PALPAK man ang kanyang planong paghihiganti, hindi dahilan iyon para mawalan siya ng pag-asa na makapaghiganti. Kailangan lang makaisip siya ng tamang strategy para makapaghiganti. Hindi naman kailangang agad-agad siyang lulusob. Mas maganda iyong pinagpaplanuhan munang talaga ang paghihiganti para magtagumpay.
Marahas na buntunghininga lang ang pinawalan niya sa sobrang inis dahil naisahan siya sa kanyang plano. Kahit kasi gaano kabuti ang ipakita niya sa pamilya ni Katrina ay hindi naniwala ang mga ito. May mga sandali tuloy na inisip na lang niyang hagisan ng granada ang bahay ng mga ito para makasiguro siyang maglaho na sa mundong ito si ex-General Leopoldo San Juan, pati na rin ang pamilya nito.
Kaya lang, tiyak niyang hindi magiging lubos ang kaligayahan niya kapag simpleng kamatayan lang ang sasapitin ng mga ito. Naghirap ang tunay niyang ama sa bilangguan bago pinatay at katakut-takot na hirap din ang kanyang pinagdaanan bago siya napunta sa mga Samonte kaya't gusto niya'y mas matinding paghihirap ang maranasan ng mga San Juan.
Ngunit, ngayon ay hindi na niya mapapahirapan pa si Katrina dahil tinakasan siya nito sa mismong araw ng kanilang kasal at alam niyang may kinalaman ang matinik nitong ama sa nangyari. Hindi niya basta paniniwalaan na kinidnap si Katrina dahil hanggang ngayon ay hindi pa ito lumilitaw. Mahal na mahal ito ng ama kaya kung talagang nanganganib ang buhay nito, siguradong matataranta ang mga ito ngunit nanatili lang kampante ang mga ito na para bang alam na alam kung anong nangyayari.
Saka, kasabay ng pagkawala ni Katrina ay nagsulputan na rin ang iba't ibang kaso laban sa kanya. Kahit tuloy gusto niyang hanapin si Katrina para magawa niya ang naunsiyaming plano ay hindi siya makakilos. Ngunit, hindi dahilan iyon para di niya paganahin ang utak niya upang malusutan ang lahat ng problema.
Matalino man ang mukhang matsing, nakangisi niyang sabi sa isip na ang tinutukoy ay ang kinamumuhiang ex-general. Ako pa rin ang mananalo, Flaviano samonte is the name!
KANINA pa gustong umiyak ni Katrina pero ayaw niyang magkaideya si Jeremy na alam na niya ang dahilan kung bakit siya nito pinakasalan kaya sinikap niyang umakto ng normal. Ngunit, hindi siya nito tinigilang tanungin kung saan siya galing at ilang oras siyang nawala at walang alam kung saan siya nagpunta.
Sa library lang naman siya nagpalipas ng sama ng loob pero hindi niya iyon magawang sabihin kay Jeremy. Sigurado kasi siyang kapag ibinulalas niya ang mga salitang iyon, magkakaideya rin ito na narinig niya ang pinag-usapan nito at ng lolo nito. Kapag nangyari iyon, para na rin niyang nawala ang kanyang pride.
Kung balewala rito na saktan nito ang puso niya, bakit hindi rin niya gawin dito? Para naman magkaideya ito kung gaano katinding sakit ang nararamdaman niya.
"May problema ba tayo?" tanong sa kanya ni Jeremy.
Pinigilan niyang maging emosyonal sa tanong nito. Para kasing ang galing nitong magmaang-maangan. Parang ang dali nitong kalimutan na pinaglalaruan lang nito ang kanyang damdamin kaya naisip niyang gawin na lang dito ang ginagawa nito. Bakasakaling kapag ginawa niya iyon ay makalimutan din niyang mahal niya ito.
"Wala naman akong dapat na problemahin dahil nandito ka sa tabi ko at damang-dama kong mahal mo ako," sabi niyang nakangiti. Sa ngayon ay kailangan niyang ilabas ang galing niya sa pag-arte para naman magawa niya ang plano niya.
Hindi ito kumibo pero ilang sandali siyang pinakatitigan na para bang gusto nitong basahin ang laman ng kanyang utak. Hindi niya gustong makipagtitigan dito ng mga oras iyon kaya naman umupo siya sa harap ng tv at nanood. Mas maiging itutok muna niya ang kanyang atensyon sa ibang bagay para naman mapigilan pa niya ang sarili niyang humagulgol.
At hindi niya akalain na sa panonood niya ng balita ay magkakaroon na siya ng dahilan para umiyak.
Ayon kasi sa balita, sumabog ang kinalululanang sasakyan ni Flaviano Samonte. Kung sinuman ang may kagagawan ng trahedyang iyon ay hindi niya alam. Basta natulala na lamang siya. Pakiramdam niya kasi kung natuloy ang kasal nila ni Flaviano at kasama niya ito ngayon, malamang, kasama siyang sumabog sa sasakyan nito.
Sa kaisipang iyon ay hindi na niya napigilan ang sariling umiyak. Para kasing naging dahilan iyon para makaligtas siya sa kapahamakan.
"Kat..." wika ni Jeremy saka kinuha ang remote control at in-off ang tv.
Nang matitigan niya si Jeremy ay parang gusto niyang umiyak at yumakap dito. Sa ginawa kasi nito ay nagawa siya nitong iligtas sa kapahamakan. Gayunpaman, hindi dahilan iyon para magawa niya itong patawarin. Napakaimposible naman kasing maibigay niya agad dito ang pagpapatawad. Saka, ang taong pinatatawad ay 'yung humihingi ng tawad.
Iyon ang dahilan kaya hindi niya magawang harapin at komprontahin si Jeremy Nangangamba siyang isampal lang nito sa kanya ang katotohanan na kaya lang siya nito pinakasalan ay dahil sa Hacienda Rosales. Na hindi siya ang totoong mahal nito kung hindi si Veronica. Ngayon ay malinaw na sa kanya kung bakit hindi ipinapakilala sa kanya ni Jeremy si Veronica. Natatakot itong malaman niya ang katotohanan base lang sa ekspresyon ng mga mukha nito.
Bigla na naman tuloy niyang naalala ang masayang pakikipag-usap ni Jeremy kay Veronica sa video chat ng mga ito. Damang-dama niya sa boses ng asawa ang kasabikan kapag kausap nito ang matalik na kaibigan. Sa tingin niya ang labis na pagmamahal ni Jeremy sa babaeng iyon ang dahilan kaya kahit na kapwa sila pagod sa pagtatalik ay bumabangon ito palagi ng madaling araw.
Hindi kaya ni Jeremy na palampasin ang pagkakataon na makita at makausap ang tunay nitong mahal.
“Hon, hush, tama na…” wika ni Jeremy nang yakapin siya nito.
Gusto niya itong itulak pero wala siyang lakas na gawin iyon. Mas gusto niyang maramdaman ang mainit yakap nitong kaysa marinig dito ang masakit na katotohanan. Kaya naman yumakap siya ng buong higpit sa asawa kahit na ang totoo ay gusto niya itong tanungin ng, mahal mo pa ba talaga ako?
Hindi na kita mahal! Hindi ko pala kayang mabuhay na kasama ka! Ayokong magkaanak sa’yo! Nang bumalik sa isipan niya ang mga salitang sinabi ni Jeremy sa kanya three years ago ay bigla siyang napakalas sa pagkakayakap niya rito. Ayaw na niyang paniwalaan pa ang sinabi nitong kasinungalingan lang ang mga salitang ibinulalas.
Hindi niya iyon nagawang isipin nang dumating itong muli sa kanyang buhay kahit na inagaw lang siya nito sa ibang lalaki. Tapos nagpakasal pa sila. Masyado siyang na-excite na nakuha ulit ang pag-ibig nito. Nakalimutan niya ang mga salita nito ng magkahiwalay sila. Ang dahilan kaya niya sinabi sa sarili na kung magkakaroon ulit siya ng karelasyonay sisiguraduhin niyang sa lalaking mahal na mahal siya ngunit para siyang biglang nagka-amnesia nang makita niyang muli si Jeremy. Naniwala siya ritong mahal siya kaya siya pinakasalan.
“I’m okay,” wika niya nang tangkain siya nitong yakapin ay marahan niya itong itinulak. Ayaw muna niyang magpadala sa kanyang emosyon.
“Katrina..”
“Gusto ko na magpahinga,” matamlay niyang sabi saka siya humiga at tinalikuran si Jeremy.
SIGURADO man si Katrina na mahal na mahal niya si Jeremy, nagpasya siyang bawasan na ang pagpapakita rito ng pagmamahal. Pakiramdam niya kasi’y niloloko lang niya ang kanyang sarili niya kung paniniwalaan pa niyang mahal siya talaga ni Jeremy.
Hindi pag-ibig ang dahilan kaya hinadlangan nito ang pagpapakasal niya kay Flaviano. Ginawa nito iyon dahil kung hindi ito gagawa ng para ng hindi nito makukuha ang Hacienda Rosales. Dahil doon ay bumigat ng husto ang kanyang damdamin. Masyado siyang umasa kaya ngayon ay nasasaktan siya ng husto. Kunsabagay, paano ba niya hindi gagawin iyon kung masyado nitong ginalingan ang pagpapaniwala sa kanya na mahal na mahal siya.
Well, paano ba naman kasi siya hindi maniniwala kung pinakasalan siya nito?
Napabuntunghininga lang siya sa kaisipang ang kasagruduhan ng kasal ay mababalewala dahil sa mana.
“Okay ka na ba?” tanong sa kanya ni Jeremy nang tumabi ito sa kama.
Gabi na noon kaya ang pagbabasa ang kanyang inaatupag habang hinihimas himas ang kanyang puson na parang kinukuwentuhan ang anak kung ano ba ang kanyang nababasa. Kung wala lang siyang sama ng loob na nararamdaman kay Jeremy ay ititigil na niya ang kanyang binabasa at ibabaling na dito ang kanyang atensyon pero may pagkakataon pala talagang kahit na gaano mo kamahal ang isang tao ay gugustuhin mo rin siyang balewalain kapag masyado kang nasaktan. Pakiramdam niya kasi’y masyadong nadurog ang kanyang puso.
Nope, gusto niyang sabihin dito pero hindi niya magawa. Saka, alam naman niyang walang kinalaman ang tanong nito sa pagkakatuklas niya sa dahilan ng pagpapakasal nito sa kanya. “Bakit naman hindi ako magiging okay?” matabang niyang tanong dito.
“Because of Flaviano.”
“Ang kamatayan ng ama ng ‘ipinagbubuntis’ ko,” sarkastikong sabi niya.
"Buntis ka?" mangha nitong bulalas.
"More than two months kaya hindi sa'yo," pagsisinungaling niya. Bahagya niyang sinulyapan si Jeremy kaya nakita niya ang sakit sa mga mata nito. Iningusan niya ito. Sa isip niya kasi ay magaling itong artista. Napapaniwala rin siya nito sa kasinungalingan nito kaya hindi siya dapat ma-guilty dahil baka kapag nalaman lang nito ang totoo tapos hiniwalayan na siya nito ay baka kunin lang nito sa kanya ang kanilang anak. "Siguro naman ay alam mo na kung saan ako nagpunta kanina nang mawala ako. Nagpa-check up ako dahil gusto kong kumpirmahin ang sinabi ng PT."
"Sana sinama mo ako."
"G-gusto ko muna sanang tiyakin kung ikaw ang ama ng anak ko, kaso, hindi pala."
“Gusto mo ba siyang puntahan sa burol?”
“Wala akong mukhang ihaharap sa pamilya niya. I’m sure, alam na nila ngayon na pinakasalan ko ang kidnapper ko, my ex-boyfriend. Ayoko naman maeskandalo doon. Saka, masama sa buntis ang magpunta sa burol,” dagdag katwiran pa niya. “Mas maiging ipagluksa ko na lang siya sa puso ko.”
Sumulyap siya kay Jeremy para ipakita rito ang kalungkutan na nasa kanyang mga mata ngunit ang totoo ay mas nagluluksa ang siya sa natuklasang dahilan ng pagpapakasal sa kanya ni Jeremy. Ewan din niya kung bakit kahit kahit na nabalitang sumabog ang sasakyan ni Flaviano ay parang ayaw niyang maniwalang patay na ito “Bakit gusto mo ba talagang pumunta ako sa burol ng lalaking dapat ay pakakasalan ko?”
“Of course not.”
“Akala ko ay ipinamimigay mo na ang asawa mo,” sarkastiko niyang sabi rito at gusto pa niya sanang idugtong, dahil nakuha mo na ang mana mo. Alam na kasi ng lahat ng tao sa Hacienda Rosales na buntis siya. Kahit naman kasi sinabi niya kay Nanay Adelaida noon na huwag sasabihin kay Jeremy ang tungkol sa pagpapabili niya pregnancy kit, hindi naman niya akalain na sa magaling na asawa lang niya ito maglilihim pero hindi sa buong baryo.
“Ano bang problema mo?” napipikong tanong ni Jeremy sa kanya.
Nang tingnan niya ito ay nakita niyang namumula ang mukha nito at naniningkit ang mga mata sa galit. Siya naman ay napabuntunghininga dahil alam niyang sumusobra rin ang kalamigang ipinapakita niya rito pero hindi naman niya gustong humingi dito ng dispensa na para bang siya pa talaga ang may kasalanan sa kanilang dalawa.
“Hindi pa kaya dumarating ang gatas ng kalabaw at kesong puti ko?” pag-iiba niya ng usapan. Nagbabaga pa rin kasi ang tingin nito sa kanya. At kahit na alam niyang may kasalanan din naman siya ay hindi pa rin niya maiwasan ang masaktan. Hindi kasi niya maiwasang isipin na nagagawa lang siya nitong pagpasensiyahan ng husto ay dahil sa mana nito.
Hindi nito pinansin ang kanyang tanong. “May problema ba tayo, Katrina?” napipikong tanong nito.
“Ano naman ang magiging problema natin?” matabang din niyang tanong.
“That’s why I’m asking you.”
“Ang problema ko, wala pa ang gatas ng kalabaw at kesong puti ko. Kung alam ko lang na matatagalan ang pagdating nu’n sana ako na lang ang nagpunta sa palengke at namili,” inis niyang sabi saka ito tinalikuran.
“Kumain ka na lang ng iba.”
“Ayoko,” inis niyang sabi rito saka siya nagtalukbong. Pagkatapos ay hindi na niya napigilan ang sariling umiyak nang umiyak. Kahit kasi gusto na niyang yakapin si Jeremy ay hindi niya magawa dahil labis na kumokontra ang kanyang utak. Alam niya kasing mas mahihirapan lang siya kapag naging dependent masyado rito tapos isang araw ay sasabihin din nito sa kanyang kailangan nilang maghiwalay dahil hindi naman talaga siya ang babaeng mahal nito.
AYAW sanang paniwalaan ni Jeremy ang sinasabi ni Katrina na hindi siya ang ama ng dinadala nito ngunit naisip niya, anong dahilan nito para magsinungaling sa kanya. Marahil, ayaw lang talaga nitong dayain siya kaya kahit na alam nitong masasaktan siya ay sinabi na lang nito sa kanya ang katotohanan. Tutal, simula pa lang naman ay hindi na itinago sa kanya ni Katrina na may namagitan dito at kay Flaviano Samonte.Masakit man sa kanya na may ibang nakatalik si Katrina nu'ng panahong nagkahiwalay sila, hindi naman niya ito masisi. Kung tutuusin naman kasi ay siya ang higit na may kasalanan. Iniwanan niya si Katrina at bago niya ginawa iyon ay sinaktan muna niya ito. Ipinamukha niya rito na hindi niya ito gustong maging ina ng kanyang anak.Hindi nga siya nakasisiguro kung nagawa na nga ba siyang patawarin ni Katrina sa mga salitang nasabi niya rito dahil siya, hindi pa niya nagagawang patawarin ang kanyang sarili dahil sinaktan niya ng matindi ang babaeng kany
"SO, nagsinungaling ka sa asawa mo?" "Medyo lang," nakangiwing sabi ni Katrina sa reaksyon ng pinsan. Halos sumigaw kasi ito sa loob ng guestroom dahil sinabi niya ang dahilan kung bakit niya ito pinapunta. Nilabas niya rito ang sama ng loob na nararamdaman niya. Kung wala kasi siyang mapaagsasabihan ay siguradong mas lalala pa ang galit na nararamdaman niya para kay Jeremy. "Medyo? Sinabi mong hindi siya ang ama ng anak mo tapos sasabihin mong medyo nagsisinungaling ka lang sa kanya?" highblood na tanong sa kanya ni Ysabelle. Hindi naman kasi ang tipo ni Ysabelle ang kukunsintihin ang kanyang kamalian kaya hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon ang reaksyon nito. "Ang boses mo naman," nag-aalala niyang sabi. Matalim na tingin ang binato niya rito. "Ninang ka, ha," wika niya pagkaraan. Masuyo ang kanyang boses dahil gusto niyang lambingin ang pinsan. "Kahit sino pa ang 'ama' niyang dinadala mo, ako ang magiging ninang niyan," wika nitong humina na rin ang boses. Alam niyang
BILANG lalaki, masakit talaga sa ego na akuin mo ang anak ng asawa no sa iba, pero, bakit pakiramdam niya'y walang katotohanan ang sinabi sa kanya ni Katrina?Nang una niya ulit itong angkin, pakiramdam niya'y wala naman talagang nakapasok pa dito dahil parang ang sikip pa rin nu'n na parang matagal na hindi napasukan. Pakiwari niya'y mga tatlong taon na rin. Tapos, damang-dama din naman niya ang pananabik sa kanya ni Katrina. Kaya nga lang, kung talagang hindi naman ito nagalaw ng ex nito'y bakit ipinagpipilitan sa kanya ni Katrina na anak nito kay Flaviano Samonte ang dinadala nito.Napabuntunghininga na lang siya nang maisip niyang baka naman nagsasabi ito ng totoo at in-denial lang talaga siya. Baka hanggang ngayon ay umaasa siya na hindi talaga siya napalitan ni Katrina. Saka, baka naman kaya sinasabi sa kanya ni Katrina palagi na si Flaviano ang ama ng dinadala nito ay dahil ibig lang nitong maging tapat sa kanya.Ang ipinagtataka lang niya ay
"SANA ay maging lalaki ang una kong apo sa tuhod." Nakangiting sabi ni Lolo Segundo nang puntahan siya nito sa may balcony na nasa third floor. Mula roon ay nakikita niya si Jeremy na parang seryosong-seryosong nakikipag-usap sa cellphone nito. Iniwas lang niya ang tingin dito dahil parang hindi niya nagugustuhan ang klase ng ngiting nasa labi nito. Parang masyadong matamis iyon at nakakaramdam siya ng inis. Tiyak niya kasing babae ang kausap nito dahil kung hindi, 'di na nito kailangan pang lumayo sa kanya na para bang may sikreto itong matutuklasan niya. "S-sana nga ho," sagot niya sa matandang lalaki habang hinihimas pa niya ang kanyang puso. "Sigurado hong matutuwa si Jeremy." "Lalo na ako," mariin nitong sabi. "Siyempre, may magdadala na naman ng apelyidong Rosales." Maang siyang napatingin dito. Kung magsalita kasi ito ay para bang si Jeremy lang ang apo nito samantalang marami pa itong apong lalaki. Ngumiti ito na para bang nabasa ang kanyang pagtataka. "Para sa akin kas
"IKAW din naman ang may kasalanan, eh," wika ng Lolo Segundo niya nang lumabas siya ng kuwarto. Kumunot tuloy ang noo ni Jeremy. Hindi kasi siya nakakasiguro kung siya nga ba ang sinasabihan nito pero sa kanya lang naman ito nakatingin kaya tiyak niyang siya ang kausap nito. Malalim na buntunghininga na lamang ang kanyang pinawalan. Sa palagay niya ay wala naman siya talagang maitatago sa kanyang Lolo Segundo. Ito ang nagpalaki sa kanya kaya kilalang-kilala siya nito. Isa pa, kasama nito kanina si Katrina kaya alam nito kung anong ginawa niya. "Mahalaga ba talaga sa'yo ang asawa mo?" nagdududang tanong nito. Salubong na salubong ngayon ang kilay nito at matiim na matiim na nakatitig sa kanya. "Siyempre naman po," mariin niyang sabi. "Pero, mas binigyan mo ng oras ang bestfriend mo," mariin nitong sabi sa kanya. "Lo naman..." "Kapag may asawa ka na, ang asawa mo na dapat ang priority mo. O baka naman..." "Mahal ko ho si Katrina," putol niya sa sasabihin ng kanyang lolo. Ay
IBIG magalit ni Jeremy dahil hanggang sa panaginip ni Katrina ay pinapasok ito ni Flaviano pero kailangan niyang kontrolin ang kanyang emosyon. Wala iyong magandang kahihinatnan. Tiyak pang makikita ni Katrina kung gaano siya nagseselos. Sa tingin naman niya ay mas maigi kung makikita niyang nagseselos siya para malaman ni Katrina na talagang mahal niya ito pero mas nanaig pa rin ang kanyang pride at ipinakita niyang balewala ang naging panaginip nito. Ngunit, ang totoo, hindi niya napigilan ang makaramdam ng takot. Nangangamba siya na baka isang araw ay mawala pa rin sa kanya si Katrina. Ang nag-iimbestiga kasi sa pagsabog ng sasakyan ni Flaviano Samonte ay parang hindi kumbinsido na patay na nga si Flaviano. Kaya, mas kinakabahan siya. Kahit kasal na sila ni Katrina, may posibilidad pa ring iwanan siya nito kung mas matimbang pa rin si Flaviano sa puso nito. Hindi tuloy niya napigilan ang magmura. Hindi siya papayag na mangyari iyon. Kahit pa si Flaviano ang mahal ni Katrina
'KUNG napapasaya lang kita dahil sa sex, okay lang. Walang problema kahit hindi ako ang nasa puso mo. Ang importante lang sa akin, nandito ka sa tabi ko. Hanggang sa hindi ka pa nagsasawa sa akin, hindi kita iiwanan.' Malalim na buntunghininga ang pinawalan ni Katrina habang sinasabi ang mga salitang iyon. Kaya nga lang, hindi niya maibulalas. Tama na sa kanyang sinasabi iyon sa kanyang isipan. "Anong oras na?" tanong ni Jeremy na kahit na nakapikit pa ay parang alam na alam na nakadilat siya at pinagmamasdan ito. May kaba tuloy siyang naramdaman. Alam naman siguro ni Jeremy na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya ito. Siguro naman ay hindi ito ganoon kamanhid para hindi maramdaman iyon. Kahit pa nga palagi niyang sinasabi na iba ang mahal niya. "Oras na para bumangon tayo," wika niya. Pinilit niyang pasiglahin ang kanyang boses. "Hindi ka ba napagod sa ginawa natin?" nanunudyong tanong nito. "Naka ilang rounds din tayo." Kahit na asawa na niya si Jeremy ay nag-iinit
"MAY gusto ka bang sabihin?" tanong ni Katrina nang hindi na siya nakatiis. Nakailang buntunghininga na kasi si Jeremy. "They hate me," matabang na sabi ni Jeremy. Hindi na niya kailangan pang tanungin kung sino ang sinasabi ni Jeremy, obyus namang ang mag-anak ang tinutukoy nito. Para tuloy gusto niyang yakapin si Jeremy ng mga sandaling iyon, damang-dama niya kasi ang paghihirap ng kalooban nito at sa lahat ng ayaw niya ay 'yung nasasaktan ang kanyang mahal. Mustulan itong pinagsakluban ng langit at lupa kaya kung hindi lang niya alam na isa itong special agent sa ahensiya ng kanyang Ninong Sunday, hindi siya maniniwalang may kakayahan itong humuli ng kriminal o maaaaring pumapatay pa. Para kasing ang hina-hina nito ng mga oras na iyon dahil sa bigat na nararamdaman. "Insecure lang sa'yo ang mga 'yon dahil alam niyang sa'yo ipamamana ang Hacienda Rosales," wika niya saka biglang natigilan. Napalunok tuloy siya ng kung ilang ulit. Kahit tuloy hindi siya lumingon dito'y alam niy
IBIG sana ni Katrina na kumontra sa mga naririnig na pag-uusap nina Jeremy at ng kanyang Ninong Sunday pero hindi niya mahagilap ang kanyang boses. Siguro dahil sa kinakabahan siya sa kanyang mga naririnig. Ang sabi kasi ni Jeremy ay lumuwas sila at nagpunta sa Samonte Hospital kaya parang may kakaiba raw itong nararamdaman sa pagpasok nila roon. Gusto sana niyang sabihin dito na ang tanda-tanda na nito para maniwala sa multo pero hindi niya magawa. Para kasing hindi lang multo ang ibig ipahiwatig ni Jeremy. Kahit tuloy matagal niyang nakarelasyon si Flaviano, parang ngayon lang siyang nakaramdam ng takot dito. Maaaring sa mahabang panahon ay naging bulag siya para makita niya ang tunay nitong ugali gayung lahat ng kapamilya niya ay nagsasabi na hindi nito gusto si Flaviano. Hindi naman niya masasabing dahil sa pag-ibig iyon kaya mabuting nilalang ang tingin niya kay Flaviano. Tiyak niya kasi kung sino lamang ang lalaking kaya niyang ibigin. Si Jeremy lamang. Kaya, walang problema sa
MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Jeremy. Kung siya lang talaga ay hindi niya gugustuhing magpunta sila ni Katrina sa Manila -- lalo na sa Samonte Hospital. Ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksyon si Katrina sa nakaraang pag-ibig nito dahil siya na ang asawa nito at naniniwala siyang siya na ulit ang mahal ni Katrina. Talaga ba? gusto niyang itanong sa sarili dahil parang mahirap pa rin iyong paniwalaan lalo na't pakiramdam niya'y nagiging malamig sa kanya si Katrina ng nakalipas na araw. Ibig niyang isipin na dahil lang iyon sa pag-aakala nitong pinakasalan lang niya ito dahil sa hacienda. Ngunit, hindi ba noong isang araw ay sinabi na nitong in love ito sa kanya? Gusto niyang paniwalaan iyon pero bakit para ring may nagsasabi sa kanya na iba talaga ang nais tukuyin ni Katrina ng mga sandaling iyon. Bigla tuloy siyang kinabahan. Gusto ko na makipaghiwalay sa’yo, yan ang mga salitang pumapasok sa kanyang isipan pero ipinilig niya ang kanyang uli. Hindi siya naniniwala n
NANINGKIT ng husto ang mga mata niya nang tumino sa kanyang isipan ang kanyang mga nakita at narinig.Kasal na si Katrina?Buntis na ito?Gusto niyang magwala ng mga sandaling iyon pero hindi niya magawa. Parang may makapangyarihang kamay na pumipigil sa kanyang balikat na tumayo buhat sa single sofa na kanyang kinauupuan. Mas gusto rin niya kasing pagmasdan ang babaeng dahilan kung bakit siya sobrang miserable ngayon.Kung maaari nga lang ay gusto niyang lumabas sa kanyang kinaroroonan para makaharap ito at mahalikan kaya lang hindi maaari. Hindi siya maaaring makita man lamang ng kahit na sino dahil lahat ay alam na patay na siya. Maliban na lamang siyempre sa mga magulang niya na sumoporta sa desisyon niyang 'pagpapatiwakal'.Ooppss, sa mata nga pala ng buong Pilipinas, hindi nagpatiwakal si Flaviano Samonte kundi pinatay ito. Nang pumasok kasi siya sa loob ng sasakyan ay sumabog iyon matapos ang ilang minuto.Mabu
"HINDI ka na rin pala makakatakas kay Zander Montellibano," natatawang sabi ni Katrina kay Ysabelle. Kahit hindi pa naikukuwento sa kanya ni Ysabelle ang buong pangyayari ay may ideya na siyang si Zander Montellibano ang sinasabi nitong naka-one night stand nito."Wala na akong balak tumakas," wika ni Ysabelle habang nakatitig sa amang nakaratay sa hospital bed.Mahal na mahal ni Ysabelle ang ama nito kaya kahit alam niyang nagiging pasaway ang kanyang pinsan, tiyak niyang gagawin nito ang lahat para lang mapasiya ang ama nito. Kaya nga mula elementary hanggang highschool ay naging Valedictorian ito at Cum Laude naman ng magtapos ito ng Business Management. Kahit alam niyang kayang-kaya nitong maging Summa Cum Laude ay hindi nangyari dahil natuon na ang pansin nito sa larangan na alam niyang gustung-gusto nito talaga, ang pagiging equestrian. Kinuha lang naman nito talaga ang kursong iyon dahil ito ang gusto ng ama at umayon din naman si Ysabelle na kakailanganin
AGAD inikot ni Jeremy ang kanyang tingin sa paligid. Ramdam kasi niyang may mga matang nakatingin sa kanya. Tiyak niya iyon. Malakas ang pakiramdam niya sa mga taong minamanmanan ang kilos niya."Anong problema?" nagtatakang tanong sa kanya ni Katrina.Sa halip na sagutin niya ito ay hinapit niya ang katawan nito palapit sa kanyang katawan. Kung mayroon mang mga mata na nakatingin sa kanya ay sisiguraduhin niyang magagawa niyang protektahan ang kanyangmag-ina. Kailanman ay hindi niya pababayaan ang mga ito."Wala," sabi na lang niya kay Katrina saka binigyan ito ng matamis na ngiti. Hindi niya siyempre ipapaalam dito ang kanyang hinala. Ayaw niyang mag-alala ito dahil nakasisiguro siyang makakasama lang iyon sa kalagayan nito. Hanggang maaari nga lang ay gusto niyang pasayahin ang kanyang asawa."Hindi ka naman naniniwala sa multo, hindi ba?" biglang tanong sa kanya ni Katrina."What?""Baka kasi iniisip mo na n
KAHIT na sa ospital ng mga Samonte dinala ang ama ni Ysabelle ay pinalis pa rin ni Katrina sa kanyang isipan ang takot. Ewan niya kung bakit para siyang nakaramdam ng panganib ng mga sandaling iyon, bigla tuloy siyang napahamak sa kanyang tiyan. Pakiramdam niya ay kailangan niyang protektahan ang kanyang dinadala.Nang ibaling niya ang tingin kay Jeremy ay nakita niyang nakatitig din ito sa kanya. Hindi nga lang niya magawang basahin ang emosyon nito. Kahit hindi ito magsalita ay alam niyang may ideya na ito kung anong kaugnayan ng hospital na iyon kay Flaviano."Hindi ko alam na dito dadalhin si Tito. Okay lang ba kung bababa tayo?" nag-aalanganing tanong niya."Bakit naman hindi?"Kahit na medyo may kalamigan ang boses nito ay nagawa pa rin niyang ngumiti. Paano ba naman kasi, hinagilap nito ang kanyang palad saka pinisil. Pakiwari niya ay nangangako ito sa kanya na kahit na anong mangyari ay hindi siya pababayaan."Ospita
PARANG gustong mahimatay ni Ysabelle nang mga sandaling iyon. Hindi niya kasi talaga akalain na muli niyang matatagpuan ang lalaking nakatalik niya. Alright, gusto rin naman niya itong makita pero hindi sa ganitong paraan. Para siyang pinaglalaruan ng tadhana gayung siya ang nagbalak na maglaro. "Ehem..." wika ng kanyang ama na nagpalingon sa kanya. Dahil sa dadalawa na lang naman sila ng kanyang ama sa bahay na iyon. Ang kanyang ina ay piniling makipaghiwalay na sa kanyang ama matapos ang mahigit sampung taong pagsasama ng mga ito sa isang bubong. Ani ng kanyang ina, kahit anong gawin nito ay talagang hindi makakayang mahalin ang kanyang ama. Iyon ang dahilan kaya ayaw niyang magmahal. Nangangamba siyang baka sa hiwalayan lang din naman sila mauwi. Kaya nga, itinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa pangangabayo. Isa siyang equestrian. Kaya lang, kahit na sumasali siya sa mga kompetisyon ay hindi niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral. Ku
NANLAKI ang mga mata ni Katrina nang makita niya si Jeremy na nakatayo sa may pinto ng banyo, nakahalukipkip habang nakasandal sa may pintuan. Hindi niya napigilan ang mapalunok. Hindi dahil sa takot na kanyang naramdaman, kundi dahil sa matinding pagnanasa na paulit-ulit niyang nararamdaman sa kanyang asawa.Hubad baro kasi ito at nakatapis lang ng asul na tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito. Kaya naman, nasisiguro niyang wala rin itong suot na panloob. Oh, para tuloy nanuyo ang lalamunan. Pakiramdam niya kasi'y kailangang-kailangan niya ito ng mga oras na iyon. Gusto niyang maramdaman ang mahihigpit nitong yakap, ang mapupusok nitong halik at ibig niyang maramdaman ang pag-angkin nito."Anong totoo?" interesadong tanong nito."That I'm in love with you," nahagilap niyang sabihin. Kahit naman nawawala siya sa kanyang sarili dahil sa nakikita niya'y hinding-hindi pa rin niya gugustuhin na mabuking siya ni Jeremy. Hindi pa siya handang ip
ALAM man ni Katrina na isang masamang panaginip lang iyon pero ang kaba na nasa kanyang puso ay hindi mawala-wala. Pakiramdam niya talaga ay may hindi magandang mangyayari kaya ng mga sumunod na araw ay parang nawawala siya sa sarili."Huwag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano riyan," naiiritang sabi sa kanya ni Ysabelle nang tawagan niya ito. Gusto sana niya itong papuntahin pero baka masyado lang siyang nagiging OA saka hindi rin naman niya sariling bahay ito para mag-aya na lang palagi ng bisita.Kahit naman asawa siya ni Jeremy at dito rin mapupunta ang Rosales Mansion at Hacienda Rosales, hindi pa rin siya dapat laging nagyayaya ng bisita dahil pakiramdam niya ay wala siyang karapatan. Sumasagi pa rin kasi sa isip niya na kaya siya pinakasalan ni Jeremy ay dahil sa mamanahin nito."Alalahanin mo ay ang anak mo. Baka naman magmukhang monster 'yan kung wala kang ibang iniisip kundi si Flaviano.""Huwag ka ngang ganyan," gilalas ni