IKAW lang ang mamahalin ko, habambuhay. Ito ang pangakong kayang-kayang panindigan ni Katrina San Juan dahil wala namang nakakakita kung ano ang nilalaman ng kanyang puso. May mga tao naman kasing dumidepende lang sa kung ano ang sinasabi sa kanila maski kasinungalingan pa ang maibulalas sa bibig nila.
At sa palagay niya'y ganito siya ngayon. Nagsasabi siya ng I love you sa isang tao, hindi dahil sa iyon ang kanyang nararamdaman kundi dahil gusto niyang mabigyan ito ng kasiyahan. Ibig niya kasing maibalik sa kanyang kasintahan ang pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya. Ewan nga lang niya kung bakit parang hindi nakikita ng mga taong nasa paligid niya ang damdamin sa kanya ni Flaviano.
Second year Anniversary ng pagiging magkasintahan nila ngayon ni Flaviano pero parang wala siyang kasiyahang naramdaman dahil umabot sila ng ganoong katagal. Ni hindi nga rin bumibilis ang pintig ng kanyang puso kapag nakikita niya ito at nakakasama. Hindi tulad nu'ng…
Ipinilig niya ang kanyang ulo ng isa na namang mukha ang biglang nag-flash sa kanyang isipan. Ewan lamang niya kung bakit kahit matagal na panahon na niya itong hindi nakikita at nakakasama ay parang ang linaw-linaw pa rin ng hitsura nito sa kanyang isipan.
Muntik na siyang mapasigaw sa sobrang pagkagulat nang maramdaman niyang may kamay na humawak sa kanyang baywang. Pakiramdam niya kasi’y nanayo ang balahibo niya sa buong katawan. Dalawampu’t apat na taong gulang na siya pero hindi pa rin siya sanay na hindi makaramdam ng pagkagulat kapag may gumagawa ng ganoon sa kanya. Para kasing laging tumatalon palabas ng rib cage ang kanyang puso.
“Relax ka lang,” wika ng boses na kilalang-kilala naman niya pero parang ayaw magbigay ng kapayapaan sa kanyang pakiramdam, ang boyfriend niyang si Flaviano Samonte. Para kasing kahit dalawang taon na ang kanilang relasyon ay hindi pa rin siya sanay sa mga simpleng gestures nito.
“Saan mo ba ako dadalhin?” kabado niyang tanong. Ang lakas-lakas din ng kabog ng kanyang dibdib. Nang mga oras na iyon ay parang alam na niya ang pakiramdam ng kinikidnap. Para ngang gusto na niyang umatungal ng mga sandaling iyon lalo na’t humahakbang sila paakyat.
May mga pagkakataon na parang hindi siya nakakasigurado kung nasa matino nga bang kaisipan si Flaviano. Kapag kasi hindi niya sinunod ang gusto nito ay tumatalim ang tingin nito sa kanya. Gayunpaman, hindi naman siya nito pinipilit na ibigay niya rito ang kanyang sarili.
Pakiramdam niya kasi ay hindi niya iyon kayang ibigay sa lalaking hindi naman niya asawa. Sa kaisipang iyon ay parang biglang may narinig siyang humalakhak. Pakiramdam niya ay pinagtatawanan nito ang kanyang kasinungalingan. Sapagkat minsan sa kanyang buhay ay nagawa niyang ialay ang kanyang virginity sa lalaking hindi naman niya asawa pero mahal na mahal niya.
“Malapit na tayo. Lakad ka lang,” wika nitong todo alalay sa kanya.
Isang bahagi ng isipan niya ang nagsasabing hindi siya dapat magtiwala sa excitement na naririnig sa lalaki pero ayaw naman niyang ma-offend ito kapag sinabi niyang kinakabahan na siya sa ginagawi nito. Hindi kasi ugali ng nobyo niyang si Flaviano Samonte na bigyan siya ng sorpresa dahil wala sa bokabularyo nito ang magpakilig. Ang alam nitong pagpapakita ng pagmamahal ay iyong pagbili nito ng mamahaling bagay at kung anu-anong abubot na hindi niya makuhang tanggihan dahil natatakot siya na ma-disappoint ito.
“Flaviano…”
“Ang ganda-ganda talaga ng pangalan ko kapag binabanggit mo,” malambing na malambing nitong sabi pero hindi siya makaramdam ng tuwa. Nangilabot kasi siya dahil masyadong malapit ang bibig nito sa kanyang tenga. “Ready ka na ba, mahal ko?”
“Ready na,” sabi niya kahit hindi siya sigurado kung magugustuhan niya ang makikita. Basta ang alam niya’y nais na niyang malaman ang rason kung bakit kinailangan pang takpan ni Flaviano ang kanyang mga mata, kung bakit kailangan pa nilang umakyat sa tuktok ng Samonte Hospital. Kahit naman kasi may tela pang nakalagay sa kanyang mga mata ay ramdam niya ang malamig na hanging dumadapyo sa kanyang balat at inililipad din noon ang alun-alon niyang buhok na lampas sa kanyang balikat.
“Y-yes,” sabi niya kahit hindi pa talaga siya nakatitiyak kung handa na nga ba siya pero dahil sa unti-unti nang tinanggal ni Flaviano ang takip sa kanyang mga mata ay wala na siyang choice kundi harapin ang susunod na mangyayari.
SA tingin ni Flaviano ay masyadong nabigla si Katrina nang sorpresahin niya ito. Dinner with candlelight habang nasa ilalim ng buwan at mga bituin. Ayon kasi sa pag-interview na ginawa niya sa kanyang mga kaibigan at tauhan, ang mga babae ay sobrang makakaramdam ng kasiyahan kapag ibinigay mo ang lahat ng gusto at pinapangarap nito.
Pakiramdam tuloy niya ay kulang na kulang ang pagpapakita niya ng 'pag-ibig' kay Katrina San Juan kaya naman hindi niya nakukuha ng buung-buo ang tiwala at pagmamahal nito sa kanya.
"You like it?" Tanong niya rito.
"Yes," wika nito pero hindi naman siya nito tiningnan.
Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan dahil parang hindi siya naniniwalang gusto nga nito ang nangyayari. Ngunit, kailangan niyang palisin ang pagkairitang nararamdaman niya para magawa na niya ang kanyang plano.
"Hindi lang ito ang sorpresa ko," wika niya. Ngiting-ngiti pa siya dahil gusto niya talagang ma-excite ito.
Gilalas itong napatingin sa kanya na parang hindi mapaniwalaan ang kanyang sinabi. Well, hindi naman imposibleng ganoon nga ang maramdaman ni Katrina dahil talaga namang na hindi siya mahilig magsorpresa. Ang nais lang kasi niya talaga ay makuha na ito ng buong buo.
"Ano pa?" Tanong nito. Ewan nga lang kung bakit hindi excitement ang naaaninag niya sa boses nito kundi matinding kaba.
Sa halip na sagutin niya ang tanong nito ay niluhod niya ang isang tuhod habang nakatitig siya sa mga mata nitong talaga namang nanlalaki na. Tiyak niyang masyado nitong ikinabigla ang nangyayari. At dahil sa nais nia talagang maramdaman nito ang kanyang kaseryosohan, sadyang hindi niya inaalis ang tingin sa mga mata nito habang hinahagilap niya sa bulsa ng kanyang coat ang pulang kahita.
Narinig pa niya ang malakas na pagsinghap ni Katrina nang buksan niya ang kahita sabay tanong ng 'Will you marry me?'.
“YOU are getting....what?!!!”
Kahit parang kulog na dumagundong sa kanilang two-storey house ang makapangyarihang boses ni ex-General Leopoldo San Juan na nagpapataranta sa mga dating tauhan at mga nahuling kriminal, hindi pa rin nagawang palisin ni Katrina ang excitement na kanyang nararamdaman. Matamis na matamis pa rin ang kanyang kanyang ngiti kahit na parang pinagsakluban ng langit at lupa tapos inihagis sa impiyerno ang kanyang mga magulang pati na rin ang kanyang Tita Eta -- nakatatandang kapatid ng kanyang ama.
“I am getting married. Ikakasal na ako,” marahan na marahan pa niyang sabi para malinaw na pumasok sa isipan ng mga kapamilya ang kanyang ipinagtapat. Hindi rin niya kinalimutang ipakita sa mga ito ang suot niyang 24 karat diamond ring na isinuot sa kanya ng fiance matapos niyang mag-’yes’ sa wedding proposal nito.
“Kay Flaviano Samonte?” gilalas na tanong ng kanyang Mama -- her name is Ana Velia. Sa disappointment na nakikita niya ngayon sa magandang mukha nito’y natitiyak niyang kahit ang pinakamagaling na pintor ay mahihirapan itong ipinta.
“Siya ang karelasyon ko kaya sa kanya ako magpapakasal. Aren’t you guys happy?” tanong pa niya sa mga ito kahit na alam na alam naman niya ang sagot.
Hindi pasado si Flaviano sa kanyang mga magulang kahit mala-Dingdong Dantes ito, galing sa magandang eskwelahan at kaliwa’t kanan ang mga negosyong maipagmamalaki. Hindi raw kasi sapat na dahilan iyon para mapagtakpan nito ang tunay na pagkatao. Kapag sinasabi iyon ng kanyang Papa ay parang gustong mabiyak ng kanyang ulo. Kahit kasi magalang na magalang si Flaviano na humaharap sa kanyang pamilya di pa rin daw kapani-paniwala ang sobrang kabutihang ipinapakita nito sa kanila gayung parang lagi itong walang tiwala sa ibang tao. Garment factory ang negosyong pinatatakbo ni Flaviano at mayroon ding ospital ang pamilya nito pero palagi itong may kasamang dalawang bodyguard at driver.
“Bigyan mo kami ng dahilan para maging masaya sa sinabi mo. Eh, daig mo pa ang teroristang nagbato ng granada,” sarkastikong sabi ng kanyang ama.
Mabilis naman siyang nakapag-isip ng isasagot dito. ‘Sa wakas, magkakaroon ng direksyon ang buhay ko.” Pakiramdam niya kasi kahit nakapagtapos siya ng AB Masscommunication at nagtatrabaho nilang Editorial Assistant sa isang publishing house ay wala pa siyang nararating sa buhay. Ang pangarap niya kasi’y maging romance novelist pero paano naman siya makakagawa ng magandang kuwento ng pag-ibig kung palpak nga ang sarili niyang lovestory.
Sarkastikong tinanong niya ang sarili. Paanong palpak ang kuwento ng pag-ibig mo kung nag-propose na sa’yo ang iyong karelasyon?
“Direksyon papuntang impyerno. Hindi, hindi ako papayag na magpakasal ka sa lalaking nagtatago sa maamong mukha. Pumayag na akong maging boyfriend mo’yung Flaviano na iyon. Sobra na kung gagawin mo pa siyang asawa. Mas gusto ko pang sumabak sa giyera kaysa maging manugang ang h*******k na iyon.”
Nang mga oras na iyon ay gusto nang ilabas ni Katrina ang pagiging spoiled brat niya. Obvious naman kasing kahit bigyan pa siya ni Flaviano ng engrandeng kasal ay siguradong hindi pa rin matutuwa ang kanyang ama. Baka nga kapag nagpumilit siya’y ito pa ang sumigaw ng ‘Itigil ang kasal’.
Unang kita pa lang ng ama niya kay Flaviano ay kumukulo na ang dugo nito sa lalaking pinili niyang mahalin. Amoy na amoy daw kasi nito ang ‘baho’ ng isang Flaviano Samonte kaya’t di ito naniniwalang bukal sa loob ng kanyang kasintahan ang pagdu-donate nito ng tulong sa kung anu-anong institusyon at Simbahan. Paano raw ba kasi magiging kapani-paniwala na may mabuti itong layunin kung palaging may media itong kasama kapag nag-aabot ng tseke. At within 5 seconds ay naka-post na sa social media accounts nito ang ‘kabutihang’ nagawa.
“Ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na isusubo na kapag napaso ka ay pwede mong iluwa,” sabi ng kanyang tiyahin. Kahit na isa itong romance novelist ay hindi nito ginustong mag-asawa dahil hindi nito natagpuan ang lalaking nagpapatibok sa puso nito. “Kaya, huwag kang magpabigla-bigla sa pagdedesisyon lalo pa’t hindi ko nakikita sa mga mata mo kapag nandiyan si Flaviano.”
“Tama ang ate, anak,” wika naman ng kanyang ina na nakaupo sa kanyang tapat. Kitang-kita niya tuloy ang labis na pag-aalala sa mga mata nito. “Mahirap panindigan ang pagiging misis kung ang dahilan mo lang kaya mo siya pakakasalan ay dahil sa ayaw mong i-turn down ang kanyang proposal.”
Hindi siya agad nakakibo. Para kasing ikinabigla niyang malaman na parang nababasa ng mga kaharap niya ang kanyang nararamdaman. Para tuloy gusto niyang umiyak. Kaya lang kapag ganoon ang ginawa niya, alam niyang may masasaktan ssiya at ayaw niyang makasakit. Alam na alam niya kasi ang pakiramdam kapag sinaktan ka ng taong mahal na mahal mo.
“M-mahal ko si Flaviano,” nakuha niyang sabihin pagkaraan ng ilang sandali.
“Mahal mo si Flaviano kaya ganitong pagkain ang pinili mong ihanda?” tanong ng kanyang Papa habang inisa-isang tingnan ang mga pagkaing inihain niya -- crispy pata, kare-kare at bulalo. Mabuti nalang at may chopsuey na niluto si Ate.”
Kumunot ang noo niya sa sinabi ng ama. Hindi niya kasi naintindihan ang ibig nitong sabihin. Ang gusto lang naman niya ay mag-celebrate kasama ang kanyang pamilya. Saka hindi ba kapag nagdiriwang, dapat lahat ng masasarap na pagkain ang inihahain?
“Puro pampataas ng presyon ang pinili mong ihanda. Kaya, parang hindi pinag-isipan. Maaari ngang sinasabi ng utak mo na ang pagpapakasal sa’yong karelasyon ay isang magandang balita na gusto mong ibahagi sa amin pero iba naman ang sinasabi ng puso mo. Ang pagpapakasal sa lalaking hindi mo lubos na minamahal ay para ring pagpapatiwakal kaya ang mga naisipan mo lang ihanda ay masasarap nga pero kulang naman sa sustansya,” ani naman ng kanyang Tita Eta.
Gustung-gusto niyang kontrahin ang mga ito at sabihing sapat na ‘yung pagmamahal niya kay Flaviano Samonte pero hindi niya magawa. Para kasing may bukol na nakabara sa kanyang lalamunan.
Ang Mama naman niya ang nagsalita. “Saka, bakit ikaw lang ang nagsasabi sa amin tungkol sa kasal? Hindi ba dapat ay nandito rin si Flaviano. Dapat nga ay harapin niya kami at iharap din niya ang kanyang mga magulang para hindi nila sa amin ang iyong kamay. Ganoon ang tunay na namamanhikan.”
“Duwag kasi ang Flaviano Samonte na ‘yon,” inis na sabi ng kanyang ama. “Natatakot humarap dahil alam niyang ayaw natin sa kanya.”
“Ayaw ba ninyong magkaapo?” naitanong niya maya-maya.
Namilog ang mga mata ng kanyang ama ng tingnan siya. “Buntis ka ba?”
Yes, Pa. Gusto sana niyang sabihin . baka kasi kapag ibinulalas niya ang mga salitang iyon ay wala ng magawa ang kanyang ama kundi tanggapin na magiging Mrs. Samonte na siya kaya lang hindi naman niya ugaling magsinungaling at lalong hindi niya lolokohin ang kanyang mga magulang para lang masunod ang gusto niya. Ang ibig niya’y matanggap ng mga magulang niya si Flaviano bago siya magsabi ng ‘I do’.
Ngunit, mangyayari ba 'yon?
“Pa, kung buntis ako, iyon dapat ang una kong sinabi sa inyo para wala ka ng magagawa kundi ipakasal kami. No, I’m not pregnant. Mabubuntis lang ako kapag nagpakasal ako,” sabi niya sa sarili kahit ang atribidang bahagi ng kanyang isipan ay nagsabi sa kanya ng, But still, you are no longer a virgin.
“Mabuti naman at kahit papaano ay ginagamit mo pa rin pala ang utak mo,” mariing sabi ng kanyang Papa.
Hindi niya nakuhang tumugon dahil alam niyang minsan sa kanyang buhay ay kinalimutan niyang gamitin ang kanyang utak. Inakala niya kasing kapag nakikipagrelasyon ay puso lang ang dapat na pinapagana dahil iyon naman talaga ang tumitibok kapag nagmamahal.
“Go away please,” naiinis niyang sabi sa kanyang sarili dahil nag-flash na naman sa isipan niya ang isang imahe na dapat matagal na niyang kinalimutan. Napapikit pa siya at umiling-iling na para bang kapag ginawa niya iyon ay mapapaalis niya ang imaheng parang nakadikit na sa kanyang isipan.
“Itinataboy mo ako sa sarili kong pamamahay?” hindi makapaniwalang tanong ng kanyang Papa, arang naghahamon ang boses. “O baka naman kahit ipinagpipilitan mo sa amin na si Flaviano Samonte ang gusto mong pakasalan ngayon pero may ibang mukha pa ring nakapaskil sa puso’t isipan mo. Huwag mo na lokohin pa ang sarili mo, Katrina, dahil nasisiguro kong hindi si Flaviano ang gusto mong makasama sa habambuhay."
“Pero, si Flaviano Samonte ang lalaking nagmamahal sa akin,” mariin niyang sabi na talaga namang nagpaluha sa kanya. Tuluyan na kasing tumambay sa isipan niya ang imahe ng kanyang ex-boyfriend -- si Jeremias Rosales.
3 years ago…
Eksaktong alas-dose na kaya agad niyang binuksan ang pinto ng kuwarto ng nobyo niya sabay bulalas ng, “Happy 24th Birthday, Jeremy ko…” Natigil lamang siya sa kanyang pagsasalita dahil huling-huli niya ang ginagawa ni Jeremias Rosales bago siya pumasok sa kuwarto nito.
“Ano bang ginagawa mo rito?” pasinghal na tanong nito sa kanya matapos magpawala nang katakut-takot na mura. Nang mga oras na iyon ay nagmistulan itong kriminal na nahuling gumagawa ng krimen dahil ang pula-pula ng mukha nito. Pagkakita nga nito sa kanya ay agad itong bumalikwas nang bangon at naghagilap nang maipantatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito.
Lumapad lalo ang ngiti niya nang mapagtanto niya ang ginagawa nito bago niya ito sorpresahin. Twenty one years old na siya kaya naman alam na alam niya ang ginagawa ng lalaki kapag wala itong ka-sex -- nagsasariling sikap ito at dahil doon ay mas lalo niya itong minahal. Imagine, nagtitiis ito sa ganoong sitwasyon para lang maging tapat sa kanya at hindi rin nakaligtas sa pandinig niya na habang gumagawa ito ng ‘milagro’, pangalan lang niya ang binabanggit. Ibig sabihin, tanging siya lang ang nasa isip at puso nito.
Sa halip tuloy na ma-offend siya sa pagtataas nito ng boses ay napangiti pa siya. alam niya kasing hindi naman galit ang kanyang mahal, napahiya lang. Kaya hanggang ngayon ay ang pula-pula pa rin ng mukha nito, lalo tuloy itong naging cute sa kanyang paningin.
“Today is your birthday. Gusto kong ako ang kauna-unahang babati sa’yo ng happy birthday kaya nandito ako. 12 am na at gusto ko sabay tayong magbi-breakfast. Sa madaling salita, dito ako matutulog.”
“Dito ka matutulog? Gusto mo bang mabaril ako ng tatay mo.”
Napangisi siya sa sinabi nito. “Huwag kang mag-alala wala ang parents ko. Nasa Racho Adorable at alam ng Tita Eta ko na kina Ysabelle ako matutulog, kaya, huwag ka na mag-alala, walang pipikot sa’yo.”
“Teka, bakit naghuhubad ka?” nagpa-panic na tanong nito.
“Ito kasi ang birthday gift ko sa’yo.” Ngiting-ngiting sabi niya rito. It will be her first time. Dapat ay makaramdam siya ng takot dahil alam niyang magiging masakit iyon lalo pa’t nakita niyang hindi lang malaki kundi mahaba pa ang alaga ni Jeremy pero mas nangibabaw ang pananabik na kanyang naramdaman.
Palaging sinasabi sa kanya ng Mommy niya na ibigay lang niya ang kanyang pagkababae sa lalaking kanyang papakasalan pero ngayon ay pinipigilan niyang isipin ang mga pangaral ng ina. Mas gusto kasi niyang sundin ang sinasabi ng kanyang puso. Siyempre, ang sinasabi noon ay okay lang na ibigay niya ang sarili sa taong mahal na mahal niya.
“Katrina…” wika nito sabay lunok. Paano ba naman kasi naihagis na niya ang kahuli-hulihang saplot sa kanyang katawan.
Sa reaksyon nito’y biglang tumaas ang kanyang self-confidence. Kahit naman kasi marami ang nagsasabing mala-Arci Munoz ang kanyang kagandahan, mas importante pa rin sa kanyang walang ibang nakikita at mamahalin si Jeremy kundi siya lang.
“Tanggalin mo na ‘yang kumot mo, alam ko namang wala ng tapalodo iyan,” humahagikhik pa niyang sabi sabay dive sa kama.
Katakut-takot na mura ang pinawalan nito dahil gusto niyang maiparamdam dito ang kanyang pagmamahal kaya naman agad siyang pumatong dito at dama niyang biglang pagtaas ng temperatura ng katawan nito.
“Parang gusto kong magsising binigyan kita ng duplicate nitong condo ko,” mahinang sabi nito. Mararamdaman talaga sa bawat salita nito ang paghihirap. Muli na naman itong nagmura nang gumalaw siya sa ibabaw nito. Sinisuro niyang sa paggalaw niya ay matatamaan ang p*********i nito.
Maaari ngang inosente pa siya sa pakikipagtalik pero kahit naman paano ay may nalalaman siya. Salamat sa mga porn sites na binisita niya dahil desidido na siyang ipagkaloob ang sarili sa kasintahan.
Ibigay mo lang ang sarili mo sa lalaking iyong pakakasala, narinig na naman niyang sabi ng kanyang Mommy pero ipinilig niya ang kanyang ulo. Sadya pa niyang nilakasan iyon dahil talagang gusto niyang mataktak sa kanyang isipan ang guilt. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na susuwayin niya ang bilin ng kanyang ina. Ayaw niyang isipin kung ano ang tama ng mga sandaling iyon. Ang nais niya ay mapaligaya ang kaisa-isang lalaking pinili niyang mahalin, habambuhay.
"Oh god, Katrina!” sigaw ni Jeremy. Nakita pa niyang kumigpit ang kapit nito sa kubrekama dahil pinabilis pa niya ang paggalaw niya sa ibabaw nito.
“Shhhh...daig mo pa ang kriminal na tinu-torture.” Nakangisi niyang sabi rito bago bumaba ang labi niya sa labi nito. Nakapagdesisyon na kasi siyang tapusin ang paghihirap na nararamdaman nito. "Kiss me…"
"Katrina…"
"Mahal na mahal kita kaya sa'yo ko gustong ibigay ang sarili ko. Ayokong magkahiwalay tayo pero gusto kong ikaw ang maaalala ko kapag maiisip ko kung sino ang first sex ko."
Kumunot ang noo nito sa kanyang sinabi na para bang hindi iyon nagustuhan. "At sa tingin mo hahayaan ko na may iba pang aangkin sa katawan mo?" Tanong nito. Pagkatapos ay inangkin nito ang kanyang labi at maya-maya lang ay siya na ang nasa ibabaw nito.
"ISANG kalokohan ang gagawin mo!!!” sigaw sa kanya ng pinsang si Ysabelle Adorable. Ang Papa niya at Mommy nito ang magkapatid kaya magkaiba ang kanilang apelyido. Gayunpaman, higit pa sa tunay na magkapatid ang kanilang turingan dahil pareho silang nag-iisang anak.
Hindi na niya kailangan pang tanungin ang dahilan nang pagsugod nito sa kanya. Ibinato na nito sa kama niya ang cellphone nito at nakita nga niya ang kanyang post. My wonderful journey starts. Saka niya inilagay ang picture ng kanyang engagement ring na nakasuot sa kanyang palasingsingan.
Dapat sana ay proud na proud siya nu’ng oras na ipangalandakan niya sa buong mundo na ikakasal na siya pero ni kapiranggot ay wala siyang excitement na naramdaman. Para tuloy gusto na niyang sumang-ayon sa sinabi ni Ysabelle na kalokohan lang ang gagawin niyang pagpapakasal. Kaya nga lang, hindi naman siya ang tipo ng tao na hindi pinaninindigan ang kanyang desisyon kaya ang lahat ng negatibong nararamdaman niya minabuti niyang itaboy.
“Hindi kalokohan ang magpakasal sa karelasyon,” wika niya sabay sandal sa headboard ng kama at nagpawala nang malalim na buntunghininga. Hindi niya napigilang isipin na dapat sana’y ini-record na lang niya ang mga salitang iyon dahil paulit-ulit niya iyong sinabi sa kanyang pamilya.
“Hindi masama ang magpakasal sa karelasyon kung talagang mahal mo,” naiinis nitong sabi sa kanya. “Ako ngang gustong ipakasal ng ama sa kung sinong Poncio Pilato ay nag-iisip ng paraan kung paano makakatakas samantalang ikaw, gusto mong ihagis ang sarili mo sa impiyerno.”
“Mahal ko naman si Flaviano,” Ngunit alam niyang sinabi lang niya iyon dahil kailangan.“Hindi mo mahal si Flaviano. Ginagamit mo lang siya para pagtakpan ang tunay mong nararamdaman. Na hanggang ngayon ay si Jeremy pa rin ang laman ng puso mo. He is your greatest love. At sabi nga, first love never dies. Hanggang sa kahuli-hulihang tibok ng puso mo, si Jeremias Rosales pa rin ang nagmamay-ari ng puso mo.”
“Tatlong taon na kaming hiwalay kaya matagal ko na ring itinigil ang kabaliwan ko sa lalaking pinaglaruan lang naman ang feelings ko.” Huwag kang iiyak, huwag kang iiyak!
Ang mga mga katagang ito ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili habang sinasabi ang mga katagang namutawi sa kanyang labi dahil kahit ilang taon na ang lumipas ay nasa dibdib pa rin niya ang sakit.
“The more you hate, the more you love. Gasgas na ang linya na ‘yan pero totoo. Hanggang may galit ka pang nararamdaman kay Jeremy mo, mahal mo pa rin siya,” nang-iinis na sabi ni Ysabelle. “At kaya gusto mong pakasalan si Flaviano ay dahil naniniwala kang tuluyan kang makakalimot kung magkakaroon ka na ng pamilya. Siyempre, no choice ka na kundi ibaling kay Flaviano ang pag-ibig mo.”
Dapat ay kontrahin niya ang sinabi ng pinsan pero hindi niya magawa. Paano ba naman kasi, para na namang tag price na dumikit sa kanyang isipan ang endearment niya sa dating nobyo. Jeremy ko.
Mula pa noong unang araw na magtagpo ang kanilang landas ay sinabi na niya sa sarili na si Jeremias Rosales ang inilaan ng tadhana sa kanya. Damang-dama niyang sa piling nito ay ligtas siya. Sa unang pagtatagpo pa nga lang nila’y nagawa na nitong patunayan na ito ang kanyang knight in shining armour. Iniligtas siya nito sa lalaking nagtangka ng masama sa kanya.
Hindi kasi matanggap ng isang manliligaw niya ang pambabasted niya kaya’t inabangan siya nitong lumabas sa eskuwelahan at tinangka siyang kidnapin. Mabuti na lang at nagmistulang super hero si Jeremy na dumating sa oras at nagawa siyang iligtas. May tatlo pang kasama ang kanyang dating manliligaw ngunit kinaya itong patumbahin ni Jeremy dahil may alam pala ito sa martial arts.
“Kahit naman ayoko talaga kay Flaviano para sa’yo. Hindi ko rin naman gugustuhing maging unfair ka sa kanya. Kawawa lang kayo pareho kung masasaktan mo siya dahil hindi mo siya makakaya ibigin at saka talagang iba ang pakiramdam ko sa peke mong fiance,” mariing sabi nito sa kanya.
“Peke?” Kung hindi lang niya naisip na hindi naman talaga pag-ibig ang dahilan kaya niya pakakasalan si Flaviano, hahagalpak pa siya nang tawa. Saka, napilitan lang din naman siyang mag-’yes’ kay Flaviano dahil ayaw niya itong mapahiya kapag nagsabi siya ng ‘no’. “May psychic power ka na ba para ma-sense mong…”
“I’m serious, Katrina, nasa loob ang kulo ng Flaviano na iyon. Ni isa sa pamilya natin ay walang tiwala sa Flaviano Samonte na iyon. Ikaw lang naman ang bulag na naniniwalang genuine ang kanyang kabutihan.”
Hindi siya kumibo dahil totoo naman iyon. Pati nga ang poodle niyang si Zacky ay galit na galit kay Flaviano kapag dumarating ito. Wala itong tigil sa kakakahol kapag nakikita ang kanyang boyfriend. Kunsabagay, regalo ni Jeremy sa kanya si Zacky kaya natural lang na loyal ito sa kanyang ex-boyfriend.
“At malalaman mo lang ang tunay na ugali ng isang tao kung makakasama mo siya sa isang bubong. Kaya, huwag kang magpabigla-bigla sa pagdedesisyon. Huwag mo na hayaan pang magkaroon siya ng karapatan sa’yo gayung alam mong hindi naman kayo talaga nagmamahalan. Sabihin na nating maaaring ngang may pagnanasa nga siya sa’yo dahil maganda ka naman talaga, maputi, matangkad at sexy. Materyales fuertes, sabi nga, pero hindi ako naniniwalang love ka ni Flaviano dahil ang katagang ‘yan ay para lang sa taong marunong magmahal.”
Muli’y hindi niya nakakibo dahil parang nagbabago na rin ang desisyon niya. Para kasing hindi normal na lahat na lang ng nilalang na nakapaligid sa kanya ay kontra kay Flaviano.
“At kayang-kaya kong patunayan ngayon na hindi ka pa talaga nakakapag-move on sa ex mo,” mariing sabi nito ngunit hindi naman sa kanya nakatingin kundi sa cellphone nitong nakuha na pala sa ibabaw ng kama.
Bumukas ang bibig niya para magtanong pero hindi niya iyon nagawa dahil pumailanlang ang kanta ni Michael V. na Sinaktan mo ang Puso.
Matagal muna siyang pinagmasdan ni Ysabelle bago nagsalita at damang-dama niya sa tingin nito ang concern sa kanya. “See, apektado ka pa rin sa mga alaala ni Jeremy. Habang ang lahat ng tao ay nagtatawa sa kantang ‘yan, ikaw naman ay todo-todo ang pagngawa dahil sobra-sobra kang nasasaktan.”
Hindi na siya kumibo pero mabilis niyang pinahid ang mga luha niyang awtomatikong naglalandas kapag naririnig niya ang awiting ‘yan. Dahil sa isipan niya , habang pinakikinggan niya ang lyrics ay bumalik din sa isipan niya ang eksenang nagpadurog sa kanyang puso…
“Anong break na tayo?”manghang bulalas niyang tanong kay Jeremy. Ang iniisip lang niya kanina’y makakahinga na sila nang maluwag ni Jeremy dahil dumating na ang period niya pero hindi niya akalain na ang dahilan pala ng pananahimik nito ay kung paano ibubulalas sa kanya ang pakikipaghiwalay.
Kung hindi nga lang niya narinig mismo sa labi ni Jeremy ang gusto nitong mangyari ay hindi siya maniniwala. Damang-dama naman kasi niya ang pagmamahal nito sa kanya dahil sa klase ng pag-aasikaso nito. Saka, mula ng may mangyari sa kanila ay lalo itong naging sweet sa kanya.
“Ayoko na sa’yo,” mariin nitong sabi sa kanya.. Tumingin pa ito ng diretso sa kanya para maaninag niya sa mga mata nito ang katotohanan.
Pakiramdam niya ng mga oras na iyon, pinapatay siya. Sobrang sakit ang ipinaramdam sa kanya ni Jeremy. Sobra siyang nakaramdam ng panghihina, parang gustong tumakas ng lahat ng hangin sa kanyang katawan. Ngunit sa huling sandali ay parang gusto niyang umasa na isa lamang joke ang lahat. “Hindi ako naniniwala sa sinabi mong ‘yan. Sabi mo, mahal mo ako Ipinaramdam mo sa aking mahal na mahal mo ako. Ipinakilala mo rin ako sa Papa mo at sa iba mo pang kamag-anak.”
“Ipinakilala lang kita sa Papa dahil lagi niya akong kinukulit na magpakilala ng girlfriend sa kanya. Oo, sinabi kong mahal kita pero nagkamali pala ako. Hindi pala totoong mahal kita. Na-realize ko ‘yan ng sabihin mo sa aking delayed ang period mo. Hindi pala ako handang maging ama ng anak mo. I’m sorry, Katrina, kailangan na talaga nating maghiwalay,” mariin nitong sabi saka siya tinalikuran.
“Kahit itanggi nang itanggi ng bibig mo, sa puso’t isipan mo, nakasiksik pa rin ang lalaking tunay mong minamahal,” sabi pa ni Ysabelle.
KASAL niya ngayon pero pakiramdam ni Katrina, pupunta siya sa lamay. Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Parang may hollow blocks na nakadagan sa kanyang dibdib. Tama si Ysabelle, kalokohang magpakasal sa lalaking hindi niya tunay na minamahal kaya lang hindi rin niya gustong may magpakamatay dahil sa kanya.
Ilang araw bago mag-propose sa kanya si Flaviano ay kinausap siya ng mga magulang ni Flaviano. Nang una ay inakala niyang sasabihin ng mga itong hindi siya gusto ng mga ito para sa anak o aalukin ng milyon para lang layuan niya si Flaviano ngunit hindi ganoon ang nangyari. Katunayan, pinakiusapan siya ng mga ito na manatili sa piling ng anak nito kahit anong mangyari.
May suicidal behavior daw kasi si Flaviano kapag nakaranas ng kabiguan kaya nga raw hangga’t maaari ay sinusunod ng mag-asawa ang lahat ng maibigan nito.
Nu’ng gabing mag-propose sa kanya si Flaviano, nakaramdam siya ng takot na mag-yes dahil alam niyang darating ang panahon na makakaramdam ito ng kabiguan dahil hindi magiging matagumpay ang kanilang pagsasama. Sa loob kasi ng isang taong pagiging mag-boyfriend-girlfriend nila ay hindi pa rin niya nagagawang alisin ang pagmamahal niya kay Jeremy gayung tatlong taon na silang hiwalay. Kapag kasi naririnig niya ang pangalang Jeremias Rosales o Jeremy, parang marupok na building na gumuguho ang kanyang depensa. Tapos bumibilis ang tibok ng kanyang puso.
Kaya, parang balewala sa kanya ang masasarap na pagkain, ang candlelight dinner date habang bilog na bilog ang buwan. Dati’y iyon ang pangarap niyang romantic dinner pero habang kasama niya si Flaviano, nangangamba siyang baka sa susunod na sandali ay baka maging werewolf ito. Sa pangambang baka maging horror ang dinner date na iyon ay di pa rin niya na-appreciate ang fireworks at ang pagbuo ng mga letrang Will you marry me? Para rin sa kanya ay nakakakilabot na eksena ang pagluhod nito at ang pagbubukas ng pulang kahita na may lamang diamond ring
“Ang ganda-ganda mo naman, ate,” wika ng make up artist niyang bading. Grace daw ang nikname nito pero Graciano ang tunay na pangalan.
“Mas matanda ka pero ate ang tawag mo sa akin,” nakangiti niyang sita rito matapos niyang magbulalas ng ‘thank you’ dahil sa papuri nito. Pinilit din niyang pasiglahin ang boses dahil alam niyang kailangan niyang maging masaya ngayong araw na ito.
“Paggalang iyon. Siyempre, mas malayo ang narating mo sa akin. High school graduate lang kasi ako samantalang ito ay tiyak kong nakapagtapos,” malungkot nitong sabi kahit pilit pinasisigla ang boses. “Sa ganda mong ‘yan. Para ka ngang prinsesa kaya mas bagay sa’yong tawagin kang Senyorita.”
Umikot ang kanyang mga mata at tumaas ang kanyang kilay. “Ang respeto ay ibinibigay sa lahat ng tao.” Tapos ay bigla siyang natigilan. Nag-flash pa kasi sa isipan niya ang guwapong mukha ni Jeremy habang sinasabi ang mga salitang iyon. Bigla tuloy niyang nasabi na, “Umalis ka na, please...”
“Hindi pa tapos ang pag aayos ko sa’yo, pinapaalis mo na ako?” hindi makapaniwalang tanong nito ngunit itinigil naman ang ginagawa. Buong pag-aalalang nakatingin sa kanya.
“No, hindi ikaw. Hindi ikaw ang gusto kong umalis May tao lang akong naisip na di ko na dapat pang maisip lalo na’t ikakasal na ako ngayon,” aniyang hindi maiwasan ang mainis dahil parang tuksong tumatambay na naman sa kanyang gunita si Jeremy. Ito naman kasi ang lalaking pinangarap niyang pakasalan at makasama sa habambuhay.
Iyon nga lang, hindi naman lahat ng gusto natin ay nasusunod. Iniwan siya ni Jeremy at tiyak niyang wala na itong planong balikan pa siya. Nais din naman niyang magkaroon ng pamilya kaya siguradong si Flaviano Samonte ang perpekto para sa kanya. Kumontra man dito ang buong angkan niya pero hindi niya ito magagawang talikuran.
“Ex mo, ano?” pabigla nitong tanong.
Gilalas siyang napatingin dito. “Paano mo nalaman?”
Sukat sa tanong niya ay bigla nitong ibinaba ang mga gamit sa pagmi-make up sa kanya. Hindi naman kasi siya nagmi-make up kaya hindi niya matandaan ang tawag sa pampapula ng mukha. Palagi kasing sinasabi sa kanya ni Jeremias na mas maganda siya kapag walang kulorte ang kanyang mukha.
“Ihinto na ang kalokohang ito.”
“Ha?”
“Gusto mo bang masira ang buhay mo. Naku, ganyang-ganyan ang nangyari sa mga magulang ko. Nagpakasal kahit mayroong sari-sariling dyowa. Ayun, naghiwalay din. Kaya ngayon, eto, bilang anak nila, ako ang nagdusa.. Biro mo hindi nila mahal ang isa’t isa pero nakalimang anak at dahil ako ang panganay ako siyempre ang higit na nagdurusa. Kaya, kung iniisip mo ang ex mo, malamang, mahal mo pa siya. So, bakit ka magpapakasal sa hindi mo mahal? ” mataray nitong tanong sa kanya na parang wala nang balak ituloy ang pagmi-make up sa kanya.
Dapat ay mainis siya sa sinabi nito ngunit hindi niya magawa. May katwiran naman kasi ito. Iyon nga lang, siya ang taong may isang salita at gusto niyang panindigan ang kanyang desisyon.
“Mahal ko ang mapapangasawa ko,” wika niya ngunit sa isip niya’y si Jeremias Rosales ang nag-flash. Ito naman kasi ang lalaking pinapangarap niyang pakasalan dahil dito lang naman tumibok ang kanyang puso.
“Sure ka?”
“Ituloy mo na ang trabaho mo dahil ayokong maghintay sa simbahan ang mapapangasawa ko,” matamlay niyang utos nito. Hindi kasi siya ang tipo ng tao na bumabale ng salita kaya kahit alam niyang magdurusa siya ay paninindigan niya ang pangakong binitiwan. Hiling lang niya;t magawa niyang matutunang mahalin si Flaviano.
Sumunod naman ito pero pinalipas muna ang ilang minuto. Siguro ay tiniyak muna nitong desidido siyang magpakasal.
“SINA Mommy at Daddy?” tanong pa niya sa kanyang Tita Eta na tumangging mag-attend sa kanyang kasal. Hindi naman daw kasi nito gusto para sa kanyang mapapangasawa kaya kaysa sumigaw ito ng ‘tumututol ako’ mas minabuti na lang nitong manatili sa kanilang bahay.
“Nauna na sa simbahan.”
“Excited?” nagtatakang tanong niya. Para kasing kani-kanina lang ay paulit-ulit na tinanong sa kanya ng ina kung talagang desidido na siyang magpakasal. Hanggang hindi daw siya nagsasabi ng ‘I do’ ay may pag-asa pang makaiwas siya sa malaking bato na gusto niyang ipukpok sa ulo.
“Nananalangin ng himala,” matamlay nitong tugon.
Dahil nga wala sa mga kasama niya sa bahay ang umaayon sa kanyang kasal ay mag-isa na lang siyang naglakad patungo sa bridal car na naghihintay sa kanya. Maging ang make up artist niya agad umalis matapos siyang ayusan.
Ngunit, bago pa man siya nakasakay sa puting BMW ay may boses siyang narinig buhat sa kanyang likuran na nagsabing, “Kung inaakala mong hahayaan kitang magpakasal sa lalaking iyon, nagkakamali ka!
Months ago..."Mission accomplished!" mayabang na sabi ni Special Agent Jeremias Rosales sabay nguso sa baril na kanyang pinaputok. Nakabulagta na kasi sa kanyang harapan ang big time drug lord na ilang buwan na rin naman nilang sinusubaybayan. Isa na namang salot sa lipunan ang kanyang nabunot pero hindi pa rin siya masaya sapagkat ang alam niyang marami pang taong gumagawa ng masama para sa pera at kapangyarihan.Bata pa lamang siya ay ginusto na niyang maging alagad ng batas dahil ibig niyang makatulong para magkaroon ng kaayusan sa mundo. Iyon nga lang parang mahirap gawin dahil may mga pagkakataon na pati ang mga taong dapat ay maging tagapag-ayos ng bansa ay sumasali pa maitago ang karumal dumal na gawain. Ngunit, dahil mahal na mahal niya ang kanyang trabaho ay hindi niya hahayaang magtagumpay ang massama laban sa kabutihan."Congrats!" wika pa ng boses na kilalang-kilala niya mula pa pagkabata. His bestfriend, Veronica Sarmiento.
UNTI-UNTING iminulat ni Katrina ang kanyang mga mata at ang kanyang namulatan ay ang di pamilyar na ceiling. Kasabay noon ay ang pagbundol ng matinding kaba sa kanyang dibdib. Nagbalik na rin kasi sa alaala niya kung ano ang nangyari. Kaya naman, napabalikwas siyang bigla nang bangon.Ang unang pumasok sa isip niya ay may kumidnap sa kanya at ipatutubos siya sa kanyang fiance pero nagbago ang isip niya. Kung nais kasi makasiguro ng kidnapper na may makukuha sa kanya, dapat ay hinayaan muna siya nitong ikasal bago siya kinidnap.Oh, kinabahang bulalas niya nang muli niyang maalala ang sinabi ng kanyang kidnapper bago siya nawalan ng malay. Tiyak niyang may pampatulog ang panyong itinakip nito sa kanyang ilong.“Kung inaakala mong hahayaan kitang magpakasal sa lalaking iyon, nagkakamali ka!”
"IBALIK mo na ako kay Flaviano," mariing sabi ni Katrina kay Jeremy habang nilalagyan siya nito ng sinangag at pork adobo sa kanyang plato. Hindi niya kasi gusto ang nararamdaman niya dahil sa pag-aasikasong ginagawa nito sa kanya. Ang traydor kasi niyang puso ay bumibilis na naman ang pintig. Kahit kasi tatlong taon na silang hiwalay ni Jeremy, kailanman ay hindi ito nawala sa puso't isipan niya. Sigurado nga siyang kaya niya sinagot si Flaviano ay dahil gusto niyang maibaling dito ang pag-ibig niya kay Jeremy. Akala niya kasi ay magagawa niya iyon lalo na't nararamdaman naman niya ang pagmamahal nito sa kanya. Pekeng pagmamahal, hindi niya napigilang sabihin. At sa kaisipang iyon ay gusto rin niyang magtawa dahil pekeng pagmamahal din naman ang binibigay niya rito. Ang dahilan lang naman kaya ginusto niyang pakasalan si Flaviano ay dahil inakala niyang mahal na mahal siya nito at hindi gugustuhing iwanan siya. Tulad ng ginawa sa kanya ni J
"DAD..." hindi nagawang ituloy ni Katrina ang sasabihin dahil ibinaling agad ng ama niya ang tingin sa kanya. Hindi maipagkakaila sa mga mata nito ang disappointment. At hindi naman kataka-taka na makita ang reaksyon nitong iyon. Ikakasal siya dapat pero makikita nitong ganito ang kanyang ayos sa piling ng ibang lalaki. Sa piling ng kanyang ex-boyfriend."Magbihis ka at saka tayo mag-usap," mariin pang sabi ni ex-general Leopoldo San Juan sa makapangyarihang boses. Pagkatapos ay matagal nitong tinitigan si Jeremy na para bang gustong pagbabarilin ng mga oras na iyon kaya naman para siyang nakahinga nang maluwag ng umatras ito at isinara ang pintuan."Shucks, hindi na talaga ako iinom," bulong niya sa sarili. Kahit anong pilit niya, hindi niya magawang alalahanin ng buo ang nangyari pero tiyak niyang siya ang gumawa ng hakbang para magising siyang talop na talop. Napatingin lang siya kay Jeremy nang humalakhak ito.Marahas na buntunghining
"HUWAG kang ngumisi diyan na parang may gagawin tayo," inis na sabi ni Katrina kay Jeremy nang nasa loob na sila ng bahay. Umalis na rin ang Daddy niya at ang Ninong Sunday niya pero sinabi ng mga ito na babalik din."Hindi ba pagkatapos ng kasal, honeymoon ang kasunod?""Heh," inis niyang sabi. Kahit ano kasing galit na gusto niyang maramdaman kay Jeremy, parang marsmallow na lumalambot ang kanyang puso kapag napapatitig na siya rito. Kaya lang, hindi dapat nito makita ang kalambutan niya pagdating dito. "Hindi tayo nagpakasal dahil nagmamahalan tayo. Ayoko lang talaga na ma-disappoint ang Daddy ko sa akin kapag sinuway ko na naman siya.""Hindi pa rin naman mababago ang katotohanang, akin ka na."Sa mga salita nito ay parang gusto niyang isipin na mahal na mahal siya nitong talaga kaya nagawang sabihin ang mga salitang iyon pero isang bahagi ng utak niya ang nagsasabi na huwag itong basta paniwalaan. Dahil kapag naniwala na naman siya rito ay maaari na
“LOLO Segundo…” Hindi makapaniwalang bulalas ni Jeremy nang makitang bumaba sa Starex van ang matandang lalaki matapos itong pagbuksan ng driver/bodyguard nito. Magmula nang umalis siya sa Hacienda Rosales ay hindi man lang niya ito tinawagan para makapag-explain. Masyado kasing naokupa ni Katrina ang kanyang utak dahil sa matinding pag-aalala at determinasyon na makuha ito buhay sa fiance nito kaya naman nagtaka siya kung paanong nalaman ng Lolo Segundo niya kung nasaan siya. Napaungol lang siya at napamura nang maalala niyang nag-video chat nga pala sila ni Ronnie para ipaalam niya rito kung anong nangyari sa kanya. Matalik na kaibigan niya ito kaya naman dapat lang na sabihin niya rito ang tungkol sa pagpapakasal niya kay Katrina. Kahit na ikinabigla nito ang bilis ng pangyayari, hindi naman nito napigilan ang humalakhak sa paraan na ginawa niya para mapadali na mapapayag niya si Katrina na magpakasal sa kanya. Kahit na inulan siya ng panunukso ni Ronnie, hindi niya nakuhang map
"OH, my God!" hindi makapaniwalang bulalas ni Katrina nang pumasok na ang sasakyan nila sa Hacienda Rosales. Kahit naman kasi alam niyang ipinaghanda na naman si ni Lolo Segundo ay nakagugulat pa ring makita niya na parang mayroong fiesta dahil sa dami ng handa na nasa bakuran ng mga Rosales at marami ring bisita na naroroon na alam niyang karamihan ay mga tauhan ng hacienda base sa suot ng mga ito. "Ganyan ka-OA maghanda sa akin ang Lolo Segundo kaya marami akong pinsan na nagagalit sa akin. Dama kasi nilang ako ang paborito ng lolo kahit na nga hindi ako gaano tumutulong dito sa hacienda." "Dapat nga kasi talaga itong hacienda na lang ang pagtuunan mo ng pansin," hindi niya napigilang sabihin. Kahit na nakaparada na sila ay hindi pa rin nila nagawang bumaba. Hindi pa rin naman kasi pinapatay ni Jeremy ang sasakyan saka alam niyang hindi siya nito hahayaang bumaba mag-isa. Mas gusto nitong alalayan siya sa kanyang pagbaba. Siyempre,
PALPAK man ang kanyang planong paghihiganti, hindi dahilan iyon para mawalan siya ng pag-asa na makapaghiganti. Kailangan lang makaisip siya ng tamang strategy para makapaghiganti. Hindi naman kailangang agad-agad siyang lulusob. Mas maganda iyong pinagpaplanuhan munang talaga ang paghihiganti para magtagumpay. Marahas na buntunghininga lang ang pinawalan niya sa sobrang inis dahil naisahan siya sa kanyang plano. Kahit kasi gaano kabuti ang ipakita niya sa pamilya ni Katrina ay hindi naniwala ang mga ito. May mga sandali tuloy na inisip na lang niyang hagisan ng granada ang bahay ng mga ito para makasiguro siyang maglaho na sa mundong ito si ex-General Leopoldo San Juan, pati na rin ang pamilya nito. Kaya lang, tiyak niyang hindi magiging lubos ang kaligayahan niya kapag simpleng kamatayan lang ang sasapitin ng mga ito. Naghirap ang tunay niyang ama sa bilangguan bago pinatay at katakut-takot na hirap din ang kanyang pinagdaanan bago siya napunta sa mga S
IBIG sana ni Katrina na kumontra sa mga naririnig na pag-uusap nina Jeremy at ng kanyang Ninong Sunday pero hindi niya mahagilap ang kanyang boses. Siguro dahil sa kinakabahan siya sa kanyang mga naririnig. Ang sabi kasi ni Jeremy ay lumuwas sila at nagpunta sa Samonte Hospital kaya parang may kakaiba raw itong nararamdaman sa pagpasok nila roon. Gusto sana niyang sabihin dito na ang tanda-tanda na nito para maniwala sa multo pero hindi niya magawa. Para kasing hindi lang multo ang ibig ipahiwatig ni Jeremy. Kahit tuloy matagal niyang nakarelasyon si Flaviano, parang ngayon lang siyang nakaramdam ng takot dito. Maaaring sa mahabang panahon ay naging bulag siya para makita niya ang tunay nitong ugali gayung lahat ng kapamilya niya ay nagsasabi na hindi nito gusto si Flaviano. Hindi naman niya masasabing dahil sa pag-ibig iyon kaya mabuting nilalang ang tingin niya kay Flaviano. Tiyak niya kasi kung sino lamang ang lalaking kaya niyang ibigin. Si Jeremy lamang. Kaya, walang problema sa
MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Jeremy. Kung siya lang talaga ay hindi niya gugustuhing magpunta sila ni Katrina sa Manila -- lalo na sa Samonte Hospital. Ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksyon si Katrina sa nakaraang pag-ibig nito dahil siya na ang asawa nito at naniniwala siyang siya na ulit ang mahal ni Katrina. Talaga ba? gusto niyang itanong sa sarili dahil parang mahirap pa rin iyong paniwalaan lalo na't pakiramdam niya'y nagiging malamig sa kanya si Katrina ng nakalipas na araw. Ibig niyang isipin na dahil lang iyon sa pag-aakala nitong pinakasalan lang niya ito dahil sa hacienda. Ngunit, hindi ba noong isang araw ay sinabi na nitong in love ito sa kanya? Gusto niyang paniwalaan iyon pero bakit para ring may nagsasabi sa kanya na iba talaga ang nais tukuyin ni Katrina ng mga sandaling iyon. Bigla tuloy siyang kinabahan. Gusto ko na makipaghiwalay sa’yo, yan ang mga salitang pumapasok sa kanyang isipan pero ipinilig niya ang kanyang uli. Hindi siya naniniwala n
NANINGKIT ng husto ang mga mata niya nang tumino sa kanyang isipan ang kanyang mga nakita at narinig.Kasal na si Katrina?Buntis na ito?Gusto niyang magwala ng mga sandaling iyon pero hindi niya magawa. Parang may makapangyarihang kamay na pumipigil sa kanyang balikat na tumayo buhat sa single sofa na kanyang kinauupuan. Mas gusto rin niya kasing pagmasdan ang babaeng dahilan kung bakit siya sobrang miserable ngayon.Kung maaari nga lang ay gusto niyang lumabas sa kanyang kinaroroonan para makaharap ito at mahalikan kaya lang hindi maaari. Hindi siya maaaring makita man lamang ng kahit na sino dahil lahat ay alam na patay na siya. Maliban na lamang siyempre sa mga magulang niya na sumoporta sa desisyon niyang 'pagpapatiwakal'.Ooppss, sa mata nga pala ng buong Pilipinas, hindi nagpatiwakal si Flaviano Samonte kundi pinatay ito. Nang pumasok kasi siya sa loob ng sasakyan ay sumabog iyon matapos ang ilang minuto.Mabu
"HINDI ka na rin pala makakatakas kay Zander Montellibano," natatawang sabi ni Katrina kay Ysabelle. Kahit hindi pa naikukuwento sa kanya ni Ysabelle ang buong pangyayari ay may ideya na siyang si Zander Montellibano ang sinasabi nitong naka-one night stand nito."Wala na akong balak tumakas," wika ni Ysabelle habang nakatitig sa amang nakaratay sa hospital bed.Mahal na mahal ni Ysabelle ang ama nito kaya kahit alam niyang nagiging pasaway ang kanyang pinsan, tiyak niyang gagawin nito ang lahat para lang mapasiya ang ama nito. Kaya nga mula elementary hanggang highschool ay naging Valedictorian ito at Cum Laude naman ng magtapos ito ng Business Management. Kahit alam niyang kayang-kaya nitong maging Summa Cum Laude ay hindi nangyari dahil natuon na ang pansin nito sa larangan na alam niyang gustung-gusto nito talaga, ang pagiging equestrian. Kinuha lang naman nito talaga ang kursong iyon dahil ito ang gusto ng ama at umayon din naman si Ysabelle na kakailanganin
AGAD inikot ni Jeremy ang kanyang tingin sa paligid. Ramdam kasi niyang may mga matang nakatingin sa kanya. Tiyak niya iyon. Malakas ang pakiramdam niya sa mga taong minamanmanan ang kilos niya."Anong problema?" nagtatakang tanong sa kanya ni Katrina.Sa halip na sagutin niya ito ay hinapit niya ang katawan nito palapit sa kanyang katawan. Kung mayroon mang mga mata na nakatingin sa kanya ay sisiguraduhin niyang magagawa niyang protektahan ang kanyangmag-ina. Kailanman ay hindi niya pababayaan ang mga ito."Wala," sabi na lang niya kay Katrina saka binigyan ito ng matamis na ngiti. Hindi niya siyempre ipapaalam dito ang kanyang hinala. Ayaw niyang mag-alala ito dahil nakasisiguro siyang makakasama lang iyon sa kalagayan nito. Hanggang maaari nga lang ay gusto niyang pasayahin ang kanyang asawa."Hindi ka naman naniniwala sa multo, hindi ba?" biglang tanong sa kanya ni Katrina."What?""Baka kasi iniisip mo na n
KAHIT na sa ospital ng mga Samonte dinala ang ama ni Ysabelle ay pinalis pa rin ni Katrina sa kanyang isipan ang takot. Ewan niya kung bakit para siyang nakaramdam ng panganib ng mga sandaling iyon, bigla tuloy siyang napahamak sa kanyang tiyan. Pakiramdam niya ay kailangan niyang protektahan ang kanyang dinadala.Nang ibaling niya ang tingin kay Jeremy ay nakita niyang nakatitig din ito sa kanya. Hindi nga lang niya magawang basahin ang emosyon nito. Kahit hindi ito magsalita ay alam niyang may ideya na ito kung anong kaugnayan ng hospital na iyon kay Flaviano."Hindi ko alam na dito dadalhin si Tito. Okay lang ba kung bababa tayo?" nag-aalanganing tanong niya."Bakit naman hindi?"Kahit na medyo may kalamigan ang boses nito ay nagawa pa rin niyang ngumiti. Paano ba naman kasi, hinagilap nito ang kanyang palad saka pinisil. Pakiwari niya ay nangangako ito sa kanya na kahit na anong mangyari ay hindi siya pababayaan."Ospita
PARANG gustong mahimatay ni Ysabelle nang mga sandaling iyon. Hindi niya kasi talaga akalain na muli niyang matatagpuan ang lalaking nakatalik niya. Alright, gusto rin naman niya itong makita pero hindi sa ganitong paraan. Para siyang pinaglalaruan ng tadhana gayung siya ang nagbalak na maglaro. "Ehem..." wika ng kanyang ama na nagpalingon sa kanya. Dahil sa dadalawa na lang naman sila ng kanyang ama sa bahay na iyon. Ang kanyang ina ay piniling makipaghiwalay na sa kanyang ama matapos ang mahigit sampung taong pagsasama ng mga ito sa isang bubong. Ani ng kanyang ina, kahit anong gawin nito ay talagang hindi makakayang mahalin ang kanyang ama. Iyon ang dahilan kaya ayaw niyang magmahal. Nangangamba siyang baka sa hiwalayan lang din naman sila mauwi. Kaya nga, itinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa pangangabayo. Isa siyang equestrian. Kaya lang, kahit na sumasali siya sa mga kompetisyon ay hindi niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral. Ku
NANLAKI ang mga mata ni Katrina nang makita niya si Jeremy na nakatayo sa may pinto ng banyo, nakahalukipkip habang nakasandal sa may pintuan. Hindi niya napigilan ang mapalunok. Hindi dahil sa takot na kanyang naramdaman, kundi dahil sa matinding pagnanasa na paulit-ulit niyang nararamdaman sa kanyang asawa.Hubad baro kasi ito at nakatapis lang ng asul na tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito. Kaya naman, nasisiguro niyang wala rin itong suot na panloob. Oh, para tuloy nanuyo ang lalamunan. Pakiramdam niya kasi'y kailangang-kailangan niya ito ng mga oras na iyon. Gusto niyang maramdaman ang mahihigpit nitong yakap, ang mapupusok nitong halik at ibig niyang maramdaman ang pag-angkin nito."Anong totoo?" interesadong tanong nito."That I'm in love with you," nahagilap niyang sabihin. Kahit naman nawawala siya sa kanyang sarili dahil sa nakikita niya'y hinding-hindi pa rin niya gugustuhin na mabuking siya ni Jeremy. Hindi pa siya handang ip
ALAM man ni Katrina na isang masamang panaginip lang iyon pero ang kaba na nasa kanyang puso ay hindi mawala-wala. Pakiramdam niya talaga ay may hindi magandang mangyayari kaya ng mga sumunod na araw ay parang nawawala siya sa sarili."Huwag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano riyan," naiiritang sabi sa kanya ni Ysabelle nang tawagan niya ito. Gusto sana niya itong papuntahin pero baka masyado lang siyang nagiging OA saka hindi rin naman niya sariling bahay ito para mag-aya na lang palagi ng bisita.Kahit naman asawa siya ni Jeremy at dito rin mapupunta ang Rosales Mansion at Hacienda Rosales, hindi pa rin siya dapat laging nagyayaya ng bisita dahil pakiramdam niya ay wala siyang karapatan. Sumasagi pa rin kasi sa isip niya na kaya siya pinakasalan ni Jeremy ay dahil sa mamanahin nito."Alalahanin mo ay ang anak mo. Baka naman magmukhang monster 'yan kung wala kang ibang iniisip kundi si Flaviano.""Huwag ka ngang ganyan," gilalas ni