Share

THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)
THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)
Author: The Samaritan

Chapter 1: Truth

Author: The Samaritan
last update Huling Na-update: 2021-07-15 19:34:03

"As the sun meets the moon,

horizon won't be alone.

Waves are raging to the shore,

seabirds fly as broken shells, sways along.

My love, hold my lips with yours

and find my tears in the sea.

You filled my void with the canvass of

night. I heard your joyful woes, as

I paint your core, with the light of

darkness.

My love, I yearned more and

more to touch and to love you,

in the coldness of the sun.

***

As the rising sun sets on the moon,

my heart won't be alone.

I see yearning in your eyes,

and passion in your lips.

My love, be mine as the

noon goes by.

As waves rages high,

my feet floats on nigh.

I'll be gone for a while.

Ooh my love, quickly

come or I'll die,

find me in your core.

And be with me,

forevermore."

***

Isang malalim na tula ang nabasa ni Liah, habang naglilinis ng silid-aklatan nila sa loob ng palasyo. Napaubo siya habang pinupunasan ang libro, itinabi niya ito at planong dalhin sa kanyang silid nang maipagpatuloy ang pagbabasa. Sobrang luma na ang silid-aklatan pero matibay, inalagaan itong mabuti at hindi nasisira ang mga libro na sa tingin niya ay puro antigo.

Base sa mga nabasa niya, napansin niyang malalalim ang mga salita, ‘yong ibang libro ay nakasulat pa sa Latin. Ang iba naman ay hindi niya pa gaanong maintindihan. Bawat librong pinupunasan ay binubuksan niya at sinisilip ang mga ito, hanggang sa dumako ang tingin niya sa isang librong kulay berde, makapal at halatang lumang-luma na ito. Kinuha niya ito at akmang pupunasan sana nang,

“Mahal na prinsesa?”

Nabitawan ni Liah ang hawak niyang lumang libro nang biglang may nagsalita sa kanyang likuran.

“Ikaw lang pala, Emma. Ginulat mo naman ako,” habol hiningang saad ng dalaga, habang pinupulot ang librong nahulog.

“Patawad, Mahal na Prinsesa. Bakit ho kayo naglilinis?” magalang na tanong ng tagasilbi.

"Parusa ito ni Mama, Emma," malungkot na tugon niya.

"Bakit naman po ano na naman 'yong ginawa niyo?" nakangiting tanong ni Emma na alam na alam ang ugali ng prinsesa.

"Dahil hindi niya sinunod ang utos ko, Emma," sagot ng isang malamyos ngunit may diin na boses.

"Mahal na Reyna Airah… magandang araw po," agad na tugon ni Emma sabay yuko.

"Magandang araw din, Emma. Iwan mo muna kami ng prinsesa," utos niya.

"Masusunod po," tugon niya at paatras na lumakad ang babae patungo sa bukana ng pintuan.

Samantala napansin ni Liah na hindi maganda ang araw ng kanyang ina, siguro dahil sa kasalanang ginawa niya. Kaya napadako na lang ang tingin niya sa librong hawak niya. Nang sinubukan niyang buksan ang libro ay napakunot ang kanyang noo, dahil hindi niya ito mabuksan.

“Ma?” tawag pansin niya sa kanyang ina na noong ay hinahawakan ang mga librong nalinisan na niya. Hinihimas ng reyna ang mga ito na tila ba, binubusisi nito kung may alikabok pa ba o wala na.

“Bakit, Amaliah?” tugon ng kanyang ina.

“Ah, e. Bakit hindi ko mabuksan ang librong ‘to?” pautal-utal niyang tanong. Halatang takot sa ina ang dalaga, mabait at mabuti ang kanyang Ina pero kapag may kasalanan sila ng kuya niya, siguradong ibibigay ng kanilang Ina ang nararapat na disiplina.

Tila ba nagulat ang reyna sa sinabi ng kanyang anak, kahit hindi niya pa tinitignan ang librong hawak nito ay para bang alam na alam ng reyna kung ano ito. Huminga ito nang malalim at direktang tumingin sa pwesto ng anak.

“Isa ‘yang libro anak,” sagot niya. Habang lumulunok ng laway. Tila nag-aalinlangan itong magpatuloy sa sasabihin. Halata sa mukha ng reyna ang pangangamba.

“Opo, Ma. Libro po ito. Pero hindi ko siya mabuksan, may susi ba ito?” tanong pa ni Liah habang binubisisi ang libro. Nakahinga naman siya nang mabuti, nang mapansin na kinakausap na siya ng kanyang Ina, nang normal.

Umupo ang kanyang Ina at inayos ang buhok at parang hinahanda ang sarili sa gagawin, huminga ito bago magsalita.

"Pantentibus!" 

Pagkabigkas na pagkabigkas ng Reyna ay siyang pag-angat ng libro sa kamay ni Liah at unti-unti itong bumukas. Napatingala naman ang dalaga, habang nakabuka ang mga labi. Hindi ito makapagsalita habang nakaturo ang hintuturo sa taas, kung saan lumulutang ang librong kanina lang ay nasa kamay niya.

“A-ano ba 'to? Ma? Paki-explain nga?” utal-utal niyang tanong.

Tumayo ang reyna, inayos ang mga libro at isa-isa niyang nilagay sa bookshelves, “Siguro… oras na para malaman mo ang totoo, Amaliah,” sambit niya. Habang iniiwasan ang tingin ng anak.

“Anong dapat kong malaman, Ma?” nagtataka man ay hindi nagpahalata na nabigla ang dalaga sa nalaman. Bakas din dito ang pagkamangha sa nakita.

“Mga kulto ba tayo, Ma?” dagdag niya pa. Pero hindi ito tinutugon ng Ina niya.

Huminga nang malalim ang Mahal na Reyna at humarap nang diretso sa kanyang anak. Napalunok ng laway at parang natatakot ito sa magiging reaksyon ni Liah.

“Ma? Ayos ka lang ba?” tawag pansin pa ng anak niya.

“Isa akong mangkukulam, Amaliah.”

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ng reyna, matapos na sabihin ‘yon. Habang si Liah ay nagulat pero ilang sandali pa ay bumakas sa kanyang mga labi ang isang nakakalokong ngiti.

“Ma? Kailan ka pa po marunong… magbiro? Ikaw? Mangkukulam?” sunod-sunod nitong tanong habang pigil ang tawa.

Tinignan naman siya ng kanyang Ina nang napakatalim na tingin. Habang kinukumpas ang kamay pataas at nagsalita muli ng ibang lenggwahe. Nagsiliparan ang mga libro mula sa kanilang lagayan at pinalipad ng reyna sa kanyang harapan.

“Oh-Ooh!” ang tanging salitang lumabas sa labi ni Liah.

“Naniniwala ka na?” tanong ng reyna.

Hindi makapagsalita ang dalaga sa nakikita niya, tila ba hindi rumehistro sa kanya ang mga pangyayari. Muling nagsalita ang reyna at binalik ang mga libro sa lagayan. Tumayo ito nang tuwid at naglakad sa gitna, umupo sa isang malaking upuan, sa harap nito may isang antigong mesa na natatambakan ng mga libro.

“Pa’no nangyari ‘to, Ma?”

Tanong ni Liah nang mahimasmasan ito. Sumenyas ang kanyang Ina na umupo siya sa isang upuan na gawa sa Narra. Agad naman sumunod ang prinsesa at naupo sa harap ng Ina.

“Ano, Ma?” atat nitong tanong.

“Sabi ko nga kanina isa akong mangkukulam.”

“So, ibig sabihin nito ay mangkukulam din ako?” hindi makapaniwalang tanong ni Liah.

Huminga nang malalim ang reyna at tumingin ito sa bintana na malapit sa kanila. Tumayo ito at tinungo ang salamin na bintana, sinipat-sipat nito kung may tao ba sa labas, sabay hawak sa kurtina at hinawi ito pasara. Muli siyang bumalik at naupo, binaling ang tingin sa anak at nagsalita.

“Nasa dugo natin ang pagiging mangkukulam, anak.”

“So paano nga ito nangyari, Ma? Saan galing ang pagiging mangkukulam natin?”

Mahinahon ngunit bakas sa mukha ni Liah na nais nitong malaman ang katotohanan. Nakatitig ito sa kanyang Ina at naghihintay ng sagot mula sa reyna.

“Mahabang kwento anak, ang importante ay nalaman mo na at nais ko sanang sabihin sa ’yo na may kailangan tayong gawin” saad pa ng kanyang Ina.

“Ano ‘yon, Ma?” taka niyang tanong.

Muli ay huminga nang malalim ang reyna sabay abot sa dalawa niyang kamay  at pinisil ito nang mahigpit.

“Kailangan kong maipasa sa ‘yo nang pormal ang pagiging mangkukulam sa lalong madaling panahon.”

Mahinahong saad ng Ina niya. Nalilito man ang dalaga pero kailangan niyang buksan ang isip at intindihin ang mga sinasabi ng Ina.

“Ibig bang sabihin, Ma―” putol nitong saad.

“Ano anak?”

“Masasama tayong nilalang?” alinlangan nitong tanong.

Napangiti naman ang reyna sa tanong ng anak. Tumayo siya mula sa kinauupuan at dinaluhan ang dalaga. Hinimas nito ang buhok ng dalaga, sabay yakap.

“Hindi anak, mabubuti tayong tao.”

Napakunot naman ang noo ng dalaga sa sagot ng ina, nalilito ito bakit mabubuting tao ang sagot niya.

“Akala ko ba? Mangkukulam kami?” tanong niya sa isip.

Napansin naman ito ng reyna kaya muli itong humarap sa anak.

“Tao tayo anak,” saad ng Ina niya, habang hawak-hawak nito ang dalawang pisingi ng dalaga.

“Nasa dugo lang natin ang pagiging mangkukulam.”

“Hindi ko maintindihan, Ma?”

“Malalaman mo rin pagdating ng tamang panahon, sa ngayon nais kong malaman kung tatanggapin mo ba ang tradisyonal na pagpasa?” nakangiting tanong niya sa anak.

“Pa’no kung hindi ko tatanggapin?”

Tumawa nang mahina ang reyna at nagsalita. “Magiging estatwang asin ako at matutunaw na lamang sa init ng araw,” seryosong tugon ng Ina nito.

Hindi makapagsalita ang prinsesa at parang hindi pa nito tanggap ang katotohanan na isa siyang mangkukulam. Napansin ito ng kanyang Ina kaya minabuti n’yang wag na munang pilitin ang anak.

“Sige, hindi muna kita pipilitin pag-isipan mong mabuti, anak. Pero pinapaalalahanan kita na totoo ang sinabi ko.”

Napahinga nang malamin ang dalaga at tumango ito sa Ina. Nagpaalam na rin siyang magpapahinga na. Bitbit ang librong hawak niya ay nagtungo na ito sa pinto at lumabas na.

Amaliah's POV

Kinabukasan ay nagising na lamang ako sa awit ng mga ibon na nasa balkonahe ko. Nakita ko sila na parang may tinutuka, habang hinahawi ng hangin ang mataas na kurtina. Parang sumasayaw ito habang nag-aawitan ang mga ibon. Bumangon ako at tinungo ang balkonahe.

Agad na sumalubong sa akin ang masarap na simoy ng hangin. Pumikit ako at huminga nang malalim, dinama ang lamig nito. Naamoy ko rin ang mga bulaklak ng puno na nasa gitna ng gubat ng Verona. Makikita mo ito dahil siya lang naman ang may bukod tanging mataas at may mapupulang dahon sa lahat. Nagmulat ako ng mga mata at nasilayan ko ang ganda nito.

Mas lalo itong nagliliwanag dahil nasisikatan ito ng araw. Napangiti ako sa ganda ng umaga, napansin ko rin na isa-isa nang lumilipad ang mga ibon mula sa likuran ko, kaya minabuti ko nang pumasok.

Nahagip ko naman ang librong kinuha ko sa aming aklatan. Dinampot ko ito at binuksan at nagsimulang magbasa.

I saw rays of the sun, peeking on the mountain's peak. Trees are shaking slowly, as leaves falls on the shores of the river. I'm walking along with these woes. Filling the voidness beyond fullness. Still, I am nothing.

Napakamot ako ng ulo dahil ang lalim ng mga linya ng tula, bagama’t naintindihan ko ang bawat salita pero ang kahulugan nito ay hindi ko mawari. Bumalik ako sa unang pahina nito, nais kong makita kung sino ang may akda ng tula. Pero nang sinipat ko ito ay walang nakalagay na pangalan.

Binalik ko na lamang ito kung saan ko ito kinuha kanina at napagpasiyahan kong maligo at bumababa na. Marami pa akong tanong sa aking ina. Hindi ako makapaniwala sa mga rebelasyon na nalaman ko tungkol sa aming pamilya.

“Pa’no nila natago sa akin nang gano’n katagal?” sambit ko sa sarili.

Witch in the Palace

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Paolo Cerna
this is amazing! parang nasa old pero modern magical world!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 2: The Visitors

    Nang matapos ko ang paglilinis ng katawan ay agad na akong bumaba at tinahak ang lanai kung saan kami nag-aalmusal palagi, maliwalas kasi do’n at masarap ang simoy ng hangin na pumapasok. Ilan sandali pa ay nakarating din ako sa hapag at nakita ko si Mama, nagbabasa ng libro at umiinom ng kape. Nakahanda na rin ang almusal namin. "Good morning,Ma!"masayang bati ko. Tumigin ito sa akin at ngumiti. "Umupo ka na at kumain." "Ma?" tawag pansin ko sa kanya. "Hmm?" tugon niya. “Saan galing ang pagiging mangkukulam natin, Ma?” umpisang tanong ko. "Innate by a curse, your Grandmother is the Queen of Verona, which is also the witches kingdom. Andshe also needs to marry a human but royal to remain the bloodline of royalties…at mapalaya tayo sa sumpa ng kahapon.” “Sumpa ng kahapon?” takang tanong ko. &nb

    Huling Na-update : 2021-07-15
  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 3: Secret School

    Bumalik ako sa kama nang masumpungan ko ang librong binabasa ko, parang nag-iilaw ito. Kinusot-kusot ko naman ang mga mata ko baka kasi na malikmata lang ako. Nang muli ko itong tinignan ay naging normal na, kinuha ko ito at dinala sa kama. Muli ko itong binuksan at pinagpatuloy ang pagbabasa. As the sun sets on the throne, mountains shine upon the skies. But rays are captivating every land of joy. I'm hiding beneath the shadow of the moon. Still, I am nothing but vain. *** Hindi ko man masyadong gets ang tulang ‘to pero gusto ko ang pamamaraan niya ng pagsusulat, ‘yong accent niya ang lumanay at halatang mahilig sa kalikasan ang may akda. Ilan oras ang nagdaan ay patuloy pa rin ako sa pagbabasa at hindi ko na namalayan na malapit nang gumabi. Nanlalabo na rin ang mga mata ko sa kababasa. Minabuti kong buksan ang pinto ng aking balkonahe, agad namang pumasok ang malamig na hangin. “Hmm ang

    Huling Na-update : 2021-07-15
  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 4: Ability to Control

    Naging maalingsangan ang hangin, nagpatuloy ako sa pagpasok sa aming silid. Sinalubong naman ako ni Elle, na may hawak na review paper. Niyaya niya ‘kong mag-aral muna dahil wala pa naman ‘yong Prof namin. Subalit hindi pa rin maalis sa isip ko ang anino na sumusunod sa akin. Simula nang malaman ko na, tagapagmana ako ng isang sumpa ay naging komplikado ang araw-araw na pamumuhay ko. “Oy! Liah anong iniisip mo?” puna ni Elle sa akin. “Wala, Elle.” Sagot ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung sasabihin ko sa kanya ang lihim ko. Mula pagkabata ay magkasama na kami ni Elle. At walang lihim ang makakaligtas sa mapanuri kong kaibigan. Maalon, mahaba ang buhok nito, minsan kailangan ko pang hawiin ‘yon para makita ang mukha niya. Maliban sa maganda ito, ubod din ng talino. Hindi ko rin maikakailang maraming lalaki ang nagkakagusto sa kanya. But her heart and soul belongs to my b

    Huling Na-update : 2021-07-21
  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 5: Gifts

    Lakat-takbo ang ginawa ko para tahakin ang pintuan palabas ng kusina. Ngunit nang nasa bukana na ‘ko ay nabangga na naman ako kahit wala akong makitang harang. Nang tangkang hahawakan ko na ang espasiyong nasa gitna ng pintuan ay siyang pagsulpot ni Miss Tara sa harap ko. “Wag mo nang subukang lumabas, Mahal na Prinsesa,” sambit nito habang humihingal. “A-anong nangyayari, Miss Tara?” tanong ko, pero hindi ito smagot. Inangat niya ang kanyang kaliwang kamay at parang may hinahawakan sa espasyo na nasa gitna ng pintuan, napaatras ako nang may makita akong gumalaw. Nagsalita siya sa ibang lenggwahe. Parang tubig sa lawa na hinuhulugan ng maliit na bato. Gano’n ang paggalaw nito, kasabay sa paggalaw ay ang paglabas ng kulay bahaghari. Hindi ito tumigil sa paggalaw hanggang sa kinuha ni Miss Tara ang kamay niya sa harang. Oo tama, may harang ang buong bahay. “A-ano ba talaga ang nangyayari, Miss

    Huling Na-update : 2021-07-22
  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 6: Throne

    Flowers blooms and fades, feelings are fogs lingering for a while. Leave you like a sunset on the horizon. Holdingon to the rays, yet filling you the hopes that never come. But I saw this light in the darkness. I see you. Hindi ko mabitawan ang libro na 'to.Parang nasasaktan ako para sa author na sumulat nito, parang naririnig ko siyang umiiyak. Tumingin ako sa relos na nakasabit sa pader. “Damn! Oras na pala!” bulalas ko. Tumingin muna ko sa salamin at binubusisi ko kung may mali pa sa mukha ko. “Okay, maayos na lahat.” Nakangiti kong sabi. Iniwan ako ni mama sa loob dahil gusto niya raw na makita ako pagbukas na pagbukas ng pintuan. "Mama talaga." Lumabas na ako at bababanapatungo sa bulwagan. My heart yearns for calmness,pero mabilis itong tumitibok. Huminga ako nan

    Huling Na-update : 2021-07-23
  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 7: Lusiana's Attack

    Patuloy ang kasiyahan sa bulwagan ng palasyo habang kami ni Elle ay nasa hardin pa rin. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Naging maalinsangan ang hangin at hindi ako mapakali. May na aamoy din kaming hindi maganda sa ilong. Ang mga dahon sa mga puno ay naglagasan, napatayo na rin si Elle dahil sa lakas ng hangin na parang may bagyong parating, mas lalong dumilim ang paligid. Patay sindi rin ng mga ilaw. At ang buwan ay nagkukulay dugo na. “L-liah, anoang bagayna―‘yan?”utal na tinuro ni Elle ang nakikita niya sa taas. “H-hindi ko rin alam, Elle.” Naestatwa kami sa amin kinatatayuan nang mapansin namin na ang mga dahon at mga bulaklak ay biglang nalanta na walang dahilan. Kahit na ang damo ay nawalan ng kulay. Pero ang pinagtataka ko, tanging ang gintong carnation ang natirang sariwa.

    Huling Na-update : 2021-07-25
  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 8: Hiding the Wand

    "Letsgo,Elle, kailangan nanatin makaalis." Hinila ko ang kamay niya at dinala siya sa dulo ng harang. Humakbang kami palabas sa malaking transparent bowl.Parang bubbled ito, na limilikopsabuonghardin. Pagkalabas ay nakita namin na normal anglahat. Ni hindi nila napansin na nagkakagulo na sa loob ng garden.Kahit na ang mga bantay na malapit sa hardin. Muli akong lumingon sa hardin, namangha ako kasi ang tahimik at mapayapa ito. Hindi talaga nakikita ang magulo at delikadong sitwasyonsa loob. Ilan sandaling paglalakad ay narating namin ang likod ng bulwagan. Do’n kami dumaan, tinahak namin ang mabatong daan. Pagpasok namin ay dumeretso na kami sa taas. “Liah! Naka-lock 'yong pintuan,”sigaw ni Elle. Door open! Just a thought of it ayagad na bumukas ang pintuan,parang nagug

    Huling Na-update : 2021-07-29
  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 9: Paradise

    Kinaumagahan, naramdaman kong may nakadagan sa baywang ko at parang may insektong bumubulong nang malakas sa tainga ko. Nakakairita dahil sa tunog nitong parang bubuyog. Pagmulat ko nakita ko si Elle, sarap na sarap sa pagkakahiga sa kama ko. Nakaharap siya mismo sa mukha ko. “Aish! Babaeng ‘to,” saad ko. Inangat ko ang kanyang mahabang biyas para makalaya ang katawan ko. Nakanganga ang baliw kong kaibigan at ang lakas pang humilik. Nang tumingin ako sa orasan ay nagulat ako kasi tanghali na pala. “Elle, gising! Gising!” niyugyog ko siya pero tulog mantika ito. Naisipan kong maligo muna. Excitedna akong pumasok sa secret campus. Sabi ni mama do'n daw nagtra-traning ang mga bagong witch. Nakakapanibago ang buhay ko ngayon, at kailangan kong masanay. “Augh! Aray!” bigla kong d***g. Pumasok ang bula ng sabon sa mata ko. Agad ko n

    Huling Na-update : 2021-08-02

Pinakabagong kabanata

  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 67: End

    data-p-id=9947c3f0af76c470ed98febbfcf078b8,style=text-align:left;,Kasalukuyan naglalakad sina Zek at Liah sa malaki at malawak na gubat ng Verona. Napagpasyahan nilang manatili muna sa Venora hanggang sa ipanganak ang anak nila. data-p-id=cce39fd6cdeaf50ecd31cb9bb3260011,” “Mahal, may pangalan ka na bang naiisip?” tanong ni Liah sa kaniyang kabiyak, habang namamasyal sila sa gubat, sariwa ang hangin kaya hindi nila napansin na napapalayo na sila sa kanilang teritoryo. ~~ data-p-id=1dec03f429b502669881f6472c170218,~~*~***~ -Flash back- data-p-id=3cc935aa2090d65dc573dcc81fc4454b, “Mahal na Reyna, wala na ba tayong magagawa para mabuhay si Zek?” tanong ni Tara, sa mahal na reyna na malalim ang iniisip. data-p-id=1e9bfeeeeeb0554818f75cd4fd490b6c,” “Tama, Tara!” bulalas ng reyna. “Mabubuhay ang namatay ―kapag namatay ito dahil sa salamangka o pinatay siya gamit ang salamangka. Pero dapat namatay siya sa pagsasakrapisyo para sa minamahal. Pero kapag ang tao pinatay ng D

  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 66: The Royal Death

    Chapter 66 Nanghina nang husto si Zek nang makita ang pagdanak ng dugo, na halos hindi na makita ang lupa sa sobrang pag-apaw ng pulang likido. Kaunti na rin ang nakikita niyang nakatayong sundalo niya. Nawawalan na siya ng pag-asa na mailigtas ang kaniyang kaharian. Habang si Liah ay nakikita niyang lumalapit sa kaniya. Bigla naman kumulo ang kaniyang dugo sa galit, nakita niyang tila nag-iba ang anyo ng mukha nito. Naging maamo at nakikita na niya ang dating ganda ng mga mata nito, at ang inosenteng katauhan nito. Pero hindi niya maipagkakaila ang galit at poot na nararamdaman niya para dito. Nais niya itong patayin at pugutan ng ulo. Pero tila isang hangin na nawala lahat ng galit niya nang marinig nito ang boses ng babaeng mahal niya. Ito ang tunog ng boses niya nang una niyang marinig. “E-ezekiel, M-mahal ko,” saad ng dalaga. Naantig naman ang puso ng binata. “U-umalis ka na, Mahal ko. Pakiusap, umalis ka na,” nagsusumamong wika ng dalaga. Hindi malaman ni Zek kung maniniwala s

  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 65: Ang Digmaan

    Chapter 65Habang patuloy silang naglalakbay, natanaw ng isang sundalo ni Zek na malapit na sila sa kabundukan ng Zeon, nang biglang may nakita silang mga anino sa ‘di kalayuan. Nagsenyas naman siya na tumigil sa paglalakad at sumigaw ito na humanda dahil may paparating. Agad naman na tinignan ng kasama niyang pantas kung ano o sino ang sumasalubong sa kanila. Gano’n na lang ang kaniyang gulat nang napagtanto niya na aswang ang mga ito. Agad na sumigaw ang pantas na ihanda ang mga pana.Kumuha naman ng teleskopyo si Zek para tignan ang nasa unahan. Gano’n na lamang ang kaniyang gulat nang makita ang mga nilalang kasama ang iba’t-ibang mangkukulam at mas lalong siyang nagulat nang makita ang isang pamilyar na babae, ito ang nangunguna sa lahat. Ito ang nag-uutos sa mga kasama na sumugod sa kanilang gawi. Nanlulumo naman niyang binitawan ang gamit niya, hindi niya alam ang gagawin kung kakalabanin niya ba ang babaeng mahal na mahal niya o haharapin ng buong tapang. Pero mas umaapaw ang

  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 64: The Bluff

    Chapter 64Hinanap ni Zek ang dalaga sa buong paligid pero ni anino ni Liah ay hindi niya nakita. Napa-isip siya tuloy kung panaginip lang ba ang nangyari kahapon? Sa sobrang lungkot, dismaya, pagod, pag-aalala at sobrang pangungulila niya sa dalaga ay naisip niyang ilusyon lang ba ang lahat? Napahilamos siya ng kaniyang mukha sa sobrang pagkabalisa. Gano’n pa man ay patuloy pa rin ang paghahanap niya sa buong palasyo. Kung sino-sino na ang kaniyang tinanong pero ni isa ay walang nakakita sa dalaga. Halos mabaliw na siya sa paghahanap.“Siguro ay ilusyon lang lahat ang nangyari,” aniya sa kaniyang sarili. Hindi na niya pinilit pa na makita ang dalaga, kailangan na nilang lumikas bago sumalakay muli ang mga masasamang nilalang. Bilang susunod na hari ay kailangan niyang patatagin ang sarili at malampasan ang lahat ng pagsubok. Tungkulin niyang pangalagaan ang mga tao.~**~

  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 63: Kingdom of Ananiah

    Chapter 63 “Huminahon ka, Atlas. May mga bisita tayo,” awat ng babae sa kaniyang asawa. Natauhan naman ang Alpha at agad na kumalma. Huminga ito nang malamin at kinuyom na lamang mga kamao. Napalunok naman ng laway si Tara, dahil pakiramdam niya ay siya ang may dahilan bakit nalaman ng pinuno ang nangyari sa anak nito. “Pumasok na muna sa iyong silid, Cyenthia,” ani ng ina nito. “Opo, Ina.” Agad siyang humakbang nang nakayuko at tumalikod, bakas ang sakit at hiya sa kaniyang buong mukha. “Humihingi po ako ng kapatawaran sa aking kalapastangan, Mahal na Pinuno,” ani naman ni Tara na hindi mapigilan ang kaba, nakayuko itong humihingi ng tawad sa mag-asawa. “Hindi mo kasalanan ang nangyari, Pantas. Sapagkat ay ikaw ang naging daan para malaman namin ang kaniyang kondisyon, hindi man lang namin na amoy na nagdadalang-tao pala siya

  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 62: Impostor

    Verona Nasa bukana na sila ng teritoryo ng mga De Arcon, ngunit hindipa rinmapigilan ni Airah ang kabahan. Hinihintay nilang bumalik si Tara, ilan sandali pa ay humihingal na bumalik ang pantas,na pinagtaka ng dalawa, pawis na pawis ito at balisang-balisa. “Tara? Anong nangyayari sa iyo? Bakit ka pawis at nababalisa?” “Hindi ko nakita si Liah, Kamahalan. Pero sa tingin ko may hindi tama sa mga nangyayari.” “Anong ibig mong sabihin, Tamara?” alalang tanong ni Airah. “Sa ngayon hindi ko pa masasagot pero may hinala akong may gumagamit sa katawan ng prinsesa.” “Ano?!” bulalas ng dalawa. “Kailangan na natin humungi ng tulong sa mga De Arcon, dahil hindi ako maaring magkamali, may digmaan na darating.”

  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 61: Pain

    Napaluha si Zek nang makita niyang nawalan ng malay ang kaniyang kapatid at duguan ang kanan palad nito. Parang dinurong ang kaniyang puso sa kaniyang nakikita. Hindi rin mapigilan ang pagtawa ng bruha dahil sa nakikitang niyang sakit mula sa kapatid ng dalaga. Tila nagbibigay ito ng lakas sa kaniya. “Pakawalan mo ang kapatid ko! Magbabayad ka!” galit na sigaw ni Zek. Pero hindi man lang siya pinansin ng bruha. Samantala naghahanap ng tyempo si Uno para makulong ang bruha sa ginawa niyang bitag. Kailangan mapigilan ang pagsasagawa ng ritwal dahil kung hindi ay maapektuhan ang daloy ng panahon. Maaaring masira ang kaharian nila. Hinalo ng bruha ang dugo ni Ezra sa kaniyang dugo. Ilan sandali pa ay tumingin ang bruha sa kinaruruunan ni Zek, ngumiti ito nang nakakaloko na parang may binabalak itong gawin sa binata. Pero dahil nasa loob siya ng apoy ay hindi ito makalapit nang tuluyan. Muli itong nagsalita sa ibang lenggwahe a

  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 60: The First Ritual

    Chapter 60 Nanginginig na ang mga kalamnan ni Erza sa sobrang kaba. Hindi na niya rin alam ang gagawin, nakikita na rin niya ang takot sa mukha ng kaniyang mga kasama. Pilit niyang pinatatag ang kaniyang sarili at hinahanap ang pag-asang matagpuan sila ng kaniyang kuya. Dahil nauubusan na siya ng panalangin. “Kuya, nasaan ka na?” mahinang bulong niya. Umaasang biglang dumating ang kuya niya. Muntik na siyang mapatalon nang maramdaman ang init na gumapang sa kaniyang kamay. Nang napalingon siya ay nakita niya si Marcus na nasa tabi na niya, at hawak ang kaniyang kamay. Napalunok siya ng laway at naramdaman niya ang pag-init ng kaniyang mga pisngi. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba, isang kuryenteng dumaloy mula sa kaniyang tiyan papunta sa kaniyang dibdib. Biglang nag-iba ang paningin niya sa lalaki. “A-ayos ka lang ba?” utal na tanong ni Marcus. “O-oo. Salamat,” Tila tumigil ang oras at hindi na nila namalayan na tuluyan nang nakalapit ang bruha sa kanila. At isang sigaw ang nari

  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 59: The Fall

    Naging mahirap para kay Lusiana na matalo ang pantas. Nahihirapan siyang makatakas sa mahika nito. Pero kailangan niyang makatakas sa pantas ng mga Serano, at mahabol ang mga maharlika. Kaya binuhos na niya ang buo niyang lakas. Isang malaking apoy na bola ang kaniyang ginawa, kaniya itong ihinagis sa pantas. Nakaiwas ito pero natamaan ang kaniyang kaliwang braso. Natumba ito at sa lakas ng kaniyang pagkatumba at nawalan ito ng malay. At iyon ang nakitang pagkakataon ni Lusiana para makatakas. Naamoy niya ang amoy ng mga maharlika. Nang biglang may tumawag kaniya. Tinatawag siya ng kaniyang asawa sa pamamagitan ng isip. Nanghihingi ito ng tulong. Pero dahil kailangan niyang makuha ang mga bihag ay inuna niyang hanapin ang mga ito, hindi na niya pinansin ang sigaw ng kaniyang asawa. Sa kabilang banda naman ay narinig niya ang mga yapak ng mga bata. Malapit sa gu

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status