Ang kahariang may pinakamataas na antas sa apat na kaharian. Dahil ito sa taglay na kakayahan at katalinuhan ng mga naninirahan doon. At karamihan sa kanila'y may kakayahang lumipad." Isang video ang ipinakita nito kung saan kita ang buong kaharian ng Aeras. At hindi ko maiwasang mamangha sa lugar na iyon. Ang kaharia'y naka-pwesto sa matayog at malawak na talampas sa gitna ng nagtataasang kabundukan. Agaw pansin doom ang isang puti at maliit na bersyon ng palasyo tulad
"Ang mga Fairy. Sila ang mga naliliit na bersyon ng mga Diwata. Sila naman ang mga taga-pangalaga ng mga kahalamanan. Noon ay napakaraming Fairy sa Gaia. Ngunit palaon nang palaon ay kumokonti na ang populasyon ng mga ito. Hanggang sa isang pamilya na lamang ang natira sa kanila." Napatingin akong agad sa mata ni Nelson sa pagkakataong iyon. Pinipilit hanapin ang sagot sa konklusyong nabuo sa aking isip. Pero ang lumbay nitong mga mata lang ang naisagot nito sa akin. "You've meet the three of them this morning, Hagan. The Last generation of Faries. The Flordelina trio," usal nito na ikinatigil ko. "Bakit anong nangyari?" Hindi ko mapigilang tanong. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng galit. Pero napakababait ng mga Fairy. Nagawa nila akong bantayan kahit hindi nila alam kung sino ako. Likas silang mabubuti. Pero paanong naubos ang ganoong
Hagan's Point of View Napatigil si Morriban sa huling katagang sinabi ko. Ang matalas ngunit malungkot nitong mga mata'y nawalan ng buhay na ikinaatras ko. May kung anong bagay ang meron sa mga tinging iyon. Malayo ito sa mga matang mayroon si Gertrude noong nanigas ako sa kinatatayuan ko sa takot. Pero ang mga tingin ni Morriban. Tila ba, inuubos nito ang hangin sa paligid ko na nakapagsasanhi ng pagkakapos ko sa hangin. "Isang mortal ang nakatakdang protektahan ako?" walang pagkurap nitong tanong sa kanyang sarili na sinundan ng kanyang pagyuko at nakakikilabot nitong pagtawa. Makailang sandali pa'y tinapunan muli ako nito ng hindi makapaniwalang tingin at binalik sa akin ang walang buhay nitong mga mata. "Hindi ko kailangan ng kahit na anong proteksyon mula sa kahit na sino... lalong-lalo na sa isang hamak na mortal kagaya mo," dahan-dahan nitong komento na ikinapantig ng tainga ko. Hamak na mort
"E-Egor?" Bulalas kong tigil na agad nitong ikinangiti sa akin. Egor, ang isa sa apat na Elders ng apat na kaharian. Ang mga nilalang na katumbas na ng mga hari. Ang mga pinuno ng apat na angkang unang naging residente ng Gaia. At siya... ang malupit na Egor na manlilipol ng mga mortal! Naging alerto ako sa kapahamakang napasok ko. Mahigpit na iniyukom ang kamao at isang beses na umatras mula sa mapanganib na matanda. Ngunit mas lalo akong naging alisto nang kumunot ang noo nito't pinanliitan ako ng mata, na para bang may sinisipat sa leeg ko. Marahan ako nitong nilapitan. Inangat ang kanyang tungkod at kunot noong itinutok iyon sa leeg ko. Bagay na bahagya kong ikinailag, ngunit ang marahas na pagbukas ng pinto'y ikinatigil din nito. "Hagan!" Sigaw ng kung sino sa likuran ko na sa isang iglap ay nasa harapan ko na. Isang pamilyar na likuran ng
Nang dumating ang grupo sa Nero ay agad silang nalapasok bilang mga ibang lahi. May pinainom s akanilang mapagpanggap na mga gamot upang magaya ang nga lahing kampi sa kanila. kaya namab agad nilang nakapasok sa Kaharian.Ngunit laking gulat ng mga ito na makita si Morriban na nasa tabi ng trono ng kalaban."Hagan? Anong ibig nitong sabihin?" Giit na sabe ni Tamara nang hindi napapansin ng mga kwarta sibil ng kaharian ng Nerro.Pero bago pa man sila masagot ni Hagan ay isang nalakas na hiyaw ang bumalot sa buong plaza.At ikinagulat nila nang makuha ng isang dambuhalang nilalang si Asya. Hawak hawak siya sa leeg nito na paulit ulir na humihingi nh tulong sa ating apat. "Asya! " Pinilit sanang magtago ng lahat nginit hindu mapigilan ni Mischa na hindi lumabas upang mailigtas ang kanyang kapatid. "Intruder!" sigaw ng mga maliliit na nilalang galing sa mga the wicked at nalaman nalang nila Hagan na napapaligiran na sila ng nga nilalang na hayok silang pagppatay patayin. "Mga lapastan
Third Person's Point of View"Pero kung titignan sino talaga ang may kamalian? " tanong ni Gavin kay Hagan hsbang tinatathan ang malamig na daan. "Ang monseho ang may kamalian dahim wala silang balak nilang iligtas si Morriban ay wala na. Wla ana dahim ano! DhIl s ang sandatang pinagawa s samin ni Sir Elisae."TUMIGIL KA! Ang nakatakda ay nakatakda! Ngunit kung hindi magbabago ang tadhana at tuluyang maisakatuparan ni Morriban ang propesiya'y wala na akong ibang rason para buhayin siya! " Malakas at nakakatakot na boses ang pumailanlang sa buong silid. Galing ito sa pinakamatandang myembro sa pamilya ng Gravesend, si Artimus. Galit na sinasabayan ng pagkislap ng pula nitong nga mata. Bagay na ikinadagundong ng buong mansyon at nakagawa ng malakas na paglindol.Ikinaatras iyon ni Morriban, na hindi sinasadyang mapadaan sa silid kung saan nagpupulong ang mga nakakatanda. Kanina pa ito nakikinig sa pagpupulong ng mga ito at hindi inaasahan ang mga maririnig. Mangilang segundo itong napa
Third Person person point of viewNakarinigv ng ingay patungk sa Kay Morriban si Hagan at gavin."Paanong ililigtas natin sila eh hindi naman nating magagawaNg itearidor ang sarili naging kalaban. Hinding hindi." Lugmok ang mga balikat na inunahan ni Hagan sa paglalakad si Gabin ng bbalik na ang mga ito sa head quarters.Ngunut ikinagulat ni Hagan ng pigilan siya ni Gavin."Sasama ako sa inyo. Iligtas natin si Morriban sa Nero."Tahimik naming sinundan ang dalawang Jinn kasabay si Alek. Bakas naman ang pagaalala ng mga naiwanan naming myembro dahil sa komosyong ginawa ng mga kawal ng konseho. Pero tonanguan ko lang naman si Mischa na nakasilip sa bintana upang kami ay tanawin bilang paalam. Wala naman kasi sigurong mangyayaring masama kung kakausapin man kami ng konseho. Dapat lang naman talaga nilang ipaliwanag sa amin ang lahat ng nangyari dahil kamuntik nang may masamang bagay ang mangyari kay Morriban. Isang karwahe ang nadatnan namin sa pagsunod namin sa dalawang Jinn. Isa iton
Hagan Point of View.Inis akong napatingin kay Gavin nang hilahin lang ako nitto kung saan. Hindi ko siya maintindihan. Ilang beses ko nang kinukuha ang braso ko mula sa kanyang mga kamay na halos kinababa na ng kanyang mga kuko dahil sa galit na alam kong ramdam niya. Kakaiba naman kasi talaga si Gavin. Kumpara sa kanyang kapatid na si Grant. Si Gavin ang pinakamatinong version nilang magkakakapatid. Pero ano ba ang iniisip ng isang itto? Ano ang sinasabi noyang kailangan kong harapin ang Konseho para lang mailigtas si Morriban? Hindi ba kayang ako na lamang ang kumilos?Kung maaari lang na ako na lamang ang kumilos ay ginawa ko na. Dahil ayoko na na may makpahamak pang kung sino sa kanila..Dahil sa inis ko ay marahas na akong huminto at pinigil si Gavin. Hindi ko na inalintana ang naging kalmot s aakin nito mula sa kanyang pagkakaladkad sa akin."Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya.Napadpad kami sa isang dungeon na hindi ko alam kung bakit naming pinupuntahan ngayon.Tumigil r
Third Person POV"Hagan!" Napakurap ang binatang si Hagan nang tawagin siya ng isang malakas na tinig.It was Tamara. Hindi na namalayan ni Hagan na nasa klase na sila kasama ang mga napiling Keeper. At kasama sila roon. Ngunit dahil sa pagkawala ni Morriban ay hindi na nakausap pa ng maayos si Hagan.Sinisisi nito ang kanyang sarili sa pagkawala ni Morriban sa kanya pang harapan. Ni wala itong nagawa sa harap ng kanilang mga kalaban, dahil tulad ng dati ay nanigas ito sa kanyang kinatatayuan gaya ng pagkakaagaw rin ng kalaban sa malay ng kanyang Lola."You know what, kung hindi ka magseseryoso, sana tinanggihan mo nalang ang karangalan mo para maging Keeper ng Gaia." Usal ni Grant habang patuloy na nagsusulat. Ikinagulat iyon ng lahat, Napuno ng tensyon ang kwarto dahil ramdam ng lahat ang seryosong aura ni Hagan simula nang mawala si Morriban. At walang nakakaalam kung kelan ito sasabog, dahil kung sumabog ito ay paniguradong ito ay magiging mapaminsala. Hanggang tahasang tumayo s
Third Person Point of View"Ito naman ang tinatawag na Mana. Ang klase ng aura na pwedeng gamitin sa lahat ng bagay gaya ng ginawa ko kanina."Nakatulala lang at walang maintindihan ang nga estudyante ni Eliasar sa kanyang mga sinasabi. Bagay na agad niyang ikinatingin sa gawi ng kanyang anak na si Eliot. Nagpakita ito ng pagkadismayang tingin sa anak. Pero nag kibit balikat lamang ito at ikinabuntong hininga ni Eliasar."I get it, kailangan niyo munang mabuksan ang mga mana point sa inyong mga mata, upang makita niyo at maintindihan niyo ang aking sinasabi at ituturo." Sabi nito sa lahat."Hagan, tama?" Mabolis na tinuro ng matanda si Hagan na nagitla rin naman."Yes sir!" Sagot nito."With no doubt, I know he already opened his mana point, pero sa nakikita ko ay hindi pa iyon gaanong bukas."Pagpapaliwanag ni Eliasar na naputol nang magtaas ng kamay si Morriban."But how can we obtain that skills? How can we open our mana point?" Asar nitong tanong dahil sa nararamdmaang ingit kay
Hagan Point of View"Paano mo ginawa iyon sir?" Bulalas na tanong ni Dalo nang mapaangat ni Mister Eliasae ang itak na nasa lagayan nito kahit hindi niya ito nilalapitan.Pero may kakaiba sa ginawa niyang iyon. I saw something between his moves. May kung anong bagay ang nagdugtong mula sa kanyang kamay hanggang sa sandatang iyon. Para iyong pisi na anino. At base sa nakita kong reaksyon ng mga kasamahan ko. Hindi nila ito nakikita."Walang pinagkaiba ang bagay na ito sa concentrated Aura na naituro sa inyo ng inyo ni Gremmy. Its the same thing, pero mas mataas nga lang itong lebel." Pagpapaliwanag nito sa amin hanggang sa magtana ang aming mga nata at tila may bumaril sa akin sa mga matang iyon. Na para bang nahuli niya ako sa akto.Pero imbis na mas lalo akong pakabahin ay agad nitong itinaas ang kanan nitong bahagi ng labi."One of you can understand what I am saying. Am I right, Hagan?" tanong nitong derekta sa akin na ikinanlaki ng nga mata mo."Ah-Ano po iyon?" Taranta kong tugon
Morriban’s Point of View Hindi ako makapagsalita hanggang ngayon na ginagamot ng isang simpleng katiwala ng mansyon ang aking mga sugat, habang pinapakain ako nito nang kung anong halaman upang mabalik ang lakas na nawala sa akin. Hindi ako makapagsalita at natutulala lang sa ginagawa sa akin kahit na alam ko sa loob ko na ang tipikal kong reaksyon sa ganitong sistema ay pagkairita. Ayaw na ayaw ko na iba ang humahawak sa akin bukod kay Ate Gertrude. Ayokong mga hamak na mabababang nilalang lamang ang magpagaling sa sa akin at natural ko iyong paguugali simula ako ay magka-isip. Pero ngayon ay wala akong magawa kung hindi matulala o miski ang makagalaw ay hindi ko magawa. What just happened earlier? How could he even do that in the middle of Quillon’s range? Pati ako ay natakot kay Quillon pero paano niya akong nagawang ialis sa ganoong sitwasyon? At isa pa, hindi ba’t pabor sa kanya ang hinihiling ni Quillon na isuko na ang pagaaral ko sa Akademia? Bakit hindi siya pumayag? Bakit
Nagsimula na ang araw ng pagtuturo ni Eliasar sa mga estudyante ng Dasos. He is not expecting much to them pero nakakakita siya ng kislap sa mga mata ng mga batang ito na naguudyok sa kanya lalo upang magturo. For he is seeing himself sa kanilang nga kabataan ngayon. Ng maging hayok sa pagkatuto at matuto para sa tamang dahilan. Unang namangha si Eliasar sa dalagang si Morriban. Dahil nakita agad nito ang pagsamo sa dalaga ng isang sandata upang ito ay kanyang gamitin.Hindi gaya ng mga paningin ng ibang nilalang. May espesyal na kakayahan ang mga kagaya ni Eliasar na bihasa sa paggamit at pagkontrol sa Mana o ng kanilang Aura.Dahil dito ay malayang nakikita ni Eliasar ang iba't-ibang mana na mayroon ang mga kabataang kaharap niya. At ang pinakamalakas na tila kumukuwala doon ay ang kay Morriban. Ang pinakamahina namang Mana na mayroon ay ang sa binatang si Hagan. Pero kakaiba ang Aura na mayroon si Hagan, dahil hindi sigurado si Eliasar sa tunay na katauhan ng binata. For elves h