Home / Fantasy / GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales / KABANATA 5 : Andreas and Denzell

Share

KABANATA 5 : Andreas and Denzell

Author: GHIEbeloved
last update Huling Na-update: 2021-08-24 02:34:59

  “Kung gusto mong makalabas ng buhay sa mundong ito, matuto kang makinig at alamin ang kinalalagyan mo. Isa ka lamang mortal. At ipapaalala ko sa'yo na isang pabor ang dahilan kung bakit ka nasa lugar na ito,” tuluyan nitong alis sa harapan ko kasabay ang marahas na pagsarado sa pintuan.

    Dahil sa prustasyo'y nasipa ko na lamang ang kama sa likuran ko. Naiinis ako sa katotohanang wala akong karapatang tumanggi sa utos ng kahit na sino! Alam nilang wala akong magagawa! Dahil nakasalalay ang buhay ng lola ko sa lahat ng ikikilos ko!

    “Lola...” bulong ko sa hangin.

    Bagsak-balikat kong nilakad ang pinakamalapit na bintana para buksan ito. Binuhat ko ang isang silya at hinayaan kong pumasok ang malakas na hangin mula sa labas. Umupo lang ako roon at pinagmasdan ang kalangitang unti-unting nababalot ng kadiliman. 

    Marahan kong kinuha sa bulsa ko ang lasog-lasog nang pitaka at kinuha roon ang nag-iisa at pinakaiingatan kong litrato namin ni Lola. 

    “La, kamusta ka na d'yan? Inaalagaan ka na ba nila ng maayos? Tumupad ba sila sa pangako nila?”

    “Hintayin mo ako, La. Makalalabas ako ng buhay rito para sa ‘yo. Kaya mabuhay ka. Gumising ka na... hindi ko na po kaya kung pati mawala ka pa,” mahigpit kong hawak sa litraro kasabay nang mabagal kong paghinga. 

    “Ipinapangako ko rin, La, na habang nandito ako sa Gaia, ay hahanapin ko ang mga nilalang na kumuha kay ate Soledad at itay. Ipaghihiganti ko sila, La. Hindi ako uuwi pabalik sa inyo hanggang hindi ko nalalaman kung sinong may kasalanan ng pagkawala nilang dalawa.”  Tuluyan akong nahilam ng luha. Matalim kong tinanaw ang kontinenteng nakalutang.

    Hindi ko palalagpasin ang pagkakataong mahanap ang may kagagawan ng pagkawala ng kapatid at ama ko sa lugar na ito. Sinisigurado kong mananagot ang lahat ng may kasalanan ng kanilang pagkawala.

    * * *

    “Napakaganda ng anyo niya, Sofia.”

    “Oo nga, Laura. Ano kayang klaseng nilalang siya?”

    “Ahhh, napakasarap niyang titigan.  Sana'y isa rin lang siyang fairy na pinalaki ng mga Diety para kapag lumiit siya’y pwede na kaming magpakasal.”

    “Anong pinagsasasabi mo, Lucia? Sa akin siya! Ako ang panganay!”

    “Bakit nasa tanda ba ang pagpapakasal? Sa akin siya!”

    “Hindi kayo papayagan ni Ama,  Lucia at Sofia. Ako ang paborito ni ama, kaya ako ang papakasalan ng ginoong ito!”

    Napakunot ang noo ko sa maliliit na boses na naririnig ko. Unti-unti ko iyong ikinamulat at nasilaw sa sinag ng araw. 

    Nakatulog pala ako sa bintana. 

    “Gising na siya! N-Napakakisig niyang nilalang!”

    Ngunit nang matauhan ako sa boses na iyo’y namilog ang mata ko sa tatlong makukulay at maliliit na nilalang malapit sa mukha ko. 

    “Ahh!!” sigaw ko kasabay ng agad kong pagtayo ngunit ang tatlo’y napatili rin kasabay ko.

    Kalahating dangkal lang ang mga sukat nito. Tatlong babaeng may maganda at napakanipis na mga pakpak. May mga soot ang mga itong puting bestida na bumabagay sa mga kulay ng buhok nila.  

    “Sino kayo?! Huwag niyo kong sasaktan!” atras ko.  

    Pero nagulat ako nang tumawa ang tatlong ito nang sabay-sabay. 

    “Huwag kang matakot, kami'y pumasyal lamang sa palasyo gaya ng nakagawian. Nadatnan ka naming nagawang hindi isara ang bintana ng silid mo," matinis na paliwanag ng maliit na babaeng may pulang buhok, at putong bistidang may mga linyang pula.

    “Tama! Alam mo bang napaka-delikado ng ginawa mo? Maraming nilalang sa Gaia na pwedeng looban ang iyong silid,” pamewang naman ng  babaeng may berdeng buhok, na may mga linya ring berde sa kanyang bistida. 

    “Ano ba kayo, Sofia, Lucia! Hindi pa nga tayo nagpapakilala,” sermon naman nang may katabaang babaeng may maliit na korona at may rosas na kulay na buhok. Gaya ng iba ay may kaunti ring rosas na kulay ang damit nito. 

    “Kami ang Flordelina trio. Ako si Laura,” ngiting upo ng may rosas na buhok sa tuktok ng sandalan ng kinauupuan ko kanina.

    “Hihi, ako naman si Lucia.” Kaway naman ng maliit na boses ng babaeng may pulang buhok. 

    “At ako naman si Sofia. Magandang umaga.” Maliksi namang kaway ng babaeng may berdeng buhok. 

    Pero nanatili akong hindi makapagsalita. 

    Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ni hindi ako makagalaw...

    “Magandang umaga rin mga binibini.” Ngunit lahat kami'y napalingon sa boses ng lalaki sa likuran ko. 

    Siya iyong lalaking sumundo sa akin sa bahay kahapon. Si Nelson Gravesend. 

    Rinig ko ang sabay-sabay at matinis na pagsinghap ng tatlo. Pero nang lingunin ko sila'y halos isubsob na ng mga ito ang kanilang ulo sa kinatatayuan nilang iyon. 

    “Ikinalulungkot kong putulin ang inyong pag-uusap, ngunit may mga gagawin pa kami ng binatang ito.” Masayang ngiti ni Nelson na agad ikinatunghay sa kanya ng mga maliliit na nilalang. Namumutla ang mga ito at tila takot na takot. 

    Bakit?

    “A-Ayus lang, Lord Nelson. P-patawad po't naparito na naman kami,” paliwanag ni Sofia. 

    “O-opo, patawarin niyo po kami. Iginala ko lang ulit ang mga kapatid ko,” takot namang ani ni Laura. 

    “Hindi na po mauulit,” mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Lucia. 

    May kung anong mali sa mga ikinikilos ng mga ito ang nagudyok sa aking protektahan sila mula kay Nelson. 

    Humarang ako sa tatlo at humarap sa kanilang kinatatakutan. 

    “Mga b-bisita ko sila. Ako na ang bahala sa kanila,” deretso kong sabi. 

    Wala itong naging reaksyon. Kaya naman tinalukuran ko lang ito at humarap sa tatlo. 

    Inilahad ko ang kamay ko sa kanila na agad nilang tinalunan para maka-akyat. Matapos nito'y marahan ko silang hinatid sa bintanang nakabukas at tipid silang nginitian. 

    “Maraming salamat sa pagbabantay sa'kin. Maari na kayong umalis,” mahina kong usap na agad nilang ikinangiti. 

    Una'y nahiya pang lumipad ang tatlo ngunit nang maalala nila ang prisensya ni Nelson ay dali-dali na ang mga itong nawala sa harapan ko.

    “Napaka-aga namang magkaroon ng bisita ang tulad mong mortal sa Gaia.  Alam ba nilang mortal ka?” mapang-asar nitong panunuya sa akin pero hindi ako nagpa-apekto. 

    “Ano ang kailangan mo?” deretso kong tanong na ikinatigil nito. 

    “Tama si Quill, hindi nga masyadong maganda ang tabas ng dila mo. Pero ayus lang, mas mahaba ang pasensya ko kaysa sa kanya." Paulit-ulit nitong hinimas ang kanyang baba.  

    May simple ngunit magara itong kasootan. Pulang blazer na bukas ang butones na kinakikitaan ng nakapaloob na puti at maluwag na damit. Bagay na binabagayan ng bilog at manipis nitong salamin sa mata. 

    “Ako ang gurong nakatakdang magturo sa iyo. Pero bago ang lahat. Mag-ayus ka muna ng sarili mo't mag-agahan. May mga pamalit d'yan at paliguan. Nakahanda na rin ang pagkain mo sa kabilang kwarto.  Maghanda ka na.”

    Aalis na rin sana ito nang huminto itong bigla at humarap sa akin. 

    “Isa pang bagay.” Matalim ang tingin nito. “Hindi ko balak saktan ang tatlo kanina. Kaya huwag na huwag mo silang proprotektahan laban sa akin.” May pait sa tono nitong tuloy. Pero ikinibit-balikat ko lang ito at sinunod ang kanyang ibinilin. 

    Naglinis ako ng katawan ko't nalula sa mga kasootang mayroon ang isang pinto na punong-puno ng magagarang damit, sapatos at pantalon.  Pero ang pinakasimpleng pares lamang ng kasootan ang kinuha ko roon. Berdeng t-shirt na tinernuhan ko ng itim na pantalon. 

    * * *

    Matapos kong mag-ayos at kumai'y agad ding kumatok si Nelson sa silid ko. Isimama ako nito sa hindi kalayuang lugar kung saan halos mapuno ng mga libro ang bawat sulok ng silid. May napakaataas itong kisame, na kinalalagyan rin ng librong hindi ko alam kung nagagamit pa ba o disenyo na lamang. 

    “Ma-upo ka,” utos nito.

Napatigil ang paglilibot ng mata ko at umupo sa nag-iisang silya rito. Nanatili namang nakatayo si Nelson at tinalikutan lamang ang isang asul at nagliliwanag na bagay. 

    "Simulan na natin ang leksyon." Pagsisimula nito. Na determinado kong pinakinggan.  

    Ang Gaia ay at ang mundo ng mga mortal o ang daigdig ay iisa lamang, ilang libong taon na ang nakararaan.  Noo'y mapayapang namumuhay ang dalawang panig. Ang mga espiritu, ang mga diyos, ang mga nilalang ng langit, lupa, apoy, at kagubatan, at maging ang mga mortal o ang sangkatauhan.

    Payapang ginagalang ng bawat isa ang pamumuhay ng bawat nilalang. Ngunit nagiisang bagay lang ang hindi nila maaring gawin. At ito ay ang magpaibig gamit ang itim na mahika.

    Napakasagrado sa bawat nilalang ng pagmamahalan. Kaya ang pilitin ito gamit ang itim na mahika'y makapagdudulot ng isang sumpa at trahedya.

    Hanggang sa nangyari nga ang kinatatakutan ng lahat. Dalawang nilalang ang bigla na lamang sumulpot sa kawalan. Mga halimaw na nakapagpabago ng takbo ng lahat. At pinaniniwalaan ni Nelson, maging ng ibang diyos na ang nilalang na iyon ay bunga ng pinagbabawal na kautusan. 

    Ang halimaw na iyo'y anyong tao, na may kapangyarihang higit pa sa kanilang mga Diety. At iyon rin ang naging dahilan ng mga tao upang isisi ang panininira ng mga halimaw sa mga nilalang ng Gaia. Sa kadahilanang ang kapangyarihan nito'y natutulad sa kanila.

    Nagdulot iyon ng matinding gulo na umabot sa puntong pagpapaslangan ng magkabilang panig.  

    Ito ang panahon kung saan nagdesisyon ang mga Diety at mga espirito na paghiwalayin ang dalawang mundo para sa ikatatahimik ng lahat. Panahon kung saan naglaho rin ng parang bula ang mga mapanirang mga halimaw. Ngunit pinaniniwalaan ni Nelson na nagtatago lamang ang mga ito kung saan. Naghihintay ng masisilo, at tamang oras upang maghasik muli ng lagim. 

    Naputol ang pagtalakay ni Nelson nang may narinig kaming kalabog sa pinanggalian naming pintuan. Hanggang sa magbukas iyon at tumambad sa akin ang dalawang lalaking halos kaedaran ko lamang. Isang may gintong buhok na at isang may lalaking nakapusod ang may kahabaang itim na buhok ngunit may patay na mga mata. 

    “Sa wakas, magsiupo na kayong dalawa para maipagpatuloy ko na ang aking leksyon.”

    “Ugh, kailangan ko ba talagang pagaralan ulit iyan lahat Nelson? Ilang taon ko ng pinagaaralan 'yan,” bagot at padabog na upo ng may dilaw na buhok sa kaliwang upuan malapit sa akin.  

    Nakita ko ang panandalian nitong pagpuna sa akin ngunit hindi rin ako pinansin. 

    “Shut up, Denzell. Hindi mo na kailangang magtali-talinuhan. Alam naming lahat na tinatakasan mo lagi si Luther sa leksyon," walang tono namang puna ng lalakeng may mahabang buhok at marahan namang umupo sa kanang upuan sa tabi ko.  Pero hindi tulad ng may dilaw ang buhok ay nakipagsukatan ito ng tingin sa akin. Titig na malinaw nitong naipararating sa akin na hindi ako kabilang sa mundong kanilang kinabibilangan. 

    Malakas ang kutob kong Diety rin ang dalawang ito. May kung anong bagay ang meron sa mga itong parehas kay Luther, Gertrude, Quillon at Nelson na hindi ko maipaliwanag.

    “Pfft. Seriously, Denzell? Buti hindi ka nayari kay Luther?” hindi makapaniwalang puna ni Nelson sa dalawa.

    Napakakaswal ng paguusap ng tatlo, na para bang magkakapatid lang ang mga ito.

    “Hindi,” tawa nitong Denzell. Mapaglaro ang mga tawang iyon. 

    “Bulag eh.” Tukod ng kamay nito sa kanyang baba at napalingon sa gawi ko.

    “So he's that 'one'?” Mapanuri ako nitong tinignan.

    Noong una'y nakipaglabanan ito ng tingin sa akin gaya ng lalake sa kanan ko. Ngunit hindi kalauna'y ngumiti ito ng nakakaloko sa akin.

    “Hello. I am Denzell, the youngest Diety. Nice to meet you,” abot nito sa kanyang kamay na tinignan ko lamang. Pero ikinagulat ko nang siya mismo ang humabol sa mga kamay ko para hawakan iyon.

    “At 'yang batong katabi mo? Iyan si Andreas. Ingat ka diyan. Bakla 'yan. pfft." At hindi pa ma'y isang libro na ang pumukol sa ulo nitong Denzell galing ito kung saan na ikinatakha ko.

    Imposible. Kami lang apat ang tao sa silid.

    “Yah!" angil nitong Denzell na ikinalabas  ng dilaw na liwanag sa kanyang mata. Kaya naman mabilis kong nilingon ang Andreas na sinasabi nito at nakita ang Lila nitong mga matang nagliliwanag din.

    “Denzell! Andreas! Tama na!” At ang sigaw na iyon ni Nelson sa galit nitong tono'y nakapagpatigil sa liwanag ng mata ng dalawang. 

    Padabog ng umupo muli si Denzell sa tabi ko. 

    "Makagaganti rin ako sa'yong Andreas ka! " Rinig kong bulong nito pero nanatili na lang akong nakatuon kay Nelson. 

    Hindi ko inaasahan na ganito ang dalawa pang Diety na sinasabi ni Nelson. Ito ba talaga ang mga diyos na tinitingala sa Gaia?

    “Your inner voice are too loud. And to inform you, we are just the reincarnation of the one who handle all the chaos in the past together with Artimus, Luther, Quillon, Nelson, and Gertrude.  Parehas lamang tayo ng edad. Pero hindi ibig sabihin niyo'y dapat mo na kaming maliitin ni Denzell. " 

    May panlalaking mata kong nilingon si Andreas nang marinig ko ang boses nito sa aking isip.

    Pero gaya kanina'y nanatili itong nakatititig sa akin ng walang buhay. 

    Paanong.... 

    "I have this special ability to hear things inside a human mind,  the one you called telepathy sa mundo ninyo. Kaya ko ring pagalawin ang mga bagay na malalayo sa akin. But I can't use this power to its full extent yet.  Kaya kung nagaalala ka kung kaya ko ba talagang basahin ang isip mo,  then you're wrong. Iyong mga malalakas lang na boses ang kaya kong marinig, not all things running on your mind."

    “Denzell also has an ability of increasing his speed. He's also learning how to shape shift, but like me, we can't fully gain this power. We need more practice and lessons from our senior,” iwas nito sa aking tingin at lumingin na kay Nelson. 

    Hindi na ako nakapagreact pa sa mga sinabi nito at itinuon na lang ang atensyon ko kay Nelson. Mahirap na, baka kung ano pang mabasa nito sa isip ko. 

    “Ngayon, ang Gaia ay binubuo ng mga grupong nakahanay batay sa lakas, kakayahan, at tungkulin ng mga ito sa mundo,” pagpapatuloy ni Nelson sa paliwanag at nagpakita pa ng imahe sa umiilaw na bagay sa kanyang likuran. 

    “Ang nangunguna sa mga ito ay ang mga Ispirito na bumubuhay sa Gaia, kasama ang mundo ng mga mortal,” ngiti nito sa akin at nagpatuloy muli.

    “Pinaniniwalaang may apat na ispirito ang daigdig na nananahan sa Gaia. At sila ay sina Sylphea— ang ispirito ng hangin, si Salmandara—ang ispirito ng apoy at bulkan, si Chimedia—ang ispirito ng lupa, at si Undinara—ang ispirito ng tubig."

    Ispirito? Totoo kaya ang mga ito?  May ispirito ang mundo ng Gaia at tao?

    "Malimit lamang magpakita sa kahit na anong uri ng nilalang ang mga ispirito. Tulad ng mga ispiritu sa mundo niyo'y wala silang konkretong anyo. Madalas ay isa lamang silang boses, at maging mga Diety katulad nami'y hindi nito pinakikitaan. "

    Ispirito. Gaya ng nakita kong balyena na lumalangoy sa kalangitan? 

    Hindi. Baka imahinasyon ko lang iyon. 

    “Ang sumunod naman sa mga ispirito'y ang mga Diety.  Kalahating tao,  at kalahating diyos na tagapamagitan at nagpapanatili sa kapayapaan sa dalawang panig ng mundo. Kaya huwag kang magtakha sa mansyong mayroon kami sa lugar ninyo.  Dahil matagal na taon na kaming naninirahan doon upang pagmatyagan at simpatyahin ang lahat sa Gaia maging sa mundo ng mga mortal.”

    Nakuha ko na kung bakit. 

    “Ang mga sumunod naman ay ang mga espesyal na nilalang o mga Mythical Creature sa ingles. Sila naman ang taga-pangalaga ng kalikasan, batay kung saan sila kabilang.”

    At ang sumunod na larawan na lumitaw sa likuran nito'y ikinakunot ng aking noo. 

    Mga bandera iyon na may kulay na pula, asul, puti, at berde. Mga watawat na may mga simbulo na ikinatuon ng aking atensyon. 

    Ang puting bandera'y may simbulo ng isang puting ibon na may napakahabang buntot at malawak na pakpak. 

    Ang pula nama'y may simbulo ng nagaapoy na animo'y butiki. 

    Ang berdeng watawat ay may tatak na kinasisimbuluhan ng isang leon.  

    At ang tatak na mayroon ang asul na kaharian..  

    Banderang ikinatulala ko una pa lamang... 

    Ang asul na banderang may tatak ng buntot ng dambuhalamg nilalang sa dagat.... Isang balyena.

Kaugnay na kabanata

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   KABANATA 6: The Four Kingdom

    Hagan's Point of View Ang balyenang nakita ko. Hindi kaya... "Taglay ng mga simbolong iyan ang apat na kahariang kinabibilangan ng mga nilalang batay sa kung saang elemento sila nabibilang." Pagpapatuloy nito sa pagpapaliwanag na sinabayan ng paglitaw ng kahariang may abuhing watawat sa screen. Ang nilalang na nakaburda sa watawat nito'y isang puting ibon na may mahabang buntot at malawak na pakpak. "Aeras. Ang kahariang may pinakamataas na antas sa apat na kaharian. Dahil ito sa taglay na kakayahan at katalinuhan ng mga naninirahan doon. At karamihan sa kanila'y may kakayahang lumipad." Isang video ang ipinakita nito kung saan kita ang buong kaharian ng Aeras. At hindi ko maiwasang mamangha sa lugar na iyon. Ang kaharia'y naka-pwesto sa matayog at malawak na talampas sa gitna ng nagtataasang kabundukan. Agaw pansin doom ang isang puti at maliit na bersyon ng palasyo tulad

    Huling Na-update : 2021-09-02
  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   KABANATA 7: Morriban

    "Ang mga Fairy. Sila ang mga naliliit na bersyon ng mga Diwata. Sila naman ang mga taga-pangalaga ng mga kahalamanan. Noon ay napakaraming Fairy sa Gaia. Ngunit palaon nang palaon ay kumokonti na ang populasyon ng mga ito. Hanggang sa isang pamilya na lamang ang natira sa kanila." Napatingin akong agad sa mata ni Nelson sa pagkakataong iyon. Pinipilit hanapin ang sagot sa konklusyong nabuo sa aking isip. Pero ang lumbay nitong mga mata lang ang naisagot nito sa akin. "You've meet the three of them this morning, Hagan. The Last generation of Faries. The Flordelina trio," usal nito na ikinatigil ko. "Bakit anong nangyari?" Hindi ko mapigilang tanong. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng galit. Pero napakababait ng mga Fairy. Nagawa nila akong bantayan kahit hindi nila alam kung sino ako. Likas silang mabubuti. Pero paanong naubos ang ganoong

    Huling Na-update : 2021-09-04
  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 8 : Deal

    Hagan's Point of View Napatigil si Morriban sa huling katagang sinabi ko. Ang matalas ngunit malungkot nitong mga mata'y nawalan ng buhay na ikinaatras ko. May kung anong bagay ang meron sa mga tinging iyon. Malayo ito sa mga matang mayroon si Gertrude noong nanigas ako sa kinatatayuan ko sa takot. Pero ang mga tingin ni Morriban. Tila ba, inuubos nito ang hangin sa paligid ko na nakapagsasanhi ng pagkakapos ko sa hangin. "Isang mortal ang nakatakdang protektahan ako?" walang pagkurap nitong tanong sa kanyang sarili na sinundan ng kanyang pagyuko at nakakikilabot nitong pagtawa. Makailang sandali pa'y tinapunan muli ako nito ng hindi makapaniwalang tingin at binalik sa akin ang walang buhay nitong mga mata. "Hindi ko kailangan ng kahit na anong proteksyon mula sa kahit na sino... lalong-lalo na sa isang hamak na mortal kagaya mo," dahan-dahan nitong komento na ikinapantig ng tainga ko. Hamak na mort

    Huling Na-update : 2021-09-04
  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 9: Egor

    "E-Egor?" Bulalas kong tigil na agad nitong ikinangiti sa akin. Egor, ang isa sa apat na Elders ng apat na kaharian. Ang mga nilalang na katumbas na ng mga hari. Ang mga pinuno ng apat na angkang unang naging residente ng Gaia. At siya... ang malupit na Egor na manlilipol ng mga mortal! Naging alerto ako sa kapahamakang napasok ko. Mahigpit na iniyukom ang kamao at isang beses na umatras mula sa mapanganib na matanda. Ngunit mas lalo akong naging alisto nang kumunot ang noo nito't pinanliitan ako ng mata, na para bang may sinisipat sa leeg ko. Marahan ako nitong nilapitan. Inangat ang kanyang tungkod at kunot noong itinutok iyon sa leeg ko. Bagay na bahagya kong ikinailag, ngunit ang marahas na pagbukas ng pinto'y ikinatigil din nito. "Hagan!" Sigaw ng kung sino sa likuran ko na sa isang iglap ay nasa harapan ko na. Isang pamilyar na likuran ng

    Huling Na-update : 2021-09-06
  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 10: Talisman

    Nakita ko ang unti-unting panlilisik ng mata ng matanda. Bagay na ikaatras ko. Pero huli na nang mahigpit na ako nitong hinawakan sa magkabila kong balikat. "Naniniwala ka na kaya pang maibalik ang lahat sa normal? Ang isang kagaya mong mortal ay naisip ang bagay na iyon?" Giit nitong usig sa akin. Pero pinagpatuloy ko ang aking sinasabi. Nanatili ako sa aking paninindigan."Oo! Naniniwala ako! Naniniwala akong makakaya nating ibalik ang lahat kung magkakaroon tayo ng pagkakataong maipaintindi sa magkabilang panig ang katotohanan. Para wala nang madamay na inusenteng buhay! Para maging mapayapa na ang lahat! Gusto kong tapusin ang gulong mayroon sa dalawang mundo! At magagawa lang natin iyon kung magagapi natin ang mga halimaw na nakalathala sa mga aklat! Sa mga halimaw na naging mitsa para magsimula ang kaguluhan ng lahat!" giit ko na agad nitong ikinabitaw sa akin. Hinintay ko itong tumawa. Ngunit lumakad

    Huling Na-update : 2021-09-06
  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 11 : Bangungot

    Hagan Point of View "Ano bang nagawa ko! Bakit niyo ba ako pinapahirapan nang ganito?" buong paghihinagpis na sigaw ng isang lalakeng hindi pamilyar sa akin. Kasing dilim ng kalangitang pinagkaitan ng mga btuin ang buhok nito. May malalalim na mga mata, at marungis na panganagatawang sinasamahan ng lasog-lasog nitong damit. Sa harap nito'y nakatayo ang apat na nilalang ang mga paa'y nakalutang sa hangin. Nakatalikod ang mga ito sa akin. Ngunit sapat na ito para makita ang iba't-ibang liwanag na mayroon sa apat na nilalang na ito. Mga liwanag na animo'y mga apoy na hindi nakakasunog. Isang asul, sang puti, isang pula, at isang berdeng liwanag na akala mo'y nanggagaling rin sa kanilang mga kapa. Sinubukan kong lumakad sa kinaroroonan ng mga ito para sana makita kung sino sila. Ngunit nang tatangkain ko na'y hindi ko man lang mai-galaw ang mga paa ko. Anong nangyayari? Nasaan ako? Sino siya? Sino sila?

    Huling Na-update : 2021-09-12
  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 12 : Kaharian ng Dasos

    Tulalang nakababa ang binatang si Hagan sa karwahe. Manghang-mangha ito sa kanyang mga nakikita. Tila nalulula at hindi makapaniwala na nasa kanya nang harapan ang Dasos na nabasa niya lamang sa librong kanyang pinagaaralan sa aklatan ng mga Gravesend. Naghahawig ang kaharian ng Dasos sa baryong kinalakihan ni Hagan. Simple itong binubuo ng mga kabahayang gawa sa kamalig. May mga bahay na gawa sa pinagdikit-dikit na kawayan, may iba namang gawa sa sawali, at may bahay ring gawa sa pinatigas na putik. Iba-iba ang laki ng mga sambahayan batay sa kung anong klaseng nilalang ang nakatira rito. Ngunit pumapangibabaw sa lahat ang matayog na palasyong ang lokasyo'y nasa pinakasentro ng kaharian. "A-ako nga pala si A-Alek. A-ako ang napag-utusan ni Egor p-para kayo'y ihatid sa Sentral." Pansin ni Hagan ang panginginig ng nilalang na sumundo sa kanila. Bagay na agad nitong nginitian para maging komportable ito na hindi lang na

    Huling Na-update : 2021-09-22
  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 13: Soul

    "Hagan?" Napakurap ako nang magsalita muli si Alek. Kita ko ang pagkabahala sa kanyang mga mata. Bagay na mabilis kong iniwasan at nilagpasan lamang ito ng tingin. Tinanaw ko si Morriban at mabilis itong nilapitan. Magkasalubong ang mga kilay nito, ngunit wala ko pa rin itong pasabing hinawakan sa magkabila niyang balikat. Buong alala itong sinipat hanggang ulo hanggang kanyang paa. "Ayos ka lang?" Binitawan ko ito't sinipat maging ang kanyang likuran. Hindi ako maaring magkamali. Gusto siyang siluin ng leon na iyon kanina. Ngunit imbis sa sagutin ako'y marahas lang nitong hinawi ang mga kamay ko. "Ano bang problema mo?" Galit ito at may matalas na mga tingin. Saka lang ako nabalik sa realidad. Oo nga, Hagan? Ano ba talagang problema mo? Hindi ba't kaaway ang tingin sa iyo ng babaeng ito? O dahil nalalapit lang talaga ang paguugali ni Morriban kay Ate Soledad? &n

    Huling Na-update : 2021-10-01

Pinakabagong kabanata

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 118: Power of Love

    Nang dumating ang grupo sa Nero ay agad silang nalapasok bilang mga ibang lahi. May pinainom s akanilang mapagpanggap na mga gamot upang magaya ang nga lahing kampi sa kanila. kaya namab agad nilang nakapasok sa Kaharian.Ngunit laking gulat ng mga ito na makita si Morriban na nasa tabi ng trono ng kalaban."Hagan? Anong ibig nitong sabihin?" Giit na sabe ni Tamara nang hindi napapansin ng mga kwarta sibil ng kaharian ng Nerro.Pero bago pa man sila masagot ni Hagan ay isang nalakas na hiyaw ang bumalot sa buong plaza.At ikinagulat nila nang makuha ng isang dambuhalang nilalang si Asya. Hawak hawak siya sa leeg nito na paulit ulir na humihingi nh tulong sa ating apat. "Asya! " Pinilit sanang magtago ng lahat nginit hindu mapigilan ni Mischa na hindi lumabas upang mailigtas ang kanyang kapatid. "Intruder!" sigaw ng mga maliliit na nilalang galing sa mga the wicked at nalaman nalang nila Hagan na napapaligiran na sila ng nga nilalang na hayok silang pagppatay patayin. "Mga lapastan

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 117: Finally Met

    Third Person's Point of View"Pero kung titignan sino talaga ang may kamalian? " tanong ni Gavin kay Hagan hsbang tinatathan ang malamig na daan. "Ang monseho ang may kamalian dahim wala silang balak nilang iligtas si Morriban ay wala na. Wla ana dahim ano! DhIl s ang sandatang pinagawa s samin ni Sir Elisae."TUMIGIL KA! Ang nakatakda ay nakatakda! Ngunit kung hindi magbabago ang tadhana at tuluyang maisakatuparan ni Morriban ang propesiya'y wala na akong ibang rason para buhayin siya! " Malakas at nakakatakot na boses ang pumailanlang sa buong silid. Galing ito sa pinakamatandang myembro sa pamilya ng Gravesend, si Artimus. Galit na sinasabayan ng pagkislap ng pula nitong nga mata. Bagay na ikinadagundong ng buong mansyon at nakagawa ng malakas na paglindol.Ikinaatras iyon ni Morriban, na hindi sinasadyang mapadaan sa silid kung saan nagpupulong ang mga nakakatanda. Kanina pa ito nakikinig sa pagpupulong ng mga ito at hindi inaasahan ang mga maririnig. Mangilang segundo itong napa

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 116: Adventure

    Third Person person point of viewNakarinigv ng ingay patungk sa Kay Morriban si Hagan at gavin."Paanong ililigtas natin sila eh hindi naman nating magagawaNg itearidor ang sarili naging kalaban. Hinding hindi." Lugmok ang mga balikat na inunahan ni Hagan sa paglalakad si Gabin ng bbalik na ang mga ito sa head quarters.Ngunut ikinagulat ni Hagan ng pigilan siya ni Gavin."Sasama ako sa inyo. Iligtas natin si Morriban sa Nero."Tahimik naming sinundan ang dalawang Jinn kasabay si Alek. Bakas naman ang pagaalala ng mga naiwanan naming myembro dahil sa komosyong ginawa ng mga kawal ng konseho. Pero tonanguan ko lang naman si Mischa na nakasilip sa bintana upang kami ay tanawin bilang paalam. Wala naman kasi sigurong mangyayaring masama kung kakausapin man kami ng konseho. Dapat lang naman talaga nilang ipaliwanag sa amin ang lahat ng nangyari dahil kamuntik nang may masamang bagay ang mangyari kay Morriban. Isang karwahe ang nadatnan namin sa pagsunod namin sa dalawang Jinn. Isa iton

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 115: turn over point

    Hagan Point of View.Inis akong napatingin kay Gavin nang hilahin lang ako nitto kung saan. Hindi ko siya maintindihan. Ilang beses ko nang kinukuha ang braso ko mula sa kanyang mga kamay na halos kinababa na ng kanyang mga kuko dahil sa galit na alam kong ramdam niya. Kakaiba naman kasi talaga si Gavin. Kumpara sa kanyang kapatid na si Grant. Si Gavin ang pinakamatinong version nilang magkakakapatid. Pero ano ba ang iniisip ng isang itto? Ano ang sinasabi noyang kailangan kong harapin ang Konseho para lang mailigtas si Morriban? Hindi ba kayang ako na lamang ang kumilos?Kung maaari lang na ako na lamang ang kumilos ay ginawa ko na. Dahil ayoko na na may makpahamak pang kung sino sa kanila..Dahil sa inis ko ay marahas na akong huminto at pinigil si Gavin. Hindi ko na inalintana ang naging kalmot s aakin nito mula sa kanyang pagkakaladkad sa akin."Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya.Napadpad kami sa isang dungeon na hindi ko alam kung bakit naming pinupuntahan ngayon.Tumigil r

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 114: Talk

    Third Person POV"Hagan!" Napakurap ang binatang si Hagan nang tawagin siya ng isang malakas na tinig.It was Tamara. Hindi na namalayan ni Hagan na nasa klase na sila kasama ang mga napiling Keeper. At kasama sila roon. Ngunit dahil sa pagkawala ni Morriban ay hindi na nakausap pa ng maayos si Hagan.Sinisisi nito ang kanyang sarili sa pagkawala ni Morriban sa kanya pang harapan. Ni wala itong nagawa sa harap ng kanilang mga kalaban, dahil tulad ng dati ay nanigas ito sa kanyang kinatatayuan gaya ng pagkakaagaw rin ng kalaban sa malay ng kanyang Lola."You know what, kung hindi ka magseseryoso, sana tinanggihan mo nalang ang karangalan mo para maging Keeper ng Gaia." Usal ni Grant habang patuloy na nagsusulat. Ikinagulat iyon ng lahat, Napuno ng tensyon ang kwarto dahil ramdam ng lahat ang seryosong aura ni Hagan simula nang mawala si Morriban. At walang nakakaalam kung kelan ito sasabog, dahil kung sumabog ito ay paniguradong ito ay magiging mapaminsala. Hanggang tahasang tumayo s

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 113: From inside out

    Third Person Point of View"Ito naman ang tinatawag na Mana. Ang klase ng aura na pwedeng gamitin sa lahat ng bagay gaya ng ginawa ko kanina."Nakatulala lang at walang maintindihan ang nga estudyante ni Eliasar sa kanyang mga sinasabi. Bagay na agad niyang ikinatingin sa gawi ng kanyang anak na si Eliot. Nagpakita ito ng pagkadismayang tingin sa anak. Pero nag kibit balikat lamang ito at ikinabuntong hininga ni Eliasar."I get it, kailangan niyo munang mabuksan ang mga mana point sa inyong mga mata, upang makita niyo at maintindihan niyo ang aking sinasabi at ituturo." Sabi nito sa lahat."Hagan, tama?" Mabolis na tinuro ng matanda si Hagan na nagitla rin naman."Yes sir!" Sagot nito."With no doubt, I know he already opened his mana point, pero sa nakikita ko ay hindi pa iyon gaanong bukas."Pagpapaliwanag ni Eliasar na naputol nang magtaas ng kamay si Morriban."But how can we obtain that skills? How can we open our mana point?" Asar nitong tanong dahil sa nararamdmaang ingit kay

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 112: Happy thoughts

    Hagan Point of View"Paano mo ginawa iyon sir?" Bulalas na tanong ni Dalo nang mapaangat ni Mister Eliasae ang itak na nasa lagayan nito kahit hindi niya ito nilalapitan.Pero may kakaiba sa ginawa niyang iyon. I saw something between his moves. May kung anong bagay ang nagdugtong mula sa kanyang kamay hanggang sa sandatang iyon. Para iyong pisi na anino. At base sa nakita kong reaksyon ng mga kasamahan ko. Hindi nila ito nakikita."Walang pinagkaiba ang bagay na ito sa concentrated Aura na naituro sa inyo ng inyo ni Gremmy. Its the same thing, pero mas mataas nga lang itong lebel." Pagpapaliwanag nito sa amin hanggang sa magtana ang aming mga nata at tila may bumaril sa akin sa mga matang iyon. Na para bang nahuli niya ako sa akto.Pero imbis na mas lalo akong pakabahin ay agad nitong itinaas ang kanan nitong bahagi ng labi."One of you can understand what I am saying. Am I right, Hagan?" tanong nitong derekta sa akin na ikinanlaki ng nga mata mo."Ah-Ano po iyon?" Taranta kong tugon

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 111: Trusted

    Morriban’s Point of View Hindi ako makapagsalita hanggang ngayon na ginagamot ng isang simpleng katiwala ng mansyon ang aking mga sugat, habang pinapakain ako nito nang kung anong halaman upang mabalik ang lakas na nawala sa akin. Hindi ako makapagsalita at natutulala lang sa ginagawa sa akin kahit na alam ko sa loob ko na ang tipikal kong reaksyon sa ganitong sistema ay pagkairita. Ayaw na ayaw ko na iba ang humahawak sa akin bukod kay Ate Gertrude. Ayokong mga hamak na mabababang nilalang lamang ang magpagaling sa sa akin at natural ko iyong paguugali simula ako ay magka-isip. Pero ngayon ay wala akong magawa kung hindi matulala o miski ang makagalaw ay hindi ko magawa. What just happened earlier? How could he even do that in the middle of Quillon’s range? Pati ako ay natakot kay Quillon pero paano niya akong nagawang ialis sa ganoong sitwasyon? At isa pa, hindi ba’t pabor sa kanya ang hinihiling ni Quillon na isuko na ang pagaaral ko sa Akademia? Bakit hindi siya pumayag? Bakit

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 110: Mana

    Nagsimula na ang araw ng pagtuturo ni Eliasar sa mga estudyante ng Dasos. He is not expecting much to them pero nakakakita siya ng kislap sa mga mata ng mga batang ito na naguudyok sa kanya lalo upang magturo. For he is seeing himself sa kanilang nga kabataan ngayon. Ng maging hayok sa pagkatuto at matuto para sa tamang dahilan. Unang namangha si Eliasar sa dalagang si Morriban. Dahil nakita agad nito ang pagsamo sa dalaga ng isang sandata upang ito ay kanyang gamitin.Hindi gaya ng mga paningin ng ibang nilalang. May espesyal na kakayahan ang mga kagaya ni Eliasar na bihasa sa paggamit at pagkontrol sa Mana o ng kanilang Aura.Dahil dito ay malayang nakikita ni Eliasar ang iba't-ibang mana na mayroon ang mga kabataang kaharap niya. At ang pinakamalakas na tila kumukuwala doon ay ang kay Morriban. Ang pinakamahina namang Mana na mayroon ay ang sa binatang si Hagan. Pero kakaiba ang Aura na mayroon si Hagan, dahil hindi sigurado si Eliasar sa tunay na katauhan ng binata. For elves h

DMCA.com Protection Status