Home / Romance / Agent Ex-Lover / Chapter Eight

Share

Chapter Eight

last update Last Updated: 2021-06-13 16:06:39

"OH, my God!" hindi makapaniwalang bulalas ni Katrina nang pumasok na ang sasakyan nila sa Hacienda Rosales. 

Kahit naman kasi alam niyang ipinaghanda na naman si ni Lolo Segundo ay nakagugulat pa ring makita niya na parang mayroong fiesta dahil sa dami ng handa na nasa bakuran ng mga Rosales at marami ring bisita na naroroon na alam niyang karamihan ay mga tauhan ng hacienda base sa suot ng mga ito. 

"Ganyan ka-OA maghanda sa akin ang Lolo Segundo kaya marami akong pinsan na nagagalit sa akin. Dama kasi nilang ako ang paborito ng lolo kahit na nga hindi ako gaano tumutulong dito sa hacienda."

"Dapat nga kasi talaga itong hacienda na lang ang pagtuunan mo ng pansin," hindi niya napigilang sabihin. 

Kahit na nakaparada na sila ay hindi pa rin nila nagawang bumaba. Hindi pa rin naman kasi pinapatay ni Jeremy ang sasakyan saka alam niyang hindi siya nito hahayaang bumaba mag-isa. Mas gusto nitong alalayan siya sa kanyang pagbaba. Siyempre, hindi naman niya tinututulan iyon dahil talaga namang gusto niyang masarap sa feeling iyong may nag-aalala sa'yo. 

"Iyon ba ang gusto mo?"

"Bakit ako ang tinatanong mo?"

"Asawa kita."

"Hindi naman porke asawa mo ako kokontrolin na kita. Ikaw pa rin ang dapat na magdesisyon kung ano ba talaga ang gusto mo sa buhay. Sana lang din ikonsidera mong isipin na may ibang tao na nag-aalala sa'yo."

"At nag-aalala ka sa akin?" 

Kahit na nasa boses nito ang panunudyo, sinagot niya ito. "Siyempre naman. Alam ko naman kasing delikado rin ang trabaho mo. Parang palaging nasa hukay ang mga paa at ayoko rin namang mabiyuda ng maaga."

Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "Thank you."

Ngumiti siya. Alam niyang sa sinabi nito ay hindi pa rin nito iiwanan ang The Dragons at wala naman siyang magagawa doon kundi suportahan ito. "Basta mag-iingat ka palagi."

"Para sa'yo.Tanggap mo na talagang mag-asawa na tayo, ano?"

Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. Tama naman kasi ito. Kahit nagalit siya rito nu'ng mga unang araw ng kanilang pagtatagpo, unti-unting nabura iyon sa paglipas ng araw. Nakakapagod naman kasing magkunwari. Ayaw na niyang ipakita rito na nagagalit siya gayung ang totoo ay masayang-masaya siyang muli itong nakasama. 

At pakiramdam niya, ang pagkidnap nito sa kanya ay isang malaking utang na loob na tatanawin niya dito habambuhay. Talaga kasing hindi na niya ma-imagine na magpapakasal siya kay Flaviano gayung kulang na kulang ang pagmamahal na naramdaman niya rito. Talaga lang pinaniwalaan niya na ito lang ang magmamahal sa kanya. 

"Wala na naman akong ibang pagpipilian kundi tanggapin. Kaso nga lang, huwag mong isipin na mahal pa rin kita tulad ng dati," Dahil mas mahal kita ngayon, singit ng atribidang bahagi ng kanyang isipan. 

"Okay lang."

Gulat siyang napatingin dito. "Okay lang?"

"Kasi nga nasaktan kita dati. Natural lang na magbago na ang feelings mo lalo na't nagkaroon ng isang Flaviano pero gusto kong malaman mo na hindi ako susuko. Alam ko isang araw ay maibabalik ko rin ang pagmamahal mo sa akin. Sana lang ay bigyan mo ako ng pagkakataon na mangyari iyon."

Ngumiti siya. "Nasa iyo naman ang lahat ng pagkakataon. Kasal na tayo at lagi tayong magkasama. Tara na."

"Wait."

Kumunot ang kanyang noo. "Siyempre, aalalayan kita. Gusto kong ipakita sa lahat na sweet tayo."

Dapat ay masaya siya sa sinabi ni Jeremy pero parang may mali sa winika nito. Para kasing sa tono ng pananalita nito ay isang palabas lang ang lahat. 

HINDI man si Jeremy ang namamahala ng hacienda sa kasalukuyan pero kitang-kita niya kung gaano ito kamahal ng mga tauhan. Mabait daw kasi talaga ang kanyang asawa kaya naman nakaramdam siya ng pagmamalaki dahil doon. Pakiramdam niya kasi, ang suwerte-suwerte niya dahil siya ang piniling pakasalan ni Jeremy. 

Nawala lang ang ngiti sa kanyang labi nang maisip niyang tuluyan na niyang kinalimutan si Flaviano. Ni hindi man lang siya gumawa ng paraan para makausap ito. Sa tingin naman kasi niya ay hindi ito aaminin sa pinlano nitong paghihiganti sa kanyang ama. 

Ipinilig niya ang kanyang ulo nang maisip niyang hindi na tamang may iba pang lalaking tumatambay sa kanyang isipan. Kahit na may pinagsamahan naman sila ni Flaviano, kailangan na niya itong tuluyang burahin sa kanyang isipan at alam niyang magagawa naman niya iyon kung iibaling niya ang atensyon niya sa ibang bagay. 

“Wala pa ba?” inip na tanong ni Lolo Segundo kay Jeremy. Matikas man ang hitsura nito na parang matapobreng don na nakikita niya sa mga pelikula, hindi niya makuhang makaramdam ng pagkailang dahil alam niyang sa kabila ng nakakailang nitong aura, nakatago ang mabuting kalooban.

Iyon nga lang dahil sa sobrang pananabik nitong magkaroon ng apo, parang napi-pressure na rin siyang mabigyan ito ng apo. Kung maaari nga lang sabihin niya sa kanyang matris na 'magbuntis ka na', ginawa na sana niya. Ngunit, alam niyang imposible naman iyon. Kaya, talagang kailangang maghintay ng sapat na panahon para makabuo. 

Para tuloy ngayon pa lang ay nakakaramdam na siya ng sobrang excitement na magkakaanak sila ni Jeremy. Sa pagtingin niya tuloy sa paligid ay parang na-imagine na niyang may mga batang naghahabulan. Ang gusto kasi sana niya ay kambal o triplets. 

Si Jeremy ang sumagot. “Malapit na.”

Napatingin siya kay Jeremy nang ipulupot nito sa kanyang beywang ang mga kamay nito. Naramdaman na naman tuloy niya ang pagdaloy ng kuryente sa kanyang katawan. 

“Aba’y dali-dalian mo. Gusto ko habang malakas pa ako ay maalagaan ko ang apo ko,” wika nitong mahahalata sa boses ang matinding pagkainip. 

"Darating din tayo dyan, 'lo." nakangiting sabi rito ni Jeremy. 

Kahit tuloy alam niyang may mga matang masamang nakatingin sa kanila ni Jeremy partikular na 'yung Joshua ay sinikap pa rin nilang maging masaya. Genuine naman kasi ang kasiyahan na nakikita niya sa mga mata at ngiti ng mga tauhan sa hacienda na talaga naman di nahiyang ipahayag na malaking kasiyahan sa mga ito na naroroon sa hacienda si Jeremy. 

“May kabayo ba rito ba hacienda?” wala sa loob na tanong ni Katrina kay Jeremy habang nakasandal siya sa dibdib nito. Yakap siya nito mula sa likuran habang pinagmamasdan ang buong paligid. Three storey house ang Rosales Mansyon na ayon kay Jeremy ay may sukat na 1500 sq meters kaya't nagagawa niyang pagmasdan ang buong kapaligiran. 

Mula doon ay kita niya ang iba't ibang pananim. Hindi lang palayan kundi may mga iba't ibang prutas din. 

“Appaloosa and Stallion.”

“Marunong ka bang mangabayo?” sabik niyang tanong. Ngunit, hindi na niya ito pinagkaabalahang lingunin. Masarap kasi a pakiramdam na nakasandal siya sa dibdib nito kaya't ayaw na niya iyong baguhin. 

“Lahat ng klase ng pangangabayo ay alam ko,” mayabang nitong sabi.

Kumunot lang ang kanyang noo dahil may naaninag siyang kakaiba sa boses nito.  Para kasing pinipigilan nito ang pagtawa kaya naman ilang beses din niyang ni-replay sa kanyang isipan ang sinabi nito. Nang ma-gets niyang may kalakip na kaberdehan ang sinabi nito ay inangat niya ang kanyang kamay para maabot niya ang ulo nito. Bahagya niya itong sinabunutan sa kapilyuhan nito. 

 “Ang pilyo talaga ng asawa ko.”

Tawa lang ang isinagot nito.

“Mangabayo tayo.”

“Marunong ka?”

“Watch me,” mayabang din niyang sabi. Kapag kasi nagbabakasyon siya noon sa hacienda na matatagpuan sa Batangas ay natuto rin siyang mangabayo.  Iyon nga lang. Hindi kasing galing ni Ysabelle.

Kaya nga lang ang kayabangan niya sa pangangabayo ay hindi niya napatunayan kay Jeremy dahil hindi siya nito hinayaang  mangabayo siyang mag-isa. Baka daw kasi ihulog siya ng kabayo.  Kahit pakiramdam niya ay wala itong tiwala sa kanyang kakayahan, hindi siya nakaramdam ng iritasyon dahil mas masayang mangabayo na kasama ang minamahal.

“Ang ganda talaga rito,” hindi niya napigilang ibulalas habang sa mga gilid nila ay makikita ang mga palayan at tubo, na tiyak niyang pangunahing kabuhayan ng mga taga-Hacienda Rosales.

“Gusto mo ba talagang dito tumira?” nag-aalangang tanong nito sa kanya.

“Kahit saan ako tumira, okay lang. Para kasi sa akin, isa lang ang tirahan ko.”

“Saan?”

Napangiti siya bago ito sagutin. “In your arms.”

Sa tuwing nakakulong kasi siya sa mga bisig nito, pakiramdam niya ay protektadung-protektado siya kaya alam niyang kahit na anong mangyari ay hindi siya mapapahamak. Tiyak niya kasing hindi siya nito pababayaan. 

Pinabayaan ka na niya minsan, hindi ba? nanunudyong tanong niya sa sarili. Sabi niya kasi'y hindi na niya babalikan pa ang nangyari sa kanila ni Jeremy three years ago dahil hindi naman iyon makatutulong para magkaroon sila ng magandang buhay. Sa halip ay nagiging hadlang pa iyon para makaramdam siya ng pagdududa. 

Action speaks louder than voice. Iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili kaya dapat niyang paniwalaan na may pag-ibig sa kanya si Jeremy. Naipaliwanag na naman nito sa kanya ang dahilan kaya nagawa siyang iwanan noon. At iyon ang kailangan niyang paniwalaan. 

“Hiyahhh!” wika nito nang pahintuin ang kabayo.

“Why?” nagtataka niyang tanong. Ang usapan kasi nila ay lilibutin ang buong hacienda pero hindi pa nila nagagawa iyon dahil mabagal lang ang pangangabayo nila. Ah, kung binigyan lang siya ni Jeremy ng solong kabayo talagang patatakbuhin niya ng mabilis na mabilis para maipagmalaki niya sa asawa ang natutunan niya kay Ysabelle. 

“Bumalik na lang tayo sa mansyon at magkulong sa silid," tumatawang sabi nito.

Dahil nga dikit na dikit ang kanilang mga katawan ay halos ibulong lang ni Jeremy sa kanya ang mga salitang iyon, na talaga namang nagpatindig sa kanyang mga balahibo. Sobrang nag-init ang kanyang katawan dahil agad niyang na-imagine kung anong gagawin nila kapag nagkulong na sila sa iisang silid. Siyempre, dadamhin na naman nila ang init ng katawan ng isa't isa. 

"Hindi ko bet 'yan."

"Ayaw mo," dudang wika nito saka marahang kinagat ang gilid ng kanyang tenga. 

Napahagikgik siya. “Ayoko nga umuwi. Mas gusto kong mamasyal.”

Umungol si Jeremy bilang protesta.

Binulungan tuloy niya ito para makumbinsi. “Mamayang gabi na kita paliligayahin ng husto. Pag-iisipan ko muna kung anong style ang gagawin natin mamaya,” wika niya sa tonong nang-aakit at dahil siya ang nasa harapan ay malaya niyang napagapang ang kamay niya sa braso nito. 

Sabi nga, kapag ang isang tao ay may ginawa sa'yo, huwag kang magagalit. Mas maigi kung gagantihan mo na lang siya. Sa kaso naman nila ni Jeremy, hindi nakakagalit ang ginawa nito kundi nakaka-frustrate. Biro mo, inaakit siya nito habang namamasyal sila kaya ipapadama rin niya rito ang kanyang pang-aakit para maramdaman nito ang nararamdaman niya. 

At para ngang gusto na niyang humagalpak nang tawa ng maramdaman na niya sa kanyang likuran na may tumutusok sa kanya at ang marahang pagmumura ni Jeremy. Tapos maya-maya ay bumulong ito sa kanya. "Lagot ka sa akin mamaya."

“MAGSIPAG-miryenda muna tayo!” sigaw ni Jeremy nang tumuntong na ang alas-tres. Ang Hacienda Rosales ay may ekta-ektaryang palayan. Bukod doon ay may mga puno rin na iba’t ibang prutas – mangga, bayabas, makopa at santol. Nasa kabilang panig naman ng hacienda ang mga mga alagang hayop tulad ng baka, manok at kabayo.

Hindi naman napigilan ni Katrina ang mapangiti. Kahit kasi siya ang nagsuhestyon dito na magpamiyenda sa mga tauhan, ito naman ang nag-utos na magpabili ng mimiryendahin – dalawang malalaking bilao ng palabok, puto at softdrinks ang kanilang pinagsasaluhan. Sampu lang naman ang mga tauhan kaya’t kasyang-kasya iyon sa kanila.

Mas mapapalapit kasi sila ni Jeremy sa mga tauhan ng hacienda kung sasaluhan nila ang mga ito sa pagkain. Ibig lang kasing sabihin nu'n ay hindi sila matapobre at handa nilang ibigay ang kanilang kamay para tumulong. At naniniwala sila na ang kabutihang ginawa nila ay ibabalik din ng mga ito kapag sila ang nangailangan. 

“Maraming salamat po, Senyorito at Senyorita,” halos sabay-sabay na sabi ng mga ito. Ang kasiyahan ay hindi maipagkakaila sa mga mata ng mga ito.

Kahit na alam niyang mayaman ang kanyang napangasawa, hindi pa rin siya sanay na tinatawag na senyorita. Hindi tuloy niya napigilan ang mapangiwi. Para kasing may kilabot siyang biglang naramdaman.

“Jeremy at Katrina na lang ho. Parang di bagay sa amin ang Senyorito at Senyorita. Pareho kaming kinikilabutan. Hindi ba mahal?” malambing na tanong sa kanya ni Jeremy saka siya hinalikan sa noo.

 “Sinabi mo pa, mahal na mahal ko” anitong ngiting-ngiti. Malamang labis nitong ikinatuwa ang pagtawag niya ng 'mahal' na hindi rin niya maintindihan kung bakit iyon lumabas sa kanyang bibig. Dahil ba gusto lang niyang ipakita sa mga kaharap na maayos ang kanilang pagsasama o baka talagang gusto niyang ipahayag kay Jeremy ang tunay niyang nararamdaman. Basta hindi niya napigilan sa kiligin sa sinabi ni Jeremy tapos niyakap pa siya nito na parang gustong ipakita sa lahat ang damdamin nito para sa kanya. 

Ang masasakit nitong sinabi nang hiwalayan siya ay gusto na niya talagang kalimutan. Ibig niyang paniwalaan ang sinabi nitong natakot lang itong mapahamak siya sa kamay ng mga kalaban nito kaya siya piniling iwanan. Kung minsan naman kasi talaga'y kailangan mong isakripisyo ang kaligayahan mo para sa kaligtasan ng mahal mo. 

“Napakasweet n’yo naman Senyorito, este, Jeremy,” wika ng matandang babae na nagngangalang Aling Tale.  Kahit may katabaan ito ay maliksi namang kumilos kaya pati ang pagsasalita nito ay mabilis. “Halata pong mahal na mahal ninyo si… Katrina.”

“Wala akong ibang mamahalin kundi si Katrina lang,” malambing na sabi ni Jeremy nang yakapin pa siya nito ng pagkahigpit-higpit.

Hindi rin tuloy niya napigilan ang magsabi ng ‘I love you too’ kaya kita niya kung paanong natigilan si Jeremy. Iyon kasi ang pagkakataon na nagsabi siya ng kanyang nararamdaman. Although, kanina naman ay nagsabi rin siya ng katagang 'mahal'. 

“Kain ka,” sabi niya kay Jeremy. Para kasing gusto niyang matunaw sa klase ng tingin nito sa kanya.  Sa halip sumagot ay niyakap siya nito ng buong higpit at saka bumulong ng ‘Mas gusto kong kainin ka.’

"Kung nandito lang si Veronica, siguradong makakasundo ninyo iyon," untag sa kanya ni Aling Tale habang nagliligpit ng pagkain. Sabi niya ay tutulungan na niya ito pero tumanggi ito na pagligpitin siya kaya wala siyang magawa kundi magmasid na lang.

Napa-straight siya nang upo ng marinig ang pangalan ng bestfriend ni Jeremy. Nang sulyapan niya si Jeremy ay bahagya itong nakatingin sa kanya. Sigurado binabasa nito sa kanyang mukha kung nagseselos pa siya. 

Well, kung kaibigan lang talagang matalik ni Jeremy si Veronica ay wala naman siyang dapat na ipag-alala kaya lang kapag pinapagana niya ang kanyang utak ay maraming katanungan ang sumusuot sa kanyang isipan. 

Kung matalik na magkaibigan lang sina Jeremy at Veronica ay bakit hindi dinaluhan ni Veronica ang kasal nila ni Jeremy. Naiintindihan naman niyang hindi ito nakasipot sa araw ng kanilang kasal dahil talaga namang biglaan pero hindi niya maiwasan ang magduda. Para kasing may mali. 

"Nasaan ho ba siya?" nahagilap niyang itanong kay Aling Tale.  Ibinulong lang niya iyon pero pakiramdam niya ay isinigaw niya iyon. Ang lakas-lakas kasi ng pintig ng kanyang puso. 

"Hindi mo alam?" gulat nitong tanong sa kanya. 

Umiling siya. 

"Aba'y pagkakaalam ko'y magkasama sila ni Senyo... ng asawa mo sa trabaho. Kaya nga nag-aral sa Manila 'yang si Jeremy ay dahil kay Katrina. Hindi niya magawang pabayaan si Veronica dahil kung magturingan ang dalawang 'yan ay higit pa sa tunay na magkapatid."

Napalunok na lang siya sa halip mag-react pa. Noon lang niya na-realize na wala siyang kaalam-alam tungkol sa relasyon nina Jeremy at Veronica. Sabi nga ni Jeremy ay bestfriend nito si Veronica pero hindi naman sila nagawang ipakilala ni Jeremy sa isa't isa. Pakiramdam niya tuloy ay itinatago lang siya ni Jeremy sa bestfriend nito. 

Pero, bakit?

Bilang bestfriend, dapat ay ipagmalaki siya ni Jeremy kay Veronica pero bakit parang ayaw nitong gawin. Hindi kaya may matinding dahilan?

"Hindi siya umuwi rito," wika niya. 

"Naku, talagang hindi mo mapapauwi si Veronica rito."

"Bakit naman ho?"

"Dahil maaalala lang niya kung paanong pinatay ang kanyang mga magulang at kapatid niya. Mabuti na nga lang at nu'ng nangyari iyon ay niyaya siya ng Jeremy sa kung saan. Kung nagkataong nasa bahay lang din si Veronica nu'ng oras na iyon, siguradong kasama rin siya sa pinatay."

"Ho?" gilalas niyang sabi. Talaga kasing nagulat siya sa narinig. 

Para tuloy gusto na niyang lumapit kay Jeremy para magtanong. Ngayon pa lang ay nakikisimpatya na siya kay Veronica. Buhay pa ang mga magulang niya pero natitiyak niyang hindi niya kakayanin kapag nawala ang mga ito sa kanyang buhay.

Nakasunod lang siya ng tingin kay Jeremy kaya napagmasdan niya kung gaano ito katutok sa usapan nito at sa ilang kalalakihan. Ngunit, agad itong lumayo ng tumunog ang cellphone nito. Hindi sana niya papansinin iyon kundi niya nakita kung gaanong kaliwanag ang ngiti ngayon ni Jeremy.

"Pasensiya na pero talagang nagulat ang lahat ng hindi sina Jeremy at Veronica ang nagkatuluyan. Mga bata pa lang sila ay palagi na magkadikit kaya...Hay naku, ano ba itong mga sinasabi ko? Siguro nga talagang magkaibigan lang ang dalawang iyon dahil ikaw ang mahal at pinakasalan ni Jeremy." 

NITONG  nakalipas na dalawang linggo ay parang ayaw na umalis ni Katrina sa higaan. Wala siyang ibang gustong gawin kundi matulog sa umaga, pagdating naman ng hapon ay wala siyang gawin kundi ang mamasyal at sa gabi naman ay wala siyang ginawa kundi ang magbasa ng libro. Naaawat lang siya kapag tumatabi na si Jeremy. Siyempre, ang gusto lang niyang gawin ay mayakap at mahalikan ito. Siyempre, hindi rin natatapos ang gabi na walang nangyayari sa kanila.

 “Wait, wait, wait,” sabi niya sa sarili ng gumana ang kanyang isip. Ngayon lang niya napagtanto na isang buwan na siyang hindi dinaratnan. Di lang niya namalayan dahil irregular naman ang kanyang menstruation.

Ibig bang sabihin noon ay buntis na siya? Excited niyang tanong sa sarili. Hindi pa man niya nakukumpirma ang ideyang iyon ay napangiti na siya. Sigurado niyang magiging maligaya sila ni Jeremy kapag nagkaanak. 

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin niya nagagawang makilala si Veronica kaya hindi niya malaman kung anong dapat niyang maramdaman. Sabi ng puso niyang umaasa, mahal siya ni Jeremy kaya dapat lamang ay maniwala at magtiwala siya rito pero ang utak niya ay parang nag-uutos sa kanyang magduda pa siya. 

May mga pagkakataon kasi na nagigising siyang wala sa kama si Jeremy. Nang una ay hindi niya pinansin iyon. Naiisip niya kasing baka kausap lang nito ang kanyang Ninong Sunday pero nang lumabas siya sa kuwarto at mapadaan siya sa may veranda ay narinig niya itong nakikipag-usap sa laptop nito. Hula niya ay may ka-video chat ito. 

Aalis na sana siya sa kanyang kinatatayuan nang banggitin nito ang pangalang Veronica sa tonong naiinis. 

May-LQ ba ang mga ito?

Nang rumehistro na naman sa kanyang isipan ang katanungang iyon, agad niyang sinaway ang kanyang sarili. Talaga naman kasing hindi tama na isaksak pa niya iyon sa kanyang isipan. Kailangan niyang maniwala at magtiwala sa salita ni Jeremy na magkaibigan lang ito at si Veronica. 

May kumatok kaya parang nagising siya mula sa pagkakahimbing.

 “Pasok po.”

Maya-maya ay lumitaw si Nanay Adelaida, ang mayordoma at naging yaya ni Jeremy, may dalang tray na puno ng pagkain. Kahit na kumalam na ang sikmura niya ay parang hindi pa rin niya magawang umalis sa higaan. Ang bigat-bigat pa rin ng pakiramdam niya.

“Si Jeremy po?”

“Naku, maagang umalis Pupuntahan daw si Lucia.”

“Lucia?” aniyang biglang nagsalubong ang kilay nang makarinig ng pangalan ng ibang babae. Buong akala niya ay si Veronica lang ang kanyang karibal pero iyon pala ay may iba pa. Hindi tuloy niya napigilan ang mapabuntunghininga nang malalim. 

Ngumiti naman ang matandang babae na wari'y nabasa ang laman ng kanyang isip. Sa tingin niya ay nasa limampung taong gulang na. Marami na kasi itong puting buhok. “Asawa iyon ni Temyong at nagtatrabaho rin sa tubuhan. Ilang araw na raw may sakit kaya pinuntahan ng asawa mo para sabihing magpadala na sa ospital at sagot niya ang gastos.”

“Hindi man lang siya nagpaalam sa akin.”

“Kagigising mo lang yata eh.”

“Para kasing tamad na tamad ako.”

“May note yata siya, o.”

Mabilis naman niyang kinuha ang papel na nasa may tokador at binasa.

Hon,

Pinuntahan ko lang ang trabahado nating may sakit. Nandiyan na ako bago mag-lunch. Lab yu!

Ang pogi mong Asawa

Nang mabasa niya  ang note nito ay hindi niya naiwasan ang mapangiti dahil totoo namang si Jeremy ang kanyang asawa at talaga namang pogi ito. Kaya nga, hindi kataka-taka kung marami man ang nagkakagusto rito. Ngunit, siyempre, hindi niya hahayaan na may ibang babae na humadlang sa kanilang pagsasama. 

“O, kumain ka na.”

 “Nay…” tawag niya rito nang umakma na itong tatalikod. Agad kasing pumasok  sa isipan niya ang kanyang hinala kaya ibig niyang makasigurado bago sabihin kay Jeremy ang kanyang nararamdaman. 

Ngayon pa lang nga ay hindi na niya maiwasang isipin kung ano ba ang magiging reaksyon nito kapag sinabi niyang 'I'm pregnant'. 

“May kailangan ka pa?” may pagtatakang tanong nito ng hindi siya agad siya nagsalita. 

 “Pwede po bang magpabili?” nahihiya pa niyang tanong dito. 

 “Hindi mo gusto ang pagkain?” nag-aalangang tanong nito. Siyempre, hindi maiwasang makaramdam ito ng pagataka dahil alam nitong paborito niya ang tocino. 

  "Hindi po pagkain ang ipabibili ko.”

   “Ano?” kunot noong tanong nito.

    “Pregnancy kit po,” halos pabulong niyang sabi rito.

POSITIVE! Magkakaanak na sila ni Jeremy! At sobrang excited si Katrina na ipaalam sa kanyang asawa ang kanyang pagbubuntis. Tiyak niya kasing ikatutuwa nitong malaman na magiging ama na ito lalo na't palagi itong kinukulit ni Lolo Segundo kung kailan ba ito magkakaapo. 

Dahil sa wala pa si Jeremy  at ibig niyang may magawa muna siya, nagbabasa-basa muna siya ng libro at matapos siyang magbasa ay nagpunta muna siya sa library upang maghagilap ng librong mababasa. Sabi naman ng Lolo Segundo niya ay okay lang kung gusto niyang maglagi roon. Mas maigi nga raw iyon para magamit naman daw ang mga libro. Si Jeremy raw kasi ay walang kahilig-hilig sa pagbabasa.

Nakapamili na siya ng babasahin niya nang marinig niyang bumukas ang into. Ipapaalam sana niya ang kanyang presensiya kung hindi lang niya narinig ang pagalit na boses ni Jeremy. “Bakit ba nagmamadali kayong magkaanak ako?” naiiritang tanong nito. 

Hindi pa man niya nakikita kung sino ang kausap nito ay mayroon na siyang ideya kaya napangiti siya nang marinig niya ang boses ni Lolo Segundo. "Alam mong matanda na ako kaya hindi mo maiwasang di ka madaliin. Kahit anong gawin nating pag-iingat sa buhay, hindi pa rin tayo nakasisiguro kung bukas ba ay humihinga pa tayo."

"Lolo naman kung magsalita kayo..."

“Baka nakakalimutan mo na ba ang tungkol sa last will testament ko?” mariin putol ni Lolo Segundo sa sinasabi ni Jeremy.

Kung hindi lang niya natakpan ang kanyang bibig, siguradong nalaman na ng dalawa ang tungkol sa kanyang presensiya. Hindi niya kasi napigilan ang mapasinghap. Para kasing ang sinabi ng matandang lalaki ay magiging mitsa para masagot na ang katanungan kung bakit siya nito pinakasalan. 

Ayaw kasi talaga niyang paniwalaan na dahil lang natakot si Jeremy sa kanyang ama kaya hindi ito nakatutol ng pakasalan siya. Kaya, naisip na lang niya na baka nga talagang mahal siya nito pero parang gusto na naman niyang magduda dahil mayroong Veronica na sumisingit sa kanilang lovestory. 

Alam niyang masama ang makinig sa usapan nang may usapan pero hindi niya nagawang awatin ang sarili tungkol sa pakikinig. Para rin kasing may nagsasabi sa kanya na may dapat siyang malaman sa kanyang gagawin kaya marahan muna niya ibinaba ang librong kanyang napili. Kung hindi niya kasi gagawin iyon, nakakasiguro siyang baka maihulog niya iyon. Para kasing nanlalambot ang kanyang mga kalamnan sa mga salitang kanyang narinig. 

Kung maysakit nga lang siya sa puso, baka inatake na siya. Gusto kasi niyang umiyak pero hindi niya magawa. Dama kasi niyang may tone-toneladan imbisibol na bakal na nakadagan ngayon sa kanyang dibdib.

“Bakit sa palagay mo ba’y sapat lang na pinakasalan mo si Katrina? Baka nakalilimutan mo ang nakalagay sa testamento para makuha mo ang Hacienda Rosales. Ang pakasalan si Katrina San Juan at magkaroon kayo ng anak,” madiing sabi ng matandang Rosales.

Shucks, iyon ang dahilan kaya pinakasalan siya ni Jeremy? Gilalas na tanong ni Katrina.

Kahit kasi sa simula pa lang ay may pagdududa na siyang naramdaman ay pinili niyang balewalain iyon. Dahil umasa siya na talagang mahal siya ni Jeremy. Dama naman kasi niya talaga ang pagmamal nito. 

Dahil sa sex? natatawang tanong niya sa sarili. 

O. parang gusto niyang humalakhak ng mga sandaling iyon. Nakalimutan kasi niyang hindi naman lahat ng taong nagsi-sex ay tunay na nagmamahalan. Maaaring kaya lang iyon nangyari ay dahil sa libog. O, baka naman talagang gusto siyang papaniwalain ni Jeremy na mayroon itong damdamin sa kanya. 

Ibig niya tuloy  umiyak ng mga sandaling iyon pero hindi niya magawa. Siguro, masyado siyang nabigla. Pakiramdam niya’y mayroong granadang sumabog sa kanyang harapan kaya’t hindi man lang siya nakakilos. Para ngang tumigil din ang paghinga niya. Ang tanging gumagana lang sa kanya ng mga sandaling iyon ay utak. Dahilan para masagot ng isip niya ang ilang katanungang matagal ng gumugulo sa kanyang isipan.

Ang dahilan kaya kinidnap siya ni Jeremy sa kanyang kasal ay dahil sa Hacienda  Rosales na hindi nito makukuha kung hindi ito magpapakasal sa kanya. How dare him! Pinaniwala siya nitong pag-ibig ang dahilan kaya siya nito inagaw sa lalaking kanya sanang pakakasalan.

Anong plano mo ngayon? Sasabihin mo pa ba kay Jeremias na ito ang ama ng magiging anak niya? Tanong niya sa sarili.

No! Mariin niyang sabi sa sarili.

Kung hindi pag-ibig ang dahilan kaya siya nito pinakasalan, maaaring kapag nakuha na nito ang mang Hacienda Rosales ay hihiwalayan na siya nito. Kung malalaman nitong anak nila ang kanyang ipinagbubuntis baka kunin lang nito sa kanya ang kanilang anak. Samantalang kung ang alam nito’y anak niya sa ibang lalaki ang kanyang ipinagbubuntis hindi ito mag-aaksaya ng panahon na habulin ang anak niya kay ‘Flaviano’.

Ngunit kahit na buo na ang desisyon niya sa kanyang gagawin, hindi pa rin niya mapigilan ang masaktan. Ano bang kasalanan niya kay Jeremias para saktan siya ng ganito? Para papaniwalain siya sa isang kasinungalingan na talagang mahal na mahal siya nito gayung may katapat naman palang presyo iyon.

Bigla tuloy niyang naalala ang sinabi ni Ysabelle minsan. ‘Kahit ang mayayaman ay may katapat na presyo kaya hindi ako basta-basta magtitiwala sa kung sinumang Poncio Pilato lalo na pagdating sa pag-ibig'.

Kapag nagsasabi ng ganoon ang pinsan, hindi niya mapigilan ang sariling pagtawanan ito para kasing wala itong kayang mahalin kundi ang sarili nito dahil di ito marunong magtiwala, ngunit, ngayon ay parang gusto niyang mainggit dito dahil di pa ito nabibiktima ng pag-ibig.

Samantalang siya.. walang kadalaan!

Minsan na nga siyang iniwanan ni Jeremy tapos kinalimutan niya at ngayon ay nalaman niyang niloko lang pala siya.

Oh, parang ayaw muna niyang makita si Jeremy.  

Related chapters

  • Agent Ex-Lover   Chapter Nine

    PALPAK man ang kanyang planong paghihiganti, hindi dahilan iyon para mawalan siya ng pag-asa na makapaghiganti. Kailangan lang makaisip siya ng tamang strategy para makapaghiganti. Hindi naman kailangang agad-agad siyang lulusob. Mas maganda iyong pinagpaplanuhan munang talaga ang paghihiganti para magtagumpay. Marahas na buntunghininga lang ang pinawalan niya sa sobrang inis dahil naisahan siya sa kanyang plano. Kahit kasi gaano kabuti ang ipakita niya sa pamilya ni Katrina ay hindi naniwala ang mga ito. May mga sandali tuloy na inisip na lang niyang hagisan ng granada ang bahay ng mga ito para makasiguro siyang maglaho na sa mundong ito si ex-General Leopoldo San Juan, pati na rin ang pamilya nito. Kaya lang, tiyak niyang hindi magiging lubos ang kaligayahan niya kapag simpleng kamatayan lang ang sasapitin ng mga ito. Naghirap ang tunay niyang ama sa bilangguan bago pinatay at katakut-takot na hirap din ang kanyang pinagdaanan bago siya napunta sa mga S

    Last Updated : 2021-06-13
  • Agent Ex-Lover   Chapter Ten

    AYAW sanang paniwalaan ni Jeremy ang sinasabi ni Katrina na hindi siya ang ama ng dinadala nito ngunit naisip niya, anong dahilan nito para magsinungaling sa kanya. Marahil, ayaw lang talaga nitong dayain siya kaya kahit na alam nitong masasaktan siya ay sinabi na lang nito sa kanya ang katotohanan. Tutal, simula pa lang naman ay hindi na itinago sa kanya ni Katrina na may namagitan dito at kay Flaviano Samonte.Masakit man sa kanya na may ibang nakatalik si Katrina nu'ng panahong nagkahiwalay sila, hindi naman niya ito masisi. Kung tutuusin naman kasi ay siya ang higit na may kasalanan. Iniwanan niya si Katrina at bago niya ginawa iyon ay sinaktan muna niya ito. Ipinamukha niya rito na hindi niya ito gustong maging ina ng kanyang anak.Hindi nga siya nakasisiguro kung nagawa na nga ba siyang patawarin ni Katrina sa mga salitang nasabi niya rito dahil siya, hindi pa niya nagagawang patawarin ang kanyang sarili dahil sinaktan niya ng matindi ang babaeng kany

    Last Updated : 2021-06-15
  • Agent Ex-Lover   Chapter Eleven

    "SO, nagsinungaling ka sa asawa mo?" "Medyo lang," nakangiwing sabi ni Katrina sa reaksyon ng pinsan. Halos sumigaw kasi ito sa loob ng guestroom dahil sinabi niya ang dahilan kung bakit niya ito pinapunta. Nilabas niya rito ang sama ng loob na nararamdaman niya. Kung wala kasi siyang mapaagsasabihan ay siguradong mas lalala pa ang galit na nararamdaman niya para kay Jeremy. "Medyo? Sinabi mong hindi siya ang ama ng anak mo tapos sasabihin mong medyo nagsisinungaling ka lang sa kanya?" highblood na tanong sa kanya ni Ysabelle. Hindi naman kasi ang tipo ni Ysabelle ang kukunsintihin ang kanyang kamalian kaya hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon ang reaksyon nito. "Ang boses mo naman," nag-aalala niyang sabi. Matalim na tingin ang binato niya rito. "Ninang ka, ha," wika niya pagkaraan. Masuyo ang kanyang boses dahil gusto niyang lambingin ang pinsan. "Kahit sino pa ang 'ama' niyang dinadala mo, ako ang magiging ninang niyan," wika nitong humina na rin ang boses. Alam niyang

    Last Updated : 2021-07-10
  • Agent Ex-Lover   Chapter Twelve

    BILANG lalaki, masakit talaga sa ego na akuin mo ang anak ng asawa no sa iba, pero, bakit pakiramdam niya'y walang katotohanan ang sinabi sa kanya ni Katrina?Nang una niya ulit itong angkin, pakiramdam niya'y wala naman talagang nakapasok pa dito dahil parang ang sikip pa rin nu'n na parang matagal na hindi napasukan. Pakiwari niya'y mga tatlong taon na rin. Tapos, damang-dama din naman niya ang pananabik sa kanya ni Katrina. Kaya nga lang, kung talagang hindi naman ito nagalaw ng ex nito'y bakit ipinagpipilitan sa kanya ni Katrina na anak nito kay Flaviano Samonte ang dinadala nito.Napabuntunghininga na lang siya nang maisip niyang baka naman nagsasabi ito ng totoo at in-denial lang talaga siya. Baka hanggang ngayon ay umaasa siya na hindi talaga siya napalitan ni Katrina. Saka, baka naman kaya sinasabi sa kanya ni Katrina palagi na si Flaviano ang ama ng dinadala nito ay dahil ibig lang nitong maging tapat sa kanya.Ang ipinagtataka lang niya ay

    Last Updated : 2021-07-11
  • Agent Ex-Lover   Chapter Thirteen

    "SANA ay maging lalaki ang una kong apo sa tuhod." Nakangiting sabi ni Lolo Segundo nang puntahan siya nito sa may balcony na nasa third floor. Mula roon ay nakikita niya si Jeremy na parang seryosong-seryosong nakikipag-usap sa cellphone nito. Iniwas lang niya ang tingin dito dahil parang hindi niya nagugustuhan ang klase ng ngiting nasa labi nito. Parang masyadong matamis iyon at nakakaramdam siya ng inis. Tiyak niya kasing babae ang kausap nito dahil kung hindi, 'di na nito kailangan pang lumayo sa kanya na para bang may sikreto itong matutuklasan niya. "S-sana nga ho," sagot niya sa matandang lalaki habang hinihimas pa niya ang kanyang puso. "Sigurado hong matutuwa si Jeremy." "Lalo na ako," mariin nitong sabi. "Siyempre, may magdadala na naman ng apelyidong Rosales." Maang siyang napatingin dito. Kung magsalita kasi ito ay para bang si Jeremy lang ang apo nito samantalang marami pa itong apong lalaki. Ngumiti ito na para bang nabasa ang kanyang pagtataka. "Para sa akin kas

    Last Updated : 2021-07-12
  • Agent Ex-Lover   Chapter Fourteen

    "IKAW din naman ang may kasalanan, eh," wika ng Lolo Segundo niya nang lumabas siya ng kuwarto. Kumunot tuloy ang noo ni Jeremy. Hindi kasi siya nakakasiguro kung siya nga ba ang sinasabihan nito pero sa kanya lang naman ito nakatingin kaya tiyak niyang siya ang kausap nito. Malalim na buntunghininga na lamang ang kanyang pinawalan. Sa palagay niya ay wala naman siya talagang maitatago sa kanyang Lolo Segundo. Ito ang nagpalaki sa kanya kaya kilalang-kilala siya nito. Isa pa, kasama nito kanina si Katrina kaya alam nito kung anong ginawa niya. "Mahalaga ba talaga sa'yo ang asawa mo?" nagdududang tanong nito. Salubong na salubong ngayon ang kilay nito at matiim na matiim na nakatitig sa kanya. "Siyempre naman po," mariin niyang sabi. "Pero, mas binigyan mo ng oras ang bestfriend mo," mariin nitong sabi sa kanya. "Lo naman..." "Kapag may asawa ka na, ang asawa mo na dapat ang priority mo. O baka naman..." "Mahal ko ho si Katrina," putol niya sa sasabihin ng kanyang lolo. Ay

    Last Updated : 2021-07-13
  • Agent Ex-Lover   Chapter Fifteen

    IBIG magalit ni Jeremy dahil hanggang sa panaginip ni Katrina ay pinapasok ito ni Flaviano pero kailangan niyang kontrolin ang kanyang emosyon. Wala iyong magandang kahihinatnan. Tiyak pang makikita ni Katrina kung gaano siya nagseselos. Sa tingin naman niya ay mas maigi kung makikita niyang nagseselos siya para malaman ni Katrina na talagang mahal niya ito pero mas nanaig pa rin ang kanyang pride at ipinakita niyang balewala ang naging panaginip nito. Ngunit, ang totoo, hindi niya napigilan ang makaramdam ng takot. Nangangamba siya na baka isang araw ay mawala pa rin sa kanya si Katrina. Ang nag-iimbestiga kasi sa pagsabog ng sasakyan ni Flaviano Samonte ay parang hindi kumbinsido na patay na nga si Flaviano. Kaya, mas kinakabahan siya. Kahit kasal na sila ni Katrina, may posibilidad pa ring iwanan siya nito kung mas matimbang pa rin si Flaviano sa puso nito. Hindi tuloy niya napigilan ang magmura. Hindi siya papayag na mangyari iyon. Kahit pa si Flaviano ang mahal ni Katrina

    Last Updated : 2021-07-14
  • Agent Ex-Lover   Chapter Sixteen

    'KUNG napapasaya lang kita dahil sa sex, okay lang. Walang problema kahit hindi ako ang nasa puso mo. Ang importante lang sa akin, nandito ka sa tabi ko. Hanggang sa hindi ka pa nagsasawa sa akin, hindi kita iiwanan.' Malalim na buntunghininga ang pinawalan ni Katrina habang sinasabi ang mga salitang iyon. Kaya nga lang, hindi niya maibulalas. Tama na sa kanyang sinasabi iyon sa kanyang isipan. "Anong oras na?" tanong ni Jeremy na kahit na nakapikit pa ay parang alam na alam na nakadilat siya at pinagmamasdan ito. May kaba tuloy siyang naramdaman. Alam naman siguro ni Jeremy na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya ito. Siguro naman ay hindi ito ganoon kamanhid para hindi maramdaman iyon. Kahit pa nga palagi niyang sinasabi na iba ang mahal niya. "Oras na para bumangon tayo," wika niya. Pinilit niyang pasiglahin ang kanyang boses. "Hindi ka ba napagod sa ginawa natin?" nanunudyong tanong nito. "Naka ilang rounds din tayo." Kahit na asawa na niya si Jeremy ay nag-iinit

    Last Updated : 2021-07-15

Latest chapter

  • Agent Ex-Lover   Chapter Thirty-four

    IBIG sana ni Katrina na kumontra sa mga naririnig na pag-uusap nina Jeremy at ng kanyang Ninong Sunday pero hindi niya mahagilap ang kanyang boses. Siguro dahil sa kinakabahan siya sa kanyang mga naririnig. Ang sabi kasi ni Jeremy ay lumuwas sila at nagpunta sa Samonte Hospital kaya parang may kakaiba raw itong nararamdaman sa pagpasok nila roon. Gusto sana niyang sabihin dito na ang tanda-tanda na nito para maniwala sa multo pero hindi niya magawa. Para kasing hindi lang multo ang ibig ipahiwatig ni Jeremy. Kahit tuloy matagal niyang nakarelasyon si Flaviano, parang ngayon lang siyang nakaramdam ng takot dito. Maaaring sa mahabang panahon ay naging bulag siya para makita niya ang tunay nitong ugali gayung lahat ng kapamilya niya ay nagsasabi na hindi nito gusto si Flaviano. Hindi naman niya masasabing dahil sa pag-ibig iyon kaya mabuting nilalang ang tingin niya kay Flaviano. Tiyak niya kasi kung sino lamang ang lalaking kaya niyang ibigin. Si Jeremy lamang. Kaya, walang problema sa

  • Agent Ex-Lover   Chapter Thirty Three

    MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Jeremy. Kung siya lang talaga ay hindi niya gugustuhing magpunta sila ni Katrina sa Manila -- lalo na sa Samonte Hospital. Ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksyon si Katrina sa nakaraang pag-ibig nito dahil siya na ang asawa nito at naniniwala siyang siya na ulit ang mahal ni Katrina. Talaga ba? gusto niyang itanong sa sarili dahil parang mahirap pa rin iyong paniwalaan lalo na't pakiramdam niya'y nagiging malamig sa kanya si Katrina ng nakalipas na araw. Ibig niyang isipin na dahil lang iyon sa pag-aakala nitong pinakasalan lang niya ito dahil sa hacienda. Ngunit, hindi ba noong isang araw ay sinabi na nitong in love ito sa kanya? Gusto niyang paniwalaan iyon pero bakit para ring may nagsasabi sa kanya na iba talaga ang nais tukuyin ni Katrina ng mga sandaling iyon. Bigla tuloy siyang kinabahan. Gusto ko na makipaghiwalay sa’yo, yan ang mga salitang pumapasok sa kanyang isipan pero ipinilig niya ang kanyang uli. Hindi siya naniniwala n

  • Agent Ex-Lover   Chapter Thirty Two

    NANINGKIT ng husto ang mga mata niya nang tumino sa kanyang isipan ang kanyang mga nakita at narinig.Kasal na si Katrina?Buntis na ito?Gusto niyang magwala ng mga sandaling iyon pero hindi niya magawa. Parang may makapangyarihang kamay na pumipigil sa kanyang balikat na tumayo buhat sa single sofa na kanyang kinauupuan. Mas gusto rin niya kasing pagmasdan ang babaeng dahilan kung bakit siya sobrang miserable ngayon.Kung maaari nga lang ay gusto niyang lumabas sa kanyang kinaroroonan para makaharap ito at mahalikan kaya lang hindi maaari. Hindi siya maaaring makita man lamang ng kahit na sino dahil lahat ay alam na patay na siya. Maliban na lamang siyempre sa mga magulang niya na sumoporta sa desisyon niyang 'pagpapatiwakal'.Ooppss, sa mata nga pala ng buong Pilipinas, hindi nagpatiwakal si Flaviano Samonte kundi pinatay ito. Nang pumasok kasi siya sa loob ng sasakyan ay sumabog iyon matapos ang ilang minuto.Mabu

  • Agent Ex-Lover   Chapter Thirty One

    "HINDI ka na rin pala makakatakas kay Zander Montellibano," natatawang sabi ni Katrina kay Ysabelle. Kahit hindi pa naikukuwento sa kanya ni Ysabelle ang buong pangyayari ay may ideya na siyang si Zander Montellibano ang sinasabi nitong naka-one night stand nito."Wala na akong balak tumakas," wika ni Ysabelle habang nakatitig sa amang nakaratay sa hospital bed.Mahal na mahal ni Ysabelle ang ama nito kaya kahit alam niyang nagiging pasaway ang kanyang pinsan, tiyak niyang gagawin nito ang lahat para lang mapasiya ang ama nito. Kaya nga mula elementary hanggang highschool ay naging Valedictorian ito at Cum Laude naman ng magtapos ito ng Business Management. Kahit alam niyang kayang-kaya nitong maging Summa Cum Laude ay hindi nangyari dahil natuon na ang pansin nito sa larangan na alam niyang gustung-gusto nito talaga, ang pagiging equestrian. Kinuha lang naman nito talaga ang kursong iyon dahil ito ang gusto ng ama at umayon din naman si Ysabelle na kakailanganin

  • Agent Ex-Lover   Chapter Thirty

    AGAD inikot ni Jeremy ang kanyang tingin sa paligid. Ramdam kasi niyang may mga matang nakatingin sa kanya. Tiyak niya iyon. Malakas ang pakiramdam niya sa mga taong minamanmanan ang kilos niya."Anong problema?" nagtatakang tanong sa kanya ni Katrina.Sa halip na sagutin niya ito ay hinapit niya ang katawan nito palapit sa kanyang katawan. Kung mayroon mang mga mata na nakatingin sa kanya ay sisiguraduhin niyang magagawa niyang protektahan ang kanyangmag-ina. Kailanman ay hindi niya pababayaan ang mga ito."Wala," sabi na lang niya kay Katrina saka binigyan ito ng matamis na ngiti. Hindi niya siyempre ipapaalam dito ang kanyang hinala. Ayaw niyang mag-alala ito dahil nakasisiguro siyang makakasama lang iyon sa kalagayan nito. Hanggang maaari nga lang ay gusto niyang pasayahin ang kanyang asawa."Hindi ka naman naniniwala sa multo, hindi ba?" biglang tanong sa kanya ni Katrina."What?""Baka kasi iniisip mo na n

  • Agent Ex-Lover   Chapter Twenty Nine

    KAHIT na sa ospital ng mga Samonte dinala ang ama ni Ysabelle ay pinalis pa rin ni Katrina sa kanyang isipan ang takot. Ewan niya kung bakit para siyang nakaramdam ng panganib ng mga sandaling iyon, bigla tuloy siyang napahamak sa kanyang tiyan. Pakiramdam niya ay kailangan niyang protektahan ang kanyang dinadala.Nang ibaling niya ang tingin kay Jeremy ay nakita niyang nakatitig din ito sa kanya. Hindi nga lang niya magawang basahin ang emosyon nito. Kahit hindi ito magsalita ay alam niyang may ideya na ito kung anong kaugnayan ng hospital na iyon kay Flaviano."Hindi ko alam na dito dadalhin si Tito. Okay lang ba kung bababa tayo?" nag-aalanganing tanong niya."Bakit naman hindi?"Kahit na medyo may kalamigan ang boses nito ay nagawa pa rin niyang ngumiti. Paano ba naman kasi, hinagilap nito ang kanyang palad saka pinisil. Pakiwari niya ay nangangako ito sa kanya na kahit na anong mangyari ay hindi siya pababayaan."Ospita

  • Agent Ex-Lover   Chapter Twenty Eight

    PARANG gustong mahimatay ni Ysabelle nang mga sandaling iyon. Hindi niya kasi talaga akalain na muli niyang matatagpuan ang lalaking nakatalik niya. Alright, gusto rin naman niya itong makita pero hindi sa ganitong paraan. Para siyang pinaglalaruan ng tadhana gayung siya ang nagbalak na maglaro. "Ehem..." wika ng kanyang ama na nagpalingon sa kanya. Dahil sa dadalawa na lang naman sila ng kanyang ama sa bahay na iyon. Ang kanyang ina ay piniling makipaghiwalay na sa kanyang ama matapos ang mahigit sampung taong pagsasama ng mga ito sa isang bubong. Ani ng kanyang ina, kahit anong gawin nito ay talagang hindi makakayang mahalin ang kanyang ama. Iyon ang dahilan kaya ayaw niyang magmahal. Nangangamba siyang baka sa hiwalayan lang din naman sila mauwi. Kaya nga, itinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa pangangabayo. Isa siyang equestrian. Kaya lang, kahit na sumasali siya sa mga kompetisyon ay hindi niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral. Ku

  • Agent Ex-Lover   Chapter Twenty Seven

    NANLAKI ang mga mata ni Katrina nang makita niya si Jeremy na nakatayo sa may pinto ng banyo, nakahalukipkip habang nakasandal sa may pintuan. Hindi niya napigilan ang mapalunok. Hindi dahil sa takot na kanyang naramdaman, kundi dahil sa matinding pagnanasa na paulit-ulit niyang nararamdaman sa kanyang asawa.Hubad baro kasi ito at nakatapis lang ng asul na tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito. Kaya naman, nasisiguro niyang wala rin itong suot na panloob. Oh, para tuloy nanuyo ang lalamunan. Pakiramdam niya kasi'y kailangang-kailangan niya ito ng mga oras na iyon. Gusto niyang maramdaman ang mahihigpit nitong yakap, ang mapupusok nitong halik at ibig niyang maramdaman ang pag-angkin nito."Anong totoo?" interesadong tanong nito."That I'm in love with you," nahagilap niyang sabihin. Kahit naman nawawala siya sa kanyang sarili dahil sa nakikita niya'y hinding-hindi pa rin niya gugustuhin na mabuking siya ni Jeremy. Hindi pa siya handang ip

  • Agent Ex-Lover   Chapter Twenty Six

    ALAM man ni Katrina na isang masamang panaginip lang iyon pero ang kaba na nasa kanyang puso ay hindi mawala-wala. Pakiramdam niya talaga ay may hindi magandang mangyayari kaya ng mga sumunod na araw ay parang nawawala siya sa sarili."Huwag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano riyan," naiiritang sabi sa kanya ni Ysabelle nang tawagan niya ito. Gusto sana niya itong papuntahin pero baka masyado lang siyang nagiging OA saka hindi rin naman niya sariling bahay ito para mag-aya na lang palagi ng bisita.Kahit naman asawa siya ni Jeremy at dito rin mapupunta ang Rosales Mansion at Hacienda Rosales, hindi pa rin siya dapat laging nagyayaya ng bisita dahil pakiramdam niya ay wala siyang karapatan. Sumasagi pa rin kasi sa isip niya na kaya siya pinakasalan ni Jeremy ay dahil sa mamanahin nito."Alalahanin mo ay ang anak mo. Baka naman magmukhang monster 'yan kung wala kang ibang iniisip kundi si Flaviano.""Huwag ka ngang ganyan," gilalas ni

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status