"DAD..." hindi nagawang ituloy ni Katrina ang sasabihin dahil ibinaling agad ng ama niya ang tingin sa kanya. Hindi maipagkakaila sa mga mata nito ang disappointment. At hindi naman kataka-taka na makita ang reaksyon nitong iyon. Ikakasal siya dapat pero makikita nitong ganito ang kanyang ayos sa piling ng ibang lalaki. Sa piling ng kanyang ex-boyfriend.
"Magbihis ka at saka tayo mag-usap," mariin pang sabi ni ex-general Leopoldo San Juan sa makapangyarihang boses. Pagkatapos ay matagal nitong tinitigan si Jeremy na para bang gustong pagbabarilin ng mga oras na iyon kaya naman para siyang nakahinga nang maluwag ng umatras ito at isinara ang pintuan.
"Shucks, hindi na talaga ako iinom," bulong niya sa sarili. Kahit anong pilit niya, hindi niya magawang alalahanin ng buo ang nangyari pero tiyak niyang siya ang gumawa ng hakbang para magising siyang talop na talop. Napatingin lang siya kay Jeremy nang humalakhak ito.
Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Dapat kasi'y magalit siya rito pero hindi niya magawa. Sa pandinig kasi niya, parang isang napakagandang musika ang paghalakhak nito. "Lagi mo namang sinasabi 'yan sa tuwing malalasing ka."
"Shut up!"
"Ito naman, inaalis ko lang naman ang kaba mo. Huwag kang mag-alala, nandito lang ako sa tabi mo. Promise, hindi kita iiwan."
"Iniwanan mo na nga ko dati, 'di ba. Kaya, sa'yo na 'yang promise mo. Hindi na ako maniniwala sa'yo."
Sa talim ng tingin niya kay Jeremy, siniguro niya na nagawa niyang ipahatid dito kung gaano siya kagalit dito.
"Sa naman, patawarin mo na ako sa nagawa ko dati," wika nitong nakatingin sa kanya. Parang nagmamakaawa ang mga mata nitong patawarin niya.
Sasagutin sana niya ang sinabi nito kundi lang sila nakarinig ng malalakas na katok buhat sa pintuan. Pagkaraan ay narinig na naman niya ang boses ng kanyang ama. "Sabi ko magbihis na, ano pa bang ginagawa ninyo diyan?" pasigaw nitong tanong.
Sa pangambang buksan na naman ng ama ang pintuan ay dali-dali na niyang inayos ang kanyang sarili.
Kung kanina'y kinabahan na siya sa tingin ng kanyang Daddy, ngayon ay mas nadoble ang kaba niya. Hindi kasi niya kayang basahin ang emosyon nito habang nakatingin sa kanila ni Jeremy. Kahit kasi retired na ito sa pagseserbisyo sa bayan, nasa aura pa rin nito ang kapangyarihan na labis na kinatatakutan ng mga kriminal.
Hindi niya tuloy napigilan ang mapalunok ng mga oras na iyon. Sa pagkakataon kasing iyon ay naalala niyang nakagawa siya ng 'krimen'. Iyon nga lang, kahit wala siyang matandaan sa nangyari, hindi niya iyon pinagsisihan dahil si Jeremy naman ang kasama niya.
"Para kang maamong tupa ngayon, Fire Dragon, ah," pansin ng katabi ng kanyang ama na nakilala niya agad -- ang kanyang Ninong Sunday. Hindi niya ito agad napansin kanina dahil nga kabadung-kabado siya sa pagkakahuli sa kanila ng kanyang ama.
Kung hindi lang masyadong seroso ang sitwasyon, tatanungin pa niya ang kanyang Ninong Sunday kung bakit Fire Dragon ang tawag nito kay Jeremy. Kaya lang, bigla pumasok sa isip niyang sa The Dragons nga pala nagtatrabaho si Jeremy.
"Maupo kayong dalawa," mariing sabi ng kanyang ama.
Mabilis nila itong sinunod ni Jeremy. Kaya. wala na rin siyang nagawa kundi sumunod kay Jeremy na parang saglit na nakalimutan na magkasama sila. Napangisi tuloy siya sa kaisipang natataranta ito sa presensiya ng kanyang ama.
Kapag nagtataas ng boses ang kanyang ama, hindi niya mapigilan ang mataranta lalo na't damang-dama niya ang galit nito. Ngunit, nang mga sandaling iyon parang kalmante lang ang damdamin niya kahit na matiim na matiim ang tingin sa kanila ni Jeremy.
"Hindi ako papayag na maagrabyado ang anak ko, Rosales," maariing sabi ng kanyang ama habang ang mga mata ay nakatingin kay Jeremy. Sa makapangyarihang boses nito ngayon ay parang sinasabi nito na kailangan siyang panindigan ni Jeremy kahit hindi naman ito nakakasiguro kung may nangyari nga ba sa pagitan nila ni Jeremy.
Wala ba? sarkastikong tanong niya sa sarili. Kahit naman kasi hindi niya matandaan kung may namagitan nga sa kanila ni Jeremy ngayon, may namagitan na rin sa kanila ni Jeremy. Kabisado na nga niya kung nasaan ang nunal nito at balat. Pati na rin kung saan ang kiliti nito.
"Dad..." wika niya dahil parang alam na niya ang susunod nitong sasabihin.
"Pakakasalan mo ang anak ko, Rosales."
Kahit na inaasahan na niyang iyon ang sasabihin ng kanyang ama, para pa ring may bombang sumabog sa kanyang harapan. Ngunit mas nagimbal siya sa isinagot ni Jeremy. "Makakaasa po kayo, pakakasalan ko ang anak ninyo kahit ngayon din."
FLASHBACK...
"Three years ago sinabi mo sa akin na mahal na mahal mo ang anak ko kaya mo iiwanan. Sabi mo, ayaw mong malaman ng mga kalaban mo na si Katrina ang iyong kahinaan. Sa totoo lang hindi ko alam kung paniniwalaan kita ng mga oras na iyon pero nagkibit balikat na lang ako. Sa tingin ko rin naman kasi masyadong seryoso ang relasyon ninyo ni Katrina noon." Malalim na buntunghininga muna ang pinawalan ni ex-General Leopoldo San Juan bago muling nagpatuloy. "Hanggang ngayon ba ay mahal mo pa si Katrina?"
Hindi nakaligtas sa pandinig niya Jeremy ang sarkasmo sa boses ng matandang lalaki. Alam niyang may pagdududa ito sa damdamin niya para sa anak nito ngunit pinili niyang balewalain iyon. Sa halip, tinitigan pa niya ito at sinabing, "Kailanman, hindi nawala sa puso ko si Katrina. Mahal na mahal ko pa rin siya."
Hindi niya alam kung pinaniwalaan ba ng ex- General ang sinabi niya. Hindi na naman kasi ito kumibo. Basta nakatitig lang ito sa kanya habang nagbi-video call sila. Nasa Tagaytay na kasi sila ni Katrina habang ito naman ay nasa The Dragons, kasama ang bestfriend nito na boss niya.
"Kung ganoon, gagawin mo ang lahat para kay Katrina?" nanunubok na tanong nito. Parang tinitimbang pa kung paniniwalaan siya o hindi.
"Yes."
Sumandal ito sa inuupuan saka humalukipkip. Obviously, may kung anong ideya na tumatakbo sa isip nito. "Hindi pa rin ako kuntento na nailayo mo lang si Katrina kay Flaviano. May tendensiya na tumakas lang si Katrina, puntahan niya si Flaviano at magpakasal siya. Sa sobrang katigasan ng ulo ng anak ko, alam niyang gagawin niya 'yan at hindi ko iyon pahihintulutan."
"Hindi ko rin hahayaang mangyari iyon," inis niyang sabi. Nang malaman niya kung gaanong kasamang tao si Flaviano Samonte ay pinagsisihan niyang iniwan niya si Katrina. Ilang taon siyang nagtiis na malayo dito sa kagustuhan niyang huwag itong mapahamak tapos babagsak lang ito sa kamay ng utak kriminal.
No way!
"Iisa lang ang paraan para masiguro kong hindi na mababawi ni Flaviano si Katrina."
Kumunot ang noo niya sa kaseryosohang nakikita niya ngayon sa mukha ng matandang lalaki. Titig na titig din kasi ito sa kanya na para bang may gustong sabihin pero pinag-aaralan muna kung papayag siya o hindi.
"Kaya, gusto kong masiguro sa'yo na mahal mo talaga ang anak ko at hindi lolokohin."
"Si Katrina ang buhay ko," mariin niyang sabi. Nang mawala kasi si Katrina sa kanya ay para na ring huminto sa pagtibok ang kanyang puso. Kaya nga, madali sa kanya ang kumuha ng mga delikadong misyon.
Kung mamatay man siya sa pakikipaglaban ay tatanggapin na lang niya tutal ang pagiging alagad naman ng batas ang pangarap niya. Pansamantala lang niyang nakalimutan iyon ng maging sila ni Katrina. Kaya nga lang, dahil alam niyang hindi niya mapuproteksyunan ito sa lahat ng oras ay minabuti niyang talikuran na lang ito kahit sobrang sakit sa kanya.
Ayaw niyang mangyari sa kanya ang nangyari sa isa nilang special agent na namatayan ng kapamilya dahil sa nalaman ng kalaban ang tungkol sa pamilya nito. Kaya, mas minabuti niyang masaktan na lang si Katrina sa pang-iiwan niya kaysa naman ito ang umiwan sa kanya. Maaari ngang masyado siyang negatibo pero kung magagawa naman niyang iwasan ang pangyayari, iiwasan niya.
"Handa ka bang pakasalan si Katrina?" naghahamong tanong sa kanya ni ex-General Leopoldo San Juan.
"Ho?" tanging naibulalas niya. Talaga kasing hindi niya akalain na lalabas sa bibig ng ama ni Katrina ang mga salitang iyon. Naisip niya tuloy na talagang mahal na mahal ng matandang lalaki ang anak nito dahil gagawin nito ang lahat ng paraan para hindi mapahamak ang anak. At sabi niya sa sarili, hindi rin niya gugustuhing mapahamak si Katrina kaya lahat ng paraan ay gagawin niya para lang maprotektahan ito.
"Oo o hindi lang ang sagot, pakakasalan mo ba ang anak ko?" tanong muli ng ex-general na halatang naiinip na. O maaaring kinakabahan din ito na baka tumanggi siya.
"Opo," mabilis niyang sagot dahil bigla siyang nataranta. Hindi niya tuloy napigilang murahin ang kanyang sarili. Na-train siya ng husto sa The Dragons para maging matatag pero ng mga sandaling iyon ay hindi niya malaman kung anong emosyon ang kanyang paiiralin. Para kasing marsmallow sa sobrang lambot ang kanyang puso basta si Katrina ang pinag-uusapan.
Bigla rin tuloy pumasok sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang Lolo Segundo na mamanahin lang niya ang Hacienda Rosales kung pakakasalan niya si Katrina San Juan kaya't natitiyak niyang kapag nalaman ng kanyang lolo na magpapakasal siya kay Katrina ang agad nitong isipin ay ang kundisyones nito. Ngunit ng mga sandaling iyon, tiyak niyang iisa lang ang dahilan kaya gusto niyang pakasalan si Katrina. Dahil hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya ito.
MABILIS man ang mga pangyayari, wala nang nagawa si Katrina kundi sumagot ng ‘I do’. Kay Jeremy nga lang niya kinailangang magpakasal. Kahit pigil na pigil kasi ng Daddy niya ang emosyon nito ay alam niyang sobra itong nagagalit dahil sa tagpong naabutan nito. Napakakonserbatibo pa naman nito kaya alam na alam niyang hindi ito papayag na walang mangyaring kasalan sa kanila ni Jeremy.
Marahil kung noon pa sila nahuli ni Jeremy ay nakasisiguro niyang matagal na silang mag-asawa. Hindi lang niya maiwasang itanong sa kanyang sarili na kung nagkataoong sila ni Flaviano ang nakita ng kanyang ama ay agad din kaya siyang ipakakasal nito sa lalaki. Mabilis tuloy ang kanyang naging pag-iling pagkaraan.
Hindi niya kasi hahayaan na may mahuli sa kanila ni Flaviano dahil hindi niya hinahayaan na lumampas sila sa simpleng halikan. Kapag nararamdaman niyang l;umalagpas na si Flaviano sa limitasyon nito ay agad niya itong itinutulak. Nakikita niyang napipikon ito sa ginagawa niya pero pagkaraan lang ng ilang sandali ay ngumingiti na. Tapos sasabihin nito na naiintindihan siya at nirerespeto nito ang kanyang desisyon.
Kapag ganoon ang salita ni Flaviano ay parang gusto niyang kiligin. Hindi niya kasi maiwasang isipin na mahal na mahal siya nitong talaga kaya kahit nahihirapan ito ay pilit siyang inuunawa. Kaya naman sobra siyang nagtataka kung bakit sa kabila ng paggalang na ibinibigay sa kanya ni Flaviano ay hindi pa rin ito magustuhan ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang ama na palaging mataas ang presyon mula ng sabihin nitong magpapakasal na sila ni Flaviano.
Malalim na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan ng inakala niyang unti-unti ng natatanggap ng Daddy niya na magpapakasal siya kay Flaviano. Wala kasi itong ginawang hakbang para tutulan pa nito ang pagpapakasal nila ni Flaviano ngunit hindi rin naman nito ipinakita na tanggap na talaga nito si Flaviano. Basta hinayaan lang nitong mangyari ang lahat kaya nakaramdam din siya ng kapanatagan.
Kaya, hindi niya akalain na ang ama pa pala niya ang mag-uutos kay Jeremy na kidnapin siya sa araw ng kanyang kasal. At para hindi ito mapagdudahan ay nauna pa itong magpunta sa simbahan gayung dapat ay kasama niya ito sa loob ng bridal car.
Para tuloy gusto niyang magduda sa pagpapakasal nila ni Jeremy. Kahit na sinabi ni Jeremy darating ang Daddy niya ay nakabibigla ang bigla na lamang pagsulpot nito. Ewan nga lang niya kung paano itong nakapasok agad sa bahay ni Jeremy at dumiretso pa agad sa kuwartong tinutuluyan nila. Sigurado siyang hindi magiging pabaya si Jeremy sa seguridad nito pero dahil parang nababasa ng kanyang Ninong Sunday ang tumatakbo sa kanyang isip ay agad itong nagpaliwanag.
"Si Jeremy ang nagsabi sa amin kung saan nakalagay ang susi ng bahay at dumiretso ang tatay mo sa kuwarto dahil nakita niyang nagkalat ang mga damit ninyo sa salas," wika nito habang ang mga mata ay parang bituing nagniningning.
“Sa lahat naman ng napikot, ikaw itong ngiting-ngiti,” angil ni Katrina sa kanyang ex-boyfriend. Sa bilis kasi ng pangyayari ay hindi na siya nakapag-isip pa. Mula kasi ng maghiwalay sila ni Jeremy ay hindi na niya naisip na magkakaroon pa ng katiparan ang mga eksenang kanyang pinangarap noon. Para kasi sa kanya, si Jeremy ay ex-boyfriend na llang niya.
He’s your husband now, nanunudyong sabi ng isang bahagi ng kanyang utak. Ngunit, sa pagkakataong iyon hindi inis. Bumibilis na naman kasi ang pintid ng kanyang puso.
“Mas napadali kasi ang misyon kong makuha ka ulit,” anitong titig na titig sa kanya habang nakapulupot sa katawan niya ang bisig nito.
Dapat sana ay itulak niya ito dahil hindi naman niya gusto ang kanilang sitwasyon kaya lang hindi niya magawa. Ang sarap naman kasi sa pakiramdam na malapit lang ito sa kanya at parang gusto nitong ipagmalaki sa lahat na pagmamay-ari nila ang isa't isa. At kahit na anong pigil ang gawin niya ay talagang nakakaramdam siya ng panghihina kapag nasa malapit lang si Jeremy.
Imagine, gusto niyang panindigan ang kanyang desisyon na pakasalan si Flaviano dahil talaga namang iyon ang kanyang plano pero sumabog iyong bigla nu'ng makapiling niya si Jeremy. Sa palagay niya'y nahirapan na siyang mag-isip at manindigan.
Kunsabagay, hindi rin niya akalain na darating agad sila ni Jeremy sa puntong magpapakasal. Hindi naman kasi porke nagkaroon sila ng relasyon dati’y maibabalik na ang lahat. Sobrang sakit ang naramdaman niya nang makipagkalas ito sa kanya ngunit parang himalang napawi ang lahat ng sakit nang dumating itong muli sa kanyang buhay para iligtas siya sa isang napakalaking pagkakamali, ang magpakasal sa lalaking hindi niya mahal.
“Siguro sinadya mong mahuli tayo, ‘no?” dudang tanong niya.
Humalakhak ito. Hindi man nito sinagot ang kanyang tanong parang inamin na rin nitong planado ang lahat at hindi na siya magtataka kung kasabwat din nito ang kanyang ama at Ninong Sunday. Ayaw na ayaw din naman kasi ng mga ito kay Flaviano Samonte.
Naningkit ang kanyang mga mata. “I knew it.”
Oh, nang mga sandaling iyon ay gusto niyang sumigaw at magwala tapos sumbatan din niya ang Daddy niya pero ayaw naman niyang mag-eskandalo. Saka, kahit na ano pa ang gawin niya ay wala na siyang magagawa pa. Nakatali na siya kay Jeremy. Rosales na ang kanyang apelyido.
“May kriminal ba namang aamin sa sarili niyang krimen?” amuse na tanong sa kanya ni Jeremy.
Pinanlakihan niya ito ng mata. “Hindi ka kriminal. Ikaw ang nanghuhuli sa kriminal.”
“Kaya nga nahuli tayo ng ng chief at ex-general,” bulong nito sa kanya.
Sa ginawa nito ay nakaramdam siya ng kilabot. Masyado kasing sensitive ang kanyang tenga kaya naman ng bumulong si Jeremy, parang may paru-parong naglalaro sa kanyang sikmura. Bigla rin siyang na-excite sa kaisipang magha-honeymoon na sila mamaya.
“Oy, oy, oy. Kung mag-usap kayo dyan, parang wala kami rito, ah.” sabi ng boses ng topic ng kanilang pinag-uusapan -- ang kanyang Ninong Sunday. Matalik itong kaibigan ng kanyang ama mula pa noong mag-PMA ang mga ito kaya naging ninong niya ito sa binyag. Malapit din siya dito pero hindi niya nalaman na dito nagtatrabaho si Jeremy. Hindi na iyon kataka-taka dahil sa klase ng tungkulin ng mga ito ay may tinatawag na ‘classified’. Ibig sabihin, sikreto.
“Pinagpapaliwanagan ko lang ho ang inaanak ninyong super ganda,” sabi pa ni Jeremy saka siya binigyan ng halik sa noo. Mabilis lang iyon pero napakainit. Parang gumuhit na naman ang kuryente sa kanyang katawan na tanging ito lang ang nakapagbibigay. Kapag kasi si Flaviano ang gumagawa noon ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pandidiri.
Matapos silang kausapin ng kanyang ama ay agad itong nagdesisyon na ipakasal din sila ng araw na iyon. May kapatid na judge ang kanyang Ninong Sunday na naninirahan din sa Tagaytay kaya agad naisagawa ang kanilang pag-iisang dibdib. Sabi ng utak niya ay kailangan niyang tumutol pero parang tumatanggi ng husto ang kanyang puso. At alam niyang hindi lang iyon dahil sa naaalala niya sa kanyang ama kapag sinuway niya ito.
Sa kaisipang iyon ay parang gusto niyang matawa. Mula kasi ng ipakilala niyang boyfriend si Flaviano ay nagawa na niyang suwayin ang kanyang ama.
Nais pa sana niyang ipaalala sa ama kung sino ang dapat niyang pakasalan pero hindi niya nagawa dahil kita niya ang disappointment sa mga mata nito kaya wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod. Sa puso naman kasi niya, alam niya kung sino ang gusto niyang pakasalan.
At dahil tapos na ang kanilang kasal, nandito na sila sa isang Chinese restaurant para mag-celebrate. Kahit naman kasi biglaan ang pagpapakasal nilang ito ni Jeremy ay parang ang saya-saya niya. Kahit nga hindi siya nakatingin sa salamin ay alam niyang abot tenga ang kanyang ngiti at nang tingnan niya si Jeremy ay kitang-kita rin niya ang nasayang nasa mukha nito.
“Masasaktan ang Mama mo kapag nalamang ikinasal ka ng wala siya,” wika ng ama niya sabay hugot nang malalim na hininga ngunit hindi naman maipagkakaila ang kakaibang kislap sa mga mata nito. “Kunsabagay, mas maigi ng wala siya kaysa makawala pa ang groom mo. Saka, hindi ako papayag na ibang groom ang nasa tabi mo kaya mabuti na itong biglaan para masiguro kong tamang lalaki ang mapipili mo.”
“Wala naman po akong planong kumawala. Blessing in disguise na nga rin po ang nangyari dahil mukhang balak pa ng misis ko na pahirapan ako.” nakangiting sabi ni Jeremy kaya naman hindi niya napigilan na irapan ito.
Sa tingin niya kasi ay sinasabi lang ni Jeremy ang mga salitang iyon para sumipsip sa kanyang ama. Siyempre, kailangang magagandang salita ang lalabas sa bibig nito pero hindi naman ibig sabihin nu'n ay bukal talaga sa loob nito ang sinasabi.
“Nahirapan ka pa sa lagay na ‘yun, Rosales?” hindi makapaniwalang tanong ng kanyang ninong. “Wala pa ngang beinte kuwatro oras pero nagawa mo nang tapusin ang misyon mo. Kaya, ikaw talaga ang paborito ko, eh. Napakagaling mong dumiskarte.”
Hindi niya napigilan ang mapasinghap sa narinig. Ayaw na niyang magtanong pero may ideya na siya kung ano ang misyon na tinutukoy nito. Ang ilayo siya kay Flaviano Samonte dahil nga misis na siya ni Jeremy, hindi na siya maaari pang lumapit sa kanyang ex-fiance.
“Iyan ang nagagawa ng pusong nagmamahal,” sagot naman ni Jeremy. Nagbibiro ito sa kanyang Ninong Sunday pero sobra naman ang kaseryosohan nito habang nakatitig sa kanya.
Hindi niya tuloy napigilan ang mapalunok.
"HUWAG kang ngumisi diyan na parang may gagawin tayo," inis na sabi ni Katrina kay Jeremy nang nasa loob na sila ng bahay. Umalis na rin ang Daddy niya at ang Ninong Sunday niya pero sinabi ng mga ito na babalik din."Hindi ba pagkatapos ng kasal, honeymoon ang kasunod?""Heh," inis niyang sabi. Kahit ano kasing galit na gusto niyang maramdaman kay Jeremy, parang marsmallow na lumalambot ang kanyang puso kapag napapatitig na siya rito. Kaya lang, hindi dapat nito makita ang kalambutan niya pagdating dito. "Hindi tayo nagpakasal dahil nagmamahalan tayo. Ayoko lang talaga na ma-disappoint ang Daddy ko sa akin kapag sinuway ko na naman siya.""Hindi pa rin naman mababago ang katotohanang, akin ka na."Sa mga salita nito ay parang gusto niyang isipin na mahal na mahal siya nitong talaga kaya nagawang sabihin ang mga salitang iyon pero isang bahagi ng utak niya ang nagsasabi na huwag itong basta paniwalaan. Dahil kapag naniwala na naman siya rito ay maaari na
“LOLO Segundo…” Hindi makapaniwalang bulalas ni Jeremy nang makitang bumaba sa Starex van ang matandang lalaki matapos itong pagbuksan ng driver/bodyguard nito. Magmula nang umalis siya sa Hacienda Rosales ay hindi man lang niya ito tinawagan para makapag-explain. Masyado kasing naokupa ni Katrina ang kanyang utak dahil sa matinding pag-aalala at determinasyon na makuha ito buhay sa fiance nito kaya naman nagtaka siya kung paanong nalaman ng Lolo Segundo niya kung nasaan siya. Napaungol lang siya at napamura nang maalala niyang nag-video chat nga pala sila ni Ronnie para ipaalam niya rito kung anong nangyari sa kanya. Matalik na kaibigan niya ito kaya naman dapat lang na sabihin niya rito ang tungkol sa pagpapakasal niya kay Katrina. Kahit na ikinabigla nito ang bilis ng pangyayari, hindi naman nito napigilan ang humalakhak sa paraan na ginawa niya para mapadali na mapapayag niya si Katrina na magpakasal sa kanya. Kahit na inulan siya ng panunukso ni Ronnie, hindi niya nakuhang map
"OH, my God!" hindi makapaniwalang bulalas ni Katrina nang pumasok na ang sasakyan nila sa Hacienda Rosales. Kahit naman kasi alam niyang ipinaghanda na naman si ni Lolo Segundo ay nakagugulat pa ring makita niya na parang mayroong fiesta dahil sa dami ng handa na nasa bakuran ng mga Rosales at marami ring bisita na naroroon na alam niyang karamihan ay mga tauhan ng hacienda base sa suot ng mga ito. "Ganyan ka-OA maghanda sa akin ang Lolo Segundo kaya marami akong pinsan na nagagalit sa akin. Dama kasi nilang ako ang paborito ng lolo kahit na nga hindi ako gaano tumutulong dito sa hacienda." "Dapat nga kasi talaga itong hacienda na lang ang pagtuunan mo ng pansin," hindi niya napigilang sabihin. Kahit na nakaparada na sila ay hindi pa rin nila nagawang bumaba. Hindi pa rin naman kasi pinapatay ni Jeremy ang sasakyan saka alam niyang hindi siya nito hahayaang bumaba mag-isa. Mas gusto nitong alalayan siya sa kanyang pagbaba. Siyempre,
PALPAK man ang kanyang planong paghihiganti, hindi dahilan iyon para mawalan siya ng pag-asa na makapaghiganti. Kailangan lang makaisip siya ng tamang strategy para makapaghiganti. Hindi naman kailangang agad-agad siyang lulusob. Mas maganda iyong pinagpaplanuhan munang talaga ang paghihiganti para magtagumpay. Marahas na buntunghininga lang ang pinawalan niya sa sobrang inis dahil naisahan siya sa kanyang plano. Kahit kasi gaano kabuti ang ipakita niya sa pamilya ni Katrina ay hindi naniwala ang mga ito. May mga sandali tuloy na inisip na lang niyang hagisan ng granada ang bahay ng mga ito para makasiguro siyang maglaho na sa mundong ito si ex-General Leopoldo San Juan, pati na rin ang pamilya nito. Kaya lang, tiyak niyang hindi magiging lubos ang kaligayahan niya kapag simpleng kamatayan lang ang sasapitin ng mga ito. Naghirap ang tunay niyang ama sa bilangguan bago pinatay at katakut-takot na hirap din ang kanyang pinagdaanan bago siya napunta sa mga S
AYAW sanang paniwalaan ni Jeremy ang sinasabi ni Katrina na hindi siya ang ama ng dinadala nito ngunit naisip niya, anong dahilan nito para magsinungaling sa kanya. Marahil, ayaw lang talaga nitong dayain siya kaya kahit na alam nitong masasaktan siya ay sinabi na lang nito sa kanya ang katotohanan. Tutal, simula pa lang naman ay hindi na itinago sa kanya ni Katrina na may namagitan dito at kay Flaviano Samonte.Masakit man sa kanya na may ibang nakatalik si Katrina nu'ng panahong nagkahiwalay sila, hindi naman niya ito masisi. Kung tutuusin naman kasi ay siya ang higit na may kasalanan. Iniwanan niya si Katrina at bago niya ginawa iyon ay sinaktan muna niya ito. Ipinamukha niya rito na hindi niya ito gustong maging ina ng kanyang anak.Hindi nga siya nakasisiguro kung nagawa na nga ba siyang patawarin ni Katrina sa mga salitang nasabi niya rito dahil siya, hindi pa niya nagagawang patawarin ang kanyang sarili dahil sinaktan niya ng matindi ang babaeng kany
"SO, nagsinungaling ka sa asawa mo?" "Medyo lang," nakangiwing sabi ni Katrina sa reaksyon ng pinsan. Halos sumigaw kasi ito sa loob ng guestroom dahil sinabi niya ang dahilan kung bakit niya ito pinapunta. Nilabas niya rito ang sama ng loob na nararamdaman niya. Kung wala kasi siyang mapaagsasabihan ay siguradong mas lalala pa ang galit na nararamdaman niya para kay Jeremy. "Medyo? Sinabi mong hindi siya ang ama ng anak mo tapos sasabihin mong medyo nagsisinungaling ka lang sa kanya?" highblood na tanong sa kanya ni Ysabelle. Hindi naman kasi ang tipo ni Ysabelle ang kukunsintihin ang kanyang kamalian kaya hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon ang reaksyon nito. "Ang boses mo naman," nag-aalala niyang sabi. Matalim na tingin ang binato niya rito. "Ninang ka, ha," wika niya pagkaraan. Masuyo ang kanyang boses dahil gusto niyang lambingin ang pinsan. "Kahit sino pa ang 'ama' niyang dinadala mo, ako ang magiging ninang niyan," wika nitong humina na rin ang boses. Alam niyang
BILANG lalaki, masakit talaga sa ego na akuin mo ang anak ng asawa no sa iba, pero, bakit pakiramdam niya'y walang katotohanan ang sinabi sa kanya ni Katrina?Nang una niya ulit itong angkin, pakiramdam niya'y wala naman talagang nakapasok pa dito dahil parang ang sikip pa rin nu'n na parang matagal na hindi napasukan. Pakiwari niya'y mga tatlong taon na rin. Tapos, damang-dama din naman niya ang pananabik sa kanya ni Katrina. Kaya nga lang, kung talagang hindi naman ito nagalaw ng ex nito'y bakit ipinagpipilitan sa kanya ni Katrina na anak nito kay Flaviano Samonte ang dinadala nito.Napabuntunghininga na lang siya nang maisip niyang baka naman nagsasabi ito ng totoo at in-denial lang talaga siya. Baka hanggang ngayon ay umaasa siya na hindi talaga siya napalitan ni Katrina. Saka, baka naman kaya sinasabi sa kanya ni Katrina palagi na si Flaviano ang ama ng dinadala nito ay dahil ibig lang nitong maging tapat sa kanya.Ang ipinagtataka lang niya ay
"SANA ay maging lalaki ang una kong apo sa tuhod." Nakangiting sabi ni Lolo Segundo nang puntahan siya nito sa may balcony na nasa third floor. Mula roon ay nakikita niya si Jeremy na parang seryosong-seryosong nakikipag-usap sa cellphone nito. Iniwas lang niya ang tingin dito dahil parang hindi niya nagugustuhan ang klase ng ngiting nasa labi nito. Parang masyadong matamis iyon at nakakaramdam siya ng inis. Tiyak niya kasing babae ang kausap nito dahil kung hindi, 'di na nito kailangan pang lumayo sa kanya na para bang may sikreto itong matutuklasan niya. "S-sana nga ho," sagot niya sa matandang lalaki habang hinihimas pa niya ang kanyang puso. "Sigurado hong matutuwa si Jeremy." "Lalo na ako," mariin nitong sabi. "Siyempre, may magdadala na naman ng apelyidong Rosales." Maang siyang napatingin dito. Kung magsalita kasi ito ay para bang si Jeremy lang ang apo nito samantalang marami pa itong apong lalaki. Ngumiti ito na para bang nabasa ang kanyang pagtataka. "Para sa akin kas
IBIG sana ni Katrina na kumontra sa mga naririnig na pag-uusap nina Jeremy at ng kanyang Ninong Sunday pero hindi niya mahagilap ang kanyang boses. Siguro dahil sa kinakabahan siya sa kanyang mga naririnig. Ang sabi kasi ni Jeremy ay lumuwas sila at nagpunta sa Samonte Hospital kaya parang may kakaiba raw itong nararamdaman sa pagpasok nila roon. Gusto sana niyang sabihin dito na ang tanda-tanda na nito para maniwala sa multo pero hindi niya magawa. Para kasing hindi lang multo ang ibig ipahiwatig ni Jeremy. Kahit tuloy matagal niyang nakarelasyon si Flaviano, parang ngayon lang siyang nakaramdam ng takot dito. Maaaring sa mahabang panahon ay naging bulag siya para makita niya ang tunay nitong ugali gayung lahat ng kapamilya niya ay nagsasabi na hindi nito gusto si Flaviano. Hindi naman niya masasabing dahil sa pag-ibig iyon kaya mabuting nilalang ang tingin niya kay Flaviano. Tiyak niya kasi kung sino lamang ang lalaking kaya niyang ibigin. Si Jeremy lamang. Kaya, walang problema sa
MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Jeremy. Kung siya lang talaga ay hindi niya gugustuhing magpunta sila ni Katrina sa Manila -- lalo na sa Samonte Hospital. Ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksyon si Katrina sa nakaraang pag-ibig nito dahil siya na ang asawa nito at naniniwala siyang siya na ulit ang mahal ni Katrina. Talaga ba? gusto niyang itanong sa sarili dahil parang mahirap pa rin iyong paniwalaan lalo na't pakiramdam niya'y nagiging malamig sa kanya si Katrina ng nakalipas na araw. Ibig niyang isipin na dahil lang iyon sa pag-aakala nitong pinakasalan lang niya ito dahil sa hacienda. Ngunit, hindi ba noong isang araw ay sinabi na nitong in love ito sa kanya? Gusto niyang paniwalaan iyon pero bakit para ring may nagsasabi sa kanya na iba talaga ang nais tukuyin ni Katrina ng mga sandaling iyon. Bigla tuloy siyang kinabahan. Gusto ko na makipaghiwalay sa’yo, yan ang mga salitang pumapasok sa kanyang isipan pero ipinilig niya ang kanyang uli. Hindi siya naniniwala n
NANINGKIT ng husto ang mga mata niya nang tumino sa kanyang isipan ang kanyang mga nakita at narinig.Kasal na si Katrina?Buntis na ito?Gusto niyang magwala ng mga sandaling iyon pero hindi niya magawa. Parang may makapangyarihang kamay na pumipigil sa kanyang balikat na tumayo buhat sa single sofa na kanyang kinauupuan. Mas gusto rin niya kasing pagmasdan ang babaeng dahilan kung bakit siya sobrang miserable ngayon.Kung maaari nga lang ay gusto niyang lumabas sa kanyang kinaroroonan para makaharap ito at mahalikan kaya lang hindi maaari. Hindi siya maaaring makita man lamang ng kahit na sino dahil lahat ay alam na patay na siya. Maliban na lamang siyempre sa mga magulang niya na sumoporta sa desisyon niyang 'pagpapatiwakal'.Ooppss, sa mata nga pala ng buong Pilipinas, hindi nagpatiwakal si Flaviano Samonte kundi pinatay ito. Nang pumasok kasi siya sa loob ng sasakyan ay sumabog iyon matapos ang ilang minuto.Mabu
"HINDI ka na rin pala makakatakas kay Zander Montellibano," natatawang sabi ni Katrina kay Ysabelle. Kahit hindi pa naikukuwento sa kanya ni Ysabelle ang buong pangyayari ay may ideya na siyang si Zander Montellibano ang sinasabi nitong naka-one night stand nito."Wala na akong balak tumakas," wika ni Ysabelle habang nakatitig sa amang nakaratay sa hospital bed.Mahal na mahal ni Ysabelle ang ama nito kaya kahit alam niyang nagiging pasaway ang kanyang pinsan, tiyak niyang gagawin nito ang lahat para lang mapasiya ang ama nito. Kaya nga mula elementary hanggang highschool ay naging Valedictorian ito at Cum Laude naman ng magtapos ito ng Business Management. Kahit alam niyang kayang-kaya nitong maging Summa Cum Laude ay hindi nangyari dahil natuon na ang pansin nito sa larangan na alam niyang gustung-gusto nito talaga, ang pagiging equestrian. Kinuha lang naman nito talaga ang kursong iyon dahil ito ang gusto ng ama at umayon din naman si Ysabelle na kakailanganin
AGAD inikot ni Jeremy ang kanyang tingin sa paligid. Ramdam kasi niyang may mga matang nakatingin sa kanya. Tiyak niya iyon. Malakas ang pakiramdam niya sa mga taong minamanmanan ang kilos niya."Anong problema?" nagtatakang tanong sa kanya ni Katrina.Sa halip na sagutin niya ito ay hinapit niya ang katawan nito palapit sa kanyang katawan. Kung mayroon mang mga mata na nakatingin sa kanya ay sisiguraduhin niyang magagawa niyang protektahan ang kanyangmag-ina. Kailanman ay hindi niya pababayaan ang mga ito."Wala," sabi na lang niya kay Katrina saka binigyan ito ng matamis na ngiti. Hindi niya siyempre ipapaalam dito ang kanyang hinala. Ayaw niyang mag-alala ito dahil nakasisiguro siyang makakasama lang iyon sa kalagayan nito. Hanggang maaari nga lang ay gusto niyang pasayahin ang kanyang asawa."Hindi ka naman naniniwala sa multo, hindi ba?" biglang tanong sa kanya ni Katrina."What?""Baka kasi iniisip mo na n
KAHIT na sa ospital ng mga Samonte dinala ang ama ni Ysabelle ay pinalis pa rin ni Katrina sa kanyang isipan ang takot. Ewan niya kung bakit para siyang nakaramdam ng panganib ng mga sandaling iyon, bigla tuloy siyang napahamak sa kanyang tiyan. Pakiramdam niya ay kailangan niyang protektahan ang kanyang dinadala.Nang ibaling niya ang tingin kay Jeremy ay nakita niyang nakatitig din ito sa kanya. Hindi nga lang niya magawang basahin ang emosyon nito. Kahit hindi ito magsalita ay alam niyang may ideya na ito kung anong kaugnayan ng hospital na iyon kay Flaviano."Hindi ko alam na dito dadalhin si Tito. Okay lang ba kung bababa tayo?" nag-aalanganing tanong niya."Bakit naman hindi?"Kahit na medyo may kalamigan ang boses nito ay nagawa pa rin niyang ngumiti. Paano ba naman kasi, hinagilap nito ang kanyang palad saka pinisil. Pakiwari niya ay nangangako ito sa kanya na kahit na anong mangyari ay hindi siya pababayaan."Ospita
PARANG gustong mahimatay ni Ysabelle nang mga sandaling iyon. Hindi niya kasi talaga akalain na muli niyang matatagpuan ang lalaking nakatalik niya. Alright, gusto rin naman niya itong makita pero hindi sa ganitong paraan. Para siyang pinaglalaruan ng tadhana gayung siya ang nagbalak na maglaro. "Ehem..." wika ng kanyang ama na nagpalingon sa kanya. Dahil sa dadalawa na lang naman sila ng kanyang ama sa bahay na iyon. Ang kanyang ina ay piniling makipaghiwalay na sa kanyang ama matapos ang mahigit sampung taong pagsasama ng mga ito sa isang bubong. Ani ng kanyang ina, kahit anong gawin nito ay talagang hindi makakayang mahalin ang kanyang ama. Iyon ang dahilan kaya ayaw niyang magmahal. Nangangamba siyang baka sa hiwalayan lang din naman sila mauwi. Kaya nga, itinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa pangangabayo. Isa siyang equestrian. Kaya lang, kahit na sumasali siya sa mga kompetisyon ay hindi niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral. Ku
NANLAKI ang mga mata ni Katrina nang makita niya si Jeremy na nakatayo sa may pinto ng banyo, nakahalukipkip habang nakasandal sa may pintuan. Hindi niya napigilan ang mapalunok. Hindi dahil sa takot na kanyang naramdaman, kundi dahil sa matinding pagnanasa na paulit-ulit niyang nararamdaman sa kanyang asawa.Hubad baro kasi ito at nakatapis lang ng asul na tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito. Kaya naman, nasisiguro niyang wala rin itong suot na panloob. Oh, para tuloy nanuyo ang lalamunan. Pakiramdam niya kasi'y kailangang-kailangan niya ito ng mga oras na iyon. Gusto niyang maramdaman ang mahihigpit nitong yakap, ang mapupusok nitong halik at ibig niyang maramdaman ang pag-angkin nito."Anong totoo?" interesadong tanong nito."That I'm in love with you," nahagilap niyang sabihin. Kahit naman nawawala siya sa kanyang sarili dahil sa nakikita niya'y hinding-hindi pa rin niya gugustuhin na mabuking siya ni Jeremy. Hindi pa siya handang ip
ALAM man ni Katrina na isang masamang panaginip lang iyon pero ang kaba na nasa kanyang puso ay hindi mawala-wala. Pakiramdam niya talaga ay may hindi magandang mangyayari kaya ng mga sumunod na araw ay parang nawawala siya sa sarili."Huwag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano riyan," naiiritang sabi sa kanya ni Ysabelle nang tawagan niya ito. Gusto sana niya itong papuntahin pero baka masyado lang siyang nagiging OA saka hindi rin naman niya sariling bahay ito para mag-aya na lang palagi ng bisita.Kahit naman asawa siya ni Jeremy at dito rin mapupunta ang Rosales Mansion at Hacienda Rosales, hindi pa rin siya dapat laging nagyayaya ng bisita dahil pakiramdam niya ay wala siyang karapatan. Sumasagi pa rin kasi sa isip niya na kaya siya pinakasalan ni Jeremy ay dahil sa mamanahin nito."Alalahanin mo ay ang anak mo. Baka naman magmukhang monster 'yan kung wala kang ibang iniisip kundi si Flaviano.""Huwag ka ngang ganyan," gilalas ni