Home / Romance / Agent Ex-Lover / Chapter Three

Share

Chapter Three

last update Last Updated: 2021-06-04 23:58:40

UNTI-UNTING iminulat ni Katrina ang kanyang mga mata at ang kanyang namulatan ay ang di pamilyar na ceiling. Kasabay noon ay ang pagbundol ng matinding kaba sa kanyang dibdib. Nagbalik na rin kasi sa alaala niya kung ano ang nangyari. Kaya naman, napabalikwas siyang bigla nang bangon. 

Ang unang pumasok sa isip niya ay may kumidnap sa kanya at ipatutubos siya sa kanyang fiance pero nagbago ang isip niya. Kung nais kasi makasiguro ng kidnapper na may makukuha sa kanya, dapat ay hinayaan muna siya nitong ikasal bago siya kinidnap. 

Oh, kinabahang bulalas niya nang muli niyang maalala ang sinabi ng kanyang kidnapper bago siya nawalan ng malay. Tiyak niyang may pampatulog ang panyong itinakip nito sa kanyang ilong. “Kung inaakala mong hahayaan kitang magpakasal sa lalaking iyon, nagkakamali ka!” Sa pagkarinig niya sa boses na iyon, dapat ay matakot siya pero paano niya magagawa kung kilalang-kilala naman niya ang nagmamay-ari ng boses. 

Sinabi niya sa kanyang sarili na hindi lang matutuloy ang kasal niya kay Flaviano kapag may kung sino o ano na magpapahinto sa pagsasabi niya ng ‘I do’. Ibig kasing sabihin nu’n ay maling mali ang desisyon niyang magpakasal dito. Kaya lang, hindi naman niya maiwasan ang makaramdam ng guilt dahil alam niyang sa nangyari ay katakut-takot na kahihiyan ang nararanasan nito ngayon. 

Hindi pa naman niya naawat itong bigyan siya ng napakaengrandeng kasal. Gusto raw kasi nitong malaman ng buong mundo kung gaano siya kamahal nito at siyempre, naniniwala siya rito. Nararamdaman naman kasi niya talaga kung gaano siya nito kamahal kaya't talagang hindi niya kayang pakinggan ang mga taong kumokontra dito. Pakiramdam tuloy niya ay ayaw lang tanggapin ng mga ito na may isang Flaviano Samonte na magmamahal talaga sa kanya. 

Nakakainis nga lang dahil kahit na gaano kabuti ang pinapakita sa kanya ni Flaviano ay hindi niya ito nagawang mahalin tulad ng pagmamahal na ibinigay niya noon kay Jeremy. Kaya naman naisip niyang kung hindi pa siya papayag na magpakasal kay Flaviano ay babalik na naman sa puso niya ang pagmamahal niya sa dating kasintahan. 

Jeremias Rosales. 

Ang pagbanggit pa lang niya sa pangalan ng dating kasintahan ay nagbibigay na ng matinding problema sa kanya. Paano ba naman kasi niya hindi mararamdaman iyon kung tiyak niyang anumang sandali ay muli na naman silang magkakaharap. 

Ayaw niya. 

Hindi pa man ay may takot na siyang nararamdaman kaya naman iginala niya ang kanyang tingin sa buong paligid. Sa tingin niya kasi, kailangan niyang gumawa ng paraan para siya ay makatakas. 

Nang tumakbo siya sa may bintana ay parang gusto niyang mapaiyak dahil rehas iyon kaya talagang imposibleng doon siya dadaan. Nag-iisip pa sana siya nang ibang paraan kung paano makakaalis sa lugar na iyon nang bumukas ang pintuan at iluwa ang taong ayaw na sana niyang makita pa.

Si Jeremias Rosales. Her ex-boyfriend.

Shit! hindi niya napigilang ibulalas sa sarili pagkaraan ng ilang sandali. Sa pagkakakita niya rito, ang dapat na maging reaksyon niya ay sigawan ito, sugurin at pagsasampalin. Sinira nito ang kasal niya kaya dapat lang talaga na maramdaman nito ang lupit ng kanyang paghihiganti. Kaya lang, kahit iyon ang gustong gawin ng kanyang utak ay hindi naman niya magawa dahil wala siyang lakas lalo pa't bumibilis na naman ang pintig ng kanyang puso habang nakatitig siya rito. 

Traydor na puso! buwisit niyang sabi lalo na't kahit gustuhin niya ay hindi niya magawang iiwas ang tingin dito. 

Ang guwapo pa rin niya, sobrang yummy! Hindi niya napigilang sabihin habang nakatitig dito. Ang perpektong paglalarawan ng tall, dark and handsome ay akmang-akma kay Jeremias Rosales. 6’1” ang height nito at ang pagiging kayumanggi nito ay nakadagdag sa appeal nitong sobrang lakas lalo pa't may alam ito sa pakikipagbakbakan. Kaya, sigurado niyang mas tataas pa ng milyon milyon ang pogi points ito kahit sobrang guwapo na nitong talaga sa kanyang paningin. 

Tuwid ang buhok nitong laging nakaayos, medyo pangahan ang mukha nito na napakaamo ang dating. Gayunman, dagling nagbabago ang aura nito kapag nagagalit dahil sa mala-punyal nitong mga mata na mas tumatalim kapag nagpapakita ng negatibong emosyon. Ang perpektong tangos ng ilong nito ay parang nagsasaad ng katayugan nito ay ang manipis ngunit malapad nitong mapupulang labi.

His lips.

Hindi na niya matandaan kung ilang beses siyang nahalikan ng mga labing iyon. Ang tanging alam niya’y tanging ang labi nito ang nakapagbibigay sa kanya ng kung anu-anong emosyon na nagiging dahilan para malimutan niya ang tama at mali. Pati na rin ang pagdaloy ng tila kuryente sa bawat himaymay ng kanyang mga kalamnan.

“Reminissing something?” nanunudyong tanong nito sa kanya.

Sa klase ng ngiting ibinibigay nito ngayon sa kanya ay biglang nag-init ang kanyang pisngi. Hindi lang kasi ang halik nito ang naalala niya habang nakatitig siya rito. Bumalik din sa isip niya kung gaano itong kagaling sa kama. At dahil doon ay hindi niya napigilan ang mapalunok. Hindi lang isang beses kundi ilang ulit. Nararamdaman na naman kasi niyang nanunuyo ang kanyang lalamunan kaya parang gusto niyang maghagilap ng baso at uminom ng malamig na malamig na tubig. 

Tiyak niya kasing kung maligamgam na tubig lang ang kanyang iinumin ay hindi makakatulong iyon para maibsan ang naglalagabgab na init na kanyang naramdaman sa pamamagitan lang ng pagtitig sa mukha nito at katawan. Sa nakalipas kasing tatlong taon ay mas naging guwapo at makisig ito. 

"Well..."

Ayaw man niyang magsinungaling ay hindi naman niya gustong ipahiya ang kanyang sarili kaya sinikap niyang maging matatag ng sabihin niya ritong, “Wala naman akong dapat na alalahanin, ano? Saka, may mga nakaraan na hindi na dapat pang binabalikan lalo na’t hindi karapat-dapat na balikan,” nanggigigil niyang sabi. Talagang sinalubong pa niya ang mga mata nito para magawa niyang ipakita sa kanyang mga mata ang galit.

Kaya lang, iyon yata ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa niya sa kanyang buhay dahil naramdaman na naman niya ang pagbilis ng kabog ng kanyang dibdib. Ganu’ng ganoon ang naramdaman niya ng unang magtama ang kanilang paningin kaya’t naniwala agad siyang ang nadama niya ng mga oras na iyon ay na-love at first sight siya.

"At karapat-dapat kang balikan kaya nandito ako ngayon."

Ngiting-ngiting sabi ni Jeremy kaya hindi niya napigilan ang mapalunok. Kahit ayaw niya ay parang biglang bumalik sa kanya ang damdamin niya rito. Heto nga at parang natunaw din ang lahat ng galit na naramdaman niya rito noon.                                                                                                            "

ILANG beses pang napakurap-kurap si Katrina dahil gusto na niyang mahinto sa isip niya ang paulit-ulit na pagpi-play ng mga salitang 'At karapat-dapat kang balikan kaya nandito ako ngayon.' Dahil hindi naman siya dapat na kiligin sa sinabi nito. Kailangan niyang maalala na ikakasal siya sa ibang lalaki. 

Maaari ngang hindi naman niya mahal talaga si Flaviano pero hindi naman iyon alam ng kanyang ex-boyfriend at hinding-hindi niya iyon aaminin kay Jeremy. Kapag nalaman kasi nitong napilitan lang talaga siyang panindigan ang pagpapakasal nila ni Flaviano ay awtomatiko na rin nitong malalaman na hangggang ngayon ay nasa puso pa rin niya ito. 

Sa palagay nga niya ay masokista talaga ang kanyang puso. Biro mo, sinaktan siya ni Jeremy ng sobra-sobra ng makipaghiwalay ito sa kanya pero parang gusto na niyang mag-move on at sabihin sa kanyang ex na, Pwede bang tayo na lang ulit?

Forget it! Dahil kinalimutan ka na niya! Singhal niya sa isip.

Eh, bakit siya nandito? Kontra ng puso niya.

Huwag kang umasa, parang narinig pang sabi ng utak niya sa kanyang puso. Sabi kasi ng utak niya, tiyak na may dahilan kaya nandiyan ang lalaki na iyan at hindi ang rasong gusto niyang makipagbalikan sa'yo. 

“Nasaan ba tayo?” tanong niya pagkaraan ng ilang sandali. Kahit naman kasi anong tingin niya sa paligid ay hindi niya makikita roon ang kasagutan dahil wala naman siyang nakikita kundi ang apat na sulok ng silid. 

“Tagaytay.”

Sa Tagaytay ko gusto tumira, nasabi niya noon kay Jeremy habang yakap siya nito at siya naman ay nakahilig sa dibdib nito. Mula kasi ng sagutin niya ito ay ikinunsidera na niyang ito ang kanyang mapapangasawa lalo pa’t botong-boto rin dito ang kanyang mga magulang. Ngunit, hindi naman niya hawak ang damdamin nito kaya nagawa nitong putulin ang pangarap niyang iyon.

Kaya, hindi siya dapat masiyahan dahil lang sinabi nito sa Tagaytay siya dinala. Dahil pupuwedeng nagkataon lang na ang lugar na iyon ang available para magawa siyang itago nito. Bakit ba sa isang kaisipang iyon ay biglang bumigat ang kanyang dibdib?

“Bakit mo ba kasi ako dinala dito?” inis niyang tanong.

“Dahil ayokong makasal ka sa ibang lalaki,” simpleng sabi nito.

Ang lakas tuloy ng pagsinghap niya. Bigla kasi niyang naalala si Flaviano. Ang kanilang kasal. Ang kahihiyan na kinaharap nito. Alam niyang labis itong nasaktan sa hindi niya pagsipot kaya hindi niya napigilan ang labis na mag-alala kung ano ang maaaring magawa nito sa sarili kung tuluyan niya itong tatalikuran. 

“Impakto ka talagang lalaki ka!” galit niyang sabi kay Jeremy.

“Ang guwapo ko namang impakto!”

“Ibalik mo ako kay Flaviano!” sigaw niya rito kahit alam naman niya sa sarili na iyon ang pinakahuling gusto niyang gawin. Gayunpaman, kailangan niyang sabihin iyon dahil gusto rin naman niyang ipamukha kay Jeremy na nagawa na niya itong kalimutan tulad ng gusto nitong mangyari. Saka, talagang nag-aalala din naman siya kay Flaviano. Tiyak niyang kahit hindi niya kasalanan ang nangyari ay magkakaroon ng malaking impact dito. 

“No way!” buong diing sabi nito. Salubong na salubong nga ang kilay nito ay sa dilim ng mukha nito parang gustong maghamon ng away. 

“Sinira mo ang buhay ko,” aniyang hindi naman tinutukoy ang pag-kidnap nito sa kanya kundi ang pakikipag-break nito noon sa kanya. Sa maraming masasakit na salitang sinabi nito para lang hiwalayan siya.

“No. Iniligtas lang kita sa pagkasira ng buhay mo kung magpapakasal ka sa lalaking hindi mo alam ang tunay na pagkatao at hindi mo mahal. Baka nga kapag natuloy ang kasal ninyo, hindi lang ang buhay mo ang masira  pati na ang hininga mo ay mawala.”

"A-anong pinagsasasabi mo?" mangha niyang tanong. Hindi kasi niya napigilang kilabutan nang marinig niya ang mga katagang iyon.

HINDI siya agad sinagot ni Jeremy kaya parang gusto niyang magwala. Nabubuwisit din siya sa klase ng tingin na ibinibigay nito sa kanya na para bang awang-awa sa kanya. Dahil doon ay parang gusto niyang makaramdam ng labis na panghihina. Alam niyang may hindi tama sa pagkatao ni Flaviano Samonte pero hinding-hindi niya naisip na maaari siya nitong saktan. Sobra-sobra nga ang pagpapakita nito ng pagmamahal sa kanya, hindi ba?

"Mas maiging hintayin muna nating dumating ang ama mo."

"Si Daddy?" gilalas niyang sabi rito. 

"Siya ang nag-utos sa aking kidnapin ka."

"Akala ko ba kaya mo ako kinidnap ay dahil sa ayaw mo akong makasal ako sa ibang lalaki?" buwisit niyang tanong dito pagkaraan. Pakiramdam niya kasi ay pinaasa lang siya nito kanina ng sabihin ang mga salitang iyon pero iyon pala ay ibang dahilan nito kaya siya kinidnap sa araw ng kanyang kasal. 

"Hindi ako nagsinungaling ng sabihin ko iyon. Talagang hindi ko gugustuhing ikasal ka sa ibang lalaki pero handa akong magparaya kung matinong lalaki ang pakakasalan mo. Mabuti na lang at mahal na mahal ka ng Daddy mo at inimbistigahan niyang mabuti ang pagkatao niyang pakakasalan mo."

"Ano ba talaga ang sinasabi mo? Hindi ko talaga maintindihan."

"Ampon lang si Flaviano."

Hindi niya alam iyon kaya nagulat siya. Ngayon niya napagtanto kung bakit kahit mestizo naman si Flaviano tulad ng mga magulang nito'y wala pa rin siyang nakikitang pagkakamukha ng mga ito. Gayunman, hindi niya makuhang magduda dahil nakita naman niya kung gaanong kamahal ng mag-asawa si Flaviano.

"Hindi naman isyu ang pagiging ampon..."

"Ang Daddy mo ang nagpakulong sa tatay ni Flaviano na pinatay sa kulungan," putol nito sa sasabihin niya. 

Sa sinabi sa kanya ng ex-boyfriend ay hindi niya napigilan ang sariling mapatitig dito. Ayaw sana niyang gawin iyon dahil lumalakas at bumibilis ang pintig ng kanyang puso pero talagang hindi niya makayang paniwalaan ang sinasabi nito. 

"At alam iyon ni Flaviano kaya nilapitan ka niya at pinaibig. Sa pamamagitan mo ay magagawa niyang gantihan ang ama mo. Ang kailangan lang niyang gawin ay makasal sa'yo bago ka niya patayin."

"Hindi totoo 'yan. Hindi magagawa sa akin ni Flaviano 'yan." Umiiling pa siya. Kung titingnan tuloy siya'y parang babaeng napigtal ang katinuan dahil hindi matanggap na ang lalaking pinagkatiwalaan niyang ibigin ay may masama palang motibo sa kanya. 

"Nasa Daddy mo ang lahat ng ebidensiya kaya nga sinabi ko kaninang hintayin muna natin siya pero alam kong kailangan mo na ring malaman ito para naman hindi ka na masyadong ma-guilty dahil sa hindi ka nakasipot sa kasal ninyo ng Flaviano Samonte na iyon."

"Gusto kong makausap si Flaviano." nahagilap niyang sabihin. Kahit naman ang mga kriminal ay may karapatan pa ring ipagtanggol ang kanilang sarili at iyon ang gusto niyang mangyari. Ang bigyan ng pagkakataon si Flaviano na ipagtanggol ang sarili nito. Ngunit, kahit paniwalaan pa niya ito ay hindi na niya gugustuhin pang magpakasal dito. 

Hindi lang dahil sa nangyari ang senyales na kanyang hinihingi kundi dahil talagang kahit anong gawin niya ay hindi niya ito magagawang mahalin ng buong-buo. Paano ba naman kasi mangyayari iyon, kung ngayon ay mabilis na mabilis na tumitibok ang puso niya sa lalaking kaharap. Sa ex-boyfriend niyang sobra siyang sinaktan.

"Para, ano?" manghang tanong sa kanya ni Jeremy. "Kung may pag-ibig ka mang nararamdaman sa Flaviano Samonte na iyon ay kalimutan mo na. Hindi ko hahayaan na mapunta ka lang sa maling tao."

"At sino ang tama para sa akin?" sarkastiko niyang tanong. 

Mabilis ang pagsagot ni Jeremy. "Ako."

"ikaw?" inis niyang tanong dito pero pagkaraan ay bigla siyang natigilan. Bumaba kasi ang tingin niya sa sarili at na-realize niyang hindi na siya nakasuot ng trahe de boda kaya naman pala ang gaan-gaan lang ng pakiramdam niya. Paano, bra at panty lang ang kanyang suot. "Maniac!"

"Matagal ko ng nakita 'yan kaya walang dahilan para mahiya ka pa sa akin." nanunudyong sabi rito dahilan para mag-init ng todo ang kanyang pakiramdam. 

"Nasaan na ang trahe de boda ko?" mataray niyang tanong dito ng makabawi siya sa pagkabigla. 

"Pinunit ko na para hindi mo na maisuot dahil hindi ka na magpapakasal sa Flaviano na iyon. Don't worry, magpapatahi tayo ulit ng wedding gown mo kapag nagpakasal tayo." Parang balewalang sabi nito pero nakangiti. 

Ang lakas ng pagsinghap niya ng marinig niya rito ang mga katagang iyon. Ilang saglit din siyang natigilan dahil parang ang hirap i-process sa utak niya ang sinabi nito. Talaga naman kasing nakaramdam siya ng matinding excitement sa sinabi nito. Three years ago ay iyon naman talaga ang pangarap niya, ang magpakasal kay Jeremias Rosales. 

"Sinong nagsabing magpapakasal ako sa'yo?" naiinis niyang tanong dito dahil nakaramdam pa siya ng excitement na para bang nakalimutan na niya ang lahat ng sakit na pinagdaanan niya sa pag-ian nito noon sa kanya. 

"Ako."

"Hindi mangyayari 'yan."

"Ako ang tunay mong mahal. At hindi mo 'yan maipagkakaila."

Gusto sana niya itong kontrahin pero hindi niya magawa. Talaga naman kasing nakakawalang lakas ang pagsisinungaling kaya hindi niya gugustuhing magsinungaling kay Jeremy ngayon para pagtakpan ang tunay niyang nararamdaman dahil malalaman din naman nito at kapag nangyari iyon ay siya rin ang lalabas na kahiya-hiya. 

"Iniwan mo ako." Naniningkit ang mga matang sabi niya rito. Kailangan sigurong ipaalala niya parati iyon dito para maalala nito kung bakit niya ito nagawang palitan. Iyon nga lang, alam niyang isang kasinungalingan iyon dahil kahit na ginusto niyang pakasalan si Flaviano ay hindi naman nagawang maalis ni Jeremy sa kanyang puso. 

Kahit nga noong araw na ikakasal na siya ay ito pa rin ang naiisip niyang gusto niyang pakasalan kaya kahit na kinidnap siya nito ay pakiramdam pa rin niyang ito ang kanyang naging knight in shining armour dahil nagawa siya nitong iligtas sa kapahamakan. Hindi pa man niya napapatunayan na magagawa nga ni Flaviano na paghigantihan lang siya ay alam niyang hindi talaga siya magiging maligaya sa piling nito. 

"May dahilan ako kaya ko ginawa iyon." malungkot nitong sabi sa kanya. 

Hindi rin niya nagawang magtanong dahil nakita niyang kakaibang lungkot sa mga mata nito. Naisip niya tuloy na marahil ay pinagsisihan din nito ang pag-iwan sa kanya. 

"Dahil may iba kang babae," sabi na lang niya. Ayaw na kasi niyang isipin ang masasakit na salitang binitiwan nito sa kanya at ang naisip na lang niyang sabihin ay iyong eksenang nagkasalubong sila at ipinakilala pa sa kanya ang babaeng iyon. Kahit na nakalimutan na niya ang pangalan nu'ng babae ay para pa ring dinurog ng pinung-pino ang kanyang puso dahil naalala niya kung paanong yakapin ito ni Jeremy.

"Walang ibang babae."

"Ows. Kaya pala para kang tuko kung makakapit sa babaeng iyon. Nakalimutan ko lang ang pangalan nu'ng girl dahil hindi naman ako interesado."

"Si Veronica ang ipinakilala ko sa'yong babae. Bestfriend ko lang siya at kasamahan ko siya sa trabaho."

"Anong trabaho?"

"The Dragons?"

"Sa Investigative Agency?" mangha niyang bulalas. Pamilyar sa kanya ang ahensiya na iyon dahil iyon ang pinamamahalaang ahensya ng kanyang Ninong Sunday, matalik na kaibigan ito ng kanyang Daddy.

"Yes."

Kahit naman nagkaroon sila ng relasyon noon ni Jeremy ay marami siyang hindi nalaman dito. Basta ang alam niya ay pangarap nga nitong maging alagad ng batas pero noong panahong nagkakilala sila ay kumuha ito ng BSc Agriculture. Dahil nga raw gusto rin nitong pagbigyan ang Lolo nito. Ngunit, palagi rin nitong sinasabi na hindi naman talaga iyon ang pangarap nito. Napabuntunghininga siya nang maalala niyang pinayuhan niya itong tuparin kung anuman ang pinapangarap nito dahil kapag hindi nito naabot iyon ay hindi ito makakaramdam ng kasiyahan kung itutuon naman nito ang pansin sa gawaing pinilit lang dito ng ibang tao. 

"Hindi ko naman sinabi ito dahil gusto kong suwayin mo ang Lolo mo. Sinasabi ko lang ito dahil girlfriend mo ako at gusto kong matupad mo kung ano talaga ang pinapangarap mo. Mahirap kasing magsisi ka lalo na't kung dumating ang panahon na hindi mo na maibabalik pa ang panahong pinawalan mo."

"Marami nga tayong dapat na pag-usapan pero kailangan mo munang magbihis dahil baka hindi ko na makayanan pang pigilan ang sarili ko at bigla ko na lang maisipan na makipag-make love sa'yo."

"Ang bastos mo!" namumula ang mukhang sabi niya dahil talaga namang biglang nag-init ang kanyang pakiramdam pagkaraan. Para tuloy bigla na ring nawala sa isip niya ang tungkol kay Flaviano at sa pagpapakasal sana nila.

Related chapters

  • Agent Ex-Lover   Chapter Four

    "IBALIK mo na ako kay Flaviano," mariing sabi ni Katrina kay Jeremy habang nilalagyan siya nito ng sinangag at pork adobo sa kanyang plato. Hindi niya kasi gusto ang nararamdaman niya dahil sa pag-aasikasong ginagawa nito sa kanya. Ang traydor kasi niyang puso ay bumibilis na naman ang pintig. Kahit kasi tatlong taon na silang hiwalay ni Jeremy, kailanman ay hindi ito nawala sa puso't isipan niya. Sigurado nga siyang kaya niya sinagot si Flaviano ay dahil gusto niyang maibaling dito ang pag-ibig niya kay Jeremy. Akala niya kasi ay magagawa niya iyon lalo na't nararamdaman naman niya ang pagmamahal nito sa kanya. Pekeng pagmamahal, hindi niya napigilang sabihin. At sa kaisipang iyon ay gusto rin niyang magtawa dahil pekeng pagmamahal din naman ang binibigay niya rito. Ang dahilan lang naman kaya ginusto niyang pakasalan si Flaviano ay dahil inakala niyang mahal na mahal siya nito at hindi gugustuhing iwanan siya. Tulad ng ginawa sa kanya ni J

    Last Updated : 2021-06-05
  • Agent Ex-Lover   Chapter Five

    "DAD..." hindi nagawang ituloy ni Katrina ang sasabihin dahil ibinaling agad ng ama niya ang tingin sa kanya. Hindi maipagkakaila sa mga mata nito ang disappointment. At hindi naman kataka-taka na makita ang reaksyon nitong iyon. Ikakasal siya dapat pero makikita nitong ganito ang kanyang ayos sa piling ng ibang lalaki. Sa piling ng kanyang ex-boyfriend."Magbihis ka at saka tayo mag-usap," mariin pang sabi ni ex-general Leopoldo San Juan sa makapangyarihang boses. Pagkatapos ay matagal nitong tinitigan si Jeremy na para bang gustong pagbabarilin ng mga oras na iyon kaya naman para siyang nakahinga nang maluwag ng umatras ito at isinara ang pintuan."Shucks, hindi na talaga ako iinom," bulong niya sa sarili. Kahit anong pilit niya, hindi niya magawang alalahanin ng buo ang nangyari pero tiyak niyang siya ang gumawa ng hakbang para magising siyang talop na talop. Napatingin lang siya kay Jeremy nang humalakhak ito.Marahas na buntunghining

    Last Updated : 2021-06-08
  • Agent Ex-Lover   Chapter Six

    "HUWAG kang ngumisi diyan na parang may gagawin tayo," inis na sabi ni Katrina kay Jeremy nang nasa loob na sila ng bahay. Umalis na rin ang Daddy niya at ang Ninong Sunday niya pero sinabi ng mga ito na babalik din."Hindi ba pagkatapos ng kasal, honeymoon ang kasunod?""Heh," inis niyang sabi. Kahit ano kasing galit na gusto niyang maramdaman kay Jeremy, parang marsmallow na lumalambot ang kanyang puso kapag napapatitig na siya rito. Kaya lang, hindi dapat nito makita ang kalambutan niya pagdating dito. "Hindi tayo nagpakasal dahil nagmamahalan tayo. Ayoko lang talaga na ma-disappoint ang Daddy ko sa akin kapag sinuway ko na naman siya.""Hindi pa rin naman mababago ang katotohanang, akin ka na."Sa mga salita nito ay parang gusto niyang isipin na mahal na mahal siya nitong talaga kaya nagawang sabihin ang mga salitang iyon pero isang bahagi ng utak niya ang nagsasabi na huwag itong basta paniwalaan. Dahil kapag naniwala na naman siya rito ay maaari na

    Last Updated : 2021-06-11
  • Agent Ex-Lover   Chapter Seven

    “LOLO Segundo…” Hindi makapaniwalang bulalas ni Jeremy nang makitang bumaba sa Starex van ang matandang lalaki matapos itong pagbuksan ng driver/bodyguard nito. Magmula nang umalis siya sa Hacienda Rosales ay hindi man lang niya ito tinawagan para makapag-explain. Masyado kasing naokupa ni Katrina ang kanyang utak dahil sa matinding pag-aalala at determinasyon na makuha ito buhay sa fiance nito kaya naman nagtaka siya kung paanong nalaman ng Lolo Segundo niya kung nasaan siya. Napaungol lang siya at napamura nang maalala niyang nag-video chat nga pala sila ni Ronnie para ipaalam niya rito kung anong nangyari sa kanya. Matalik na kaibigan niya ito kaya naman dapat lang na sabihin niya rito ang tungkol sa pagpapakasal niya kay Katrina. Kahit na ikinabigla nito ang bilis ng pangyayari, hindi naman nito napigilan ang humalakhak sa paraan na ginawa niya para mapadali na mapapayag niya si Katrina na magpakasal sa kanya. Kahit na inulan siya ng panunukso ni Ronnie, hindi niya nakuhang map

    Last Updated : 2021-06-11
  • Agent Ex-Lover   Chapter Eight

    "OH, my God!" hindi makapaniwalang bulalas ni Katrina nang pumasok na ang sasakyan nila sa Hacienda Rosales. Kahit naman kasi alam niyang ipinaghanda na naman si ni Lolo Segundo ay nakagugulat pa ring makita niya na parang mayroong fiesta dahil sa dami ng handa na nasa bakuran ng mga Rosales at marami ring bisita na naroroon na alam niyang karamihan ay mga tauhan ng hacienda base sa suot ng mga ito. "Ganyan ka-OA maghanda sa akin ang Lolo Segundo kaya marami akong pinsan na nagagalit sa akin. Dama kasi nilang ako ang paborito ng lolo kahit na nga hindi ako gaano tumutulong dito sa hacienda." "Dapat nga kasi talaga itong hacienda na lang ang pagtuunan mo ng pansin," hindi niya napigilang sabihin. Kahit na nakaparada na sila ay hindi pa rin nila nagawang bumaba. Hindi pa rin naman kasi pinapatay ni Jeremy ang sasakyan saka alam niyang hindi siya nito hahayaang bumaba mag-isa. Mas gusto nitong alalayan siya sa kanyang pagbaba. Siyempre,

    Last Updated : 2021-06-13
  • Agent Ex-Lover   Chapter Nine

    PALPAK man ang kanyang planong paghihiganti, hindi dahilan iyon para mawalan siya ng pag-asa na makapaghiganti. Kailangan lang makaisip siya ng tamang strategy para makapaghiganti. Hindi naman kailangang agad-agad siyang lulusob. Mas maganda iyong pinagpaplanuhan munang talaga ang paghihiganti para magtagumpay. Marahas na buntunghininga lang ang pinawalan niya sa sobrang inis dahil naisahan siya sa kanyang plano. Kahit kasi gaano kabuti ang ipakita niya sa pamilya ni Katrina ay hindi naniwala ang mga ito. May mga sandali tuloy na inisip na lang niyang hagisan ng granada ang bahay ng mga ito para makasiguro siyang maglaho na sa mundong ito si ex-General Leopoldo San Juan, pati na rin ang pamilya nito. Kaya lang, tiyak niyang hindi magiging lubos ang kaligayahan niya kapag simpleng kamatayan lang ang sasapitin ng mga ito. Naghirap ang tunay niyang ama sa bilangguan bago pinatay at katakut-takot na hirap din ang kanyang pinagdaanan bago siya napunta sa mga S

    Last Updated : 2021-06-13
  • Agent Ex-Lover   Chapter Ten

    AYAW sanang paniwalaan ni Jeremy ang sinasabi ni Katrina na hindi siya ang ama ng dinadala nito ngunit naisip niya, anong dahilan nito para magsinungaling sa kanya. Marahil, ayaw lang talaga nitong dayain siya kaya kahit na alam nitong masasaktan siya ay sinabi na lang nito sa kanya ang katotohanan. Tutal, simula pa lang naman ay hindi na itinago sa kanya ni Katrina na may namagitan dito at kay Flaviano Samonte.Masakit man sa kanya na may ibang nakatalik si Katrina nu'ng panahong nagkahiwalay sila, hindi naman niya ito masisi. Kung tutuusin naman kasi ay siya ang higit na may kasalanan. Iniwanan niya si Katrina at bago niya ginawa iyon ay sinaktan muna niya ito. Ipinamukha niya rito na hindi niya ito gustong maging ina ng kanyang anak.Hindi nga siya nakasisiguro kung nagawa na nga ba siyang patawarin ni Katrina sa mga salitang nasabi niya rito dahil siya, hindi pa niya nagagawang patawarin ang kanyang sarili dahil sinaktan niya ng matindi ang babaeng kany

    Last Updated : 2021-06-15
  • Agent Ex-Lover   Chapter Eleven

    "SO, nagsinungaling ka sa asawa mo?" "Medyo lang," nakangiwing sabi ni Katrina sa reaksyon ng pinsan. Halos sumigaw kasi ito sa loob ng guestroom dahil sinabi niya ang dahilan kung bakit niya ito pinapunta. Nilabas niya rito ang sama ng loob na nararamdaman niya. Kung wala kasi siyang mapaagsasabihan ay siguradong mas lalala pa ang galit na nararamdaman niya para kay Jeremy. "Medyo? Sinabi mong hindi siya ang ama ng anak mo tapos sasabihin mong medyo nagsisinungaling ka lang sa kanya?" highblood na tanong sa kanya ni Ysabelle. Hindi naman kasi ang tipo ni Ysabelle ang kukunsintihin ang kanyang kamalian kaya hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon ang reaksyon nito. "Ang boses mo naman," nag-aalala niyang sabi. Matalim na tingin ang binato niya rito. "Ninang ka, ha," wika niya pagkaraan. Masuyo ang kanyang boses dahil gusto niyang lambingin ang pinsan. "Kahit sino pa ang 'ama' niyang dinadala mo, ako ang magiging ninang niyan," wika nitong humina na rin ang boses. Alam niyang

    Last Updated : 2021-07-10

Latest chapter

  • Agent Ex-Lover   Chapter Thirty-four

    IBIG sana ni Katrina na kumontra sa mga naririnig na pag-uusap nina Jeremy at ng kanyang Ninong Sunday pero hindi niya mahagilap ang kanyang boses. Siguro dahil sa kinakabahan siya sa kanyang mga naririnig. Ang sabi kasi ni Jeremy ay lumuwas sila at nagpunta sa Samonte Hospital kaya parang may kakaiba raw itong nararamdaman sa pagpasok nila roon. Gusto sana niyang sabihin dito na ang tanda-tanda na nito para maniwala sa multo pero hindi niya magawa. Para kasing hindi lang multo ang ibig ipahiwatig ni Jeremy. Kahit tuloy matagal niyang nakarelasyon si Flaviano, parang ngayon lang siyang nakaramdam ng takot dito. Maaaring sa mahabang panahon ay naging bulag siya para makita niya ang tunay nitong ugali gayung lahat ng kapamilya niya ay nagsasabi na hindi nito gusto si Flaviano. Hindi naman niya masasabing dahil sa pag-ibig iyon kaya mabuting nilalang ang tingin niya kay Flaviano. Tiyak niya kasi kung sino lamang ang lalaking kaya niyang ibigin. Si Jeremy lamang. Kaya, walang problema sa

  • Agent Ex-Lover   Chapter Thirty Three

    MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Jeremy. Kung siya lang talaga ay hindi niya gugustuhing magpunta sila ni Katrina sa Manila -- lalo na sa Samonte Hospital. Ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksyon si Katrina sa nakaraang pag-ibig nito dahil siya na ang asawa nito at naniniwala siyang siya na ulit ang mahal ni Katrina. Talaga ba? gusto niyang itanong sa sarili dahil parang mahirap pa rin iyong paniwalaan lalo na't pakiramdam niya'y nagiging malamig sa kanya si Katrina ng nakalipas na araw. Ibig niyang isipin na dahil lang iyon sa pag-aakala nitong pinakasalan lang niya ito dahil sa hacienda. Ngunit, hindi ba noong isang araw ay sinabi na nitong in love ito sa kanya? Gusto niyang paniwalaan iyon pero bakit para ring may nagsasabi sa kanya na iba talaga ang nais tukuyin ni Katrina ng mga sandaling iyon. Bigla tuloy siyang kinabahan. Gusto ko na makipaghiwalay sa’yo, yan ang mga salitang pumapasok sa kanyang isipan pero ipinilig niya ang kanyang uli. Hindi siya naniniwala n

  • Agent Ex-Lover   Chapter Thirty Two

    NANINGKIT ng husto ang mga mata niya nang tumino sa kanyang isipan ang kanyang mga nakita at narinig.Kasal na si Katrina?Buntis na ito?Gusto niyang magwala ng mga sandaling iyon pero hindi niya magawa. Parang may makapangyarihang kamay na pumipigil sa kanyang balikat na tumayo buhat sa single sofa na kanyang kinauupuan. Mas gusto rin niya kasing pagmasdan ang babaeng dahilan kung bakit siya sobrang miserable ngayon.Kung maaari nga lang ay gusto niyang lumabas sa kanyang kinaroroonan para makaharap ito at mahalikan kaya lang hindi maaari. Hindi siya maaaring makita man lamang ng kahit na sino dahil lahat ay alam na patay na siya. Maliban na lamang siyempre sa mga magulang niya na sumoporta sa desisyon niyang 'pagpapatiwakal'.Ooppss, sa mata nga pala ng buong Pilipinas, hindi nagpatiwakal si Flaviano Samonte kundi pinatay ito. Nang pumasok kasi siya sa loob ng sasakyan ay sumabog iyon matapos ang ilang minuto.Mabu

  • Agent Ex-Lover   Chapter Thirty One

    "HINDI ka na rin pala makakatakas kay Zander Montellibano," natatawang sabi ni Katrina kay Ysabelle. Kahit hindi pa naikukuwento sa kanya ni Ysabelle ang buong pangyayari ay may ideya na siyang si Zander Montellibano ang sinasabi nitong naka-one night stand nito."Wala na akong balak tumakas," wika ni Ysabelle habang nakatitig sa amang nakaratay sa hospital bed.Mahal na mahal ni Ysabelle ang ama nito kaya kahit alam niyang nagiging pasaway ang kanyang pinsan, tiyak niyang gagawin nito ang lahat para lang mapasiya ang ama nito. Kaya nga mula elementary hanggang highschool ay naging Valedictorian ito at Cum Laude naman ng magtapos ito ng Business Management. Kahit alam niyang kayang-kaya nitong maging Summa Cum Laude ay hindi nangyari dahil natuon na ang pansin nito sa larangan na alam niyang gustung-gusto nito talaga, ang pagiging equestrian. Kinuha lang naman nito talaga ang kursong iyon dahil ito ang gusto ng ama at umayon din naman si Ysabelle na kakailanganin

  • Agent Ex-Lover   Chapter Thirty

    AGAD inikot ni Jeremy ang kanyang tingin sa paligid. Ramdam kasi niyang may mga matang nakatingin sa kanya. Tiyak niya iyon. Malakas ang pakiramdam niya sa mga taong minamanmanan ang kilos niya."Anong problema?" nagtatakang tanong sa kanya ni Katrina.Sa halip na sagutin niya ito ay hinapit niya ang katawan nito palapit sa kanyang katawan. Kung mayroon mang mga mata na nakatingin sa kanya ay sisiguraduhin niyang magagawa niyang protektahan ang kanyangmag-ina. Kailanman ay hindi niya pababayaan ang mga ito."Wala," sabi na lang niya kay Katrina saka binigyan ito ng matamis na ngiti. Hindi niya siyempre ipapaalam dito ang kanyang hinala. Ayaw niyang mag-alala ito dahil nakasisiguro siyang makakasama lang iyon sa kalagayan nito. Hanggang maaari nga lang ay gusto niyang pasayahin ang kanyang asawa."Hindi ka naman naniniwala sa multo, hindi ba?" biglang tanong sa kanya ni Katrina."What?""Baka kasi iniisip mo na n

  • Agent Ex-Lover   Chapter Twenty Nine

    KAHIT na sa ospital ng mga Samonte dinala ang ama ni Ysabelle ay pinalis pa rin ni Katrina sa kanyang isipan ang takot. Ewan niya kung bakit para siyang nakaramdam ng panganib ng mga sandaling iyon, bigla tuloy siyang napahamak sa kanyang tiyan. Pakiramdam niya ay kailangan niyang protektahan ang kanyang dinadala.Nang ibaling niya ang tingin kay Jeremy ay nakita niyang nakatitig din ito sa kanya. Hindi nga lang niya magawang basahin ang emosyon nito. Kahit hindi ito magsalita ay alam niyang may ideya na ito kung anong kaugnayan ng hospital na iyon kay Flaviano."Hindi ko alam na dito dadalhin si Tito. Okay lang ba kung bababa tayo?" nag-aalanganing tanong niya."Bakit naman hindi?"Kahit na medyo may kalamigan ang boses nito ay nagawa pa rin niyang ngumiti. Paano ba naman kasi, hinagilap nito ang kanyang palad saka pinisil. Pakiwari niya ay nangangako ito sa kanya na kahit na anong mangyari ay hindi siya pababayaan."Ospita

  • Agent Ex-Lover   Chapter Twenty Eight

    PARANG gustong mahimatay ni Ysabelle nang mga sandaling iyon. Hindi niya kasi talaga akalain na muli niyang matatagpuan ang lalaking nakatalik niya. Alright, gusto rin naman niya itong makita pero hindi sa ganitong paraan. Para siyang pinaglalaruan ng tadhana gayung siya ang nagbalak na maglaro. "Ehem..." wika ng kanyang ama na nagpalingon sa kanya. Dahil sa dadalawa na lang naman sila ng kanyang ama sa bahay na iyon. Ang kanyang ina ay piniling makipaghiwalay na sa kanyang ama matapos ang mahigit sampung taong pagsasama ng mga ito sa isang bubong. Ani ng kanyang ina, kahit anong gawin nito ay talagang hindi makakayang mahalin ang kanyang ama. Iyon ang dahilan kaya ayaw niyang magmahal. Nangangamba siyang baka sa hiwalayan lang din naman sila mauwi. Kaya nga, itinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa pangangabayo. Isa siyang equestrian. Kaya lang, kahit na sumasali siya sa mga kompetisyon ay hindi niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral. Ku

  • Agent Ex-Lover   Chapter Twenty Seven

    NANLAKI ang mga mata ni Katrina nang makita niya si Jeremy na nakatayo sa may pinto ng banyo, nakahalukipkip habang nakasandal sa may pintuan. Hindi niya napigilan ang mapalunok. Hindi dahil sa takot na kanyang naramdaman, kundi dahil sa matinding pagnanasa na paulit-ulit niyang nararamdaman sa kanyang asawa.Hubad baro kasi ito at nakatapis lang ng asul na tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito. Kaya naman, nasisiguro niyang wala rin itong suot na panloob. Oh, para tuloy nanuyo ang lalamunan. Pakiramdam niya kasi'y kailangang-kailangan niya ito ng mga oras na iyon. Gusto niyang maramdaman ang mahihigpit nitong yakap, ang mapupusok nitong halik at ibig niyang maramdaman ang pag-angkin nito."Anong totoo?" interesadong tanong nito."That I'm in love with you," nahagilap niyang sabihin. Kahit naman nawawala siya sa kanyang sarili dahil sa nakikita niya'y hinding-hindi pa rin niya gugustuhin na mabuking siya ni Jeremy. Hindi pa siya handang ip

  • Agent Ex-Lover   Chapter Twenty Six

    ALAM man ni Katrina na isang masamang panaginip lang iyon pero ang kaba na nasa kanyang puso ay hindi mawala-wala. Pakiramdam niya talaga ay may hindi magandang mangyayari kaya ng mga sumunod na araw ay parang nawawala siya sa sarili."Huwag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano riyan," naiiritang sabi sa kanya ni Ysabelle nang tawagan niya ito. Gusto sana niya itong papuntahin pero baka masyado lang siyang nagiging OA saka hindi rin naman niya sariling bahay ito para mag-aya na lang palagi ng bisita.Kahit naman asawa siya ni Jeremy at dito rin mapupunta ang Rosales Mansion at Hacienda Rosales, hindi pa rin siya dapat laging nagyayaya ng bisita dahil pakiramdam niya ay wala siyang karapatan. Sumasagi pa rin kasi sa isip niya na kaya siya pinakasalan ni Jeremy ay dahil sa mamanahin nito."Alalahanin mo ay ang anak mo. Baka naman magmukhang monster 'yan kung wala kang ibang iniisip kundi si Flaviano.""Huwag ka ngang ganyan," gilalas ni

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status