Third Person's Point of View
“TUMIGIL KA! Ang nakatakda ay nakatakda! Ngunit kung hindi magbabago ang tadhana at tuluyang maisakatuparan ni Morriban ang propesiya'y wala na akong ibang rason para buhayin pa siya!” Malakas at nakakatakot na boses ang pumailanlang sa buong silid. Galing ito sa pinakamatandang myembro sa pamilya ng Gravesend, si Artimus. Sinasabayan ito ng pagkislap ng pula nitong mga mata. Bagay na ikinadagundong ng buong mansyon at nakagawa ng malakas na paglindol sa karatig-baryo. Ikinaatras iyon ni Morriban, na hindi sinasadyang mapadaan sa silid kung saan nagpupulong ang mga nakakatanda. Mangilang segundo itong napatulala sa nalaman ngunit nang matauha'y lumuluha itong napaatras at dali-daling tumakbo pabalik sa kanyang silid. Naging hudyat iyon upang tuluyang putulin ng lalaking nagmamay-ari ng puting mga mata ang kanyang pananahimik. Alam ni Luther na wala na ang dalagang nakikinig sa kanila bagay na agad ikinasilay ng tipid na ngiti sa kanyang labi. “Wala kang dapat ipag-alala, Artimus. Isang mortal ang darating sa buhay ni Morriban. At ang mortal na iyon ang magbabago sa nakatadhana,” saad ng binata kasabay ng nakakamanghang pagliwanag ng puting mga mata nito. Hindi na iyon kinwesyon pa ng apat pang personalidad sa silid. Dahil nakakasiguro ang mga ito na magaganap ang mga sinabi ni Luther. Ang Diyos na nakakikita sa hinaharap. Hagan's Point of View Ang isang buwang tag-ulan ay tuluyan nang nagwakas. Maaliwalas na ang kalangitan na sumalubong sa akin nang buksan ko ang manipis na kurtina sa aking silid. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na sa isang iglap ay mababago na ang buhay namin. At hanggang ngayo'y pinipilit kong ikumbinsi ang sarili ko na wala itong konesyon sa insidenteng naganap isang buwan na ang nakakaraan. Mga pangyayaring patuloy sa'king bumabagabag. Sinubukan kong isauli ang sampong milyon pilak sa mga Gravesend. Ngunit nabigo ako nang madatnan ko muli itong sarado na tila hindi nabuksan kahit kailan. Ngunit ang araw ring iyon ang naging simula ng sunod-sunod na pagdating ng pagpapala sa amin ng Lola ko. Isang mabait na maharlika ang nakakita ng insidenteng nangyari sa ospital. Kung gaano kami ipahiya at ipagtabuyan ng ganid na doktor doon. Dahil sa awa ay ito na ang sumagot sa gastusin ni Lola sa Ospital. Maging ang pagpapatira nito sa isa niyang bahay bakasyunan na nagkataong malapit sa baryo namin. At wala itong hininging ibang kapalit kung hindi ang pangalagaan lamang ang bahay at panatilihin itong malinis. Magara at napakakomportableng tirhan ang bahay bakastunan ng mga Mendez. Hindi ito kalayuan sa tagpi-tagpi naming kubo ni Lola noon, kaya lagi kong natatanaw ang bahay na ito. Hindi ko naman inaakalang isang araw ay mararanasan kong tumira rito. Ang maharlikang tumulong sa amin ay galing sa pamilyang Mendez. At gaya ng mga Gravesend, ay umalis na rin sila ng bansa matapos kaming tulungan. Ang buong akala ko'y lahat ng maharlika ay ganid at puro pagpapayaman lang ang alam. Nagkamali pala ako, dahil masyado pang maaga para lahatin silang lahat. Bago ako bumaba sa kwarto ko'y nadaanan ko ang kapirasong litratong idinikit ko sa dingding. Litrato namin iyon ng aking amang pasan-pasan pa ako sa kanyang batok ko at si Ate Soledad na masayang nakaalalay kay Itay. Wala akong ibang hiling ngayon kung hindi ang makasama silang dalawa kasama si Lola. Pero napakaimposible nito dahil sampong taon na ring nawala ang ama ko maging si ate Soledad. Anim na taong gulang pa lamang ako noon nang magpaalam si Itay na huhuli siya ng isang diwata upang may ipanghanda ako sa aking ikapitong kaarawan. Kinse anyos naman si Ate Soledad. Dalawang araw naming hinintay si Itay makabalik. At sa dalawang araw na iyo'y hindi ko mawari ang pagkabalisa ng aking lola at ate. Ngunit hindi ko inaasahang s gabi ring iyon ay si Ate Soledad naman ang hindi bumalik matapos nitong tumakas para sundan si Itay sa gubat ng kamatayan. Ikinawasak iyon lalo ng mundo ni lola. Nanginginig na isinarado ang lahat ng luwasan ng aming kubo, ilang buwang hindi ako pinalabas o ni pinaarawan man lang sa dahilang 'di ko maintindihan. Napaka-wirdo man ng mga ikinikilos ni Lola noon. Pinipilit ko nalang ring intindihin ang lahat. Kasabay ng paulit-ulit nitong pagpapaaalala sa akin na huwag akong susunod o lalapit man lang sa gubat ng kamatayan. Simula noon ay natuto na akong magbanat ng buto kasama si Lola. At dahil ang pamilya nami'y kabilang sa lahi ng nga alipi'y dalawang daan lamang ang maari naming tahakin upang manatiling buhay. Ang mapabilang sa mga 'manggagawa'. Ang kinabibilangan ko estado kung saan kinakailangan ang pisikal na lakas— tulad ng pagbubuhat ng mga bilihin ng maharlika, magtrabaho sa talyer at kung ano ano pang maduduming gawain. O ang piliing kumita ng pera sa pinakamabilis at pinakawalang-katuturang utos ng mga maharlika. Ang mapabilang sa mga 'manglalakbay'. Ang daang sinuob ng Itay kaya siya nawala sa amin. Ang mga manglalakbay ay ang mga taong naghahanap o humuhuli sa mga nilalang na umiikot lamang sa omahinasyon sa halos lahat ng tao sa bansa. Ang paghuli sa mga diwata, dwende, diyos, mga nilalang ng tubig, lupa, langit at kagubatan, at marami pang ibang kahibangan ng mga maharlika. Pinaniniwalaan ng mga ganid na ito na ang paghuli sa mga nilalang na ito'y makapagpapanatili sa kanilang kayamanan, kabataan, at kung ano-anong luhong gusto nilang makuha sa buhay. At hindi ako makapaniwalang dahil sa kalokohang ito'y mawawala ang mga taong importante sa'king buhay. Mga kalokohang pinananalaytay ng mga maharlika sa kanilang katawan upang sila'y magtagumpay. Bagay na hindi ko maatim na tanggapin dahil ang tunay na tagumpay ay bunga ng pagtya-tyaga, pagsisikap at pagpupursige ng isang tao para sa kanilang mga sarili. Gayun pa man, ay nasisilaw ang karamihan sa aming estado sa malaking salaping nakapataw kapag ikaw ay isang manlalakbay. At iyon ang naging dahilan ni Itay para sakyan ang kanilang kahibangan. Kung nasa tamang pagiisip lang sana ako sa mga panahong iyon, pinigilan ko na sana siya. Kung nasa tamang pagiisip lang sana ako ng mga panahong iyon, edi sana buo pa ang pamilya namin ngayon. Inutusan ng walang pusong maharlikang iyon ang aking ama na pumasok sa 'Gubat ng kamatayan'—ang pinakatatakutang gubat sa bansang Enyd. Ito rin ang gubat kung saan naroon ang mansyon ng mga Gravesend. Pinaniniwalaan ng mga matatanda na ang Gubat ng Kamatayan ay kinalulugdan ng lahat ng klase ng lamang lupa at mga nilalang sa alamat. Mga diwata, dwende, Nimpa, bibihirang mga hayop, at mga kung ano-ano nilalang na hindi normal at sadyang makapagyarihan. Isang matinding kalokohang tuluyang lumalason sa kaisipan ng bawat isa. Pero ako, maging si Lola ay hindi kahit kailan man masisilaw sa mga bagay na kaya nilang ibigay kapalit ng pagpasok sa gubat na iyon. Tuluyan na akong nag-inat at bahagyang inayos ang aking sarili maging ang aking hinigaan. Matapos niyon ay bumaba na ako at buong ngiting sinalubong ang Lola sa pagaakalang nasa kusina ito. Mabilis na akong bumaba at bahagyang napatigil sa Dyaryong nakalapag sa mesa. Nabasa ko agad ang headline nito. Isang manglalakbay na naman ang nawala ng parang bula matapos pasukin ang Gubat ng kamatayan. Na naman. Siguro ay nalapa lang ito ng mababangis na hayop sa gubat. Hindi ko naman din kasi maiwasang makarinig ng kung ano-anong alulong ng kung anong nakatira sa gubat noong nagtungo ako sa Mansyon ng mga Gravesend. Mansyong gusto ko nang ibaon sa limot dahil napababaliktad nito ang mga gusto at ayaw kong paniwalaan sa buhay ko! Hindi totoo, Hagan. Namalik-mata ka lang sa mga nakita mo sa mansyon! ”La, kakain na. Tara na po,” tuluyan kong labas sa hardin ngunit ikinagulat ko nang madatnan ko si Lola na nakatulala malapit sa tarangkahan ng bahay. Tila nanigas itong hinahawakan ang walis at isang hindi ko pa maaninag na bagay sa kanyang kabilang kamay. Kumabog ang dibdib ko sa takot at mabilis itong nilapitan. Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod nitong sinabi. “A-anong koneksyon mo sa mga Gravesend?” Isang tanong na lubos kong ipinagtakha. Putlang-putla ito na tila ba nakakita ng multo. Agad ko siyang nilapitan ngunit napatigil ako nang bigla ako nitong tapunan ng malamig na mga tingin. Tingin na ngayon ko lang nasilayan, malayong-malayo sa mga ngiti na lagi kong natatanggap mula sa kanya. Kabado kong inagaw ang hawak nitong itim na sobre at tuluyang nanlaki ang mata nang tumambad sa akin ang pamilyar na letra. Isa itong sobre na may kakaibang tekstura at amoy. Kinadidikitan ito ng gintong selto ng letrang 'G'. Bagay na agad kong binuksan at tuluyang nabasa ang mga salitang unti-unting gumuhit sa mga papel na tila ba mahika. 'Alas dose ng gabi sa mansyon ng mga Gravesend, doon tayo magkita. ~Luther' Ngunit tuluyan ko itong nabitawan nang magsimula itong magliyab na animo'y tinutupok ng asul na apoy. Nataranta ako at hindi sinasadyang mapalinga sa paligid. Bagay na agad kong ikinanigas nang matanaw ang isang kahindik-hindik na mga tingin. Isang mala-gintong mga mata ang sumalubong sa akin sa madilim na parte ng kaharap naming bahay. At nang oras na magtagpo ang mga mata nami'y isang nakakakilabot na pakiramdam ang namuno sa buo kong katawan. Lalo na nang sumilay ang ngisi nitong halos ikabuwal ko. Napakurap ako sa takot at kabang nararamdaman ko. Bagay na agad ko ring ikinanigas nang sa pagdilat ko'y wala na ito sa paningin ko. S-sino siya? B-bakit niya kami minamatyagan? “Luther,” bulong ng Lola ko na agad kong ikalingon sa kanya. Labis itong nanginginig na humarap sa akin. “H-huwag mong hayaang mapaglaruan ka nila. Huwag kang magpalinlang.” At matapos ng mga katagang iyo'y tuluyan nang bumagsak si lola sa aking bisig. Trahedyang hindi ko pinangarap mangyari, at trahedyang nalapagpabago ng lahat sa buhay ko. Madali kong dinala si Lola sa pinakamalapit na ospital. Nakausap ko ang doktor nito at hindi ako makapaniwala sa kanyang sinaad. “Paanong hindi niyo alam!” Tuluyan kmat nanghihina kong tukod sa kama nang sabihin ng doktor na wala silang nakikitang kahit na anong dahilan ng pagkawalang malay nito. Na para bang miski ang mawari kung gigising pa ito'y hindi kayang matanya. Pilit kong itinatanggi ang mga tanong sa isip ko simula pa lang, pero hindi ko na kaya pa. Bakit walang lunas sa karamdaman ni Lola? Bakit bigla na lang itong nangyari sa kanya? Masigla at isang buwan nang walang dinaramdam ang Lola, pero ano ito?! Bakit hindi ko maintindihan? At bakit niya nalaman na ang pangalang Luther ang nagpadala sa akin ng sulat na iyon? Ang mga tinta ay lumabas lamang noong hawak ko na ito ngunit bakit alam ni Lola? Anong alam niya? May konesyon ba ang lahat ng nangyayari sa mga Gravesend? May kinalaman ba sila sa lahat ng nangyayaring ito? At ang mas gumugulo sa akin ay ang babala sa akin ni Lola bago siya mawalan ng malay. Sino ba ang tinutukoy ni Lola? Si Luther ba? Ano ba silang talaga?! Pansamantala akong umuwi sa bahay. Hindi ko na kayang tiisin pa ang mga tanong na bumabagabag sa akin. Alas onse na ng gabi at gusto ko nang matuldukan ang lahat. Kung sila man ang dahilan ng lahat ng ito ay isasauli ko na ang sampong milyong pilak! Hindi ko ito kailangan, at ayoko nang madagdagan pa ang kawirduhang nangayayari sa buhay namin! Oo, mahirap tanggapin. Mahirap paniwalaan ang lahat lalo na sa mga imposibleng bagay na talaga namang taliwas sa sarili kong pilosopiya sa buhay. Ngunit iba na ang usapan kung ang buhay ng mahal kong Lola ang madadamay. Ayoko! Hindi maaring mawala ang Lola ko! Dali-dali akong lumabas sa bahay dala-dala ang limpak-limpak na salapi sa aking bag. At dahil sa bilis ng pagtakbo ko ay hindi ko na namamalayang nasa harapan na ako ng Mansyon. Nasa likod ako ng isang malaking puno sa harapan nito. Patagong pinagmasdang maigi ang napakalaking mansyon na ninais kong pasukin isang buwan na ang nakakaraan. Pangyayari na hindi ko na sana ginawa pa. At pangyayari na lubos ko ng kinainisang nangyari pa! Napakadilim ng gabi, at ilang minuto na lamang ay alas dose na. Ang kabilugan ng buwan lamang ang tanging tanglaw ko sa tila abandunadong lugar. Ngunit ang liwanag rin na ito'y siya rin mismong bumubuhay sa mansyon. Tahimik akong lumunok at nagsubok na ihakbang ang mga paa ko papalapit. Nang mapaatras akong bigla at mapatago nang bumukas ng bahagya ang tarangkahan ng mansyon. Gulat na gulat akong makakita ng isang babaeng papalabas dito. Ordinaryo lang ang soot nito, hindi gaya ng mga Gravesend. Itim na T-shirt at pambabang hindi ganoon kahapit sa binti nito. Ngunit sa kabila ng madilim na kapaligiran ay tila ba nagliliwanag ang malapapel na kulay ng balat nito dahil sa liwanag ng buwan. Naghuramintado ang puso ko sa gulat. Bagay na wala sa wisyo kong ikinaatras dahilan para nakagawa ng mumunting ingay. Agad itong napatingin sa gawi ko. At kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata nito. Malamlam itong napatingin sa lugar kung nasaan ako, at agad iyong ikinasikip ng paghinga ko. Panandaliang nanliit ang mga mata nito. Ngunit nang may marinig akong pagkaluskos galing sa mansyon ay dali-dali rin siyang napatakbo papalayo. Sinubukan ko pa siyang tanawin ngunit tila ba nilamon na ito ng dilim. Sino siya? Anong ginagawa niya sa mansyong ito ng ganitong oras? Ang mga dalaga'y hindi na dapat nagtutungo sa ganitong kadelikadong lugar lalo na sa ganitong oras. “Nandito ka na.” Tuluyan akong nanigas sa kinatatayuan ko nang isang pamilyar na tinig ang sa narinig ko sa aking likuran. Marahan ko itong nilingon at nakita ko na naman siya. Ang babaeng nagmamayari ng berdeng mga mata. Ang babaeng nurse. Ang babaeng hindi tinatablan ng ulan. “O-Oo,” kabado kong sang-ayon at nilinis ang lalamunan ko. “Natangap ko ang sulat mula kay Luther. Dito ko raw siya katagpuin.” “Ako si Gertrude, ihahatid kita kay Luther. Mahigpit mong itikom ang iyong bibig sa ating pagpasok sa mansyon. Hindi ka nila pwedeng makita,” deretyong paalala ni Gertrude na hindi nagbabago ang ekspresyon. Sinong tinutukoy niya? Sinong nila? Kabado man ay tuluyan ko pa din itong sinundan nang magsimula na itong maglakad. Hanggang sa hindi ko na namamalayang nakapasok na kami sa mansyon. Hindi ko maiwasang mamangha at mapamasid sa paligid. Totoo ang sinabi ng mga matatanda. Ang mansyon ngang ito ang pinakamayaman sa buong bayan. Halatang-halata ito sa bawat sulok ng mansyon, mula sa kisame hanggang sa sahig nito. Mga bintana at mga kasangkapang mayroon ang bawat sulok ng mansyon. Mga estatwa at mga pinintang larawan na kung titignan ay nagkakahalaga ng higit pa sa hawak kong salapi ngayon. Pero isang bagay ang napansin ko. Ang lahat ng madaanan naming tao sa lugar na ito ay halos nakasubsub na sa sahig upang magbigay galang sa babaeng nasa harapan ko. Nagawa ko silang lingunin nang makalagpas ako. Isa isa silang tumayo at lumakad papalayo sa amin ng hindi kami tinitignan. Dahilan upang mapatitig ako sa babaeng nasa harap ko ngayon. Sino ka bang talaga? Gertrude, simple at lumang pangalan pero hindi ko maintindihan. May kakaiba sa kanya. Ang tunog lang ng takong sa sapatos ni Gertrude ang bumalot sa nilalakaran naming pasilyo. Nakakabingi ang katahimikan. Ngunit nagulat ako nang sa wakas ay tumigil na ito sa isang silid na may asul na pintuang kinauukitan ng balyenang lumalangoy sa kalangitan. Kaunti itong umurong nang buksan niya ang pintuan at mataman lamang akong tinignan. “Ikaw lang ang gusto niyang makita.” Dahil sa kaba dito'y agad na akong pumasok at hindi na siya nilingon pa. Madilim, napakadilim ng silid. Pero sa kabila nito'y hindi ako nakaramdam ng takot. “Narito ka na pala.” Isang tinig mula sa upuang saklaw ng mga mata ko. Nasa kadiliman ito ng silid na kinatatanglawan ng kakaunting liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana sa kanyang likuran. Kaya naman hindi ko makita ang mukha nito. Pero nabigla ako nang sa isang iglap ay lumiwanag ang buong paligid matapos kong marinig ang isang hindi pamilyar na tunog. “O-Oo, natanggap ko ang sulat na pinadala mo,” pilit kong pagpapakalma sa sarili ko. Ayokong ipahalatang may kaba sa dibdib ko, dahil mula nang pumasok ako sa lugar na ito ay tila ba si kamatayan na ang kasunod ko. Pinagmasdan ko ang lalaking nagngangalang Luther. May kasingkitan ang puting mga mata nito. Prente itong nakaupo sa isang upuang may kakaibang desenyo. May hawak itong itim na tungkod at sa tingin ko'y kaunti lang ang tanda nito sa'kin. Mabilis na itong tumayo at napatigil ako nang kapa-kapain nito ang mesang sa kanyang kanan upang kuhain ang isang kakaibang papel. Teka? Bulag ba talaga siya? Napagdesisyunan ko itong lapitan sa marahan at walang maririnig na paghakbang. Wala itong naging reaksyon. Kahit na ihawi ko ang palad ko sa harapan nito. Hindi ito kumurap man lang. “Oo, Mortal. Ako ay sinilang na bulag ngunit mas matalas pa ang pakiramdam ko kesa sa inyong lahi,” wika nito na tila ba iba siya sa amin na labis kong ikinakaba. Kabang dumagdag sa konklusyon sa isip ko na hindi ko gustong paniwalaan. Umatras ako at gumawa ng distansya “H-Heto na ang sampong milyong pilak. Salamat, pero hindi ko na nagalaw ang perang iyan. Nagamot na si Lola at masagana na kami sa buhay. Kaya hindi ko na kakailanganin pa nito,” tapat ko dito ngunit wala itong kahit na anong naging reaksyon. Mas matangkad ito ng kaunti sa akin. May magara itong asul at mahabang mangas na pang-itaas na tinernuhan ng itim na pantalon. “Nandito ako para isauli lang ito at magpasalamat sa'yo,” deretyo ko pang dugtong at humakbang nang papalayo rito. Pero ikinagulat ko ang sinabi nito. “Ngunit iba ang sadya ko kaya kita pinapunta muli rito.” “Ako si Luther, isa sa Seven Dieties o mga diyos na tinitingala ng lahat maging ng nilalang ng kabilang mundo. Si Gertrude ay kabilang din dito na siyang nagpagaling sa Lola mo batay sa iniutos ko.” Nakauwang ang bibig ko iyong ikinatulala. Hindi, imposible. “Hindi ka naniniwala? Ang pintig ng puso mo ay tunog ng hindi makapaniwalang damdamin.” Ngumisi pa ito na ikinainis ko. “Ano ba talagang gusto niyo?!” angil ko ngunit lumakad lang ito nang marahan papunta sa akin na ikinaatras ko dahil sa pagliwanag ng mala-kristal nitong mata. A-anong klaseng... “Ang pagkakakilanlan ko at ni Gertrude ay sekretong hindi maaring malaman ng kahit na sinong mortal. Manganganib ang iyong buhay kung sakaling malaman ito ng ibang diyos. Lalo na ni Artimus,” babala nito na ikinalambot ng tuhod ko. May kapangyarihan sila. Napagaling nila ang lola noong nakaraang buwan. Hindi kaya sila rin ang dahilan ng pagkawalang malay ng lola ngayon? “K-Kayo! Kayo ang may gawa niyon kay Lola, hindi ba?! Tama! Ikaw ang may dahilan kung bakit walang lunas ang sakit niya! Anong ginawa mo!” lakas loob kong hawak sa balikat nito na kaunti nitong ikinatigil. Gulat itong napakurap at tuluyang nawala ang liwanag sa kanyang mga mata. Ngunit sa isang iglap ay nakatayo na ito sa aking harapan at hawak-hawak na nito ang dalawa kong kamay. Saglit lang iyon kasabay ng kanyang kaunting paglayong kunot ang mga noo. “Hindi ako ang may gawa niyan sa Lola mo. At ang nilalang na nakita mo sa labas ng bahay niyo'y hindi rin pamilyar sa akin,” ani nito habang nakakunot ang mga noo. “Anong kulay ng mga mata ang nakita mo?” Napalingon kaming dalawa ni Luther nang may magsalita sa likuran ko. Ito ay si Gertrude at ang berde nitong mga mata ay dumilim na sadyang ikinakilabot ko. “G-ginto. . . Ginto ang kulay ng mga mata niya,“ taranta kong sagot kay Gertrude na tila napatigial sa sinabi ko. “Artimus must know this thing. They are back, Luther! The Wicked ones came back! ” ani ni Gertrude kay Luther. Ngunit kinunutan lang siya nito ng noo. Teka? Artimus? Narinig ko na ang pangalang iyon sa Lola ko. Isa sa mga d-diyos.. K-kung totoo ang sinasabi nila. Ka-kailangan ko ng umalis dito! “Hindi, hindi maaring malaman ni Artimus na nagpakita ako sa isang mortal. Malalagot tayo sa kanya at mabibingit sa kamatayan ang buhay ng binatang ito,” kontra ni Luther dito kasabay ng pagpaling nito sa akin ng tingin. “Hindi galing sa panig namin ang may gawa ng bagay na iyon. Pero gagawin ko ang lahat gumaling lang muli si Bethina,” sinsero nitong tawag sa pangalan ng Lola ko na para bang kilalang-kilala niya ito. Gusto kong kwestyunin kung kilala ba nila ang aking Lola. Pero isinantabi ko na lamang iyon. “Kung hindi ang buhay ng Lola ko ang gusto niyong kunin. Bakit mo ako pinapunta dito?” Gulong-gulo kong tanong. Nag-usap ang dalawa nang masinsinan. Kaunti silang lumayo sa akin na tila nagtatalo pa. Pero hindi na importante iyon. Kung hindi sila ang taong may gintong mata, e sino? Sino ang lalaking nakita ko sa labas ng bahay na bigla nalang naglaho sa paningin ko? Sino siya at bakit ang Lola ko pa? “May gusto akong ipagawa sa'yo.” Gulat akong napatingin sa harapan ko nang nakatayo na muli doon si Luther. Kailan pa siya nandoon? “Gagawin ni Gertrude ang lahat ng makakaya niya para kay Bethina. Papagalingin niya ito, at ibibigay ko naman ang lahat ng proteksyong kinakailangan. Ngunit may kapalit ang lahat ng iyon, Mortal,” dugtong nito na ikinakunot ng noo ko. 'H-huwag mong hayaang mapaglaruan ka niya. Huwag kang magpalinlang.' At natauhan ako ng maalala kong bigla ang paalala ni Lola. “Hindi, hindi ako susunod sa kahit na sino sa inyo! Kalokohan! Hindi ako naniniwala sa mga pinagsasasabi mo!” Akma na sana akong aalis ng maparalisa ang buong katawan ko. “Isa ka lang sa pinakamababang nilalang sa mundo. Napakadali mong kitlan ng buhay. Kaya huwag na huwag mong pagtataasan ng boses ang mga diyos na hamak na mas mataas ang antas sa iyo! ” banta sa akin ni Gertrude sa nagliliyab nitong berdeng mga mata. Ngunit nang hawakan ni Luther ang balikat nito'y napabuga na ako ng sunod-sunod na hininga. “A-anong ginawa mo sa akin?” hapong-hapo kong tanong na ikinangisi niya lamang. “Ako si Gertrude, ang diyos ng buhay at kamatayan. Kaya kong magpagaling ng kahit na anong uri ng karamdaman, ngunit nasa akin rin kung kailan ko gustong bawian ng buhay ang isang gaya mong walang modong mortal,” pagpapaputok nito sa kanyang daliri na may mahahaba at pulang kuko. “Tama na 'yan Gertrude. Iwanan mo na kaming dalawa,” may otoridad na utos ni Luther na sa isang iglap ay ikinakalma nito't sinunod. “Hindi mo ako maaring tanggihan, Dirt. Ang nilalang na nakita mo sa tapat ng inyong bahay ay sadyang mapanganib. At sinisigurado kong kapag hindi mo pa tinanggap ang tulong na alok ko'y kikitlin niya sampo pa sa pamilya ninyo,” Banta nitong muli sa akin na nakapagkabog sa dibdib ko. Naalala ko ang malaginto nitong mga mata. Nakakatakot iyon, kasama ang mga ngising halos ikatigil ng paghinga ko sa kilabot. “Sumpa at kamatayan ang dala ng nilalang na iyon sa lahat. Lalo na sa inyong mga mortal. Hindi dapat si Bethina ang nakakuha ng sulat. Hihingi pa ako ng tulong sa iba kong kasamahan para sa proteksyon niyo. Pero sa ngayon ay sundin mo muna ang pinapagawa ko,” abot nito sa isang kontrata at wala na akong kaabok-abok na kunin ito. Binasa ko ito at tuluyang nanlaki ang mga mata ko dahil dito. “Tama, tama ang iyong nabasa. Ang gusto ko lang na gawin mo ay ang bantayan ng patago ang pinakabatang myembro ng pamilyang ito. Iyan lang ang kapalit ng proteksyon, kagalingan at pagpapalang ipapataw ko sa inyong pamilya. Iyan lang, kaya sana'y pagisipan mo pa,” sinsero muli nitong paliwanag sa akin. May kung anong hindi ko maintindihan sa mga tinig niyang iyon. At alam kong nagsasabi siya ng totoo. “Pero bakit ako?” Isa lamang akong ordinaryong tao. Walang kapangyarihan. Walang kakayahan. Ang tanging mayroon lang ako ay ang prinsipyo't paniniwala na mayroon ang puso ko. Isama na nito ang mga kalyo sa kamay ko gawa ng paggiging kargador ko at tauhan sa isang maliit na talyer. Pero bakit ako? Bakit ako pa ang ninais niyang magbantay sa babaeng ito? “Dahil ito ang tadhana mo, Hagan. Ako si Luther ang diyos ng Oras. Kakayahan kong masilip ang hinaharap ng bawat taong tititig sa mga mata ko. At ikaw, ikaw ang nakatakdang magbantay kay Morriban.” Aangal na sana akong muli dito ng isang malakas na tunog ang dumagundong sa buong mansyon. Napatakip ako ng tenga sa nakakabinging ingay na iyon at nagtakha ng buong prustasyong napahilamos si Luther sa kanyang mukha. “Saan na naman ba siya nagpunta! Lagi nalang siyang tumatakas!” angil nito na dahilan upang mas matakot ako sa kanya. Ngunit bago ko pa maitanong dito ang nangyayari'y bigla na lamang nagliwanag ang buo kong paligid na alam kong galing sa kanyang mga mata. Nakakasilaw! Wala akong makita! Napapikit ako nang mariin, at kinusot ito nang magdilim muli ang buong paligid. Bagay na ikinagulat ko nang tuluyan na akong napamulat. Nasa sarili ko na akong kwarto. Wala na sa mansyon ng mga Gravesend. Panaginip lang ang lahat? Halusunasyon ko lang ba iyon? Panaginip? Agad kong ikinalat ang aking paningin ngunit bumalik ang takot ko nang sa kamay ko'y wala na ang bag na may laman ng kalahating milyon. At ang tanging hawak ko na lamang ngayon ay ang kontratang ibinigay sa akin ni Luther. Hindi, hindi isang panaginip nasaksihan ko. Narinig kong talaga ang mga dapat kong marinig. Nasaksihan ko talaga ang mga dapat kong masaksihan. Hindi... Hindi panaginip ang lahat. Totoong nangyari ang pagpunta ko sa mga Gravesend. Totoo sila. Totoo ang Seven Dities sa libro. Si Gertrude, si Luther. Totoo sila. Ngunit isa pang bagay ang tila ba sumampal sa akin ng alalahanin ko ang lahat. Totoo, totoo ding nanganganib ang buhay ng nagiisa ko na lang na pamilya. Nasa panganib ang mahal kong Lola! ~To Be ContinuedThird Person's Point of View “How many times do I have to tell you na hindi ka maaring lumabas dito lalo na kapag kumagat na ang dilim?! Seriously, Morriban?! Nakikinig ka ba talaga sa'kin?!” Niyanig ng sigaw na iyon ni Artimus ang dalagang ni ang matinag o ang matakot dito'y hindi na tinablan. Nagliliwanag na sa galit ang mga mata ni Artimus, ngunit nanatili siyang tikom. Dahil sa galit ay mahigpit nitong hinawakan ang balikat ng dalaga. “Tell me! Where have you been last night, Morri?!” Ngunit agad itong natigil nang pigilan siya ng isang kamay. “Tss stop it, Art. Sumusobra ka na, nasasaktan na si Morri sa ginagawa mo,” awat ng isa pa sa mga Diety na si Quillon. Tulad ni Artimus, ay nagliliwanag din ang mga mata nito sa asul nitong kulay. Katangian ng mga Diety na lumalabas lamang kapag sila ay nagagalit o nagpapakita ng kanilang epikong kapangyarihan. “Anong tu
Napatigil ako sa mga katagang iyon. Hindi dahil sa takot sa taas ng boses niya. Kung hindi dahil sa isang gintong tungkod na niluwa ng lupa sa tapat ng kamay nito na agad nitong hinawakan. Para akong mabingi matapos iyon dahil hindi na ako makapagsalita pa. Hindi maayos nairerehistro ng utak ko ang lahat nang nakikita ko mula kanina. At natatakot akong tanggapin na totoo rin ang mga binibitawan nitong salita. Tumalikod ito sa akin dala-dala ang kumikinang na gintong tungkod. Humarap ito sa gawi ng burol kung nasaan ang gubat. May isang malaki at matandang puno ng balete roon na nakakakilabot pagmasdan. “Batid kong napansin mo ang walang hanggang sakop ng kagubatan kanina,” pagiiba nito ng usapan. “Hinahati ng isang linya ng kagubatang ito ang baryo kung saan kayo naninirahan,” tuloy pa nito habang papalapit nang papalapit sa balete. Tinanaw ko muli ang tinutukoy ni
“Kung gusto mong makalabas ng buhay sa mundong ito, matuto kang makinig at alamin ang kinalalagyan mo. Isa ka lamang mortal. At ipapaalala ko sa'yo na isang pabor ang dahilan kung bakit ka nasa lugar na ito,” tuluyan nitong alis sa harapan ko kasabay ang marahas na pagsarado sa pintuan. Dahil sa prustasyo'y nasipa ko na lamang ang kama sa likuran ko. Naiinis ako sa katotohanang wala akong karapatang tumanggi sa utos ng kahit na sino! Alam nilang wala akong magagawa! Dahil nakasalalay ang buhay ng lola ko sa lahat ng ikikilos ko! “Lola...” bulong ko sa hangin. Bagsak-balikat kong nilakad ang pinakamalapit na bintana para buksan ito. Binuhat ko ang isang silya at hinayaan kong pumasok ang malakas na hangin mula sa labas. Umupo lang ako roon at pinagmasdan ang kalangitang unti-unting nababalot ng kadiliman. Marahan kong kinuha sa bulsa ko ang lasog-lasog nang pitaka at kinuha roon ang nag-iisa at pinakaiin
Hagan's Point of View Ang balyenang nakita ko. Hindi kaya... "Taglay ng mga simbolong iyan ang apat na kahariang kinabibilangan ng mga nilalang batay sa kung saang elemento sila nabibilang." Pagpapatuloy nito sa pagpapaliwanag na sinabayan ng paglitaw ng kahariang may abuhing watawat sa screen. Ang nilalang na nakaburda sa watawat nito'y isang puting ibon na may mahabang buntot at malawak na pakpak. "Aeras. Ang kahariang may pinakamataas na antas sa apat na kaharian. Dahil ito sa taglay na kakayahan at katalinuhan ng mga naninirahan doon. At karamihan sa kanila'y may kakayahang lumipad." Isang video ang ipinakita nito kung saan kita ang buong kaharian ng Aeras. At hindi ko maiwasang mamangha sa lugar na iyon. Ang kaharia'y naka-pwesto sa matayog at malawak na talampas sa gitna ng nagtataasang kabundukan. Agaw pansin doom ang isang puti at maliit na bersyon ng palasyo tulad
"Ang mga Fairy. Sila ang mga naliliit na bersyon ng mga Diwata. Sila naman ang mga taga-pangalaga ng mga kahalamanan. Noon ay napakaraming Fairy sa Gaia. Ngunit palaon nang palaon ay kumokonti na ang populasyon ng mga ito. Hanggang sa isang pamilya na lamang ang natira sa kanila." Napatingin akong agad sa mata ni Nelson sa pagkakataong iyon. Pinipilit hanapin ang sagot sa konklusyong nabuo sa aking isip. Pero ang lumbay nitong mga mata lang ang naisagot nito sa akin. "You've meet the three of them this morning, Hagan. The Last generation of Faries. The Flordelina trio," usal nito na ikinatigil ko. "Bakit anong nangyari?" Hindi ko mapigilang tanong. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng galit. Pero napakababait ng mga Fairy. Nagawa nila akong bantayan kahit hindi nila alam kung sino ako. Likas silang mabubuti. Pero paanong naubos ang ganoong
Hagan's Point of View Napatigil si Morriban sa huling katagang sinabi ko. Ang matalas ngunit malungkot nitong mga mata'y nawalan ng buhay na ikinaatras ko. May kung anong bagay ang meron sa mga tinging iyon. Malayo ito sa mga matang mayroon si Gertrude noong nanigas ako sa kinatatayuan ko sa takot. Pero ang mga tingin ni Morriban. Tila ba, inuubos nito ang hangin sa paligid ko na nakapagsasanhi ng pagkakapos ko sa hangin. "Isang mortal ang nakatakdang protektahan ako?" walang pagkurap nitong tanong sa kanyang sarili na sinundan ng kanyang pagyuko at nakakikilabot nitong pagtawa. Makailang sandali pa'y tinapunan muli ako nito ng hindi makapaniwalang tingin at binalik sa akin ang walang buhay nitong mga mata. "Hindi ko kailangan ng kahit na anong proteksyon mula sa kahit na sino... lalong-lalo na sa isang hamak na mortal kagaya mo," dahan-dahan nitong komento na ikinapantig ng tainga ko. Hamak na mort
"E-Egor?" Bulalas kong tigil na agad nitong ikinangiti sa akin. Egor, ang isa sa apat na Elders ng apat na kaharian. Ang mga nilalang na katumbas na ng mga hari. Ang mga pinuno ng apat na angkang unang naging residente ng Gaia. At siya... ang malupit na Egor na manlilipol ng mga mortal! Naging alerto ako sa kapahamakang napasok ko. Mahigpit na iniyukom ang kamao at isang beses na umatras mula sa mapanganib na matanda. Ngunit mas lalo akong naging alisto nang kumunot ang noo nito't pinanliitan ako ng mata, na para bang may sinisipat sa leeg ko. Marahan ako nitong nilapitan. Inangat ang kanyang tungkod at kunot noong itinutok iyon sa leeg ko. Bagay na bahagya kong ikinailag, ngunit ang marahas na pagbukas ng pinto'y ikinatigil din nito. "Hagan!" Sigaw ng kung sino sa likuran ko na sa isang iglap ay nasa harapan ko na. Isang pamilyar na likuran ng
Nakita ko ang unti-unting panlilisik ng mata ng matanda. Bagay na ikaatras ko. Pero huli na nang mahigpit na ako nitong hinawakan sa magkabila kong balikat. "Naniniwala ka na kaya pang maibalik ang lahat sa normal? Ang isang kagaya mong mortal ay naisip ang bagay na iyon?" Giit nitong usig sa akin. Pero pinagpatuloy ko ang aking sinasabi. Nanatili ako sa aking paninindigan."Oo! Naniniwala ako! Naniniwala akong makakaya nating ibalik ang lahat kung magkakaroon tayo ng pagkakataong maipaintindi sa magkabilang panig ang katotohanan. Para wala nang madamay na inusenteng buhay! Para maging mapayapa na ang lahat! Gusto kong tapusin ang gulong mayroon sa dalawang mundo! At magagawa lang natin iyon kung magagapi natin ang mga halimaw na nakalathala sa mga aklat! Sa mga halimaw na naging mitsa para magsimula ang kaguluhan ng lahat!" giit ko na agad nitong ikinabitaw sa akin. Hinintay ko itong tumawa. Ngunit lumakad
Nang dumating ang grupo sa Nero ay agad silang nalapasok bilang mga ibang lahi. May pinainom s akanilang mapagpanggap na mga gamot upang magaya ang nga lahing kampi sa kanila. kaya namab agad nilang nakapasok sa Kaharian.Ngunit laking gulat ng mga ito na makita si Morriban na nasa tabi ng trono ng kalaban."Hagan? Anong ibig nitong sabihin?" Giit na sabe ni Tamara nang hindi napapansin ng mga kwarta sibil ng kaharian ng Nerro.Pero bago pa man sila masagot ni Hagan ay isang nalakas na hiyaw ang bumalot sa buong plaza.At ikinagulat nila nang makuha ng isang dambuhalang nilalang si Asya. Hawak hawak siya sa leeg nito na paulit ulir na humihingi nh tulong sa ating apat. "Asya! " Pinilit sanang magtago ng lahat nginit hindu mapigilan ni Mischa na hindi lumabas upang mailigtas ang kanyang kapatid. "Intruder!" sigaw ng mga maliliit na nilalang galing sa mga the wicked at nalaman nalang nila Hagan na napapaligiran na sila ng nga nilalang na hayok silang pagppatay patayin. "Mga lapastan
Third Person's Point of View"Pero kung titignan sino talaga ang may kamalian? " tanong ni Gavin kay Hagan hsbang tinatathan ang malamig na daan. "Ang monseho ang may kamalian dahim wala silang balak nilang iligtas si Morriban ay wala na. Wla ana dahim ano! DhIl s ang sandatang pinagawa s samin ni Sir Elisae."TUMIGIL KA! Ang nakatakda ay nakatakda! Ngunit kung hindi magbabago ang tadhana at tuluyang maisakatuparan ni Morriban ang propesiya'y wala na akong ibang rason para buhayin siya! " Malakas at nakakatakot na boses ang pumailanlang sa buong silid. Galing ito sa pinakamatandang myembro sa pamilya ng Gravesend, si Artimus. Galit na sinasabayan ng pagkislap ng pula nitong nga mata. Bagay na ikinadagundong ng buong mansyon at nakagawa ng malakas na paglindol.Ikinaatras iyon ni Morriban, na hindi sinasadyang mapadaan sa silid kung saan nagpupulong ang mga nakakatanda. Kanina pa ito nakikinig sa pagpupulong ng mga ito at hindi inaasahan ang mga maririnig. Mangilang segundo itong napa
Third Person person point of viewNakarinigv ng ingay patungk sa Kay Morriban si Hagan at gavin."Paanong ililigtas natin sila eh hindi naman nating magagawaNg itearidor ang sarili naging kalaban. Hinding hindi." Lugmok ang mga balikat na inunahan ni Hagan sa paglalakad si Gabin ng bbalik na ang mga ito sa head quarters.Ngunut ikinagulat ni Hagan ng pigilan siya ni Gavin."Sasama ako sa inyo. Iligtas natin si Morriban sa Nero."Tahimik naming sinundan ang dalawang Jinn kasabay si Alek. Bakas naman ang pagaalala ng mga naiwanan naming myembro dahil sa komosyong ginawa ng mga kawal ng konseho. Pero tonanguan ko lang naman si Mischa na nakasilip sa bintana upang kami ay tanawin bilang paalam. Wala naman kasi sigurong mangyayaring masama kung kakausapin man kami ng konseho. Dapat lang naman talaga nilang ipaliwanag sa amin ang lahat ng nangyari dahil kamuntik nang may masamang bagay ang mangyari kay Morriban. Isang karwahe ang nadatnan namin sa pagsunod namin sa dalawang Jinn. Isa iton
Hagan Point of View.Inis akong napatingin kay Gavin nang hilahin lang ako nitto kung saan. Hindi ko siya maintindihan. Ilang beses ko nang kinukuha ang braso ko mula sa kanyang mga kamay na halos kinababa na ng kanyang mga kuko dahil sa galit na alam kong ramdam niya. Kakaiba naman kasi talaga si Gavin. Kumpara sa kanyang kapatid na si Grant. Si Gavin ang pinakamatinong version nilang magkakakapatid. Pero ano ba ang iniisip ng isang itto? Ano ang sinasabi noyang kailangan kong harapin ang Konseho para lang mailigtas si Morriban? Hindi ba kayang ako na lamang ang kumilos?Kung maaari lang na ako na lamang ang kumilos ay ginawa ko na. Dahil ayoko na na may makpahamak pang kung sino sa kanila..Dahil sa inis ko ay marahas na akong huminto at pinigil si Gavin. Hindi ko na inalintana ang naging kalmot s aakin nito mula sa kanyang pagkakaladkad sa akin."Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya.Napadpad kami sa isang dungeon na hindi ko alam kung bakit naming pinupuntahan ngayon.Tumigil r
Third Person POV"Hagan!" Napakurap ang binatang si Hagan nang tawagin siya ng isang malakas na tinig.It was Tamara. Hindi na namalayan ni Hagan na nasa klase na sila kasama ang mga napiling Keeper. At kasama sila roon. Ngunit dahil sa pagkawala ni Morriban ay hindi na nakausap pa ng maayos si Hagan.Sinisisi nito ang kanyang sarili sa pagkawala ni Morriban sa kanya pang harapan. Ni wala itong nagawa sa harap ng kanilang mga kalaban, dahil tulad ng dati ay nanigas ito sa kanyang kinatatayuan gaya ng pagkakaagaw rin ng kalaban sa malay ng kanyang Lola."You know what, kung hindi ka magseseryoso, sana tinanggihan mo nalang ang karangalan mo para maging Keeper ng Gaia." Usal ni Grant habang patuloy na nagsusulat. Ikinagulat iyon ng lahat, Napuno ng tensyon ang kwarto dahil ramdam ng lahat ang seryosong aura ni Hagan simula nang mawala si Morriban. At walang nakakaalam kung kelan ito sasabog, dahil kung sumabog ito ay paniguradong ito ay magiging mapaminsala. Hanggang tahasang tumayo s
Third Person Point of View"Ito naman ang tinatawag na Mana. Ang klase ng aura na pwedeng gamitin sa lahat ng bagay gaya ng ginawa ko kanina."Nakatulala lang at walang maintindihan ang nga estudyante ni Eliasar sa kanyang mga sinasabi. Bagay na agad niyang ikinatingin sa gawi ng kanyang anak na si Eliot. Nagpakita ito ng pagkadismayang tingin sa anak. Pero nag kibit balikat lamang ito at ikinabuntong hininga ni Eliasar."I get it, kailangan niyo munang mabuksan ang mga mana point sa inyong mga mata, upang makita niyo at maintindihan niyo ang aking sinasabi at ituturo." Sabi nito sa lahat."Hagan, tama?" Mabolis na tinuro ng matanda si Hagan na nagitla rin naman."Yes sir!" Sagot nito."With no doubt, I know he already opened his mana point, pero sa nakikita ko ay hindi pa iyon gaanong bukas."Pagpapaliwanag ni Eliasar na naputol nang magtaas ng kamay si Morriban."But how can we obtain that skills? How can we open our mana point?" Asar nitong tanong dahil sa nararamdmaang ingit kay
Hagan Point of View"Paano mo ginawa iyon sir?" Bulalas na tanong ni Dalo nang mapaangat ni Mister Eliasae ang itak na nasa lagayan nito kahit hindi niya ito nilalapitan.Pero may kakaiba sa ginawa niyang iyon. I saw something between his moves. May kung anong bagay ang nagdugtong mula sa kanyang kamay hanggang sa sandatang iyon. Para iyong pisi na anino. At base sa nakita kong reaksyon ng mga kasamahan ko. Hindi nila ito nakikita."Walang pinagkaiba ang bagay na ito sa concentrated Aura na naituro sa inyo ng inyo ni Gremmy. Its the same thing, pero mas mataas nga lang itong lebel." Pagpapaliwanag nito sa amin hanggang sa magtana ang aming mga nata at tila may bumaril sa akin sa mga matang iyon. Na para bang nahuli niya ako sa akto.Pero imbis na mas lalo akong pakabahin ay agad nitong itinaas ang kanan nitong bahagi ng labi."One of you can understand what I am saying. Am I right, Hagan?" tanong nitong derekta sa akin na ikinanlaki ng nga mata mo."Ah-Ano po iyon?" Taranta kong tugon
Morriban’s Point of View Hindi ako makapagsalita hanggang ngayon na ginagamot ng isang simpleng katiwala ng mansyon ang aking mga sugat, habang pinapakain ako nito nang kung anong halaman upang mabalik ang lakas na nawala sa akin. Hindi ako makapagsalita at natutulala lang sa ginagawa sa akin kahit na alam ko sa loob ko na ang tipikal kong reaksyon sa ganitong sistema ay pagkairita. Ayaw na ayaw ko na iba ang humahawak sa akin bukod kay Ate Gertrude. Ayokong mga hamak na mabababang nilalang lamang ang magpagaling sa sa akin at natural ko iyong paguugali simula ako ay magka-isip. Pero ngayon ay wala akong magawa kung hindi matulala o miski ang makagalaw ay hindi ko magawa. What just happened earlier? How could he even do that in the middle of Quillon’s range? Pati ako ay natakot kay Quillon pero paano niya akong nagawang ialis sa ganoong sitwasyon? At isa pa, hindi ba’t pabor sa kanya ang hinihiling ni Quillon na isuko na ang pagaaral ko sa Akademia? Bakit hindi siya pumayag? Bakit
Nagsimula na ang araw ng pagtuturo ni Eliasar sa mga estudyante ng Dasos. He is not expecting much to them pero nakakakita siya ng kislap sa mga mata ng mga batang ito na naguudyok sa kanya lalo upang magturo. For he is seeing himself sa kanilang nga kabataan ngayon. Ng maging hayok sa pagkatuto at matuto para sa tamang dahilan. Unang namangha si Eliasar sa dalagang si Morriban. Dahil nakita agad nito ang pagsamo sa dalaga ng isang sandata upang ito ay kanyang gamitin.Hindi gaya ng mga paningin ng ibang nilalang. May espesyal na kakayahan ang mga kagaya ni Eliasar na bihasa sa paggamit at pagkontrol sa Mana o ng kanilang Aura.Dahil dito ay malayang nakikita ni Eliasar ang iba't-ibang mana na mayroon ang mga kabataang kaharap niya. At ang pinakamalakas na tila kumukuwala doon ay ang kay Morriban. Ang pinakamahina namang Mana na mayroon ay ang sa binatang si Hagan. Pero kakaiba ang Aura na mayroon si Hagan, dahil hindi sigurado si Eliasar sa tunay na katauhan ng binata. For elves h