Kapit sa patalim, yan ang tamang term sa ginawa ni Bridgette kay Philip. Pinikot niya ito at ipinaako ang batang sinapupunan niya kahit alam niyang maling-mali. But Philip find out the truth and got angry, so he filed a divorce. Paano na ang anak niya? Sino ang kikilalanin nitong ama? Paano kung isang araw ang mag-krus ulit ang landas nila ng totoong Ama ng anak niya, ipapaalam kaya niya na nagbunga ang isang gabing namagitan sa kanila? Or ipapaaako na naman ang anak niya sa iba? Enjoy reading!^_^
View MoreEPILOGUENAKANGITING nakatingin si Bridgette sa naglalarong sina Axel at Zion. A year had passed at napakaraming nangyari.Napangiti siya at tyaka napatingala sa kalangitan. They were on a picnic. Nakita niya ang saya ni Zion habang nakikipaglaro kay Axel.They got married a year ago, at dumating mula US ang kaniyang kapatid kasama si Lyndon.Napatawad niya na ito sa nagawa nito. Masaya na ang mga ito ngayon and they have a baby girl now. It was named after her, Trishette Bridge Morgan. 
XXIXNAHIHILO na si Bridgette ng tumayo siya mula sa stool. Napadami ang kaniyang nainom dahil sa sama ng loob.Susuray-suray siyang naglakad paalis sa bulwagan.Nanlalabo ang mga mata niya sa sobrang pagkahilo at halos matumba na siya.Pinilit niyang maglakad at makaalis doon. Mas lalo siyang nahihilo sa mga ilaw na umaandap-andap at sa ingay ng musika.Hindi niya natimbang ang sarili at natisod siya. Walang lakas ang katawan niya upang pigilin ang sarili sa pagkakatumba kaya inihanda niya na lamang ang sariling matumba at mapasubsob sa sahig.Ngunit makalipas ang ilan pang sandali ay hindi niya nahintay na masubsob siya dahil may mga bisig na sumalo sa kaniya.A familiar scent filled her nose. Naipikit niya
XXVIIIISANG malaki at engrandeng mansiyon ang tinigilan ng sasakyan ni Jake.Nailibot ni Bridgette ang kaniyang paningin sa paligid. Maraming ilaw, maraming bisita na nasisiguro niyang mga malalaki at mga kilalang negosyante ang inimbitahan ng mga ito.Nagpakawala siya ng isang buntung-hininga. Nakaramdam siya ng kaba sa dibdib niya.Kaya niya na nga kayang humarap sa mga ito? Paano kung ipagtabuyan siya ng mga ito at ipahiya?Nahila siya ng kaniyang pag-iisip dahil sa paghawak ni Jake ng kamay niya. Marahan niya itong pinisil like telling her that everything will be fine.
XXVIIHINDI nagpapigil si Jake sa gusto nito, hindi siya lumabas pagkatapos ng pag-uusap nila kanina at heto ngayon nakatitig siya sa isang kahon na ipinasok ni Manang Fe sa kwarto niya.Hindi niya man buksan iyon ay alam niya na kung ano ang nasa loob non, damit. Mamahaling damit na isusuot niya sa anniversary ni Philip at Alliyah.Nagpakawala siya ng isang buntung-hininga.Handa na ba siyang harapin ang mga ito pagkatapos ng ilang taon?Nahihiya siya sa nagawa niya. Binuksan niya ang kahon at tulad nga ng inaasahan niya ay damit ang laman
XXVIWALA silang imikan ng makauwi sila. Walang gustong magsalita.Agad siyang dumiretso sa kaniyang silid at itinapat ang sarili sa shower. Tila ramdam niya pa sa katawan niya ang bawat haplos ng kamay ni Jake.Hindi niya alam kung ilang beses silang nagniig, hindi na niya nabilang. Basta ang alam niya lang ay mas lalong tumindi ang nararamdaman niya para rito.Hinayaan niyang bumagsak sa kaniyang mukha ang patak ng tubig mula sa shower.Pagkatapos niyang maligo ay nagtungo siya sa silid ni Zion.
XXVAKALA ni Bridgette ay palabas na sila ng kakahuyan ngunit laking-gulat niya ng tumigil sila sa isang kubo sa gitna pa rin ng kagubatan.Malakas pa rin ang buhos ng ulan. Tila walang plano itong tumila. Agad silang bumaba mula sa kabayo at patakbong tinungo ang direksiyon ng kubo.Kumulog at kumidlat. Nang makapasok sila sa kubo ay doon niya pa lang naramdaman ang ginaw kaya niyakap niya ang sarili at umupo sa isa sa mga upuan doon.Nanginginig na siya sa lamig. Hinipan niya ang kaniyang mga palad at pinagkiskis ang mga ito upang maibsan ang kaniyang pagkaginaw.Nagulat siya ng may mag-angat ng kaniyang mukha. Nakita niya si Jake na nakatitig sa kaniya.
XXIVHINDI sumalo si Bridgette sa tanghalian. Masamang-masama ang loob niya dahil sa pang-iinsulto ni Jake sa kaniya. Kung alam lang sana nito na ni kahit minsan ay wala pang namagitan sa kanila ni Lyndon at isa pa bakit ba ganun na lang ang galit nito?Naipilig niya ang kaniyang ulo dahil sa isiping namumuo sa kaniyang isipan. Iniisip niyang posible na nagseselos ito pero sa isang banda ay napaka-imposible dahil wala itong ibang mahal kundi si Alliyah.Mag-aala una na ng hapon ng oras na iyon. Napagpasyahan niyang lumabas upang humupa ang nararamdaman niya.Nakita niya ang anak niyang nasa hardin at masayang nakikipaglaro sa apo ni Manang Fe
XXIIIILANG araw na iniwasan ni Bridgette si Jake upang hindi na maulit pa ang nangyari ng unang gabi niya sa bahay nito.Sinisiguro niyang kapag bababa siya mula sa kaniyang silid ay wala na ito at kapag naman dumadating ito ay gabi na kaya hindi na sila nagkikita pa.Ngunit ng araw na iyon ay hindi pumasok si Jake. Gusto raw nitong ipasyal si Zion sa buong nasasakupan ng lupain nito.Nakaalis na noon ang mag-ama ng bumaba siya sa kusina. Nadatnan niya si Manang Fe na naghahanda na ng pananghalian. Agad siyang lumapit dito, nginitian siya nito ng makita siya."Ano hong lulutuin ninyo manang?" Tanong niya rito at
XXIINAGISING si Bridgette dahil tila nilalamig siya. Pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay nakita niyang hinahangin ang kurtina mula sa likurang bahagi ng silid.Agad siyang tumayo at isinara ang bintana. Kaya pala giniginaw siya dahil nakalimutan niyang isara ang bintana.Anong oras na ba? Tanong niya sa kaniyang sarili at luminga-linga upang maghanap ng orasan ngunit wala siyang makita. Napatitig siya sa lamp shade sa tabi ng kama. Nakasindi ito pero hindi niya naman ito isinindi kanina bago siya natulog. May pumasok kaya sa silid niya habang natutulog siya? Nagkibit bal
"What is this?!" Nakasigaw na tanong ni Bridgette nang pumasok siya sa kwarto ng kanyang asawa. Inihagis niya ang mga papeles sa harapan ni Philip.Biglang tumiim ang bagang nito at tiningnan siya ng may galit sa mga mata."Hindi mo ba nabasa?" Kaswal na tanong nito ngunit mababakas mo sa kanyang mukha ang sobrang pagpipigil."This is ridiculous Philip! You cant do this to me!" Na-fru-frustrate na wika nito at nagpalakad-lakad sa harap niya."Why?" Tanong nito with sarcasm in his voice. "Alam ko na ang totoo at hindi na tayo dapat pang magkita dahil isa kang manloloko! You bitch!" Dinuro siya nito.She was shocked. Totally shocked. Her jaw was dropped."W-what are you talking about?" Umilap ang mga mata ni Bridgette."Playing innocent huh?" Tanong nito at may inilabas pa ulit itong papel mula sa kanyang attache case. Ibinato nito sa kanyang mukha."That is the proof. Sa gustuhin mo at sa hindi maghihiwalay tayo!" Si...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments