"HUWAG kang ngumisi diyan na parang may gagawin tayo," inis na sabi ni Katrina kay Jeremy nang nasa loob na sila ng bahay. Umalis na rin ang Daddy niya at ang Ninong Sunday niya pero sinabi ng mga ito na babalik din.
"Hindi ba pagkatapos ng kasal, honeymoon ang kasunod?"
"Heh," inis niyang sabi. Kahit ano kasing galit na gusto niyang maramdaman kay Jeremy, parang marsmallow na lumalambot ang kanyang puso kapag napapatitig na siya rito. Kaya lang, hindi dapat nito makita ang kalambutan niya pagdating dito. "Hindi tayo nagpakasal dahil nagmamahalan tayo. Ayoko lang talaga na ma-disappoint ang Daddy ko sa akin kapag sinuway ko na naman siya."
"Hindi pa rin naman mababago ang katotohanang, akin ka na."
Sa mga salita nito ay parang gusto niyang isipin na mahal na mahal siya nitong talaga kaya nagawang sabihin ang mga salitang iyon pero isang bahagi ng utak niya ang nagsasabi na huwag itong basta paniwalaan. Dahil kapag naniwala na naman siya rito ay maaari na naman siyang masaktan.
"Naging iyo lang ulit ako dahil kasal na tayo. Ayoko na masaktan pa ang Daddy. Sa pagkakataong ito, gusto ko namang maging mabuting anak sa kanya. Tutal naman alam na alam naman ninyo na masamang tao si Flaviano, no choice na ako kundi pumayag na iligtas ang sarili ko. Pero, hindi ibig sabihin noon, makakalimutan ko na ang lahat ng pinagsamahan namin," aniyang tumitig sa mga mata ni Jeremy.
Siguro nga, may pagkakataon na kailangan din naman na magsinungaling lalo na kung ang dahilan nu'n ay para protektahan ang kanyang sarili. Mas maigi na talagang itanim niya sa utak ng kanyang ex-boyfriend na matagal na niya itong nakalimutan at iba na ang kanyang mahal para hindi naman siya magmukhang kahiya-hiya rito. Biruin mo, kahit nagkaroon siya ng ibang karelasyon at nagplano pang magpakasal, pero hindi pa rin ito nawala sa kanyang puso gayung sobra-sobra siya nitong nasaktan dati.
"Makakalimutan mo rin siya."
"Mahihirapan ako."
"Hindi ka mahihirapan."
"At paano ka nakakasiguro?" naghahamong tanong niya rito.
"Dahil ipapaalala ko sa'yo na wala kang ibang mahal kundi ako," mariin nitong sabi sa kanya at bago pa man siya nakapagsalita ay inangkin na nito ang kanyang labi.
Sabi ng utak niya ay kailangan niyang itulak ito dahil hindi niya gustong halikan siya nito pero ang katawan niya ay parang may sariling isip dahil niyakap pa niya angkanyang mga kamay sa leeg nito dahil gusto niyang salubungin ang maiinit nitong halik at hindi rin niya napigilang tugunin iyon.
"I miss you so much..." wika nito.
"I miss you too," wika niyang hindi na pinagana pa ang sinasabi ng kanyang isip. Talaga naman kasing miss na miss na rin naman niya si Jeremy at saka hindi naman kasalanan ang kanilang ginagawa dahil mag-asawa na sila.
KANINA pa gising si Katrina pero hindi pa rin siya dumidilat. Masarap kasi sa pakiramdam na nakabilanggo siya sa mahigpit na yakap ni Jeremy habang nakaunan siya sa malapad nitong dibdib at pinakikinggan niya ang tibok ng puso nito.
Siya ba talaga ang laman ng puso nito? nagdududa pa ring tanong niya sa sarili.
Minsan na siyang pinaasa ni Jeremy Rosales kaya ayaw na niyang umasa na may pag-ibig talaga ito sa kanya. Hindi kasi niya maiwasan ang magduda lalo na't ang pag-kidnap sa kanya ni Jeremy ay may kinalaman sa misyon nito. Marahil, napangakuan lang ito ng mataas na posisyon kaya napapayag na pakasalan siya para 'mailigtas' siya kay Flaviano.
"Anong gusto mong breakfast?" tanong sa kanya ni Jeremy habang hinahagod ang likod niya.
Gusto pa sana niyang manatili sa kanyang posisyon pero ayaw naman niyang isipin ni Jeremy na nasasarapan siya sa kanyang puwesto, kahit iyon naman ang totoo. Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan bago tumayo.
"Saan ka pupunta?"
"Magluluto," walang gana niyang tanong pero sa halip na lumabas ng pintuan ay dumiretso muna siya sa cr. Siyempre bago niya umpisahan ang pagiging mabuting asawa niya niya ay kailangan muna niyang ayusin ang kanyang sarili.
Kahit gusto niyang itago ang tunay niyang nararamdaman, hindi niya napigilan ang mapangiti. Para kasing nag-flash sa isip niya ang mga nangyari sa kanila ni Jeremy. Tanging ito lang talaga ang nakapagbibigay sa kanya ng init para magawang tumugon ng katawan niya.
May mga pagkakataon kasi na sinusubukan ni Flaviano na may mangyari sa kanila pero hindi niya iyon pinahihintulutan at nagpasalamat naman siya at hindi ito nagpilit. Siguro dahil sa gusto nitong ipadama sa kanya na ito ang perpektong lalaki sa kanya kahit alam naman nito na tutol dito ang mga kapamilya niya.
"Shucks," bulalas niya nang mapagtanto niyang pumasok siya ng banyo na wala naman siyang dalang gamit. Tatawagin sana niya si Jeremy para magpaabot ng tuwalya rito nang bumukas ang pinto at pumasok itong may malapad na ngiti sa labi.
"Sabay na tayong maligo," sabi nito saka inilagay sa estante ang mga tuwalya nila.
Magandang-maganda ang ngiti sa labi nito kaya hindi niya ito magawang tanggihan. Hindi rin naman siya nakatitiyak kung gugustuhin din nga ba niyang tumanggi. Eh, 'yun ang gustung-gusto niyang ginagawa nila dati. Ang maligo ng sabay habang ipinararamdam sa isa't isa kung gaano nga ba sila nagmamahalan.
"Ligo lang, ha," sabi niya rito.
"Promise," nakangising sabi nito sa kanya ngunit nang bumuhos na sa katawan nila ang tubig at sinasabon na nila ang katawan ng bawat isa, naramdaman na rin nilang hindi nila kayang tanggihan ang kanilang katawan na kailangan ang isa't isa.
"WAKE up sleepy head," sabi ni Jeremy.
Ayaw pa sanang dumilat ni Katrina dahil pagod na pagod pa siya pero langhap na langhap niya ang bango ng tocino kaya napabangon siyang bigla. Siyempre, paborito niya iyon kaya biglang kumalam ang kanyang sikmura.
"Brunch is ready."
Hindi pa niya napigilan ang lumanghap dahil talagang gustung-gusto niyang maamoy ang tocino nito at pati na rin ang sinangag nitong maraming bawang. Tapos mayroon pang priniritong itlog, bacon at isang pitsel na orange juice. Nakalagay iyon sa tray na mat stand kaya naman pakiramdam niya'y isa siyang reyna na pinagsisilbihan ng kanyang hari.
Sucks, wika niya. Sa kaisipan kasing iyon ay bumilis ng todo ang tibok ng kanyang puso. At hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot. Kahit naman kasi kasal na sila ni Jeremy ay may malaking posibilidad pa rin na masaktan siya sa huli.
"What time na ba?"
"11."
"Oh," bulalas niya. "I'm sorry."
"For what?" nagtatakang tanong sa kanya ni Jeremy pero nagniningning naman ang mga mata.
"Dapat ako ang nagluto ng brunch natin dahil ako ang babae at responsibilidad ng misis na..." napatigil siya sa pagsasalita nang makita niyangngiting-ngiti si Jeremy na para bang siyang-siya sa kanyang sinabi. Siya naman ay parang gustong batukan ang sarili dahil nakalimutan niya ang dahilan kaya kinailangan nilang magpakasal.
"May ibang araw pa naman para pagsilbihan mo ako. But today, hayaan mong ako ang magsilbi sa'yo."
Dahil sa nagugutom na siya ay itinuon na muna niya ang atensyon sa pagkain. Saka ng mga sandaling iyon ay ayaw muna niyang ibaling kay Jeremy ang kanyang atensyon dahil nakakalimutan niyang ito ang ex-lover niya na kinamumuhian niya dahil sobra nitong nasaktan ang kanyang puso.
"Huwag mong iisipin na okay na tayo dahil may nangyari sa atin, ah," wika niya matapos nilang kumain.
hindi ito kumibo pero tumitig sa kanya. Siguro ay gusto nitong malaman kung seryoso ba siya sa kanyang sinasabi.
"Mag-asawa na tayo kaya may karapatan ka sa...katawan ko. Hindi ko naman iyon ipagkakait sa'yo."
"Sinasabi mo bang sex lang ang habol ko sa'yo?" hindi makapaniwalang tanong nito.
"Sasabihin mo na naman bang mahal mo ako?"
"Yes."
"Huwag mo akong gawing tanga. Alam kong may ibang dahilan kaya pumayag ka agad-agad na pakasalan ako. May posisyon bang ipinangako si Ninong Sunday sa'yo? It's fine. Alam ko naman talagang gagawin mo ang lahat para matupad mo ang pangarap mo. Ayoko lang talagang isipin mo na nagawa ko ng kalimutan si Flaviano," nahagilap niyang sabihin pagkaraan.
Masyado ng nasaktan ni Jeremy ang kalooban niya dati kaya hindi na niya hahayaang mangyari iyon. Kaya naman kahit na hindi totoo ang kanyang sinabi, kailangan niyang gamitin ang pangalan ni Flaviano para naman kahit papaano ay maisalba niya ang kanyang ego. Nakagat niya ang pang-ibabang labi ng magmura ito.
Nagkibit balikat na lang siya pagkaraan. "Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin," aniyang hindi na hinintay na sumagot ito dahil kinuha na niya ang pinagkainan nila at inilagay sa tray. Saka, nagmamadaling lumabas sa silid.
SA pagkakaalam ni Jeremy ay matapang siya pero habang nakatitig siya kay Katrina na himbing na himbing na nakasiksik sa kanyang dibdib, hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot. Para kasing may nagsasabi sa kanya na kahit na mag-asawa na sila ay maaari pa rin itong mawala sa kanyang buhay.
Papayagan ba niyang mangyari iyon?
No
Gusto rin naman niyang isipin na may damdamin pa rin sa kanya si Katrina kaya pumayag itong magpakasal pero alam niyang napilitan lang itong gawin iyon dahil sa ama nito. Saka, palagi nitong sinasabi na mahal nga nito si Flaviano.
Sa kaisipang iyon ay parang gusto niyang magwala. Hindi naman kasi karapat-dapat ang lalaking iyon para mahalin ni Katrina ngunit sa palagay niya ay siya naman ang may kasalanan kung bakit nangyari iyon. Iniwan niya si Katrina, sinaktan niya ito kaya napunta sa ibang lalaki ang pagmamahal nito.
Kung kaharap lang niya ang Flaviano Samonte na iyon ay gusto niya itong pagsusuntukin dahil nagawa nitong paglaruan ang puso ni Katrina. At hindi rin niya kayang isipin na nagawa nitong angkinin si Katrina.
Ayaw sana niya iyong ipasok pa sa kanyang utak pero iyon ang paulit-ulit na sinasabi sa kanya ni Katrina na hindi niya malaman kung gusto lang ba nitong saktan siya o baka naman talagang ipinamumukha lang nito sa kanya na nagawa na nitong makapag-move on sa kanya. Napahugot tuloy siya nang malalim na hininga dahil parang may kung anong nakabara sa kanyang dibdib.
Pero, ngayong kasal na si Katrina sa kanya ay hindi na niya hahayaang mapahamak ang kanyang asawa sa kamay ninuman lalo na sa lalaking nagngangalang Flaviano Samonte. Kung talagang naagaw nga ng lalaking iyon ang puso ni Katrina, gagawin niya ang lahat ng paraan para mabawi iyon dahil naniniwala siyang sa kabila ng lahat siya pa rin ang mahal ni Katrina.
TULAD ng sinabi ni Katrina ay gusto niyang siya na ang mag-aasikaso sa kanyang asawa kaya naman sinikap niyang gumising ng maaga para maipagluto ito ng agahan. Maaari ngang iba ang dahilan kaya nagpakasal sila ni Jeremy ngunit hindi niya magagawang itanggi sa kanyang sarili na hanggang ngayon ay mahal na mahal niya ito kaya kung hindi man pag-ibig ang dahilan nito kaya siya pinakasalan ay sisiguraduhin niyang darating ang araw na magagawa rin siya nitong mahalin.
Napabalikwas lang nang bangon si Katrina nang wala siyang makapang Jeremy sa kanyang tabi. Maaari naman niyang isipin na nagpahangin o nag-cr lang ito pero hindi pa rin niya maiwasan na makaramdam ng takot na baka hindi na ito bumalik. Na iniwan na siya nito.
Limang minuto.
Sampung minuto.
Tatlumpung minuto.
O, parang gusto na niyang umiyak. Ibig na niyang sumigaw ng ‘ huwag mo akong iwan’ pero parang paralisado ang kanyang katawan. Hindi siya makagalaw. Ang tangi lang niyang nagawa ay lumuha. Pakiramdam niya kasi’y pagdaraanan na naman niya ang sakit na pinagdaanan three years ago.
Hilam na hilam na siya sa pagluha nang bumukas ang pintuan.
“Anong nangyayari sa’yo?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Jeremy kaya mabilis ang paglapit nito sa kanya.
Ibig pa sana niyang itago rito ang kanyang pagluha pero napakaimposible na magawa niya iyon. Agad na itong nakalapit sa kanya ay hinawakan ang kanyang mukha. Kaya, alam niyang hindi na siya makapagkakaila pa.
“Katrina…” masuyong bulalas nito sa kanyang pangalan at pinakatitigan siya nito.Ibig sana niya itong tarayan dahil sa takot na kanyang naramdaman na mawawala na naman iyo sa kanya ngunit nang magtama ang paningin nila, nalusaw ang lahat ng negatibong nararamdaman niya. Sa halip, niyakap niya ito ng pagkahigpit-higpit. Kung maaari lang ay ayaw na niya itong pawalan pa dahil hindi na rin niya gugustuhin pang mawala ito sa kanyang buhay.“Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong nito sa kanya habang pinupunasan ang luhang umaagos pa rin sa kanyang mga mata.
“Ikaw kasi,” wika niya
Kumunot ang noo nito. “Anong ako kasi?”
Lumunok muna siya ng kung ilang sandali bago niya ito sinagot. “Akala ko iniwan mo na ako.”
Maya-maya ay sumilay na ang matamis na ngiti sa labi nito. “Paano ko naman gagawin iyon, eh, asawa na kita.”
“Saan ka ba galing?” inis pa rin nitong tanong.
“Sa kabilang kuwarto.”“Ayaw mo akong katabi?” Madilim ang mukhang tanong niya.
Pinisil nito ng buong lambing ang kanyang ilong bago sumagot. “Nag-video call kami ng boss ko at binigyan niya ako ng update sa mga nangyayari.”
“Niloloko mo ba ako? Boss mo pero ikaw ang bibigyan ng update at tatawag ng akas tres ng madaling... .”Natigil siya sa kanyang pagsasalita ng mapagtanto niyang hindi nga pala ordinaryong empleyado si Jeremy. Isa itong special agent at posibleng ang misyon nito ay siya.
“Boss mo talaga ang kausap mo?” nagdududa pa ring tanong niya
“Yes.Hindi ako nagsisinungaling sa’yo.”
“Babae ba ang boss mo?”
Ang lapad ng ngiti nito sa kanya. “Lalaki ang boss ko. He's your Ninong Sunday. Kaya tama na ang pag-i-interrogate.Huwag ka na magtampo,” wika nito saka siya binigyan ng mabilis na halik sa labi.
Gosh, hindi makapaniwalang bulalas niya. Naramdaman na naman kasi niya ang wari’y kuryenteng dumaloy sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan. Tapos, pinabilis na naman nito ang pintig ng kanyang puso. Mas lalo pa ngang nagwala ang kanyang puso dahil agad itong tumabi sa kanya.
“Hindi na ako makatulog..”
“Are you suggesting something?” nakangisi nitong tanong sa kanya.
“Ikaw, may gusto ka bang gawin?” naghahamong tanong niya rito
Ngumisi ito saka sinabing, “Ang patulugin ka sa pagod,” wika ni Jeremy bago inangkin ang kanyang labi.
“ALAM mo ba ang dahilan kung bakit ko binili ang bahay na ito?” tanong sa kanya ni Jeremy habang namamasyal sila sa labas ng bahay. Magka-holding hands pa sila. Talaga kaasing gusto na niyang magsimula silang muli ni Jeremy kahit na hindi na nila iyon pinag-uusapan pa tutal wala na rin namang mangyayari kung paulit-ulit lang silang magtatalo. Saka, pakiramdam niya ay nagawa na niyang isuko kay Jeremy ang puso niya pati na rin ang kanyang kinabukasan.
Dahil sa akin? Gustong itanong ni Katrina ngunit pinigilan nito ang kanyang sarili. Baka naman kasi mapahiya siya kapag iba ang isinagot nito “Marami naman talagang dahilan para maisipan mong bilhin ang bahay na ito. Bukod sa maganda ang lugar malamig pa Hindi na kailangan ang mag-aircon”
“Its you,” anitong titig sa kanyang mga mata.
“Ako?”
Matamis na matamis ang ngiti nito ng sumagot. “Tanging ikaw lang ang dahilan kaya binili ko ito. Hindi nga ba sinabi mo dati na kung ikakasal tayo ay dito mo gustong tumira?”
Parang gusto niyang umiyak sa sinabi nito “Naaalala mo pa rin pala.”
“Lahat ng may kinalaman sa’yo ay naaalala ko.”
“Weeh.”
“Hindi kita binobola”
“Anong favorite color ko?” nakangisi niyang tanong.
“Pink.”
“Sino ang first crush ko?”
“Ako?”
“Hindi, ah.”
Dumilim ang mukha nito. “Sabi mo ako ang first love mo.”
“Iba naman ang first love sa first crush. Saka una kong nakita si Racks kaya una ko siyang nagustuhan,” aniyang malapad na malapad ang ngiti. Inaalala kasi niya kung gaano kaguwapo ang crush na crush niyang actor.
“Nanligaw ba sa’yo ang lalaking iyon?” nakasimangot nitong tanong sa kanya. Tinapunan pa siya nito ng nakaiiritang tingin na para bang gustong magwala. Siguro nga kung may kaharap itong punching bag ay kanina pa ito sumuntok nang sumuntok.
Ang lakas ng tawa niya. Sa dilim kasi ng mukha ni Jeremy ay alam na alam niyang nagseselos ito at sobra siyang nasisiyahan doon. Talaga kasing ipinapadama nito sa kanya kung gaano siya nito kamahal. Lahat tuloy ng sakit na naramdaman niya mula nang iwasan siya nito ay parang biglang naglaho.
“Kung nanligaw siya sa akin malamang siya ay naging first boyfriend ko.” Ngiting-ngiti niyang sabi. Sigurado kasi siyang nagseselos ito kaya kahit papaano ay nakaramdam siya ng kasiyahan. Pakiramdam niya kasi'y hindi naman ito nagsinungaling ng sabihin nitong mahal siya dahil sa reaksyon nito ngayon.
“Sino ba ang lalaking ‘yan? Babangasan ko lang para hindi mo na siya maging crush.”
“He’s name is Racks Lejano.”
Nagsalubong ang kilay nito. “Parang pamilyar ang pangalan na ‘yan.”
"Binigyan kasi niya ako ng love letter dati tapos pinagpupunit mo," nakangisi niyang sabi rito. Sigurado kasi niyang maaalala nitong may ganoong eksenang nangyari sa kanila dati pero siyempre, hindi si Racks Lejano iyon. At hindi na rin naman niya maalala kung anong pangalan nu'ng kaklase niyang nagbigay sa kanya ng love letter.
"Damn."
"Bakit?"
"Naalala ko nga. Hindi naman guwapo iyong nagbigay sa'yo nu'n."
"Pogi si Racks."
"Mas guwapo pa sa akin."
“Selos ka lang.”
“Mabuti alam mo” Nakangising sabi nito saka hinawakan ang kanyang palad at dinala sa labi, “Gusto ko kasi, akin ka lang,”
Tumayo siya’t dinukwang ito saka siya kinurot sa magkabilang pisngi. “Ang cute-cute mo talaga.”
"Mahal lang kita."
Bumilis ang tibok ng puso niya ng magkatitigan sila. Para ngang gusto rin niyang magsabi ng I love you too kung hindi lang niya napigilan ang kanyang sarili. Pakiramdam niya kasi'y hindi pa siya handang ibulalas ang mga salitang iyon pero nasisiguro naman niyang nagagawa niyang iparamdam sa kanyang asawa ang kanyang pagmamahal.
"Kat...?"
"Yes."
"Magagawa mo ba akong mahalin ulit?" tanong nitong parang gustong magmakaawa.
Hindi siya agad nakakibo. Hindi kasi siya sigurado sa kanyang isasagot pero ang alam niya, wala naman siyang ibang lalaking kayang mahalin kundi ito lang. Sana nga lang ay nagagawa niyang ipahatid sa pamamagitan ng kanyang tingin at ngiti ang tunay niyang nararamdaman. Talaga lang kasi hindi niya alam kung kaya na nga ba niyang ibulalas ang mga salitang iyon dahil alam niyang sa puso niya ay may takot pa rin siyang nararamdaman.
"Please..."
"Basta manligaw ka ng husto. Malay mo, mas mahalin pa kita ng higit sa pagmamahal na ibinigay ko sa'yo dati. Pero, tanggap mo ba talaga ako? Kahit na..." Hindi na niya nagawang ituloy ang kanyang sasabihin dahil inangkin nito ang kanyang labi.
"I love you so much at please, kalimutan mo na siya."
"Si Racks."
Malalim na buntunghininga ang pinawalan nito bago nagsalitang muli. "Si Racks, si Flaviano at lahat ng lalaking hindi naman nararapat sa buhay mo. Gusto ko, ako lang," buong diing sabi nito na nagpakilig sa kanya.
“LOLO Segundo…” Hindi makapaniwalang bulalas ni Jeremy nang makitang bumaba sa Starex van ang matandang lalaki matapos itong pagbuksan ng driver/bodyguard nito. Magmula nang umalis siya sa Hacienda Rosales ay hindi man lang niya ito tinawagan para makapag-explain. Masyado kasing naokupa ni Katrina ang kanyang utak dahil sa matinding pag-aalala at determinasyon na makuha ito buhay sa fiance nito kaya naman nagtaka siya kung paanong nalaman ng Lolo Segundo niya kung nasaan siya. Napaungol lang siya at napamura nang maalala niyang nag-video chat nga pala sila ni Ronnie para ipaalam niya rito kung anong nangyari sa kanya. Matalik na kaibigan niya ito kaya naman dapat lang na sabihin niya rito ang tungkol sa pagpapakasal niya kay Katrina. Kahit na ikinabigla nito ang bilis ng pangyayari, hindi naman nito napigilan ang humalakhak sa paraan na ginawa niya para mapadali na mapapayag niya si Katrina na magpakasal sa kanya. Kahit na inulan siya ng panunukso ni Ronnie, hindi niya nakuhang map
"OH, my God!" hindi makapaniwalang bulalas ni Katrina nang pumasok na ang sasakyan nila sa Hacienda Rosales. Kahit naman kasi alam niyang ipinaghanda na naman si ni Lolo Segundo ay nakagugulat pa ring makita niya na parang mayroong fiesta dahil sa dami ng handa na nasa bakuran ng mga Rosales at marami ring bisita na naroroon na alam niyang karamihan ay mga tauhan ng hacienda base sa suot ng mga ito. "Ganyan ka-OA maghanda sa akin ang Lolo Segundo kaya marami akong pinsan na nagagalit sa akin. Dama kasi nilang ako ang paborito ng lolo kahit na nga hindi ako gaano tumutulong dito sa hacienda." "Dapat nga kasi talaga itong hacienda na lang ang pagtuunan mo ng pansin," hindi niya napigilang sabihin. Kahit na nakaparada na sila ay hindi pa rin nila nagawang bumaba. Hindi pa rin naman kasi pinapatay ni Jeremy ang sasakyan saka alam niyang hindi siya nito hahayaang bumaba mag-isa. Mas gusto nitong alalayan siya sa kanyang pagbaba. Siyempre,
PALPAK man ang kanyang planong paghihiganti, hindi dahilan iyon para mawalan siya ng pag-asa na makapaghiganti. Kailangan lang makaisip siya ng tamang strategy para makapaghiganti. Hindi naman kailangang agad-agad siyang lulusob. Mas maganda iyong pinagpaplanuhan munang talaga ang paghihiganti para magtagumpay. Marahas na buntunghininga lang ang pinawalan niya sa sobrang inis dahil naisahan siya sa kanyang plano. Kahit kasi gaano kabuti ang ipakita niya sa pamilya ni Katrina ay hindi naniwala ang mga ito. May mga sandali tuloy na inisip na lang niyang hagisan ng granada ang bahay ng mga ito para makasiguro siyang maglaho na sa mundong ito si ex-General Leopoldo San Juan, pati na rin ang pamilya nito. Kaya lang, tiyak niyang hindi magiging lubos ang kaligayahan niya kapag simpleng kamatayan lang ang sasapitin ng mga ito. Naghirap ang tunay niyang ama sa bilangguan bago pinatay at katakut-takot na hirap din ang kanyang pinagdaanan bago siya napunta sa mga S
AYAW sanang paniwalaan ni Jeremy ang sinasabi ni Katrina na hindi siya ang ama ng dinadala nito ngunit naisip niya, anong dahilan nito para magsinungaling sa kanya. Marahil, ayaw lang talaga nitong dayain siya kaya kahit na alam nitong masasaktan siya ay sinabi na lang nito sa kanya ang katotohanan. Tutal, simula pa lang naman ay hindi na itinago sa kanya ni Katrina na may namagitan dito at kay Flaviano Samonte.Masakit man sa kanya na may ibang nakatalik si Katrina nu'ng panahong nagkahiwalay sila, hindi naman niya ito masisi. Kung tutuusin naman kasi ay siya ang higit na may kasalanan. Iniwanan niya si Katrina at bago niya ginawa iyon ay sinaktan muna niya ito. Ipinamukha niya rito na hindi niya ito gustong maging ina ng kanyang anak.Hindi nga siya nakasisiguro kung nagawa na nga ba siyang patawarin ni Katrina sa mga salitang nasabi niya rito dahil siya, hindi pa niya nagagawang patawarin ang kanyang sarili dahil sinaktan niya ng matindi ang babaeng kany
"SO, nagsinungaling ka sa asawa mo?" "Medyo lang," nakangiwing sabi ni Katrina sa reaksyon ng pinsan. Halos sumigaw kasi ito sa loob ng guestroom dahil sinabi niya ang dahilan kung bakit niya ito pinapunta. Nilabas niya rito ang sama ng loob na nararamdaman niya. Kung wala kasi siyang mapaagsasabihan ay siguradong mas lalala pa ang galit na nararamdaman niya para kay Jeremy. "Medyo? Sinabi mong hindi siya ang ama ng anak mo tapos sasabihin mong medyo nagsisinungaling ka lang sa kanya?" highblood na tanong sa kanya ni Ysabelle. Hindi naman kasi ang tipo ni Ysabelle ang kukunsintihin ang kanyang kamalian kaya hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon ang reaksyon nito. "Ang boses mo naman," nag-aalala niyang sabi. Matalim na tingin ang binato niya rito. "Ninang ka, ha," wika niya pagkaraan. Masuyo ang kanyang boses dahil gusto niyang lambingin ang pinsan. "Kahit sino pa ang 'ama' niyang dinadala mo, ako ang magiging ninang niyan," wika nitong humina na rin ang boses. Alam niyang
BILANG lalaki, masakit talaga sa ego na akuin mo ang anak ng asawa no sa iba, pero, bakit pakiramdam niya'y walang katotohanan ang sinabi sa kanya ni Katrina?Nang una niya ulit itong angkin, pakiramdam niya'y wala naman talagang nakapasok pa dito dahil parang ang sikip pa rin nu'n na parang matagal na hindi napasukan. Pakiwari niya'y mga tatlong taon na rin. Tapos, damang-dama din naman niya ang pananabik sa kanya ni Katrina. Kaya nga lang, kung talagang hindi naman ito nagalaw ng ex nito'y bakit ipinagpipilitan sa kanya ni Katrina na anak nito kay Flaviano Samonte ang dinadala nito.Napabuntunghininga na lang siya nang maisip niyang baka naman nagsasabi ito ng totoo at in-denial lang talaga siya. Baka hanggang ngayon ay umaasa siya na hindi talaga siya napalitan ni Katrina. Saka, baka naman kaya sinasabi sa kanya ni Katrina palagi na si Flaviano ang ama ng dinadala nito ay dahil ibig lang nitong maging tapat sa kanya.Ang ipinagtataka lang niya ay
"SANA ay maging lalaki ang una kong apo sa tuhod." Nakangiting sabi ni Lolo Segundo nang puntahan siya nito sa may balcony na nasa third floor. Mula roon ay nakikita niya si Jeremy na parang seryosong-seryosong nakikipag-usap sa cellphone nito. Iniwas lang niya ang tingin dito dahil parang hindi niya nagugustuhan ang klase ng ngiting nasa labi nito. Parang masyadong matamis iyon at nakakaramdam siya ng inis. Tiyak niya kasing babae ang kausap nito dahil kung hindi, 'di na nito kailangan pang lumayo sa kanya na para bang may sikreto itong matutuklasan niya. "S-sana nga ho," sagot niya sa matandang lalaki habang hinihimas pa niya ang kanyang puso. "Sigurado hong matutuwa si Jeremy." "Lalo na ako," mariin nitong sabi. "Siyempre, may magdadala na naman ng apelyidong Rosales." Maang siyang napatingin dito. Kung magsalita kasi ito ay para bang si Jeremy lang ang apo nito samantalang marami pa itong apong lalaki. Ngumiti ito na para bang nabasa ang kanyang pagtataka. "Para sa akin kas
"IKAW din naman ang may kasalanan, eh," wika ng Lolo Segundo niya nang lumabas siya ng kuwarto. Kumunot tuloy ang noo ni Jeremy. Hindi kasi siya nakakasiguro kung siya nga ba ang sinasabihan nito pero sa kanya lang naman ito nakatingin kaya tiyak niyang siya ang kausap nito. Malalim na buntunghininga na lamang ang kanyang pinawalan. Sa palagay niya ay wala naman siya talagang maitatago sa kanyang Lolo Segundo. Ito ang nagpalaki sa kanya kaya kilalang-kilala siya nito. Isa pa, kasama nito kanina si Katrina kaya alam nito kung anong ginawa niya. "Mahalaga ba talaga sa'yo ang asawa mo?" nagdududang tanong nito. Salubong na salubong ngayon ang kilay nito at matiim na matiim na nakatitig sa kanya. "Siyempre naman po," mariin niyang sabi. "Pero, mas binigyan mo ng oras ang bestfriend mo," mariin nitong sabi sa kanya. "Lo naman..." "Kapag may asawa ka na, ang asawa mo na dapat ang priority mo. O baka naman..." "Mahal ko ho si Katrina," putol niya sa sasabihin ng kanyang lolo. Ay
IBIG sana ni Katrina na kumontra sa mga naririnig na pag-uusap nina Jeremy at ng kanyang Ninong Sunday pero hindi niya mahagilap ang kanyang boses. Siguro dahil sa kinakabahan siya sa kanyang mga naririnig. Ang sabi kasi ni Jeremy ay lumuwas sila at nagpunta sa Samonte Hospital kaya parang may kakaiba raw itong nararamdaman sa pagpasok nila roon. Gusto sana niyang sabihin dito na ang tanda-tanda na nito para maniwala sa multo pero hindi niya magawa. Para kasing hindi lang multo ang ibig ipahiwatig ni Jeremy. Kahit tuloy matagal niyang nakarelasyon si Flaviano, parang ngayon lang siyang nakaramdam ng takot dito. Maaaring sa mahabang panahon ay naging bulag siya para makita niya ang tunay nitong ugali gayung lahat ng kapamilya niya ay nagsasabi na hindi nito gusto si Flaviano. Hindi naman niya masasabing dahil sa pag-ibig iyon kaya mabuting nilalang ang tingin niya kay Flaviano. Tiyak niya kasi kung sino lamang ang lalaking kaya niyang ibigin. Si Jeremy lamang. Kaya, walang problema sa
MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Jeremy. Kung siya lang talaga ay hindi niya gugustuhing magpunta sila ni Katrina sa Manila -- lalo na sa Samonte Hospital. Ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksyon si Katrina sa nakaraang pag-ibig nito dahil siya na ang asawa nito at naniniwala siyang siya na ulit ang mahal ni Katrina. Talaga ba? gusto niyang itanong sa sarili dahil parang mahirap pa rin iyong paniwalaan lalo na't pakiramdam niya'y nagiging malamig sa kanya si Katrina ng nakalipas na araw. Ibig niyang isipin na dahil lang iyon sa pag-aakala nitong pinakasalan lang niya ito dahil sa hacienda. Ngunit, hindi ba noong isang araw ay sinabi na nitong in love ito sa kanya? Gusto niyang paniwalaan iyon pero bakit para ring may nagsasabi sa kanya na iba talaga ang nais tukuyin ni Katrina ng mga sandaling iyon. Bigla tuloy siyang kinabahan. Gusto ko na makipaghiwalay sa’yo, yan ang mga salitang pumapasok sa kanyang isipan pero ipinilig niya ang kanyang uli. Hindi siya naniniwala n
NANINGKIT ng husto ang mga mata niya nang tumino sa kanyang isipan ang kanyang mga nakita at narinig.Kasal na si Katrina?Buntis na ito?Gusto niyang magwala ng mga sandaling iyon pero hindi niya magawa. Parang may makapangyarihang kamay na pumipigil sa kanyang balikat na tumayo buhat sa single sofa na kanyang kinauupuan. Mas gusto rin niya kasing pagmasdan ang babaeng dahilan kung bakit siya sobrang miserable ngayon.Kung maaari nga lang ay gusto niyang lumabas sa kanyang kinaroroonan para makaharap ito at mahalikan kaya lang hindi maaari. Hindi siya maaaring makita man lamang ng kahit na sino dahil lahat ay alam na patay na siya. Maliban na lamang siyempre sa mga magulang niya na sumoporta sa desisyon niyang 'pagpapatiwakal'.Ooppss, sa mata nga pala ng buong Pilipinas, hindi nagpatiwakal si Flaviano Samonte kundi pinatay ito. Nang pumasok kasi siya sa loob ng sasakyan ay sumabog iyon matapos ang ilang minuto.Mabu
"HINDI ka na rin pala makakatakas kay Zander Montellibano," natatawang sabi ni Katrina kay Ysabelle. Kahit hindi pa naikukuwento sa kanya ni Ysabelle ang buong pangyayari ay may ideya na siyang si Zander Montellibano ang sinasabi nitong naka-one night stand nito."Wala na akong balak tumakas," wika ni Ysabelle habang nakatitig sa amang nakaratay sa hospital bed.Mahal na mahal ni Ysabelle ang ama nito kaya kahit alam niyang nagiging pasaway ang kanyang pinsan, tiyak niyang gagawin nito ang lahat para lang mapasiya ang ama nito. Kaya nga mula elementary hanggang highschool ay naging Valedictorian ito at Cum Laude naman ng magtapos ito ng Business Management. Kahit alam niyang kayang-kaya nitong maging Summa Cum Laude ay hindi nangyari dahil natuon na ang pansin nito sa larangan na alam niyang gustung-gusto nito talaga, ang pagiging equestrian. Kinuha lang naman nito talaga ang kursong iyon dahil ito ang gusto ng ama at umayon din naman si Ysabelle na kakailanganin
AGAD inikot ni Jeremy ang kanyang tingin sa paligid. Ramdam kasi niyang may mga matang nakatingin sa kanya. Tiyak niya iyon. Malakas ang pakiramdam niya sa mga taong minamanmanan ang kilos niya."Anong problema?" nagtatakang tanong sa kanya ni Katrina.Sa halip na sagutin niya ito ay hinapit niya ang katawan nito palapit sa kanyang katawan. Kung mayroon mang mga mata na nakatingin sa kanya ay sisiguraduhin niyang magagawa niyang protektahan ang kanyangmag-ina. Kailanman ay hindi niya pababayaan ang mga ito."Wala," sabi na lang niya kay Katrina saka binigyan ito ng matamis na ngiti. Hindi niya siyempre ipapaalam dito ang kanyang hinala. Ayaw niyang mag-alala ito dahil nakasisiguro siyang makakasama lang iyon sa kalagayan nito. Hanggang maaari nga lang ay gusto niyang pasayahin ang kanyang asawa."Hindi ka naman naniniwala sa multo, hindi ba?" biglang tanong sa kanya ni Katrina."What?""Baka kasi iniisip mo na n
KAHIT na sa ospital ng mga Samonte dinala ang ama ni Ysabelle ay pinalis pa rin ni Katrina sa kanyang isipan ang takot. Ewan niya kung bakit para siyang nakaramdam ng panganib ng mga sandaling iyon, bigla tuloy siyang napahamak sa kanyang tiyan. Pakiramdam niya ay kailangan niyang protektahan ang kanyang dinadala.Nang ibaling niya ang tingin kay Jeremy ay nakita niyang nakatitig din ito sa kanya. Hindi nga lang niya magawang basahin ang emosyon nito. Kahit hindi ito magsalita ay alam niyang may ideya na ito kung anong kaugnayan ng hospital na iyon kay Flaviano."Hindi ko alam na dito dadalhin si Tito. Okay lang ba kung bababa tayo?" nag-aalanganing tanong niya."Bakit naman hindi?"Kahit na medyo may kalamigan ang boses nito ay nagawa pa rin niyang ngumiti. Paano ba naman kasi, hinagilap nito ang kanyang palad saka pinisil. Pakiwari niya ay nangangako ito sa kanya na kahit na anong mangyari ay hindi siya pababayaan."Ospita
PARANG gustong mahimatay ni Ysabelle nang mga sandaling iyon. Hindi niya kasi talaga akalain na muli niyang matatagpuan ang lalaking nakatalik niya. Alright, gusto rin naman niya itong makita pero hindi sa ganitong paraan. Para siyang pinaglalaruan ng tadhana gayung siya ang nagbalak na maglaro. "Ehem..." wika ng kanyang ama na nagpalingon sa kanya. Dahil sa dadalawa na lang naman sila ng kanyang ama sa bahay na iyon. Ang kanyang ina ay piniling makipaghiwalay na sa kanyang ama matapos ang mahigit sampung taong pagsasama ng mga ito sa isang bubong. Ani ng kanyang ina, kahit anong gawin nito ay talagang hindi makakayang mahalin ang kanyang ama. Iyon ang dahilan kaya ayaw niyang magmahal. Nangangamba siyang baka sa hiwalayan lang din naman sila mauwi. Kaya nga, itinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa pangangabayo. Isa siyang equestrian. Kaya lang, kahit na sumasali siya sa mga kompetisyon ay hindi niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral. Ku
NANLAKI ang mga mata ni Katrina nang makita niya si Jeremy na nakatayo sa may pinto ng banyo, nakahalukipkip habang nakasandal sa may pintuan. Hindi niya napigilan ang mapalunok. Hindi dahil sa takot na kanyang naramdaman, kundi dahil sa matinding pagnanasa na paulit-ulit niyang nararamdaman sa kanyang asawa.Hubad baro kasi ito at nakatapis lang ng asul na tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito. Kaya naman, nasisiguro niyang wala rin itong suot na panloob. Oh, para tuloy nanuyo ang lalamunan. Pakiramdam niya kasi'y kailangang-kailangan niya ito ng mga oras na iyon. Gusto niyang maramdaman ang mahihigpit nitong yakap, ang mapupusok nitong halik at ibig niyang maramdaman ang pag-angkin nito."Anong totoo?" interesadong tanong nito."That I'm in love with you," nahagilap niyang sabihin. Kahit naman nawawala siya sa kanyang sarili dahil sa nakikita niya'y hinding-hindi pa rin niya gugustuhin na mabuking siya ni Jeremy. Hindi pa siya handang ip
ALAM man ni Katrina na isang masamang panaginip lang iyon pero ang kaba na nasa kanyang puso ay hindi mawala-wala. Pakiramdam niya talaga ay may hindi magandang mangyayari kaya ng mga sumunod na araw ay parang nawawala siya sa sarili."Huwag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano riyan," naiiritang sabi sa kanya ni Ysabelle nang tawagan niya ito. Gusto sana niya itong papuntahin pero baka masyado lang siyang nagiging OA saka hindi rin naman niya sariling bahay ito para mag-aya na lang palagi ng bisita.Kahit naman asawa siya ni Jeremy at dito rin mapupunta ang Rosales Mansion at Hacienda Rosales, hindi pa rin siya dapat laging nagyayaya ng bisita dahil pakiramdam niya ay wala siyang karapatan. Sumasagi pa rin kasi sa isip niya na kaya siya pinakasalan ni Jeremy ay dahil sa mamanahin nito."Alalahanin mo ay ang anak mo. Baka naman magmukhang monster 'yan kung wala kang ibang iniisip kundi si Flaviano.""Huwag ka ngang ganyan," gilalas ni