Hindi man ang fiance ni Katrina Sa Juan ang kanyang first love ay nagdesisyon na siyang pakasalan ito dahil pakiramdam niya ay wala ng magmamahal sa kanya kundi ito lang. Ngunit, hindi nangyari ang gusto niya dahil sa araw ng kasal ay kinidnap siya ng kanyang ex-boyfriend. Sabi ni Jeremy Rosales, ang kanyang first love gusto lang siya nitong iligtas sa kapahamakan. Ngunit, bakit pakiramdam niya ay puso na naman niya ang muling mapapahamak kapag nagkamali na naman iyong tumibok sa ex niyang nag-iwan sa kanya ng sobrang sakit.
View MoreIBIG sana ni Katrina na kumontra sa mga naririnig na pag-uusap nina Jeremy at ng kanyang Ninong Sunday pero hindi niya mahagilap ang kanyang boses. Siguro dahil sa kinakabahan siya sa kanyang mga naririnig. Ang sabi kasi ni Jeremy ay lumuwas sila at nagpunta sa Samonte Hospital kaya parang may kakaiba raw itong nararamdaman sa pagpasok nila roon. Gusto sana niyang sabihin dito na ang tanda-tanda na nito para maniwala sa multo pero hindi niya magawa. Para kasing hindi lang multo ang ibig ipahiwatig ni Jeremy. Kahit tuloy matagal niyang nakarelasyon si Flaviano, parang ngayon lang siyang nakaramdam ng takot dito. Maaaring sa mahabang panahon ay naging bulag siya para makita niya ang tunay nitong ugali gayung lahat ng kapamilya niya ay nagsasabi na hindi nito gusto si Flaviano. Hindi naman niya masasabing dahil sa pag-ibig iyon kaya mabuting nilalang ang tingin niya kay Flaviano. Tiyak niya kasi kung sino lamang ang lalaking kaya niyang ibigin. Si Jeremy lamang. Kaya, walang problema sa
MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Jeremy. Kung siya lang talaga ay hindi niya gugustuhing magpunta sila ni Katrina sa Manila -- lalo na sa Samonte Hospital. Ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksyon si Katrina sa nakaraang pag-ibig nito dahil siya na ang asawa nito at naniniwala siyang siya na ulit ang mahal ni Katrina. Talaga ba? gusto niyang itanong sa sarili dahil parang mahirap pa rin iyong paniwalaan lalo na't pakiramdam niya'y nagiging malamig sa kanya si Katrina ng nakalipas na araw. Ibig niyang isipin na dahil lang iyon sa pag-aakala nitong pinakasalan lang niya ito dahil sa hacienda. Ngunit, hindi ba noong isang araw ay sinabi na nitong in love ito sa kanya? Gusto niyang paniwalaan iyon pero bakit para ring may nagsasabi sa kanya na iba talaga ang nais tukuyin ni Katrina ng mga sandaling iyon. Bigla tuloy siyang kinabahan. Gusto ko na makipaghiwalay sa’yo, yan ang mga salitang pumapasok sa kanyang isipan pero ipinilig niya ang kanyang uli. Hindi siya naniniwala n
NANINGKIT ng husto ang mga mata niya nang tumino sa kanyang isipan ang kanyang mga nakita at narinig.Kasal na si Katrina?Buntis na ito?Gusto niyang magwala ng mga sandaling iyon pero hindi niya magawa. Parang may makapangyarihang kamay na pumipigil sa kanyang balikat na tumayo buhat sa single sofa na kanyang kinauupuan. Mas gusto rin niya kasing pagmasdan ang babaeng dahilan kung bakit siya sobrang miserable ngayon.Kung maaari nga lang ay gusto niyang lumabas sa kanyang kinaroroonan para makaharap ito at mahalikan kaya lang hindi maaari. Hindi siya maaaring makita man lamang ng kahit na sino dahil lahat ay alam na patay na siya. Maliban na lamang siyempre sa mga magulang niya na sumoporta sa desisyon niyang 'pagpapatiwakal'.Ooppss, sa mata nga pala ng buong Pilipinas, hindi nagpatiwakal si Flaviano Samonte kundi pinatay ito. Nang pumasok kasi siya sa loob ng sasakyan ay sumabog iyon matapos ang ilang minuto.Mabu
"HINDI ka na rin pala makakatakas kay Zander Montellibano," natatawang sabi ni Katrina kay Ysabelle. Kahit hindi pa naikukuwento sa kanya ni Ysabelle ang buong pangyayari ay may ideya na siyang si Zander Montellibano ang sinasabi nitong naka-one night stand nito."Wala na akong balak tumakas," wika ni Ysabelle habang nakatitig sa amang nakaratay sa hospital bed.Mahal na mahal ni Ysabelle ang ama nito kaya kahit alam niyang nagiging pasaway ang kanyang pinsan, tiyak niyang gagawin nito ang lahat para lang mapasiya ang ama nito. Kaya nga mula elementary hanggang highschool ay naging Valedictorian ito at Cum Laude naman ng magtapos ito ng Business Management. Kahit alam niyang kayang-kaya nitong maging Summa Cum Laude ay hindi nangyari dahil natuon na ang pansin nito sa larangan na alam niyang gustung-gusto nito talaga, ang pagiging equestrian. Kinuha lang naman nito talaga ang kursong iyon dahil ito ang gusto ng ama at umayon din naman si Ysabelle na kakailanganin
AGAD inikot ni Jeremy ang kanyang tingin sa paligid. Ramdam kasi niyang may mga matang nakatingin sa kanya. Tiyak niya iyon. Malakas ang pakiramdam niya sa mga taong minamanmanan ang kilos niya."Anong problema?" nagtatakang tanong sa kanya ni Katrina.Sa halip na sagutin niya ito ay hinapit niya ang katawan nito palapit sa kanyang katawan. Kung mayroon mang mga mata na nakatingin sa kanya ay sisiguraduhin niyang magagawa niyang protektahan ang kanyangmag-ina. Kailanman ay hindi niya pababayaan ang mga ito."Wala," sabi na lang niya kay Katrina saka binigyan ito ng matamis na ngiti. Hindi niya siyempre ipapaalam dito ang kanyang hinala. Ayaw niyang mag-alala ito dahil nakasisiguro siyang makakasama lang iyon sa kalagayan nito. Hanggang maaari nga lang ay gusto niyang pasayahin ang kanyang asawa."Hindi ka naman naniniwala sa multo, hindi ba?" biglang tanong sa kanya ni Katrina."What?""Baka kasi iniisip mo na n
KAHIT na sa ospital ng mga Samonte dinala ang ama ni Ysabelle ay pinalis pa rin ni Katrina sa kanyang isipan ang takot. Ewan niya kung bakit para siyang nakaramdam ng panganib ng mga sandaling iyon, bigla tuloy siyang napahamak sa kanyang tiyan. Pakiramdam niya ay kailangan niyang protektahan ang kanyang dinadala.Nang ibaling niya ang tingin kay Jeremy ay nakita niyang nakatitig din ito sa kanya. Hindi nga lang niya magawang basahin ang emosyon nito. Kahit hindi ito magsalita ay alam niyang may ideya na ito kung anong kaugnayan ng hospital na iyon kay Flaviano."Hindi ko alam na dito dadalhin si Tito. Okay lang ba kung bababa tayo?" nag-aalanganing tanong niya."Bakit naman hindi?"Kahit na medyo may kalamigan ang boses nito ay nagawa pa rin niyang ngumiti. Paano ba naman kasi, hinagilap nito ang kanyang palad saka pinisil. Pakiwari niya ay nangangako ito sa kanya na kahit na anong mangyari ay hindi siya pababayaan."Ospita
PARANG gustong mahimatay ni Ysabelle nang mga sandaling iyon. Hindi niya kasi talaga akalain na muli niyang matatagpuan ang lalaking nakatalik niya. Alright, gusto rin naman niya itong makita pero hindi sa ganitong paraan. Para siyang pinaglalaruan ng tadhana gayung siya ang nagbalak na maglaro. "Ehem..." wika ng kanyang ama na nagpalingon sa kanya. Dahil sa dadalawa na lang naman sila ng kanyang ama sa bahay na iyon. Ang kanyang ina ay piniling makipaghiwalay na sa kanyang ama matapos ang mahigit sampung taong pagsasama ng mga ito sa isang bubong. Ani ng kanyang ina, kahit anong gawin nito ay talagang hindi makakayang mahalin ang kanyang ama. Iyon ang dahilan kaya ayaw niyang magmahal. Nangangamba siyang baka sa hiwalayan lang din naman sila mauwi. Kaya nga, itinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa pangangabayo. Isa siyang equestrian. Kaya lang, kahit na sumasali siya sa mga kompetisyon ay hindi niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral. Ku
NANLAKI ang mga mata ni Katrina nang makita niya si Jeremy na nakatayo sa may pinto ng banyo, nakahalukipkip habang nakasandal sa may pintuan. Hindi niya napigilan ang mapalunok. Hindi dahil sa takot na kanyang naramdaman, kundi dahil sa matinding pagnanasa na paulit-ulit niyang nararamdaman sa kanyang asawa.Hubad baro kasi ito at nakatapis lang ng asul na tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito. Kaya naman, nasisiguro niyang wala rin itong suot na panloob. Oh, para tuloy nanuyo ang lalamunan. Pakiramdam niya kasi'y kailangang-kailangan niya ito ng mga oras na iyon. Gusto niyang maramdaman ang mahihigpit nitong yakap, ang mapupusok nitong halik at ibig niyang maramdaman ang pag-angkin nito."Anong totoo?" interesadong tanong nito."That I'm in love with you," nahagilap niyang sabihin. Kahit naman nawawala siya sa kanyang sarili dahil sa nakikita niya'y hinding-hindi pa rin niya gugustuhin na mabuking siya ni Jeremy. Hindi pa siya handang ip
ALAM man ni Katrina na isang masamang panaginip lang iyon pero ang kaba na nasa kanyang puso ay hindi mawala-wala. Pakiramdam niya talaga ay may hindi magandang mangyayari kaya ng mga sumunod na araw ay parang nawawala siya sa sarili."Huwag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano riyan," naiiritang sabi sa kanya ni Ysabelle nang tawagan niya ito. Gusto sana niya itong papuntahin pero baka masyado lang siyang nagiging OA saka hindi rin naman niya sariling bahay ito para mag-aya na lang palagi ng bisita.Kahit naman asawa siya ni Jeremy at dito rin mapupunta ang Rosales Mansion at Hacienda Rosales, hindi pa rin siya dapat laging nagyayaya ng bisita dahil pakiramdam niya ay wala siyang karapatan. Sumasagi pa rin kasi sa isip niya na kaya siya pinakasalan ni Jeremy ay dahil sa mamanahin nito."Alalahanin mo ay ang anak mo. Baka naman magmukhang monster 'yan kung wala kang ibang iniisip kundi si Flaviano.""Huwag ka ngang ganyan," gilalas ni
IKAW lang ang mamahalin ko, habambuhay. Ito ang pangakong kayang-kayang panindigan ni Katrina San Juan dahil wala namang nakakakita kung ano ang nilalaman ng kanyang puso. May mga tao naman kasing dumidepende lang sa kung ano ang sinasabi sa kanila maski kasinungalingan pa ang maibulalas sa bibig nila. At sa palagay niya'y ganito siya ngayon. Nagsasabi siya ng I love you sa isang tao, hindi dahil sa iyon ang kanyang nararamdaman kundi dahil gusto niyang mabigyan ito ng kasiyahan. Ibig niya kasing maibalik sa kanyang kasintahan ang pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya. Ewan nga lang niya kung bakit parang hindi nakikita ng mga taong nasa paligid niya ang damdamin sa kanya ni Flaviano. Second year Anniversary ng pagiging magkasintahan nila ngayon ni Flaviano pero parang wala siyang kasiyahang naramdaman dahil umabot sila ng ganoong katagal. Ni hindi nga rin bumibilis ang pintig ng kanyang puso kapag nakikita niya ito at nakakasama. Hindi tulad nu'ng… Ipinilig niya ang kanyang ulo ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments