Chapter: CHAPTER 12Saglit na pumirmi si Charlene sa table ni Chedeng. Nagkakuwentuhan. Pero dahil walang katulong si Niko sa pag-entertain ng guests ay nagpaalam siya saglit sa matanda at nangakong babalik. Pumunta ito sa mga bata para icheck kung nakakakain. Minsan kasi ang mga bata dahil sa sobrang excitement sa pakikipaglaro ay nakakalimutan nang kumain. She made sure na ang bata sa bawat table ay nakakakain na ng maayos. Nang pumunta ito sa table ng asawa ay wala ito. Marahil nasa banyo. Pinuntahan nito ang events organizer at tinanong kung may kailangan. Wala naman daw. Nang nakita nitong okay naman ang lahat, ay bumalik ito sa kinaroroonan ni Mama Chedeng. May mga kasama na ito sa table. Titingnan lang niya kung comfortable ito.“Mama Chedeng. Sorry ha? Sobrang busy lang kasi walang katulong si Niko. Nadelay kasi ang flight ni Melanie, ang sister niya kaya siya ang aligaga sa pag-entertain ng mga guests,”sabi ni Charlene.“Huwag mo akong alalahanin, Charlene. Meron naman akong mga kau
Huling Na-update: 2023-08-17
Chapter: CHAPTER 11Hindi alam ni Chedeng kung siya ba ay magtatakip ng mukha o tatalikod. Tarantang-taranta ito na lalong naging dahilan para mapansin siya ng pumasok na si Charlene. Nag-alal si Charlene sa matandang nasa harap niya dahil sa parang nanginginig ito.“Excuse me po,” sabi ni Charlene habang marahan nitong hinawakan sa balikat and matandang nasa harap niya. “Okay lang ba kayo?” dugtong na tanong nito.“Okay lang ako,” sabi niya. Iniba ni Chedeng ang boses niya para hindi siya makilala ni Charlene. Alam niyang makikilala siya nito dahil madalas ito sa bahay nila noon. Minsan pa ay tumira ito sa kanina nang minsang nagkaroon ito ng problema sa asawa. Panay ang payo niya dito dahil sa gusto na nitong makipaghiwalay sa asawa, pinipigilan lang niya dahil sayang ang pinagsamahan nila. Mga bata kasi nagsipag-asawa, at ang napangasawa pa ay abogado. Kapag abogado pa naman ay walang ginawa kung hindi mag-aral. Ito nga ang dahilan nito kung bakit gusto nitong makipaghiwalay. Dahil wala na ito
Huling Na-update: 2023-08-17
Chapter: CHAPTER 10Sabado, maagang nagising si Niko para asikasuhin ang mga kailangan sa birthday party ng pamangkin. Kaninang madaling araw ay tumawag ang kapatid upang sabihin sa kanya na mali-late siya sa party dahil nadelay ang flight nila. If worse comes to worst, baka hindi pa ito makaattend.“Kuya, isend ko sa email mo ang listahan ng mga dapat naroon sa party. Please ask them to be at the venue at 3 pm. Check with the venue na rin and the events organizers,” natataranta nitong sabi. “Boarding na kami, so after 6 hours andyan na ako. I will be busy na after this call. Makakatawag na lang ako ulit kapag nag lang na kami ha? Ikaw na muna ang bahala kay Therese. Thank you, Kuya. I love you. Pag-iipunan ko na ang bayad sa catering kapag ikinasal ka na. Yon na ang wedding gift ko,” pabiro nito sabay baba ng phone.Hindi na ulit nakatulog si Niko dahil sa dami niyang dapat gawin. Kailangan niyang gumawa ng schedule at mag-delegate para maging successful ang party. Since alam niyang it is not
Huling Na-update: 2023-08-10
Chapter: CHAPTER 9Linggo, alas siyete ng umaga, ay gising na si Lia kahit puyat from the party. Sobrang nag-enjoy siya na nag-stay siya until 3 AM. Hindi rin makapaniwala ang mga kasama na she can be a lot of fun kapag tinanggal niya ang inhibitions niya. Tingin ng iba ay dahil sa masayang-masaya siya dahil sales director na siya. Ang hindi nila alam ay ayaw niyang maging sales director pero wala siyang choice. Malaki ang utang na loob niya sa pamilya Chua kaya tinanggap niya ito. Kahit gising na ay hindi pa rin siya tumatayo sa kinahihigaan. Tulog na tulog pa ang anak niya sa tabi niya. Malalim na malalim pa ang tulog nito. Gusto niyang matulog ulit pero mas gusto niyang ispend ang oras habang tulog pa ang anak sa pagdi-daydream. Napangiti siya sa nangyari kagabi. It’s been the best night after so many years.Nang matapos ang awarding at announcement ng new sales director, ay official nang nagstart ang party. This time, mga nakainom na. Wala nang mga inhibitions kaya nang sayawan na todo big
Huling Na-update: 2023-08-10
Chapter: CHAPTER 8Sa labas pa lang ay feel na feel na ni Niko ang party vibe. Pumasok na siya kanina sa events place kaso wala pang katao-tao. Sa sobrang excitement niya ay napaaga siya ng dating. Napagpasiyahan niya na sa kotse na lang siya maghintay at kapag man nakita na siyang kakilala ay saka siya papasok. Habang naghihintay ay naisipan niyang bisitahin ang mga social media accounts niya na matagal-tagal na rin niyang hindi nabibisita. Bakit nga ba hindi niya naisip na istalk ang social media accounts ni Lia. Tinype niya sa search button sa ISocial and Lia Garcia. Wala! Tinype niya sa Photogram ang pangalan ni Lia. Wala rin! Nagpapakamisteryosa ba ng babaeng ito o may tinataguan? Paano ito nagoonline marketing kung wala itong account? Ah baka nakadummy account lang at naka page lang siya sa online marketing. Bakit ba napakailap mo, Lia?Events like this bring back memories to Lia. Noong bata bata pa siya, she was so carefree. Natatandaan niya na siya pa ang nagyayaya sa mga parties n
Huling Na-update: 2023-08-10
Chapter: CHAPTER 7Gabi ng 20th Anniversary party ng AVRM Realty and Lia is running late. Hindi kasi niya alam ang susuotin niya. Pinagpipilian niya ang olive green na draped one-shoulder dress na a little above the calf ang length na may slit that runs up to her thigh. Sabi ng mama niya na ba bagay ito at lilitaw ang fair to almost white complexion niya o ang lilac na A-line halter dress na a little above the knee and length. Ang olive dress ay mag-eemphasize ng curves niya, samantalang ang lilac na dress ay mageemphasize ng shoulders niya at ng kanyang legs. Since hindi siya makapagdecide ay tinawag niya ang mama niya na noon ay nagpapakain kay Stella. “Ma, I need you, please,” sabi niya habang finifit niya ang lilac dress. Pumasok sa kuwarto ang mama niya at si Stella.“”Mommy, you are so beautiful!’ makikita sa mala-anghel na mukha nito ang paghanga sa ina. “Mommy, what time are you coming home? I thought you will read me a story later,” tanong nito.“Baby, Mommy has to work kasi,” sagot niya
Huling Na-update: 2023-08-10