[Matured Content/SPG] Si Elle Calys Saavedra, isang probinsyanang napilitang lumuwas ng Maynila upang makapagtrabaho’t makatulong sa kanyang ama na ibangon kanilang nasirang sakahan. Sa tulong ng kanyang tiyahin ay mabilis siyang nakahanap ng trabaho. Buong akala ni Elle ay magiging maayos na ang lahat gayong binigyan siya ng trabaho ng kanyang auntie Levi nang lumuwas siya sa Maynila, ngunit iba ang nangyari. Nang malamang pagiging escort sa isang high-end bar ang trabahong ibinigay sa kanya— isang trabahong pagbibigay ng aliw na alam niyang hindi niya kayang sikmurain, doon na nagsimulang magbago ang buhay niya. Taliwas man sa prinsipyong kinagisnan, kapit-patalim na lamang si Elle dahil wala siyang magawa. Aniya’y para sa pamilya. Isang gabi ay nakilala niya ang isang lalaking may malapad at perpektong mga kilay, singkit ang mga mata, matangos ang ilong, may matikas na panga at aroganteng ngiti sa mga labi. Ang lalaking hindi niya akalaing pag-aalayan niya ng kanyang sarili. Marupok at tanga na nga siguro siya para magpaubaya sa lalaking hindi niya kilala. Mas lalong nagulo ang isip niya sa mga nakitang pagbabago sa lalaking ‘yon. Animo’y dalawa ang personalidad, pabago-bago ang ugali dahilan para umusbong ang galit para sa lalaki. Ngunit nang malaman niya ang katotohanan at nasagot ang mga tanong na bumagabag sa kanya ay mas lalo pa yatang gumulo ang buhay niya. Ilang beses niyang kinuwestyon ang sarili kung sino ba ang napagkalooban niya ng kanyang katawan. Sino nga ba ang lalaking ‘yon?
View MoreKAHANGA HANGA kung paano nilikha ang bawat makukulay na puno't mga halaman sa mundong ito. Paano nalaman ng dakilang Ama na ang rosas ay magiging perpekto kung ito ay magiging kulay pula? Na ang sunflower ay pinakamaganda kung dilaw at ang tulips ay maaaring maging kaakit-akit sa kulay puti at rosas?
Iba't ibang mga uri ng mga bulaklak ang araw araw kong nakikita sa tuwing dadaan sa dangwa papasok ng trabaho. Hindi ko mapigilan ang ngumiti habang kinikilatis ang kagandahan ng mga iyon. Ilang buwan na akong nagtatrabaho sa flower shop ngunit hindi pa din ako matigil sa paghanga sa mga bulaklak na nadadaanan ko.
"Elle! Ang aga mo, ah!"
"Magandang umaga po, aling Jen!" bati ko sa ginang na nagmamay-ari ng flower shop kung saan ako nagtatrabaho.
Sa labas pa lang ng shop ay busy na si aling Jen habang ang dalawang tauhang lalaki ay nagkakarga ng mga malalaking vase ng Aubretia sa isang truck.
"Mukhang madami po kayong idedeliver ngayon," puna ko habang nakabaling ang tingin sa mga bulaklak ng Aubretia.
"Oo, hija! Kailangan ng ating mayor sa barangay ang mga iyan para sa opening ng bago nilang clinic doon."
"Mabuti po pala at sa atin lumapit ang Mayor. Madami rin siyang biniling Aubretia!"
Tuwang tuwa na tumango si Aling Jen, "Mabuti nga iyon! Malaki ang kita natin ngayong araw."
Ngumiti ako. Bakas sa mukha ni Aling Jen ang kasiyahan. Noong mga nakaraang araw kasi ay matumal ang benta ng mga bulaklak. Maayos naman ang pasahod niya sa akin at sasapat sa mga kakailanganin ni Lyka sa araw araw pero pakiramdam ko ay lugi siya dahil may mga araw na wala talaga kaming benta.
Pumasok ako sa loob ng shop. Amoy ko kaagad ang mabangong mga bulaklak na naroon. Kagaya ng normal kong ginagawa ay inoobserbahan ko ang bawat bulaklak na nakadisplay sa magkabilaang gilid ng shop. Sinisigurado ko na walang lanta at sira.
Minsan ako din ang bumubuo ng mga bouquet. Hinayaan ako ni aling Jen na gawin iyon dahil gusto rin niya ang pagdidisenyo ko.
Kumuha ako ng pandilig na tubig at binasa ang mga paso ng sunflower at rosas.
"Naku, uulan pa yata ng malakas mamaya..." ani aling Jen nang makapasok ito sa shop, nakalingon sa bandang labas kung saan kita ang madilim na kalangitan.
"May bagyo po bang darating?"
Tumango ang ginang. Tinali niya ang kanyang kulot na buhok at inayos ang suot na apron.
"Naku, Elle! Ayon nga daw sa balita ay matindi ang papasok na bagyo. Mabuti na lang at nakabenta na tayo ng malaki ngayong araw. Sapat na iyon kung sakaling walang bumisita dito at bumili dahil sa mga susunod na pag-ulan."
Suminghap ako at binaba ang pandilig ng mga bulaklak. Inabutan ako ng kaba sa mga sinabi ni aling Jen.
Huwag naman sana ngayon kung kailan malapit na ang pag-aani ng palay. Naisip ko ang magiging problema kung hahagupitin nga ng bagyo ang aming palayan.
"Huwag naman po sana gano'n ang mangyari..." tanging nasabi ko, kabado.
Nag-aalala ako sa aming palayan. Halos ilang buwang inalagaan ni nanay at tatay ang mga pananim para malaki ang maiangkat sa market kapag nagsimula na ang panahon ng pag-aani.
Inaabot ng tatlo, apat na buwan o higit pa bago ma-ani ang mga palay. Sa loob ng ilang buwan, madalas ang pananalangin ng mga magulang ko na sana walang mga peste, daga o anumang bagyo ang dumating dahil kung mayroon man ay masisira ang inaasahan naming kabuhayan.
Ilang beses akong nanalangin na sana ay hindi matindi ang bagyong darating o sana sapat na ang mga buwan at kasalukuyan ng nagpapa-ani ang tatay ng mga palay.
°°°°
KATANGHALIAN nang nakatanggap pa kami ng ilang bisita. Ang isang lalaki ay bumili ng isang bouquet ng pulang rosas. Ang mag-asawa nama'y bumili ng basket ng puting rosas na hula ko ay para sa kanilang minamahal na namayapa na.
"Aba! Sobra sobra na ang naibenta natin ngayong araw, ah!" wika ni aling Jen habang nagpapaypay ng sarili, nakaupo sa counter at nanonood ng telebisyon.
Ngumiti ako. Inayos ko ang mga bouquet ng sunflowers na pinamilian ng customer naming lalaki kanina.
"Magpapasukan na, Elle. Wala ka pa bang planong mag-enroll? Aba't nagkakaedad ka na. Sayang ang kolehiyo," wika ni aling Jen.
Nilingon ko siya. Huminga ako nang malalim at nilagay sa likod ang aking mga kamay.
"Hindi pa po kaya kung magsasabay kami ni Lyka. Pagtatapusin ko po muna siya ng senior highschool pagkatapos ay saka ako mag-eenroll sa kolehiyo."
"Naku! Sayang lang kasi, hija! Bente singko ka na. Sana ay kung inuna mo muna ang sarili mo ay nakahanap ka na ng magandang trabaho sa Maynila," aniya.
Ngumiwi ako sa huli niyang sinabi. Sa tuwing maiisip ko na aalis ako ng baryo at iiwan ang pamilya ko dito sa Sta. Barbara ay nalulungkot ako. Isa pa, mahina ang loob ko sa mga gano'n. Mas gusto ko pang magtrabaho dito sa Iloilo kaysa ang lumayo.
"Maayos pa naman po ang pasahod niyo sa akin, aling Jen!" biro ko sa ginang.
Tumawa ito at napailing na lamang.
Pareho kaming napalingon sa labas nang biglang kumulog ng malakas. Hindi tulad ng kanina, mas madilim na ang kalangitan ngayon at halos kitang kita ang sunod sunod na pagkidlat.
"Diyos ko! Nariyan na ang matinding bagyo!" bulalas ni aling Jen.
Kinabahan naman ako. Kung kanina ay napipigilan ko pa, ngayon ay halos kainin na ako ng takot. Lumunok ako't pilit na kinalma ang dibdib.
Hindi iyan, Elle! Magtiwala ka sa dakilang Ama. Hindi Niya pababayaan ang palayan ninyo...
Nanalangin ako at kumapit sa pananampalataya ko ngunit iba ang nangyari.
Sa mismong araw na iyon ay nagkaroon ng delubyo sa Sta. Barbara. Malakas na hagupit ng ulan na may kasamang mga tipak ng yelo... malalaking kidlat at maiingay na pagkulog... mararahas na hanging halos makalikha ng ipo-ipo... ang pagtumba ng mga masisiglang puno... ang pagkasira ng mga makukulay na bulaklak, at ang pagbagsak ng iilang bahay.
Nakita ko ang sarili kong umiiyak habang binabasa ng malakas na ulan, hindi na inalintana ang mga tipak na yelong nagbabagsakan. Marami ang hiyawan sa mga nadaraanan ko dahil sa paglipad ng iilang mga bubong.
Anong nangyayari?
Nagmadali akong tumakbo pauwi sa amin, nag-aalala sa kalagayan ng mga magulang at kapatid ko, pati ng aming palayan.
Kita ko kung paano patumbahin ng malaking kidlat ang puno ng mangga na malapit sa amin. Tinakpan ko ang aking mga tainga at nagpatuloy sa pagtakbo.
Paglagpas ng burol ay nakita ko ang kalakihan ng aming palayan... Patay na ang mga pananim sa hagupit ng bagyo... At ang tatay ko na nakaluhod habang humahagulgol ng iyak.
"Tay!" tawag ko sa kanya, umiiyak.
Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya. Napaluhod ako't nakita ang miserableng mukha ng aking ama.
"Tay, bakit kayo narito?! Doon tayo sa loob!"
Humagulgol ang tatay. Tila nawawarak ang puso ko sa nakikita. Ang masiyahing mukha ng aking ama ay nawala nang tuluyan.
"Ang palayan ko!" hagulgol ni tatay habang hinang-hina sa gitna ng aming lupain.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Umiiyak kong inikot ng tingin ang buong palayan. Napayuko ako at dinampot ang nasirang mga tanim ng palay sa aking paanan. Walang buhay... Basa't kawawa...
"Tay, pumasok na tayo sa bahay! Please po... A-ang lakas ng ulan! Mamaya't magkaipo-ipo pa!"
"Paano ang pag-aaral niyo ng kapatid mo? Sinira ng lintek na bagyong ito!"
Nabasag ang kalooban ko. Hindi ko kayang makita na ganitong kawasak ang tatay.
Nanalangin naman ako nang maayos. Sumampalataya naman ako nang lubos. Bakit kailangang mangyari nito, dakilang Ama?
"Tay! Ate Elle!"
Patakbong lumapit sa amin ang nakababata kong kapatid na si Lyka. Dala ang malaking payong ay dinaluhan niya kami.
Patuloy sa paghagulgol ang tatay. Nag-angat ako ng tingin kay Lyka. Sunod sunod ang pagpatak ng kanyang mga luha, sawi rin sa nangyari sa aming bukirin.
"P-paano na tayo ngayon, Ate Elle?" nanghihinang tanong sa akin ni Lyka habang itinatayo namin ang nanghihinang si tatay.
Nagpunas ako ng mga luha. Pinagmasdan ko ang aking ama na nanghihina dahil sa nangyari. Ni minsan ay hindi ko siya nakitang ganito. Ang isang Faustus Saavedra ay hindi kailanmang nanghina ng gaya nito.
"Maghahanap ako ng tulong..." sabi ko, binubuo ang nasirang determinasyon alang alang kay tatay.
"Kanino naman, ate?" umiiyak na tanong niya sa akin.
"Basta! Gagawa ako ng paraan, Lyka. Makakabangon tayo sa delubyong ito! Pangako 'yan..."
HINDI pa man umaabot ng limang minuto nang umalis si Ehryl ay nakarinig ako ng mga pagkatok sa pinto. Bumuntonghininga ako at hinawi at pinasadahan ng mga daliri ang aking buhok. Bumalik siya? Naulit muli ang pagkatok kaya naman kahit mabigat sa loob ko ay naglakad na ako palapit sa pintuan. “Ehryl, hindi ba’t--” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tumambad sa akin ang walang emosyon na mukha ni Arlana. Malamig ang pagkakatitig nito sa akin. Halos gumapang ang kaba sa buong sistema ko nang makita kung paano’ng nagbago ang itsura niya . . . animo’y ibang Arlana itong nasa harapan ko. Kita ang mga itim sa ilalim ng kanyang mga mata, halatang wala siyang maayos na tulog. Maputla ang mukha at ang tanging nagdadala lamang ay ang mapulang lipstick ng kanyang labi . . . na halos kasing pula
“OPO, Nay.” Tumango ako habang pinapakinggan ang mga payo ni Nanay. Tinawagan ko siya ngayong umaga para ipaalam ang pag-uwi namin ni Auntie Levi ngayong linggo. Lubos naman siyang natuwa sa binalita kong ‘yon. Nang tanungin niya ako kung bakit kami uuwi ay hindi ko na sinabi ang mabigat na dahilan. Mas maganda sigurong si Auntie na lang ang magsabi kay Nanay. “Hindi naman po ako nagpapakapagod. Huwag na po kayong mag-aalala, Nay. Ayos lang po ako.” “Masaya ako na uuwi ka na, anak. Miss na miss ka na namin dito, lalo na ng kapatid mo. Umaayos na rin ang lagay ng palayan natin kaya hindi mo na kailangang manatili riyan sa Maynila para magtrabaho. Mas kampante kami kapag nandito ka kasama namin,” ani Nanay sa nagsusumamong boses. Gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi ko. Huminga ako nang malalim habang nakaupo sa kama at nakatingin sa mga damit do’n
ILANG araw din ang nakalipas matapos ang nangyari sa agency kung saan ako nag-apply. Hindi ko maintindihan kung talagang may kinalaman si Arlana sa nangyaring pangre-reject sa akin sa trabaho pero kung mayroon man ay alam ko na kung bakit niya ginawa iyon. Galit siya sa akin, bagay na klaro sa akin. Aminado akong galit din ako sa ginawa niya. Kaya lang ay sa tuwing naiisip ko na may pinagdadaanan siya, na may sakit siya ay nauunahan ng awa ang puso ko. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ko masabi kay Eionn ang nangyari. Hinayaan ko na lang na isipin niyang hindi lang talaga ako nakapasa dahil kulang ang pinag-aralan ko. "Why don't you try college, love?" kuryoso niyang tanong sa akin isang gabi nang dalawin niya ako sa apartment pagkagaling sa kanyang trabaho. "Hindi ko pa kayang pagsabayin. Inuuna ko muna ang kapatid ko," saad ko.&
“MAG-IINGAT ka sa byahe,” wika ko kay Eionn nang makarating kami sa parking lot ng apartment building. Magkahawak ang aming mga kamay. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga 'yon. Tila ba wala ni isa sa amin ang gustong bitiwan ang kamay ng isa’t isa. Umangat lamang ang tingin ko nang tumikhim siya. “Are you sure you want to stay here? Ayaw mong bumalik sa mansyon?” Nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang Adam’s apple dahil sa kanyang malalim na paglunok. “Sasha misses you.” “Nami-miss ko na rin naman si Sasha kaya lang ay hindi naman magandang tingnan na naroon ako. Matagal na akong resigned bilang kasambahay mo,” sagot ko at maingat siyang tiningnan. “Dadalawin ko na lang siguro si Sasha kapag wala akong masyadong gagawin sa apartment.”&
KATATAPOS ko lang maligo. Hindi ko maalis ang kaba sa aking dibdib, para bang hindi pa rin ito nakakabawi dahil sa presensya ni Eionn. Ilang beses akong huminga nang malalim habang nagbibihis sa banyo. Dahil gabi na rin naman ay minabuti kong magsuot na ng pantulog. Isang t-shirt na maluwag at pajama iyon. Nagsuklay ako ng buhok at ilang beses tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Maayos naman ang itsura ko ngunit ewan ko ba, para akong batang hindi mapakali sa pag-iisip na naghihintay sa akin si Eionn habang nakaupo sa aking kama. Lumunok ako at pilit na kinalma ang naghuhuramentado kong puso. Hindi pa rin ako nakakabawi sa naging halikan namin at sa bawat segundong pag-iisip no’n ay nararamdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Umiling ako at hinagilap ang aking ulirat. Hindi naman pwedeng maging marupok ka agad, Elle! Marami kaming dapat pag
PIGIL ang paghikbi ko nang maramdaman ang mahigpit na yakap sa akin ni Eionn. Maraming mga tanong ang gumugulo sa isipan ko na gustuhin ko mang isatinig ngunit napang-iibabawan ng sakit na nararamdaman ng puso ko. “Hush now, love. . . I’m sorry. I didn’t know Arlana would go that far. . .” marahan at nakaliliyo ang boses ni Eionn nang sabihin ang mga salitang ‘yon. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Tila ba mas lalo pang umapaw ang mga luha ko ngayong narito siya sa harapan ko. “I’m sorry. . . This is my entire fault. I am sorry, Elle. . .” Lumunok ako. Masakit man sa damdamin, hinang-hina man ang katawan at tuliro man ang isipan ay hinagilap ko pa rin ang kaunting lakas mula sa kalooban ko para kumalas sa pagkakayakap niya. “Elle. . .” gulat na tawag sa akin ni Eionn. “Oo, kasalanan mo ‘to, Eionn. . .” Tuloy-tuloy ang paglandas ng mga luha ko sa aking m
PAGKARATING sa mall, dumiretso kami ni Ehryl sa isang store na nagbebenta ng mga mamahalin at iba’t ibang uri ng gitara. Nakamasid lamang ako sa kanya habang seryoso niyang kinikilatis ang mga gitarang natatapatan, hinahaplos ang mga string ng mga ‘yon at tinitingnan ang kaledad. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood siya. Siguro nga ay nagloloko siya sa halos lahat ng bagay pero pagdating sa musika ay nagiging seryosong tao siya. Nakikita ko sa mga mata niya ang dedikasyon at pagmamahal sa karekang tinatahak niya. Lumapit ako sa kanya para usisain siya sa ginagawa. Titig na titig siya sa isang light brown na gitarang may kalakihan kumpara sa mga katabi nitong mga gitara. Makakapal ang string niyon at halatang gawa sa mataas na kalidad na kahoy at kung ano pang materyales.
HALOS isang buwan na rin ang nakalipas magmula nang lisanin ko ang huli kong trabaho. Aminado akong hindi nababawasan ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko, na para bang kahit dumaan na ang mga araw ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ko maitatanggi na nahihirapan pa rin ako dahil sa pagkabigo sa unang pag-ibig. Ganito nga siguro ang pakiramdam ng masaktan ng taong mahal mo. Iyong tipong kahit gaano mo pa subukang pawiin ang sakit para magpatuloy, hindi mo naman kayang diktahan ang puso mo. Siguro nga ay kailangan ng mahabang panahon. Hinayaan ko ang puso ko na ramdamin ang sakit at lungkot. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak gabi-gabi, kwestyunin ang naging pagtrato sa akin ng tadhana at sisihin ang sarili dahil sa mga mali kong desisyon sa buhay. Marahil ay normal nga na ganito ang maramdaman ko pagkatapos ng mga nangyari. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko. . . ang nararamdaman ko, umaasa
PAGPASOK pa lamang sa pamilyar na mansyon ay sinalubong na agad ako ni Sasha. Dinamba niya ako at paulit-ulit na dinilaan ang aking pisngi dahilan para marahan akong matawa. Ramdam ko ang pagka-miss sa akin ni Sasha. Kahit ako ay na-miss din ang presensya ng asong ito. Hinaplos-haplos ko ang kanyang ulo hanggang sa kumalma siya at umalis sa pagkakadamba sa akin. Lumuhod ako at niyakap siya. “Na-miss kita, Sasha. Kumakain ka ba nang maayos?” Tumahol ito, labas ang dila at halatang nakangiti ang mga mata. Animo’y gumagaan ang mga bagay kapag may alagang hayop. Sa simpleng paglalambing nila ay parang umaayos na ang lahat. “Pasensya ka na at hindi na kita maaalagaan,” sabi ko habang patuloy na hinahaplos ang kanyang balahibo. “Mami-miss kita palagi.” “You have nothing to worry about, Calys. Eionn will take care of Sasha. M
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments