Sa sitwasyon ninyo, sino ang mas matimbang, si bestfriend o si first love? Sana ay sagutin ninyo ang katanungan na ito, para naman makakuha ako ng ideya sa mga susunod ko pang nobela. Salamat po sa pagbasa sa nobelang ito. Sa totoo lang, maraming beses ko itong ni-revise para masigurong magiging maganda at makabuluhan ang takbo ng istorya. Sana po ay inyong magustuhan.
"IKAW din naman ang may kasalanan, eh," wika ng Lolo Segundo niya nang lumabas siya ng kuwarto. Kumunot tuloy ang noo ni Jeremy. Hindi kasi siya nakakasiguro kung siya nga ba ang sinasabihan nito pero sa kanya lang naman ito nakatingin kaya tiyak niyang siya ang kausap nito. Malalim na buntunghininga na lamang ang kanyang pinawalan. Sa palagay niya ay wala naman siya talagang maitatago sa kanyang Lolo Segundo. Ito ang nagpalaki sa kanya kaya kilalang-kilala siya nito. Isa pa, kasama nito kanina si Katrina kaya alam nito kung anong ginawa niya. "Mahalaga ba talaga sa'yo ang asawa mo?" nagdududang tanong nito. Salubong na salubong ngayon ang kilay nito at matiim na matiim na nakatitig sa kanya. "Siyempre naman po," mariin niyang sabi. "Pero, mas binigyan mo ng oras ang bestfriend mo," mariin nitong sabi sa kanya. "Lo naman..." "Kapag may asawa ka na, ang asawa mo na dapat ang priority mo. O baka naman..." "Mahal ko ho si Katrina," putol niya sa sasabihin ng kanyang lolo. Ay
IBIG magalit ni Jeremy dahil hanggang sa panaginip ni Katrina ay pinapasok ito ni Flaviano pero kailangan niyang kontrolin ang kanyang emosyon. Wala iyong magandang kahihinatnan. Tiyak pang makikita ni Katrina kung gaano siya nagseselos. Sa tingin naman niya ay mas maigi kung makikita niyang nagseselos siya para malaman ni Katrina na talagang mahal niya ito pero mas nanaig pa rin ang kanyang pride at ipinakita niyang balewala ang naging panaginip nito. Ngunit, ang totoo, hindi niya napigilan ang makaramdam ng takot. Nangangamba siya na baka isang araw ay mawala pa rin sa kanya si Katrina. Ang nag-iimbestiga kasi sa pagsabog ng sasakyan ni Flaviano Samonte ay parang hindi kumbinsido na patay na nga si Flaviano. Kaya, mas kinakabahan siya. Kahit kasal na sila ni Katrina, may posibilidad pa ring iwanan siya nito kung mas matimbang pa rin si Flaviano sa puso nito. Hindi tuloy niya napigilan ang magmura. Hindi siya papayag na mangyari iyon. Kahit pa si Flaviano ang mahal ni Katrina
'KUNG napapasaya lang kita dahil sa sex, okay lang. Walang problema kahit hindi ako ang nasa puso mo. Ang importante lang sa akin, nandito ka sa tabi ko. Hanggang sa hindi ka pa nagsasawa sa akin, hindi kita iiwanan.' Malalim na buntunghininga ang pinawalan ni Katrina habang sinasabi ang mga salitang iyon. Kaya nga lang, hindi niya maibulalas. Tama na sa kanyang sinasabi iyon sa kanyang isipan. "Anong oras na?" tanong ni Jeremy na kahit na nakapikit pa ay parang alam na alam na nakadilat siya at pinagmamasdan ito. May kaba tuloy siyang naramdaman. Alam naman siguro ni Jeremy na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya ito. Siguro naman ay hindi ito ganoon kamanhid para hindi maramdaman iyon. Kahit pa nga palagi niyang sinasabi na iba ang mahal niya. "Oras na para bumangon tayo," wika niya. Pinilit niyang pasiglahin ang kanyang boses. "Hindi ka ba napagod sa ginawa natin?" nanunudyong tanong nito. "Naka ilang rounds din tayo." Kahit na asawa na niya si Jeremy ay nag-iinit
"MAY gusto ka bang sabihin?" tanong ni Katrina nang hindi na siya nakatiis. Nakailang buntunghininga na kasi si Jeremy. "They hate me," matabang na sabi ni Jeremy. Hindi na niya kailangan pang tanungin kung sino ang sinasabi ni Jeremy, obyus namang ang mag-anak ang tinutukoy nito. Para tuloy gusto niyang yakapin si Jeremy ng mga sandaling iyon, damang-dama niya kasi ang paghihirap ng kalooban nito at sa lahat ng ayaw niya ay 'yung nasasaktan ang kanyang mahal. Mustulan itong pinagsakluban ng langit at lupa kaya kung hindi lang niya alam na isa itong special agent sa ahensiya ng kanyang Ninong Sunday, hindi siya maniniwalang may kakayahan itong humuli ng kriminal o maaaaring pumapatay pa. Para kasing ang hina-hina nito ng mga oras na iyon dahil sa bigat na nararamdaman. "Insecure lang sa'yo ang mga 'yon dahil alam niyang sa'yo ipamamana ang Hacienda Rosales," wika niya saka biglang natigilan. Napalunok tuloy siya ng kung ilang ulit. Kahit tuloy hindi siya lumingon dito'y alam niy
SA halip na yayaing umuwi si Jeremy, inaya muna ito ni Katrina na mamasyal. Nakasisiguro naman siyang iyon ang gustong gawin nito. Hindi kasi siya nakasisigurado kung nakaalis na ang mga kamag-anak nito o naroroon pa rin. "Masyado ka namang tahimik diyan," wika niya nang dalhin siya ni Jeremy sa paborito raw nitong lugar na kung tawagin daw ay 'burol'. Para naman kasing burol ang lupang kinalalagyan nila tapos may punong mangga sa tuktok nito. Nakasandal si Jeremy sa may puno habang siya naman ay nakahilig sa dibdib nito. Dinig niya ang bawat pintig ng puso ni Jeremy pero hindi naman niya dinig kung anong pangalan ba ang tinitibok ng puso nito. Napabuntunghinnga siya dahil hindi niya napigilang tanungin ang kanyang sarili kung talaga nga bang siya ang laman noon. Nang una ay gusto na niyang maniwala na mahal siya ni Jeremy pero nagduda siya nang malaman niya ang tungkol sa testamento ni Lolo Segundo. Paano kung ang ‘pagmamahal’ sa kanya ni Jeremy ay may expiration date? "May inaa
I'M sorry," sa mga katagang iyon ni Jeremy, dapat ay gumaan na ang kanyang kalooban pero bigla lang bumigat ang kanyang kalooban. Para kasing inamin lang nito ang kanyang hinala. Kahit mabigat ang kanyang kalooban, sinabi niyang, "It's okay. At least, nagawa ko ng sabihin sa'yo na alam ko na. Hindi mo na kailangan pang magkunwari, naiintindihan ko na naman. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang anak ko. Kung makukuha mo na ang mana mo at gusto mo na makipaghiwalay, okay lang." Okay lang? Manghang tanong niya sa sarili dahil nagawa niyang ibulalas ang mga salitang iyon na para bang okay lang ang lahat pero ang totoo, sobra-sobra siyang nasasaktan. Pakiwari nga niya ay pinipiga ang kanyang puso. Naalala na naman tuloy niya ang kanya ni Michael V. Tiyak niya kasing kung mawawala na naman sa buhay niya si Jeremy ay ibayong sakit na naman ang kanyang mararamdaman. Hindi nga niya tiyak kung kakayanin ba niya iyon. "Wala akong balak na makipaghiwalay." Kahit may tuwa siyang naramdam
GUSTO sana ni Katrina na huwag gaanong pansinin ang presensiya ni Jeremy para hindi nito mahalata ang kanyang tunay na damdamin. Talaga kasing kahit anong gawin niya ay hindi niya mapigilang magselos sa bestfriend nitong si Veronica. Siguro naman kahit sinong nagmamahal ay maiintindihan ang kanyang nararamdaman. Hindi pa man niya nakikilala ng personal si Veronica ay alam na niyang napakaimportante nito sa buhay ni Jeremy. Pakiramdam tuloy niya'y nilalapirot ang kanyang puso. Bata pa lang sina Jeremy at Veronica ay magkasama na. Marami ngang nakakakilala sa mga ito na umaasa na silang dalawa ang magkakatuluyan. Ngunit, hindi ganoon ang nangyari. Gusto niyang isipin na dahil iyon sa pagmamahal sa kanya ni Jeremy kaya lang kapag ganoon ang sinabi niya ng paulit-ulit, wala siyang ibang lolokohin kundi ang sarili lang niya. Samantalang sila ni Jeremy ay sandali pa lang ulit nagkikita. Kahit dalawang taon din silang naging mag-on, mas matagal pa rin ang kanilang paghihiwalay. Kasal na
AYAW naman sanang iwan ni Jeremy si Katrina pero kailangan niyang sundin ang sinasabi ng kanyang Chief. Kailangan siya nito sa ahensya at hindi niya ito kayang tanggihan. Ngunit, hindi ibig sabihin nu'n ay hindi niya magagawang ipakita ang inis dito. Inis nga niyang ibinagsak ang kanyang sarili sa sofa na nasa opisina nito. Ayaw niyang umupo sa silyang nasa harapan nito dahil gusto rin naman niyang maging kumportable. "Mukhang masama na ang loob mong binibigyan kita ng misyon, samantalang dati'y lahat ng delikadong trabaho ay kinukuha mo," wari'y hindi makapaniwalang sabi ni Chief Domingo Mercado. Gayunman, hindi nito magawang burahin ang ngisi. Para ngang tinutudyo pa siya nito kaya panay ang kindat nito sa kanya. "May asawa na ako ngayon," inis niyang sabi. Nais nga sana niyang mag-resign na dahil gusto niyang ituon na sa kanyang pamilya ang atensyon pero kailangan din niyang tapusin ang kanyang misyon tungkol sa mga Samonte. Marahang tawa ang pinawalan ni Chief Domingo na para
IBIG sana ni Katrina na kumontra sa mga naririnig na pag-uusap nina Jeremy at ng kanyang Ninong Sunday pero hindi niya mahagilap ang kanyang boses. Siguro dahil sa kinakabahan siya sa kanyang mga naririnig. Ang sabi kasi ni Jeremy ay lumuwas sila at nagpunta sa Samonte Hospital kaya parang may kakaiba raw itong nararamdaman sa pagpasok nila roon. Gusto sana niyang sabihin dito na ang tanda-tanda na nito para maniwala sa multo pero hindi niya magawa. Para kasing hindi lang multo ang ibig ipahiwatig ni Jeremy. Kahit tuloy matagal niyang nakarelasyon si Flaviano, parang ngayon lang siyang nakaramdam ng takot dito. Maaaring sa mahabang panahon ay naging bulag siya para makita niya ang tunay nitong ugali gayung lahat ng kapamilya niya ay nagsasabi na hindi nito gusto si Flaviano. Hindi naman niya masasabing dahil sa pag-ibig iyon kaya mabuting nilalang ang tingin niya kay Flaviano. Tiyak niya kasi kung sino lamang ang lalaking kaya niyang ibigin. Si Jeremy lamang. Kaya, walang problema sa
MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Jeremy. Kung siya lang talaga ay hindi niya gugustuhing magpunta sila ni Katrina sa Manila -- lalo na sa Samonte Hospital. Ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksyon si Katrina sa nakaraang pag-ibig nito dahil siya na ang asawa nito at naniniwala siyang siya na ulit ang mahal ni Katrina. Talaga ba? gusto niyang itanong sa sarili dahil parang mahirap pa rin iyong paniwalaan lalo na't pakiramdam niya'y nagiging malamig sa kanya si Katrina ng nakalipas na araw. Ibig niyang isipin na dahil lang iyon sa pag-aakala nitong pinakasalan lang niya ito dahil sa hacienda. Ngunit, hindi ba noong isang araw ay sinabi na nitong in love ito sa kanya? Gusto niyang paniwalaan iyon pero bakit para ring may nagsasabi sa kanya na iba talaga ang nais tukuyin ni Katrina ng mga sandaling iyon. Bigla tuloy siyang kinabahan. Gusto ko na makipaghiwalay sa’yo, yan ang mga salitang pumapasok sa kanyang isipan pero ipinilig niya ang kanyang uli. Hindi siya naniniwala n
NANINGKIT ng husto ang mga mata niya nang tumino sa kanyang isipan ang kanyang mga nakita at narinig.Kasal na si Katrina?Buntis na ito?Gusto niyang magwala ng mga sandaling iyon pero hindi niya magawa. Parang may makapangyarihang kamay na pumipigil sa kanyang balikat na tumayo buhat sa single sofa na kanyang kinauupuan. Mas gusto rin niya kasing pagmasdan ang babaeng dahilan kung bakit siya sobrang miserable ngayon.Kung maaari nga lang ay gusto niyang lumabas sa kanyang kinaroroonan para makaharap ito at mahalikan kaya lang hindi maaari. Hindi siya maaaring makita man lamang ng kahit na sino dahil lahat ay alam na patay na siya. Maliban na lamang siyempre sa mga magulang niya na sumoporta sa desisyon niyang 'pagpapatiwakal'.Ooppss, sa mata nga pala ng buong Pilipinas, hindi nagpatiwakal si Flaviano Samonte kundi pinatay ito. Nang pumasok kasi siya sa loob ng sasakyan ay sumabog iyon matapos ang ilang minuto.Mabu
"HINDI ka na rin pala makakatakas kay Zander Montellibano," natatawang sabi ni Katrina kay Ysabelle. Kahit hindi pa naikukuwento sa kanya ni Ysabelle ang buong pangyayari ay may ideya na siyang si Zander Montellibano ang sinasabi nitong naka-one night stand nito."Wala na akong balak tumakas," wika ni Ysabelle habang nakatitig sa amang nakaratay sa hospital bed.Mahal na mahal ni Ysabelle ang ama nito kaya kahit alam niyang nagiging pasaway ang kanyang pinsan, tiyak niyang gagawin nito ang lahat para lang mapasiya ang ama nito. Kaya nga mula elementary hanggang highschool ay naging Valedictorian ito at Cum Laude naman ng magtapos ito ng Business Management. Kahit alam niyang kayang-kaya nitong maging Summa Cum Laude ay hindi nangyari dahil natuon na ang pansin nito sa larangan na alam niyang gustung-gusto nito talaga, ang pagiging equestrian. Kinuha lang naman nito talaga ang kursong iyon dahil ito ang gusto ng ama at umayon din naman si Ysabelle na kakailanganin
AGAD inikot ni Jeremy ang kanyang tingin sa paligid. Ramdam kasi niyang may mga matang nakatingin sa kanya. Tiyak niya iyon. Malakas ang pakiramdam niya sa mga taong minamanmanan ang kilos niya."Anong problema?" nagtatakang tanong sa kanya ni Katrina.Sa halip na sagutin niya ito ay hinapit niya ang katawan nito palapit sa kanyang katawan. Kung mayroon mang mga mata na nakatingin sa kanya ay sisiguraduhin niyang magagawa niyang protektahan ang kanyangmag-ina. Kailanman ay hindi niya pababayaan ang mga ito."Wala," sabi na lang niya kay Katrina saka binigyan ito ng matamis na ngiti. Hindi niya siyempre ipapaalam dito ang kanyang hinala. Ayaw niyang mag-alala ito dahil nakasisiguro siyang makakasama lang iyon sa kalagayan nito. Hanggang maaari nga lang ay gusto niyang pasayahin ang kanyang asawa."Hindi ka naman naniniwala sa multo, hindi ba?" biglang tanong sa kanya ni Katrina."What?""Baka kasi iniisip mo na n
KAHIT na sa ospital ng mga Samonte dinala ang ama ni Ysabelle ay pinalis pa rin ni Katrina sa kanyang isipan ang takot. Ewan niya kung bakit para siyang nakaramdam ng panganib ng mga sandaling iyon, bigla tuloy siyang napahamak sa kanyang tiyan. Pakiramdam niya ay kailangan niyang protektahan ang kanyang dinadala.Nang ibaling niya ang tingin kay Jeremy ay nakita niyang nakatitig din ito sa kanya. Hindi nga lang niya magawang basahin ang emosyon nito. Kahit hindi ito magsalita ay alam niyang may ideya na ito kung anong kaugnayan ng hospital na iyon kay Flaviano."Hindi ko alam na dito dadalhin si Tito. Okay lang ba kung bababa tayo?" nag-aalanganing tanong niya."Bakit naman hindi?"Kahit na medyo may kalamigan ang boses nito ay nagawa pa rin niyang ngumiti. Paano ba naman kasi, hinagilap nito ang kanyang palad saka pinisil. Pakiwari niya ay nangangako ito sa kanya na kahit na anong mangyari ay hindi siya pababayaan."Ospita
PARANG gustong mahimatay ni Ysabelle nang mga sandaling iyon. Hindi niya kasi talaga akalain na muli niyang matatagpuan ang lalaking nakatalik niya. Alright, gusto rin naman niya itong makita pero hindi sa ganitong paraan. Para siyang pinaglalaruan ng tadhana gayung siya ang nagbalak na maglaro. "Ehem..." wika ng kanyang ama na nagpalingon sa kanya. Dahil sa dadalawa na lang naman sila ng kanyang ama sa bahay na iyon. Ang kanyang ina ay piniling makipaghiwalay na sa kanyang ama matapos ang mahigit sampung taong pagsasama ng mga ito sa isang bubong. Ani ng kanyang ina, kahit anong gawin nito ay talagang hindi makakayang mahalin ang kanyang ama. Iyon ang dahilan kaya ayaw niyang magmahal. Nangangamba siyang baka sa hiwalayan lang din naman sila mauwi. Kaya nga, itinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa pangangabayo. Isa siyang equestrian. Kaya lang, kahit na sumasali siya sa mga kompetisyon ay hindi niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral. Ku
NANLAKI ang mga mata ni Katrina nang makita niya si Jeremy na nakatayo sa may pinto ng banyo, nakahalukipkip habang nakasandal sa may pintuan. Hindi niya napigilan ang mapalunok. Hindi dahil sa takot na kanyang naramdaman, kundi dahil sa matinding pagnanasa na paulit-ulit niyang nararamdaman sa kanyang asawa.Hubad baro kasi ito at nakatapis lang ng asul na tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito. Kaya naman, nasisiguro niyang wala rin itong suot na panloob. Oh, para tuloy nanuyo ang lalamunan. Pakiramdam niya kasi'y kailangang-kailangan niya ito ng mga oras na iyon. Gusto niyang maramdaman ang mahihigpit nitong yakap, ang mapupusok nitong halik at ibig niyang maramdaman ang pag-angkin nito."Anong totoo?" interesadong tanong nito."That I'm in love with you," nahagilap niyang sabihin. Kahit naman nawawala siya sa kanyang sarili dahil sa nakikita niya'y hinding-hindi pa rin niya gugustuhin na mabuking siya ni Jeremy. Hindi pa siya handang ip
ALAM man ni Katrina na isang masamang panaginip lang iyon pero ang kaba na nasa kanyang puso ay hindi mawala-wala. Pakiramdam niya talaga ay may hindi magandang mangyayari kaya ng mga sumunod na araw ay parang nawawala siya sa sarili."Huwag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano riyan," naiiritang sabi sa kanya ni Ysabelle nang tawagan niya ito. Gusto sana niya itong papuntahin pero baka masyado lang siyang nagiging OA saka hindi rin naman niya sariling bahay ito para mag-aya na lang palagi ng bisita.Kahit naman asawa siya ni Jeremy at dito rin mapupunta ang Rosales Mansion at Hacienda Rosales, hindi pa rin siya dapat laging nagyayaya ng bisita dahil pakiramdam niya ay wala siyang karapatan. Sumasagi pa rin kasi sa isip niya na kaya siya pinakasalan ni Jeremy ay dahil sa mamanahin nito."Alalahanin mo ay ang anak mo. Baka naman magmukhang monster 'yan kung wala kang ibang iniisip kundi si Flaviano.""Huwag ka ngang ganyan," gilalas ni