“La, ano po ang diwata?” walang muwang kong tanong ko habang sinisimot ang ang gatas na itinimpla sa akin ni Lola.
Ngunit natakot ako nang biglang itinigil ni ate Soledad ang paghihimay ng malunggay at gulat na napalingon sa'kin. “Hagan! Saan mo iyan narinig?” sigaw nito nang may nagbabagang mga mata. Nakita ni Lola ang pagkatakot ko sa reaksyong iyon ni Ate. Kaya naman tinabihan ako nito at marahang hinawakan ang magkabila kong balikat. Hindi ko maintindihan. Bakas din sa mga mata nito ang pagaalala. “Apo, s-saan mo narinig ang bagay na iyan? Lumabas ka ba ng bahay?” “H-Hindi p-po. Lagi ko pong sinusunod ang bilin niyo na huwag akong lalabas ng bahay o ang makipaglaro sa mga bata sa labas,” mangiyak-ngiyak kong tugon. “Eh saan mo iyan narinig?!” Naiyak akong lalo sa sigaw na iyon ni Ate Solidad. Galit na galit ito na para bang may nagawa akong masama. “Soledad, Apo. Huminahon ka. Hindi makasasagot ng maayos si Hagan kung ganyang pagtataasan mo lamang siya ng boses,” awat ni Lola rito at marahang humarap sa'kin. Pinipilit kong alamin kung anong mali kong nagawa sa mga maluha-luha nitong mata. Pero wala akong makita. “Hagan, A-Apo. Sagutin mo ang tanong namin. Saan mo narinig ang tungkol sa mga diwata?” Ramdam ko ang panginginig ng mga palad ni Lola sa braso ko kaya naman mas lalo ko iyong ikinatakot. “K-Kay Itay po, La. Ang sabi ni Itay kagabi, manghuhuli raw po siya ng diwata para may maipanghanda ako sa ikapito kong kaarawan,” pag-amin ko na ikinanlumo at nanghihinang ikinabitaw sa'kin ni Lola. Nagsimula na ring lumuha si Ate Soledad at halos mapaupo pa... Hindi ko maintindihan... Wala akong maintindihan sa mga nangyayari... Hindi saklaw ng musmos kong kaisipan ang mga nangyayari sa paligid ko. Pero isa lang ang alam ko... Simula rin noong araw na iyo'y hindi na bumalik pa sa pangangaso ang Itay. Maging si Ate Soledad na sumunod dito.“PAGALINGIN niyo po ang Lola ko, Dok. Please gawin niyo po ang lahat para mailigtas siya, nagmamakaawa ako,” luhod ko sa nagiisang doktor ng ospital sa aming baryo. Hindi ko na malaman ang gagawin. Bigla na lang umatake ang sakit sa puso ng Lola. At hindi ko na kakayanin pa kung maging siya ay mawala pa sa akin.Ilang buwan pa lang noong nawala si Lolo. Pero huwag namang pati si Lola... Nagmamakaawa ako. “Pero, Iho. Kailangan niyo ng malaking halaga para maisagawa ang operasyon. Dahil hindi kayang sagutin ng ospital na ito ang pagpapa-opera sa Lola mo,” sagot nito sa akin na ikinapantig ng tainga ko. Puro na lang ba pera!? Sa pera na lang ba talaga nakasalalay ang buhay ng tao ngayon?! “Magkano ba?! Magkano ang kailangan ng ospital na 'to para lang asikasuhin niyo ang Lola ko?” Tuluyan nang nanginig ang kalamnan ko sa galit. “Hindi kaya ng kagaya niyong alipin ang salaping kailangan para mapagaling ang Lola mo. Kaya naman suhestyon kong ilipat mo na lamang siya ng os—” Napatigi
Third Person's Point of View “TUMIGIL KA! Ang nakatakda ay nakatakda! Ngunit kung hindi magbabago ang tadhana at tuluyang maisakatuparan ni Morriban ang propesiya'y wala na akong ibang rason para buhayin pa siya!” Malakas at nakakatakot na boses ang pumailanlang sa buong silid. Galing ito sa pinakamatandang myembro sa pamilya ng Gravesend, si Artimus. Sinasabayan ito ng pagkislap ng pula nitong mga mata. Bagay na ikinadagundong ng buong mansyon at nakagawa ng malakas na paglindol sa karatig-baryo. Ikinaatras iyon ni Morriban, na hindi sinasadyang mapadaan sa silid kung saan nagpupulong ang mga nakakatanda. Mangilang segundo itong napatulala sa nalaman ngunit nang matauha'y lumuluha itong napaatras at dali-daling tumakbo pabalik sa kanyang silid. Naging hudyat iyon upang tuluyang putulin ng lalaking nagmamay-ari ng puting mga mata ang kanyang pananahimik. Alam ni Luther na wala na ang dalagang nakikinig sa kanila bagay na agad
Third Person's Point of View “How many times do I have to tell you na hindi ka maaring lumabas dito lalo na kapag kumagat na ang dilim?! Seriously, Morriban?! Nakikinig ka ba talaga sa'kin?!” Niyanig ng sigaw na iyon ni Artimus ang dalagang ni ang matinag o ang matakot dito'y hindi na tinablan. Nagliliwanag na sa galit ang mga mata ni Artimus, ngunit nanatili siyang tikom. Dahil sa galit ay mahigpit nitong hinawakan ang balikat ng dalaga. “Tell me! Where have you been last night, Morri?!” Ngunit agad itong natigil nang pigilan siya ng isang kamay. “Tss stop it, Art. Sumusobra ka na, nasasaktan na si Morri sa ginagawa mo,” awat ng isa pa sa mga Diety na si Quillon. Tulad ni Artimus, ay nagliliwanag din ang mga mata nito sa asul nitong kulay. Katangian ng mga Diety na lumalabas lamang kapag sila ay nagagalit o nagpapakita ng kanilang epikong kapangyarihan. “Anong tu
Napatigil ako sa mga katagang iyon. Hindi dahil sa takot sa taas ng boses niya. Kung hindi dahil sa isang gintong tungkod na niluwa ng lupa sa tapat ng kamay nito na agad nitong hinawakan. Para akong mabingi matapos iyon dahil hindi na ako makapagsalita pa. Hindi maayos nairerehistro ng utak ko ang lahat nang nakikita ko mula kanina. At natatakot akong tanggapin na totoo rin ang mga binibitawan nitong salita. Tumalikod ito sa akin dala-dala ang kumikinang na gintong tungkod. Humarap ito sa gawi ng burol kung nasaan ang gubat. May isang malaki at matandang puno ng balete roon na nakakakilabot pagmasdan. “Batid kong napansin mo ang walang hanggang sakop ng kagubatan kanina,” pagiiba nito ng usapan. “Hinahati ng isang linya ng kagubatang ito ang baryo kung saan kayo naninirahan,” tuloy pa nito habang papalapit nang papalapit sa balete. Tinanaw ko muli ang tinutukoy ni
“Kung gusto mong makalabas ng buhay sa mundong ito, matuto kang makinig at alamin ang kinalalagyan mo. Isa ka lamang mortal. At ipapaalala ko sa'yo na isang pabor ang dahilan kung bakit ka nasa lugar na ito,” tuluyan nitong alis sa harapan ko kasabay ang marahas na pagsarado sa pintuan. Dahil sa prustasyo'y nasipa ko na lamang ang kama sa likuran ko. Naiinis ako sa katotohanang wala akong karapatang tumanggi sa utos ng kahit na sino! Alam nilang wala akong magagawa! Dahil nakasalalay ang buhay ng lola ko sa lahat ng ikikilos ko! “Lola...” bulong ko sa hangin. Bagsak-balikat kong nilakad ang pinakamalapit na bintana para buksan ito. Binuhat ko ang isang silya at hinayaan kong pumasok ang malakas na hangin mula sa labas. Umupo lang ako roon at pinagmasdan ang kalangitang unti-unting nababalot ng kadiliman. Marahan kong kinuha sa bulsa ko ang lasog-lasog nang pitaka at kinuha roon ang nag-iisa at pinakaiin
Hagan's Point of View Ang balyenang nakita ko. Hindi kaya... "Taglay ng mga simbolong iyan ang apat na kahariang kinabibilangan ng mga nilalang batay sa kung saang elemento sila nabibilang." Pagpapatuloy nito sa pagpapaliwanag na sinabayan ng paglitaw ng kahariang may abuhing watawat sa screen. Ang nilalang na nakaburda sa watawat nito'y isang puting ibon na may mahabang buntot at malawak na pakpak. "Aeras. Ang kahariang may pinakamataas na antas sa apat na kaharian. Dahil ito sa taglay na kakayahan at katalinuhan ng mga naninirahan doon. At karamihan sa kanila'y may kakayahang lumipad." Isang video ang ipinakita nito kung saan kita ang buong kaharian ng Aeras. At hindi ko maiwasang mamangha sa lugar na iyon. Ang kaharia'y naka-pwesto sa matayog at malawak na talampas sa gitna ng nagtataasang kabundukan. Agaw pansin doom ang isang puti at maliit na bersyon ng palasyo tulad
"Ang mga Fairy. Sila ang mga naliliit na bersyon ng mga Diwata. Sila naman ang mga taga-pangalaga ng mga kahalamanan. Noon ay napakaraming Fairy sa Gaia. Ngunit palaon nang palaon ay kumokonti na ang populasyon ng mga ito. Hanggang sa isang pamilya na lamang ang natira sa kanila." Napatingin akong agad sa mata ni Nelson sa pagkakataong iyon. Pinipilit hanapin ang sagot sa konklusyong nabuo sa aking isip. Pero ang lumbay nitong mga mata lang ang naisagot nito sa akin. "You've meet the three of them this morning, Hagan. The Last generation of Faries. The Flordelina trio," usal nito na ikinatigil ko. "Bakit anong nangyari?" Hindi ko mapigilang tanong. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng galit. Pero napakababait ng mga Fairy. Nagawa nila akong bantayan kahit hindi nila alam kung sino ako. Likas silang mabubuti. Pero paanong naubos ang ganoong
Hagan's Point of View Napatigil si Morriban sa huling katagang sinabi ko. Ang matalas ngunit malungkot nitong mga mata'y nawalan ng buhay na ikinaatras ko. May kung anong bagay ang meron sa mga tinging iyon. Malayo ito sa mga matang mayroon si Gertrude noong nanigas ako sa kinatatayuan ko sa takot. Pero ang mga tingin ni Morriban. Tila ba, inuubos nito ang hangin sa paligid ko na nakapagsasanhi ng pagkakapos ko sa hangin. "Isang mortal ang nakatakdang protektahan ako?" walang pagkurap nitong tanong sa kanyang sarili na sinundan ng kanyang pagyuko at nakakikilabot nitong pagtawa. Makailang sandali pa'y tinapunan muli ako nito ng hindi makapaniwalang tingin at binalik sa akin ang walang buhay nitong mga mata. "Hindi ko kailangan ng kahit na anong proteksyon mula sa kahit na sino... lalong-lalo na sa isang hamak na mortal kagaya mo," dahan-dahan nitong komento na ikinapantig ng tainga ko. Hamak na mort
Nang dumating ang grupo sa Nero ay agad silang nalapasok bilang mga ibang lahi. May pinainom s akanilang mapagpanggap na mga gamot upang magaya ang nga lahing kampi sa kanila. kaya namab agad nilang nakapasok sa Kaharian.Ngunit laking gulat ng mga ito na makita si Morriban na nasa tabi ng trono ng kalaban."Hagan? Anong ibig nitong sabihin?" Giit na sabe ni Tamara nang hindi napapansin ng mga kwarta sibil ng kaharian ng Nerro.Pero bago pa man sila masagot ni Hagan ay isang nalakas na hiyaw ang bumalot sa buong plaza.At ikinagulat nila nang makuha ng isang dambuhalang nilalang si Asya. Hawak hawak siya sa leeg nito na paulit ulir na humihingi nh tulong sa ating apat. "Asya! " Pinilit sanang magtago ng lahat nginit hindu mapigilan ni Mischa na hindi lumabas upang mailigtas ang kanyang kapatid. "Intruder!" sigaw ng mga maliliit na nilalang galing sa mga the wicked at nalaman nalang nila Hagan na napapaligiran na sila ng nga nilalang na hayok silang pagppatay patayin. "Mga lapastan
Third Person's Point of View"Pero kung titignan sino talaga ang may kamalian? " tanong ni Gavin kay Hagan hsbang tinatathan ang malamig na daan. "Ang monseho ang may kamalian dahim wala silang balak nilang iligtas si Morriban ay wala na. Wla ana dahim ano! DhIl s ang sandatang pinagawa s samin ni Sir Elisae."TUMIGIL KA! Ang nakatakda ay nakatakda! Ngunit kung hindi magbabago ang tadhana at tuluyang maisakatuparan ni Morriban ang propesiya'y wala na akong ibang rason para buhayin siya! " Malakas at nakakatakot na boses ang pumailanlang sa buong silid. Galing ito sa pinakamatandang myembro sa pamilya ng Gravesend, si Artimus. Galit na sinasabayan ng pagkislap ng pula nitong nga mata. Bagay na ikinadagundong ng buong mansyon at nakagawa ng malakas na paglindol.Ikinaatras iyon ni Morriban, na hindi sinasadyang mapadaan sa silid kung saan nagpupulong ang mga nakakatanda. Kanina pa ito nakikinig sa pagpupulong ng mga ito at hindi inaasahan ang mga maririnig. Mangilang segundo itong napa
Third Person person point of viewNakarinigv ng ingay patungk sa Kay Morriban si Hagan at gavin."Paanong ililigtas natin sila eh hindi naman nating magagawaNg itearidor ang sarili naging kalaban. Hinding hindi." Lugmok ang mga balikat na inunahan ni Hagan sa paglalakad si Gabin ng bbalik na ang mga ito sa head quarters.Ngunut ikinagulat ni Hagan ng pigilan siya ni Gavin."Sasama ako sa inyo. Iligtas natin si Morriban sa Nero."Tahimik naming sinundan ang dalawang Jinn kasabay si Alek. Bakas naman ang pagaalala ng mga naiwanan naming myembro dahil sa komosyong ginawa ng mga kawal ng konseho. Pero tonanguan ko lang naman si Mischa na nakasilip sa bintana upang kami ay tanawin bilang paalam. Wala naman kasi sigurong mangyayaring masama kung kakausapin man kami ng konseho. Dapat lang naman talaga nilang ipaliwanag sa amin ang lahat ng nangyari dahil kamuntik nang may masamang bagay ang mangyari kay Morriban. Isang karwahe ang nadatnan namin sa pagsunod namin sa dalawang Jinn. Isa iton
Hagan Point of View.Inis akong napatingin kay Gavin nang hilahin lang ako nitto kung saan. Hindi ko siya maintindihan. Ilang beses ko nang kinukuha ang braso ko mula sa kanyang mga kamay na halos kinababa na ng kanyang mga kuko dahil sa galit na alam kong ramdam niya. Kakaiba naman kasi talaga si Gavin. Kumpara sa kanyang kapatid na si Grant. Si Gavin ang pinakamatinong version nilang magkakakapatid. Pero ano ba ang iniisip ng isang itto? Ano ang sinasabi noyang kailangan kong harapin ang Konseho para lang mailigtas si Morriban? Hindi ba kayang ako na lamang ang kumilos?Kung maaari lang na ako na lamang ang kumilos ay ginawa ko na. Dahil ayoko na na may makpahamak pang kung sino sa kanila..Dahil sa inis ko ay marahas na akong huminto at pinigil si Gavin. Hindi ko na inalintana ang naging kalmot s aakin nito mula sa kanyang pagkakaladkad sa akin."Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya.Napadpad kami sa isang dungeon na hindi ko alam kung bakit naming pinupuntahan ngayon.Tumigil r
Third Person POV"Hagan!" Napakurap ang binatang si Hagan nang tawagin siya ng isang malakas na tinig.It was Tamara. Hindi na namalayan ni Hagan na nasa klase na sila kasama ang mga napiling Keeper. At kasama sila roon. Ngunit dahil sa pagkawala ni Morriban ay hindi na nakausap pa ng maayos si Hagan.Sinisisi nito ang kanyang sarili sa pagkawala ni Morriban sa kanya pang harapan. Ni wala itong nagawa sa harap ng kanilang mga kalaban, dahil tulad ng dati ay nanigas ito sa kanyang kinatatayuan gaya ng pagkakaagaw rin ng kalaban sa malay ng kanyang Lola."You know what, kung hindi ka magseseryoso, sana tinanggihan mo nalang ang karangalan mo para maging Keeper ng Gaia." Usal ni Grant habang patuloy na nagsusulat. Ikinagulat iyon ng lahat, Napuno ng tensyon ang kwarto dahil ramdam ng lahat ang seryosong aura ni Hagan simula nang mawala si Morriban. At walang nakakaalam kung kelan ito sasabog, dahil kung sumabog ito ay paniguradong ito ay magiging mapaminsala. Hanggang tahasang tumayo s
Third Person Point of View"Ito naman ang tinatawag na Mana. Ang klase ng aura na pwedeng gamitin sa lahat ng bagay gaya ng ginawa ko kanina."Nakatulala lang at walang maintindihan ang nga estudyante ni Eliasar sa kanyang mga sinasabi. Bagay na agad niyang ikinatingin sa gawi ng kanyang anak na si Eliot. Nagpakita ito ng pagkadismayang tingin sa anak. Pero nag kibit balikat lamang ito at ikinabuntong hininga ni Eliasar."I get it, kailangan niyo munang mabuksan ang mga mana point sa inyong mga mata, upang makita niyo at maintindihan niyo ang aking sinasabi at ituturo." Sabi nito sa lahat."Hagan, tama?" Mabolis na tinuro ng matanda si Hagan na nagitla rin naman."Yes sir!" Sagot nito."With no doubt, I know he already opened his mana point, pero sa nakikita ko ay hindi pa iyon gaanong bukas."Pagpapaliwanag ni Eliasar na naputol nang magtaas ng kamay si Morriban."But how can we obtain that skills? How can we open our mana point?" Asar nitong tanong dahil sa nararamdmaang ingit kay
Hagan Point of View"Paano mo ginawa iyon sir?" Bulalas na tanong ni Dalo nang mapaangat ni Mister Eliasae ang itak na nasa lagayan nito kahit hindi niya ito nilalapitan.Pero may kakaiba sa ginawa niyang iyon. I saw something between his moves. May kung anong bagay ang nagdugtong mula sa kanyang kamay hanggang sa sandatang iyon. Para iyong pisi na anino. At base sa nakita kong reaksyon ng mga kasamahan ko. Hindi nila ito nakikita."Walang pinagkaiba ang bagay na ito sa concentrated Aura na naituro sa inyo ng inyo ni Gremmy. Its the same thing, pero mas mataas nga lang itong lebel." Pagpapaliwanag nito sa amin hanggang sa magtana ang aming mga nata at tila may bumaril sa akin sa mga matang iyon. Na para bang nahuli niya ako sa akto.Pero imbis na mas lalo akong pakabahin ay agad nitong itinaas ang kanan nitong bahagi ng labi."One of you can understand what I am saying. Am I right, Hagan?" tanong nitong derekta sa akin na ikinanlaki ng nga mata mo."Ah-Ano po iyon?" Taranta kong tugon
Morriban’s Point of View Hindi ako makapagsalita hanggang ngayon na ginagamot ng isang simpleng katiwala ng mansyon ang aking mga sugat, habang pinapakain ako nito nang kung anong halaman upang mabalik ang lakas na nawala sa akin. Hindi ako makapagsalita at natutulala lang sa ginagawa sa akin kahit na alam ko sa loob ko na ang tipikal kong reaksyon sa ganitong sistema ay pagkairita. Ayaw na ayaw ko na iba ang humahawak sa akin bukod kay Ate Gertrude. Ayokong mga hamak na mabababang nilalang lamang ang magpagaling sa sa akin at natural ko iyong paguugali simula ako ay magka-isip. Pero ngayon ay wala akong magawa kung hindi matulala o miski ang makagalaw ay hindi ko magawa. What just happened earlier? How could he even do that in the middle of Quillon’s range? Pati ako ay natakot kay Quillon pero paano niya akong nagawang ialis sa ganoong sitwasyon? At isa pa, hindi ba’t pabor sa kanya ang hinihiling ni Quillon na isuko na ang pagaaral ko sa Akademia? Bakit hindi siya pumayag? Bakit
Nagsimula na ang araw ng pagtuturo ni Eliasar sa mga estudyante ng Dasos. He is not expecting much to them pero nakakakita siya ng kislap sa mga mata ng mga batang ito na naguudyok sa kanya lalo upang magturo. For he is seeing himself sa kanilang nga kabataan ngayon. Ng maging hayok sa pagkatuto at matuto para sa tamang dahilan. Unang namangha si Eliasar sa dalagang si Morriban. Dahil nakita agad nito ang pagsamo sa dalaga ng isang sandata upang ito ay kanyang gamitin.Hindi gaya ng mga paningin ng ibang nilalang. May espesyal na kakayahan ang mga kagaya ni Eliasar na bihasa sa paggamit at pagkontrol sa Mana o ng kanilang Aura.Dahil dito ay malayang nakikita ni Eliasar ang iba't-ibang mana na mayroon ang mga kabataang kaharap niya. At ang pinakamalakas na tila kumukuwala doon ay ang kay Morriban. Ang pinakamahina namang Mana na mayroon ay ang sa binatang si Hagan. Pero kakaiba ang Aura na mayroon si Hagan, dahil hindi sigurado si Eliasar sa tunay na katauhan ng binata. For elves h