[Red Dragon University]
Bella's POV
Nandito ako ngayon sa harap ng school na aking pamamahalaan este papasukan pala. Last week ay kumuha ako ng entrance exam dito.
Ayaw ko naman kasi na ituring akong special sa RDU. Masaya ako na nakapasa ako at ngayon ang unang araw ko sa klase bilang transferee student. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na ma-excite.
Bago nga ako pumasok ay maraming paalala sa akin si Mr. Jackson. Una na roon na ang dating Bella Echizen Smith ay magiging Bella Uy na isang ordinaryong estudyante. Binigyan din niya ako ng sarili kong bahay na malapit lamang sa school. Pinagsabihan na rin ako ni Mommy na huwag gamitin ang pagiging gangster ko sa school na ito at umiwas sa gulo.
Pagpasok ko pa lang sa gate ay humanga na ako sa laki ng eskuwelahan na ito, pero may napansin ako. Bawat estudyante na nadadaanan ko ay nagkikislapan ang mga alahas, fashionable shoes, at pati ang kanilang buhok ay kakaiba, para akong nasa isang fashion show. At na-realize ko rin na ako lang ang naglalakad na papasok ng RDU.
Hindi ko akalain na ganito pala ang school na ito. Napatingin ako sa aking suot, para akong outcast. Anyway, it doesn't matter. Ang mahalaga ay magampanan ko ang aking tungkulin. Kailangan ko pa palang magmadali dahil kailangan ko munang i-meet ang Board of Trustee sa school na ito. Kaya tumakbo na ako nang mabilis.
Napangiti ako nang maalala ko ang pag-uusap namin ni Mommy. Masaya siya desisyon ko. Dalawa ang hiling niya: Una, ang maging normal na babae ako. Pangalawa, ang magka-boyfriend. Natawa ako bigla, siguro ang maging normal na babae ay matutupad ko pa, pero ang magka-boyfriend? Malabong mangyari iyon. Sinong lalaki ang ma-i-in love sa tulad ko? Matagal ko nang kinalimutan ang bagay na iyon.
Bigla akong napatigil nang makakita ako ng grupo na nagkukumpulan sa gilid ng building na may malaking arko sa tarangkahan at nakalagay ang salitang 'Red Lounge'. Ano'ng meron? May kung ano na humihila sa akin na pumunta doon.
Damn, Bella! Mamaya ka na makiusyoso dahil mayayari ka talaga kay Board of Trustee kapag na- late ka. Akmang tatalikod na sana ako nang makarinig ako ng hiyaw ng isang lalaki.
"Huwag, maawa na kayo sa akin!" nanginginig na sigaw ng lalaki.
Nagtawanan ang mga tao sa paligid. Hindi na ako nakatiis ay nagpasya akong lumapit doon. "Miss, ano'ng meron diyan?"
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "New student, right?" tanong naman niya sa akin.
Tumango naman ako sa kanya. "Paano mo nalaman?"
"Hindi mo sa akin itatanong kung ano ang nangyayari ngayon," balewalang sagot niya.
Ganon? So normal na ang ganitong pangyayari?
"Sa tanong mo kanina ay may pinaparusahan ngayon dahil binangga niya ang boss ng school na ito. Dapat Miss hindi ka na nag-aral dito, baka ikaw na ang sumunod sa lalaking binubugbog ngayon." Tumalikod na siya at naglakad palayo.
"Binubugbog?!" bulong ko sa aking sarili. Agad akong nakisiksik sa nagkukumpulan. Nakita ko ang limang gwapo na mga lalaki na balewalang nakitingin sa nakaluhod na duguan na lalaki. At ang isa sa kanila ay may hawak pa na arnis.
"Weak. I don't want to see your f*cking face here in my school or else, manghihiram ka na ng mukha sa aso," mahinahong sabing lalaking nakasandal sa puno habang hinahagis niya ang bola ng baseball, mababakas doon ang isang mapanganib na babala.
Umiiyak na tumango naman ang lalaki. Ano pa nga ba ang choice niya?
"Emp, ano na gagawin natin sa kanya?" tanong ng lalaking may hawak ng arnis sa lalaking nagsalita kanina.
"Tama na 'yan, siguro naman madadala na siya ngayon. Hey idiot, sa susunod, kilalanin mo kung sino ang binabangga mo," sabi niya ulit na mukhang kanina pa naiinip.
Tumalikod na sila pero nakita ko na sinenyasan ng nangangalang Emp ang lalaking may hawak na arnis. Ngumisi ang lalaking iyon at dahan-dahang humarap. Alam ko na ang gagawin niya. Bigla akong tumakbo sa gitna at hinawakan ang arnis na dapat sana'y ihahampas nito sa duguan na lalaki.
Nagulat ang lalaking may hawak ng arnis sa ginawa ko. Hindi lamang siya ang nagulat kundi ang lahat ng estudyante na nakapanood ng pagpasok ko sa eksena. Tumigil din sa paglalakad ang iba pa niyang kasama. Blangko ang ekspresyong makikita sa mukha ng feeling ko leader nila, habang ang ibang kasamahan niya ay amused na nakatingin sa akin.
"OMG! Bakit pumasok pa siya sa eksena?"
"Hala, mayayari siya kay Emp."
"Kawawang babae."
"Stupid b*tch."
Tinitigan ko ng matiim ang nangangalang 'Emp'. His evil eyes looked at me. Napalunok ako sa paraan na pagtitig niya sa akin. Mabilis na pinasadahan ko naman siya ng tingin. He has an arrogant handsome face and a perfect body. His aura is full of confidence and power that no one can mess with him. And there is something about this guy that keeps on bothering me.
Napatigil lang ako sa naiisip ko na makita ko kung paano tumaas ang sulok ng labi na nangangalang Emp. Damn, Bella! Nahuli ka niya!
"Y-You're a cheater Mister," taas noong sambit ko.
Bago siya sumagot ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Hindi mo ba alam kung ano ang kaparusahan sa ginawa mong panghihimasok?" seryosong saad niya.
"Hindi," mabilis na sagot ko.
"Nathe, ano pa ba ang hinihintay mo?" tanong niya sa lalaking may hawak ng arnis ngayon.
Nakipagtitigan ako sa kanya. Pinipilit niyang ituloy ang balak niya pero hindi niya kaya dahil pinipigilan ko siya. Pinagpapawisan na siya ng malapot. "F*ck!" mura niyang malakas sabay bitaw sa arnis na ngayon ay hawak ko na.
"Hindi niyo kailangang manakit ng tao para matuto siya, Mister-whoever-you-are," sabi ko habang nakatingin sa pinakalider nila. "Ang tunay na fighter ay hindi lumalaban sa taong walang laban."
"Then, I want you to learn something from me, b*tch," nakangising saad niya. Infairness, kinabahan ako sa sinabi niya sa akin.
"What do you mean?" kalmadong tanong ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin at napatingala ako sa kanya. Ang tangkad niya pala. Hinablot niya ang kwelyo ko, pero hindi na ako nagulat sa ginawa niya. Napa "Ohhhh" naman ang mga tao sa paligid.
"Ms. Bella Uy, please proceed to the dean's office immediately. I repeat, Ms. Bella Uy, please proceed to the dean's office immediately."
"Oh sh*t!" bulong ko sa aking sarili. Lagot talaga ako kay Board of Trustee.
"Mr. Who-ever-you-are pakibitawan mo na yung kwelyo ko, narinig mo namang tinatawag na ako" Tinuro ko ang speaker. Ngumisi siya sa akin at pabalyang binitawan ang kwelyo ko. Napaupo tuloy ako. Aray naman! Bwisit na lalaki ito, sarap suntukin ng madala.
"Hey Nerd, mag ingat ka, 'di mo kilala kung sinong binabangga mo," sabi niya sakin.
Tumingala ako at sinalubong ang mga titig niya sakin. Ang yabang! Tumayo ako at nilingon ko ang lalaking duguan.
"Hey, tumayo ka na riyan. Dapat 'di ka nagpapaapi, kalalaki mong tao para kang hindi lalaki." Inalalayan ko siyang tumayo at ibinigay ang panyong nasa bulsa ko.
"Here, ipunas mo 'yan sa mukha mo, at saka.... huwag kang matakot sa kanila." Tinuro ko ang anim na parang mga hari kung umasta na blankong nakatingin sa direksyon ko. "Dahil sa school na ito, walang mataas o mababang estudyante dahil pantay-pantay lang tayo."
Natulala lang sa akin ang lalaking nabugbog. Marahil hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko. Tumalikod na ako sa kanya at naglakad na palayo. Napaisip ako bigla, nasaan nga pala ang Dean's Office?!
Kaya ang nangyari , bumalik ako sa lalaking duguan. "Hey, saan pala ang Dean's Office rito?" tanong ko rito. Nanginginig na tinuro niya ang direksyon.
"Salamat!" nangingiting nagpaalam ako sa kanya. Huminto ako sa tapat ng anim na lalaki at tumingin ako sa lalaking nangangalang, "Emp".
Ngumiti ako sa kanya nang matamis at saka nilingon ang lalaking may ari ng arnis.
"Here!" Abot ko sa kanya ng arnis.
"Next time, lagyan mo pa ng pressure para magtagumpay ka," mahinang bulong ko sa kanya na ikinamula ng mukha niya.
Nagsimula na akong maglakad patungo sa Dean's Office nang madaanan ko si Emp at nagsalita siya.
"You will pay for what you've done," mahinang sambit niya sa akin. Nilingon ko siya ulit at nagkibit-balikat na lang ako sa kanyang tinuran.
----------------------------------------------------*
I stop at the door of the Dean's Office and knock three times. No one comes to open it, so I turn the knob. I gulp a few times and compose myself.
"Goodmorning Ms. Melissa—er Board Trustee pala," pilit na ngumiti ako sa kanya. Ngunit napaalis ang ngiti ko nang makitang nakatalikod at tila may tinitignan siya sa labas ng bintana. Walang ingay na dahan-dahan ako lumapit sa kanya at sinilip kung ano ang kanyang tinitignan. Napakagat ako sa aking labi na makita ko ang grupo ng mga lalaki na naglalakad palayo. Sila lang naman ang mga na-encounter ko kanina. Sana naman ay hindi niya nakita ang nangyari kanina.
"Idiots," wala sa sarili niyang bigkas na nagpagulo sa akin.
Napadiretso ako ang tayo na makita ko na dahan-dahan siyang lumingon sa direksiyon ko. Hindi ko mapigilan na titigan siya. She's looking at me with no expression on her face. But her pair of brown eyes is getting into me.Tila nakita ko na iyon dati pa… somewhere… but I can't remember where I have seen those eyes.
"I see you're already here," says the Board of Trustee. "And you're late, hindi magandang ehemplo ang ginawa mo. Ikaw pa naman ang first scholar sa university na ito," iiling- iling na sambit niya.
Napayuko ako sa pagkapahiya. "I'm sorry."
"Hindi ka lang late, na-encounter mo pa ang Black Dragon Gang," naiiling na sambit niya sa akin.
Black Dragon Gang? Huh? Sino sila?
Tumingin ang Board of Trustee sa akin at mukhang nabasa naman niya ang aking iniisip. Napangiti siya sa akin at may kinuha sa kanyang drawer. Pagkatapos ay inilapag ang mga pictures sa lamesa niya. Nagulat ako na makilala ko ang mga ito.
"These six handsome men are the founder of Black Dragon Gang."
Oh… Crap! Sila lang naman ang nakabangga ko kanina.
Habang tinitignan ko ang kanilang larawan ay wala akong masabi sa kanilang kaguwapuhang taglay.
"Fuji Cervantes,"sabay turo niya sa isang lalaki.
Tinignan ko naman ito. He's the mysterious type among of them. Matangos ang ilong at singkit ang kanyang mga mata. Para siyang koreano. His look is so innocent yet dangerous. Mukhang masakit magsalita ang lalaking ito dahil sa aura palang niyang nakakaintimidate.
"He is the son of our President. Ang pamilya niya ang nagmamay-ari ng pinakamalaking hacienda at sikat na real estate company dito sa Pilipinas. Siya ang utak ng Black Dragon Gang."
"Nathaniel Sy," turo niya sa lalaking katabi ni Fuji sa larawan. Siya ang lalaking pinigilan ko kanina. Mukha siyang pilyo pero sa tingin ko ay seryoso siya pagdating sa babae. May pagka happy go lucky ang aura niya. "Ang pamilya nila ang nagmamay-ari ng biggest clothing company sa Asia. His father is the world's famous supermodel and his mother is the world's famous fashion designer."
"Sila naman ang magpipinsang Monteverde," turo niya sa tatlong lalaki na magkakatabi. Doon ko napansin ang pagkakahawig nilang tatlo. Para silang may lahing Japanese dahil may pagkasingkit ang kanilang mata. Mapuputi ang kanilang balat at maganda ang hubog ng kanilang katawan. Pero isa lang ang nasisiguro ko na hindi sila basta-basta. Alam ko na malalakas sila.
"Trace Monteverde." He's the quiet type. Siya iyong tipong walang pakialam sa paligid niya. Blonde ang kulay ng kanyang buhok. "Pag-aari nila ang Monteverde Airlines at maging ang Monteverde Multimedia & Telecommunications. Siya ang katulong ni Fuji sa pagbabantay ng system sa Black Dragon Gang."
"Jace Monteverde." He loves having fun so much. Iyon ang unang pumasok sa aking isip na makita ko siya dahil parang walang problema ang lalaking ito dahil sa nakaka good vibes niyang ngiti. Kulay pula ang kulay ng kanyang buhok na agaw pansin kanina. "Pag-aari naman nila ang mga Monterverde Supermarkets, maging ang malaking shipping lines sa Pilipinas. Kilala siya bilang playboy ng grupo."
"Rain Monteverde." Maitim ang kanyang buhok at gwapo tulad din nila. Napakunot-noo ako na maalala ko siya dahil siya lang naman yung lalaki na tuwang tuwa sa nangyayari kanina. Hindi ko gusto ang ngiti niya na tila may kahulugan iyon.
"Pag-aari nila ang Monteverde Banks, na kilala rito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Ang Mommy niya ay kilala sa pagiging number one executive chef na nagmamay-ari rin ng sikat na Love Restaurant na may iba't ibang branch sa magkabilang panig ng Pilipinas."
"And lastly.... Jarvis Fortalejo."
I remembered the way he's staring me. Para akong hinihigop na kanyang tsokolateng mga mata. Magkasalubong ang kanyang mga kilay pero hindi nabawasan ng kanyang kagwapuhan. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang pulang labi niya na para bang kay sarap halikan. Napatingin ako sa kanyang katawan at kitang kita doon ang kanyang biceps. Napalunok ako bigla. God, he's so gorgeous…
"Ang pamilyang Fortalejo ang isa sa pinakamayaman sa Asya. Pag-aari nila ang biggest oil company at sila rin ang manufacturer ng mga luxurious cars na naka based sa France. He's the heir of the Fortalejo's hotel group. Kilala siya bilang Emperor or Emp for short."
Namilog ang aking mga mata sa mga sinabi niya. Hindi ordinaryong mayaman lang ang aking nakabangga—mga bigatin silang tao. Kaya pala ganoon na lamang ang takot ng ibang estudyante sa kanila kanina.
"Kaya kapag binangga mo ang Black Dragon Gang, isa lang ang maipapayo ko, magdasal ka Ms. Bella," amuse na sabi niya sa akin.
What the hell?
"Moving on, so, what do you think of your first day in school?" nakangiting wika niya.
Napabuntong hinga na lamang ako. "Unbelievable." 'Yun na lamang ang aking nasabi. "Actually, napagod ako sa mga narinig ko mula sa inyo, Ms. Melissa."
"Sa nakikita ko, mukhang hindi ka man lang natinag sa gulong pinasok mo? Saan ka kumukuha ng confidence?" nakangiting tanong niya sa akin.
Ngumiti ako bago sumagot. "Hindi ako natatakot na ipaglaban ang mga bagay na alam kong tama."
Makahulugan siyang ngumiti sa akin at lumapit sa kinaroroonan ko. "Nasabi na sa akin ni Mr. Jackson kung ano ang magiging status mo rito sa eskuwelahan. 'Eto ang schedules at assigned rooms mo."
Kinuha ko sa kanya ang isang manipis na booklet. Agad ko itong binuklat. "Ito lang ang masisiguro ko sa 'yo, walang makakaalam ng buong pagkatao mo bilang heiress ng Echizen Family. Alam kong ang Black Dragon Gang ay gumagawa na ng hakbang para makakuha ng information na laban sa iyo."
Napaangat ako ng tingin sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinutulungan pero nagpapasalamat ako dahil doon.
Inilahad niya ang kanyang kanang kamay, sabay sabing, "Goodluck Ms. Bella Smith, ay sorry, Bella Uy na pala."
Inabot ko ito at hindi ko maintindihan kung bakit parang tuwang-tuwa siya. Naglakad kami hanggang sa pintuan pero bago niya buksan ang pinto palabas ay tumigil siya at tiningnan ako.
"Tapos na ang mission na ibinigay sa akin ng iyong Lolo. Alam ko na bata ka pa para sa ganiyang pamamalakad pero naniniwala ako sa iyo, Bella. Sabi nga nila, 'Each generation goes further than the generation preceding it because it stands on the shoulders of that generation. But you will have opportunities beyond anything we've ever known.' Goodluck, Miss Bella," nakangiting wika niya.
At tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto. Iba ang pakiramdam ko kay Ms. Melissa, ang weird nga pero ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya na hindi ko alam kung bakit dahil ito palang naman ang una naming pagkikita. Natigil ako sa aking pag iisip. Ito nga ba? Napailing ako. Imposible.
Lumapit ako sa bintana kung saan kitang kita ang buong campus ng RDU. Mukhang hindi magiging madali ang school life ko dahil sa nangyari kanina. Ang importante ay mapapangalagaan ko ang pinaka-iingatan ni Lolo.
Jarvis' POV
Nasa archery shooting range kami ngayon ng RDU. Matatagpuan ito sa likod ng school na kung saan malapit ang headquarters namin. At dahil sa wala kaming magawa ay nagpustahan kami na kapag natalo nila ako ay ibibigay ko ang 1954 Mercedes-Benz.
Napailing si Jace ng walang 10 points ang mga tira ko. Tinapik- tapik pa niya ako na ikinainis ko. "Emp, are you serious?" iiling- iling na tanong niya sa akin. "Bakit parang wala ka sa mood ngayon?"
"That shot was f*cking stupid. May gumugulo ba sa iyo, Emp?" tanong naman ni Rain.
"Worried ka ba sa babaeng kumalaban sa iyo kanina?" tanong ni Trace na seryosong nakatutok ang mga mata sa laptop niya.
Napatingin din sa akin ang iba. "F*ck," ang tanging nasabi ko. That girl!
"Eh, kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Jarvis kanina, ano sa tingin mo ang gagawin mo, Jace?" tanong ni Fuji.
Napaisip siya. "Well, if I were in Jarvis' situation, hindi ko palalagpasin ang ginawa niya lalo pa't isa siyang babae. Kasiraan sa pagkalalaki ko iyon," mayabang na sabi niya. "But she's a girl after all, so maybe, I should forgive her." Ngumiti pa siya ng malisyoso.
Nagtawanan sina Fuji at Rain sa sinabi ni Jace.
"Kahit siguro poste na naka-skirt ay papatusin mo, Jace," natatawang sabi ni Rain.
Nagkibit-balikat na lamang siya at kumuha ng arrow at bow para tumira. "I'm pretty sure na sexy ang nerd na iyon."
Napailing ako sa mga sinasabi niya. Umaandar na naman ang pagkamanyak nito. Tinungo ko ang upuan na bakante at umupo sa tabi ni Nathaniel na mukhang kanina pa malalim ang iniisip. Biglang tumunog ang aking cell phone. Dinukot ko iyon sa aking bulsa at inis na tiningnan ito. Napakunot noo ako nang makita kong tumatawag ang ate kong monster. Hindi ko ito sinagot at hinayaan ko lang na mag-ring nang mag-ring.
Pinapanood ko si Jace na tuwang tuwa sa tira niya dahil naka-10 points siya na sunod-sunod. He's a lucky bastard! Muling nag-vibrate ang phone ko. This time, tinext na lang ako ng ate ko, pero halos lumuwa ang mata ko sa gulat. Agad ko siyang tinawagan.
"What?" bungad ko sa kanya.
"Balak mo talagang hindi sagutin ang tawag ko, Jarvis Fortalejo?!" galit na sabi niya sa akin. Binuo na niya ang pangalan ko so ang ibig sabihin ay galit na talaga siya.
"Kung may sasabihin ka, just tell me right now, Ate Lara" mahinahong sabi ko, pero naiinis na talaga ako.
"May prospective bride ka na at approved na ito ni Grandpa."
"Arranged marriage? Okay. Don't tell me that she's a princess of an island? Or she's the daughter of a shopping-mall magnate?" naiinis na tanong ko.
Jarvis," seryosong sabi niya. "Alam mo naman ang solusyon sa problema mo."
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.
"Tawagan mo na lang ako kapag may good news ka."
"Okay. Take care." Huminga ako nang malalim para kalmahin ang aking sarili at nilingon ko si Trace.
"Trace, nahanap mo na ba ang pinahahanap ko sa iyo?!" naiiritang tanong niya sa akin..
"Who?!" tanong naman ni Fuji.
"Sino pa ba? Eh di yung pinagnanasaan ni Jace," natatawang sambit naman ni Rain.
"Loko ka, Rain ah," natatawang sabi ni Jace.
Tahimik na tumango siya sa akin at nagsimulang basahin ang mga nakuhang information na na-hack niya sa system ng Red Dragon University tungkol sa nerd na iyon.
Name: Bella Uy
Age: 18 years old
Year: 1st year college
Parents: Deceased
Course: Business Administration Major in Management
"First scholar ng Red Dragon University dahil na-perfect niya ang entrance exam," dagdag pa ni Trace.
"Wow! Na-perfect niya ang exam dito?!" nanlalaki ang mata na tanong ni Nathe.
"Hmm... expected sa isang nerd. Interesting," balewalang sambit ni Rain.
Tumayo si Jace at tinungo ang kinaroroonan ni Trace. Napakunot noo kami sa inasal niya dahil ang loko ay nagbabasa na sa laptop ni Trace.
"Nakakapagtaka dahil ang ilan sa mga subjects natin ay kapareho ng sa kanya. Ang cool nito," ngingising sabi ni Jace.
"Ano'ng cool doon? Hindi naman tayo pumapasok ng classroom," sabi ni Fuji.
"Ano na ang balak mo, Jarvis?" tanong sa akin ni Nathe.
"Well...a welcome surprise for our new transferee," napangising sambit ko sa kanila.
Nagkatinginan sila at napapailing na lamang sa sinabi ko. Gusto kong may paglabasan ako ng inis ko at siya ang nakita kong prospect sa araw na ito.
Ngumiti pa ako ng makahulugan nang marinig ko ang sinabi ni Jace.
"Kawawang babae," bulong na lamang ni Jace.
Bella's POVMabilis akong tumakbo patungo sa room ng second subject ko. Dahil nakipag-usap pa ako kay Ms. Melissa ay hindi ko napasukan ang aking first subject. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kong may kasalubong ako, huli na para umiwas dahil nagkabungguan na kami."Ouch," hinaing ng babaeng nabangga ko.Masakit nga!Tumayo ako para pulutin ang mga libro na nahulog sa sahig. "I'm sorry, Miss." Sabay abot ko sa kanya ng mga napulot ko."Oh!" gulat na sambit niya. "It's you again."Ako? Takang isip-isip ko.Ngumiti siya. "Ikaw yung kumalaban kay Kuya Jar."Jar? Huwag niyang sabihin ang mayabang na lalaking iyon ang tinutukoy niya?"Thank you pala dito," tuko niya sa mga librong napulot ko. "Piece of advise lang ah mas mabuting lumipat ka na n
Bella's POVPabagsak na inihiga ko ang aking sarili sa kama. Napagod ako sa nangyari kanina, mukhang bukas ay hindi na ako susuwertihin. Bakit ko nga ba pinatulan ang mga iyon? Marahas na napabuntong hininga na lamang ako. Alas diyes pasado na ng gabi at ngayon lang ako nakauwi.Tumayo ako para mag-shower, tinanggal ko ang aking bra at sumulyap sa salamin ng tokador. May isang bagay na kumuha ng atensyon ko. Humakbang ako palapit sa salamin at muling tinitigan ang kanang braso ko.Banayad kong hinaplos ang aking Black Butterly na tattoo. Naaalala ko ang Japan sa tuwing tinititigan ko ito. Pumasok na ako sa banyo at nag-shower.After ten years, bumalik ako sa motherland ko para pagbigyan ang hiling ni Mommy. Nakakalungkot isipin na hindi ko na makakasama ang mga katropa ko lalo na ang mga best friends ko na sina Taki, Kuya Rei, Natsume, Empress, at Ryuuji. Wala nang gulo, away, asaran, at motorb
[Basketball Stadium]Bella's POVP.E. ang subject ko ngayon, nasa loob kami ng Basketball Stadium at nagwa-warm up para sa game namin mamaya nang bigla na lamang nagtilian nang malakas ang mga kababaihan doon. Napatakip ako sa aking tenga.Grabe! Ang sakit sa tenga ng mga tili nila. Hinanap ko ang sanhi ng kanilang kaguluhan, napasimangot ako nang makitang paparating ang Black Dragon Gang—mga lalaki na ang tingin sa sarili ay Diyos ng kaguwapuhan.Umupo sila sa bench kung saan ang mga players ng basketball ay nakaupo doon. Mukhang hindi naman susuwertihin ang araw ko ngayon. Bakit ba andito sila? Inis na inis akong nakatingin sa kanila. Nahuli ako ni Jace na minamasdan sila kaya agad akong umiwas ng tingin. Shit! Mamaya niyan, kung ano pa ang isipin nila.Biglang pumalakpak nang malakas ang aming prof, tinatawag niya ang aming atensyon. "Cl
Bella's POVIsang nakakatamad na umaga ang araw na ito. Panay ang buntong hininga ko habang papasok ng school. Sa totoo lang, wala talaga akong balak na pumasok ngayon dahil sa nangyari kahapon. Pero as usual, ganoon pa rin ang eksena. Lahat ng estudyante, kapag nakikita nila ako, ay nakatingin sa akin at pinagbubulungan nila ako. Napailing na lamang ako at hindi ko na sila initindi sa halip ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Pagdating ko sa classroom, lahat ng classmates ko ay nakatingin na naman sa akin. Nagkibit balikat lamang ako at dumiretso na sa upuan ko."Di ba siya 'yung nerd kahapon?""Infairness ang galing niya.""Eww! I can't accept that she kissed our Emp."What the hell?! Para namang gusto kong mahalikan ng freak na iyon? Kung alam lang nila kung naka-
[Empire Hotel]Bella's POVHindi ko na alam kung ilang beses akong napanganga habang pinagmamasdan ko ang lawak ng loob ng hotel nila Jarvis. Actually, humahanga talaga ako lalo na sa interior nito. Parang isang paradise kung titignan mo. Sa pagkakaalam ko pa, ito ang kaunaunahang hotel na itinayo ng pamilyang Fortalejo. Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit sobrang laki nito kumpara sa ibang hotel nila.Naiinis ko kay Jarvis dahil mula sa loob ng sasakyan niya at hanggang dito ay hindi niya ako kinakausap. Honestly feeling ko panis na ang laway ko. Hindi ko alam kung bakit sinama niya pa ako rito. Walang imik na sinusundan ko siya hanggang sa huminto siya sa isang pintuan na may nakasulat doon na "conference room". Nagulat ako sa ginawa ni Jarvis dahil ang mokong ay hindi man lang kumatok basta binuksan niya lang ito. Napapailing ako tila hari kung umasta talaga!Ma
Bella's POVNatatawa ako habang naglalakad patungo sa tagpuan namin ni Freak. Ngayon kasi gaganapin ang aming trial date. Binantaan niya pa ako dahil ito na raw ang una't huling date na mangyayari sa amin. Hindi lamang iyon, nagmayabang pa siya na napakasuwerte ko raw dahil makaka-date ko siya. Nakakasuka 'yung mga pinagsasasabi niya.Marahil ang ibang babae ay hihimatayin nga sa kilig kapag naka-date nila si Jarvis, pero hindi ako katulad nila. Inis nga ako sa lalaking iyon. Siguro nga nang magsaboy ang Diyos ng kayabangan ay nasalo na niya lahat.Napapitlag ako nang mag-ring ang cell phone ko. Napakunot noo ako sa unknown number na tumatawag sa akin."Hello?""Bella?" tinig ng isang lalaki. "Speaking. Who's this?""Kon'nichiwa (Hello) Bella. Dono yōdesu ka? (How are you?)" masayang tanong niya. Parang kilala
Bella's POV"Bella!"Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko ang Girlfriends na papalapit sa direksiyon ko."How are you girl?" tanong ni Grace sa kanya."Ayos lang," maikling sagot ko."Good!" nakangiting sabi ni Princess."Napapansin ko lang girls, mula sa pagpasok ko sa school na ito ay panay bulungan ang lagi kong naririnig," kunot noong sabi ni Angel"You're right! Ano kayang meron?" napapaisip na tanong ni Ellen."May nabugbog kaya ulit or may napaalis na naman na student sa school natin?" sambit ni Angel."Have you heard the news? Si Emp, may dinidate ng babae!""Oo, nakita ko nga 'yung picture sa bulletin""Napakasuwerte ng babaeng iyon.""Hindi iyon susuwertehin sa akin kapag nalaman ko kung sino an
Bella's POVNang hinubad ni Alyana ang jacket niya nagulat ako nang makita ko sa kanang braso niya ang Golden Snake Bangle.Sh*t! Bakit siya pa? Ibig sabihin, ang makakaharap ko ay si Alyana na kilala bilang Cleopatra na leader ng Golden Cobra Gang. Bumaling ang tingin niya sa akin.F*cking Sh*t! Lalo akong napamura nang makita kong ngumiti siya.Kilala ko si Cleopatra, kapag ganun ang ngiti nito, malamang na may maitim itong binabalak. Naalala ko noon, pumunta siya sa Japan para lang daw talunin ako.Natawa pa nga ako sa sinabi niya, hinamon din niya ako mag- race ng motorbike. Hindi na ako tumanggi dahil sanay na ako na may humahamon sa akin mapababae man o lalaki.Kailangan ko maging alisto. Sigurado ako, hindi magiging ordinaryong race ang mangyayari.&
Bella's POVTulad nang sinabi ni Taki sa akin ay hindi na siya nagpakita sa akin. Nabalitaan ko na lamang kay Hana na totoo ang gustong gawin ni Taki na magpapakalayo-layo. Hindi ko nga lang alam kung kailan iyon magsisimula. Sobrang lungkot nga ni Hana na malaman niya iyon.Sumapit ang araw ng linggo. Ito ang araw na gaganapin ang second match namin ni Tres. Maraming tao ang naririto. Noong nakaraang match ay leaders at queens lang ang naroon. Ngayon ay kasama na ang mga members ng Queens.Sobrang daming tao ang gustong manood sa laban na ito. Nasa isang arena kami. May napansin ako sa gitna ng arena na may dalawang upuan at isang mesa ang naroroon. Napapalibutan pa ito ng mga salamin. In short, para siyang malaking cube.Doon yata kami pupuwesto ni Tres mamaya.Nakita ko na lamang na paparating sila Uno. Naupo sa ibabang bahagi ng arena. Tumayo ako para puntahan sila sumunod naman sa akin si Selena at Snow."Hello," bati ko sa queens.Ngumiti si Lara, si Quatro ay tumango naman, si
Rose University Bella's POV Kalalabas ko lamang ng building namin na matanaw ko ang mga girlfriends na naghihintay sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. Noong isang araw kasi nagchat sa akin si Princess at niyaya niya ako na magdate kami kasama ang iba pang girlfriends. Hindi naman ako nagdalawang isip at pumayag ako. Agad ko rin ininform si Jarvis tungkol dito at pumayag din naman siya. Naalala ko pa nga ang sinabi niya na magiging masaya siya na makasama at makausap ko sila Princess. Hindi kasi namin nagawa iyon nung pinakilala niya ako bilang girlfriend niya dahil umuwi rin kami agad niyon. "Hello!" malakas na sabi ko na kinalingon nilang lahat. "Bella!" sabay takbo nila sa aking at nag group hug kami. Natatawang niyakap ko sila. "Kumusta kayo?" "Namiss ka namin!" masayang saad ni Grace. Tulad ng dati ay wala pa rin si Grace pinagbago, masayahing tao pa rin. "Mabuti naman na pumayag kayong dito na lang magkita-kita sa university ko," sabi ko sa kanila. "Wala nama
Bella's POVBumuntong hininga ako na maalala ang nangyari kagabi. Kitang-kita ko ang pagdurusa ni Taki at kung paano i-comfort ni Hana si Taki.Gusto ko sila lapitan pero alam ko na hindi ako makakatulong baka nga lumala pa lalo. Mapait akong napangiti. "Bella..." tawag sa akin ni Jarvis.Nag angat ako nang tingin upang tignan ko siya pero nagulat ako na may iced americano ang nasa harapan ng mukha ko."Salamat," tipid kong ngiti.Umupo si Jarvis sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa bahay nila, to be more specific ay nasa room kami kung saan pwede kaming mag training at hinihintay ang pagdating nina Rei at Taki. Ngayon kasi ang unang araw ng training ko sa kanilang apat tatlo."Iniisip mo pa rin ba si Kier?" tanong niya sa akin.Huminto ako sa pag inom ko ng iced americano at napatingin sa kanya. Malungkot akong ngumiti at naramdaman ko na lamang ang pag akbay niya sa akin. Banayad na hinimas niya ang aking braso para i-comfort niya ako. "Huwag kang mag alala, Bella. Sigurado ako na m
Hana's POV Nang talikuran kami ni Taki ay mabilis na hinabol ko siya. "Taki!" malakas kong sigaw. Pero hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin siyang naglalakad. "Taki! Sandali!" at nadapa ako. Hay... Ang saya nito. Napangiwi ako na maramdaman ang sakit. "Ouch..." naiirita kong sabi. Pagtingin ko sa harapan ay hindi ko na makita si Taki. Kailangan kong habulin si Taki baka kung ano ang gawin niya. Dali-dali akong tumayo pero napaupo ulit na maramdaman ko ang sakit sa aking tuhod nang tignan ko iyon ay doon ko napansin na nagasgasan ito. Hindi ko napigilan na mapaiyak. Ang sakit naman kasi! Nagulat na lamang ako na bigla akong umangat sa ere at nang tignan ko ang gumawa niyon ay walang iba kundi si Taki. "Taki..." sabay tulo ng aking luha. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha na walang emosyon na mababakasan doon. Para siyang naging manhid. Hindi ako ngulit pa dahil alam ko na ang gusto ni Taki ngayon ay katahimika
Bella's POV Masasabi ko na naging successful ang family dinner namin na kasama si Jarvis. Pagkatapos kasi ng dinner namin ay niyaya ni Dad si Jarvis na mag usap sa kanyang office. Hindi ko na alam kung ano ang pinag usapan nila pero sa tingin ko ay naging okay naman ang relasyon nila nang lumabas sila mula sa office ni Dad. "Kumusta ang pag uusap niyo ni Dad?" tanong ko kay Jarvis. "Hmmm... Masaya," tipid niyang sabi. Napakamot ako sa aking mukha. Ang tipid na sagot niya. "Ano ang pinag usapan niyo?' curious kong tanong. Napahinto siya sa paglalakad at hinarap niya ako. Nagtatakang tinignan ko siya. "Ikaw," sabi niya. "Ako?" sabay turo ko sa aking sarili. "Oo," saby gulo niya sa buhok ko na kinainis ko. "Freak!" nakabusangot na saad ko. "Ang masasabi ko lang ay mahal na mahal ka ng daddy mo," nakangiting wika niya. "Alam ko," sabi ko sa kanya. "Napaisip nga ako, Bella," sabi niya pa. "Huh? Ano ang naisipan mo?" tanong ko sa kanya. "Kapag nagkaroon tayo ng anak, pwede b
Bella's POV "Nagseselos ka ba kay Taki?" marahan na tanong ko. "Ako? Oo naman," mabilis na sagot niya. "Normal lang naman siguro iyon, Bella." "Bakit naman?" takang tanong ko sa kanya. "Bella... Kalahati ng buhay mo ay kasama mo na si Taki. At masasabi ko na kilalang kilala niyo na ang bawat isa," mahinahong wika niya. "Hmmm.. Totoo ang sinabi mo at hindi ko iyon itatanggi," napapatangong sabi ko. "Pero ang pagmamahal na meron ako kay Taki ay pagmamahal bilang kaibigan lamang." Napatitig sa akin si Jarvis. "Kahit ba minsan ay hindi ka na in love sa kanya?" "Iyong totoo?" sabi ko. "Hindi. Sa iyo ko lang iyon naramdaman, Bf." Naramdaman ko na hinawakan ni Jarvis ang aking mga kamay at marahan na hinalikan iyon. Mahinang napasinghap ako na maramdaman ko ang labi niya sa ibabaw ng kamay ko. "Alam mo bang sobrang sobra ang pasasalamat ko sa Itaas na ibinalik ka Niya sa akin," mahina niyang wika. "Ako rin. Nagpapasalamat ako ng binigyan pa tayo ng second chance," nakangiting wik
Bella’s POV “Ano’ng ginagawa mo rito?!” mariin kong saad sa kanya. Mabilis na tinago ko ang aking butterfly knife. Hindi siya umimik bagkus ay nakatitig lang siya sa akin. “Umalis kana bago ka pa nila makilala,” sabi ko. “Bella!” tawag sa akin ni Jarvis. Nilingon ko si Jarvis na nagtataka kung bakit hindi pa ako sumusunod sa kanila. “Yumuko ka, Bella,” madiin na wika niya na lalo kong kinaguluhan. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkairita dahil sa hindi ko siya sinunod. Nagulat na lamang ako na bigla niya akong hinila at niyakap nang mahigpit. Nanlaki ang aking mga mata na makita ko na may baril na siyang hawak at itinutok iyon sa direksiyon nila Jarvis. Nilingon ko sila Jarvis na mabilis na nagtago sa gilid ng mga kotse. Ilang putok pa ang pinakawalan ni Ash, pagkatapos ay hinawakan niya ang aking kamay at tumakbo sa gilid ng mga kotse. Shit! “Ano’ng nangyayari, Ash?” galit na tanong ko sa kanya. “Mga tao ni Tres na nag aabang sa iyo para patayin ka,” kaswal niyang w
Bella's POV "Pinag uusapan natin dito ay ang pagpalit ng isang Queen. Alalahanin mo kung anong responsibilidad ng isang Queen sa atin. Do you think Black Butterfly can handle our organization?" seryosong wika ni Quatro. "Hindi ko ikakaila kung gaano kahusay at kagaling siya. Nasaksihan ko iyon lahat. Pero para sa akin, hindi siya karapat dapat na maging isang Queen. Not now, Uno." Napabuntong hininga si Uno at tumingin kay Tres. "What is your opinion, Tres?" Sinulyapan ni Tres si Uno at nagkatitigan ang dalawa. "Hindi magbabago ang aking desisyon, Uno. I will not accept her," sabay tingin niya sa akin. "Hindi siya karapat dapat na pumalit sa iyo. Hinding-hindi ako papayag!" Lihim ako napangiti na makita kung gaano siya kagalit sa akin. Hindi ko akalain na makikita ko kung paano siya kabahan. Napatingin sa akin si Snow. Nagkibit balikat lang ako na dahilan na mapailing si Snow sa akin. Mahabang katahimikan ang namayani, walang sino man ang gusto magsalita at hinihintay ang susuno
Bella’s POV “Ano sa palagay mo?” walang gana na balik na tanong ko sa kanya. “Sa palagay ko?” at natawa siya. Tawang nakakainis sa aking pandinig. Nang tumigil siya sa pagtawa ay tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata. “Where is your respect, Black Butterfly?” seryosong sabi niya. Napaunat ako sa aking kinauupuan at medyo lumapit sa kanya. “Black Butterfly is dead,” mahina kong sabi. Pagkatapos ay inilayo ko ang aking sarili sa kanya at seryosong tinignan ko siya. “Kaya mas mabuting huwag na nating pag usapan iyon.” Ngumiti siya. Ngiting hindi maipaliwanag. “Nakalimutan ko na matagal na palang patay si Black Butterfly.” Matapos niyang sabihin iyon ay may hinagis siyang maliit na shuriken sa aking direksiyon. Dahil sa bilis ng shuriken ay hindi ko ito naiwasan agad. Naramdaman ko ng kaonting sakit na nadaplisan ako nito. Tinignan ko ang natamaan na braso ko. Napunit ang mangas ko at nalantad ang aking tattoo. Hindi ko gusto ang ginawa niyang kapahangasan sa akin. Sinu