Months ago...
"Mission accomplished!" mayabang na sabi ni Special Agent Jeremias Rosales sabay nguso sa baril na kanyang pinaputok. Nakabulagta na kasi sa kanyang harapan ang big time drug lord na ilang buwan na rin naman nilang sinusubaybayan. Isa na namang salot sa lipunan ang kanyang nabunot pero hindi pa rin siya masaya sapagkat ang alam niyang marami pang taong gumagawa ng masama para sa pera at kapangyarihan.
Bata pa lamang siya ay ginusto na niyang maging alagad ng batas dahil ibig niyang makatulong para magkaroon ng kaayusan sa mundo. Iyon nga lang parang mahirap gawin dahil may mga pagkakataon na pati ang mga taong dapat ay maging tagapag-ayos ng bansa ay sumasali pa maitago ang karumal dumal na gawain. Ngunit, dahil mahal na mahal niya ang kanyang trabaho ay hindi niya hahayaang magtagumpay ang massama laban sa kabutihan.
"Congrats!" wika pa ng boses na kilalang-kilala niya mula pa pagkabata. His bestfriend, Veronica Sarmiento.
Nginisihan niya ito saka sumagot. "We're partners. So, congrats din."
Kahit nakangiti sa kanya ang matalik na kaibigan, ang lungkot-lungkot pa rin ng mga mata nito. Kahit kasi pareho ang silang nasa The Dragons, isang Investigative Agency, hindi pa rin nabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga magulang at kapatid nito. At dahil maaga rin naman siyang naulila, pinili na lang niyang laging makasama ito dahil nga parang magkapatid na ang kanilang turingan.
"Hoy, nagdadaldalan na lang kayo diyan!" singhal sa kanila ng kanilang Bossing, ang Director General ng The Dragons -- si Chief Domingo Mercado. Ngunit, kahit na malakas ang boses nito ng sabihin ang mga salitang iyon, alam niyang hindi naman ito galit. Maaaninag nga sa boses nito ang kasiyahan kaya inakbayan pa sila ni Ronnie at tinapik-tapik ang aming balikat. "Anyway, congrats sa inyong dalawa. Mabilis ninyong natatapos ang inyong misyon kapag kayo ang magkasama. Bakit hindi na lang ninyo ituloy hanggang altar ang partnership ninyo?"
"Yuck!" pa-OA na bulalas ni Ronnie.
Hindi nama siya na-offend sa inakto nito na para bang maduduwal pa. Para lang kasi talagang mag-bestfriends ang turingan nila. At dahil nga wala naman siyang kapatid, itinuturing niya si Veronica na younger sister niya. Iyon nga lang umaasta itong parang lalaki kaya nga pinalayawan niya itong Ronnie. Gayunpaman, kahit na astigin ang kilos ng kanyang matalik na kaibigan, alam niyang babaeng-babae ito mula ulo hanggang paa. Talaga lang kailangan nitong baguhin ang sarili para magmukha itong malakas.
"Pa-yuck-yuck ka pa, baka mamaya ay sa akin din ang bagsak mo," pang-aalaska niya rito.
"Bigyan kaya kita diyan ng upper cut para matauhan ka!" singhal sa kanya ni Veronica sabay pakita ng kamaong nakatikom.
Sa inasta nito ay hindi na niya napigilan ang mapahalakhak. Bukod kasi sa matalim na matalim ang tingin nito sa kanya ay namumula na ang mukha nito at nanlalaki na ang butas ng ilong. Ibig sabihin, napipikon na ito sa kanya. Talaga kasing hindi nya mapigilang asarin si Ronnie kahit na 24 years old na ito at 27 years old naman siya.
"Anong plano mo ngayon?" tanong sa kanya ni Ronnie nang umalis na sila sa crime scene. Tapos na ang misyon nila kaya sinolusyunan naman nila ang kalam ng kanilang sikmura. Kumunot lang ang noo nito ng maibaba niya sa harapan nito ang kanilang in-order. "Bulalo at dinuguan talaga, ha."
"Paborito natin iyan saka pareho namang matibay ang sikmura natin kaya alam kong okay na okay lang sa'yo ito. Magbabakasyon muna ako sa Hacienda Rosales. Gusto ko rin naman kasing makasama ang lolo lalo't alam kong nagtatampo na siya."
"Mabuti naman at alam mo," wika ni Ronnie bago ibinaling ang atensyon sa pagkain. "Ikaw naman kasi ang kaisa-isang tagapagmana ng buong hacienda dahil ikaw ang panganay niyang apong lalaki. Suwerte mo nga dahil hindi mo na kailangan pang makipagpatayan talaga bago kumita."
"Kadiri ka talaga. Pwede bang huwag kang magsalita ng puno ang bibig mo, nagtatalsikan kaya ang kinakain mo." Nakangiwi niyang sabi pero hindi naman niya mapigilan ang matawa sa hitsura nito. Pagkaraan ay sumeryoso siya. "Ikaw, sasama ka ba?"
"No," mabilis nitong sabi. Tapos, hindi na ito muling umimik pa kaya hindi na rin siya nagsalita pa. Katunayan nga, parang gusto niyang batukan ang sarili. Alam naman kasi niya kung paanong maapektuhan si Ronnie kapag binanggit ang kanilang lugar pero binanggit pa rin niya. Kaya ngayon, magdusa siyang pagmasdan ang labis na pananahimik ng kanyang bestfriend.
ANG isa sa dahilan kaya hindi rin siya madalas na umuwi sa Hacienda Rosales ay dahil sa ayaw ni Veronica na tumapak sa lugar na iyon dahil palagi lang nitong naaalala ang kamatayan ng mga pamilya nito. Ni hindi nga tumutuntong ito sa kubo ng mga ito na makikita sa dulo ng hacienda dahil doon nito nakikitang naliligo sa sariling dugo ang pamilya nito. At kahit nga nakaligtas si Veronica sa sinapit ng pamilya nito ay hindi ito nasiyahan dahil kung maaari nga lang daw ay mas gusto nitong makasama hanggang sa kamatayan ang pamilya nito.
Siya naman ay labis na nasiyahan na hindi siya tumigil ng araw na iyon hanggang sa hindi sumasama sa kanya si Veronica dahil may babae siyang gustong pagselosin. Kung hindi niya kasi ginawa iyon tiyak na wala na rin siyang bestfriend. Kaya naman hanggang maaari ay ayaw niyang iwanan si Veronica dahil pakiramdam niya kapag nalingat siya ay susundan na rin nito ang pamilya sa kabilang buhay.
Kaya naman para mapadali kay Veronica ang paglimot ay kinausap niya ang kanyang Lolo Segundo na sa Manila na sila mag-aral. Dahil tapat na katiwala ang mga magulang ni Veronica ay inako na ng lolo niya ang pag-aaral ng kanyang bestfriend. Hindi nga lang nagustuhan ng lolo niya ng kumuha siya ng Criminology sa halip na BSc Agriculture o anumang kurso na may kinalaman sa pagpapatakbo ng hacienda.
“What?” Hindi makapaniwala niyang bulalas nang harapin niya ang kanyang Lolo Segundo sa may library ng kanilang mansyon. Nu'ng ipatawag siya kanina ng lolo niya'y sabi nito'y may importante silang pag-uusapan pero ngayong magkaharap na sila'y mayroon naman daw itong kailangang ipabasa sa kanya bago nito iabot sa kanya ang dokumentng sinasabi nito.
Iyon ang ikalawang araw niya sa Rosales Mansyon na matatagpuan sa Tarlac at nakakaramdam na siya ng pagkainip. Kung kasama lang kasi niya si Veronica ay siguradong hindi siya mabu-bored ng husto. At dahil wala ang bestfriend niya, parang gusto na niyang mag-alsa balutan at bumalik na sa Manila kahit pa sinabi na niya sa sarili na magbabakasyon siya ng dalawang linggo sa Hacienda.
Dahil sa malakas ang pakiramdam ng kanyang lolo, sigurado niyang alam na alam nito ang kanyang nararamdaman kaya binibigyan siya ng lolo niya ng cold treatment. Para raw kasing ayaw niyang pahalagahan ang pamana ng mga Rosales sa kanya. Kahit kasi may iba siyang mga pinsan, siya lang ang magmamana ng buong hacienda dahil siya ang panganay na apo ng mga Rosales.
SEGUNDO ROSALES’ LAST WILL AND TESTAMENT. Iyon ang nakalagay sa long brown envelope na ibinigay nito sa kanya. Naka-capitalized pa iyon para madali niyang mabasa. Kaya naman, hindi rin niya napigilan ang mapangiti.
Kung intensyon ng lolo niya na takutin siya para pumayag siya sa gusto nitong mangyari ay nagkakamali ito. May pangarap siyang tinutupad at wala siyang intensyon na kumawala sa pagiging special agent niya hanggang sa huling hibla ng kanyang hininga. Kaya, ni hindi na tuloy niya pinag-aksayahan pang buklatin ang sinasabing ‘dokumento’ ng kanyang Lolo Segundo.
“Hindi mo makukuha itong Hacienda Rosales kapag hindi mo... ” parang walang anumang sabi nito. Marahil ay alam nitong wala siyang kaintres-interes sa ‘last will testament’ nito na alam niyang isang kalokohan lang naman para matakot siya at pumayag sa nais nito “...pinakasalan si Katrina San Juan. At siyempre, kailangan din ninyong magkaanak para maipagpatuloy ang lahing Rosales kaya dapat makalalaki ka.”
Maririin at dahan-dahan pa ang pagkakasabi ng lolo niya sa bawat katagang binitiwan para masigurong rerehistro ang bawat katagang iyon sa kanyang utak. Nagtagumpay naman ito kaya nga lang parang may granadang itinanim sa kanyang katawan at anumang oras ay handa na siyang sumabog. Mas kaya pa kasi ng utak niyang tanggapin na hindi niya mamanahin ang Hacienda Rosales kaysa sa sinabi nitong kailangan niyang pakasalan si Katrina San Juan para makuha niya ang Hacienda Rosales.
Si Katrina San Juan ang babaeng iniwanan niya para sa kanyang pangarap.
Oo naging girlfriend niya si Katrina at minahal ng sobra ngunit ayaw niyang manganib ang buhay nito dahil sa kanya kaya’t kahit mahal na mahal niya ito’y pinili niyang makipag-break dito. Tiyak din niyang abot langit ang pagmamahal nito sa kanya kaya't tiyak niyang nasaktan ito ng todo sa kanilang paghihiwalay.
“Anong break na tayo?”manghang bulalas ni Katrina nang diretsahan niyang sabihin dito ang layunin ng pagkikita nila nang hapon na iyon.
“Ayoko na sa’yo,” mariin niyang sabi rito. Tiningnan a niya ito ng diretso sa mga mata para mabasa nito ang kanyang katapatan
Katapatan? Sarkastiko niyang tanong sa sarili. Paano niya nasabing naging tapat siya kung alam niyang isang malaking kasinungalingan ang kanyang sinabi.
Kahit kasi buksan ng heart surgon ang kanyang puso, walang itinitibok iyon kundi si Katrina San Juan. Kaya nga buong pagmamalaki na niya itong naipakilala sa buo niyang angkan. Dahil siguradung-sigurado na siya sa kanyang feelings.
“Hindi ako naniniwala sa sinabi mong ‘yan. Sabi mo, mahal mo ako Ipinaramdam mo sa aking mahal na mahal mo ako Ipinakilala mo rin ako sa Lolo Segundo mo at sa iba mo pang kamag-anak.”
“Ipinakilala lang kita sa lolo dahil lagi niya akong kinukulit na magpakilala ng girlfriend sa kanya. Oo, sinabi kong mahal kita pero nagkamali pala ako. Hindi pala totoong mahal kita Na-realize ko ‘yan ng sabihin mo sa aking delayed ang period mo. Hindi pala ako handang maging ama ng anak mo. I’m sorry, Katrina, pero kailangan na talaga nating maghiwalay,” mariin niyang sabi saka ito tinalikuran. Ayaw niya kasing makita nito na higit ang sakit na nararamdaman niya dahil sa kanyang mga ipinahayag.
Matagal na niyang pinangarap na maging tagapagtanggol ng naaapi kaya naman nang matanggap siyang special agent sa The Dragons ay ginawa niya ang lahat para makilala siya sa piniling larangan. Ngunit, hindi rin pala madali ang kanyang pinasok dahil palaging nakabuntot ang panganib. Hindi lang sa kanya kundi sa taong mahalaga sa kanya.
Isang kasamahan niyang special agent ang pinatay ang pamilya dahil kinalaban ang isang maimpluwensiyang tao. Habang nananangis ito dahil sa pagkamatay ng mag-ina nito’y parang nakikita niya ang sarili sa eksena nito at si Katrina ang kanyang iniiyakan. Ah, hindi na niya hihintayin pang mangyari ang sandaling iyon kaya’t ipinasya na niyang makipag-break dito.
At ngayon ay babalikan niya ito para pakasalan?
“No way!Hindi ko siya pakakasalan Ayoko! Matagal na kaming hiwalay. Iba na ang buhay niya at ganoon din ako,” mariin niyang sabi. Ngunit, bakit sa kanyang utak ay pumasok ang isang imahe? Kung saan naglalakad si Katrina papuntang altar habang hinihintay niya.
“Napakasuwerte naman pala ni Katrina kung ganoon,” nakangising sabi nito sa kanya na para bang hindi naapektuhan sa kanyang pagtanggi. “Magkakaroon siya ng sandamakmak na pera at malaking lupain.”
“What do you mean?” kunot noong tanong niya. Kahit naman hindi siya interesado kung ibibigay sa kanya ng lolo niya ang asyenda, curious pa rin siya sa ibig sabihin nito lalo na kung may kinalaman kay Katrina.
"Interesado ka rin, ano?" nanunudyong sabi ng kanyang lolo.
Hindi siya kumibo pero hindi niya napigilang mapailing.Kung minsan talaga ay naiisip niyang magpakasal na lang sana ulit ang kanyang Lolo Segundo tutal nasa edad sitenta pa lang naman ito. Kaya nga lang madalas nitong sabihin na ang pag-ibig nito ay ibinaon na nito sa hukay. Sa piling ng kanyang Lola Victoria.
Hindi niya tuloy napigilan ang mapabuntunghininga. Para kasing ipinapaalala nito sa kanya na minsan lang umibig ang mga Rosales at alam niyang iyon ang dahilan kaya si Katrina lang ang nagawa niyang mahalin.
“Kung hindi mo pakakasalan si Katrina bago matapos ang taong ito, siya ang magmamana ng Hacienda Rosales. Gugustuhin mo bang ang magiging asawa niya ang makikinabang sa lupang pinaghirapan ng ating mga ninuno?” naghahamong tanong sa kanya ng lolo.
Gilalas siyang napatingin dito dahil may hindi siya nagustuhan sa sinabi nito. “Magiging asawa niya!” buong diin din niyang sigaw na tiyak niyang magpapatuliro sa kriminal na ini-interrogate niya.
Napangisi ito.
"Lolo..."
"Akala ko ba wala ka ng pakialam sa kanya?" nanunudyong tanong nito.
Hindi siya kumibo. Sa tatlong taon na pagkakahiwalay nila ni Katrina, talagang sinikap niyang putulin ang lahat ng may kinalaman dito. Binlock pa nga niya ito sa mga social media site pati na ang cp number nito. Talaga kasing desidido siyang ibigay ang kalayaan nito at mangyayari lang iyon kapag pinanindigan niya ang pag-iwas dito.
"Curious lang." Parang gusto niyang mapamura nang ngumiti ang kanyang Lolo Segundo na parang sinasabing hindi ito naniniwala sa kanyang dahilan.
“Yes, magpapakasal na si Katrina. Bago ko ginawa ang testamento na ito ay nag-imbestiga muna ako kung ano ba ang pinagkakaabalahan niya ngayon at kung sino ang kanyang nakakasalamuha. Well, nag-resign na siya sa kanyang pinagtatrabahuhan dahil nga naghahanda na siyang mag-asawa.” Muli ay pinakadiinan na naman nitong magpapakasal na ang kanyang ex-girlfriend.
“Impossible!” mariin niyang sabi. Paulit-ulit kasing sinabi sa kanya ni Katrina na wala itong ibang iibigin kundi siya lamang.
That was three years ago! Singhal niya sa kanyang sarili. Marahas na paghinga ang pinawalan niya nang maalala niya ang sinabi niya rito nang habulin a siya nito matapos siyang magkipaghiwalay. ‘Makakatagpo ka rin ng ibang mamahalin’.
Eh, bakit ngayong nalaman niya na ikakasal na ang ex-girlfriend niya ay parang tinu-torture ang kanyang puso?
“Affected?” tanong ng kanyang lolo.
Ibig sana niyang tumanggi sa ibig nitong palabasin pero hindi niya magawa. Talaga naman kasing parang nagsisikip ang dibdib niya ng mga sandaling iyon. Napamura pa nga siya. Para kasing mas mabigat pa ang nararamdaman niya ngayon kumpara sa mga hirap na dinaanan niya sa mga training at misyon na kanyang kinaharap.
“Bakit pa nga ba ako magtatanong gayung alam na alam ko naman ang sagot?” sarkastiko nitong tanong sa kanya.
“Mahal ako ni Katrina,” bulong niya sa sarili ngunit may palagay siyang malinaw iyong narinig ng kanyang lolo.
"Tapos na kayo, hindi ba? Tinapos ninyo ang relasyon ninyo dahil sa pangarap mo."
Totoo naman ang sinabi ng kanyang lolo pero para pa ring papel na pinupunit ang kanyang puso. Naalala niya kasi kung gaanong sakit ang ipinaramdam niya kay Katrina nu'ng araw na makipaghiwalay siya rito.
"O, naging masaya ka ba?" sarkastikong tanong nito.
Hindi na siya nagtataka kung bakit alam na alam nito ang kanyang nararamdaman. Siyempre, kay Veronica galing ang mga impormasyon na iyon. Hindi rin naman kasi sang-ayon si Veronica na iwanan niya ang kanyang mahal pero nauunawaan siya nito. Ayaw naman kasi niyang mapahamak si Katrina dahil sa kanya.
"Kung iiwanan mo na kasi 'yang pagiging agent mo at pamahalaan na lang ang hacienda natin, siguradong sasaya pa ang buhay mo dahil kapiling mo ang babaeng mahal mo. Kaya nga kahit namatay sa plane crash ang mga magulang mo nu'n sigurado akong wala silang bagay na pinagsisihan dahil hanggang sa kamatayan ay magkasama sila. Kaya nga lang dahil sa pinili mong maging duwag, hindi ka pa rin masaya ngayon kahit natupad na ang pangarap mo. Kasi wala sa buhay mo ang iyong reyna. Maybe palagi mong kasama si Ronnie pero alam naman nating hindi siya ang nasa puso mo kaya kahit na click ang samahan ninyo ay may kulang pa rin. Alam mo naman sigurong 'love' ang katagang iyon, hindi ba?"
Hindi siya kumibo dahil alam niyang tama naman ang lolo niya. Kahit palagi silang magkasama ni Veronica ay hindi na-develop ang feelings niya rito. Dahil tanging si Katrina lang niya naramdaman ang pag-ibig. Dito lang din siya naaapektuhan ng husto kapag nakikita niya itong nakahubad at dahil doon, hindi niya napigilan ang mapasinghap.
Bigla kasi niyang naisip na kapag ikinasal na ito ay may ibang lalaki ng may karapatan dito. Parang ibig manlaki ng ulo niya sa kaisipang may ibang lalaking hahalik, yayakap at aangkin dito. Naikuyom niya tuloy ang kanyang kamao. Para kasing gusto niyang manapak.
“The only permanent thing in this world is change. Pati ang damdamin ay nababago lalo na't hindi mo pinahalagahan,” mariing sabi ng kanyang lolo bago inihagis sa kanyang harapan ang isang magazine. "At bukod pa roon, sinaktan mo ng husto ang damdamin ni Katrina kaya huwag kang mangarap na hanggang ngayon ay mahal ka pa rin niya. Ang tanong nga lang, papayag ka ba talagang magpakasal si Katrina sa ibang lalaki?"
Hindi sana niya papansinin ang magazine na inihagis nito sa kanyang harapan kung hindi natuon ang pansin niya sa cover ng magazine. Isang pagkaganda-gandang babae na nakadamit pangkasal -- si Katrina San Juan.
BAD day! Buwisit na sabi ni Jeremy sa sarili bago pa niya pinabilisan ang takbo ng kanyang 2020 Jeep Wrangler Unlimited Rubicon.
Hindi pa kasi nakaka-recover ang utak niya sa bombang pinasabog ng kanyang ama na may kaugnayan sa kanyang ex-girlfriend, tumawag naman ngayon ang hepe ng The Dragons para sabihing mayroon itong misyon na ipapagawa sa kanya. Kaya, bago pa man niya naipaalala rito na on leave siya ay mariin na nitong sinabi sa kanya na kailangan niyang magpunta sa ‘The Dragons’ para mapag-usapan ang kanyang misyon.
Ang bad trip na nararamdaman niya kanina ay biglang nabuhusan ng tubig ng may isang pigura siyang nakita.
“Ohh.wow!” hindi napigilang ibulalas ni Jeremy nang makita niya si Ronnie pagpasok niya sa kanilang departamento. Mula ulo hanggang talampakan kasi nito ay babaeng-babae ang dating nito ngayon. Parang hindi ito ang partner niyang nakikipaghabulan pa sa mga kriminal. Hindi niya tuloy napigilan ang mapangisi. “Anong himala ang nangyari, partner? Malapit na ba talagang magunaw ang mundo?”Gusto sana niyang sabihing bagay na bagay dito ang outfit nito pero hindi niya magawa dahil alam niyang hindi nito magugustuhan iyon. Dahil mas gusto nitong itago ang ganda ng katawan nito na kapansin-pansin kahit na t-shirt at pantalon ang suot nito. Malayung-malayo na talaga ito sa kababata niyang nangangarap na magkaroon ng Prince Charming.
“Para lang ito sa bago kong misyon. Kaya, huwag na huwag ninyong iisipin na nag-change image ako dahil lang may gusto akong pa-cute-an dito,” inis pang sabi ni Ronnie. “Dahil di ko kailangan ng lalaki sa buhay.”
“Masyado ka namang defensive,” tudyo niya ito sabay senyas ng ‘v sign’ dahil tinapunan siya nito ng matalim na tingin. "Saka, kung tulad ko naman ang bestfriend mo talaga ngang hindi mo na kakailanganin ang iba."
“Sus, umanday na naman ang kayabangan mo. Teka, ano bang ginagawa mo dito, hindi ba bakasyon ka pa?” nagtatakang tanong nito
“Pinapatawag ako ni Chief, Nandiyan ba siya?” Nguso pa niya sa opisina ng kanilang hepe.
“Andyan pumasok ka na lang,” wika nitong tinalikuran na siya pero narinig pa niya ang sinabi nito. “Nakakairita talaga ang suot ko.”
Kaya, iiling-iling siya bago kumatok ng tatlong beses sa opisina ng kanilang pinuno. Ayaw na niya kasing tudyuhin pa si Veronica dahil baka masapok na siya nito. Saka, hanggang ngayon ay pinuproblema pa niya ang tungkol kay Katrina.
“Ibang klase talaga ang paborito kong agent, wala pang dalawang oras mula ng tumawag ako, nandito ka na. To think na sa Tarlac ka pa galing,” siyang-siyang sabi ni Chief Domingo Mercado matapos nitong tugunin ang kanyang pagsaludo. “Bilib na talaga ako sa’yo. Para kang si Flash. Palitan na kaya natin ang codename mo?”
Hindi niya ito tinugon dahil alam niyang may halong pambobola ang sinabi nito. Sa tatlong taon ba naman taon ba naman niyang pagiging special agent ng Task Force Dragons ay hindi pa niya makakabisa ang ugali nito. Kahit na sinong tauhan nito ay sinasabihan nitong ‘paborito ko’ kapag may hinihiling itong pabor at iyon ang ginagawa nito sa kanya ngayon..
“Ano ho bang gagawin ko ngayon?” kunot noong tanong niya. Mainipin siya kaya ayaw niya iyong maraming paligoy-ligoy. Mahalaga sa kanya ang oras kaya kung maaari ayaw niyang sayangin kahit ang segundo niya.
Sa mga oras na ito ay alam niyang nanggagalaiti na ang kanyang lolo dahil sa kanyang pag-alis. Bukod sa hindi siya nakapagpaalam dito ay hindi pa niya ito binigyan ng kasagutan kung anong gagawin niya ngayong alam na niya jyong anong nakasaad sa last will and testament nito. Hindi rin niya kasi alam ang sagot. Basta ang alam niya, ayaw niyang tanggapin na magpapakasal si Katrina sa ibang lalaki.
“Hinihintay pa natin ang bestfriend ko. Siya ang magbibigay ng detalye kung ano ang dapat mong gawin,” wika nito saka sumandal sa swivel chair na kinauupuan nito. “Umupo ka muna.”
Gusto sana niyang magsabi ng ‘no thanks’ ngunit nagbago ang kanyang isip. Baka kasi hindi niya mapanindigan iyon kung hindi pa agad darating ang kanyang hinihintay.
“Salamat.,” malamig niyang sabi at gusto niyang mainis.
Sa klase ng ngiting ibinibigay sa kanya ngayon ng kanyang hepe ay parang gusto niyang mapikon. Para kasing may kung anong naglalaro sa isip nito habang nakatingin sa kanya. Wari’y ini-imagine na nito kung ano ang ipagagawa sa kanya. Gusto sana niyang magtanong pero alam niyang hindi siya nito sasagutin hanggang hindi dumarating ang tinutukoy nitong bestfriend.
Kaysa naman kung anong masamang salita ang lumabas sa kanyang bibig, humugot na lang siya nang malalim na buntunghininga. Sa lahat kasi ng ayaw niya ay naghihintay ngunit wala naman siyang magawa dahil tauhan lang siya sa The Dragons. May mga pagkakataon din talaga na naiisip niyang maganda rin kung siya ang boss.
Ipinilig na lang niya ang kanyang ulo nang maisip niyang siya ang magiging boss kung siya ay nasa Hacienda Rosales at pamamahalaan ng buong puso ang negosyo ng kanilang pamilya.
“Ang tagal naman ng bestfriend n’yo, nakakainip,” sarkastikong sabi niya rito para ipahiwatig ang kanyang pagkairita. Sampung minuto pa kasi ang lumipas pero hindi pa rin dumarating ang kanilang hinihintay. Pakiramdam niya’y matutuyo na ang tubig sa kanyang katawan kundi pa siya magsasalita.
Marahang tawa lang ang pinawalan ninyo. “Nasasabik ka na bang muling makaharap ang bestfriend ko?” nanunudyong tanong nito sa kanya.
Lukot ang noong tanong niya. “Kilala ko ba ang best friend ninyo?”
“Kilalang-kilala mo siya.” Nakangiti nitong sabi sa kanya.
Kumunot ang noo niya. Wala siyang natatandaan na may kaibigan itong kakilala niya. Hindi na rin niya akalain na may bestfriend pala ito. Madalas kasing sabihin nito na wala dapat pagkatiwalaan ang isang tao kundi ang kanilang sarili.
“Siguradong mataas na tao ‘yan,” wika na lang niya kaysa magtanong pa. Para kasing may kakaiba siyang nakikita sa klase ng ngiti nito at hindi niya iyon nagugustuhan.“Five ten ang height niya.” Nakangising sabi nito pero pagkaraan ay sumeryoso dahil nahuling napangiwi siya . “Yah, alam kong sablay ang humor ko pagdating sa’yo kaya bibigyan na lang kita ng clue kung sino ang bestfriend na tinutukoy ko na kilalang-kilala mo. Isa siyang ex-general.”
Doon na nagsimulang mangunot ang kanyang noo lalo na’t kakaiba ang pagngisi nito sa kanya. Kaya, parang gusto na niyang magtanong pero naawat pa siya sa pagkatok ng kung sino sa may pintuan.
Sabi pa niya sa kanyang sarili, wala siyang pakialam kung sino pa ang sinasabi ng kanyang hepe na matalik nitong kaibigan kaya lang nang makita niya kung sino ang pumasok ay para siyang hinahabol ng leon kaya napadiretso siya ng tao. Wala siyang pakialam kung ex-general man ito dahil may malaki itong bahagi sa kanyang buhay.
“My bestfriend -- ex-General Leopoldo San Juan,” nagmamalaki pang pakilala sa kanya ng kanyang chief nang pumasok sa kuwartong iyon ang ama ni Katrina.
“KAMUSTA ka na, Rosales?”
“Mabuti naman po, Sir,” propesyonal na propesyonal ang pagkakasagot niya sa tanong ng dating biyenan na hilaw -- kay Ex-General Leopoldo San Juan. Kahit ang totoo ay nangangalog ang tuhod niya. Mabuti na lang at agad din siyang pinaupo nito matapos siyang sumaludo. Ngunit ang totoo, ang una niyang naisip gawin kanina ay magmano rito.
Damn, ngayon lang siya ulit nakaramdam ng ganito at kung hindi siya nagkakamali ay naramdaman din niya iyon sa kanyang kaharap. Nang gabing ipinakilala siya rito ni Katrina bilang boyfriend. Matiim na matiim kasi siya nitong tinitigan noon at marami itong tinanong sa kanya. Kahit naman nasagot niya ng buong katotohanan ang lahat ng itinanong nito'y hindi pa rin niya napigilang kabahan. Para kasing gusto pa siya nitong paimbistigahan matapos silang mag-usap.
“Huminga ka muna, fire dragon, baka masunog ka sa sarili mong apoy,” natatawang sabi sa kanya ni Chief Domingo Mercado.
Kahit pa sabihin niyang hepe niya ito, hindi niya napigilan ang sariling tapunan ito ng masamang tingin. Alam na alam niyang inaalaska siya nito dahil sa naging karelasyon niya ang anak ng bestfriend nito. At dahil mahusay itong bumasa ng emosyon, alam na alam nito ang kanyang nararamdaman. At sigurado siyang sa paningin nito ay katawa-tawa ang inaakto niya.
“May asawa ka na ba, Rosales?” walang anu-ano't tanong nito. Hindi siya agad nakasagot kaya inulit ulit nito ang tanong.
Sinalubong niya ang tingin ng ex-general bago sumagot. “Wala pa po akong pinakakasalan.”
“Pero, may anak ka na.”
Kinabahan siya sa sinabi nito. “Ho?”
Nang mapasulyap siya sa kanyang hepe kaya naman nakita na naman niyang nakangisi ito at napapailing. At huling-huli din niya ang sinabi nito kahit walang boses na lumabas sa bibig nito. “Nagba-blush ka. May naalala ka ba?”
Damn! Kung isa lamang siyang suspect, siguradong napaamin na siya sa mga kasalanang nagawa. Gaya nga ng sabi ng kanyang hepe, damang-dama niyang nag-iinit ang kanyang mukha at buong katawan. Kung bakit ba naman kasi bumalik na naman sa utak niya ang mga nangyari sa kanila ni Katrina.
Para pa ngang gusto niyang mapaungol nang maalala niya kung gaano kasarap ang halik nito at kung gaano kainit ang yakap nito. Para ngang gusto rin niyang mabingi nang manumbalik sa kanyang isipan kung gaanong kalakas ang pag-ungol nito sa bawat pag-ulos niya.
“Tinatanong ko kung may-anak ka na,” ulit ng ex-general.
“Wala po,” tiyak na niyang sagot. Kung nagkaanak kasi siya siguradong malalaman nito iyon. Dahil si Katrina lang naman ang tanging babae na ginalaw niya. Kahit namaan maraming babae ang nagpapakita ng interes sa kanya, hindi siya pumatol sa mga ito. Pakiramdam niya kasi'y magtataksil lang siya kay Katrina kapag ginawa niya iyon.
“Good. Kayang-kaya mong gawin ang ipapagawa ko sa’yo,” anitong parang hindi naman napansin ang paghinga niya ng malalim. Para kasing may punyal na nahugot sa kanyang dibdib.
Kunot ang noo niya, “Ano ho?”
Hindi muna ito kumibo. Pinakatitigan muna siya na para bang gustong makita nang mabuti ang reaksyon niya sa sasabihin nito. “Ang kidnapin si Katrina sa araw ng kanyang kasal.”
“Sigurado kayo?” manghang tanong niya. Kinuwestiyon niya ang sarili, hindi ba ang dapat niyang itanong ay ‘bakit?’ At saka, bakit parang may excitement siyang naramdaman sa ipagagawa nito sa kanya? Sa isip nga niya'y sinabi niyang masosolusyunan na ang kanyang pinuproblema.
“Hindi ang Flaviano Samonte na iyon ang karapat-dapat sa aking anak. Isa siyang mabangis na leon na nagtatago bilang maamong tupa. Ginagamit lang niya ang anak ko para makapaghiganti sa akin dahil ipinakulong ko ang kanyang ama na napatay din sa kulungan. Akala niya yata ay hindi ko malalaman ang tunay niyang pagkatao dahil iba na ang kanyang apelyido.
“At hindi ‘yan alam ni Katrina?” mangha niyang tanong. Alam naman niya kung gaano kapili si Katrina pagdating sa pakikipagkaibigan, lalo na sa pagpili ng gagawing nobyo. Sabi nga nito dati, siya lang ang lalaking pumasa sa standard nito kaya hindi na siya nito pinawalan pa kahit marami naman itong manliligaw.
“Masyado siyang in-love sa lalaking iyon para kilalaning mabuti. Isang taon pa lang niyang boyfriend, magpapakasal na sila,” wika nitong titig na titig sa kanya na para bang binabasa sa mukha niya ang kanyang nararamdaman.
Kahit alam niyang nakatingin sa kanya ang mag-best friend, hindi niya napigilan ang paniningkit ng kanyang mga mata, pagtangis ng kanyang bagang at ang pagtikom ng kanyang kamay. Parang gusto niyang maghagilap ng punching bag ng mga sandaling iyon. Ibig niyang manuntok nang manuntok hanggang sa magdugo ang kanyang kamao. Masyado kasing mabigat ang dibdib niya ng mga sandaling iyon.
Si Katrina, in-love na sa ibang lalaki?
“Guwapo naman kasi talaga ang boyfriend ni Katrina..ngayon,” ani ng kanyang hepe na halatang pinakadiinan ang katagang ngayon. Na para bang ang pangit-pangit niya. “Mala-Dingdong Dantes. Kapag itinabi siya sa’yo magmumukha kang second lead. Ay, ‘yun ba ang ibig sabihin ng alalay?”
Nakangisi sa kanya ang magaling niyang hepe kaya alam niyang binubuwisit siya nito. Kitang-kita niya ang pagningning ng mga mata nito na para bang nagsasayaw pa. Ang sarap dukutin.
Ang dating biyenan na hilaw niya ang sumagot. “Kilala mo naman siguro si Katrina kung gaano katigas ang ulo niya pagdating sa mga taong gusto niyang panindigan, hindi ba?”
Tumango siya sabay lunok dahil alam niyang isa siya sa mga taong tinutukoy nito. Ngunit, sa pagkakaalam niya ay wala namang negative reaction sa kanya ang pamilya ni Katrina. Katunayan, lagi ngang sinasabi ng mga ito na masuwerte si Katrina dahil siya ang lalaking natagpuan nito. Ewan nga lang nya kung hanggang ngayon ba ay ganoon pa rin ang tingin sa kanya ng pamilya ng ex-girlfriend. tiyak niya kasing hindi matitiis ni Katrina na sabihin kung anong nangyari sa kanila.
Napalunok siya nang maisip niya ang mga sinabi niya kay Katrina kaya kung ang lahat ng iyon ay nalaman ng pamilya nito, siguradong masama na rin ang tingin sa kanya.
“Kaya, wala rin akong mapapala kung kokontrahin ko lang siya sa gusto niyang mangyari sa kanyang buhay. Ang tanging paraan lang talaga ay hadlangan siya sa mismong araw ng kanyang kasal,” wika nito saka pumukpok sa mesa at tumingin sa kanya. “At ikaw ang inaatasan kong gumawa noon. Dahil kahit iniwan mo ang anak ko, wala akong ibang mapagkakatiwalaan kundi ikaw. Tiyak ko naman hindi mo ako bibiguin, hindi ba Rosales?” matigas nitong sabi na para bang wala siyang karapatang tumanggi.
Well, hindi naman talaga siya tatanggi dahil talagang hindi siya papayag na magpakasal sa ibang lalaki si Katrina. Dahil walang ibang karapat-dapat para kay Katrina kundi siya lamang. Kaya naman nang pumikit siya ay parang nakita niya sa kanyang balintataw si Katrina. Nakasuot ng puting-puting trahe de boda habang nakangiti sa kanya ng pagkatamis-tamis. Yes, sa kanya lang si Katrina San Juan. Mapapalitan lang ang apelyido nito kapag sa kanya nagsabi ng I do.
M
UNTI-UNTING iminulat ni Katrina ang kanyang mga mata at ang kanyang namulatan ay ang di pamilyar na ceiling. Kasabay noon ay ang pagbundol ng matinding kaba sa kanyang dibdib. Nagbalik na rin kasi sa alaala niya kung ano ang nangyari. Kaya naman, napabalikwas siyang bigla nang bangon.Ang unang pumasok sa isip niya ay may kumidnap sa kanya at ipatutubos siya sa kanyang fiance pero nagbago ang isip niya. Kung nais kasi makasiguro ng kidnapper na may makukuha sa kanya, dapat ay hinayaan muna siya nitong ikasal bago siya kinidnap.Oh, kinabahang bulalas niya nang muli niyang maalala ang sinabi ng kanyang kidnapper bago siya nawalan ng malay. Tiyak niyang may pampatulog ang panyong itinakip nito sa kanyang ilong.“Kung inaakala mong hahayaan kitang magpakasal sa lalaking iyon, nagkakamali ka!”
"IBALIK mo na ako kay Flaviano," mariing sabi ni Katrina kay Jeremy habang nilalagyan siya nito ng sinangag at pork adobo sa kanyang plato. Hindi niya kasi gusto ang nararamdaman niya dahil sa pag-aasikasong ginagawa nito sa kanya. Ang traydor kasi niyang puso ay bumibilis na naman ang pintig. Kahit kasi tatlong taon na silang hiwalay ni Jeremy, kailanman ay hindi ito nawala sa puso't isipan niya. Sigurado nga siyang kaya niya sinagot si Flaviano ay dahil gusto niyang maibaling dito ang pag-ibig niya kay Jeremy. Akala niya kasi ay magagawa niya iyon lalo na't nararamdaman naman niya ang pagmamahal nito sa kanya. Pekeng pagmamahal, hindi niya napigilang sabihin. At sa kaisipang iyon ay gusto rin niyang magtawa dahil pekeng pagmamahal din naman ang binibigay niya rito. Ang dahilan lang naman kaya ginusto niyang pakasalan si Flaviano ay dahil inakala niyang mahal na mahal siya nito at hindi gugustuhing iwanan siya. Tulad ng ginawa sa kanya ni J
"DAD..." hindi nagawang ituloy ni Katrina ang sasabihin dahil ibinaling agad ng ama niya ang tingin sa kanya. Hindi maipagkakaila sa mga mata nito ang disappointment. At hindi naman kataka-taka na makita ang reaksyon nitong iyon. Ikakasal siya dapat pero makikita nitong ganito ang kanyang ayos sa piling ng ibang lalaki. Sa piling ng kanyang ex-boyfriend."Magbihis ka at saka tayo mag-usap," mariin pang sabi ni ex-general Leopoldo San Juan sa makapangyarihang boses. Pagkatapos ay matagal nitong tinitigan si Jeremy na para bang gustong pagbabarilin ng mga oras na iyon kaya naman para siyang nakahinga nang maluwag ng umatras ito at isinara ang pintuan."Shucks, hindi na talaga ako iinom," bulong niya sa sarili. Kahit anong pilit niya, hindi niya magawang alalahanin ng buo ang nangyari pero tiyak niyang siya ang gumawa ng hakbang para magising siyang talop na talop. Napatingin lang siya kay Jeremy nang humalakhak ito.Marahas na buntunghining
"HUWAG kang ngumisi diyan na parang may gagawin tayo," inis na sabi ni Katrina kay Jeremy nang nasa loob na sila ng bahay. Umalis na rin ang Daddy niya at ang Ninong Sunday niya pero sinabi ng mga ito na babalik din."Hindi ba pagkatapos ng kasal, honeymoon ang kasunod?""Heh," inis niyang sabi. Kahit ano kasing galit na gusto niyang maramdaman kay Jeremy, parang marsmallow na lumalambot ang kanyang puso kapag napapatitig na siya rito. Kaya lang, hindi dapat nito makita ang kalambutan niya pagdating dito. "Hindi tayo nagpakasal dahil nagmamahalan tayo. Ayoko lang talaga na ma-disappoint ang Daddy ko sa akin kapag sinuway ko na naman siya.""Hindi pa rin naman mababago ang katotohanang, akin ka na."Sa mga salita nito ay parang gusto niyang isipin na mahal na mahal siya nitong talaga kaya nagawang sabihin ang mga salitang iyon pero isang bahagi ng utak niya ang nagsasabi na huwag itong basta paniwalaan. Dahil kapag naniwala na naman siya rito ay maaari na
“LOLO Segundo…” Hindi makapaniwalang bulalas ni Jeremy nang makitang bumaba sa Starex van ang matandang lalaki matapos itong pagbuksan ng driver/bodyguard nito. Magmula nang umalis siya sa Hacienda Rosales ay hindi man lang niya ito tinawagan para makapag-explain. Masyado kasing naokupa ni Katrina ang kanyang utak dahil sa matinding pag-aalala at determinasyon na makuha ito buhay sa fiance nito kaya naman nagtaka siya kung paanong nalaman ng Lolo Segundo niya kung nasaan siya. Napaungol lang siya at napamura nang maalala niyang nag-video chat nga pala sila ni Ronnie para ipaalam niya rito kung anong nangyari sa kanya. Matalik na kaibigan niya ito kaya naman dapat lang na sabihin niya rito ang tungkol sa pagpapakasal niya kay Katrina. Kahit na ikinabigla nito ang bilis ng pangyayari, hindi naman nito napigilan ang humalakhak sa paraan na ginawa niya para mapadali na mapapayag niya si Katrina na magpakasal sa kanya. Kahit na inulan siya ng panunukso ni Ronnie, hindi niya nakuhang map
"OH, my God!" hindi makapaniwalang bulalas ni Katrina nang pumasok na ang sasakyan nila sa Hacienda Rosales. Kahit naman kasi alam niyang ipinaghanda na naman si ni Lolo Segundo ay nakagugulat pa ring makita niya na parang mayroong fiesta dahil sa dami ng handa na nasa bakuran ng mga Rosales at marami ring bisita na naroroon na alam niyang karamihan ay mga tauhan ng hacienda base sa suot ng mga ito. "Ganyan ka-OA maghanda sa akin ang Lolo Segundo kaya marami akong pinsan na nagagalit sa akin. Dama kasi nilang ako ang paborito ng lolo kahit na nga hindi ako gaano tumutulong dito sa hacienda." "Dapat nga kasi talaga itong hacienda na lang ang pagtuunan mo ng pansin," hindi niya napigilang sabihin. Kahit na nakaparada na sila ay hindi pa rin nila nagawang bumaba. Hindi pa rin naman kasi pinapatay ni Jeremy ang sasakyan saka alam niyang hindi siya nito hahayaang bumaba mag-isa. Mas gusto nitong alalayan siya sa kanyang pagbaba. Siyempre,
PALPAK man ang kanyang planong paghihiganti, hindi dahilan iyon para mawalan siya ng pag-asa na makapaghiganti. Kailangan lang makaisip siya ng tamang strategy para makapaghiganti. Hindi naman kailangang agad-agad siyang lulusob. Mas maganda iyong pinagpaplanuhan munang talaga ang paghihiganti para magtagumpay. Marahas na buntunghininga lang ang pinawalan niya sa sobrang inis dahil naisahan siya sa kanyang plano. Kahit kasi gaano kabuti ang ipakita niya sa pamilya ni Katrina ay hindi naniwala ang mga ito. May mga sandali tuloy na inisip na lang niyang hagisan ng granada ang bahay ng mga ito para makasiguro siyang maglaho na sa mundong ito si ex-General Leopoldo San Juan, pati na rin ang pamilya nito. Kaya lang, tiyak niyang hindi magiging lubos ang kaligayahan niya kapag simpleng kamatayan lang ang sasapitin ng mga ito. Naghirap ang tunay niyang ama sa bilangguan bago pinatay at katakut-takot na hirap din ang kanyang pinagdaanan bago siya napunta sa mga S
AYAW sanang paniwalaan ni Jeremy ang sinasabi ni Katrina na hindi siya ang ama ng dinadala nito ngunit naisip niya, anong dahilan nito para magsinungaling sa kanya. Marahil, ayaw lang talaga nitong dayain siya kaya kahit na alam nitong masasaktan siya ay sinabi na lang nito sa kanya ang katotohanan. Tutal, simula pa lang naman ay hindi na itinago sa kanya ni Katrina na may namagitan dito at kay Flaviano Samonte.Masakit man sa kanya na may ibang nakatalik si Katrina nu'ng panahong nagkahiwalay sila, hindi naman niya ito masisi. Kung tutuusin naman kasi ay siya ang higit na may kasalanan. Iniwanan niya si Katrina at bago niya ginawa iyon ay sinaktan muna niya ito. Ipinamukha niya rito na hindi niya ito gustong maging ina ng kanyang anak.Hindi nga siya nakasisiguro kung nagawa na nga ba siyang patawarin ni Katrina sa mga salitang nasabi niya rito dahil siya, hindi pa niya nagagawang patawarin ang kanyang sarili dahil sinaktan niya ng matindi ang babaeng kany
IBIG sana ni Katrina na kumontra sa mga naririnig na pag-uusap nina Jeremy at ng kanyang Ninong Sunday pero hindi niya mahagilap ang kanyang boses. Siguro dahil sa kinakabahan siya sa kanyang mga naririnig. Ang sabi kasi ni Jeremy ay lumuwas sila at nagpunta sa Samonte Hospital kaya parang may kakaiba raw itong nararamdaman sa pagpasok nila roon. Gusto sana niyang sabihin dito na ang tanda-tanda na nito para maniwala sa multo pero hindi niya magawa. Para kasing hindi lang multo ang ibig ipahiwatig ni Jeremy. Kahit tuloy matagal niyang nakarelasyon si Flaviano, parang ngayon lang siyang nakaramdam ng takot dito. Maaaring sa mahabang panahon ay naging bulag siya para makita niya ang tunay nitong ugali gayung lahat ng kapamilya niya ay nagsasabi na hindi nito gusto si Flaviano. Hindi naman niya masasabing dahil sa pag-ibig iyon kaya mabuting nilalang ang tingin niya kay Flaviano. Tiyak niya kasi kung sino lamang ang lalaking kaya niyang ibigin. Si Jeremy lamang. Kaya, walang problema sa
MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Jeremy. Kung siya lang talaga ay hindi niya gugustuhing magpunta sila ni Katrina sa Manila -- lalo na sa Samonte Hospital. Ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksyon si Katrina sa nakaraang pag-ibig nito dahil siya na ang asawa nito at naniniwala siyang siya na ulit ang mahal ni Katrina. Talaga ba? gusto niyang itanong sa sarili dahil parang mahirap pa rin iyong paniwalaan lalo na't pakiramdam niya'y nagiging malamig sa kanya si Katrina ng nakalipas na araw. Ibig niyang isipin na dahil lang iyon sa pag-aakala nitong pinakasalan lang niya ito dahil sa hacienda. Ngunit, hindi ba noong isang araw ay sinabi na nitong in love ito sa kanya? Gusto niyang paniwalaan iyon pero bakit para ring may nagsasabi sa kanya na iba talaga ang nais tukuyin ni Katrina ng mga sandaling iyon. Bigla tuloy siyang kinabahan. Gusto ko na makipaghiwalay sa’yo, yan ang mga salitang pumapasok sa kanyang isipan pero ipinilig niya ang kanyang uli. Hindi siya naniniwala n
NANINGKIT ng husto ang mga mata niya nang tumino sa kanyang isipan ang kanyang mga nakita at narinig.Kasal na si Katrina?Buntis na ito?Gusto niyang magwala ng mga sandaling iyon pero hindi niya magawa. Parang may makapangyarihang kamay na pumipigil sa kanyang balikat na tumayo buhat sa single sofa na kanyang kinauupuan. Mas gusto rin niya kasing pagmasdan ang babaeng dahilan kung bakit siya sobrang miserable ngayon.Kung maaari nga lang ay gusto niyang lumabas sa kanyang kinaroroonan para makaharap ito at mahalikan kaya lang hindi maaari. Hindi siya maaaring makita man lamang ng kahit na sino dahil lahat ay alam na patay na siya. Maliban na lamang siyempre sa mga magulang niya na sumoporta sa desisyon niyang 'pagpapatiwakal'.Ooppss, sa mata nga pala ng buong Pilipinas, hindi nagpatiwakal si Flaviano Samonte kundi pinatay ito. Nang pumasok kasi siya sa loob ng sasakyan ay sumabog iyon matapos ang ilang minuto.Mabu
"HINDI ka na rin pala makakatakas kay Zander Montellibano," natatawang sabi ni Katrina kay Ysabelle. Kahit hindi pa naikukuwento sa kanya ni Ysabelle ang buong pangyayari ay may ideya na siyang si Zander Montellibano ang sinasabi nitong naka-one night stand nito."Wala na akong balak tumakas," wika ni Ysabelle habang nakatitig sa amang nakaratay sa hospital bed.Mahal na mahal ni Ysabelle ang ama nito kaya kahit alam niyang nagiging pasaway ang kanyang pinsan, tiyak niyang gagawin nito ang lahat para lang mapasiya ang ama nito. Kaya nga mula elementary hanggang highschool ay naging Valedictorian ito at Cum Laude naman ng magtapos ito ng Business Management. Kahit alam niyang kayang-kaya nitong maging Summa Cum Laude ay hindi nangyari dahil natuon na ang pansin nito sa larangan na alam niyang gustung-gusto nito talaga, ang pagiging equestrian. Kinuha lang naman nito talaga ang kursong iyon dahil ito ang gusto ng ama at umayon din naman si Ysabelle na kakailanganin
AGAD inikot ni Jeremy ang kanyang tingin sa paligid. Ramdam kasi niyang may mga matang nakatingin sa kanya. Tiyak niya iyon. Malakas ang pakiramdam niya sa mga taong minamanmanan ang kilos niya."Anong problema?" nagtatakang tanong sa kanya ni Katrina.Sa halip na sagutin niya ito ay hinapit niya ang katawan nito palapit sa kanyang katawan. Kung mayroon mang mga mata na nakatingin sa kanya ay sisiguraduhin niyang magagawa niyang protektahan ang kanyangmag-ina. Kailanman ay hindi niya pababayaan ang mga ito."Wala," sabi na lang niya kay Katrina saka binigyan ito ng matamis na ngiti. Hindi niya siyempre ipapaalam dito ang kanyang hinala. Ayaw niyang mag-alala ito dahil nakasisiguro siyang makakasama lang iyon sa kalagayan nito. Hanggang maaari nga lang ay gusto niyang pasayahin ang kanyang asawa."Hindi ka naman naniniwala sa multo, hindi ba?" biglang tanong sa kanya ni Katrina."What?""Baka kasi iniisip mo na n
KAHIT na sa ospital ng mga Samonte dinala ang ama ni Ysabelle ay pinalis pa rin ni Katrina sa kanyang isipan ang takot. Ewan niya kung bakit para siyang nakaramdam ng panganib ng mga sandaling iyon, bigla tuloy siyang napahamak sa kanyang tiyan. Pakiramdam niya ay kailangan niyang protektahan ang kanyang dinadala.Nang ibaling niya ang tingin kay Jeremy ay nakita niyang nakatitig din ito sa kanya. Hindi nga lang niya magawang basahin ang emosyon nito. Kahit hindi ito magsalita ay alam niyang may ideya na ito kung anong kaugnayan ng hospital na iyon kay Flaviano."Hindi ko alam na dito dadalhin si Tito. Okay lang ba kung bababa tayo?" nag-aalanganing tanong niya."Bakit naman hindi?"Kahit na medyo may kalamigan ang boses nito ay nagawa pa rin niyang ngumiti. Paano ba naman kasi, hinagilap nito ang kanyang palad saka pinisil. Pakiwari niya ay nangangako ito sa kanya na kahit na anong mangyari ay hindi siya pababayaan."Ospita
PARANG gustong mahimatay ni Ysabelle nang mga sandaling iyon. Hindi niya kasi talaga akalain na muli niyang matatagpuan ang lalaking nakatalik niya. Alright, gusto rin naman niya itong makita pero hindi sa ganitong paraan. Para siyang pinaglalaruan ng tadhana gayung siya ang nagbalak na maglaro. "Ehem..." wika ng kanyang ama na nagpalingon sa kanya. Dahil sa dadalawa na lang naman sila ng kanyang ama sa bahay na iyon. Ang kanyang ina ay piniling makipaghiwalay na sa kanyang ama matapos ang mahigit sampung taong pagsasama ng mga ito sa isang bubong. Ani ng kanyang ina, kahit anong gawin nito ay talagang hindi makakayang mahalin ang kanyang ama. Iyon ang dahilan kaya ayaw niyang magmahal. Nangangamba siyang baka sa hiwalayan lang din naman sila mauwi. Kaya nga, itinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa pangangabayo. Isa siyang equestrian. Kaya lang, kahit na sumasali siya sa mga kompetisyon ay hindi niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral. Ku
NANLAKI ang mga mata ni Katrina nang makita niya si Jeremy na nakatayo sa may pinto ng banyo, nakahalukipkip habang nakasandal sa may pintuan. Hindi niya napigilan ang mapalunok. Hindi dahil sa takot na kanyang naramdaman, kundi dahil sa matinding pagnanasa na paulit-ulit niyang nararamdaman sa kanyang asawa.Hubad baro kasi ito at nakatapis lang ng asul na tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito. Kaya naman, nasisiguro niyang wala rin itong suot na panloob. Oh, para tuloy nanuyo ang lalamunan. Pakiramdam niya kasi'y kailangang-kailangan niya ito ng mga oras na iyon. Gusto niyang maramdaman ang mahihigpit nitong yakap, ang mapupusok nitong halik at ibig niyang maramdaman ang pag-angkin nito."Anong totoo?" interesadong tanong nito."That I'm in love with you," nahagilap niyang sabihin. Kahit naman nawawala siya sa kanyang sarili dahil sa nakikita niya'y hinding-hindi pa rin niya gugustuhin na mabuking siya ni Jeremy. Hindi pa siya handang ip
ALAM man ni Katrina na isang masamang panaginip lang iyon pero ang kaba na nasa kanyang puso ay hindi mawala-wala. Pakiramdam niya talaga ay may hindi magandang mangyayari kaya ng mga sumunod na araw ay parang nawawala siya sa sarili."Huwag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano riyan," naiiritang sabi sa kanya ni Ysabelle nang tawagan niya ito. Gusto sana niya itong papuntahin pero baka masyado lang siyang nagiging OA saka hindi rin naman niya sariling bahay ito para mag-aya na lang palagi ng bisita.Kahit naman asawa siya ni Jeremy at dito rin mapupunta ang Rosales Mansion at Hacienda Rosales, hindi pa rin siya dapat laging nagyayaya ng bisita dahil pakiramdam niya ay wala siyang karapatan. Sumasagi pa rin kasi sa isip niya na kaya siya pinakasalan ni Jeremy ay dahil sa mamanahin nito."Alalahanin mo ay ang anak mo. Baka naman magmukhang monster 'yan kung wala kang ibang iniisip kundi si Flaviano.""Huwag ka ngang ganyan," gilalas ni