Wrongfully Yours

Wrongfully Yours

last updateLast Updated : 2024-02-17
By:  SulatniMiss EOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
33Chapters
899views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Iniluwal ni Celeste ang malusog at magandang bata na pinangalan niyang si Stacey. Ito lang ang tanging naiwan sa kanya nung iwan siya ng kanyang fiancee sa araw ng kasal nila. Hindi alam ng mapapangasawa sana ni celeste, na si Noah na may anak sila. Lumaki ang bata sa sariling sikap niya at nagtrabaho rin siya bilang waitress sa isang kilala at pangmayaman na restaurant sa sa syudad. Hindi alam ni Celeste na madudurog ulit ng buhay niya na muling magkrus ang kanilang mga landas. Misyon niyang itago at hindi ipakilala ang anak niya sa totoong tatay nito. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman ni Noah, na may anak sila. Kukunin niya ba ang anak nila sa kamay ni Celeste o hahayaang magdurusa ang kanyang mag-ina sa hirap?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Ikinuyom ni Celeste ang mga kamay niya dahil sa kaba na baka hindi dumating ang fiancee niya. Ang kaba na nararamdaman niya ay kasing lakas ng mga kulog at kidlat sa kalangitan. 

Binuksan niya ang pintuan ng sinakyang bridal car at tumingala siya sa kalangitan, masyado ng madilim ang paligid at parang uulan na. 

Napatingin siya sa mga tao na nasa loob ng simbahan na kitang-kita sa mga mukha nila na tila nagkakagulo.

Nakita niya ang inay na papunta sa kinaroroonan niya na bakas sa mukha ang pagkabalisa.

"Anak!" Sambit nito habang hinahawakan ang nanlalamig niyang mga kamay.

"Inay, bakit wala pa po si Noah, nasaan po siya?" Tanong niya habang mangiyak ngiyak na dahil sa takot na baka hindi talaga darating.

"Kanina pa namin siya hinihintay pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya." Saad nito habang hindi mapakaling sinabi sa kanya ang katotohanang wala pa siya.

"Maghihintay ho ako ma, ayokong umalis at mas lalong ayokong maging malungkot sa araw ng kasal namin."

"Anak, late na siya ng isang oras, dapat kanina pa siya andito." Saad nito. "At baka—"

"Baka ano ma, na hindi matutuloy ang kasal namin?"

"Anak, magpahinga kana. Ayokong nakikita kitang nasasaktan at umaasang darating siya."

"Ayoko!" Matigas niyang sabi.

Maya-maya pa ay lumapit sa kanila ang ina ni Noah na si Bernadeth at kasunod nito ang kanyang asawa na si Frank na may dalang maliit na papel.

"Hija!" Tawag sa kanya ng nanay ni Noah. "May kailangan kang mabasa." Pagpapatuloy nito.

Inilahad sa kamay ni Celeste ang papel na hawak nito at dali-dali niya itong binuksan. Sulat kamay ni Noah ang bumungad sa kanya at nakasaad na, "Hindi na kita mahal. Patawarin mo ako ngunit hindi na matutuloy ang kasal natin."

Ang kanyang puso ay parang sasabog sa nararamdamang sakit nito at agad niyang nabitawan ang papel na hawak niya at tuluyan na ngang bumagsak ang mga luhang pinipigilan niya kanina pa.

Pinuntahan ni Celeste ang isa sa mga kaibigan niyang nakatayo sa may malaking pintuan ng simbahan. Lumapit ito at niyakap niya ito ng mahigpit. " Celeste huminahon ka," saad ng kaibigan ni Celeste na si Jane habang marahang hinahaplos ang likod nito.

"Paano ako kakalma?" Pinunasan niya ang kanyang mga luha at inilahad ang palad nito sa kaibigan niya, " "Pahiram ako ng cellphone mo." saad ni Celeste.

Agad namang ibinigay ng kaibigan nito ang cellphone niya at kaagad niyang tinawagan si Noah. Nang sinagot ni Noah ang tawag niya ay agad siyang nagsalita, " Noah totoo.... totoo ba itong mga sinulat mo?" tanong niya habang bumibilis ang tibok ng puso niya.

"Huwag mo ng subukang tawagan ulit ako. Mas mabuti siguro ay kalimutan mo na ako at totoo ang bawat salitang isinulat ko." Saad nito at tinapos kaagad ang tawag.

Ang telepono ay nahulog sa kanyang kamay. Napalunok siya dahil sa sakit, ang sobrang sakit na nararamdaman niya sa kanyang puso ay hindi kayang tiisin. Bumagsak siya sa kinaroroonan niya at tumulo ang masaganang luha sa kanyang pisngi. 

Pinaghandaan nila ang araw na ito pero iniwan siyang mag-isa at luhaan. Minahal ni Celeste si Noah ng sobra at higit pa sa sarili niya pero wala siyang ibang ginawa kundi ay ang saktan at pagtaksilan siya.

Tinitingnan na siya ng mga tao sa simbahan na may awa sa kanilang mga mukha. Lumapit sa kanya ang Inay niya at pinahid ang mga luha na patuloy parin sa pagbagsak. Niyakap niya ang anak nito ng mahigpit. Medyo nakatulong ang yakap ng ina kay Celeste upang mabawasan ang sakit na nararamdaman niya sa mga oras na ito. Tumayo siya ng marahan at diretsong nakatingin sa mga mata ng kanyang ina.

"Inay, may gusto akong sabihin,"

"Ano iyun anak?"

"Buntis po ako at Si Noah ang ama." Diretsong sabi niya. Bakas sa mukha ng kanyang ina ang pagkagulat. 

"Anak," Saad nito ng marahan. Inilipat niya ang tingin niya sa magulang ng fiancee ni Celeste at bigla na lang itong sumugod na may galit sa mukha.

"Sabihan mo anak mo na di niya pwedeng iwan ang anak ko, dahil buntis siya at ang ama ng batang dinadala ng anak ko ay ang anak ninyo! Kailangan matuloy ang kasal! Hanapin niyo siya." Sunod-sunod na sabi ng kanyang ina.

"Mare, kalma ka lang. Pati kami ay hindi alam kung nasaan ang anak namin. Ni hindi nga namin alam na may mangyayari di inaasahan sa araw na ito. Babae rin ako nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman ng anak mo." Sagot naman ng inay ni Noah sa ina ni Celeste.

"Hindi maaaring kumalma na lang ako dito. Babae ang anak ko!" Tugon naman ng ina ni Celeste.

Sobrang kirot na ang nararamdaman ni Celeste sa mga araw na ito na para bang mamamatay siya dahil sa sakit. Ang lalaking akala niyang magmamahal sa kanya ng lubusan ay iniwan lamang siya sa gitna ng mga taong malapit sa kanila. Hiya, lungkot at sakit ang nasa buong sistema ni Celeste. Gusto niyang magalit at isigaw sa mundo kung bakit nangyari sa kanya lahat ito. Isa lang siyang simpleng babae na ang pangarap lamang ay ang maikasal siya sa lalaking pinakamamahal niya.

********

Makalipas ang sampung buwan, maririnig ang malakas na iyak ng sanggol sa buong silid ng pampublikong ospital. 

Hinawakan ng nars ang sanggol sa kanyang mga bisig habang nagmamadaling umakyat patungo sa kwarto kung nasaan nakahiga si Celeste.

"Napakaganda ng iyong anak, maligayang pagbati, babae ang anak mo," saad ng nars habang nakangiting ibinigay ni Celeste ang kanyang nag-iisang anak.

Pagkatapos ng ilang sandali ay pumasok ang ina ni Celeste sa kanyang kwarto na may dalang mga prutas at nasopresa ito ng nasa mga bisig na ni Celeste ang apo nito. Dali-dali itong lumapit at kinuha nito ang sanggol mula sa mga bisig ni Celeste.

"Napakaganda naman ng apo ko. Anong ipapangalan mo sa kanya?" Tanong ng ina na di man lang tumingin kay Celeste dahil masyado itong naantig sa kagandahan ng kanyang apo na para bang nakahawak ng isang mamahaling kayamanan na ayaw niyang ibigay kahit na kanino.

"Ang ipapangalan ko sa kanya ay Stacey Alessandra Williams."

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
SulatniMissE
Should read
2023-12-03 15:19:39
1
33 Chapters
Chapter 1
Ikinuyom ni Celeste ang mga kamay niya dahil sa kaba na baka hindi dumating ang fiancee niya. Ang kaba na nararamdaman niya ay kasing lakas ng mga kulog at kidlat sa kalangitan. Binuksan niya ang pintuan ng sinakyang bridal car at tumingala siya sa kalangitan, masyado ng madilim ang paligid at parang uulan na. Napatingin siya sa mga tao na nasa loob ng simbahan na kitang-kita sa mga mukha nila na tila nagkakagulo.Nakita niya ang inay na papunta sa kinaroroonan niya na bakas sa mukha ang pagkabalisa."Anak!" Sambit nito habang hinahawakan ang nanlalamig niyang mga kamay."Inay, bakit wala pa po si Noah, nasaan po siya?" Tanong niya habang mangiyak ngiyak na dahil sa takot na baka hindi talaga darating."Kanina pa namin siya hinihintay pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya." Saad nito habang hindi mapakaling sinabi sa kanya ang katotohanang wala pa siya."Maghihintay ho ako ma, ayokong umalis at mas lalong ayokong maging malungkot sa araw ng kasal namin.""Anak, late na siya ng is
last updateLast Updated : 2023-10-27
Read more
Chapter 2
"Ayaw mo bang gamitin ang apelyido ng ama ng anak mo?" Saad ng ina."Ayoko po, kung pwede ay ilihim natin sa kanya na may anak kami. Ano pang rason pag nalaman niya ang totoo? Matagal na niya akong iniwan?" Matigas nitong sabi sa ina."Kung yun ang gusto mo ay sasang-ayun ako, atin lang ang pinakamaganda kong apo." Sambit nito habang nakangiting minamasdan ang kanyang apo."Alam na ba ng mga magulang ni Noah na nanganak na ako, inay?""Oo papunta na sila dito para bisitahin ka at ang iyong anak."Simula ng naudlot ang kanilang kasal ay pati na rin ang mga magulang ni Noah ay hindi alam kung nasaan ang kanilang anak. Wala itong paramdam kung kaya ay para na ring itinakwil ni Noah ang kanyang mga magulang. Ni text o tawag ay wala man lang silang natanggap galing sa anak."Sabihin mo rin sa kanila inay na ayokong malaman ni Noah na may anak kami." Saad ni Celeste na di man lang pinunan ng tingin ang kanyang ina. "Oo, anak at kalimutan mo na rin siya. Magsimula ka ulit ng panibagong buha
last updateLast Updated : 2023-10-27
Read more
Chapter 3
Unang araw ngayon ni Celeste sa trabaho niya bilang waitress. Masaya siya sa unang trabaho dahil makakatulong ito sa kanyang pamilya na naiwan sa probinsya. Agad siyang tinuruan kung ano ang mga dapat niyang gawin. "Celeste, halika." saad ni manang Lily na tiyahin ni Amelia."Opo," tugon naman ni Celeste."Dito sa restaurant na ito bawal lampa lampa kailangan mabilis yung kilos mo at maidala mo kaagad sa customer ang kanilang mga inorder kapag ready na. Maliwanag ba?""Opo.""Kailangan din lahat ng lamisa ay malinis at kaagad mo itong punasan kapag nakaalis na ang customer, ayaw ng may-ari na may mga naiwang dumi sa lamisa."Patango-tango lamang si Celeste sa mga itinuro sa kanya ng matanda. Si Manang Lily ang pinakamatanda na waitress sa loob ng restaurant na pinagtatrabohan nila."At tsaka, mag-ingat ka may mga customer na nambabastos ng mga kagaya nating waitress, maliban sa akin dahil matanda na ako. At kailangan ayusin mo ang pananamit mo upang di ka nila mabastos. Nagkakaintind
last updateLast Updated : 2023-10-28
Read more
Chapter 4
"Pansamantala dito ka muna titira sa aking bahay habang humahanap ka pa ng matitirhan mo." Malumanay na sambit ni manang Lily kay Celeste."Maraming salamat po talaga, napakalaking tulong na naman po ito sa akin.""Sus, ikaw pa eh kilala kita tsaka close kami ng nanay mo nung araw.""Ay talaga po, hindi ito nabanggit sa akin ni inay na may kaibigan pala siyang matulungin.""Sus, nambola ka pa. Tsaka ito yung magiging kwarto mo. Sandali lang kukuha muna ako ng kumot at unan mo para makapagpahinga kana.""Sige po."Nilibot ni Celeste ang mga mata niya sa bawat sulok ng kwarto. Napagtanto niya na medyo maliit pero okay na ito sa kanya kesa naman na wala siyang matutulugan ngayong gabi."Ito na ang kumot mo at unan. Ano okay ka lang ba sa kwarto mo. Pasensiya kana ha maliit lang kase ang bahay ko.""Nako okay na po ito sa akin. Maraming salamat po ulit sa pagpapatuloy sa akin dito manang Lily.""Walang anuman at magpahinga kana maaga pa tayo bukas."Tumango na lamang si Celeste bilang tug
last updateLast Updated : 2023-10-29
Read more
Chapter 5
Okupado ang lahat ng manggagawa sa kanya-kanya nilang ginagawa. Dumating ang may-ari at tinawag nito lahat ng mga empleado niya."Tumigil na muna kay sa ginagawa niyo, please lend me your ears for a second. May mahalagang bagay lang akong sasabihin sa inyo." Paunang sambit ng may-ari sa kanyang mga trabahador."Mamayang-gabi iniimbitahan tayo sa isang engrandeng party ng isa sa pinakamayaman dito sa syudad. Ang restaurant ko ang kinuha nilang mag assist ng kanilang mga bisita at kayo ang magcacater sa kanila. Kaya ngayong araw wala na muna tayong papapasukin na customer at dapat maghanda kayo ng mga masasarap na pagkain para mamaya. May inassign na ako para magdecorate sa loob ng restaurant na ito. Maliwanag ba?""Yes, sir." Sabay saad ng mga empleado."Yan na lang muna sa ngayon at kayo ay maghanda na. Ang party na ito ay mahalaga sa taong nag imbita sa atin. Sige balik na sa trabaho." Saad ng may-ari at umalis na sa harap ng kanyang mga trabahador.Nagbulong-bulungan naman ang mga e
last updateLast Updated : 2023-10-29
Read more
Chapter 6
"Sorry for that interruption. May we continue our events? Sir Noah come on here on stage." Saad ng host.Nagpatuloy si Noah sa paglalakad na balisa pero pilit niya iyun tinatago sa kanyang mga ngiti. Tinatanong niya ngayon sa kanyang sarili kung si Celeste ba iyun ang nakita niya o hindi, pero pilit niyang kinalimutan iyun dahil baka kamukha lang ni Celeste ang nakabasag ng mga baso kanina lang. Bago siya tumuntong sa stage may isang waitress na nagbigay sa kanya ng wine. Nang nasa harap na siya ng mga tao ay ngumiti siya ng napakalaki dahil sa tagumpay na kanyang nakamit ngayon at tuluyan na ngang nawala sa isipan niya ang nangyari kanina.Ibinigay naman ng host mga micropono at ngayon naman ay siya na ang magsasalita, "Magandang gabi sa inyong lahat, salamat sa inyong pagpunta. Sana maenjoy ninyo ang gabi na kasama ako. Cheers!""Cheers!" Sambit naman ng lahat at nagpalakpakan.Nagpatuloy ang party at sobrang nag-enjoy ang lahat habang si Celeste na nasa kusina ay hindi mapakali. P
last updateLast Updated : 2023-11-10
Read more
Chapter 7
Nanginginig, nangangatal ang mga labi ni Celeste ng magtagpo ang kanilang mga mata, at hindi na alam kung ano ang kanyang sasabihin kaya diretso na lang siyang tumalikod mula kay Noah. "Sandali, kinakausap pa kita." Saad naman ni Noah sabay hawak ng kanyang mga braso."Wala na tayong dapat pag-usapan pa matagal mo na akong iniwan." Galit na sambit ni Celeste."Gusto lang kitang kumustahin." Ani niya."Okay lang ako, at bumalik kana doon baka hinahanap ka na ng iyong kasintahan.""Nagpaalam ako sa kanya na may pupuntahan ako.""Umalis kana dito marami pa akong gagawin.""Bibigwasan ko talaga ang lalaking ito kapag di siya umalis. Tatadyakan ko yang ari niya." Bulong ni Celeste sa sarili niya."Sandali lang, gusto ko lang sabihin sayo na hindi ko pinagsisihan na iniwan kita sa altar, kita mo naman ako ngayon isa na akong mayaman na lalaki." Hambog niyang pagkasabi."Oo nga naman, habang kami ng anak mo naghihirap at ikaw ay nagpapakasarap! Umalis kana bago pa kita masampal ng very hard
last updateLast Updated : 2023-11-13
Read more
Chapter 8
Umaga na at naghahanda na si Manang Lily para sa trabaho at napagtanto niyang hindi pa gumigising si Celeste kaya pinuntahan niya ito sa kanyang kwarto. "Celeste gising na, papasok pa tayo." Tapik ni manang Lily sa balikat ni Celeste. "Manang Lily hindi na muna ako papasok ngayon, masama ho ang pakiramdam ko." "May lagnat ka ba?" Hinawakan ni Manang Lily ang noo ni Celeste at napagtanto niyang hindi naman siya mainit. "Wala ka namang lagnat ahh, bakit ayaw mong pumasok?" Bumangon si Celeste at nagsalita, "Ayoko pong pumasok dahil baka makita ko po ulit siya doon." "Sino?" Tumingin si Celeste kay Manang Lily at huminga ng malalim bago nagsalita, "Ang ama po ng anak ko." "Nagkita kayo? Kailan?" "Kahapon po sa event," Tipid na sagot ni Celeste. "Sino dun?" tanong ni Manang Lily na ngayon ay naging osyoso ang mukha. "Si Noah Garcia ho siya ang ama ng anak ko." Napasinghap si Manang Lily dahil sa gulat at tinakpan niya ang kanyang baba na parang di makapaniwala sa sinabi ni Celest
last updateLast Updated : 2023-11-15
Read more
Chapter 9
Napabalikwas ng bangon si Celeste dahil sa lakas na tunog ng kanyang telepono na hudyat na may tumatawag sa kanya. Agad niya itong kinuha at sinagot ang tawag, "Inay ang aga pa po bakit ho kayo napatawag?" "Anak," Umiiyak na sambit ng ina ni Celeste. "Inay, ano pong nangyari," Tugon niya at napatayo dahil sa labis na pag-alala sa ina. "Anak, dumating si Noah rito kanina at kinuha ang anak ninyo," Hikbi ng ina na siyang nakapanghina ni Celeste. "Inay, alam ko na po na ito ang mangyayari, kaya hinanda ko na po ang sarili ko. Kasalanan ko po ang lahat ng ito, kaya huwag kayong mag-alala babawiin ko ang anak ko. Hahanapin ko siya kahit saang lugar pa iyan." Matigas na sambit ni Celeste. "Anak, patawad kung wala akong nagawa sa pagpigil sa kanya, nagkakagulo na kanina at hindi ko na alam anong gagawin ko." "Okay lang po iyon inay, alam niyo ba saang lugar niya dinala ang anak ko?" "Pasensiya na anak pero hindi, sobrang miss na miss ko na ang apo ko. Paano pag hindi niya ibinalik ang
last updateLast Updated : 2023-11-20
Read more
Chapter 10
"Name your price at makakauwi kana," sambit ni Noah na para bang gusto siyang lunurin ni Celeste sa sarili niyang swimming pool na nasa tapat lang nila dahil sa galit nito sa kanya. Parang nag echo talaga sa tenga ni Celeste yung nakakagigil na sinabi niya na animo'y mabibili niya ng pera ang anak ni Celeste."Sa tingin mo mabibili mo ang anak ko? Hindi mabibili ng pera ang buhay ng anak ko, kaya mas mabuti pang ibigay mo na siya sa akin!" Inis na sambit ni Celeste habang nagsalubong ang kanyang dalawang kilay."Diba may sakit ang ama mo na hanggang ngayon ay nasa ospital parin? Matutulungan ka gamit ng pera ko," Sambit ni Noah na mas lalong ikinainis ni Celeste.Makakaya kong bayaran ang lahat ng bayarin sa ospital, alam mo kung ano ang hindi ko kaya? Yun ay ang pagnakaw mo sa anak ko, ededemanda kita!""Go, you can do whatever you want? Pero anong magagawa mo? Wala kang pera!" Mahinang boses pero mariin ang pagkakasambit niya kay Celeste.Gustuhin man na umiyak ni Celeste sa harapan
last updateLast Updated : 2023-11-21
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status