[Empire Hotel]
Bella's POV
Hindi ko na alam kung ilang beses akong napanganga habang pinagmamasdan ko ang lawak ng loob ng hotel nila Jarvis. Actually, humahanga talaga ako lalo na sa interior nito. Parang isang paradise kung titignan mo. Sa pagkakaalam ko pa, ito ang kaunaunahang hotel na itinayo ng pamilyang Fortalejo. Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit sobrang laki nito kumpara sa ibang hotel nila.
Naiinis ko kay Jarvis dahil mula sa loob ng sasakyan niya at hanggang dito ay hindi niya ako kinakausap. Honestly feeling ko panis na ang laway ko. Hindi ko alam kung bakit sinama niya pa ako rito. Walang imik na sinusundan ko siya hanggang sa huminto siya sa isang pintuan na may nakasulat doon na "conference room". Nagulat ako sa ginawa ni Jarvis dahil ang mokong ay hindi man lang kumatok basta binuksan niya lang ito. Napapailing ako tila hari kung umasta talaga!
Ma
Bella's POVNatatawa ako habang naglalakad patungo sa tagpuan namin ni Freak. Ngayon kasi gaganapin ang aming trial date. Binantaan niya pa ako dahil ito na raw ang una't huling date na mangyayari sa amin. Hindi lamang iyon, nagmayabang pa siya na napakasuwerte ko raw dahil makaka-date ko siya. Nakakasuka 'yung mga pinagsasasabi niya.Marahil ang ibang babae ay hihimatayin nga sa kilig kapag naka-date nila si Jarvis, pero hindi ako katulad nila. Inis nga ako sa lalaking iyon. Siguro nga nang magsaboy ang Diyos ng kayabangan ay nasalo na niya lahat.Napapitlag ako nang mag-ring ang cell phone ko. Napakunot noo ako sa unknown number na tumatawag sa akin."Hello?""Bella?" tinig ng isang lalaki. "Speaking. Who's this?""Kon'nichiwa (Hello) Bella. Dono yōdesu ka? (How are you?)" masayang tanong niya. Parang kilala
Bella's POV"Bella!"Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko ang Girlfriends na papalapit sa direksiyon ko."How are you girl?" tanong ni Grace sa kanya."Ayos lang," maikling sagot ko."Good!" nakangiting sabi ni Princess."Napapansin ko lang girls, mula sa pagpasok ko sa school na ito ay panay bulungan ang lagi kong naririnig," kunot noong sabi ni Angel"You're right! Ano kayang meron?" napapaisip na tanong ni Ellen."May nabugbog kaya ulit or may napaalis na naman na student sa school natin?" sambit ni Angel."Have you heard the news? Si Emp, may dinidate ng babae!""Oo, nakita ko nga 'yung picture sa bulletin""Napakasuwerte ng babaeng iyon.""Hindi iyon susuwertehin sa akin kapag nalaman ko kung sino an
Bella's POVNang hinubad ni Alyana ang jacket niya nagulat ako nang makita ko sa kanang braso niya ang Golden Snake Bangle.Sh*t! Bakit siya pa? Ibig sabihin, ang makakaharap ko ay si Alyana na kilala bilang Cleopatra na leader ng Golden Cobra Gang. Bumaling ang tingin niya sa akin.F*cking Sh*t! Lalo akong napamura nang makita kong ngumiti siya.Kilala ko si Cleopatra, kapag ganun ang ngiti nito, malamang na may maitim itong binabalak. Naalala ko noon, pumunta siya sa Japan para lang daw talunin ako.Natawa pa nga ako sa sinabi niya, hinamon din niya ako mag- race ng motorbike. Hindi na ako tumanggi dahil sanay na ako na may humahamon sa akin mapababae man o lalaki.Kailangan ko maging alisto. Sigurado ako, hindi magiging ordinaryong race ang mangyayari.&
Bella's POVPagkagising ko nasa kama na ako ni Freak, agad akong bumangon kahit nahihilo pa rin ako. Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong walang tao sa loob ng headquarters ng Black Dragon Gang bukod sa akin. Tahimik akong lumabas.Habang tinatahak ko ang malawak na garden ng RDU ay bigla akong nakarinig ng kahol ng aso. Nilingon ko ito, nakita ko ang isang chiwawa dog na nakatingin sa akin. Ang cute! Kumuha sa atensiyon ko ang dog tag nito. Panther. Iyon ang pangalan na nakaukit doon.Umupo ako at ngumiti sa aso. "Panther ang name mo?" Tumahol siya na ikinagulat ko. Infairness, matalino ang aso."Panther!" malakas na tawag ng lalaki sa aso na nasa harapan ko ngayon.Pinagmasadan ko ang lalaking ito. Nakasuot siya ng eyeglasses at magulo ang kanyang buhok na tila kagigising
Bella's POVKinabukasan, isang maingay na doorbell ang gumising sa akin. Inis na bumangon ako. Sino kaya ang walang hiya na walang tigil sa pagdo-doorbell? Sabado pa naman ngayon at rest day ko!Dumiretso ako sa sala, at binuksan ang pintoInaantok na binuksan ko ang pintuan. Sumalubong sa akin ang pamilyar na amoy at ang nakakabigla ay hinila ako ng taong nasa harapan ko palapit sa kanya."Good morning. Bakit ang tagal mong magbukas ang pinto?"Nanlalaki ang aking mga mata nang marinig ko ang pamilyar na boses, heto na naman ang puso ko. Napaangat ako ng tingin, tama nga ako, si Jarvis ang nasa harapan ko. A sexy smile is pasted on his lips. Shocks! Ano'ng ginagawa niya rito?Hindi ako makapagsalita dahil sa totoo lang ay napakaguwapo niya ngayon. Nakasuot siya na plain white tshirt at black pants. Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa
Alex's POVHindi ko kayang pigilan si Xander, natatakot ako para kay Bella. Maaari siyang mapahamak! Agad akong tumakbo sa baba at tinawagan si Jarvis upang ipaalam kung nasaan si Bella."Emp, nandito kami sa rest house namin sa Batangas. Nandito rin si Bella at nasa bingit siya ng kapahamakan.""Sh*t!" rinig ko na mura niya.Pagkababa ko ng telepono ay agad akong bumalik sa taas. Pagdating ko'y nakita kong duguan ang katanang gamit ni Xander. Nakahiga silang dalawa. Nilapitan ko agad si Bella dahil tila naririnig ko pa rin ang boses ni Emp."Humanda ka kapag may nangyaring masama sa kanya." Paikot-ikot na ito sa aking isip.Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa laban nila, isa lang ang sigurado ko, naging madugo ito. Pati ang sahig ay may dugo, hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin. Pagsilip ko sa bintana'y nakita ko ang mga maid na n
Bella's POV Panibagong araw na naman, pauwi na ako sa bahay mula sa ospital. Buti na lamang at hindi ako iniwanan ni Jarvis hanggang sa pag-uwi ko. Natuwa ako dahil ngayon ko lang nalaman na may sweet side si Freak. Ilang araw din akong nasa ospital. Nadalaw ko na rin si Alex, he's now on a better condition. Natamaan siya ng bala sa likod. Good thing, walang vital organ ang natamaan. Hindi naman ako nawawalan ng updates tungkol sa Red Dragon University, lagi ko rin tinatawagan ang mama at papa ko. Actually, kaaalis lang nila kahapon para tumungo sa China for a business trip. Kailan kaya nila ako dadalawin? Pag-uwi ko, mag-isa na naman ako at kailangan ko ng pumasok sa school ngayong araw dahil marami na akong namiss. Baka ibagsak pa ako ng professor at matanggal ang aking scholarship. Masakit pa rin ang sugat ko, sabi naman ng doktor, huwag lamang akong magpagod. Naligo na ako, nagbihis at kumain.
Jarvis' POV"Emp, alam mo na ba ang tungkol sa soccer game sa class ni Bella ngayon?" tanong sa akin ni Nathe."What? Anong soccer game? Hindi ko alam ang tungkol diyan," sagot ko sa kanya."Baka hindi pa tapos 'yun. Puntahan natin," sabat ni Jace."Let's watch them," sabi ko sa kanila. Ang totoo niyan ay kinabahan ako para kay Bella."Yosh!" nagalak na sagot nila."Anong sine-celebrate niyo?""Wala, Emp!" sagot ni Jace."Faye and Denise, right?" nababagot na tanong ni Trace."Bingo!" sabay-sabay na wika nila na ikinataka ko.Napailing na lamang ako at agad kaming tumungo sa field ngunit wala na kaming dinatnan doon."Ay malas! Tapos na yata," sabi ni Jace."Mukha nga," sagot ko sa kanya."Baka sa
Bella's POVTulad nang sinabi ni Taki sa akin ay hindi na siya nagpakita sa akin. Nabalitaan ko na lamang kay Hana na totoo ang gustong gawin ni Taki na magpapakalayo-layo. Hindi ko nga lang alam kung kailan iyon magsisimula. Sobrang lungkot nga ni Hana na malaman niya iyon.Sumapit ang araw ng linggo. Ito ang araw na gaganapin ang second match namin ni Tres. Maraming tao ang naririto. Noong nakaraang match ay leaders at queens lang ang naroon. Ngayon ay kasama na ang mga members ng Queens.Sobrang daming tao ang gustong manood sa laban na ito. Nasa isang arena kami. May napansin ako sa gitna ng arena na may dalawang upuan at isang mesa ang naroroon. Napapalibutan pa ito ng mga salamin. In short, para siyang malaking cube.Doon yata kami pupuwesto ni Tres mamaya.Nakita ko na lamang na paparating sila Uno. Naupo sa ibabang bahagi ng arena. Tumayo ako para puntahan sila sumunod naman sa akin si Selena at Snow."Hello," bati ko sa queens.Ngumiti si Lara, si Quatro ay tumango naman, si
Rose University Bella's POV Kalalabas ko lamang ng building namin na matanaw ko ang mga girlfriends na naghihintay sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. Noong isang araw kasi nagchat sa akin si Princess at niyaya niya ako na magdate kami kasama ang iba pang girlfriends. Hindi naman ako nagdalawang isip at pumayag ako. Agad ko rin ininform si Jarvis tungkol dito at pumayag din naman siya. Naalala ko pa nga ang sinabi niya na magiging masaya siya na makasama at makausap ko sila Princess. Hindi kasi namin nagawa iyon nung pinakilala niya ako bilang girlfriend niya dahil umuwi rin kami agad niyon. "Hello!" malakas na sabi ko na kinalingon nilang lahat. "Bella!" sabay takbo nila sa aking at nag group hug kami. Natatawang niyakap ko sila. "Kumusta kayo?" "Namiss ka namin!" masayang saad ni Grace. Tulad ng dati ay wala pa rin si Grace pinagbago, masayahing tao pa rin. "Mabuti naman na pumayag kayong dito na lang magkita-kita sa university ko," sabi ko sa kanila. "Wala nama
Bella's POVBumuntong hininga ako na maalala ang nangyari kagabi. Kitang-kita ko ang pagdurusa ni Taki at kung paano i-comfort ni Hana si Taki.Gusto ko sila lapitan pero alam ko na hindi ako makakatulong baka nga lumala pa lalo. Mapait akong napangiti. "Bella..." tawag sa akin ni Jarvis.Nag angat ako nang tingin upang tignan ko siya pero nagulat ako na may iced americano ang nasa harapan ng mukha ko."Salamat," tipid kong ngiti.Umupo si Jarvis sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa bahay nila, to be more specific ay nasa room kami kung saan pwede kaming mag training at hinihintay ang pagdating nina Rei at Taki. Ngayon kasi ang unang araw ng training ko sa kanilang apat tatlo."Iniisip mo pa rin ba si Kier?" tanong niya sa akin.Huminto ako sa pag inom ko ng iced americano at napatingin sa kanya. Malungkot akong ngumiti at naramdaman ko na lamang ang pag akbay niya sa akin. Banayad na hinimas niya ang aking braso para i-comfort niya ako. "Huwag kang mag alala, Bella. Sigurado ako na m
Hana's POV Nang talikuran kami ni Taki ay mabilis na hinabol ko siya. "Taki!" malakas kong sigaw. Pero hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin siyang naglalakad. "Taki! Sandali!" at nadapa ako. Hay... Ang saya nito. Napangiwi ako na maramdaman ang sakit. "Ouch..." naiirita kong sabi. Pagtingin ko sa harapan ay hindi ko na makita si Taki. Kailangan kong habulin si Taki baka kung ano ang gawin niya. Dali-dali akong tumayo pero napaupo ulit na maramdaman ko ang sakit sa aking tuhod nang tignan ko iyon ay doon ko napansin na nagasgasan ito. Hindi ko napigilan na mapaiyak. Ang sakit naman kasi! Nagulat na lamang ako na bigla akong umangat sa ere at nang tignan ko ang gumawa niyon ay walang iba kundi si Taki. "Taki..." sabay tulo ng aking luha. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha na walang emosyon na mababakasan doon. Para siyang naging manhid. Hindi ako ngulit pa dahil alam ko na ang gusto ni Taki ngayon ay katahimika
Bella's POV Masasabi ko na naging successful ang family dinner namin na kasama si Jarvis. Pagkatapos kasi ng dinner namin ay niyaya ni Dad si Jarvis na mag usap sa kanyang office. Hindi ko na alam kung ano ang pinag usapan nila pero sa tingin ko ay naging okay naman ang relasyon nila nang lumabas sila mula sa office ni Dad. "Kumusta ang pag uusap niyo ni Dad?" tanong ko kay Jarvis. "Hmmm... Masaya," tipid niyang sabi. Napakamot ako sa aking mukha. Ang tipid na sagot niya. "Ano ang pinag usapan niyo?' curious kong tanong. Napahinto siya sa paglalakad at hinarap niya ako. Nagtatakang tinignan ko siya. "Ikaw," sabi niya. "Ako?" sabay turo ko sa aking sarili. "Oo," saby gulo niya sa buhok ko na kinainis ko. "Freak!" nakabusangot na saad ko. "Ang masasabi ko lang ay mahal na mahal ka ng daddy mo," nakangiting wika niya. "Alam ko," sabi ko sa kanya. "Napaisip nga ako, Bella," sabi niya pa. "Huh? Ano ang naisipan mo?" tanong ko sa kanya. "Kapag nagkaroon tayo ng anak, pwede b
Bella's POV "Nagseselos ka ba kay Taki?" marahan na tanong ko. "Ako? Oo naman," mabilis na sagot niya. "Normal lang naman siguro iyon, Bella." "Bakit naman?" takang tanong ko sa kanya. "Bella... Kalahati ng buhay mo ay kasama mo na si Taki. At masasabi ko na kilalang kilala niyo na ang bawat isa," mahinahong wika niya. "Hmmm.. Totoo ang sinabi mo at hindi ko iyon itatanggi," napapatangong sabi ko. "Pero ang pagmamahal na meron ako kay Taki ay pagmamahal bilang kaibigan lamang." Napatitig sa akin si Jarvis. "Kahit ba minsan ay hindi ka na in love sa kanya?" "Iyong totoo?" sabi ko. "Hindi. Sa iyo ko lang iyon naramdaman, Bf." Naramdaman ko na hinawakan ni Jarvis ang aking mga kamay at marahan na hinalikan iyon. Mahinang napasinghap ako na maramdaman ko ang labi niya sa ibabaw ng kamay ko. "Alam mo bang sobrang sobra ang pasasalamat ko sa Itaas na ibinalik ka Niya sa akin," mahina niyang wika. "Ako rin. Nagpapasalamat ako ng binigyan pa tayo ng second chance," nakangiting wik
Bella’s POV “Ano’ng ginagawa mo rito?!” mariin kong saad sa kanya. Mabilis na tinago ko ang aking butterfly knife. Hindi siya umimik bagkus ay nakatitig lang siya sa akin. “Umalis kana bago ka pa nila makilala,” sabi ko. “Bella!” tawag sa akin ni Jarvis. Nilingon ko si Jarvis na nagtataka kung bakit hindi pa ako sumusunod sa kanila. “Yumuko ka, Bella,” madiin na wika niya na lalo kong kinaguluhan. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkairita dahil sa hindi ko siya sinunod. Nagulat na lamang ako na bigla niya akong hinila at niyakap nang mahigpit. Nanlaki ang aking mga mata na makita ko na may baril na siyang hawak at itinutok iyon sa direksiyon nila Jarvis. Nilingon ko sila Jarvis na mabilis na nagtago sa gilid ng mga kotse. Ilang putok pa ang pinakawalan ni Ash, pagkatapos ay hinawakan niya ang aking kamay at tumakbo sa gilid ng mga kotse. Shit! “Ano’ng nangyayari, Ash?” galit na tanong ko sa kanya. “Mga tao ni Tres na nag aabang sa iyo para patayin ka,” kaswal niyang w
Bella's POV "Pinag uusapan natin dito ay ang pagpalit ng isang Queen. Alalahanin mo kung anong responsibilidad ng isang Queen sa atin. Do you think Black Butterfly can handle our organization?" seryosong wika ni Quatro. "Hindi ko ikakaila kung gaano kahusay at kagaling siya. Nasaksihan ko iyon lahat. Pero para sa akin, hindi siya karapat dapat na maging isang Queen. Not now, Uno." Napabuntong hininga si Uno at tumingin kay Tres. "What is your opinion, Tres?" Sinulyapan ni Tres si Uno at nagkatitigan ang dalawa. "Hindi magbabago ang aking desisyon, Uno. I will not accept her," sabay tingin niya sa akin. "Hindi siya karapat dapat na pumalit sa iyo. Hinding-hindi ako papayag!" Lihim ako napangiti na makita kung gaano siya kagalit sa akin. Hindi ko akalain na makikita ko kung paano siya kabahan. Napatingin sa akin si Snow. Nagkibit balikat lang ako na dahilan na mapailing si Snow sa akin. Mahabang katahimikan ang namayani, walang sino man ang gusto magsalita at hinihintay ang susuno
Bella’s POV “Ano sa palagay mo?” walang gana na balik na tanong ko sa kanya. “Sa palagay ko?” at natawa siya. Tawang nakakainis sa aking pandinig. Nang tumigil siya sa pagtawa ay tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata. “Where is your respect, Black Butterfly?” seryosong sabi niya. Napaunat ako sa aking kinauupuan at medyo lumapit sa kanya. “Black Butterfly is dead,” mahina kong sabi. Pagkatapos ay inilayo ko ang aking sarili sa kanya at seryosong tinignan ko siya. “Kaya mas mabuting huwag na nating pag usapan iyon.” Ngumiti siya. Ngiting hindi maipaliwanag. “Nakalimutan ko na matagal na palang patay si Black Butterfly.” Matapos niyang sabihin iyon ay may hinagis siyang maliit na shuriken sa aking direksiyon. Dahil sa bilis ng shuriken ay hindi ko ito naiwasan agad. Naramdaman ko ng kaonting sakit na nadaplisan ako nito. Tinignan ko ang natamaan na braso ko. Napunit ang mangas ko at nalantad ang aking tattoo. Hindi ko gusto ang ginawa niyang kapahangasan sa akin. Sinu