Share

KABANATA 6: The Four Kingdom

Author: GHIEbeloved
last update Huling Na-update: 2021-09-02 18:19:58

Hagan's Point of View

    Ang balyenang nakita ko.

    Hindi kaya...

    "Taglay ng mga simbolong iyan ang apat na kahariang kinabibilangan ng mga nilalang batay sa kung saang elemento sila nabibilang." Pagpapatuloy nito sa pagpapaliwanag na sinabayan ng paglitaw ng kahariang may abuhing watawat sa screen. Ang nilalang na nakaburda sa watawat nito'y isang puting ibon na may mahabang buntot at malawak na pakpak.

    "Aeras. Ang kahariang may pinakamataas na antas sa apat na kaharian. Dahil ito sa taglay na kakayahan at katalinuhan ng mga naninirahan doon. At karamihan sa kanila'y may kakayahang lumipad."

    Isang video ang ipinakita nito kung saan kita ang buong kaharian ng Aeras. At hindi ko maiwasang mamangha sa lugar na iyon.

    Ang kaharia'y naka-pwesto sa matayog at malawak na talampas sa gitna ng nagtataasang kabundukan. Agaw pansin doom ang isang puti at maliit na bersyon ng palasyo tulad ng sa mga Gravesend. Na kinapapalibutan ng mga kakatwang kabahayan at establisyimento na ang iba'y nakatayo sa mas maliliit na kontinenteng nakalutang.

    "May apat na dominanteng lahi ngayon sa Aeras. At sila ang mga Nympa ng hangin, Herpies, Gryffin, Phoenix at ang nilalang na malapit ng mawala... Ang mga Roc. " 

    Napatigil ako sa hulong sinabi nito. Malapit ng mawala?

    "Rocs are near to their extinction. They've been chased by humans like you in your world before. Para gawing baluti at kasangkapan." Usap na naman sa akin ni Andreas na hindi ko na nilingunan.

    Nakakainis, nababasa niya pa rin ang isip ko!

    Kaya naman nanghuhula kong itiniim ang bagang ko't mariing ikinunot ang noo ko. Pinilit kong pawalan ang mga malalakas na boses at memoryang tumatakbo sa akin sa pag-asang maisasarado ko ang isip ko.

    "Excellent, you've learn the matrix of conceiving your thoughts. " Boses pa nito sa bahagyang ikinanlaki ng mata ko. Nagawa ko? Hindi ako makapaniwala!

    Napatuon muli ang atensyon ko kay Nelson at inalala ang iisang bagay na sinabi nila sa akin pati ni Quillon at Andreas. At ito ay ang galit ng mga nilalang ng Gaia sa taong kagaya ko.

    Siguro'y ito ang dahilan. Dahil kinikitil nila at hinuhuli ang mga kakaibang nilalang. 

    Kina-igting ng bagang ko ang isiping iyon.

    Hindi malayong mangyari ang lahat ng kanilang sinabi. Saksi ako sa mga walang pusong maharlika sa mundo namin. 

    Nag-iba ang imahe sa likuran ni Nelson. At ikinatigil ko lang iyon nang makita ang mga nilalang na pinangalanan nito. 

    "Una ay ang mga Nympa o diwata. May iba't-ibang uri ng mga ito sa bawat kaharian. Sila ang mga diwata na presentasyon ng kalikasan. At ang Aeras ay may tatlong uri ng mga ito.  Ang diwata ng ulan, diwata ng hanging amihan, diwata ng paglubog ng araw, at diwata ng mga bituin. "

    Magaganda ang dilag at binata na inilabas ni Nelson sa mga imahe sa kanyang likuran. Nakaputi at may mahaba ang mga itong kasootan na kinakikislapan ng iba't-ibang puting marka sa pisngi batay sa kanilang lahi.

    Simbolo ng ulan sa pisngi ng mga Neppele. Pakurbang tatlong linya ang marka ng mga Auria bilang hangin. Simbulo ng araw sa mga Hesper. At tatlong maliliit na bituin naman ang sa Asparia.

    Ilan sandali lang ay bibong nagtaas ng kamay ang katabi kong pinangalanang si Denzell ni Nelson.

    "Yes, Denzell?" ngiting tanong ni Nelson sa pagaakalang seryoso ito sa leksyon. Akala ko rin. 

    "Marami bang katulad nilang chicks sa Akademia?" Mapangarap nitong ngiti kay Nelson na ikinangiwi ko't ikinabuntong-hininga naman ni Nelson.

    "Pambihira!" Singhal nito ng may kunot na mga noo. "Pero oo, Halos kalahati ng populasyon ng Gaia ay mga diwata galing sa apat na kaharian," walang gana nitong dugtong nito kasabay ng pag-ayos nito sa kanyang salamin at nagpatuloy muli.

"Walang kakaibang kakayahan ang mga Diwata, sila ay simpleng representasyon lamang ng kagandahan ng kalikasan. Ngunit taglay ng mga ito ang kakaibang kutis na hindi tumatanda sa loob ng mahabang panahon." 

    Muling napakunot ang noo ko sa sinabing iyon ni Nelson. Hindi pag-tanda. Naalala ko ang mga bulong-bulungan ng mga kababayan ko sa mga diwatang nahuhuli sa gubat ng kamatayan. Hindi malabong ito ang kanilang dahilan. 

    "Sunod ay ang Griffin. Natural sa mga Griffin ang isilang na may kakambal na hindi nalalayo sa anyo ng mortal. Sila rin lamang ang may kakayahang pasunurin ang isa't-isa. Bagay na sadyang kamangha-mangha sa ganitong nilalang."

    Kakaiba ang anyo ng Griffin na tinutukoy ni Nelson. May ulong agila ang mga ito at may katawang mala leon, bagay na sinasapawan ng malawak nitong mga pakpak na tingin ko'y napakatayog ng nararating. Samantalang ang kambal naman nitong may anyong mortal ay may mga matang kasing talas ng agila katulad ng kanilang kambal.

Pero isang babala ang binitawan ni Nelson sa kanila.  "Madalas ay may mabangis at may hindi magandang paguugali ang lahing ito sa Gaia. Kaya hanggat maari'y huwag kayong lalapit sa kanila." Paalala nito sa amin na mabilis na inungusan ni Denzell at tinanguan ko na naman.

    Sa paglipas ng oras, iba't-ibang nilalang ang ipinakita sa amin ni Nelson.

    Ang lahi ng Herpies, kalahating tao at kalahating ibon. Ang Phoenix, ang taong may kakayahang mag-anyong nagliliyab na ibon. At ang Roc na taong may kakambal na dambuhalang agila na sa tingin ko'y limang beses ang laki sa normal na elepante. Kakaunti na lamang ang bilang ng populasyon ng mga Roc. Madalas ay patay na mga kambal ng mga ito. 

    Ang sumunod na kaharian ay ang Fotia. Ang kaharian ng mga nilalang ng apoy. Sila ang pumapangalawa sa makapangyarihang nilalang sa Gaia dahil sa mga natatangi nitong mga kakayahan. 

    Isang lahi lamang ng diwata ang mayroon sa kahariang ito. At sila ay ang mga Lampads, ang mga diwata ng dagat-dagatang apoy. Pula ang simbulo nito sa pisngi na binabagayan ng pula rin nitong kasootan. Sumunod dito ay ang mga lahi ng mga dragon o mga taong may kakayahang mag-anyong dragon. Ang mga Jinn, malalaking taong may mga matang tila kaluluwa. Ang maliwanag na ibon o ang Fire bird. Ang kapre na may mahabang buhok at hindi mabubuhay nang hindi naninigarilyo. Ang mga Cherufe, o ang taong bulkan. At ang mga Fire Serpent, ang mga taong may kakambal na malaking ahas na may kakayahang bumuga ng apoy.  

    Kadalasan daw sa mga nilalang ng Fotia ay kinatatakutan dahil sa taglay ng mga itong kapahamakan o trahedyang maari nilang magawa sa konting pagkakamali lamang. Kaya naman isa rin sila sa mga ibinibilin sa amin ni Nelson na layuan sa Akademia.  

    Ang sumunod ay ang Nero Kingdom.  Ang kaharian ng mga nilalang ng katubigan. 

    Dinipina niya ang mga nilalang ng Nero na mababait ngunit mapanganib galitin. At hindi maitatangi ang pagkamangha ko sa kanilang mga anyo. 

    May tatlong diwata ang Nero Kingdom. At ito ay ang Haliae, o ang diwata ng tubig. Ang mga Naiads o ang diwata ng ilog. At ang Limonids,  o ang diwata naman lawa. May mga asul namang  simbulo ang mga ito sa kanilang pisngi gaya ng ibang Nympa.  Na binabagayan rin ng asul na kasootan ng mga ito. 

    Ang ibang nilalang ng Nero ay ang mga Hippocamps, ang mga taong may kambal na kabayo ng dagat. At mga nilalang ng tubig na may kakayahang mag-anyong tao kapag sila'y nasa lupa. Ang mga Sirena, Selkies, at Sea serpent.

    At gaya ng Roc ng Aeras Kingdom. May dalawang nilalang din sa Nero ang malapit nang mawala. At ito ay ang Kraken at ang Sea king. Mga dambuhalang nilalang ng dagat na halos wala nang bilang ng populasyon sa Gaia.

    "At ang huling kaharian ay ang Dasos Kingdom. Ang lugar nang mga nilalang ng kalupaan." Ngiting pangunguna ni Nelson na may maliwanag nang mukha. Tila nabuhayan ito sa kanyang ituturo. 

    Ngunit ang sumunod nitong sinabi'y ikinabugnot ko.

    "Madalas marurumi ang nilalang ng Dasos Kingdom. Wala halos kakayahan ang iba kung hindi ang mga pisikal lang nitong lakas. Kaya naman sila ang pinakahuli sa mga kaharian." Buong ngiti pa nitong salaysay na sinagot ko lamang ng walang ganang tingin.

    Hanggang dito ba naman sa maganda nilang mundo'y hindi nawawalan ng diskriminasyon. 

    "May apat na diwata ang Dasos. At ito ay ang mga Dryades, ang diwata ng kagubatan. Meliai, diwata ng kabundukan. Epimelides, ang diwata ng mga ligaw na hayop. At ang Anthousai, o ang diwata ng mga mga halamang namumulaklak."

    Gaya ng mga nauna'y may kayumangi namang tatak ang mga ito sa kanilang pisngi na sumisimbulo ng kanilang pinangangalagaan. May berdeng mga kasuotan at kombinasyon rin ng berde at itim ang kanilang buhok.

    "Ikinagagalak ko namang ipakilala sa inyo ang lahi ng mga Elf. Ang taga-pangalaga ng kagubatan." 

    May mahahabang buhok ang mga Elf. May matutulis itong mga tainga at may tila ugat na marka sa kanilang noo. May desente ang mga itong damit, ngunit simple nga base sa pagpapakilala ni Nelson dito. 

    "Tss. Ang boring." Rinig kong bulong ni Denzell sa tabi ko.  Hindi ko maintindihan.  Kanina nama'y sabik na sabik pa siyang nakikinig, pero ngayo'y parang sinakluban na ito ng langit. 

    May masama kaya siyang karanasan sa mga nilalang ng Dasos?  O ganito lang talagang maliitin ng mga nakakataas ang mga nilalang sa kahariang ito? 

    Nagpatuloy lang naman si Nelson nang hindi marinig ang angal ni Denzell. "Ang sumunod ay ang mga Dwarf. Sila naman ay ang mga nangangalaga sa mga hiyas. Maliliit, pero magagaling sa labanan."

    Halahati lamang ng taas sa tao ng mga Dwarfs. May makakapal ang mga itong kasootan at helmet na tila napakatibay. Kung titignan ay napakalalakas nga ng mga ito batay sa matitikas nitong mga braso. Bagay na kinapapaibabawan ng kanilang matatalas na mga mata.

    "Kaya naman, Denzell.  Huwag na huwag mong papakielaman ang mga hiyas na mayroon sila kung ayaw mo ng gulo. They might look small, but they are indeed terrible." Paalala muli ni Nelson dito. Pero nanatili lang itong nakayuko sa kanyang mesa.

    "What ever, Nels. " Dinig kong bulong nito na sinadya para hindi marinig ni Nelson.

    "Ang sumunod ay ang mga Orc at Trolls. Ang Orc ay ang matatapang na anyo ng mga Elf, mararahas ang mga ito at walang sinasantong nilalang na mangangahas pumutol sa mga puno ng kagubatan. Magaling ang mga ito sa paghawak ng mga sandata. 

"Samantalang ang mga Trolls naman ay ang pinakamaduduming nilalang ng Dasos. Gustong-gusto ng mga ito ang parumihin pa ang kanilang mga katawan. Dahil pinaniniwalaang ito rin ang nakapagpapalakas sa kanila. Ang mga ito'y magagaling din sa labanan, may sandata man o wala."

    Malaki ang pinagkaiba ng mga Orc sa Elves.  May berdeng balat ang mga Orc at matatalas na nakakatakot na mga mata. Kabaligtaran iyon ng desenteng anyo ng mga Elf ang mayroon sila. Marahil ay hindi naman talaga kailangan ang mga magagarang damit sa labanang bumubuhay sa mga ito. 

    Ang mga Trolls naman ay isa't-kalahati ang laki sa mga Orc at Elf. May mga maskuladong katawan ang lahi ng mga ito at may soot-soot na kapirasong damit na makapagpapakita sa napakaganda nilang tindig at katawan. Kalbo ang mga lalaking Trolls, samantalang sabog at kulot naman ang buhok ng mga babae sa lahi ng mga ito. Likas na silang madudungis, pero presentable pa rin ang ityura gaya ng ibang mga nilalang dito. 

    Kung tutuusi'y mas naging marumi pa ako sa kanila sa pagtratrabaho ko sa isang talyer sa mundo namin.  Ang itim na grasang napakahirap tanggalin sa katawan. Pero grasang natatanging daan namin ni Lola para mabuhay. 

    Naglabas muli ng larawan si Nelson sa screen. At sa pagkakataong ito'y napatulala ako sa ganda ng sumunod na mga nilalang. 

    "Ito naman ay ang lahi ng Ent at Earth Wolf.  Ang Ent ay ang mga puno sa anyo nitong tao. Gaya ng mga diwata ay wala rin silang kayang gawin kung hindi ang protektahan ang kanilang mga ka-uri. Pero kapag sila'y nagalit ay kaya nilang lumaki hanggang dalawampong talampakan gaya ng mga puno sa Gaia." 

    Napakaganda ng anyo ng mga Ent.  Hugis tao ang mga ito. May berdeng katawan na tila kakulay ng mga bukirin. May mga sanga-sanga ang mga ito sa katawan at dahon-dahon na nakapagpapakalma pagmasdan. They one of the most beautiful creature I've saw so far. Na talaga namang ikinaluwa ng mga mata ko. Pero ang sumunod na nilalang na binanggit nito'y tila inabangan ko. 

    "At ang Wolves o earth wolves. Ang isa sa pinakamagandang nilalang sa Gaia. Sila ang mga taong may kakayahang mag-anyong lobo. Mataas ang tingin sa kanila ng lahat ng taga Dasos, dahil nirerepresenta nito ang kabuuan ng Dasos Kingdom. Magaling sa labanan ang mga Earth wolf sa anyong tao ng mga ito. Ngunit triple ang panganib na maari nilang madala kapag sila'y nasa tunay nilang mga anyo."

    Ang mga earth wolf sa anyong tao nito'y may maputlang mga balat. May matapang at berdeng mga mata.  Kasama na ang kanilang matingkad at berdeng buhok na nakapagpapadagdag sa ganda ng mga nilalang na ito.

    Ngunit ang sunod nitong mga sinabi'y ikinasinghap ko.

    "Tulad ng Aeras, at Nero may mga malapit na ring nilalang na mawala sa Gaia sa Kaharian ng Dasos. At ang mga ito ay ang mga Fairy at Maiar. " Matapos ay ipinakita ang larawan ng mga nilalang na kani-kanina lang ay nagpakilala sa'kin.

    Huwag mo sabihing...

GHIEbeloved

Hi Hooomans! I hope you're enjoying GAIA AKADEMIA! Feel free to leave comment here! I would love hearing your thoughts! Love you guys! Love, GHIEBELOVED

| 1
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Eigger Nawaham Noloñag
nice story.,.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   KABANATA 7: Morriban

    "Ang mga Fairy. Sila ang mga naliliit na bersyon ng mga Diwata. Sila naman ang mga taga-pangalaga ng mga kahalamanan. Noon ay napakaraming Fairy sa Gaia. Ngunit palaon nang palaon ay kumokonti na ang populasyon ng mga ito. Hanggang sa isang pamilya na lamang ang natira sa kanila." Napatingin akong agad sa mata ni Nelson sa pagkakataong iyon. Pinipilit hanapin ang sagot sa konklusyong nabuo sa aking isip. Pero ang lumbay nitong mga mata lang ang naisagot nito sa akin. "You've meet the three of them this morning, Hagan. The Last generation of Faries. The Flordelina trio," usal nito na ikinatigil ko. "Bakit anong nangyari?" Hindi ko mapigilang tanong. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng galit. Pero napakababait ng mga Fairy. Nagawa nila akong bantayan kahit hindi nila alam kung sino ako. Likas silang mabubuti. Pero paanong naubos ang ganoong

    Huling Na-update : 2021-09-04
  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 8 : Deal

    Hagan's Point of View Napatigil si Morriban sa huling katagang sinabi ko. Ang matalas ngunit malungkot nitong mga mata'y nawalan ng buhay na ikinaatras ko. May kung anong bagay ang meron sa mga tinging iyon. Malayo ito sa mga matang mayroon si Gertrude noong nanigas ako sa kinatatayuan ko sa takot. Pero ang mga tingin ni Morriban. Tila ba, inuubos nito ang hangin sa paligid ko na nakapagsasanhi ng pagkakapos ko sa hangin. "Isang mortal ang nakatakdang protektahan ako?" walang pagkurap nitong tanong sa kanyang sarili na sinundan ng kanyang pagyuko at nakakikilabot nitong pagtawa. Makailang sandali pa'y tinapunan muli ako nito ng hindi makapaniwalang tingin at binalik sa akin ang walang buhay nitong mga mata. "Hindi ko kailangan ng kahit na anong proteksyon mula sa kahit na sino... lalong-lalo na sa isang hamak na mortal kagaya mo," dahan-dahan nitong komento na ikinapantig ng tainga ko. Hamak na mort

    Huling Na-update : 2021-09-04
  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 9: Egor

    "E-Egor?" Bulalas kong tigil na agad nitong ikinangiti sa akin. Egor, ang isa sa apat na Elders ng apat na kaharian. Ang mga nilalang na katumbas na ng mga hari. Ang mga pinuno ng apat na angkang unang naging residente ng Gaia. At siya... ang malupit na Egor na manlilipol ng mga mortal! Naging alerto ako sa kapahamakang napasok ko. Mahigpit na iniyukom ang kamao at isang beses na umatras mula sa mapanganib na matanda. Ngunit mas lalo akong naging alisto nang kumunot ang noo nito't pinanliitan ako ng mata, na para bang may sinisipat sa leeg ko. Marahan ako nitong nilapitan. Inangat ang kanyang tungkod at kunot noong itinutok iyon sa leeg ko. Bagay na bahagya kong ikinailag, ngunit ang marahas na pagbukas ng pinto'y ikinatigil din nito. "Hagan!" Sigaw ng kung sino sa likuran ko na sa isang iglap ay nasa harapan ko na. Isang pamilyar na likuran ng

    Huling Na-update : 2021-09-06
  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 10: Talisman

    Nakita ko ang unti-unting panlilisik ng mata ng matanda. Bagay na ikaatras ko. Pero huli na nang mahigpit na ako nitong hinawakan sa magkabila kong balikat. "Naniniwala ka na kaya pang maibalik ang lahat sa normal? Ang isang kagaya mong mortal ay naisip ang bagay na iyon?" Giit nitong usig sa akin. Pero pinagpatuloy ko ang aking sinasabi. Nanatili ako sa aking paninindigan."Oo! Naniniwala ako! Naniniwala akong makakaya nating ibalik ang lahat kung magkakaroon tayo ng pagkakataong maipaintindi sa magkabilang panig ang katotohanan. Para wala nang madamay na inusenteng buhay! Para maging mapayapa na ang lahat! Gusto kong tapusin ang gulong mayroon sa dalawang mundo! At magagawa lang natin iyon kung magagapi natin ang mga halimaw na nakalathala sa mga aklat! Sa mga halimaw na naging mitsa para magsimula ang kaguluhan ng lahat!" giit ko na agad nitong ikinabitaw sa akin. Hinintay ko itong tumawa. Ngunit lumakad

    Huling Na-update : 2021-09-06
  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 11 : Bangungot

    Hagan Point of View "Ano bang nagawa ko! Bakit niyo ba ako pinapahirapan nang ganito?" buong paghihinagpis na sigaw ng isang lalakeng hindi pamilyar sa akin. Kasing dilim ng kalangitang pinagkaitan ng mga btuin ang buhok nito. May malalalim na mga mata, at marungis na panganagatawang sinasamahan ng lasog-lasog nitong damit. Sa harap nito'y nakatayo ang apat na nilalang ang mga paa'y nakalutang sa hangin. Nakatalikod ang mga ito sa akin. Ngunit sapat na ito para makita ang iba't-ibang liwanag na mayroon sa apat na nilalang na ito. Mga liwanag na animo'y mga apoy na hindi nakakasunog. Isang asul, sang puti, isang pula, at isang berdeng liwanag na akala mo'y nanggagaling rin sa kanilang mga kapa. Sinubukan kong lumakad sa kinaroroonan ng mga ito para sana makita kung sino sila. Ngunit nang tatangkain ko na'y hindi ko man lang mai-galaw ang mga paa ko. Anong nangyayari? Nasaan ako? Sino siya? Sino sila?

    Huling Na-update : 2021-09-12
  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 12 : Kaharian ng Dasos

    Tulalang nakababa ang binatang si Hagan sa karwahe. Manghang-mangha ito sa kanyang mga nakikita. Tila nalulula at hindi makapaniwala na nasa kanya nang harapan ang Dasos na nabasa niya lamang sa librong kanyang pinagaaralan sa aklatan ng mga Gravesend. Naghahawig ang kaharian ng Dasos sa baryong kinalakihan ni Hagan. Simple itong binubuo ng mga kabahayang gawa sa kamalig. May mga bahay na gawa sa pinagdikit-dikit na kawayan, may iba namang gawa sa sawali, at may bahay ring gawa sa pinatigas na putik. Iba-iba ang laki ng mga sambahayan batay sa kung anong klaseng nilalang ang nakatira rito. Ngunit pumapangibabaw sa lahat ang matayog na palasyong ang lokasyo'y nasa pinakasentro ng kaharian. "A-ako nga pala si A-Alek. A-ako ang napag-utusan ni Egor p-para kayo'y ihatid sa Sentral." Pansin ni Hagan ang panginginig ng nilalang na sumundo sa kanila. Bagay na agad nitong nginitian para maging komportable ito na hindi lang na

    Huling Na-update : 2021-09-22
  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 13: Soul

    "Hagan?" Napakurap ako nang magsalita muli si Alek. Kita ko ang pagkabahala sa kanyang mga mata. Bagay na mabilis kong iniwasan at nilagpasan lamang ito ng tingin. Tinanaw ko si Morriban at mabilis itong nilapitan. Magkasalubong ang mga kilay nito, ngunit wala ko pa rin itong pasabing hinawakan sa magkabila niyang balikat. Buong alala itong sinipat hanggang ulo hanggang kanyang paa. "Ayos ka lang?" Binitawan ko ito't sinipat maging ang kanyang likuran. Hindi ako maaring magkamali. Gusto siyang siluin ng leon na iyon kanina. Ngunit imbis sa sagutin ako'y marahas lang nitong hinawi ang mga kamay ko. "Ano bang problema mo?" Galit ito at may matalas na mga tingin. Saka lang ako nabalik sa realidad. Oo nga, Hagan? Ano ba talagang problema mo? Hindi ba't kaaway ang tingin sa iyo ng babaeng ito? O dahil nalalapit lang talaga ang paguugali ni Morriban kay Ate Soledad? &n

    Huling Na-update : 2021-10-01
  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 14: Mga hinirang

    Naningkit ang mga mata ng matandang si Egor nang mapansin ang komosyong nagaganap sa malapit sa tarangkahan. Kahit ilang daang taon na ang tanda nito ay malayo pa rin ang nararating ng kanyang mga paningin. Bagay na hindi katakha-takha dahil isa siyang Ent. Nabangga ng Guardian na si Soul ang binatang si Hagan kanina pa hinihintay ng matanda. Ngunit ang mas ikinatakha nito ay ang nakita niyang pagbabago sa reaksyon ng dalagang si Soul. Bagay na hindi normal para rito. Dahil kilala ang dalagang ito sa walang emosyong mga mata at pagkawala nitong damdamin. "Nariyan na pala ang hinihintay mong panauhin." ani ng maliit na itim na Fairy na si Kasim na nakaupo sa kanyang balikat. "Bumagay sa kanya ang kanyang anyo ngayon." Komento pa nito habang kinakain ang isang maliit na prutas galing sa hapagkainan sa Sentral na nakahatin sa apat na sulok ng lugar. Ngunit nanatiling hindi sumasagot ang matanda.

    Huling Na-update : 2021-10-04

Pinakabagong kabanata

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 118: Power of Love

    Nang dumating ang grupo sa Nero ay agad silang nalapasok bilang mga ibang lahi. May pinainom s akanilang mapagpanggap na mga gamot upang magaya ang nga lahing kampi sa kanila. kaya namab agad nilang nakapasok sa Kaharian.Ngunit laking gulat ng mga ito na makita si Morriban na nasa tabi ng trono ng kalaban."Hagan? Anong ibig nitong sabihin?" Giit na sabe ni Tamara nang hindi napapansin ng mga kwarta sibil ng kaharian ng Nerro.Pero bago pa man sila masagot ni Hagan ay isang nalakas na hiyaw ang bumalot sa buong plaza.At ikinagulat nila nang makuha ng isang dambuhalang nilalang si Asya. Hawak hawak siya sa leeg nito na paulit ulir na humihingi nh tulong sa ating apat. "Asya! " Pinilit sanang magtago ng lahat nginit hindu mapigilan ni Mischa na hindi lumabas upang mailigtas ang kanyang kapatid. "Intruder!" sigaw ng mga maliliit na nilalang galing sa mga the wicked at nalaman nalang nila Hagan na napapaligiran na sila ng nga nilalang na hayok silang pagppatay patayin. "Mga lapastan

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 117: Finally Met

    Third Person's Point of View"Pero kung titignan sino talaga ang may kamalian? " tanong ni Gavin kay Hagan hsbang tinatathan ang malamig na daan. "Ang monseho ang may kamalian dahim wala silang balak nilang iligtas si Morriban ay wala na. Wla ana dahim ano! DhIl s ang sandatang pinagawa s samin ni Sir Elisae."TUMIGIL KA! Ang nakatakda ay nakatakda! Ngunit kung hindi magbabago ang tadhana at tuluyang maisakatuparan ni Morriban ang propesiya'y wala na akong ibang rason para buhayin siya! " Malakas at nakakatakot na boses ang pumailanlang sa buong silid. Galing ito sa pinakamatandang myembro sa pamilya ng Gravesend, si Artimus. Galit na sinasabayan ng pagkislap ng pula nitong nga mata. Bagay na ikinadagundong ng buong mansyon at nakagawa ng malakas na paglindol.Ikinaatras iyon ni Morriban, na hindi sinasadyang mapadaan sa silid kung saan nagpupulong ang mga nakakatanda. Kanina pa ito nakikinig sa pagpupulong ng mga ito at hindi inaasahan ang mga maririnig. Mangilang segundo itong napa

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 116: Adventure

    Third Person person point of viewNakarinigv ng ingay patungk sa Kay Morriban si Hagan at gavin."Paanong ililigtas natin sila eh hindi naman nating magagawaNg itearidor ang sarili naging kalaban. Hinding hindi." Lugmok ang mga balikat na inunahan ni Hagan sa paglalakad si Gabin ng bbalik na ang mga ito sa head quarters.Ngunut ikinagulat ni Hagan ng pigilan siya ni Gavin."Sasama ako sa inyo. Iligtas natin si Morriban sa Nero."Tahimik naming sinundan ang dalawang Jinn kasabay si Alek. Bakas naman ang pagaalala ng mga naiwanan naming myembro dahil sa komosyong ginawa ng mga kawal ng konseho. Pero tonanguan ko lang naman si Mischa na nakasilip sa bintana upang kami ay tanawin bilang paalam. Wala naman kasi sigurong mangyayaring masama kung kakausapin man kami ng konseho. Dapat lang naman talaga nilang ipaliwanag sa amin ang lahat ng nangyari dahil kamuntik nang may masamang bagay ang mangyari kay Morriban. Isang karwahe ang nadatnan namin sa pagsunod namin sa dalawang Jinn. Isa iton

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 115: turn over point

    Hagan Point of View.Inis akong napatingin kay Gavin nang hilahin lang ako nitto kung saan. Hindi ko siya maintindihan. Ilang beses ko nang kinukuha ang braso ko mula sa kanyang mga kamay na halos kinababa na ng kanyang mga kuko dahil sa galit na alam kong ramdam niya. Kakaiba naman kasi talaga si Gavin. Kumpara sa kanyang kapatid na si Grant. Si Gavin ang pinakamatinong version nilang magkakakapatid. Pero ano ba ang iniisip ng isang itto? Ano ang sinasabi noyang kailangan kong harapin ang Konseho para lang mailigtas si Morriban? Hindi ba kayang ako na lamang ang kumilos?Kung maaari lang na ako na lamang ang kumilos ay ginawa ko na. Dahil ayoko na na may makpahamak pang kung sino sa kanila..Dahil sa inis ko ay marahas na akong huminto at pinigil si Gavin. Hindi ko na inalintana ang naging kalmot s aakin nito mula sa kanyang pagkakaladkad sa akin."Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya.Napadpad kami sa isang dungeon na hindi ko alam kung bakit naming pinupuntahan ngayon.Tumigil r

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 114: Talk

    Third Person POV"Hagan!" Napakurap ang binatang si Hagan nang tawagin siya ng isang malakas na tinig.It was Tamara. Hindi na namalayan ni Hagan na nasa klase na sila kasama ang mga napiling Keeper. At kasama sila roon. Ngunit dahil sa pagkawala ni Morriban ay hindi na nakausap pa ng maayos si Hagan.Sinisisi nito ang kanyang sarili sa pagkawala ni Morriban sa kanya pang harapan. Ni wala itong nagawa sa harap ng kanilang mga kalaban, dahil tulad ng dati ay nanigas ito sa kanyang kinatatayuan gaya ng pagkakaagaw rin ng kalaban sa malay ng kanyang Lola."You know what, kung hindi ka magseseryoso, sana tinanggihan mo nalang ang karangalan mo para maging Keeper ng Gaia." Usal ni Grant habang patuloy na nagsusulat. Ikinagulat iyon ng lahat, Napuno ng tensyon ang kwarto dahil ramdam ng lahat ang seryosong aura ni Hagan simula nang mawala si Morriban. At walang nakakaalam kung kelan ito sasabog, dahil kung sumabog ito ay paniguradong ito ay magiging mapaminsala. Hanggang tahasang tumayo s

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 113: From inside out

    Third Person Point of View"Ito naman ang tinatawag na Mana. Ang klase ng aura na pwedeng gamitin sa lahat ng bagay gaya ng ginawa ko kanina."Nakatulala lang at walang maintindihan ang nga estudyante ni Eliasar sa kanyang mga sinasabi. Bagay na agad niyang ikinatingin sa gawi ng kanyang anak na si Eliot. Nagpakita ito ng pagkadismayang tingin sa anak. Pero nag kibit balikat lamang ito at ikinabuntong hininga ni Eliasar."I get it, kailangan niyo munang mabuksan ang mga mana point sa inyong mga mata, upang makita niyo at maintindihan niyo ang aking sinasabi at ituturo." Sabi nito sa lahat."Hagan, tama?" Mabolis na tinuro ng matanda si Hagan na nagitla rin naman."Yes sir!" Sagot nito."With no doubt, I know he already opened his mana point, pero sa nakikita ko ay hindi pa iyon gaanong bukas."Pagpapaliwanag ni Eliasar na naputol nang magtaas ng kamay si Morriban."But how can we obtain that skills? How can we open our mana point?" Asar nitong tanong dahil sa nararamdmaang ingit kay

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 112: Happy thoughts

    Hagan Point of View"Paano mo ginawa iyon sir?" Bulalas na tanong ni Dalo nang mapaangat ni Mister Eliasae ang itak na nasa lagayan nito kahit hindi niya ito nilalapitan.Pero may kakaiba sa ginawa niyang iyon. I saw something between his moves. May kung anong bagay ang nagdugtong mula sa kanyang kamay hanggang sa sandatang iyon. Para iyong pisi na anino. At base sa nakita kong reaksyon ng mga kasamahan ko. Hindi nila ito nakikita."Walang pinagkaiba ang bagay na ito sa concentrated Aura na naituro sa inyo ng inyo ni Gremmy. Its the same thing, pero mas mataas nga lang itong lebel." Pagpapaliwanag nito sa amin hanggang sa magtana ang aming mga nata at tila may bumaril sa akin sa mga matang iyon. Na para bang nahuli niya ako sa akto.Pero imbis na mas lalo akong pakabahin ay agad nitong itinaas ang kanan nitong bahagi ng labi."One of you can understand what I am saying. Am I right, Hagan?" tanong nitong derekta sa akin na ikinanlaki ng nga mata mo."Ah-Ano po iyon?" Taranta kong tugon

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 111: Trusted

    Morriban’s Point of View Hindi ako makapagsalita hanggang ngayon na ginagamot ng isang simpleng katiwala ng mansyon ang aking mga sugat, habang pinapakain ako nito nang kung anong halaman upang mabalik ang lakas na nawala sa akin. Hindi ako makapagsalita at natutulala lang sa ginagawa sa akin kahit na alam ko sa loob ko na ang tipikal kong reaksyon sa ganitong sistema ay pagkairita. Ayaw na ayaw ko na iba ang humahawak sa akin bukod kay Ate Gertrude. Ayokong mga hamak na mabababang nilalang lamang ang magpagaling sa sa akin at natural ko iyong paguugali simula ako ay magka-isip. Pero ngayon ay wala akong magawa kung hindi matulala o miski ang makagalaw ay hindi ko magawa. What just happened earlier? How could he even do that in the middle of Quillon’s range? Pati ako ay natakot kay Quillon pero paano niya akong nagawang ialis sa ganoong sitwasyon? At isa pa, hindi ba’t pabor sa kanya ang hinihiling ni Quillon na isuko na ang pagaaral ko sa Akademia? Bakit hindi siya pumayag? Bakit

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 110: Mana

    Nagsimula na ang araw ng pagtuturo ni Eliasar sa mga estudyante ng Dasos. He is not expecting much to them pero nakakakita siya ng kislap sa mga mata ng mga batang ito na naguudyok sa kanya lalo upang magturo. For he is seeing himself sa kanilang nga kabataan ngayon. Ng maging hayok sa pagkatuto at matuto para sa tamang dahilan. Unang namangha si Eliasar sa dalagang si Morriban. Dahil nakita agad nito ang pagsamo sa dalaga ng isang sandata upang ito ay kanyang gamitin.Hindi gaya ng mga paningin ng ibang nilalang. May espesyal na kakayahan ang mga kagaya ni Eliasar na bihasa sa paggamit at pagkontrol sa Mana o ng kanilang Aura.Dahil dito ay malayang nakikita ni Eliasar ang iba't-ibang mana na mayroon ang mga kabataang kaharap niya. At ang pinakamalakas na tila kumukuwala doon ay ang kay Morriban. Ang pinakamahina namang Mana na mayroon ay ang sa binatang si Hagan. Pero kakaiba ang Aura na mayroon si Hagan, dahil hindi sigurado si Eliasar sa tunay na katauhan ng binata. For elves h

DMCA.com Protection Status