“LOLO Segundo…” Hindi makapaniwalang bulalas ni Jeremy nang makitang bumaba sa Starex van ang matandang lalaki matapos itong pagbuksan ng driver/bodyguard nito.
Magmula nang umalis siya sa Hacienda Rosales ay hindi man lang niya ito tinawagan para makapag-explain. Masyado kasing naokupa ni Katrina ang kanyang utak dahil sa matinding pag-aalala at determinasyon na makuha ito buhay sa fiance nito kaya naman nagtaka siya kung paanong nalaman ng Lolo Segundo niya kung nasaan siya. Napaungol lang siya at napamura nang maalala niyang nag-video chat nga pala sila ni Ronnie para ipaalam niya rito kung anong nangyari sa kanya.
Matalik na kaibigan niya ito kaya naman dapat lang na sabihin niya rito ang tungkol sa pagpapakasal niya kay Katrina. Kahit na ikinabigla nito ang bilis ng pangyayari, hindi naman nito napigilan ang humalakhak sa paraan na ginawa niya para mapadali na mapapayag niya si Katrina na magpakasal sa kanya. Kahit na inulan siya ng panunukso ni Ronnie, hindi niya nakuhang mapikon dito. Napangiti pa nga siya dahil bihirang-bihira niya itong makita na masayang-masaya.
"Mabuti naman at kilala mo pa ako," inis nitong sabi sa kanya pero hindi naman ito sa kanya nakatingin. Matapos kasi siya nitong tapunan ng ubod talim na tingin, iginala na nito ang tingin sa buong paligid na para bang sinusuri ng husto ang kanilang tinitirhan. Ang bahay nila ni Katrina ay two-storey house at mayroong terrace. Nasa 300 square meters ang bahay na may apat na kuwarto ngunit dahil nga sa 600 square meters naman ang lupang binili niya ay pwede niya iyong i-expand pa.
"Huwag ka na magtampo, lo. Sorry na."
“Maganda naman itong lugar na binili mo pero nakalimutan mo na bang ikaw ang magmamay-ari ng Hacienda Rosales? Well, pwede n’yo namang gawing bahay bakasyunan na lang ito,” wika nito na hindi pa rin tumitingin sa kanya. Nangangahulugan lang na may tampo pa ito sa kanya.“Lolo…” bulalas niyang hindi naman malaman kung paano ba uumpisahan ang pagpapaliwanag.
Noon ito tumingin sa kanya. “Mabuti naman at alam mong may lolo ka,” sarkastikong sabi nito. Ang tingin naman nito ay puno ng pagdaramdam. “Nakalimutan mo yatang imbitahan ako sa kasal mo.”
“Lolo…”“Wala ka na bang ibang sasabihin kundi Lolo?”Hindi pa rin niya makuhang kumibo. Talaga naman kasing wala siyang maikatwiran. Kung siya man ang naging ama talagang magdaramdam siya kaag hindi inimbitahan ng anak sa sarili nitong kasal.
“I’m sorry.”“Talagang pinakasalan mo si Katrina?” nakangiting tanong nito. Nakahugis ang ngiti sa labi.“Yes.”“Nasaan si Katrina?” sabik nitong tanong.“Nasa kuwarto pa ho,” aniyang pinigilan ang paghugis ng pilyong ngiti sa labi para hindi nito mabasa na muli’t muli na naman silang nagpakasasa sa bisig ng isa’t isa na umabot nang madaling araw.Natutop niya ang kanyang tiyan dahil ramdam niyang kumukulo na ang tiyan. Nang sulyapan niya kanina ang wallclock ay alas-nueve na at hindi na sila nakapag-dinner ni Katrina. Busog na busog na sila sa kanilang pagmamahalan. Ang isang linggong pagsasama nila bilang tunay na mag-asawa ay parang di pa sapat para mapunan ang ilang taong paghihiwalay nila.
“Mukhang nag-u-overtime ka ng husto para magkaroon ka agad ng tagapagmana.”Kumunot ang kanyang noo ng rumehistro sa kanyang isipan ang sinabi nito. Sa tingin kasi niya’y naniniwala ito na ang pangunahing dahilan kaya pinakasalan niya si Katrina ay dahil sa testamento nito“Mahal ko si Katrina kaya ko siya pinakasalan,” mariin niyang sabi. Ayaw niyang maniwala ito na iba ang dahilan ng kanyang kasal.
Matamis na matamis ang ngiti nito “Alam na alam ko naman iyon at natutuwa akong natauhan ka bago pa mahuli ang lahat Siya nga pala, marami kaming dalang pagkain para naman kahit na wala ako nu’ng araw na ikinasal ka ay maramdaman ko naman na kasalo mo ako sa inyong reception. Sa tingin ko naman ay nagpapalipas na kayo ng gutom,” anitong nakatawa pa rin.
Damn! Hindi niya napigilang ibulalas. Tiyak niya kasing nadinig ng lolo niya ang pag-aalburoto ng kanyang tiyan at naramdaman niyang lalo ang kumulo iyon dahil paglingon niya sa pinanggalingan ng lolo ay ay nagbababa na litson ang driver at ilang tauhan nito. Noon lang din niya napagtanto na may kasunod pa palang delivery van ang mga ito na naglalaman ng iba’t iba pang pagkain at ilang mesa.
“Bakit may mga mesa pa?” kabadong tanong niya.
“May mga bisita kang darating.”
“Ano?” manghang bulalas niya.Ibig man niyang magprotesta, wala na siyang magagawa pa dahil hindi naman niya matatanggihan ang lolo niyang damang-dama niya ang excitement kaya’t naniniwala siya na wala na itong pagdaramdam na di niya naimbitahan sa kanyang kasal. Anyway, ang mahalaga lang naman kay Segundo Rosales ay makita siyang masaya sa piling ng kanyang minamahal at magkaroon siya ng tagapagmana.
KAHIT na alam ni Katrina na may nangyayaring komosyon sa labas ng silid nilang mag-asawa, hindi pa rin niya napigilan ang mabigla ng sabihin ni Jeremy na nasa kanilang bahay ang lolo nito, maraming dalang pagkain at bisita
“I’m sorry, love.”Napangiti siya sa paggamit nito ng endearment “Kung magsalita ka naman parang may kasalanan kang nagawa. Nabigla lang naman ako sa sinabi mo dahil parang hindi ako ready,” nakangiwing sabi niya.
“Marami ka namang nabiling damit online hindi ba. May mga panlakad din naman. Hindi mo naman kailangang magsuot ng gown,” natatawang sabi nito
“Hindi naman mga damit ang tinutukoy ako. Magugustuhan ba ako ng lolo mo at ng iba pang bisita?” nag-aalangan niyang tanong at ang lakas-lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Hindi naman kasi siya ang tio ng babae na mahilig sa party. Gusto pa nga niyang magkulong sa kanyang kuwarto kaysa lumabas ng bahay. Nang magpa-photoshoot siya na nakasuot ng damit pangkasal ay sobra siyang hiyang-hiya. Pinagbigyan lang niya si Flaviano na maipangalandakan ang pag-iisang dibdib nila.
“Gusto ka ng lolo. Nag-meet na kayo noon. Nandiyan din ang iba ko pang kamag-anak.”
Napahugot siya ng malalim na buntunghininga at hindi niya maiwasan ang makaramdam ng disappointment dahil wala sa mga nabanggit ang kanyang pamilya. “Sila lang?”
“May iba pa.” Nakangiti nitong sabi.
Namilog ang kanyang mga mata. “Mas kinabahan kasi siya.”
“Please, hon.”
“May magagawa pa ba ako?” aniyang tumayo na sa kama.
“Wait, sweety.”
Nalilito na ako sa mga endearment mo sa akin. Ano ba talaga -- love, hon o sweety?” Nakangiti niyang tanong dito.
Agad naman itong lumapit sa kanya at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi. “Lahat ng endeament na naimbento sa mundo para sa’yo lang. Sabay na tayong maligo para tipid sa oras,” nakangiting sabi nito.
“Jeremias, may mga bisita…”
“Ligo lang ang gagawin natin.”
Tinaasan niya ito ng kilay. Ipinahihiwatig niyang hindi niya kayang paniwalaan iyon
Natawa naman ito “Promise,” wika nito sabay hila sa kanya.
Ngunit sabi nga, promises are made to be broken. Gayunman, sa lahat ng pangakong hindi natupad dito siya siyang-siya. Para kasi siyang laging nakatuntong sa heaven.
AGAD na bumalong ang luha sa mga mata ni Katrina nang makita ang kanyang mga magulang, ang kanyang Tita Eta, si Ysabelle at ang kanyang Ninong Sunday
“Dad, Mom, I’m sorry…” wika niya bago niyakap ang kanyang mga magulang at gumanti rin ng yakap ang mga ito sa kanya.
“Mas hindi ka namin mapapatawad kung kay Flaviano ka nagpakasal,” bulong ng kanyang ina habang hinahagod ang kanyang likod. “Dahil alam naming kay Jeremias ka lang liligaya.”
Ayaw sana niyang humagulgol ng mga oras na iyon kaya lang hindi niya napigilan ang kanyang emosyon. Ilang beses na kasi iyong sinabi ng ina niya dati pero ayaw niya itong pakinggan. Paano, ayaw niyang aminin sa iba ang tunay niyang nararamdaman lalo pa’t hindi niya tiyak kung magkakaroon pa ba ito ng katuparan.
“Huss, tama na ang iyak,” wika naman ng ama niya na hindi rin napigilan na yakapin. “Ang daming bisita tapos iiyak ka ng ganyan.”
“Oo nga, baka sabihin ng marami na pinapaiyak ka nitong si Rosales,” singit naman ng kanyang Ninong Sunday
Magtatanong sana siya pero sumingit ang kanyang Tita Eta. “‘Yang ligaya na ‘yan ang gusto kong makita sa kasal mo.”
“'ta, nandito tayo ngayon para mag-celebrate. Huwag mo na akong sermunan,” nakangiti niyang sabi rito.Niyakap siya nito. “ Hay, ang pamangkin ko, may asawa na. Malakas pa ako kaya ako ang mag-aalaga sa magiging anak mo.”
"NAPAKASUWERTE mo talaga, pinsan ko. Lahat na lang ng gusto mo ay nagagawa mong makuha."
Hindi niya nakuhang mangiti man lang sa sinabing iyon ni Joshua dahil sigurado niyang hindi naman ito natutuwa. Nag-uumapaw nga sa sarkasmo ang boses nito kaya sigurado siyang ang bawat kataga nito ay may kalakit na inggit lalo na at siya ang tagapagmana ng kanyang Lolo Segundo dahil siyaang panganay nitong apo.
Ang tradisyon kasi ng kanilang mga ninuno. Ang panganay na lalaki lamang ang magmamana ng Hacienda Rosales.
"Napakaganda ng asawa mo."
Kumunot ang noo niya sa paraan ng pagkakasabi nito sa mga salitang iyon habang nnakatitig kay Katrina na puno ng pagnanasa. Para tuloy gusto na niya itong sapakin ngunit pinigilan pa niya ang sarili. Hindi rin naman niya gugustuhing makagawa sila ng eksena at alam niyang iyon ang gustung-gustong mangyari ng pinsan niya.
Bata pa lang sila ay matindi na ang galit nito sa kanya at alam niyang may kasalanan din doon ang mga magulang nito dahil itinanim ng mga itong kundi dahil sa kanya ay si Joshua dapat ang magmamana ng buong hacienda. Marahil iyon din ang isang dahilan kung bakit hindi siya nagpapakita ng interes sa hacienda Rosales. Pakiramdam niya kasi iyon ang dahilan kung bakit marami sa mga kamag-anak niya ang nagagalit sa kanya.
"Salamat sa papuri mo sa asawa ko pero sana alisin mo na sa kanya ang tingin mo, marami pa namang iba diyan. I'm sure, madali lang sa'yong makahanap ng iba dahil eksperto ka naman pagdating sa babae."
"Sa parte 'yan lang naman ako nakakalamang sa'yo pero kung may iba akong pipiliin, 'yung bestfriend mo na. Panalo rin kasi ang isang iyon kahit na maton kung pumorma. Ang laki pa ng boobs."
Sa puntong iyon ay hindi na siya nakapagpigil at sinapak ito. Naniningkit ang kanyang mga mata at dinuro ito. "Huwag kang bastos, ah."
"Jeremy," nag-aalalang sabi ni Katrina nang lumapit sa kanila. Mabuti na lang at nasa loob sila ng bahay habang ang mga bisita ay nasa may garahe. "Anong nangyari?"
Naningkit ang mga mata niya nang maalalang binigyan din nito ng nambabastos na tingin ang kanyang asawa kaya naman agad niyang pinulupot ang bisit niya sa kanyang misis. Ilang beses siyang nag-inhale-exhale para payapain ang kanyang kalooban.
Ngumisi naman si Joshua sa kanya at mabilis na pinahid ang gilid ng labi na nagdurugo. ""Bakit kaya mas nagalit ka sa sinabi ko tungkol sa bestfriend mo kaysa sa tingin ko kanina sa asawa mo? Mas mahalaga ba si Veronica sa'yo?"
"Damn you," gigil niyang sabi. Gusto sana niyang muling suntukin ang kanyang pinsan pero pinigilan siya ni Katrina at napahinto rin siya dahil sa tingin nito sa kanya. Kahit hindi nito sabihin ay alam niyang nakatatak sa isipan nito ang sinabi ng kanyang pinsan ngunit walang salitang lumabas sa bibig nito.
"Pinipigilan ko kanina ang sarili kong huwag magalit dahil ayokong makita ng bisita na may nag-aaway pero hindi ko napigilan ang sarili ko ng bastusin niya si Veronica."
"It's okay," sabi sa kanya ni Katrina pero hindi niya magawang kumalma. Alam kasi niyang may mga tanong na naglalaro din sa utak nito na hindi magawang sabihin. Isa pa, si Veronica ang naisip niyang gamitin dati sa pakikipagkalas niya kay Katrina.
SINO ba talaga si Veronica sa buhay mo? gusto sanang itanong ni Katrina ngunit hindi niya magawa. Ewan nga lang niya kung dahil ba sa ayaw niyang tuluyang masira ang araw na iyon o dahil sa natatakot siya sa isasagot ni Jeremy. Kung matalik na magkaibigan lang naman kasi talaga ang dalawa, hindi ba dapat ay naririto si Veronica?
Ang hiya at agam-agam na naramdaman kanina ni Katrina ay tuluyang napalis. Paano ba naman kasi, ang higpit ng yakap sa kanya ni Lolo Segundo nang ipakilala siya rito ni Jeremy bilang asawa. Hindi nga lang nga nakaligtas sa kanyang paningin ang ilang bisita na panay ang irap sa kanya. Ewan nga lang niya kung dahil sa hindi siya gusto ng mga ito o baka naman may iba pang dahilan.
"Bakit ba ganu'n sila?" nagtatakang tanong niya kay Jeremy. Hindi na kasi siya nakatiis dahil kahit panay ang ngiti niya sa mga ito at panay naman ang ingos sa kanya.
"Huwag mo na sila pansinin. Hindi sa'yo galit ang mga 'yan kundi sa akin."
"Why?"
"Dahil sa hacienda," walang gana nitong sabi.
Napabuntunghininga na lang tuloy siya sa sinabi ng kanyang mister. Kahit kasi kailan ay nagiging hadlang ang pera para magkaroon ng magandang samahan ang magkakamag-anak kaya naman hindi na lang niya pinansin ang mga kamag-anak ni Jeremy para hindi siya ma-badtrip.
Saka, mas nag-aalala siya sa pinsan dahil kanina pa niya ito pinagmamasdan pero parang wala sa sa sarili. Daig pa nga nito ang namatayan. Close sila nito kaya alam niya kung kailan ito may problema at sa tingin niya pasan nito ang mundo. Nang hindi na siya makatiis ay binulungan niya si Jeremy na kakausapin lang niya ang pinsan niyang nagmimistulan ng si Pinocchio sa haba ng nguso.
Nang mag-excuse ito para mag-cr ay sinundan na niya ito para alamin ang problema nito Ngunit, siyempre, hindi niya ito matatanong kung may ibang tao. Mabuti na lang din na may tao sa cr kaya nagawa niyang sabihin dito na gamitin na lang ang cr sa kuwarto nila ni Jeremy.
Eksakto namang pagkatapos nitong mag-cr ay naramdaman din niya ang pamimigat ng kanyang antog kaya’t kinailangan din niyang gumamit ng cr. Sinabi niya kay Ysabelle na sabay na silang bumaba pero wala na ito sa kuwarto nila mataos mag-cr. Pababa na sana siya nang makarinig siya ng impit na paghikbi sa may terrace.
Si Ysabelle.
“Hey, Couz.”
“Ang swerte mo talaga,” anitong hindi naman siya pinag-aksayahang lingunin. Alam niya kung bakit. Hilam na hilam na ito sa pagluha at hindi ang tio nito ang gugustuhin na makita ng iba na nasa miserableng kalagayan. Ang ibig kasi nito ay laging maganda sa paningin ng lahat.
“Dahil kasal na ako?”
“Dahil kasal ka sa lalaking mahal mo.”
“Ano ba ang problema?” nag-aalalang tanong niya. Muli na naman kasi itong umiyak. Sa pagkakataon na iyon, humagulgol na ito.
“Gusto akong ipakasal ng Papa sa lalaking hindi ko mahal. And worst, hindi ko pa nakikita.” Umaatungal na nitong sabi.
Kung hindi nga lang masyadong seryoso ang pinagdaraanan nito, ibig niyang pagtawanan ang ginagawa ni Ysabelle. Nagpapadyak ito na parang bata ‘Yung spoiled brat na hindi nakuha ang gusto.
"Paano kung guwapo naman pala?"
"Hindi maniniwala na guwapo iyon. Kung guwapo kasi iyon, hindi mahihiyang ipakita ang hitsura sa akin. Kaya, nakakasigurado akong pangit iyon. Baka nga matanda pa. Shucks, talagang gagawin ko ang lahat para hindi kami magkatuluyan ng kung sinumang lalaki iyon. Wala akong pakialam kung alisan man ako ng mana ng Papa."
"Sus, hindi ako maniniwalang kaya mong mabuhay na walang pera," sabi niya rito.
Tumalim ang tingin nito sa kanya. "Pero, ayokong malahian ng pangit."
"Paano kung pogi?"
"To see is to believe," nakaingos nitong sabi sabay halukipkip. “Ah, basta hindi ako magpapakasal gagawin ko ang lahat para umatras sa kasal namin.”
Siya naman ay napangiti. Alam niyang kahit paano ay nakalmante na niya ang kanyang pinsan. Ngunit, ang puso niya ay hindi makalmante. Talaga kasing nag-aalala siya dahil pakiramdam niya ay hindi lang basta bestfriend si Veronica sa buhay ni Jeremy.
“HAY salamat,” wika ni Jeremy matapos siyang bigyan nang maalab na halik sa labi.
Siyempre, hindi rin niya napigilang tugunin ang halik nito Talaga kasing na-miss niya ito kahit ilang oras lang natuon ang pansin nila sa ibang tao. Sa pag--entertain ng mga bisita at sa panig niya, patahanin ang pinsan niyang spoiled brat. At kahit nasa iisang lugar lang sila ay parang miss na miss nila ang isa’t isa palagi..
“Wala ng mga istorbo.”
Humagikgik siya. Naalala din niya ang pangako ni Jeremias sa lolo nito na magbabakasyon sila sa Hacienda Rosales kung ayaw nitong mag-overnight sa bahay nila ang lahat ng kanilang bisita.
“I miss you,” hindi niya napigilang sabihin.
Muling inangkin ni Jeremy ang labi niya matapos ibulalas ang, “I miss you more.”
Sa pagpapalitan nila ng halik ay dama na niya ang init na unti-unting nabubuhay sa kanilang mga katawan kaya hindi na siya nagulat ng kargahin siya ni Jeremy parang bagong kasal. Well, isang linggo pa lang naman silang nagsasama. Tantiyado ni Jeremy ang bawat paghakbang kaya kahit hindi napipigtal ang kanilang paghahalikan ay nagawa nitong maiakyat siya at maihiga sa kama.
Ang lakas ng pagsinghap niya nang maramdamang gumagala na ang mga kamay nito sa kanyang katawan.
“Ang lalim naman nu’n,” natatawang sabi ni Jeremy matapos siyang magpawala nang malalim na buntunghininga at makaramdam pagod. Naka-4 rounds din sila, in different position.
“Naaawa ako sa pinsan ko,” wika niya makalipas ang mahabang katahimikan.
“Kay Ysabelle?”
“Gusto siyang ipakasal ng Papa niya sa lalaking hindi niya mahal,” malungkot niyang sabi. “Naaawa ako sa kanya dahil alam kong hindi siya magiging maligaya kapag hindi siya nagpakasal sa lalaking tunay niyang minamahal,” aniya habang pahina nang pahina ang kanyang pagsasalita. Alam niya kasing magiging ganoon din kamiserable ang kanyang buhay kung natuloy ang kanyang kasal kay Flaviano kaya nagsumiksik na naman siya kay Jeremy niyakap pa ito, “Mabuti na lang dumating ka.”
Nilaru-laro naman nito ang kanyang buhok. “At mabuti, hindi mo ako iniwan pagkatapos kitang kidnapin.”
“Hindi ko magagawa iyon dahil mahal kita.” Ang lakas ng pagsinghap nito.
“Kaya magpapakasal ka?”
Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. “Iyon lang ang paraan para tuluyan kitang makalimutan. Jeremy. ..”
“Katrina…”
Natampal niya ang braso nito Alam niya kasing kaya lang nito binanggit ang pangalan niya ay dahil gusto lang nitong gayahin ang paraan ng pagbanggit niya sa pangalan nito. Gayunman, hindi niya napigilan ang mapangiti ng husto. Ang sarap-sarap kasing marinig na binabanggit nito ang kanya nga pangalan ng buong lambing.
“Hindi ko na kakayaning mawala ka ulit.”
“Hindi na mangyayari iyon."
“Sana nga…”
MATAPOS na ang dalawang oras ay nakikita na ni Katrina na lumalamig na ang ulo ng kanyang asawa. Hindi na kasi nito binabato ang mga damit nito para ipasok sa maleta. Humuhugot na lang ito nang malalalim na buntunghininga para mas makampante na ang kalooban nito.
Matapos magbigay ng sorpresang reception ni Lolo Segundo ay hindi na nito tinantanan si Jeremy sa pangungulit na sa Hacienda Rosales na sila mag-stay. Bilang apo na tagapagmana, si Jeremy na kasi ang dapat mamamahala ng hacienda kaya napagkasunduan na lamang nilang gawing bahay bakasyunan ang bahay sa Tagaytay.
“Okay ka na, asawa ko?” tanong niya sabay kandong dito.
Awtomatiko namang pumulupot ang kamay nito sa kanyang katawan. “Paanong hindi ako magiging okay kung ganyan ang tawag mo sa akin? Asawa ko. I like it. And you are mine.” wika nito saka siya hinalikan sa labi Akala niya’y sandali lang iyon pero sinapo nito ang likod ng kanyang ulo para mas lumalim ang paghalik nito.
Nang magpasya siyang sundin na lang kung ano ang tinitibok ng kanyang puso ay puro kasiyahan na lang ang kanyang nararamdaman. Mahal naman niya talaga si Jeremy kaya bakit pa niya ito titikisin. Ayaw na rin talaga niyang pahirapan pa ang kanyang sarili. Hindi na rin siya nagtanong kay Jeremy ng tungkol kay Veronica. Mas gusto niyang pagkatiwalaan na lang ito tutal siya naman ang asawa.
“Nakapanlakad na tayo,” wika niya nang maramdaman niya ang kamay nitong gumagala na naman sa kanyang katawan. Bawat madaanan nito ay nagbibigay sa kanya ng init kaya naman hindi niya mapigilan ang mapaliyad at mapabulalas ng ‘ohhh’.
Ngumiti ito. “Pwede namang magbihis na lang ulit. No. Mas maganda kung sabay ulit tayong maliligo.”
Hindi na niya nagawang makapagprotesta pa ng marahan siya nitong ihiga sa kama at hubaran habang nakatitig sa kanyang mga mata. Wari’y ipinapahatid nito sa kanya kung gaano siya minamahal kaya’t paulit-ulit na naman niyang naramdaman kung paano umakyat sa langit.
Napaungol si Jeremy nang tumunog ang cellphone nito. Napahagikgik siya nang iharap nito sa kanya ang screen ng cp para malaman niyang si Lolo Segundo ang tumatawag.
“Hello, lo…”
Hindi man ini-on ni Jeremy ang speaker ng cellphone nito pero dinig na dinig pa rin niya ang sinasabi ng matandang lalaki. “Nasaan na ba kayo? May handaan dito mamaya at makikisaya ang mga tauhan natin dahil nag-asawa ka na sa wakas,” sarkastikong sabi pa ni Lolo Segundo sa dalawang huling kataga.Hindi tuloy niya napigilan ang mapahagikgik. Isinubsob lang niya ang mukha sa leeg ni Jeremy para makulong doon ang kanyang tawa.
“Magpapahinga lang kami sandali.”
“Ginagawa ba ninyo ang apo ko?” excited nitong tanong.
Ang inaasahan niya ay ang paghalakhak ni Jeremy bilang pag-amin pero biglang nagbago ang mood nito. Nakita nga niyang bahagyang tumigas ang mukha nito at naramdaman din niya ang pagkuyom ng kamao nito na nakapatong sa kanyang balikat.
“Gayak na tayo,” wika nito sabay balikwas nang bangon.
"OH, my God!" hindi makapaniwalang bulalas ni Katrina nang pumasok na ang sasakyan nila sa Hacienda Rosales. Kahit naman kasi alam niyang ipinaghanda na naman si ni Lolo Segundo ay nakagugulat pa ring makita niya na parang mayroong fiesta dahil sa dami ng handa na nasa bakuran ng mga Rosales at marami ring bisita na naroroon na alam niyang karamihan ay mga tauhan ng hacienda base sa suot ng mga ito. "Ganyan ka-OA maghanda sa akin ang Lolo Segundo kaya marami akong pinsan na nagagalit sa akin. Dama kasi nilang ako ang paborito ng lolo kahit na nga hindi ako gaano tumutulong dito sa hacienda." "Dapat nga kasi talaga itong hacienda na lang ang pagtuunan mo ng pansin," hindi niya napigilang sabihin. Kahit na nakaparada na sila ay hindi pa rin nila nagawang bumaba. Hindi pa rin naman kasi pinapatay ni Jeremy ang sasakyan saka alam niyang hindi siya nito hahayaang bumaba mag-isa. Mas gusto nitong alalayan siya sa kanyang pagbaba. Siyempre,
PALPAK man ang kanyang planong paghihiganti, hindi dahilan iyon para mawalan siya ng pag-asa na makapaghiganti. Kailangan lang makaisip siya ng tamang strategy para makapaghiganti. Hindi naman kailangang agad-agad siyang lulusob. Mas maganda iyong pinagpaplanuhan munang talaga ang paghihiganti para magtagumpay. Marahas na buntunghininga lang ang pinawalan niya sa sobrang inis dahil naisahan siya sa kanyang plano. Kahit kasi gaano kabuti ang ipakita niya sa pamilya ni Katrina ay hindi naniwala ang mga ito. May mga sandali tuloy na inisip na lang niyang hagisan ng granada ang bahay ng mga ito para makasiguro siyang maglaho na sa mundong ito si ex-General Leopoldo San Juan, pati na rin ang pamilya nito. Kaya lang, tiyak niyang hindi magiging lubos ang kaligayahan niya kapag simpleng kamatayan lang ang sasapitin ng mga ito. Naghirap ang tunay niyang ama sa bilangguan bago pinatay at katakut-takot na hirap din ang kanyang pinagdaanan bago siya napunta sa mga S
AYAW sanang paniwalaan ni Jeremy ang sinasabi ni Katrina na hindi siya ang ama ng dinadala nito ngunit naisip niya, anong dahilan nito para magsinungaling sa kanya. Marahil, ayaw lang talaga nitong dayain siya kaya kahit na alam nitong masasaktan siya ay sinabi na lang nito sa kanya ang katotohanan. Tutal, simula pa lang naman ay hindi na itinago sa kanya ni Katrina na may namagitan dito at kay Flaviano Samonte.Masakit man sa kanya na may ibang nakatalik si Katrina nu'ng panahong nagkahiwalay sila, hindi naman niya ito masisi. Kung tutuusin naman kasi ay siya ang higit na may kasalanan. Iniwanan niya si Katrina at bago niya ginawa iyon ay sinaktan muna niya ito. Ipinamukha niya rito na hindi niya ito gustong maging ina ng kanyang anak.Hindi nga siya nakasisiguro kung nagawa na nga ba siyang patawarin ni Katrina sa mga salitang nasabi niya rito dahil siya, hindi pa niya nagagawang patawarin ang kanyang sarili dahil sinaktan niya ng matindi ang babaeng kany
"SO, nagsinungaling ka sa asawa mo?" "Medyo lang," nakangiwing sabi ni Katrina sa reaksyon ng pinsan. Halos sumigaw kasi ito sa loob ng guestroom dahil sinabi niya ang dahilan kung bakit niya ito pinapunta. Nilabas niya rito ang sama ng loob na nararamdaman niya. Kung wala kasi siyang mapaagsasabihan ay siguradong mas lalala pa ang galit na nararamdaman niya para kay Jeremy. "Medyo? Sinabi mong hindi siya ang ama ng anak mo tapos sasabihin mong medyo nagsisinungaling ka lang sa kanya?" highblood na tanong sa kanya ni Ysabelle. Hindi naman kasi ang tipo ni Ysabelle ang kukunsintihin ang kanyang kamalian kaya hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon ang reaksyon nito. "Ang boses mo naman," nag-aalala niyang sabi. Matalim na tingin ang binato niya rito. "Ninang ka, ha," wika niya pagkaraan. Masuyo ang kanyang boses dahil gusto niyang lambingin ang pinsan. "Kahit sino pa ang 'ama' niyang dinadala mo, ako ang magiging ninang niyan," wika nitong humina na rin ang boses. Alam niyang
BILANG lalaki, masakit talaga sa ego na akuin mo ang anak ng asawa no sa iba, pero, bakit pakiramdam niya'y walang katotohanan ang sinabi sa kanya ni Katrina?Nang una niya ulit itong angkin, pakiramdam niya'y wala naman talagang nakapasok pa dito dahil parang ang sikip pa rin nu'n na parang matagal na hindi napasukan. Pakiwari niya'y mga tatlong taon na rin. Tapos, damang-dama din naman niya ang pananabik sa kanya ni Katrina. Kaya nga lang, kung talagang hindi naman ito nagalaw ng ex nito'y bakit ipinagpipilitan sa kanya ni Katrina na anak nito kay Flaviano Samonte ang dinadala nito.Napabuntunghininga na lang siya nang maisip niyang baka naman nagsasabi ito ng totoo at in-denial lang talaga siya. Baka hanggang ngayon ay umaasa siya na hindi talaga siya napalitan ni Katrina. Saka, baka naman kaya sinasabi sa kanya ni Katrina palagi na si Flaviano ang ama ng dinadala nito ay dahil ibig lang nitong maging tapat sa kanya.Ang ipinagtataka lang niya ay
"SANA ay maging lalaki ang una kong apo sa tuhod." Nakangiting sabi ni Lolo Segundo nang puntahan siya nito sa may balcony na nasa third floor. Mula roon ay nakikita niya si Jeremy na parang seryosong-seryosong nakikipag-usap sa cellphone nito. Iniwas lang niya ang tingin dito dahil parang hindi niya nagugustuhan ang klase ng ngiting nasa labi nito. Parang masyadong matamis iyon at nakakaramdam siya ng inis. Tiyak niya kasing babae ang kausap nito dahil kung hindi, 'di na nito kailangan pang lumayo sa kanya na para bang may sikreto itong matutuklasan niya. "S-sana nga ho," sagot niya sa matandang lalaki habang hinihimas pa niya ang kanyang puso. "Sigurado hong matutuwa si Jeremy." "Lalo na ako," mariin nitong sabi. "Siyempre, may magdadala na naman ng apelyidong Rosales." Maang siyang napatingin dito. Kung magsalita kasi ito ay para bang si Jeremy lang ang apo nito samantalang marami pa itong apong lalaki. Ngumiti ito na para bang nabasa ang kanyang pagtataka. "Para sa akin kas
"IKAW din naman ang may kasalanan, eh," wika ng Lolo Segundo niya nang lumabas siya ng kuwarto. Kumunot tuloy ang noo ni Jeremy. Hindi kasi siya nakakasiguro kung siya nga ba ang sinasabihan nito pero sa kanya lang naman ito nakatingin kaya tiyak niyang siya ang kausap nito. Malalim na buntunghininga na lamang ang kanyang pinawalan. Sa palagay niya ay wala naman siya talagang maitatago sa kanyang Lolo Segundo. Ito ang nagpalaki sa kanya kaya kilalang-kilala siya nito. Isa pa, kasama nito kanina si Katrina kaya alam nito kung anong ginawa niya. "Mahalaga ba talaga sa'yo ang asawa mo?" nagdududang tanong nito. Salubong na salubong ngayon ang kilay nito at matiim na matiim na nakatitig sa kanya. "Siyempre naman po," mariin niyang sabi. "Pero, mas binigyan mo ng oras ang bestfriend mo," mariin nitong sabi sa kanya. "Lo naman..." "Kapag may asawa ka na, ang asawa mo na dapat ang priority mo. O baka naman..." "Mahal ko ho si Katrina," putol niya sa sasabihin ng kanyang lolo. Ay
IBIG magalit ni Jeremy dahil hanggang sa panaginip ni Katrina ay pinapasok ito ni Flaviano pero kailangan niyang kontrolin ang kanyang emosyon. Wala iyong magandang kahihinatnan. Tiyak pang makikita ni Katrina kung gaano siya nagseselos. Sa tingin naman niya ay mas maigi kung makikita niyang nagseselos siya para malaman ni Katrina na talagang mahal niya ito pero mas nanaig pa rin ang kanyang pride at ipinakita niyang balewala ang naging panaginip nito. Ngunit, ang totoo, hindi niya napigilan ang makaramdam ng takot. Nangangamba siya na baka isang araw ay mawala pa rin sa kanya si Katrina. Ang nag-iimbestiga kasi sa pagsabog ng sasakyan ni Flaviano Samonte ay parang hindi kumbinsido na patay na nga si Flaviano. Kaya, mas kinakabahan siya. Kahit kasal na sila ni Katrina, may posibilidad pa ring iwanan siya nito kung mas matimbang pa rin si Flaviano sa puso nito. Hindi tuloy niya napigilan ang magmura. Hindi siya papayag na mangyari iyon. Kahit pa si Flaviano ang mahal ni Katrina
IBIG sana ni Katrina na kumontra sa mga naririnig na pag-uusap nina Jeremy at ng kanyang Ninong Sunday pero hindi niya mahagilap ang kanyang boses. Siguro dahil sa kinakabahan siya sa kanyang mga naririnig. Ang sabi kasi ni Jeremy ay lumuwas sila at nagpunta sa Samonte Hospital kaya parang may kakaiba raw itong nararamdaman sa pagpasok nila roon. Gusto sana niyang sabihin dito na ang tanda-tanda na nito para maniwala sa multo pero hindi niya magawa. Para kasing hindi lang multo ang ibig ipahiwatig ni Jeremy. Kahit tuloy matagal niyang nakarelasyon si Flaviano, parang ngayon lang siyang nakaramdam ng takot dito. Maaaring sa mahabang panahon ay naging bulag siya para makita niya ang tunay nitong ugali gayung lahat ng kapamilya niya ay nagsasabi na hindi nito gusto si Flaviano. Hindi naman niya masasabing dahil sa pag-ibig iyon kaya mabuting nilalang ang tingin niya kay Flaviano. Tiyak niya kasi kung sino lamang ang lalaking kaya niyang ibigin. Si Jeremy lamang. Kaya, walang problema sa
MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Jeremy. Kung siya lang talaga ay hindi niya gugustuhing magpunta sila ni Katrina sa Manila -- lalo na sa Samonte Hospital. Ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksyon si Katrina sa nakaraang pag-ibig nito dahil siya na ang asawa nito at naniniwala siyang siya na ulit ang mahal ni Katrina. Talaga ba? gusto niyang itanong sa sarili dahil parang mahirap pa rin iyong paniwalaan lalo na't pakiramdam niya'y nagiging malamig sa kanya si Katrina ng nakalipas na araw. Ibig niyang isipin na dahil lang iyon sa pag-aakala nitong pinakasalan lang niya ito dahil sa hacienda. Ngunit, hindi ba noong isang araw ay sinabi na nitong in love ito sa kanya? Gusto niyang paniwalaan iyon pero bakit para ring may nagsasabi sa kanya na iba talaga ang nais tukuyin ni Katrina ng mga sandaling iyon. Bigla tuloy siyang kinabahan. Gusto ko na makipaghiwalay sa’yo, yan ang mga salitang pumapasok sa kanyang isipan pero ipinilig niya ang kanyang uli. Hindi siya naniniwala n
NANINGKIT ng husto ang mga mata niya nang tumino sa kanyang isipan ang kanyang mga nakita at narinig.Kasal na si Katrina?Buntis na ito?Gusto niyang magwala ng mga sandaling iyon pero hindi niya magawa. Parang may makapangyarihang kamay na pumipigil sa kanyang balikat na tumayo buhat sa single sofa na kanyang kinauupuan. Mas gusto rin niya kasing pagmasdan ang babaeng dahilan kung bakit siya sobrang miserable ngayon.Kung maaari nga lang ay gusto niyang lumabas sa kanyang kinaroroonan para makaharap ito at mahalikan kaya lang hindi maaari. Hindi siya maaaring makita man lamang ng kahit na sino dahil lahat ay alam na patay na siya. Maliban na lamang siyempre sa mga magulang niya na sumoporta sa desisyon niyang 'pagpapatiwakal'.Ooppss, sa mata nga pala ng buong Pilipinas, hindi nagpatiwakal si Flaviano Samonte kundi pinatay ito. Nang pumasok kasi siya sa loob ng sasakyan ay sumabog iyon matapos ang ilang minuto.Mabu
"HINDI ka na rin pala makakatakas kay Zander Montellibano," natatawang sabi ni Katrina kay Ysabelle. Kahit hindi pa naikukuwento sa kanya ni Ysabelle ang buong pangyayari ay may ideya na siyang si Zander Montellibano ang sinasabi nitong naka-one night stand nito."Wala na akong balak tumakas," wika ni Ysabelle habang nakatitig sa amang nakaratay sa hospital bed.Mahal na mahal ni Ysabelle ang ama nito kaya kahit alam niyang nagiging pasaway ang kanyang pinsan, tiyak niyang gagawin nito ang lahat para lang mapasiya ang ama nito. Kaya nga mula elementary hanggang highschool ay naging Valedictorian ito at Cum Laude naman ng magtapos ito ng Business Management. Kahit alam niyang kayang-kaya nitong maging Summa Cum Laude ay hindi nangyari dahil natuon na ang pansin nito sa larangan na alam niyang gustung-gusto nito talaga, ang pagiging equestrian. Kinuha lang naman nito talaga ang kursong iyon dahil ito ang gusto ng ama at umayon din naman si Ysabelle na kakailanganin
AGAD inikot ni Jeremy ang kanyang tingin sa paligid. Ramdam kasi niyang may mga matang nakatingin sa kanya. Tiyak niya iyon. Malakas ang pakiramdam niya sa mga taong minamanmanan ang kilos niya."Anong problema?" nagtatakang tanong sa kanya ni Katrina.Sa halip na sagutin niya ito ay hinapit niya ang katawan nito palapit sa kanyang katawan. Kung mayroon mang mga mata na nakatingin sa kanya ay sisiguraduhin niyang magagawa niyang protektahan ang kanyangmag-ina. Kailanman ay hindi niya pababayaan ang mga ito."Wala," sabi na lang niya kay Katrina saka binigyan ito ng matamis na ngiti. Hindi niya siyempre ipapaalam dito ang kanyang hinala. Ayaw niyang mag-alala ito dahil nakasisiguro siyang makakasama lang iyon sa kalagayan nito. Hanggang maaari nga lang ay gusto niyang pasayahin ang kanyang asawa."Hindi ka naman naniniwala sa multo, hindi ba?" biglang tanong sa kanya ni Katrina."What?""Baka kasi iniisip mo na n
KAHIT na sa ospital ng mga Samonte dinala ang ama ni Ysabelle ay pinalis pa rin ni Katrina sa kanyang isipan ang takot. Ewan niya kung bakit para siyang nakaramdam ng panganib ng mga sandaling iyon, bigla tuloy siyang napahamak sa kanyang tiyan. Pakiramdam niya ay kailangan niyang protektahan ang kanyang dinadala.Nang ibaling niya ang tingin kay Jeremy ay nakita niyang nakatitig din ito sa kanya. Hindi nga lang niya magawang basahin ang emosyon nito. Kahit hindi ito magsalita ay alam niyang may ideya na ito kung anong kaugnayan ng hospital na iyon kay Flaviano."Hindi ko alam na dito dadalhin si Tito. Okay lang ba kung bababa tayo?" nag-aalanganing tanong niya."Bakit naman hindi?"Kahit na medyo may kalamigan ang boses nito ay nagawa pa rin niyang ngumiti. Paano ba naman kasi, hinagilap nito ang kanyang palad saka pinisil. Pakiwari niya ay nangangako ito sa kanya na kahit na anong mangyari ay hindi siya pababayaan."Ospita
PARANG gustong mahimatay ni Ysabelle nang mga sandaling iyon. Hindi niya kasi talaga akalain na muli niyang matatagpuan ang lalaking nakatalik niya. Alright, gusto rin naman niya itong makita pero hindi sa ganitong paraan. Para siyang pinaglalaruan ng tadhana gayung siya ang nagbalak na maglaro. "Ehem..." wika ng kanyang ama na nagpalingon sa kanya. Dahil sa dadalawa na lang naman sila ng kanyang ama sa bahay na iyon. Ang kanyang ina ay piniling makipaghiwalay na sa kanyang ama matapos ang mahigit sampung taong pagsasama ng mga ito sa isang bubong. Ani ng kanyang ina, kahit anong gawin nito ay talagang hindi makakayang mahalin ang kanyang ama. Iyon ang dahilan kaya ayaw niyang magmahal. Nangangamba siyang baka sa hiwalayan lang din naman sila mauwi. Kaya nga, itinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa pangangabayo. Isa siyang equestrian. Kaya lang, kahit na sumasali siya sa mga kompetisyon ay hindi niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral. Ku
NANLAKI ang mga mata ni Katrina nang makita niya si Jeremy na nakatayo sa may pinto ng banyo, nakahalukipkip habang nakasandal sa may pintuan. Hindi niya napigilan ang mapalunok. Hindi dahil sa takot na kanyang naramdaman, kundi dahil sa matinding pagnanasa na paulit-ulit niyang nararamdaman sa kanyang asawa.Hubad baro kasi ito at nakatapis lang ng asul na tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito. Kaya naman, nasisiguro niyang wala rin itong suot na panloob. Oh, para tuloy nanuyo ang lalamunan. Pakiramdam niya kasi'y kailangang-kailangan niya ito ng mga oras na iyon. Gusto niyang maramdaman ang mahihigpit nitong yakap, ang mapupusok nitong halik at ibig niyang maramdaman ang pag-angkin nito."Anong totoo?" interesadong tanong nito."That I'm in love with you," nahagilap niyang sabihin. Kahit naman nawawala siya sa kanyang sarili dahil sa nakikita niya'y hinding-hindi pa rin niya gugustuhin na mabuking siya ni Jeremy. Hindi pa siya handang ip
ALAM man ni Katrina na isang masamang panaginip lang iyon pero ang kaba na nasa kanyang puso ay hindi mawala-wala. Pakiramdam niya talaga ay may hindi magandang mangyayari kaya ng mga sumunod na araw ay parang nawawala siya sa sarili."Huwag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano riyan," naiiritang sabi sa kanya ni Ysabelle nang tawagan niya ito. Gusto sana niya itong papuntahin pero baka masyado lang siyang nagiging OA saka hindi rin naman niya sariling bahay ito para mag-aya na lang palagi ng bisita.Kahit naman asawa siya ni Jeremy at dito rin mapupunta ang Rosales Mansion at Hacienda Rosales, hindi pa rin siya dapat laging nagyayaya ng bisita dahil pakiramdam niya ay wala siyang karapatan. Sumasagi pa rin kasi sa isip niya na kaya siya pinakasalan ni Jeremy ay dahil sa mamanahin nito."Alalahanin mo ay ang anak mo. Baka naman magmukhang monster 'yan kung wala kang ibang iniisip kundi si Flaviano.""Huwag ka ngang ganyan," gilalas ni