Third Person's Point of View
“How many times do I have to tell you na hindi ka maaring lumabas dito lalo na kapag kumagat na ang dilim?! Seriously, Morriban?! Nakikinig ka ba talaga sa'kin?!” Niyanig ng sigaw na iyon ni Artimus ang dalagang ni ang matinag o ang matakot dito'y hindi na tinablan. Nagliliwanag na sa galit ang mga mata ni Artimus, ngunit nanatili siyang tikom. Dahil sa galit ay mahigpit nitong hinawakan ang balikat ng dalaga. “Tell me! Where have you been last night, Morri?!” Ngunit agad itong natigil nang pigilan siya ng isang kamay. “Tss stop it, Art. Sumusobra ka na, nasasaktan na si Morri sa ginagawa mo,” awat ng isa pa sa mga Diety na si Quillon. Tulad ni Artimus, ay nagliliwanag din ang mga mata nito sa asul nitong kulay. Katangian ng mga Diety na lumalabas lamang kapag sila ay nagagalit o nagpapakita ng kanilang epikong kapangyarihan. “Anong tumigil?! She just break the one and only rule I gave to her! Tapos ngayon sasabihin mong sumusubra na ako?!” Ngunit tila hindi nakinig si Quillon dito at madaling nai-pwesto sa kanyang likuran ang dalaga. “Wala nang magagawa ang galit mo, Artimus. Nangyari na ang nangyari. Ipagpasalamat na lamang natin at ligtas siya!” kontra pa nito na ikinapanlisik ng mata ni Artimus maging sa dalawa nitong kasamang si Andreas at si Denzell. Dalawang pa silang Diety na hindi nalalayo ang edad kay Morriban. Alam ni Artimus na sila ang nagsumbong kay Quillon upang pigilan ang kanyang galit. “Bahala nga kayong lahat! Kaya namimihasa iyan, pinagtatakpan niyong lahat!” galit nitong pagsuko matapos ay umalis. Ilang segundong katahimikan ang namuno sa silid matapos niyon. Ngunit agad itong winakasan ng napakalakas na buntong hininga ni Denzell. “Wooh! Kamuntik ka na roon!” punas ng binata sa pawis na namuo sa kanyang noo. Tulad nito, ikinahinga rin iyon nang maluwag ng lahat. Hinarap ng diyos na si Quillon ang dalaga, “Saan ka ba kasi nagpupupuntang bata ka? Alam mo namang delikado, at lubos naming ipinagbabawal ang ginawa mong pagtakas. Pinagalala mo kaming lahat.” Matapos ay niyakap niya ito ng mahigpit. Ngunit hindi pa rin ito kinakikitaan ng reaksyon. “O siya, Andreas at Denzell. Kayo na muna bahala kay Morri. Kausapin ko lang si Art, baka mawasak na naman 'tong mansyon,” mabilis na paalam nito matapos guluhin ang buhok ng dalaga. Bagay na agad din ikinaupo nito sa kanyang kama dahil sa panlalambot ng kanyang tuhod. Ang totoo'y nagpanggap lang itong matapang sa harap ni Artimus at Quillon. Samantala, sa kagustuhang manggulo ni Denzell ay mabilis itong lumundag sa kama ni Morriban na ikinayanig nito. “Denz!” sigaw ni Morri kasabay ng pagtalisod nito sa binata para mapatumba. “The hell?!” “Huwag ka kasing magulo.” Ikinaikot ng mga mata ni Andreas ang ginagawang iyon ni Denzell. “Tss, Don't act like a stupid mortal, Denzell. You are a Diety,” walang ganang komento ng nananahimik na binata sa gitna ng paghahanap nito ng libro sa bookshelves ni Morriban. Nakakaya nitong manipulahin at pagalawin ang mga bagay, gaya ng libro, kahit may kalayuan pa ang mga ito sa kanya. Ngunit dahil sa baguhan pa lamang sila ni Denzell ay ang magagaan na bagay pa lang ang kaya nitong pagalawin. “Mind your own business, Andreas! Huwag kang pakielamero!” pagliliwanag ng dilaw nitong mata. Na agad ring ikinaliwanag ng lilang mga mata ni Andreas. “I am, Denzell. I'm just stating what I saw. And to tell you, you're like an old orc who's having a hard time to be a stupid mortal.” "But I am ones a mortal!" angil ng binata pabalik. They are about to throw things to each other like what they used to. Nang mapatigil sila nang tahimik na tumayo si Morriban at nagtungo sa bintana nitong tanaw na tanaw ang nagiisang burol malapit sa Gubat ng kamatayan. Nagtinginan ang dalawa. At mabilis na nag-unahan para tabihan ang dalaga. Pero dahil sa may kakayahang maging mabilis ng binatang si Denzell ay siya ang nauna sa kanila. “Morri, huwag ka nang magalit kay Artimus. Masyado lang nagaalala sa'yo iyong matanda,” pagpapagaan ng loob ni Denzell sa dalaga, sa pagaakalang ito ang iniinda nito. Pero napakalayo nito sa katotohanan. Dahil higit pa ang sakit na naramdaman ng dalaga sa narinig niya mula kay Artimus noong gabi, kaysa sa salitang natanggap niya kani-kanina lang. Mahabang katahimikan pa ang sumunod dito. Hanggang sa sikuhin nalang ni Andreas si Denzell dahil hindi epektibo ang pagtawag niyang matanda kay Artimus para mapatawa ang dalaga. “Denzell's right. You should not make that face from now on, Morri.” Napatingin ang dalawa sa binata. Ikinaputla iyon ni Denzell nang mapagtanto nito ang tinutukoy ni Andreas. “Sasabihin na ba talaga natin?” bulong ni Denzell dito, na ikinagulong lalo ng isipan ng dalaga. Nagpatuloy ang binata na ikinasilay ng tipid nitong ngiti. “Yes, Morri. Artimus finally approved your request.” “Pinayagan ka na niyang mag-aral sa Gaia Akademia,” dugtong ng binatang hindi nito mapaniwalaan.Hagan's Point of View
Hating gabi na't nananatili pa rin akong gising sa tabi ng lola kong mahimbing lang na nagpapahinga sa kanyang kama. Tanging ang mga aparato lang at makina ang gumagawa ng tunog sa katahimikan ng gabi. Mga tunog na dumudurog sa dibdib ko, kaya kahit anong pigil kong pagpatak sa luha ko'y tila may sarili ang mga itong buhay para dumadaloy pababa ng pisngi ko. Hinawakan ko ang bagsak na mga kamay ng Lola. “La, gumising ka na,” impit kong kumbinsi. Dahil hanggang sa kahuli-hulihan ng oras ng pananatili ko sa tabi niya'y inaasahan kong magigising siya. Na sana ay panaginip na lang ang lahat. Na sana gumising na siya para hindi na ako umalis pa. Pero nananatili pa rin itong mahimbing. Hirap na hirap sa paghinga na ikinasasakal ko lalo. Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit sa amin pa nangyari ang bagay na ito. Ni wala kaming kakayahan o ipagmamalaki para mapili ng kapalarang sinasabi ng Luther na iyon. Bakit ako?! Bakit kailangan pang madamay ng Lola ko? Isa lang kaming dukha. Bakit kami pa?! Bakit sa amin pa nangyayari ang lahat ng ito?! Hindi pa ba sapat ang araw-araw na pagtapak sa amin ng mga matapobreng maharlika? Hindi pa ba sapat iyon at kailangan pa naming magsusunod-sunuran sa mga diety na pinaniniwalaan ng lahat? Hindi ko maintindihan! Hanggang sa dumating na ang oras. Buong pagtangis kong hinalikan sa noo ang Lola bago ko tuluyang umalis ng bahay. Isang lalaking kasing idaran ko lang ang sumundo sa akin. May nakatatak nang mga ngiti sa mga labi nito. May singkit na mga matang halos kinatatakluban ng itim na itim nitong buhok. May maputlang kulay ang balat at labing pulang-pula. “Ako si Nelson one of the Gravesend. Ikinagagalak kong makilala ka,” Agaran nitong abot sa kamay ko na agad ko ring ikinasilaw nang magliwanag rin ang mata nito. Pinipilit kong tanggalin ang kamay ko sa takot. Pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin. A-Anong ginagawa n-niya? “Bitawan mo ako!” palag ko na ikinabalik nito sa realidad at buong ngisi akong binitawan. “Ramdam ko ang mabuti mong kalooban. Masaya ako't nasisigurado ko na hindi mo magagawang saktan si Morri,” wirdong ngisi nito matapos tumalikod at naglakad na papalayo. Bagsak balikat ko na itong sinundan, patungo ito sa isang itim na sasakyang may magarang disenyo. Niyayaya na ako nitong pumasok ngunit sa huling pagkakatao'y huminto ako para pagmasdan ang bahay sa huling pagkakataon. Ayokong mapalayo kay lola, pero wala akong ibang pagpipilian. Nakasalalay na dito ang buhay ng Lola ko. Kaya kahit mahirap, gagawin ko. Dahil alam kong hindi rin normal ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Nakakainis, pero kailangan kong paniwalaan. Kailangan ko silang pagkatiwalaan. “Huwag kang mag-alala, maya-maya lang ay darating na ang mga naatasan ni Gertrude at Luther para pagalingin at protektahan si Bethina,” singit ni Nelson kaya tuluyan na akong humarap sa kanya. “P-paano ako makakasiguradong tutupad kayo sa usapan?” “Dahil kami ang pitong Diyos na tagapamagitan sa mundo ng mga mortal at Gaia. Pangalawa sa pinakamataas na antas sa Gaia, at malaking kasalanan para sa amin ang hindi pagtupad sa aming pangako,” simple nitong ngiti, at kahit hindi ko maintindihan ang ilan nitong sinabi'y napanatag nito ang loob ko. Katulad ni Luther ay mayroong ring kung ano sa mga mata nitong nakakapagpaniwala sa aking nagsasabi siya ng totoo. Tuluyan na akong sumakay sa sasakyan, at ikinagulat ko nang may isa pang personalidad sa loob nito. Hindi ko na iyon ikinagalaw pa sa kinauupuan ko. Dahil ramdam ko ang masamang tingin ng lalaki sa'kin, kaya deretso lang akong nakatingin sa harapan. A-Ano ba itong pinasok ko? “Siya na ba iyong sinasabi ni Luther, Nelson?” Malaki ang boses ng lalake. Pero kalmado ang tono nito. “Siya na nga iyon, Quillon. Maari mo na siyang litisin.” “Teka, litisin? Bakit? Para saan? Ang akala ko ba babantayan ko lang ang babaeng nagngangalang Morriban?” “Huminahon ka, iho. Hindi ka dapat mag-alala, dahil si Luther mismo ang nagrekominda sa'yo sa posisyong ito,” pamungad na ngiti ng lalaking pinangalanan ni Nelson na Quillon. Oo, matapang at misteryoso ang kanyang mga mata. Madilim ang pagka-asul nito na alam kong may kakayahan ring kumislap katulad ng iba. Pero sa mga salitang binitawa nito, lalo na ang pagbanggit sa pangalan ni Luther ay nakakapagtakhang pinagkatiwalaan ko. Hindi ko maintindihan. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Magulo ang itim nitong buhok na bumabagay sa may makisig nitong datingan na siguro'y kakaunting edad lang ang tanda sa'kin. Ngunit nagsimula na akong maging kabado nang pinawi na nito ang tipid niyang ngiti. Naging seryoso siya na sinabayan ng nakakagulat na pagkislap ng kanyang mata. “I-abot mo sa akin ang iyong kamay,” utos nito sa mahinahon pero ma-otoridad nitong boses. Agad ko iyong sinunod sa nakalahad nitong kamay. Kakaiba ang liwanag ng mata nito, para bang unti-unting binabalot ng liwanag nito ang bawat espasyo. Bagay na mariin kong ikinapikit. At sa isang iglap ay tila may nag-iba na sa paligid ko. Para na akong lumulutang sa hindi malamang dahilan. A-Anong nangyayari? Dahil sa takot ay agad akong napadilat at ikinatigil iyon ng paghinga ko. “Ahh!” halos mapaos kong sigaw sa kawalan. Nang makita ko na lang ang sarili kong nahuhulog sa madilim na kalangitan. Ano 'to? Malinaw ang lahat sa'kin kanina! Nasa kotse lang ako kasama ang dalawang Diety na iyon! Habang patuloy akong sinasampal ng hangin dahil sa paghulog ay nagawa ko pa ring gisingin ang sarili ko. Nanaginip lang ako! Nanaginip lang! Pero patuloy pa rin ang aking pagbagsak na ikinatatanaw ko sa mga mumunting ilaw ng bayan at madilim na kagubatang kinatatanglawan ng liwanag ng buwan. Halos mabingi na ako sa hangin na humahampas sa'kin, pero isang boses ang pumangibabaw sa aking likuran. “Huwag kang matakot, Mortal. Ipapakita ko sa'yo ang lahat.” Pinilit kong lingunin ang kalmadong boses na iyon. Nagawa kong ibaliktad ang katawan ko at nakita ang isa pang hindi kapani-paniwalang bagay. Si Quillon! Ang isa sa mga Diety ay prenteng nakasakay sa puting kabayong may pakpak ng d-dragon. Kumikinang ang nilalang na ito sa liwanag ng buwan. “Kumalma ka't sumakay sa itim na Longma,” utos nito kasunod ng isa pang itim na kabayo na agad akong sinalo mula sa aking pagkakahulog. Tumama ang likod ko sa katawan nito, na agad-agad kong inagapan sa mabilis na paraan. Siguro ay dahil sa takot na mahulog ng tuluyan. Kahit nakasakay na ako sa nilalang na pinangalanang Longma ni Quillon. Ay hindi ko pa rin magawang paniwalaan ang lahat. Napakaimposible. Hindi ko makapaniwalang hinaplos ang malalaking kaliskis ng dragon sa likuran nito. Itim na itim na kaliskis na nagkukulay bahaghari gawa ng sinag ng buwan. Unti-unti ay nagawa kong makatingin sa harapan ko maging sa baba ng sinasakyan kong nilalang. Napakataas namin! Napakahangin, pero tinutulungan ako ng nilalang na ito na maging kampante. Mahigpit ko siyang hinawakan sa kanyang buhok at ikinagulat ko ang bigla niyang pagkilos ng iregular! “Hindi gusto ng mga Longma ang ginagawa mo, Mortal. Humawak ka lang sa kanilang batok, huwag sa kanilang buhok, nang hindi sila masaktan o mairita. Huwag kang mag-alala, dahil hindi nila gawaing maghulog ng sakay nila,” paliwanag pa sa akin ni Quillon na hindi nalalayo sa akin. Agad ko naman itong sinunod at nanghingi ng patawad sa nilalang. “Pasensya na. Pasensya na. Hindi ko na uulitin,” nanginginig kong haplos sa batok nito. Muli naman na itong kumalma na ikinangiti ko. Tama ang Diety. Pinagmasdan ko si Quillon nang manguna ito sa aming harapan. Halata ang kasanayan niya sa pagsakay sa nilalang. At hindi ko na mapigilan pang hindi mamangha kung gaano kagaganda ang mga pakpak na dragon ng mga kabayong aming sinasakyan. Hindi talaga ako nananaginip. Totoo ang mga nilalang sa aklat. Ilan pang sandali ng paglipad namin ay nagawa ko nang makahugot ng lakas para magtanong. Alam kong hinihintay lang ako ni Quillon na kumalma bago kumilos at magpaliwanag sa tinutukoy niya kanina. Nasa ibabaw kami ng tila walang hanggang gubat ng kamatayan. At nakakapagtakha ang tila hating-hating pagitan ng bayan at gubat. Na animo'y may isang linyang naghahati sa kanilang dalawa. “Saan ba tayo pupunta?” may kalakasan kong tanong dahil sa layo ng agwat namin. Bagay na agad nilang ikatigil at ikaharap sa'kin, gano'n rin namang tumigil ang longmang sakay ko. “Ipapakita ko sa iyo ang lugar na magiging pansamantala mong tahanan sa mga susunod na buwan.” Sagot nito sa'kin na agad ikinakunot ng noo ko. “Anong ibig mong sabihin? Hindi ba't kailangan ko lang namang bantayan si Morriban na sinasabi niyo nila Luther? Bakit kailangan ko pang manatili sa isang lugar kung pwede naman akong mag-uwian para madalaw si Lola?!” buong panggagalaiti kong kwestyon sa kanya na ikinatalikod lang nito at ikinalipad. Ugh! Bakit hindi niya ako sinagot? Hindi pwede! Hindi ako makakampanteng hindi laging nakikita ang lola ko! Katulad ni Quillon ay sinundan din ng sinasakyan ko ang dereksyon nila. Hanggang sa huminto kami at bumaba sa nagiisang burol na ang kalahati'y nasa gubat ng kamatayan at ang kalahati'y kinasasakupan ng aming baryo. Bumaba na si Quillon sa kanyang Longma na agad ko ring ginawa kahit may kataasan ang nilalang na ito. Bagay na ikinatigil ko rin nang sagutin niya ako sa mga bagay hindi ko ninais na marinig. “Ikinalulungkot kong sabihin, pero hindi na magiging madali sa iyo ang makabalik oras na makapasok ka sa mundong ginagalawan namin.” “Paanong hindi? Hindi ko maintindihan! Hindi pwede! Hindi ko pwedeng iwanan ang lola ko lalo na sa sitwasyon niya ngayon!” Pinipilit kong ipaintindi sa kanya ang lahat. Pinipilit kong ipaintindi ang sitwasyon ko. Posible naman hindi ba? Hindi ko kayang lumayo ng tuluyan kay Lola. “Si Morriban ay nakatakda nang dalhin nila Luther sa Gaia ngayong gabi. Dahil doon na siya mag-aaral, at dahil nakatakda mo siyang protektahan ay kinakailangan mo siya roong sundan,” ngiti pa nito sa akin na mas lalo lang ikinagulo ng lahat. Gaia? Saan ang lugar na iyon? Hindi ko pa naririnig ang lugar na sinasabi ng lalaking ito. “Pero walang nasabing ganyan si Luther! Wala siyang nasabi na tuluyan niyo akong ilalayo sa lola ko!” Ang isipin pa lang na malalayo ako lalo na ngayon ay hindi na ako mapalagay pa! “Pwes, simulan mo nang nakinig! Dahil ako na mismo ang nagsasabi sa'yo na hindi na magiging madali para sa isang mortal na kagaya mo ang makalabas sa Gaia oras na pumasok ka rito!”~To Be Continued
Napatigil ako sa mga katagang iyon. Hindi dahil sa takot sa taas ng boses niya. Kung hindi dahil sa isang gintong tungkod na niluwa ng lupa sa tapat ng kamay nito na agad nitong hinawakan. Para akong mabingi matapos iyon dahil hindi na ako makapagsalita pa. Hindi maayos nairerehistro ng utak ko ang lahat nang nakikita ko mula kanina. At natatakot akong tanggapin na totoo rin ang mga binibitawan nitong salita. Tumalikod ito sa akin dala-dala ang kumikinang na gintong tungkod. Humarap ito sa gawi ng burol kung nasaan ang gubat. May isang malaki at matandang puno ng balete roon na nakakakilabot pagmasdan. “Batid kong napansin mo ang walang hanggang sakop ng kagubatan kanina,” pagiiba nito ng usapan. “Hinahati ng isang linya ng kagubatang ito ang baryo kung saan kayo naninirahan,” tuloy pa nito habang papalapit nang papalapit sa balete. Tinanaw ko muli ang tinutukoy ni
“Kung gusto mong makalabas ng buhay sa mundong ito, matuto kang makinig at alamin ang kinalalagyan mo. Isa ka lamang mortal. At ipapaalala ko sa'yo na isang pabor ang dahilan kung bakit ka nasa lugar na ito,” tuluyan nitong alis sa harapan ko kasabay ang marahas na pagsarado sa pintuan. Dahil sa prustasyo'y nasipa ko na lamang ang kama sa likuran ko. Naiinis ako sa katotohanang wala akong karapatang tumanggi sa utos ng kahit na sino! Alam nilang wala akong magagawa! Dahil nakasalalay ang buhay ng lola ko sa lahat ng ikikilos ko! “Lola...” bulong ko sa hangin. Bagsak-balikat kong nilakad ang pinakamalapit na bintana para buksan ito. Binuhat ko ang isang silya at hinayaan kong pumasok ang malakas na hangin mula sa labas. Umupo lang ako roon at pinagmasdan ang kalangitang unti-unting nababalot ng kadiliman. Marahan kong kinuha sa bulsa ko ang lasog-lasog nang pitaka at kinuha roon ang nag-iisa at pinakaiin
Hagan's Point of View Ang balyenang nakita ko. Hindi kaya... "Taglay ng mga simbolong iyan ang apat na kahariang kinabibilangan ng mga nilalang batay sa kung saang elemento sila nabibilang." Pagpapatuloy nito sa pagpapaliwanag na sinabayan ng paglitaw ng kahariang may abuhing watawat sa screen. Ang nilalang na nakaburda sa watawat nito'y isang puting ibon na may mahabang buntot at malawak na pakpak. "Aeras. Ang kahariang may pinakamataas na antas sa apat na kaharian. Dahil ito sa taglay na kakayahan at katalinuhan ng mga naninirahan doon. At karamihan sa kanila'y may kakayahang lumipad." Isang video ang ipinakita nito kung saan kita ang buong kaharian ng Aeras. At hindi ko maiwasang mamangha sa lugar na iyon. Ang kaharia'y naka-pwesto sa matayog at malawak na talampas sa gitna ng nagtataasang kabundukan. Agaw pansin doom ang isang puti at maliit na bersyon ng palasyo tulad
"Ang mga Fairy. Sila ang mga naliliit na bersyon ng mga Diwata. Sila naman ang mga taga-pangalaga ng mga kahalamanan. Noon ay napakaraming Fairy sa Gaia. Ngunit palaon nang palaon ay kumokonti na ang populasyon ng mga ito. Hanggang sa isang pamilya na lamang ang natira sa kanila." Napatingin akong agad sa mata ni Nelson sa pagkakataong iyon. Pinipilit hanapin ang sagot sa konklusyong nabuo sa aking isip. Pero ang lumbay nitong mga mata lang ang naisagot nito sa akin. "You've meet the three of them this morning, Hagan. The Last generation of Faries. The Flordelina trio," usal nito na ikinatigil ko. "Bakit anong nangyari?" Hindi ko mapigilang tanong. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng galit. Pero napakababait ng mga Fairy. Nagawa nila akong bantayan kahit hindi nila alam kung sino ako. Likas silang mabubuti. Pero paanong naubos ang ganoong
Hagan's Point of View Napatigil si Morriban sa huling katagang sinabi ko. Ang matalas ngunit malungkot nitong mga mata'y nawalan ng buhay na ikinaatras ko. May kung anong bagay ang meron sa mga tinging iyon. Malayo ito sa mga matang mayroon si Gertrude noong nanigas ako sa kinatatayuan ko sa takot. Pero ang mga tingin ni Morriban. Tila ba, inuubos nito ang hangin sa paligid ko na nakapagsasanhi ng pagkakapos ko sa hangin. "Isang mortal ang nakatakdang protektahan ako?" walang pagkurap nitong tanong sa kanyang sarili na sinundan ng kanyang pagyuko at nakakikilabot nitong pagtawa. Makailang sandali pa'y tinapunan muli ako nito ng hindi makapaniwalang tingin at binalik sa akin ang walang buhay nitong mga mata. "Hindi ko kailangan ng kahit na anong proteksyon mula sa kahit na sino... lalong-lalo na sa isang hamak na mortal kagaya mo," dahan-dahan nitong komento na ikinapantig ng tainga ko. Hamak na mort
"E-Egor?" Bulalas kong tigil na agad nitong ikinangiti sa akin. Egor, ang isa sa apat na Elders ng apat na kaharian. Ang mga nilalang na katumbas na ng mga hari. Ang mga pinuno ng apat na angkang unang naging residente ng Gaia. At siya... ang malupit na Egor na manlilipol ng mga mortal! Naging alerto ako sa kapahamakang napasok ko. Mahigpit na iniyukom ang kamao at isang beses na umatras mula sa mapanganib na matanda. Ngunit mas lalo akong naging alisto nang kumunot ang noo nito't pinanliitan ako ng mata, na para bang may sinisipat sa leeg ko. Marahan ako nitong nilapitan. Inangat ang kanyang tungkod at kunot noong itinutok iyon sa leeg ko. Bagay na bahagya kong ikinailag, ngunit ang marahas na pagbukas ng pinto'y ikinatigil din nito. "Hagan!" Sigaw ng kung sino sa likuran ko na sa isang iglap ay nasa harapan ko na. Isang pamilyar na likuran ng
Nakita ko ang unti-unting panlilisik ng mata ng matanda. Bagay na ikaatras ko. Pero huli na nang mahigpit na ako nitong hinawakan sa magkabila kong balikat. "Naniniwala ka na kaya pang maibalik ang lahat sa normal? Ang isang kagaya mong mortal ay naisip ang bagay na iyon?" Giit nitong usig sa akin. Pero pinagpatuloy ko ang aking sinasabi. Nanatili ako sa aking paninindigan."Oo! Naniniwala ako! Naniniwala akong makakaya nating ibalik ang lahat kung magkakaroon tayo ng pagkakataong maipaintindi sa magkabilang panig ang katotohanan. Para wala nang madamay na inusenteng buhay! Para maging mapayapa na ang lahat! Gusto kong tapusin ang gulong mayroon sa dalawang mundo! At magagawa lang natin iyon kung magagapi natin ang mga halimaw na nakalathala sa mga aklat! Sa mga halimaw na naging mitsa para magsimula ang kaguluhan ng lahat!" giit ko na agad nitong ikinabitaw sa akin. Hinintay ko itong tumawa. Ngunit lumakad
Hagan Point of View "Ano bang nagawa ko! Bakit niyo ba ako pinapahirapan nang ganito?" buong paghihinagpis na sigaw ng isang lalakeng hindi pamilyar sa akin. Kasing dilim ng kalangitang pinagkaitan ng mga btuin ang buhok nito. May malalalim na mga mata, at marungis na panganagatawang sinasamahan ng lasog-lasog nitong damit. Sa harap nito'y nakatayo ang apat na nilalang ang mga paa'y nakalutang sa hangin. Nakatalikod ang mga ito sa akin. Ngunit sapat na ito para makita ang iba't-ibang liwanag na mayroon sa apat na nilalang na ito. Mga liwanag na animo'y mga apoy na hindi nakakasunog. Isang asul, sang puti, isang pula, at isang berdeng liwanag na akala mo'y nanggagaling rin sa kanilang mga kapa. Sinubukan kong lumakad sa kinaroroonan ng mga ito para sana makita kung sino sila. Ngunit nang tatangkain ko na'y hindi ko man lang mai-galaw ang mga paa ko. Anong nangyayari? Nasaan ako? Sino siya? Sino sila?
Nang dumating ang grupo sa Nero ay agad silang nalapasok bilang mga ibang lahi. May pinainom s akanilang mapagpanggap na mga gamot upang magaya ang nga lahing kampi sa kanila. kaya namab agad nilang nakapasok sa Kaharian.Ngunit laking gulat ng mga ito na makita si Morriban na nasa tabi ng trono ng kalaban."Hagan? Anong ibig nitong sabihin?" Giit na sabe ni Tamara nang hindi napapansin ng mga kwarta sibil ng kaharian ng Nerro.Pero bago pa man sila masagot ni Hagan ay isang nalakas na hiyaw ang bumalot sa buong plaza.At ikinagulat nila nang makuha ng isang dambuhalang nilalang si Asya. Hawak hawak siya sa leeg nito na paulit ulir na humihingi nh tulong sa ating apat. "Asya! " Pinilit sanang magtago ng lahat nginit hindu mapigilan ni Mischa na hindi lumabas upang mailigtas ang kanyang kapatid. "Intruder!" sigaw ng mga maliliit na nilalang galing sa mga the wicked at nalaman nalang nila Hagan na napapaligiran na sila ng nga nilalang na hayok silang pagppatay patayin. "Mga lapastan
Third Person's Point of View"Pero kung titignan sino talaga ang may kamalian? " tanong ni Gavin kay Hagan hsbang tinatathan ang malamig na daan. "Ang monseho ang may kamalian dahim wala silang balak nilang iligtas si Morriban ay wala na. Wla ana dahim ano! DhIl s ang sandatang pinagawa s samin ni Sir Elisae."TUMIGIL KA! Ang nakatakda ay nakatakda! Ngunit kung hindi magbabago ang tadhana at tuluyang maisakatuparan ni Morriban ang propesiya'y wala na akong ibang rason para buhayin siya! " Malakas at nakakatakot na boses ang pumailanlang sa buong silid. Galing ito sa pinakamatandang myembro sa pamilya ng Gravesend, si Artimus. Galit na sinasabayan ng pagkislap ng pula nitong nga mata. Bagay na ikinadagundong ng buong mansyon at nakagawa ng malakas na paglindol.Ikinaatras iyon ni Morriban, na hindi sinasadyang mapadaan sa silid kung saan nagpupulong ang mga nakakatanda. Kanina pa ito nakikinig sa pagpupulong ng mga ito at hindi inaasahan ang mga maririnig. Mangilang segundo itong napa
Third Person person point of viewNakarinigv ng ingay patungk sa Kay Morriban si Hagan at gavin."Paanong ililigtas natin sila eh hindi naman nating magagawaNg itearidor ang sarili naging kalaban. Hinding hindi." Lugmok ang mga balikat na inunahan ni Hagan sa paglalakad si Gabin ng bbalik na ang mga ito sa head quarters.Ngunut ikinagulat ni Hagan ng pigilan siya ni Gavin."Sasama ako sa inyo. Iligtas natin si Morriban sa Nero."Tahimik naming sinundan ang dalawang Jinn kasabay si Alek. Bakas naman ang pagaalala ng mga naiwanan naming myembro dahil sa komosyong ginawa ng mga kawal ng konseho. Pero tonanguan ko lang naman si Mischa na nakasilip sa bintana upang kami ay tanawin bilang paalam. Wala naman kasi sigurong mangyayaring masama kung kakausapin man kami ng konseho. Dapat lang naman talaga nilang ipaliwanag sa amin ang lahat ng nangyari dahil kamuntik nang may masamang bagay ang mangyari kay Morriban. Isang karwahe ang nadatnan namin sa pagsunod namin sa dalawang Jinn. Isa iton
Hagan Point of View.Inis akong napatingin kay Gavin nang hilahin lang ako nitto kung saan. Hindi ko siya maintindihan. Ilang beses ko nang kinukuha ang braso ko mula sa kanyang mga kamay na halos kinababa na ng kanyang mga kuko dahil sa galit na alam kong ramdam niya. Kakaiba naman kasi talaga si Gavin. Kumpara sa kanyang kapatid na si Grant. Si Gavin ang pinakamatinong version nilang magkakakapatid. Pero ano ba ang iniisip ng isang itto? Ano ang sinasabi noyang kailangan kong harapin ang Konseho para lang mailigtas si Morriban? Hindi ba kayang ako na lamang ang kumilos?Kung maaari lang na ako na lamang ang kumilos ay ginawa ko na. Dahil ayoko na na may makpahamak pang kung sino sa kanila..Dahil sa inis ko ay marahas na akong huminto at pinigil si Gavin. Hindi ko na inalintana ang naging kalmot s aakin nito mula sa kanyang pagkakaladkad sa akin."Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya.Napadpad kami sa isang dungeon na hindi ko alam kung bakit naming pinupuntahan ngayon.Tumigil r
Third Person POV"Hagan!" Napakurap ang binatang si Hagan nang tawagin siya ng isang malakas na tinig.It was Tamara. Hindi na namalayan ni Hagan na nasa klase na sila kasama ang mga napiling Keeper. At kasama sila roon. Ngunit dahil sa pagkawala ni Morriban ay hindi na nakausap pa ng maayos si Hagan.Sinisisi nito ang kanyang sarili sa pagkawala ni Morriban sa kanya pang harapan. Ni wala itong nagawa sa harap ng kanilang mga kalaban, dahil tulad ng dati ay nanigas ito sa kanyang kinatatayuan gaya ng pagkakaagaw rin ng kalaban sa malay ng kanyang Lola."You know what, kung hindi ka magseseryoso, sana tinanggihan mo nalang ang karangalan mo para maging Keeper ng Gaia." Usal ni Grant habang patuloy na nagsusulat. Ikinagulat iyon ng lahat, Napuno ng tensyon ang kwarto dahil ramdam ng lahat ang seryosong aura ni Hagan simula nang mawala si Morriban. At walang nakakaalam kung kelan ito sasabog, dahil kung sumabog ito ay paniguradong ito ay magiging mapaminsala. Hanggang tahasang tumayo s
Third Person Point of View"Ito naman ang tinatawag na Mana. Ang klase ng aura na pwedeng gamitin sa lahat ng bagay gaya ng ginawa ko kanina."Nakatulala lang at walang maintindihan ang nga estudyante ni Eliasar sa kanyang mga sinasabi. Bagay na agad niyang ikinatingin sa gawi ng kanyang anak na si Eliot. Nagpakita ito ng pagkadismayang tingin sa anak. Pero nag kibit balikat lamang ito at ikinabuntong hininga ni Eliasar."I get it, kailangan niyo munang mabuksan ang mga mana point sa inyong mga mata, upang makita niyo at maintindihan niyo ang aking sinasabi at ituturo." Sabi nito sa lahat."Hagan, tama?" Mabolis na tinuro ng matanda si Hagan na nagitla rin naman."Yes sir!" Sagot nito."With no doubt, I know he already opened his mana point, pero sa nakikita ko ay hindi pa iyon gaanong bukas."Pagpapaliwanag ni Eliasar na naputol nang magtaas ng kamay si Morriban."But how can we obtain that skills? How can we open our mana point?" Asar nitong tanong dahil sa nararamdmaang ingit kay
Hagan Point of View"Paano mo ginawa iyon sir?" Bulalas na tanong ni Dalo nang mapaangat ni Mister Eliasae ang itak na nasa lagayan nito kahit hindi niya ito nilalapitan.Pero may kakaiba sa ginawa niyang iyon. I saw something between his moves. May kung anong bagay ang nagdugtong mula sa kanyang kamay hanggang sa sandatang iyon. Para iyong pisi na anino. At base sa nakita kong reaksyon ng mga kasamahan ko. Hindi nila ito nakikita."Walang pinagkaiba ang bagay na ito sa concentrated Aura na naituro sa inyo ng inyo ni Gremmy. Its the same thing, pero mas mataas nga lang itong lebel." Pagpapaliwanag nito sa amin hanggang sa magtana ang aming mga nata at tila may bumaril sa akin sa mga matang iyon. Na para bang nahuli niya ako sa akto.Pero imbis na mas lalo akong pakabahin ay agad nitong itinaas ang kanan nitong bahagi ng labi."One of you can understand what I am saying. Am I right, Hagan?" tanong nitong derekta sa akin na ikinanlaki ng nga mata mo."Ah-Ano po iyon?" Taranta kong tugon
Morriban’s Point of View Hindi ako makapagsalita hanggang ngayon na ginagamot ng isang simpleng katiwala ng mansyon ang aking mga sugat, habang pinapakain ako nito nang kung anong halaman upang mabalik ang lakas na nawala sa akin. Hindi ako makapagsalita at natutulala lang sa ginagawa sa akin kahit na alam ko sa loob ko na ang tipikal kong reaksyon sa ganitong sistema ay pagkairita. Ayaw na ayaw ko na iba ang humahawak sa akin bukod kay Ate Gertrude. Ayokong mga hamak na mabababang nilalang lamang ang magpagaling sa sa akin at natural ko iyong paguugali simula ako ay magka-isip. Pero ngayon ay wala akong magawa kung hindi matulala o miski ang makagalaw ay hindi ko magawa. What just happened earlier? How could he even do that in the middle of Quillon’s range? Pati ako ay natakot kay Quillon pero paano niya akong nagawang ialis sa ganoong sitwasyon? At isa pa, hindi ba’t pabor sa kanya ang hinihiling ni Quillon na isuko na ang pagaaral ko sa Akademia? Bakit hindi siya pumayag? Bakit
Nagsimula na ang araw ng pagtuturo ni Eliasar sa mga estudyante ng Dasos. He is not expecting much to them pero nakakakita siya ng kislap sa mga mata ng mga batang ito na naguudyok sa kanya lalo upang magturo. For he is seeing himself sa kanilang nga kabataan ngayon. Ng maging hayok sa pagkatuto at matuto para sa tamang dahilan. Unang namangha si Eliasar sa dalagang si Morriban. Dahil nakita agad nito ang pagsamo sa dalaga ng isang sandata upang ito ay kanyang gamitin.Hindi gaya ng mga paningin ng ibang nilalang. May espesyal na kakayahan ang mga kagaya ni Eliasar na bihasa sa paggamit at pagkontrol sa Mana o ng kanilang Aura.Dahil dito ay malayang nakikita ni Eliasar ang iba't-ibang mana na mayroon ang mga kabataang kaharap niya. At ang pinakamalakas na tila kumukuwala doon ay ang kay Morriban. Ang pinakamahina namang Mana na mayroon ay ang sa binatang si Hagan. Pero kakaiba ang Aura na mayroon si Hagan, dahil hindi sigurado si Eliasar sa tunay na katauhan ng binata. For elves h