"Ang mga Fairy. Sila ang mga naliliit na bersyon ng mga Diwata. Sila naman ang mga taga-pangalaga ng mga kahalamanan. Noon ay napakaraming Fairy sa Gaia. Ngunit palaon nang palaon ay kumokonti na ang populasyon ng mga ito. Hanggang sa isang pamilya na lamang ang natira sa kanila."
Napatingin akong agad sa mata ni Nelson sa pagkakataong iyon. Pinipilit hanapin ang sagot sa konklusyong nabuo sa aking isip. Pero ang lumbay nitong mga mata lang ang naisagot nito sa akin. "You've meet the three of them this morning, Hagan. The Last generation of Faries. The Flordelina trio," usal nito na ikinatigil ko. "Bakit anong nangyari?" Hindi ko mapigilang tanong. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng galit. Pero napakababait ng mga Fairy. Nagawa nila akong bantayan kahit hindi nila alam kung sino ako. Likas silang mabubuti. Pero paanong naubos ang ganoong mga nilalang?"Pinasok ng mga kalaban ang Gaia, tatlong taon na ang nakakaraan. Gabi niyon, at hindi inaasahan ang paglusob na magaganap. Kaya naman kinaumagahan, nagulat na lamang ang lahat. Nang mawala nang parang bula ang lahi ng mga Fairy. Sila lang. Sila lamang ang kinuha noong araw na iyon, " malungkot na sagot nito pero hindi iyon mag sink in sa utak ko.
Paanong nawala? Bakit? "Dahil ang luha ng mag Fairy ay nakagagamot sa anumang sakit. " Usap sa ni Andreas sa isip ko na ikinabasag ng kung ano sa loob ko. Napayukom ako ng kamao.Morriban's Point of View
Buong inis ko na namang sinuklay ng kamay ko ang buhok na lumadlad sa aking mukha. Pinilit kong itago ang sarili ko sa likod ng tambak na mga lumang libro sa harapan ko na hindi kalayuan kila Denzell. I cannot believe they can even do this to me! Nelson knew I'm into studying creature residing in Gaia! How could he, for leaving me just a few books to study on my own, kung may ganito pala?! Kaya naman hinanap ko ang library sa palasyo at hindi inaasahang dadating ang mga ito. Kaya mabilis akong nagtago sa kinaroroonan ko ngayon. Kunot noo muli akong sumilip sa pwesto nila Denzell at Andreas. Andreas seems like enjoying the lesson with his poker face, his usual self. Denzell seems tired of listening. While this unknown man in their middle, hindi ko siya kilala, pero mukhang interisado siya sa sinasabi ni Nelson.Pinagmasdan ko ang simple nitong anyo. I can't see any special on him. Walang kulay ang kanyang buhok, gaya ng mga diwata. Walang sanga, matulis na tainga, o berdeng balat akong nakikita sa kanya para maging isang nilalang ng Dasos. Walang nagliliwanag na bahaging katawan, walang marka sa pisngi, walang palikpik o hasang, walang mga pakpak, wala kahit isa para masabi kong nilalang siya galing sa ibang kaharian.
Wala. Bagkus ang katangi-tangi lang sa lalaking ito ay ang mapungay at makinang nitong mga mata. The kind of eyes Maximus had. Isang matalas at determinadong mga mata na alam kong nakakalunod kapag sa malapitan. Simple lang din ang kasootan nito. Walang espesyal. May kayumangging balat. Mahaba, maalon at tila hindi nagugupitang itim na buhok. Oo, halata sa hapit niyang damit ang pagkatikas na katawan nito. Pero wala akong nakikitang kahit anong espesyal sa kanya. Wala! Kaya paanong kasama pa siyang pumasok ni Nelson sa aklatang ito? I mean he is a Deity. At ang kinaiinis ko pa ay parang walang galang ang lalaking ito sa mga diyos na si Nelson, Andreas, o miski na kay Denzell."Last is Maiar. Ang Maiar ay ang natatanging nilalang na pinagpala ng mga Spirits. Some says they can see the spirits and talk to them na hindi kayang gawin ng mga ordinaryong mga nilalang maging kaming mga diyos. May kakahayan din ang mga itong gumamit ng puting mahika. Na nagiging dahilan para ang kanilang mga buhok ay maging puti. Ngunit dahil sa mahirap pag-aralan ang puting mahika. Halos inaabot na ang kanilang lahi ng katandaan bago matutunan iyon.
"Bagay na nagiging sanhi para sila'y maubos. Dahil palaon nang palaon ay hindi na nila napapasa ang kanilang kakayahan sa mga bagong henerasyon at inaabutan na lamang ng kanilang kamatayan." Pagtatapos ng paliwanag ni Nelson habang tinititigan ang huling Maiar ng Dasos Kingdom. Si Apo Luca.
Napatitig ako sa pagkakataong ito kay Nelson. Natulala ito sa larawan, habang ako nama'y hinihintay na sabihin nito ang tunay na dahilan kung bakit naubos ang lahi ng Maiar noon. Pero nanatili itong tikom. Ilang sandali pa ay binawi nito ang tingin sa screen. "Ayan! Tapos na ang ating leksyon. Tandaan niyo ang mga nilalang na mga pininakilala ko. At iwasan ang mga nilalang na maaring makaalam ng tunay na pagkakakilanlan ninyo. Hanggat maari'y umiwas kayo sa gulo. Dahil ang tanging misyon niyo lamang sa Akademia ay ang samahan at bantayan doon si Morriban. " Ligpit nito sa mga libro na ikinatigil ko.Bantayan ako?
Yes, I do understand that Denzell and Andreas meant to be my companion. But with that guy? Bakit? Sino ba siya? Anong nangyayari? This shouldn't be connected with the one that I eavesdrop a few days ago."Tss. Do we really need to do this, Nelson? Hindi ba pwedeng magpakilala nalang ako bilang diyos sa lahat? Napaka-hassle, Nels," bugnot na angal ni Denzell habang haplos-haplos ang tainga nito. Bagay na madalas niyang ginagawa kapag naiinis o nagagalit.
"Denzell!" saway ni Andreas dito. Pero alam kong hindi ito magpapapigil.
"Totoo naman, ah! Parte rin naman tayo ng Gaia! Bakit kailangan nila tayong layuan? Mananakit ba tayo? Hindi naman ah! " Tuluyan nitong tayo na ikinakagat ko sa aking labi. Ito na naman siya. "Tumigil ka na, Denzell. Hindi ito ang tamang oras para pagtalunan na naman ang usaping iyan," mahinahong suway ni Andreas dito at ramdam ko sa tono niyang iyon ang lungkot. Pero ikinagulat ko nang tumawa nang mahina si Nelson. At alam kong hindi iyon totoo. "Wala tayong magagawa. Kahit ano pang mabuting bagay ang ipakita ng gaya nating taga-pamagitan sa mundo ng tao at Gaia. Hinding-hindi niyon mababago ang tingin sa atin ng mga nilalang na alam mong biktima ng nagdaang digmaan," pagpapatuloy nito habang nakangiting inaayos ang mga libro sa lamesa."Sila ang nawalan, Denzell. Sana maintindihan mo iyon. Sila ang biktima rito. Hindi tayo." Tumunghay ito sa tatlo sa ganoong estado.
"Pero! Ugh! Ewan ko sa inyong lahat! " Buong prustasyong tumayo si Densell at padabog na iniwan ang lahat. Gaya namam ng laging ginagawa ni Andreas. Hinabol niya ito at mabilis na nagpaalam kay Nelson.
Hindi ko magawang hindi maapektuhan sa sitwasyong kinaiipitan ng dalawa kong kababata. Sabay kaming lumaking tatlo. Sinubukan naming mag-aral sa Aeras noon para sa elementarya. Pero bangungot sa amin ang mga taong iyon. Naging tampulan kami ng tukso at diskriminasyon. Hindi tanggap ng karamihan ng mga nilalang sa Gaia ang mga Diety. May galit sila rito dahil sa mga haka-hakang kakampi ng mga diety ang mga mortal noong nakaraang digmaan na naging sanhi ng matinding pagkaubos ng mga nilalang ng Gaia. Bagay na walang katotohanan, dahil saksi ako kung gaanong kamahal ng mga kapatid ko ang mga nilalang ng Gaia. Iyon ang naging sanhi ng pag-alis namin sa Gaia at pagpapatuloy ng pag-aaral sa mundo ng mga mortal ng elementary at highschool. At ngayong handa na kami, bumalik kami sa Gaia upang mag-aral sa Akademia. Ang akala ko'y malaya nang maangkin nila Andreas at Denzell ang kanilang pagka-diyos. Hindi pa rin pala. "O siya, Hagan. Tapos na ang lesson natin ngayong araw. Nawa'y natandaan mo ang mga nilalang na ipinakilala ko sa'yo. Dahil bukas na bukas din ay papasok na kayo sa Akademia. Ang lugar kung saan hinahasa ang kakayahan ng apat na kaharian para protektahan ang Gaia."Nakuhang muli ni Nelson ang atensyon ko nang kausapin niya ang lalaki na para bang wala itong alam kung ano ang Akademia."Teka. Protektahan ang Gaia?" bulalas pa nito na ikinakunot ng noo ko.
Taka... hindi maganda ang kutob ko rito."Oo, ang Akademia ay ang lugar kung saan nagkakaisa ang lahat ng nilalang upang labanan ang mga kalabang pilit na umuubos sa lahi ng bawat mundo. Alam kong si Morriban lang ang misyon mo roon. Kaya hindi ko na hinihiling na galingan mo pa sa—"
"Gagalingan ko!" Pigil nito kay Nelson na ikinauwang lang ng bibig ko.Ako lang ang misyon niya sa Gaia? Bakit? Sino bang talaga ang lalaking ito?
Isa ba siyang mortal? Bagay na unti-unting ikinadilim ng tingin ko't ikinadismaya.Hagan's Point of View
Bago pa man tuluyang umalis si Nelson ay nagawa kong hiramin ang mga aklat na hawak-hawak nito. Gusto ko pang malaman ang naging kasaysayan ng dalawang mundo. Gusto ko pang makakalap ng impormasyon kung sino ang mga nilalang na gumawa ng masama sa lola ko, o maging sa mga faiy. Luma na ang librong pinahiram sa akin ni Nelson. Sulat kamay pa ang ilang pahina nito kasama ang mga siniksik na mga papel na nakadikit sa libro. Pero kahit na papaano'y nababasa ko ito ng malinaw. Gawa ng pagsisikap ni Lola noong malakas pa siya'y nagawa pa ako nitong pag-aralin hanggang matapos ko ang elementarya. Matapos niyon ay ako na ang kumayod upang makatapos ng High school sa pampublikong paaralan sa bayan namin. Ngunit dala ng kahirapan at kakapusan ng kinikita ko sa aking mga trabaho'y minabuti ko na munang hindi ito ipagpatuloy. Gaya ng mga ka-eskwela ko'y sumuko na rin ako sa pagpapatuloy ng aking pagaaral para lamang makakain ng sapat sa araw-araw. Ngunit kahit na ganoo'y nagawa kong pagbutihan sa aking pagaaral sa pagbabasa, pagsusulat o maging ang makaintindi ng salitang Ingles. Kaya naman nakasasabay ako sa mga wika ng mga Diety kanina. Bubuklatin ko pa lang sana ang libro nang maalarma ako sa mabilis na yabag sa likuran kong papunta sa gawi ko. Agad akong napatayo sa silya para harapin ito ngunit huli na nang makita ko na lang ang sarili kong napahiga sa lamesa dahil sa malakas na pwersang nakapagpatumba sa akin dito. "Who are you?!" Malamig at may galit na usal ng babaeng nasa harapan ko. She pinned me down habang tutok-tutok ang matalas na bagay sa leeg ko. Bagay na hindi ko na ikinagalaw pa, dahil bukod sa nagawa nitong paibabawan ako'y ramdam ko ang hapdi ng bahagi ng leeg kong kinatututukan niya. Pero ikinagulat ko nang mamukhaan ko ang matapang nitong mukha. Siya... siya iyong babaeng lumabas sa mansyon ng mga Gravesend noong gabing isasauli ko sana ang salapi kay Luther! Hindi ako maaring magkamali! Ang matalas at galit nitong mga mata'y malungkot tignan sa mas malapitan. Malayang nakaladlad ang mahaba nitong buhok sa aking mukha. May napakaputla itong balat, at noong kunot na kunot na nakatitig sa akin. Sa sobrang gulat ko'y hindi na ako nakahanap pa ng salitang maisasagot dito. Ngayon lang, ngayon lang akong napatigil ng ganito sa gitna ng panganib na naramdaman ko. "Answer me! Why do you have to protect me!" Buong galit ngunit halos pabulong nitong tanong. Bagay na agad ikinanlaki ng mga mata ko. Protect her? "I-Ikaw si Morriban?" Tanging salitang lumabas ss bibig ko imbis na sagutin ang tanong nito. Ngunit parehas kaming napalingon sa pintuan ng Library nang umikot ang kandado nito. Bagay na ikinagitla ko na naman nang mabilis akong hilahin ni Morriban sa madilim na parte ng silid aklatan, at hindi na ako nakaangal pa dito. Mabilis ako nitong hinila papatago isang mababaw na shelves. Tatanungin ko na sana ito sa kanyang ginagawa nang takpan nito ang bibig ko at ikinatulala ko iyon. "Huwag kang maingay. Hindi nila ako maaring makita rito," walang lingon nitong banta sa akin habang may sinisilip na kung sino sa pinanggalingan namin kanina. Kahit madilim ay kitang-kita ko ang kaba sa mukha ni Morriban. Bagay na ikinahawak ko sa kamay nitong nakatakip sa bibig ko't tahimik na lamang na tumango. Agad niya iyong naintindihan at ikinabitaw. Gaya nito'y nakisilip na rin ako sa mga siwang na gawa ng mga mga nabakanteng espasyo ng libro. At ikinakunot ng noo ko nang matanaw ko ang dalawang taong niluwa ng pintuan. Ang isa dito'y si Luther, hawak-hawak ang kanyang tungkod sa paglalakad. Kasama ang isang matikas at pormal na lalaking may katandaan ngunit nababakas sa tindig nito't dating ang otoridad na nakapagbigay sa akin ng kakaibang intimidasyon. Sino ang taong kasama ni Luther? "What bring him here?!" singhap na bulong ni Morriban habang kunot na kunot ang mga noo. Napalingon muli ako sa lamesang pinanggalingan ko nang mapakagat na lamang sa aking labi nang matanaw ko ang nakabuklat na libro doon. Iyong librong binabasa ko! Sa hindi malamang dahila'y tila nadala ako ng kaba ni Morriban na mahuli ito. At gaya nga ng ikinakatakot ko'y kunot-noong dinampot ng matikas na lalaking iyon ang libro. Tila napatigil ang hininga ko sa mga sandaling iyon. May kung anong bagay ang lalaking iyon na nakapagsasabi sa aking na mapanganib siyang tao. Isa rin ba siyang Diety? "Bakit narito ang mga librong ito?! Namakielam na naman ba sila Andreas dito?!" Galit na sarado ng lalaki sa libro at maayus iyong pinagpatong-patong. "Hindi mo kailangang sumigaw, Artimus. Intindihin mo na lamang ang mga pinakabatang myembro ng ating pamilya. Maaring hindi pa sila sanay sa kanilang mga gampanin o mga dapat nilang paguugali." Napakurap ako sa pangalang binanggit ni Luther. Artimus? "Palagi na lang kailangang intindihin! Paulit-ulit! Hindi ba kaya ni Andreas at Denzell umakto sa kung ano dapat sila? Dapat silang umakto ng maayos hindi parang b****a! They should earn what kind of respect the late Diety had noong nabubuhay pa sila!" Angil pa nito. Pero mas ikinaagaw ng atensyon ko ang mariin na pagyukom ng mga kamay ni Morriban sa mga binatawang salita niyong Maximus. "They will, Artimus. Let's just trust those kids," pagpapakalma muli ni Luther dito habang nilalakad ang papaikot na lamesa. At ikinatigil ng paghinga ko nang mabilis itong lumingon sa aming gawi.Bagay na agad kong ikinahila pababa kay Morriban at sa pagkakataong ito'y ako na ang may hawak sa braso niya.
"Bulag s—" she's tried to explained ngunit nang nakita ko ang mabilis ring paglingon ni Maximus sa gawi nami'y mabilis kong inilapit si Morriban sa gawi ko't papayakap itong inupo at tinakpan ang bibig nito. Nagtangka itong magpumiglas. Ngunit nang marinig namin ang mabigat na mga hakbang papalapit sa ami'y tila parehas na natigil ang aming paghinga. Pambihira, narinig niya! At sa sandalifing iyo'y ang mga kamay ni Morriban na nakapigil sana sa mga kamay kong nasa bubig niya'y unti-unting nanlamig. Dahil ang mga yabag ay papalapit na ng papalapit sa gawi naming dalawa.Hindi. Hindi. Hindi ko alam kung anong panganib ang dala ng taong ito pero... Pero kailangan kong protektahan ang babaeng ito.
Habang ang mga hakbang ay papalapit na ng papalapit. Ang mga kamay naman ni Morriban ay papahigpit din nang papahigpit sa pagkakahawak sa kamay ko. Masakit, pero hinayaan ko lang ito. Ramdam ko ang takot niya. Na ikinatikhim ko na lamang ito. Until one voice stops Artimus. "Where are you going? Nakuha ko na ang kailangan natin dito." Pigil dito ni Luther ngunit rinig ko pa rin ang patuloy nitong paglalakad patungo sa amin. "Parang may narinig akong kung ano sa gawi rito. Sandali lang. " Ani nito. Ang boses na iyo'y nasa uluhan na namin ni Morriban. At nang oras ding iyo'y tila tumigil ang pagtibok ng puso ko sa kaba. "Tama na. Baka guni-guni mo lamang iyan," kaswal ang tonong iyon ni Luther. Rinig ko rin ang tunog ng tungkod nito na tila papalabas na ng Library at ikinapalatak iyon ni Artimus. Rinig ko ang unti-unting paglayo ng mabigat na yabag sa likuran namin ni Morriban. Hanggang sa marinig ko ang malakas na pagbukas at sara ng pintuan ng silid aklatan. Bagay na agad kong ikinahinga ng maluwag at ikinaluwag ng pagkakayakap kay Morriban. Pero ikinagulat ko ang marahas nitong pagtayo at ilang hakbang na lumayo sa akin. "How dare you to touch me!" sigaw nito na hindi ko ininda at ikinatayo ko na lamang. Pinagpag ko ang pantalon ko't pamulsang hinarap ito. Ngayon ko lang napansin na nakapaa ito't soot-soot pa ang itim na bistidang pantulog niya pa ata. "I did not intend to touch you. Ikaw ang naglagay sa atin sa ganoong sitwasyon. Kung hindi ka nagsalita, hindi sana maririnig ng taong iyon ang boses mo." Mahinahon kong paliwanag. Hindi ko naman talaga ginustong ganoon na lamang hawakaan ang binibining katulad niya. "I'm just trying to say that Luther is—" "He's blind, I knew that. At alam kong natalas ang pakiramdam nito. Kaya sigurado akong alam niyang nandito ako, o pati ikaw. " Paliwanag ko at gulat akong tinunghayan. Hanggang ang mga mata nito'y nagsimula muling maging malamig."Kilala mo rin si Luther. Sabihin mo? Sino ka bang talaga? " Kunot noo nitong paguulit sa kanyang tanong.
"Ako si Hagan Agustino, isang Mortal. At nakatakda kong protektahan ka, Morriban."
HI Hooman! Great to see you here again! Excited na ba kayong makapasok sa Akademia? AKO RIN!! Feel free to leave your comment! I would love to read them <3 ~Miss Eli
Hagan's Point of View Napatigil si Morriban sa huling katagang sinabi ko. Ang matalas ngunit malungkot nitong mga mata'y nawalan ng buhay na ikinaatras ko. May kung anong bagay ang meron sa mga tinging iyon. Malayo ito sa mga matang mayroon si Gertrude noong nanigas ako sa kinatatayuan ko sa takot. Pero ang mga tingin ni Morriban. Tila ba, inuubos nito ang hangin sa paligid ko na nakapagsasanhi ng pagkakapos ko sa hangin. "Isang mortal ang nakatakdang protektahan ako?" walang pagkurap nitong tanong sa kanyang sarili na sinundan ng kanyang pagyuko at nakakikilabot nitong pagtawa. Makailang sandali pa'y tinapunan muli ako nito ng hindi makapaniwalang tingin at binalik sa akin ang walang buhay nitong mga mata. "Hindi ko kailangan ng kahit na anong proteksyon mula sa kahit na sino... lalong-lalo na sa isang hamak na mortal kagaya mo," dahan-dahan nitong komento na ikinapantig ng tainga ko. Hamak na mort
"E-Egor?" Bulalas kong tigil na agad nitong ikinangiti sa akin. Egor, ang isa sa apat na Elders ng apat na kaharian. Ang mga nilalang na katumbas na ng mga hari. Ang mga pinuno ng apat na angkang unang naging residente ng Gaia. At siya... ang malupit na Egor na manlilipol ng mga mortal! Naging alerto ako sa kapahamakang napasok ko. Mahigpit na iniyukom ang kamao at isang beses na umatras mula sa mapanganib na matanda. Ngunit mas lalo akong naging alisto nang kumunot ang noo nito't pinanliitan ako ng mata, na para bang may sinisipat sa leeg ko. Marahan ako nitong nilapitan. Inangat ang kanyang tungkod at kunot noong itinutok iyon sa leeg ko. Bagay na bahagya kong ikinailag, ngunit ang marahas na pagbukas ng pinto'y ikinatigil din nito. "Hagan!" Sigaw ng kung sino sa likuran ko na sa isang iglap ay nasa harapan ko na. Isang pamilyar na likuran ng
Nakita ko ang unti-unting panlilisik ng mata ng matanda. Bagay na ikaatras ko. Pero huli na nang mahigpit na ako nitong hinawakan sa magkabila kong balikat. "Naniniwala ka na kaya pang maibalik ang lahat sa normal? Ang isang kagaya mong mortal ay naisip ang bagay na iyon?" Giit nitong usig sa akin. Pero pinagpatuloy ko ang aking sinasabi. Nanatili ako sa aking paninindigan."Oo! Naniniwala ako! Naniniwala akong makakaya nating ibalik ang lahat kung magkakaroon tayo ng pagkakataong maipaintindi sa magkabilang panig ang katotohanan. Para wala nang madamay na inusenteng buhay! Para maging mapayapa na ang lahat! Gusto kong tapusin ang gulong mayroon sa dalawang mundo! At magagawa lang natin iyon kung magagapi natin ang mga halimaw na nakalathala sa mga aklat! Sa mga halimaw na naging mitsa para magsimula ang kaguluhan ng lahat!" giit ko na agad nitong ikinabitaw sa akin. Hinintay ko itong tumawa. Ngunit lumakad
Hagan Point of View "Ano bang nagawa ko! Bakit niyo ba ako pinapahirapan nang ganito?" buong paghihinagpis na sigaw ng isang lalakeng hindi pamilyar sa akin. Kasing dilim ng kalangitang pinagkaitan ng mga btuin ang buhok nito. May malalalim na mga mata, at marungis na panganagatawang sinasamahan ng lasog-lasog nitong damit. Sa harap nito'y nakatayo ang apat na nilalang ang mga paa'y nakalutang sa hangin. Nakatalikod ang mga ito sa akin. Ngunit sapat na ito para makita ang iba't-ibang liwanag na mayroon sa apat na nilalang na ito. Mga liwanag na animo'y mga apoy na hindi nakakasunog. Isang asul, sang puti, isang pula, at isang berdeng liwanag na akala mo'y nanggagaling rin sa kanilang mga kapa. Sinubukan kong lumakad sa kinaroroonan ng mga ito para sana makita kung sino sila. Ngunit nang tatangkain ko na'y hindi ko man lang mai-galaw ang mga paa ko. Anong nangyayari? Nasaan ako? Sino siya? Sino sila?
Tulalang nakababa ang binatang si Hagan sa karwahe. Manghang-mangha ito sa kanyang mga nakikita. Tila nalulula at hindi makapaniwala na nasa kanya nang harapan ang Dasos na nabasa niya lamang sa librong kanyang pinagaaralan sa aklatan ng mga Gravesend. Naghahawig ang kaharian ng Dasos sa baryong kinalakihan ni Hagan. Simple itong binubuo ng mga kabahayang gawa sa kamalig. May mga bahay na gawa sa pinagdikit-dikit na kawayan, may iba namang gawa sa sawali, at may bahay ring gawa sa pinatigas na putik. Iba-iba ang laki ng mga sambahayan batay sa kung anong klaseng nilalang ang nakatira rito. Ngunit pumapangibabaw sa lahat ang matayog na palasyong ang lokasyo'y nasa pinakasentro ng kaharian. "A-ako nga pala si A-Alek. A-ako ang napag-utusan ni Egor p-para kayo'y ihatid sa Sentral." Pansin ni Hagan ang panginginig ng nilalang na sumundo sa kanila. Bagay na agad nitong nginitian para maging komportable ito na hindi lang na
"Hagan?" Napakurap ako nang magsalita muli si Alek. Kita ko ang pagkabahala sa kanyang mga mata. Bagay na mabilis kong iniwasan at nilagpasan lamang ito ng tingin. Tinanaw ko si Morriban at mabilis itong nilapitan. Magkasalubong ang mga kilay nito, ngunit wala ko pa rin itong pasabing hinawakan sa magkabila niyang balikat. Buong alala itong sinipat hanggang ulo hanggang kanyang paa. "Ayos ka lang?" Binitawan ko ito't sinipat maging ang kanyang likuran. Hindi ako maaring magkamali. Gusto siyang siluin ng leon na iyon kanina. Ngunit imbis sa sagutin ako'y marahas lang nitong hinawi ang mga kamay ko. "Ano bang problema mo?" Galit ito at may matalas na mga tingin. Saka lang ako nabalik sa realidad. Oo nga, Hagan? Ano ba talagang problema mo? Hindi ba't kaaway ang tingin sa iyo ng babaeng ito? O dahil nalalapit lang talaga ang paguugali ni Morriban kay Ate Soledad? &n
Naningkit ang mga mata ng matandang si Egor nang mapansin ang komosyong nagaganap sa malapit sa tarangkahan. Kahit ilang daang taon na ang tanda nito ay malayo pa rin ang nararating ng kanyang mga paningin. Bagay na hindi katakha-takha dahil isa siyang Ent. Nabangga ng Guardian na si Soul ang binatang si Hagan kanina pa hinihintay ng matanda. Ngunit ang mas ikinatakha nito ay ang nakita niyang pagbabago sa reaksyon ng dalagang si Soul. Bagay na hindi normal para rito. Dahil kilala ang dalagang ito sa walang emosyong mga mata at pagkawala nitong damdamin. "Nariyan na pala ang hinihintay mong panauhin." ani ng maliit na itim na Fairy na si Kasim na nakaupo sa kanyang balikat. "Bumagay sa kanya ang kanyang anyo ngayon." Komento pa nito habang kinakain ang isang maliit na prutas galing sa hapagkainan sa Sentral na nakahatin sa apat na sulok ng lugar. Ngunit nanatiling hindi sumasagot ang matanda.
Pansin ko ang pagtahimik at pagkabigla ng lahat sa huling anunsyo ni Egor. Sabay-sabay ang mga itong napatingin kay Alek na akala mo’y may nagawa itong mali. Anong meron?“Siya na naman? Sigurado ba si Egor sa tinutukoy niya?” buong dismayang singhal ng isa sa kambal na lobo, ilang pagitan lamang ang layo nito sa kinapwe-pwestuhan ko.“I don’t see any problem with that.” Napakunot naman ako agad ng noo ko sa lakas ng boses na iyon ni Morriban. Ikinailing ko na lamang iyon.Pambihira. Hindi ba talaga mapipigilan ng isang ito ang pagsasabi ng opinyon niya? “Tama ang babaeng elf, Tyree. Ano naman nga kung makakasama ulit si Alek sa mga hinirang? Hindi ba’t mas maganda nga iyon at nabigyan siya ulit ng pagkakataong patunayan ang sarili sa Akademia?” sabat naman ng isa sa mga Orc na may
Nang dumating ang grupo sa Nero ay agad silang nalapasok bilang mga ibang lahi. May pinainom s akanilang mapagpanggap na mga gamot upang magaya ang nga lahing kampi sa kanila. kaya namab agad nilang nakapasok sa Kaharian.Ngunit laking gulat ng mga ito na makita si Morriban na nasa tabi ng trono ng kalaban."Hagan? Anong ibig nitong sabihin?" Giit na sabe ni Tamara nang hindi napapansin ng mga kwarta sibil ng kaharian ng Nerro.Pero bago pa man sila masagot ni Hagan ay isang nalakas na hiyaw ang bumalot sa buong plaza.At ikinagulat nila nang makuha ng isang dambuhalang nilalang si Asya. Hawak hawak siya sa leeg nito na paulit ulir na humihingi nh tulong sa ating apat. "Asya! " Pinilit sanang magtago ng lahat nginit hindu mapigilan ni Mischa na hindi lumabas upang mailigtas ang kanyang kapatid. "Intruder!" sigaw ng mga maliliit na nilalang galing sa mga the wicked at nalaman nalang nila Hagan na napapaligiran na sila ng nga nilalang na hayok silang pagppatay patayin. "Mga lapastan
Third Person's Point of View"Pero kung titignan sino talaga ang may kamalian? " tanong ni Gavin kay Hagan hsbang tinatathan ang malamig na daan. "Ang monseho ang may kamalian dahim wala silang balak nilang iligtas si Morriban ay wala na. Wla ana dahim ano! DhIl s ang sandatang pinagawa s samin ni Sir Elisae."TUMIGIL KA! Ang nakatakda ay nakatakda! Ngunit kung hindi magbabago ang tadhana at tuluyang maisakatuparan ni Morriban ang propesiya'y wala na akong ibang rason para buhayin siya! " Malakas at nakakatakot na boses ang pumailanlang sa buong silid. Galing ito sa pinakamatandang myembro sa pamilya ng Gravesend, si Artimus. Galit na sinasabayan ng pagkislap ng pula nitong nga mata. Bagay na ikinadagundong ng buong mansyon at nakagawa ng malakas na paglindol.Ikinaatras iyon ni Morriban, na hindi sinasadyang mapadaan sa silid kung saan nagpupulong ang mga nakakatanda. Kanina pa ito nakikinig sa pagpupulong ng mga ito at hindi inaasahan ang mga maririnig. Mangilang segundo itong napa
Third Person person point of viewNakarinigv ng ingay patungk sa Kay Morriban si Hagan at gavin."Paanong ililigtas natin sila eh hindi naman nating magagawaNg itearidor ang sarili naging kalaban. Hinding hindi." Lugmok ang mga balikat na inunahan ni Hagan sa paglalakad si Gabin ng bbalik na ang mga ito sa head quarters.Ngunut ikinagulat ni Hagan ng pigilan siya ni Gavin."Sasama ako sa inyo. Iligtas natin si Morriban sa Nero."Tahimik naming sinundan ang dalawang Jinn kasabay si Alek. Bakas naman ang pagaalala ng mga naiwanan naming myembro dahil sa komosyong ginawa ng mga kawal ng konseho. Pero tonanguan ko lang naman si Mischa na nakasilip sa bintana upang kami ay tanawin bilang paalam. Wala naman kasi sigurong mangyayaring masama kung kakausapin man kami ng konseho. Dapat lang naman talaga nilang ipaliwanag sa amin ang lahat ng nangyari dahil kamuntik nang may masamang bagay ang mangyari kay Morriban. Isang karwahe ang nadatnan namin sa pagsunod namin sa dalawang Jinn. Isa iton
Hagan Point of View.Inis akong napatingin kay Gavin nang hilahin lang ako nitto kung saan. Hindi ko siya maintindihan. Ilang beses ko nang kinukuha ang braso ko mula sa kanyang mga kamay na halos kinababa na ng kanyang mga kuko dahil sa galit na alam kong ramdam niya. Kakaiba naman kasi talaga si Gavin. Kumpara sa kanyang kapatid na si Grant. Si Gavin ang pinakamatinong version nilang magkakakapatid. Pero ano ba ang iniisip ng isang itto? Ano ang sinasabi noyang kailangan kong harapin ang Konseho para lang mailigtas si Morriban? Hindi ba kayang ako na lamang ang kumilos?Kung maaari lang na ako na lamang ang kumilos ay ginawa ko na. Dahil ayoko na na may makpahamak pang kung sino sa kanila..Dahil sa inis ko ay marahas na akong huminto at pinigil si Gavin. Hindi ko na inalintana ang naging kalmot s aakin nito mula sa kanyang pagkakaladkad sa akin."Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya.Napadpad kami sa isang dungeon na hindi ko alam kung bakit naming pinupuntahan ngayon.Tumigil r
Third Person POV"Hagan!" Napakurap ang binatang si Hagan nang tawagin siya ng isang malakas na tinig.It was Tamara. Hindi na namalayan ni Hagan na nasa klase na sila kasama ang mga napiling Keeper. At kasama sila roon. Ngunit dahil sa pagkawala ni Morriban ay hindi na nakausap pa ng maayos si Hagan.Sinisisi nito ang kanyang sarili sa pagkawala ni Morriban sa kanya pang harapan. Ni wala itong nagawa sa harap ng kanilang mga kalaban, dahil tulad ng dati ay nanigas ito sa kanyang kinatatayuan gaya ng pagkakaagaw rin ng kalaban sa malay ng kanyang Lola."You know what, kung hindi ka magseseryoso, sana tinanggihan mo nalang ang karangalan mo para maging Keeper ng Gaia." Usal ni Grant habang patuloy na nagsusulat. Ikinagulat iyon ng lahat, Napuno ng tensyon ang kwarto dahil ramdam ng lahat ang seryosong aura ni Hagan simula nang mawala si Morriban. At walang nakakaalam kung kelan ito sasabog, dahil kung sumabog ito ay paniguradong ito ay magiging mapaminsala. Hanggang tahasang tumayo s
Third Person Point of View"Ito naman ang tinatawag na Mana. Ang klase ng aura na pwedeng gamitin sa lahat ng bagay gaya ng ginawa ko kanina."Nakatulala lang at walang maintindihan ang nga estudyante ni Eliasar sa kanyang mga sinasabi. Bagay na agad niyang ikinatingin sa gawi ng kanyang anak na si Eliot. Nagpakita ito ng pagkadismayang tingin sa anak. Pero nag kibit balikat lamang ito at ikinabuntong hininga ni Eliasar."I get it, kailangan niyo munang mabuksan ang mga mana point sa inyong mga mata, upang makita niyo at maintindihan niyo ang aking sinasabi at ituturo." Sabi nito sa lahat."Hagan, tama?" Mabolis na tinuro ng matanda si Hagan na nagitla rin naman."Yes sir!" Sagot nito."With no doubt, I know he already opened his mana point, pero sa nakikita ko ay hindi pa iyon gaanong bukas."Pagpapaliwanag ni Eliasar na naputol nang magtaas ng kamay si Morriban."But how can we obtain that skills? How can we open our mana point?" Asar nitong tanong dahil sa nararamdmaang ingit kay
Hagan Point of View"Paano mo ginawa iyon sir?" Bulalas na tanong ni Dalo nang mapaangat ni Mister Eliasae ang itak na nasa lagayan nito kahit hindi niya ito nilalapitan.Pero may kakaiba sa ginawa niyang iyon. I saw something between his moves. May kung anong bagay ang nagdugtong mula sa kanyang kamay hanggang sa sandatang iyon. Para iyong pisi na anino. At base sa nakita kong reaksyon ng mga kasamahan ko. Hindi nila ito nakikita."Walang pinagkaiba ang bagay na ito sa concentrated Aura na naituro sa inyo ng inyo ni Gremmy. Its the same thing, pero mas mataas nga lang itong lebel." Pagpapaliwanag nito sa amin hanggang sa magtana ang aming mga nata at tila may bumaril sa akin sa mga matang iyon. Na para bang nahuli niya ako sa akto.Pero imbis na mas lalo akong pakabahin ay agad nitong itinaas ang kanan nitong bahagi ng labi."One of you can understand what I am saying. Am I right, Hagan?" tanong nitong derekta sa akin na ikinanlaki ng nga mata mo."Ah-Ano po iyon?" Taranta kong tugon
Morriban’s Point of View Hindi ako makapagsalita hanggang ngayon na ginagamot ng isang simpleng katiwala ng mansyon ang aking mga sugat, habang pinapakain ako nito nang kung anong halaman upang mabalik ang lakas na nawala sa akin. Hindi ako makapagsalita at natutulala lang sa ginagawa sa akin kahit na alam ko sa loob ko na ang tipikal kong reaksyon sa ganitong sistema ay pagkairita. Ayaw na ayaw ko na iba ang humahawak sa akin bukod kay Ate Gertrude. Ayokong mga hamak na mabababang nilalang lamang ang magpagaling sa sa akin at natural ko iyong paguugali simula ako ay magka-isip. Pero ngayon ay wala akong magawa kung hindi matulala o miski ang makagalaw ay hindi ko magawa. What just happened earlier? How could he even do that in the middle of Quillon’s range? Pati ako ay natakot kay Quillon pero paano niya akong nagawang ialis sa ganoong sitwasyon? At isa pa, hindi ba’t pabor sa kanya ang hinihiling ni Quillon na isuko na ang pagaaral ko sa Akademia? Bakit hindi siya pumayag? Bakit
Nagsimula na ang araw ng pagtuturo ni Eliasar sa mga estudyante ng Dasos. He is not expecting much to them pero nakakakita siya ng kislap sa mga mata ng mga batang ito na naguudyok sa kanya lalo upang magturo. For he is seeing himself sa kanilang nga kabataan ngayon. Ng maging hayok sa pagkatuto at matuto para sa tamang dahilan. Unang namangha si Eliasar sa dalagang si Morriban. Dahil nakita agad nito ang pagsamo sa dalaga ng isang sandata upang ito ay kanyang gamitin.Hindi gaya ng mga paningin ng ibang nilalang. May espesyal na kakayahan ang mga kagaya ni Eliasar na bihasa sa paggamit at pagkontrol sa Mana o ng kanilang Aura.Dahil dito ay malayang nakikita ni Eliasar ang iba't-ibang mana na mayroon ang mga kabataang kaharap niya. At ang pinakamalakas na tila kumukuwala doon ay ang kay Morriban. Ang pinakamahina namang Mana na mayroon ay ang sa binatang si Hagan. Pero kakaiba ang Aura na mayroon si Hagan, dahil hindi sigurado si Eliasar sa tunay na katauhan ng binata. For elves h