"IBALIK mo na ako kay Flaviano," mariing sabi ni Katrina kay Jeremy habang nilalagyan siya nito ng sinangag at pork adobo sa kanyang plato. Hindi niya kasi gusto ang nararamdaman niya dahil sa pag-aasikasong ginagawa nito sa kanya. Ang traydor kasi niyang puso ay bumibilis na naman ang pintig.
Kahit kasi tatlong taon na silang hiwalay ni Jeremy, kailanman ay hindi ito nawala sa puso't isipan niya. Sigurado nga siyang kaya niya sinagot si Flaviano ay dahil gusto niyang maibaling dito ang pag-ibig niya kay Jeremy. Akala niya kasi ay magagawa niya iyon lalo na't nararamdaman naman niya ang pagmamahal nito sa kanya.
Pekeng pagmamahal, hindi niya napigilang sabihin. At sa kaisipang iyon ay gusto rin niyang magtawa dahil pekeng pagmamahal din naman ang binibigay niya rito. Ang dahilan lang naman kaya ginusto niyang pakasalan si Flaviano ay dahil inakala niyang mahal na mahal siya nito at hindi gugustuhing iwanan siya.
Tulad ng ginawa sa kanya ni Jeremy.
"No way."
"Mahal ko siya," wika niya. Tumingin pa siya rito dahil gusto niyang mabasa nito na totoo ang kanyang sinasabi at hindi siya nagdadahilan lang. Kung dati ay ito ang nagparamdam sa kanya ng sakit dahil ipinagpalit siya nito sa iba, ngayon naman ay gusto niyang ipamukha rin dito na hindi na niya ito mahal kahit alam naman niyang isang malaking kasinungalingan iyon.
Kahit sinasabi niya kay Flaviano na mahal niya ito, alam niyang sa puso't isipan niya, si Jeremy lang ang lumilitaw.
"Ako ang mahal mo."
Oh, parang gusto niyang mapasinghap sa sinabing iyon ni Jeremy. Ngunit, kahit totoo naman ang sinabi nito, hindi pa rin niya aaminin iyon dito. Ayaw niyang mapagtawanan!
"Matagal na tayong wala," paalala niya rito.
"Sabi mo, ako lang ang mamahalin mo," sabi rin nito at pinakadiinan pa.
"Sinabi ko lang iyon nu'ng tayo pa. Dahil akala ko, hindi mo ako sasaktan. Kaya lang, ipinagpalit mo ako sa iba kaya huwag kang umasa na mahal pa rin kita," wika niya saka tinuloy-tuloy ang pagsubo ng pagkain. Masarap kasi ang pork adobo nito.
"Alam mo bang nag-aral akong magluto ng maghiwalay tayo."
"Correction, nang hiwalayan mo ako," mariing sabi niya saka uminom ng tubig.
Sa tuwing naiisip kasi niya ang relasyon nila noon ni Jeremy ay nag-iinit ang kanyang pakiramdam. Bumabalik din kasi sa kanyang alaala ang maiinit na pinagsaluhan nila. Kung gaano siyang napapasigaw kapag inaabot nila ang sukdulan. Ang maiinit nitong yakap at ang naglalagablab nilang halik. At dahil suot niya ang damit ni Jeremy ay lalo pang nag-iinit ang kanyang pakiramdam. Pakiwari niya kasi ay iisa na naman ang kanilang katawan.
Shut up! inis niyang sabi sa kanyang sarili. Ang mga alaalang iyon kasi ay hindi makakatulong sa plano niyang ipamukha kay Jeremy na nakuha na niyang makapag-move on dito.
"Hiniwalayan kita dahil..."
"Anuman ang dahilan mo, hindi na ako interesadong malaman dahil hindi na naman kita mahal. Si Flaviano na ang mahal ko kaya siya ang gusto kong balikan ngayon. Kung sakali mang totoo ang sinasabi mo na gusto niya akong paghigantihan, okay lang sa akin. Kasi mahal ko siya," mariin niyang sabi rito.
Hindi nga lang niya makuhang tumingin kay Jeremy habang sinasabi niya ang mga salitang iyon dahil ayaw naman niyang mabasa nito ang kanyang pagsisinungaling. Alam niyang mali pero kailangan din naman niyang ipamukha rito na nagawa na niyang makapag-move on dito. Pakiramdam niya kasi ay pagtatawanan lang siya nito kapag sinabi niya rito na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ito.
Hindi siya naniniwala sa sinasabi nitong bestfriend lang nito ang babaeng iyon dahil minsan ay sinundan niya si Jeremy at nakita niya itong pumasok sa isang bahay. May mga tsismosa sa paligid noon kaya narinig niyang sinabi ng mga ito na nagsasama nga raw doon ang dalawa. Kaya naman palamay pagkakataon na kapag pumupunta siya kay Jeremy ay wala ito. May iba naman pala itong tinutuluyan.
"Alam ba niyang ako ang unang lalaki sa buhay mo?" tanong sa kanya ni Jeremy.
Mabilis niya itong sinagot. "Kahit naman hindi ko sabihin sa kanya ay alam niya. Siyempre..."
"Ginagawa n'yo rin ang ginagawa natin noon?" hindi makapaniwalang tanong nito.
Sa sobrang kaseryosohang nakikita niya sa mukha ni Jeremy ay parang gusto niyang humagalpak ng tawa. Kita roon ang pagkabigla nito kaya kahit na hindi naman siya sanay na magsinungaling ay parang nag-e-enjoy siyang makita ang sakit na nakikita niya sa mukha nito. Sa palagay niya ay naramdaman nito ngayon ang sakit na naramdaman niya noong pinagtaksilan siya nito.
"Mahal ko siya kaya siguro naman na okay lang na ipadama ko sa kanya na mahal ko siya, hindi ba? Saka, kailangan mo na talaga akong ibalik sa kanya. Baka kasi mamaya ay mabuntis na ako." Shucks, pakiramdam niya talaga ng mga sandaling iyon ay tutubuan na siya ng sungay dahil sa mga kasinungalingan na kanyang sinasabi.
"Damn," inis nitong sabi sa kanya.
Hindi pa man ito tapos kumain ay umalis na ito kaya naman napakibit-balikat na lang siya. Sa tingin naman niya ay hindi siya dapat na makonsensiya sa pagsisinungaling na kanyang ginawa dahil ito naman ang unang nanakit sa kanilang dalawa. Kaya kung nasaktan man ito ngayon, buti nga sa kanya!
KUNG hindi nakapagpigil si Jeremy, namura na naman niya ang sarili. Hanggang sa kasalukuyan kasi ay pinagsisisihan niya kung bakit nagawa niyang iwanan ang babaeng nasa kanyang harapan gayung walang araw na dumaan na di niya ito kapiling sa kanyang alaala at sa panaginip.
Dahil sa gusto niya itong iligtas sa kapahamakan, iyon ang paulit-ulit na sinasabi niya noon sa sarili. Alam niya kasing mapanganib naman ang kanyang trabaho lalo na't may mga delikado siyang misyon na walang pagdadalawang isip niyang kinukuha. Iyon kasi ang pangarap niya, ang makatulong sa mamamayan. Ang burahin sa mundong ito ang masasamang tao kaya dapat lang na hindi malaman ng kanyang mga kalaban ang kanyang kahinaan.
Hindi naman maaaring nasa tabi niya palagi si Katrina. May pagkakataon na magkahiwalay sila at nangangamba siyang sa panahon na iyon ay bigla itong mapahamak. Maaaring may kumidnap o pumatay na lang dito para makapaghiganti sa kanya. Hindi niya siyempre gugustuhing mangyari iyon kaya nagdesisyon na lang siya na hiwalayan na lang ito para matiyak niyang magiging ligtas ito. Mas maiging masaktan niya ito kaysa naman makita na lang niyang naliligo ito sa sariling dugo.
Ngunit, ngayon namang narinig niya kay Katrina na nakampag-move on na ito sa kanya. Sobrang sakit naman ang kanyang naramdaman. Ayaw niya sanang paniwalaan iyon pero naisip niyang hindi naman ito magdedesisyon na pakasalan si Flaviano Samonte kung hindi sapat ang pag-ibig dito ni Katrina.
Hindi niya tuloy napigilang paputukin ang kanyang baril. Kahit na may kalayuan ang kanyang target na mga bote ay nagawa niyang patamaan. Sa isip niya kasi ay si Flaviano Samonte iyon at nakaramdam siya ng matinding panggigigil. Nilayuan kasi niya si Katrina para hindi ito mapahamak pero ang natagpuan pala nito ay ang taong magbibigay dito ng matinding kapahamakan.
Sa pag-iimbestiga kasi nila ay napag-alaman nilang ilang beses ng nagpabalik-balik sa Mental Institution si Flaviano dahil balewala lang dito ang pumatay. Kaya talagang hindi malalayong may masamang mangyari kay Katrina kapag nagawa na talagang maisakatuparan ni Flaviano ang plano nito.
Sa sobrang galit niya tuloy kanina, hindi rin niya napigilan ang sarili na pagpunit-punitin ang wedding gown ni Katrina. Pakiramdam kasi niya kapag hindi niya ginawa iyon ay may dahilan pa si Katrina na ituloy ang pagpapakasal nito. Ngunit, habang pinagmamasdan naman niya si Katrina na nakasuot dito ang wedding gown ay hindi talaga maipagkakaila ang paglutang ng kagandahan nito.
Alun-alon ang lampas balikat nitong buhok na mamula-mula, maliit ang pa-hugis mangga nitong mukha, bilugan ang mga mata na may manipis at maarkong kilay, tama lang ang katangusan ng ilong at mapupula ang makipot na mga labi na talaga namang ang sarap-sarap halikan. Pati na rin ang kutis nitong kasimputi ng gatas ng kalabaw. Kahit na nga may kakapalan ang gown nitong suot ay alam na alam niyang balingkinitan ang pangangatawan nito kaya bagay na bagay dito ang taas na 5’6”
Kung noon ay pinili niya itong iwanan para sa kaligtasan nito. Ngayon ay kailangan siya nito sa bahay nito para mailigtas niya ito at hinding-hindi na niya hahayaan na mapalapit pa ito kay Flaviano.
KAHIT na sinabi na ni Katrina na hindi na siya interesado sa paliwanag ni Jeremy, hindi pa rin niya napigilang pakinggang ang mga sinasabi nito. Ngayon lang kasi masasagot ang mga katanungan niyang hindi maitanong kay Jeremy noon dahil gusto niyang ito ang kusang magsabi sa kanya. Kahit naman kasi madalas silang magkasama ni Jeremy noon, alam niyang may mga bagay itong inililihim sa kanya.
“Nag-criminology muna ako bago nag-Business Management para pagbigyan ang Lolo. Hindi ko sinabi sa’yo dati dahil wala naman akong balak na ipaalam nu’n sa’yo ang trabaho ko. Ayokong matakot ka. Hindi ko rin gustong mapahamak ka kaya pinili ko na lang na iwanan ka, sabihin sa’yong ayoko na sa relasyon natin kahit ang totoo’y mahal na mahal kita.”
Huwag kang maniwala, sabi ng utak niya. Kaya lang, traydor ang puso niya. Kahit dinurog ng minsan iyon ni Jeremias Rosales ay parang bigla iyong nabuo sa muli nilang paghaharap. Para tuloy gusto niyang akusahan ang sarili niyang 'baliw'.
“Hindi mo na naman kailangang sabihin ang mga salitang ‘yan dahil wala ng katuturan,” mataray niyang wika. Talagang kailangan niyang taasan pa ang kanyang tono dahil ayaw niyang baka mahalata pa nitong kinikilig pati tumbong niya sa sinabi nito.
“Dahil si Flaviano na ang mahal mo?” sarkastikong tanong nito sa kanya.
Matalim na matalim ang tingin niya rito. Nais niya kasing matauhan ito. “Oo, siya na ang mahal ko,” sagot niya pero iniwas niya ang tingin dito dahil alam niyang kasinungalingan iyon. Kung may katiting na pag-ibig man siyang nararamdaman kay Flaviano, tuluyan ng nabura dahil sa presensiya ni Jeremy.
“Gusto mo bang uminom?” tanong nito sa kanya sa halip na mag-react sa kanyang sinabi. “May beer ako sa ref.”
“Mabuti pa nga,” angil niya rito dahil nasilayan na naman niya ang pilyo nitong ngiti. Pakiramdam tuloy nila’y niloloko siya ni Jeremy at muling pinapaasa. Kung umasta at magsalita kasi ito kanina ay parang sinasabi nitong mahal siya at gusto siyang pakasalan pero parang wala itong reaksyon nang sabihin niyang mahal niya si Flaviano. Wala man lang siyang nakikitang selos sa boses at anyo nito pero parang tuwang-tuwa pa nang umayon siyang makipag-inuman dito. “At may kropek at nagaraya ka pa.”
Ngumiti ito at kumindat sa kanya. “Para masarap ang bonding natin.”
Dahil sa pagbilis ng tibok ng puso niya sa inakto nito ay pinili niyang iiwas dito ang kanyang tingin. Itinuon na lang niya ang tingin sa anim na can ng beer na inilagay sa centertable pati na rin sa dalawang balot ng malaking Fish-Da at Nagaraya. Hot and Spicy. Her favorite.
“Talagang pinaghandaan mo ang pagdating ko, ah."
Bahagya itong natawa. Siguro nga iyon ang paraan ni Jeremy na tama ang kanyang hinala. Dapat sana ay tumanggi na siya pero kahit bumuka ang kanyang bibig ay wala siyang lakas para kumontra.
"Bahay mo ito?” tanong niya saka tumungga ng beer. Sa sulok kasi ng isipan niya’y nasabi niyang kung ikakasal sila’t mas gusto niyang sa Tagaytay manirahan. Hindi nga lang siya nakakasiguro kung rumehistro sa isipan nito ang kanyang mga sinabi dahil noong magkarelasyon sila’y parang laging malalim ang iniisip ni Jeremy.
“Binili ko ito two years ago.”
“Maganda,” sabi niya sabay tungga ng beer. Sinunod-sunod niya ang paglagok kaya gumuhit ang matinding init sa kanyang lalamunan.
“Nagustuhan mo ba?”
Tumango siya.
“Good.”
Kumunot ang noo niya. Kahit kasi isang kataga lang ang sinabi nito’y para pa ring marami ang ibig sabihin noon. Kilala rin niya ang klase ng ngiting ibinibigay sa kanya ni Jeremy.
“Sa tingin mo’y magugustuhan ito ng mahal ko?” anitong titig na titig sa kanya.
“May mahal ka na?” gilalas niyang tanong.
“Matagal na.”
Lihim siyang napa-ouch. As usual, umasa na naman siya. Kung bakit ba naman kasi sineseryoso pa niya ang sinabi ni Jeremy na ibang wedding gown ang isusuot niya sa kanilang kasal, na-miss na nito ang mga pag-aasikaso niya. Maaari naman kasing dini-distract lang siya nito para mawala na ang atensyon niya kay Flaviano. At nagtagumpay naman itong talaga. Ilang oras pa lang kasi’y wala ng laman ang puso’t isipan niya kundi ito. Muli’y tumungga siya at sa pagkakataon na iyon ay said na said ang laman ng lata.
“Ang cute mo talagang magselos.” Nakangising sabi nito habang titig na titig sa kanyang mukha.
“Bakit naman ako magseselos, eh, hindi naman ikaw si Flaviano?” inis niyang tanong dito.
“Naalala mo pa ba ‘yung laro natin kapag umiinom tayo?” tanong nito sa halip sagutin ang kanyang tanong. “Pwede ka lang tumungga ng beer kapag sasagot ka sa tanong.”
Kumunot ang noo niya at pinahaba niya ang nguso. Mannerism niya iyon kapag nag-iisip siya. Kunwari’y inaalala niya ang sinabi nitro gayung gets na gets naman niya ang sinabi nito. Ayaw niya kasing ipahalata rito na lahat ng pinagsamahan nila, hanggang sa kaliit-liitang detalye ay nakatatak sa kanyang isip.
“O-oo naman,” sagot niya pagkaraan ng ilang sandali. Hindi rin pala niya kayang tikisin si Jeremy dahil dahil nasagot pa rin niya ang tanong nito kahit desidido na siya kaninang mag-maang-maangan. Para kasing bumigat ang dibdib niya nang makita ang lungkot sa mga mata nito kanina at ngayong nakangiti na rin si Jeremy, ang gaan-gaan na ng kanyang pakiramdam.
“Game?” naghahamong tanong nito habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Kung dati’y namamagneto lang ang mga mata niya habang nakatitig kay Jeremy, ngayon ay nagkulay lumot na ang kanyang utak. Ang iba pa kasing ibig sabihin sa kanila ng ‘game’ ay sex. Kaya naman napabulalas siya ng mahabang ‘ha’ sa tanong nito.
Pilyung-pilyo ang ngiti nito ng muling magsalita. “Game tayo sa question and answer. Hindi ba iyon ang madalas nating laruin?”
“Game,” sabi na lang niya dahil dama niyang nagkulay makopa na ang kanyang mukha.
HINDI pa man nag-uumpisa ang laro nila ni Jeremy ay nakakaramdam na si Katrina ng matinding pagkahilo. Kung bakit ba naman kasi sinunod-sunod niya ang pagtungga ng beer gayung may low tolerance siya sa alcohol at hindi naman talaga siya umiinom ng alak. Nangako kasi siya noon kay Jeremy na hindi siya titikim ng anumang inuming nakakalasing kapag hindi ito ang kasama niya. Kaya, tatlong taon na ang nakakaraan ng may alcohol na sumayad sa kanyang lalamunan.
“Sumalampak tayo sa sahig para talagang magka-level ang beautiful eyes natin,” wika ni Katrina sabay hagikgik. Para kasing umiikot na talaga ang tingin niya sa paligid. “Hindi man tayo mga indian pero mas maiging naka-indian sit tayo.”
“Easy,” wika ni Jeremy sa kanya.
Nagdu-doble na ang tingin niya sa mesa kaya nang itukod niya ang kamay ay muntik na siyang mapasubsob. Mabuti na lang at agad siyang inalalayan ni Jeremy tapos ginaya din nito ang pwesto niya.
“Taga-Meralco ka ba?” malambing niyang tanong kay Jeremy pagkaraan.
Natawa ito. “Hindi, bakit?”
“Nakuryente kasi ako sa’yo nu’ng hawakan mo ako. Kapag siguro huminto ang tibok ng puso ko, kailangang nandoon ka. Sure kasing mari-revive mo ako. Ang cute mo talaga,” wika niya sabay hagikgik. Dinutdot pa niya ang mukha ni Jeremy. “Hindi ka naman babae pero nagba-blush ka.”
“Ang cheesy mo kasi.”
“Kaya nga, paulit-ulit mo akong tinikman noon,” pilya niyang sabi sabay hagikgik. Kahit hindi na niya magawang makontrol ang kanyang mga sinasabi, nakapagtatakang tuwid pa rin ang pagsasalita niya. “Dahil feeling mo, cheese ako.”
“Masyado ka ng maraming nainom kanina kaya ako na ang unang magtatanong pero hindi ka pa pwedeng uminom ulit. Sigurado kasing nakayakap pa sa’yo ang espirito ng alak kaya masasagot mo ng totoo ang mga itatanong ko sa’yo.”
“Basta, huwag Math.” hirit pa niya.
“Bakit ginusto mong pakasalan si Flaviano Samonte?” marahang tanong ni Jeremy sa kanya.
“Dahil nag-propose siya sa akin.” Kahit bahagya ng siyang nahihilo sa kalasingan ay nagawa pa niyang sitahin ang kanyang sarili kung bakit hindi niya sinabing pakakasalan niya si Flaviano dahil mahal niya ito. Napahagikgik siya ng sabihin pa niyang, “Masama ang magsinungaling kaya nahihirapan akong sabihin sa’yong mahal ko siya kaya gusto ko siyang pakasalan.”
“Nag-propose lang siya sa’yo, nag-’yes’ ka na kahit hindi mo alam kung anong klaseng pagkatao mayroon siya at kung magagawa mo siyang mahalin habambuhay,” anitong titig na titig sa kanya.
Kahit na namumungay na ang kanyang mga mata ay hindi niya nagawang ialis dito ang kanyang tingin. Ayaw kasi niyang isipin nito na kasinungalingan lang ang kanyang sinasabi. “Mahal niya ako . Sapat na iyon para pakasalan ko siya.”
“Hindi ba dapat ang pakakasalan ay ang taong mahal mo?”
Dala ng kalasingan, hindi niya napigilan ang sariling magmura. Matalim na matalim ang tingin niya kay Jeremy nang sagutin niya ito. “Paano ko pakakasalan ang taong mahal ko kung iniwan mo ako? H-hindi mo alam k-kung gaanong sakit ang naramdaman ko nang sabihin mong ayaw mo akong m-maging ina ng anak mo. Na hindi mo ako mahal. Ibinigay ko naman ang lahat sa’yo pero, bakit hindi pa rin sapat?” Sa puntong iyon ay hindi na niya nakaya ang bigat na nararamdaman ng kanyang dibdib. Hindi na niya napigilan ang paghagulgol.
“Honey…”
“Shhh…” wika niya sabay takip sa sarili niyang bibig. “H-hindi mo na kailangang ma-guilty dahil alam ko... namang s-sinabi mo lang kung ano talaga ang... nararamdaman mo. You don’t love me. K-kung sabagay, ako lang...naman talaga ang nagpilit, di ba? U-unang kita ko pa lang kasi sa’yo, mahal na mahal na kita. Siguro nga naging tayo lang dahil pinagbigyan mo lang ang kabaliwan ko.”
“Let me explain please.”
Binato niya ito ng nagaraya. “H-huwag kang madaya dahil wala pa akong tinatanong sa’yo. Shut up or else...iki-kiss kita.” Gusto sana niyang gawin ang kanyang banta pero wala na siyang lakas dahil sobra na ang kanyang pagkahilo. “Ano ang tunay na dahilan kaya mo ako kinidnap sa mismong kasal ko?”
“Because I need you…”
MASAKIT na masakit ang ulo ni Katrina nang magising kaya ayaw pa niyang bumangon. Ni hindi nga niya magawang imulat ang kanyang mga mata. Mas gusto niyang magsumiksik na lang sa kanyang unan. Ang bango kasi nito kahit na mainit at gumagalaw.
Mainit? Gumagalaw? Bigla tuloy siyang napadilat.
“Good Morning,” bati sa kanya ni Jeremy, lalo pang hunigpitan ang yakap sa kanya.
Kahit na mas gusto niyang isubsob ang mukha niya sa dibdib nito tulad ng madalas niyang gawin noon, agad bumabalik sa isipan niya kung sino ito sa kanyang buhay -- her ex-boyfriend.
“Kamusta ang pakiramdam mo?”
“Hinding-hindi na talaga ako iinom,” mariin niyang pangako sa sarili.
“Ng tubig?” nanunudyong tanong nito sa kanya.
Binato niya ito ng matalim na tingin bago niya ito sinagot. “Ng kahit na anong inuming nakakalasing, lalo na kung kasama ka,” inis niyang sabi. Hindi niya nga alam ang dahilan kung paano siya nito napapayag na mag-inuman sila gayung may iba siyang dapat na pakasalan.
“Kailangan ako ni Flaviano.” Nahagilap niyang sabi.
“Hindi mo siya mahal. Ako ang mahal mo.”
“Ang kapal mo!” defensive niyang sigaw.
“Hindi ka na pwede mag-deny sa akin dahil sinabi mong hanggang ngayon ay mahal na mahal mo pa rin ako.”
Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagkalito pero agad din siyang nakabawi. “Lasing lang ako kaya kung anu-anong sinabi ko.”
“Kapag lasing ang tao saka nagsasabi ng totoo,” mariin nitong sabi sa kanya.
“O-M-G!” bulalas niya nang inalis niya ang kumot sa kanyang katawan. Ang nais niya kasi ay umalis na sa pagkakahiga pero hindi niya akalain na iyon lang pala ang nakatakip sa kanya.
“Dapat pa bang itanong ‘yan?”
Hindi niya nagawang sagutin ang tanong nito dahil nag-flash sa kanyang isipan ang naging eksena sa pagitan nila ni Jeremy.
“Halikan mo ako,” utos niya kay Jeremy.
Hindi agad nakakibo si Jeremy. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya. Parang pinag-aaralan kung seryoso ba siya o hindi.
“O, akala ko ba kailangan mo ako? Bakit hindi mo ako mahalikan? Obviously, pinapaasa mo lang ulit ako. Papaniwalain sa isang kasinungalingan.” Hindi na niya nagawang ituloy ang sasabihin dahil hinalikan na siya nito.
Mapusok.
Maalab..
Miss na miss na niya ang halik nito kaya hindi niya iyon napigilang tugunin. Dahil din sa epekto ng alak, nakalimutan niya ang tama at mali. Sa mga sandaling iyon, ang mahalaga na lang sa kanya ay ang isinisigaw ng kanyang damdamin.
“Kaya hindi na ako papayag sa sinasabi mong pupuntahan mo pa ang Flaviano Samonte na iyon. Dahil akin ka na ulit,” mariin nitong sabi sa kanya. “At hindi ako papayag na mapunta ka pa sa iba.”
Magsasalita sana siya pero biglang bumukas ang pintuan. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang kanyang Daddy.
"DAD..." hindi nagawang ituloy ni Katrina ang sasabihin dahil ibinaling agad ng ama niya ang tingin sa kanya. Hindi maipagkakaila sa mga mata nito ang disappointment. At hindi naman kataka-taka na makita ang reaksyon nitong iyon. Ikakasal siya dapat pero makikita nitong ganito ang kanyang ayos sa piling ng ibang lalaki. Sa piling ng kanyang ex-boyfriend."Magbihis ka at saka tayo mag-usap," mariin pang sabi ni ex-general Leopoldo San Juan sa makapangyarihang boses. Pagkatapos ay matagal nitong tinitigan si Jeremy na para bang gustong pagbabarilin ng mga oras na iyon kaya naman para siyang nakahinga nang maluwag ng umatras ito at isinara ang pintuan."Shucks, hindi na talaga ako iinom," bulong niya sa sarili. Kahit anong pilit niya, hindi niya magawang alalahanin ng buo ang nangyari pero tiyak niyang siya ang gumawa ng hakbang para magising siyang talop na talop. Napatingin lang siya kay Jeremy nang humalakhak ito.Marahas na buntunghining
"HUWAG kang ngumisi diyan na parang may gagawin tayo," inis na sabi ni Katrina kay Jeremy nang nasa loob na sila ng bahay. Umalis na rin ang Daddy niya at ang Ninong Sunday niya pero sinabi ng mga ito na babalik din."Hindi ba pagkatapos ng kasal, honeymoon ang kasunod?""Heh," inis niyang sabi. Kahit ano kasing galit na gusto niyang maramdaman kay Jeremy, parang marsmallow na lumalambot ang kanyang puso kapag napapatitig na siya rito. Kaya lang, hindi dapat nito makita ang kalambutan niya pagdating dito. "Hindi tayo nagpakasal dahil nagmamahalan tayo. Ayoko lang talaga na ma-disappoint ang Daddy ko sa akin kapag sinuway ko na naman siya.""Hindi pa rin naman mababago ang katotohanang, akin ka na."Sa mga salita nito ay parang gusto niyang isipin na mahal na mahal siya nitong talaga kaya nagawang sabihin ang mga salitang iyon pero isang bahagi ng utak niya ang nagsasabi na huwag itong basta paniwalaan. Dahil kapag naniwala na naman siya rito ay maaari na
“LOLO Segundo…” Hindi makapaniwalang bulalas ni Jeremy nang makitang bumaba sa Starex van ang matandang lalaki matapos itong pagbuksan ng driver/bodyguard nito. Magmula nang umalis siya sa Hacienda Rosales ay hindi man lang niya ito tinawagan para makapag-explain. Masyado kasing naokupa ni Katrina ang kanyang utak dahil sa matinding pag-aalala at determinasyon na makuha ito buhay sa fiance nito kaya naman nagtaka siya kung paanong nalaman ng Lolo Segundo niya kung nasaan siya. Napaungol lang siya at napamura nang maalala niyang nag-video chat nga pala sila ni Ronnie para ipaalam niya rito kung anong nangyari sa kanya. Matalik na kaibigan niya ito kaya naman dapat lang na sabihin niya rito ang tungkol sa pagpapakasal niya kay Katrina. Kahit na ikinabigla nito ang bilis ng pangyayari, hindi naman nito napigilan ang humalakhak sa paraan na ginawa niya para mapadali na mapapayag niya si Katrina na magpakasal sa kanya. Kahit na inulan siya ng panunukso ni Ronnie, hindi niya nakuhang map
"OH, my God!" hindi makapaniwalang bulalas ni Katrina nang pumasok na ang sasakyan nila sa Hacienda Rosales. Kahit naman kasi alam niyang ipinaghanda na naman si ni Lolo Segundo ay nakagugulat pa ring makita niya na parang mayroong fiesta dahil sa dami ng handa na nasa bakuran ng mga Rosales at marami ring bisita na naroroon na alam niyang karamihan ay mga tauhan ng hacienda base sa suot ng mga ito. "Ganyan ka-OA maghanda sa akin ang Lolo Segundo kaya marami akong pinsan na nagagalit sa akin. Dama kasi nilang ako ang paborito ng lolo kahit na nga hindi ako gaano tumutulong dito sa hacienda." "Dapat nga kasi talaga itong hacienda na lang ang pagtuunan mo ng pansin," hindi niya napigilang sabihin. Kahit na nakaparada na sila ay hindi pa rin nila nagawang bumaba. Hindi pa rin naman kasi pinapatay ni Jeremy ang sasakyan saka alam niyang hindi siya nito hahayaang bumaba mag-isa. Mas gusto nitong alalayan siya sa kanyang pagbaba. Siyempre,
PALPAK man ang kanyang planong paghihiganti, hindi dahilan iyon para mawalan siya ng pag-asa na makapaghiganti. Kailangan lang makaisip siya ng tamang strategy para makapaghiganti. Hindi naman kailangang agad-agad siyang lulusob. Mas maganda iyong pinagpaplanuhan munang talaga ang paghihiganti para magtagumpay. Marahas na buntunghininga lang ang pinawalan niya sa sobrang inis dahil naisahan siya sa kanyang plano. Kahit kasi gaano kabuti ang ipakita niya sa pamilya ni Katrina ay hindi naniwala ang mga ito. May mga sandali tuloy na inisip na lang niyang hagisan ng granada ang bahay ng mga ito para makasiguro siyang maglaho na sa mundong ito si ex-General Leopoldo San Juan, pati na rin ang pamilya nito. Kaya lang, tiyak niyang hindi magiging lubos ang kaligayahan niya kapag simpleng kamatayan lang ang sasapitin ng mga ito. Naghirap ang tunay niyang ama sa bilangguan bago pinatay at katakut-takot na hirap din ang kanyang pinagdaanan bago siya napunta sa mga S
AYAW sanang paniwalaan ni Jeremy ang sinasabi ni Katrina na hindi siya ang ama ng dinadala nito ngunit naisip niya, anong dahilan nito para magsinungaling sa kanya. Marahil, ayaw lang talaga nitong dayain siya kaya kahit na alam nitong masasaktan siya ay sinabi na lang nito sa kanya ang katotohanan. Tutal, simula pa lang naman ay hindi na itinago sa kanya ni Katrina na may namagitan dito at kay Flaviano Samonte.Masakit man sa kanya na may ibang nakatalik si Katrina nu'ng panahong nagkahiwalay sila, hindi naman niya ito masisi. Kung tutuusin naman kasi ay siya ang higit na may kasalanan. Iniwanan niya si Katrina at bago niya ginawa iyon ay sinaktan muna niya ito. Ipinamukha niya rito na hindi niya ito gustong maging ina ng kanyang anak.Hindi nga siya nakasisiguro kung nagawa na nga ba siyang patawarin ni Katrina sa mga salitang nasabi niya rito dahil siya, hindi pa niya nagagawang patawarin ang kanyang sarili dahil sinaktan niya ng matindi ang babaeng kany
"SO, nagsinungaling ka sa asawa mo?" "Medyo lang," nakangiwing sabi ni Katrina sa reaksyon ng pinsan. Halos sumigaw kasi ito sa loob ng guestroom dahil sinabi niya ang dahilan kung bakit niya ito pinapunta. Nilabas niya rito ang sama ng loob na nararamdaman niya. Kung wala kasi siyang mapaagsasabihan ay siguradong mas lalala pa ang galit na nararamdaman niya para kay Jeremy. "Medyo? Sinabi mong hindi siya ang ama ng anak mo tapos sasabihin mong medyo nagsisinungaling ka lang sa kanya?" highblood na tanong sa kanya ni Ysabelle. Hindi naman kasi ang tipo ni Ysabelle ang kukunsintihin ang kanyang kamalian kaya hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon ang reaksyon nito. "Ang boses mo naman," nag-aalala niyang sabi. Matalim na tingin ang binato niya rito. "Ninang ka, ha," wika niya pagkaraan. Masuyo ang kanyang boses dahil gusto niyang lambingin ang pinsan. "Kahit sino pa ang 'ama' niyang dinadala mo, ako ang magiging ninang niyan," wika nitong humina na rin ang boses. Alam niyang
BILANG lalaki, masakit talaga sa ego na akuin mo ang anak ng asawa no sa iba, pero, bakit pakiramdam niya'y walang katotohanan ang sinabi sa kanya ni Katrina?Nang una niya ulit itong angkin, pakiramdam niya'y wala naman talagang nakapasok pa dito dahil parang ang sikip pa rin nu'n na parang matagal na hindi napasukan. Pakiwari niya'y mga tatlong taon na rin. Tapos, damang-dama din naman niya ang pananabik sa kanya ni Katrina. Kaya nga lang, kung talagang hindi naman ito nagalaw ng ex nito'y bakit ipinagpipilitan sa kanya ni Katrina na anak nito kay Flaviano Samonte ang dinadala nito.Napabuntunghininga na lang siya nang maisip niyang baka naman nagsasabi ito ng totoo at in-denial lang talaga siya. Baka hanggang ngayon ay umaasa siya na hindi talaga siya napalitan ni Katrina. Saka, baka naman kaya sinasabi sa kanya ni Katrina palagi na si Flaviano ang ama ng dinadala nito ay dahil ibig lang nitong maging tapat sa kanya.Ang ipinagtataka lang niya ay
IBIG sana ni Katrina na kumontra sa mga naririnig na pag-uusap nina Jeremy at ng kanyang Ninong Sunday pero hindi niya mahagilap ang kanyang boses. Siguro dahil sa kinakabahan siya sa kanyang mga naririnig. Ang sabi kasi ni Jeremy ay lumuwas sila at nagpunta sa Samonte Hospital kaya parang may kakaiba raw itong nararamdaman sa pagpasok nila roon. Gusto sana niyang sabihin dito na ang tanda-tanda na nito para maniwala sa multo pero hindi niya magawa. Para kasing hindi lang multo ang ibig ipahiwatig ni Jeremy. Kahit tuloy matagal niyang nakarelasyon si Flaviano, parang ngayon lang siyang nakaramdam ng takot dito. Maaaring sa mahabang panahon ay naging bulag siya para makita niya ang tunay nitong ugali gayung lahat ng kapamilya niya ay nagsasabi na hindi nito gusto si Flaviano. Hindi naman niya masasabing dahil sa pag-ibig iyon kaya mabuting nilalang ang tingin niya kay Flaviano. Tiyak niya kasi kung sino lamang ang lalaking kaya niyang ibigin. Si Jeremy lamang. Kaya, walang problema sa
MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Jeremy. Kung siya lang talaga ay hindi niya gugustuhing magpunta sila ni Katrina sa Manila -- lalo na sa Samonte Hospital. Ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksyon si Katrina sa nakaraang pag-ibig nito dahil siya na ang asawa nito at naniniwala siyang siya na ulit ang mahal ni Katrina. Talaga ba? gusto niyang itanong sa sarili dahil parang mahirap pa rin iyong paniwalaan lalo na't pakiramdam niya'y nagiging malamig sa kanya si Katrina ng nakalipas na araw. Ibig niyang isipin na dahil lang iyon sa pag-aakala nitong pinakasalan lang niya ito dahil sa hacienda. Ngunit, hindi ba noong isang araw ay sinabi na nitong in love ito sa kanya? Gusto niyang paniwalaan iyon pero bakit para ring may nagsasabi sa kanya na iba talaga ang nais tukuyin ni Katrina ng mga sandaling iyon. Bigla tuloy siyang kinabahan. Gusto ko na makipaghiwalay sa’yo, yan ang mga salitang pumapasok sa kanyang isipan pero ipinilig niya ang kanyang uli. Hindi siya naniniwala n
NANINGKIT ng husto ang mga mata niya nang tumino sa kanyang isipan ang kanyang mga nakita at narinig.Kasal na si Katrina?Buntis na ito?Gusto niyang magwala ng mga sandaling iyon pero hindi niya magawa. Parang may makapangyarihang kamay na pumipigil sa kanyang balikat na tumayo buhat sa single sofa na kanyang kinauupuan. Mas gusto rin niya kasing pagmasdan ang babaeng dahilan kung bakit siya sobrang miserable ngayon.Kung maaari nga lang ay gusto niyang lumabas sa kanyang kinaroroonan para makaharap ito at mahalikan kaya lang hindi maaari. Hindi siya maaaring makita man lamang ng kahit na sino dahil lahat ay alam na patay na siya. Maliban na lamang siyempre sa mga magulang niya na sumoporta sa desisyon niyang 'pagpapatiwakal'.Ooppss, sa mata nga pala ng buong Pilipinas, hindi nagpatiwakal si Flaviano Samonte kundi pinatay ito. Nang pumasok kasi siya sa loob ng sasakyan ay sumabog iyon matapos ang ilang minuto.Mabu
"HINDI ka na rin pala makakatakas kay Zander Montellibano," natatawang sabi ni Katrina kay Ysabelle. Kahit hindi pa naikukuwento sa kanya ni Ysabelle ang buong pangyayari ay may ideya na siyang si Zander Montellibano ang sinasabi nitong naka-one night stand nito."Wala na akong balak tumakas," wika ni Ysabelle habang nakatitig sa amang nakaratay sa hospital bed.Mahal na mahal ni Ysabelle ang ama nito kaya kahit alam niyang nagiging pasaway ang kanyang pinsan, tiyak niyang gagawin nito ang lahat para lang mapasiya ang ama nito. Kaya nga mula elementary hanggang highschool ay naging Valedictorian ito at Cum Laude naman ng magtapos ito ng Business Management. Kahit alam niyang kayang-kaya nitong maging Summa Cum Laude ay hindi nangyari dahil natuon na ang pansin nito sa larangan na alam niyang gustung-gusto nito talaga, ang pagiging equestrian. Kinuha lang naman nito talaga ang kursong iyon dahil ito ang gusto ng ama at umayon din naman si Ysabelle na kakailanganin
AGAD inikot ni Jeremy ang kanyang tingin sa paligid. Ramdam kasi niyang may mga matang nakatingin sa kanya. Tiyak niya iyon. Malakas ang pakiramdam niya sa mga taong minamanmanan ang kilos niya."Anong problema?" nagtatakang tanong sa kanya ni Katrina.Sa halip na sagutin niya ito ay hinapit niya ang katawan nito palapit sa kanyang katawan. Kung mayroon mang mga mata na nakatingin sa kanya ay sisiguraduhin niyang magagawa niyang protektahan ang kanyangmag-ina. Kailanman ay hindi niya pababayaan ang mga ito."Wala," sabi na lang niya kay Katrina saka binigyan ito ng matamis na ngiti. Hindi niya siyempre ipapaalam dito ang kanyang hinala. Ayaw niyang mag-alala ito dahil nakasisiguro siyang makakasama lang iyon sa kalagayan nito. Hanggang maaari nga lang ay gusto niyang pasayahin ang kanyang asawa."Hindi ka naman naniniwala sa multo, hindi ba?" biglang tanong sa kanya ni Katrina."What?""Baka kasi iniisip mo na n
KAHIT na sa ospital ng mga Samonte dinala ang ama ni Ysabelle ay pinalis pa rin ni Katrina sa kanyang isipan ang takot. Ewan niya kung bakit para siyang nakaramdam ng panganib ng mga sandaling iyon, bigla tuloy siyang napahamak sa kanyang tiyan. Pakiramdam niya ay kailangan niyang protektahan ang kanyang dinadala.Nang ibaling niya ang tingin kay Jeremy ay nakita niyang nakatitig din ito sa kanya. Hindi nga lang niya magawang basahin ang emosyon nito. Kahit hindi ito magsalita ay alam niyang may ideya na ito kung anong kaugnayan ng hospital na iyon kay Flaviano."Hindi ko alam na dito dadalhin si Tito. Okay lang ba kung bababa tayo?" nag-aalanganing tanong niya."Bakit naman hindi?"Kahit na medyo may kalamigan ang boses nito ay nagawa pa rin niyang ngumiti. Paano ba naman kasi, hinagilap nito ang kanyang palad saka pinisil. Pakiwari niya ay nangangako ito sa kanya na kahit na anong mangyari ay hindi siya pababayaan."Ospita
PARANG gustong mahimatay ni Ysabelle nang mga sandaling iyon. Hindi niya kasi talaga akalain na muli niyang matatagpuan ang lalaking nakatalik niya. Alright, gusto rin naman niya itong makita pero hindi sa ganitong paraan. Para siyang pinaglalaruan ng tadhana gayung siya ang nagbalak na maglaro. "Ehem..." wika ng kanyang ama na nagpalingon sa kanya. Dahil sa dadalawa na lang naman sila ng kanyang ama sa bahay na iyon. Ang kanyang ina ay piniling makipaghiwalay na sa kanyang ama matapos ang mahigit sampung taong pagsasama ng mga ito sa isang bubong. Ani ng kanyang ina, kahit anong gawin nito ay talagang hindi makakayang mahalin ang kanyang ama. Iyon ang dahilan kaya ayaw niyang magmahal. Nangangamba siyang baka sa hiwalayan lang din naman sila mauwi. Kaya nga, itinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa pangangabayo. Isa siyang equestrian. Kaya lang, kahit na sumasali siya sa mga kompetisyon ay hindi niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral. Ku
NANLAKI ang mga mata ni Katrina nang makita niya si Jeremy na nakatayo sa may pinto ng banyo, nakahalukipkip habang nakasandal sa may pintuan. Hindi niya napigilan ang mapalunok. Hindi dahil sa takot na kanyang naramdaman, kundi dahil sa matinding pagnanasa na paulit-ulit niyang nararamdaman sa kanyang asawa.Hubad baro kasi ito at nakatapis lang ng asul na tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito. Kaya naman, nasisiguro niyang wala rin itong suot na panloob. Oh, para tuloy nanuyo ang lalamunan. Pakiramdam niya kasi'y kailangang-kailangan niya ito ng mga oras na iyon. Gusto niyang maramdaman ang mahihigpit nitong yakap, ang mapupusok nitong halik at ibig niyang maramdaman ang pag-angkin nito."Anong totoo?" interesadong tanong nito."That I'm in love with you," nahagilap niyang sabihin. Kahit naman nawawala siya sa kanyang sarili dahil sa nakikita niya'y hinding-hindi pa rin niya gugustuhin na mabuking siya ni Jeremy. Hindi pa siya handang ip
ALAM man ni Katrina na isang masamang panaginip lang iyon pero ang kaba na nasa kanyang puso ay hindi mawala-wala. Pakiramdam niya talaga ay may hindi magandang mangyayari kaya ng mga sumunod na araw ay parang nawawala siya sa sarili."Huwag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano riyan," naiiritang sabi sa kanya ni Ysabelle nang tawagan niya ito. Gusto sana niya itong papuntahin pero baka masyado lang siyang nagiging OA saka hindi rin naman niya sariling bahay ito para mag-aya na lang palagi ng bisita.Kahit naman asawa siya ni Jeremy at dito rin mapupunta ang Rosales Mansion at Hacienda Rosales, hindi pa rin siya dapat laging nagyayaya ng bisita dahil pakiramdam niya ay wala siyang karapatan. Sumasagi pa rin kasi sa isip niya na kaya siya pinakasalan ni Jeremy ay dahil sa mamanahin nito."Alalahanin mo ay ang anak mo. Baka naman magmukhang monster 'yan kung wala kang ibang iniisip kundi si Flaviano.""Huwag ka ngang ganyan," gilalas ni