"Just like in highschool, if you have the rooftop, it means that it is your territory and there would be no one to stop your ascension...but, standing at the top gives bittersweet feelings too in between your glory and sorry." Biglaan ang pag-uwi ni Bella sa Pilipinas upang makita ang kanyang lolo na hindi niya kilala. Pagkauwi ay iba ang naabutan niya, ang testamentong siya ang magmamana ng lahat ng ari-arian ng mga Echizen. Pagkatapos niyon, ayaw na siyang pabalikin ng kanyang ina sa Japan, ang bansang naging tahanan niya ng sampung taon, dahil nalaman nila ang pinakatatago niyang sikreto na isa siyang gangster. Nangako siya sa kanyang ina na magbabagong buhay. At dahil doon ay nagtago siya sa pagiging isang nerd. First day of school, nakabangga na niya ang bully na si Jarvis Fortalejo na kilala bilang Emperor ng Black Dragon Gang, ang kinatatakutan na gang sa Pilipinas. Dahil sa insidenteng iyon ay hindi na matamihik ang kanyang school life kaya naisip ni Bella ang makipag deal sa black dragon gang pero hindi niya akalain na iyon ang makakapagbago na kanyang buhay. Bella was forced to disguise as the girlfriend of the Emperor and she hated his guts! Jarvis Fortalejo is sure to be the king of arrogance, hot headed and ruthless leader pero biglang naglaho ang impression niyang iyon nang makilala niya ito. Marunong din pala siyang tumawa at masaya rin palang kasama. Hanggang sa dumating na nga ang araw na— she fell in love with him. But becoming the Emperor’s Queen will not be easy as she will be forced to face the challenge of his underlings, the 5 Gangs. Will she fall back and lose the man he learned to love or will the legendary Black Butterfly step up to win the fight?
view moreBella's POVTulad nang sinabi ni Taki sa akin ay hindi na siya nagpakita sa akin. Nabalitaan ko na lamang kay Hana na totoo ang gustong gawin ni Taki na magpapakalayo-layo. Hindi ko nga lang alam kung kailan iyon magsisimula. Sobrang lungkot nga ni Hana na malaman niya iyon.Sumapit ang araw ng linggo. Ito ang araw na gaganapin ang second match namin ni Tres. Maraming tao ang naririto. Noong nakaraang match ay leaders at queens lang ang naroon. Ngayon ay kasama na ang mga members ng Queens.Sobrang daming tao ang gustong manood sa laban na ito. Nasa isang arena kami. May napansin ako sa gitna ng arena na may dalawang upuan at isang mesa ang naroroon. Napapalibutan pa ito ng mga salamin. In short, para siyang malaking cube.Doon yata kami pupuwesto ni Tres mamaya.Nakita ko na lamang na paparating sila Uno. Naupo sa ibabang bahagi ng arena. Tumayo ako para puntahan sila sumunod naman sa akin si Selena at Snow."Hello," bati ko sa queens.Ngumiti si Lara, si Quatro ay tumango naman, si
Rose University Bella's POV Kalalabas ko lamang ng building namin na matanaw ko ang mga girlfriends na naghihintay sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. Noong isang araw kasi nagchat sa akin si Princess at niyaya niya ako na magdate kami kasama ang iba pang girlfriends. Hindi naman ako nagdalawang isip at pumayag ako. Agad ko rin ininform si Jarvis tungkol dito at pumayag din naman siya. Naalala ko pa nga ang sinabi niya na magiging masaya siya na makasama at makausap ko sila Princess. Hindi kasi namin nagawa iyon nung pinakilala niya ako bilang girlfriend niya dahil umuwi rin kami agad niyon. "Hello!" malakas na sabi ko na kinalingon nilang lahat. "Bella!" sabay takbo nila sa aking at nag group hug kami. Natatawang niyakap ko sila. "Kumusta kayo?" "Namiss ka namin!" masayang saad ni Grace. Tulad ng dati ay wala pa rin si Grace pinagbago, masayahing tao pa rin. "Mabuti naman na pumayag kayong dito na lang magkita-kita sa university ko," sabi ko sa kanila. "Wala nama
Bella's POVBumuntong hininga ako na maalala ang nangyari kagabi. Kitang-kita ko ang pagdurusa ni Taki at kung paano i-comfort ni Hana si Taki.Gusto ko sila lapitan pero alam ko na hindi ako makakatulong baka nga lumala pa lalo. Mapait akong napangiti. "Bella..." tawag sa akin ni Jarvis.Nag angat ako nang tingin upang tignan ko siya pero nagulat ako na may iced americano ang nasa harapan ng mukha ko."Salamat," tipid kong ngiti.Umupo si Jarvis sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa bahay nila, to be more specific ay nasa room kami kung saan pwede kaming mag training at hinihintay ang pagdating nina Rei at Taki. Ngayon kasi ang unang araw ng training ko sa kanilang apat tatlo."Iniisip mo pa rin ba si Kier?" tanong niya sa akin.Huminto ako sa pag inom ko ng iced americano at napatingin sa kanya. Malungkot akong ngumiti at naramdaman ko na lamang ang pag akbay niya sa akin. Banayad na hinimas niya ang aking braso para i-comfort niya ako. "Huwag kang mag alala, Bella. Sigurado ako na m
Hana's POV Nang talikuran kami ni Taki ay mabilis na hinabol ko siya. "Taki!" malakas kong sigaw. Pero hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin siyang naglalakad. "Taki! Sandali!" at nadapa ako. Hay... Ang saya nito. Napangiwi ako na maramdaman ang sakit. "Ouch..." naiirita kong sabi. Pagtingin ko sa harapan ay hindi ko na makita si Taki. Kailangan kong habulin si Taki baka kung ano ang gawin niya. Dali-dali akong tumayo pero napaupo ulit na maramdaman ko ang sakit sa aking tuhod nang tignan ko iyon ay doon ko napansin na nagasgasan ito. Hindi ko napigilan na mapaiyak. Ang sakit naman kasi! Nagulat na lamang ako na bigla akong umangat sa ere at nang tignan ko ang gumawa niyon ay walang iba kundi si Taki. "Taki..." sabay tulo ng aking luha. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha na walang emosyon na mababakasan doon. Para siyang naging manhid. Hindi ako ngulit pa dahil alam ko na ang gusto ni Taki ngayon ay katahimika
Bella's POV Masasabi ko na naging successful ang family dinner namin na kasama si Jarvis. Pagkatapos kasi ng dinner namin ay niyaya ni Dad si Jarvis na mag usap sa kanyang office. Hindi ko na alam kung ano ang pinag usapan nila pero sa tingin ko ay naging okay naman ang relasyon nila nang lumabas sila mula sa office ni Dad. "Kumusta ang pag uusap niyo ni Dad?" tanong ko kay Jarvis. "Hmmm... Masaya," tipid niyang sabi. Napakamot ako sa aking mukha. Ang tipid na sagot niya. "Ano ang pinag usapan niyo?' curious kong tanong. Napahinto siya sa paglalakad at hinarap niya ako. Nagtatakang tinignan ko siya. "Ikaw," sabi niya. "Ako?" sabay turo ko sa aking sarili. "Oo," saby gulo niya sa buhok ko na kinainis ko. "Freak!" nakabusangot na saad ko. "Ang masasabi ko lang ay mahal na mahal ka ng daddy mo," nakangiting wika niya. "Alam ko," sabi ko sa kanya. "Napaisip nga ako, Bella," sabi niya pa. "Huh? Ano ang naisipan mo?" tanong ko sa kanya. "Kapag nagkaroon tayo ng anak, pwede b
Bella's POV "Nagseselos ka ba kay Taki?" marahan na tanong ko. "Ako? Oo naman," mabilis na sagot niya. "Normal lang naman siguro iyon, Bella." "Bakit naman?" takang tanong ko sa kanya. "Bella... Kalahati ng buhay mo ay kasama mo na si Taki. At masasabi ko na kilalang kilala niyo na ang bawat isa," mahinahong wika niya. "Hmmm.. Totoo ang sinabi mo at hindi ko iyon itatanggi," napapatangong sabi ko. "Pero ang pagmamahal na meron ako kay Taki ay pagmamahal bilang kaibigan lamang." Napatitig sa akin si Jarvis. "Kahit ba minsan ay hindi ka na in love sa kanya?" "Iyong totoo?" sabi ko. "Hindi. Sa iyo ko lang iyon naramdaman, Bf." Naramdaman ko na hinawakan ni Jarvis ang aking mga kamay at marahan na hinalikan iyon. Mahinang napasinghap ako na maramdaman ko ang labi niya sa ibabaw ng kamay ko. "Alam mo bang sobrang sobra ang pasasalamat ko sa Itaas na ibinalik ka Niya sa akin," mahina niyang wika. "Ako rin. Nagpapasalamat ako ng binigyan pa tayo ng second chance," nakangiting wik
Bella’s POV “Ano’ng ginagawa mo rito?!” mariin kong saad sa kanya. Mabilis na tinago ko ang aking butterfly knife. Hindi siya umimik bagkus ay nakatitig lang siya sa akin. “Umalis kana bago ka pa nila makilala,” sabi ko. “Bella!” tawag sa akin ni Jarvis. Nilingon ko si Jarvis na nagtataka kung bakit hindi pa ako sumusunod sa kanila. “Yumuko ka, Bella,” madiin na wika niya na lalo kong kinaguluhan. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkairita dahil sa hindi ko siya sinunod. Nagulat na lamang ako na bigla niya akong hinila at niyakap nang mahigpit. Nanlaki ang aking mga mata na makita ko na may baril na siyang hawak at itinutok iyon sa direksiyon nila Jarvis. Nilingon ko sila Jarvis na mabilis na nagtago sa gilid ng mga kotse. Ilang putok pa ang pinakawalan ni Ash, pagkatapos ay hinawakan niya ang aking kamay at tumakbo sa gilid ng mga kotse. Shit! “Ano’ng nangyayari, Ash?” galit na tanong ko sa kanya. “Mga tao ni Tres na nag aabang sa iyo para patayin ka,” kaswal niyang w
Bella's POV "Pinag uusapan natin dito ay ang pagpalit ng isang Queen. Alalahanin mo kung anong responsibilidad ng isang Queen sa atin. Do you think Black Butterfly can handle our organization?" seryosong wika ni Quatro. "Hindi ko ikakaila kung gaano kahusay at kagaling siya. Nasaksihan ko iyon lahat. Pero para sa akin, hindi siya karapat dapat na maging isang Queen. Not now, Uno." Napabuntong hininga si Uno at tumingin kay Tres. "What is your opinion, Tres?" Sinulyapan ni Tres si Uno at nagkatitigan ang dalawa. "Hindi magbabago ang aking desisyon, Uno. I will not accept her," sabay tingin niya sa akin. "Hindi siya karapat dapat na pumalit sa iyo. Hinding-hindi ako papayag!" Lihim ako napangiti na makita kung gaano siya kagalit sa akin. Hindi ko akalain na makikita ko kung paano siya kabahan. Napatingin sa akin si Snow. Nagkibit balikat lang ako na dahilan na mapailing si Snow sa akin. Mahabang katahimikan ang namayani, walang sino man ang gusto magsalita at hinihintay ang susuno
Bella’s POV “Ano sa palagay mo?” walang gana na balik na tanong ko sa kanya. “Sa palagay ko?” at natawa siya. Tawang nakakainis sa aking pandinig. Nang tumigil siya sa pagtawa ay tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata. “Where is your respect, Black Butterfly?” seryosong sabi niya. Napaunat ako sa aking kinauupuan at medyo lumapit sa kanya. “Black Butterfly is dead,” mahina kong sabi. Pagkatapos ay inilayo ko ang aking sarili sa kanya at seryosong tinignan ko siya. “Kaya mas mabuting huwag na nating pag usapan iyon.” Ngumiti siya. Ngiting hindi maipaliwanag. “Nakalimutan ko na matagal na palang patay si Black Butterfly.” Matapos niyang sabihin iyon ay may hinagis siyang maliit na shuriken sa aking direksiyon. Dahil sa bilis ng shuriken ay hindi ko ito naiwasan agad. Naramdaman ko ng kaonting sakit na nadaplisan ako nito. Tinignan ko ang natamaan na braso ko. Napunit ang mangas ko at nalantad ang aking tattoo. Hindi ko gusto ang ginawa niyang kapahangasan sa akin. Sinu
Gangsters. Marami ang matatawa dahil kilala na sa siyudad ang mga ito. Mas kilala sila dahil sa kabulastugan na kinaiinisan ng karamihan.May mga small time, gaya ng mga batang gangsters sa kalsada; may mga big time, gaya ng mga napapasok din sa sindikato.Ang iba naman sa kanila ay kilala dahil sa taglay nilang kabaitan. They're too kind that you'll think they're just playing around, na parang nagbabalat-kayo lang.Ang hindi alam ng karamihan, totoo ang mundong may dahas at patayan. Iyong tipong hindi na normal para sa ordinaryong tao.Iyong tipong akala mo normal lang ang buhay mo at katulad ng iyo ang buhay ng iba. May mahirap, may mayaman. May sakim, may ganid, at may mapagbigay.Our kind of world is hidden to those ignorants. Ignorance, yes, mas maganda kung ganyan ka."Ignorance is bliss...you have to cherish it." Lihim akong napangiti. Mahirap pasukin ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments