Lia Garcia once a naive preschool teacher had to leave her past to nurse a broken heart. Now, she is stronger, smarter, independent successful real estate agent. She meets again a friend in the past who eventually introduces her to Niko Joson, a lawyer and a friend Joey Alarcon, the man who hurt Lia in the past. Will their love grow now that Joey is back, and promises to build a family with Lia and her daughter?
view moreSaglit na pumirmi si Charlene sa table ni Chedeng. Nagkakuwentuhan. Pero dahil walang katulong si Niko sa pag-entertain ng guests ay nagpaalam siya saglit sa matanda at nangakong babalik. Pumunta ito sa mga bata para icheck kung nakakakain. Minsan kasi ang mga bata dahil sa sobrang excitement sa pakikipaglaro ay nakakalimutan nang kumain. She made sure na ang bata sa bawat table ay nakakakain na ng maayos. Nang pumunta ito sa table ng asawa ay wala ito. Marahil nasa banyo. Pinuntahan nito ang events organizer at tinanong kung may kailangan. Wala naman daw. Nang nakita nitong okay naman ang lahat, ay bumalik ito sa kinaroroonan ni Mama Chedeng. May mga kasama na ito sa table. Titingnan lang niya kung comfortable ito.“Mama Chedeng. Sorry ha? Sobrang busy lang kasi walang katulong si Niko. Nadelay kasi ang flight ni Melanie, ang sister niya kaya siya ang aligaga sa pag-entertain ng mga guests,”sabi ni Charlene.“Huwag mo akong alalahanin, Charlene. Meron naman akong mga kau
Hindi alam ni Chedeng kung siya ba ay magtatakip ng mukha o tatalikod. Tarantang-taranta ito na lalong naging dahilan para mapansin siya ng pumasok na si Charlene. Nag-alal si Charlene sa matandang nasa harap niya dahil sa parang nanginginig ito.“Excuse me po,” sabi ni Charlene habang marahan nitong hinawakan sa balikat and matandang nasa harap niya. “Okay lang ba kayo?” dugtong na tanong nito.“Okay lang ako,” sabi niya. Iniba ni Chedeng ang boses niya para hindi siya makilala ni Charlene. Alam niyang makikilala siya nito dahil madalas ito sa bahay nila noon. Minsan pa ay tumira ito sa kanina nang minsang nagkaroon ito ng problema sa asawa. Panay ang payo niya dito dahil sa gusto na nitong makipaghiwalay sa asawa, pinipigilan lang niya dahil sayang ang pinagsamahan nila. Mga bata kasi nagsipag-asawa, at ang napangasawa pa ay abogado. Kapag abogado pa naman ay walang ginawa kung hindi mag-aral. Ito nga ang dahilan nito kung bakit gusto nitong makipaghiwalay. Dahil wala na ito
Sabado, maagang nagising si Niko para asikasuhin ang mga kailangan sa birthday party ng pamangkin. Kaninang madaling araw ay tumawag ang kapatid upang sabihin sa kanya na mali-late siya sa party dahil nadelay ang flight nila. If worse comes to worst, baka hindi pa ito makaattend.“Kuya, isend ko sa email mo ang listahan ng mga dapat naroon sa party. Please ask them to be at the venue at 3 pm. Check with the venue na rin and the events organizers,” natataranta nitong sabi. “Boarding na kami, so after 6 hours andyan na ako. I will be busy na after this call. Makakatawag na lang ako ulit kapag nag lang na kami ha? Ikaw na muna ang bahala kay Therese. Thank you, Kuya. I love you. Pag-iipunan ko na ang bayad sa catering kapag ikinasal ka na. Yon na ang wedding gift ko,” pabiro nito sabay baba ng phone.Hindi na ulit nakatulog si Niko dahil sa dami niyang dapat gawin. Kailangan niyang gumawa ng schedule at mag-delegate para maging successful ang party. Since alam niyang it is not
Linggo, alas siyete ng umaga, ay gising na si Lia kahit puyat from the party. Sobrang nag-enjoy siya na nag-stay siya until 3 AM. Hindi rin makapaniwala ang mga kasama na she can be a lot of fun kapag tinanggal niya ang inhibitions niya. Tingin ng iba ay dahil sa masayang-masaya siya dahil sales director na siya. Ang hindi nila alam ay ayaw niyang maging sales director pero wala siyang choice. Malaki ang utang na loob niya sa pamilya Chua kaya tinanggap niya ito. Kahit gising na ay hindi pa rin siya tumatayo sa kinahihigaan. Tulog na tulog pa ang anak niya sa tabi niya. Malalim na malalim pa ang tulog nito. Gusto niyang matulog ulit pero mas gusto niyang ispend ang oras habang tulog pa ang anak sa pagdi-daydream. Napangiti siya sa nangyari kagabi. It’s been the best night after so many years.Nang matapos ang awarding at announcement ng new sales director, ay official nang nagstart ang party. This time, mga nakainom na. Wala nang mga inhibitions kaya nang sayawan na todo big
Sa labas pa lang ay feel na feel na ni Niko ang party vibe. Pumasok na siya kanina sa events place kaso wala pang katao-tao. Sa sobrang excitement niya ay napaaga siya ng dating. Napagpasiyahan niya na sa kotse na lang siya maghintay at kapag man nakita na siyang kakilala ay saka siya papasok. Habang naghihintay ay naisipan niyang bisitahin ang mga social media accounts niya na matagal-tagal na rin niyang hindi nabibisita. Bakit nga ba hindi niya naisip na istalk ang social media accounts ni Lia. Tinype niya sa search button sa ISocial and Lia Garcia. Wala! Tinype niya sa Photogram ang pangalan ni Lia. Wala rin! Nagpapakamisteryosa ba ng babaeng ito o may tinataguan? Paano ito nagoonline marketing kung wala itong account? Ah baka nakadummy account lang at naka page lang siya sa online marketing. Bakit ba napakailap mo, Lia?Events like this bring back memories to Lia. Noong bata bata pa siya, she was so carefree. Natatandaan niya na siya pa ang nagyayaya sa mga parties n
Gabi ng 20th Anniversary party ng AVRM Realty and Lia is running late. Hindi kasi niya alam ang susuotin niya. Pinagpipilian niya ang olive green na draped one-shoulder dress na a little above the calf ang length na may slit that runs up to her thigh. Sabi ng mama niya na ba bagay ito at lilitaw ang fair to almost white complexion niya o ang lilac na A-line halter dress na a little above the knee and length. Ang olive dress ay mag-eemphasize ng curves niya, samantalang ang lilac na dress ay mageemphasize ng shoulders niya at ng kanyang legs. Since hindi siya makapagdecide ay tinawag niya ang mama niya na noon ay nagpapakain kay Stella. “Ma, I need you, please,” sabi niya habang finifit niya ang lilac dress. Pumasok sa kuwarto ang mama niya at si Stella.“”Mommy, you are so beautiful!’ makikita sa mala-anghel na mukha nito ang paghanga sa ina. “Mommy, what time are you coming home? I thought you will read me a story later,” tanong nito.“Baby, Mommy has to work kasi,” sagot niya
Naisipan ni Niko pumunta sa mall after ng court hearing. Normally, umuuwi na siyang nakabarong pero this time since may sasadyain siya ay nagbihis siya into a Lacoste black shirt. Lumitaw ang pagka moreno niya sa suot at nabakat din ang matipuno niyang katawan. Nagbunga rin at last ang consistent visits niya sa gym. Aba, hindi naman ako nalalayo sa tikas ni Joey. Baka nga nakakahigit pa siya pag-aassure niya sa sarili. Ngayon ang ikatlong araw na naghihintay siya ng makausap ng matino si Lia. Hindi sila matinong magkausap dahil laging naiinterrupt ang usapan nila. I thought ang mga sales agents ay laging may time sa clients. Si Lia ata ang naiiba. Kaya imbes na tawagan niya ito ay napagpasiyahan na lang niya na puntahan ito sa mall kung saan ito naglalagi. Subalit hindi niya ito nakita. Napansin ng dalawang lalaki sa tapat ng booth na nag-aatubili siyang lumapit kaya nilapitan siya ng mga ito.“Hi, Sir” bati ni Paul. “Don’t be scared, we don’t bite,” kindat nito. Inakay
Kinabukasan lang naalala ni Lia na kailangan niya palang tawagan si Niko. Sobrang busy niya kahapon dahil sa marami ang inquiries online at sa booth. Hindi niya alam kung dahil busy ba siya kaya niya nakalimutan itong tawagan o dahil sa nagaatubili pa rin siya na papasukin ito sa mundo niya. Marami kasing komplikasyon. Pero nasa States naman si Joey, at parehong may atraso sa kanila si Joey. May common ground kumbaga. Pero nariyan si Charlene. Mapagkakatiwalaan naman ito, pero hindi maiiwasan na tanggihan ito sa mga imbitasyon nito sa mga mahahalagang okasyon. Eh ang mag-asawang Charlene at John pa naman ay mahilig maghost ng mga parties. Bakit niya pa babalikan ang past na pinilit niyang burahin sa buhay niya. Napabuntunghininga siya. Niko seems to be a nice man. Mukhang mabait naman at nag-vouch talaga si Charlene na good catch ito. Pero nagkamali na ang mag-asawa kay Joey. Napabuntunghininga ng malalim si Lia. Alam niya na sa real estate, basta available ang kliyente ay
Dala ang Mac computer niya ay pumasok ng Starbucks si Lia for her daily dose of hot Americano. May mga nirefer sa kanya ng mga client kahapon, so ginagawa niya ang mga sample computations. Hindi niya matapos-tapos ang ginagawa sa dahilang madalas ang tinog ng cellphone niya. At dahil sa sales siya, hindi niya maignore ang mga tumatawag at mga nagtitext. Isa na nga sa tumatawag ay si Charlene.“Hello!!!” masaya nitong bati. Nafifeel niya an abot tenga ang ngiti nito sa tunog pa lang ng boses nito.“Oh, hi! Ano ka ba. Kahapon lang nagkita tayo. Don’t tell me na magkacancel ka ha? Hindi na puwedeng irefund ang reservation fee,” paaalala niya.“Hindi ‘no. Tumatawag ako kasi may pinag-usapan tayo kahapon,” paaalala nito. “Ano ka ba naman Lia,pagbigyan mo na ako, please,” pagsusumamo nito. “ I just want you to be happy. I want lang na gantihan ang mga kabutihang ginawa mo sa akin” sabi nito.‘Ano nga ba yon? Haha! Tumigil ka Charlene. Wala akong panahon sa lovelife ngayon. Ka
“Hi Lia. Come in, come in,” ani Jess Chua, ang may-ari ng AVRM Realty. Matipuno pa rin ang pangangatawan nito kahit nasa early sixties na ito. Para itong si Ronaldo Valdez sa kilos at pananalita. Meron itong executive presence kahit naka polo at slacks lang ito. Tumayo ito para salubungin si Lia na humahangos papasok ng kuwarto. He guides Lia sa isa sa mga chairs sa office nito. He pulls a chair and tells her to have a seat. Mr. Chua set the bar so high sa pagiging gentleman at dahil dito lahat ng female salespersons naging sobrang pihikan na sa pagpili ng kanilang life partners. Habang papunta sa upuan ay tarantang inaayos ni Lia ang sarili. Hinawi nito ang buhok na tumatakip sa maamo nitong mukha. Pinunasan din nito ang mukha, leeg at pati mga braso dahil basang-basa ang pawis. Kung bakit ba naman kung kailan siya nagmamadali saka naman nasira ang elevator.Kaya no choice siya kung hindi to take the stairs. Nasa 10th floor lang naman ang office nila sa isa sa mga busie...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments