Home / Romance / Black Butterfly (Queen of the Gangsters) / CHAPTER 1: WELCOME BACK, BELLA!

Share

CHAPTER 1: WELCOME BACK, BELLA!

Author: LaraMelissa
last update Huling Na-update: 2021-09-10 00:24:50

"Ladies and gentlemen, we just landed at the Ninoy Aquino International Airport. Welcome to Manila! Local time is 5:00 P.M. and the temperature is 30°C. On behalf of Monteverde Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we hope to see you again soon on one of your future flights. Have a nice stay!"

Iminulat ko ang aking mga mata nang marinig ko ang announcement mula sa piloto ng eroplano. Nag-inat ako at tumingin sa labas ng bintana.

"Sa wakas, nakarating din ako," mahinang bulong ko sa aking sarili.Napatingin ako sa mga pasahero na kinukuha ang kani-kanilang bagahe, agad din akong kumilos dahil baka naiinip na ang taong susundo sa akin. Nakakahiya naman na paghintayin ko sila.

Mabilis akong naglakad palabas ng terminal ng NAIA habang hila-hila ang travelling bag ko. Napatigil ako sandali at inilibot ang paningin sa paligid.

Nilanghap ko ang pamilyar na amoy ng hangin. It smells like home. I look up at a bright blue sky and there are no signs of rain. A sad smile slowly appear on my lips. After ten years, I am back in the Philippines.

Muling bumabalik sa aking alaala ang mga nangyari noong bata pa ako. Napailing ako sa aking naiisip, nagiging madrama na ako lately. Ang mabuti pa'y hanapin ko na ang aking sundo.

I see a guy looking at my direction, holding a placard with my name. I smile broadly. Lumapit ako sa kanya.

"Miss Bella Smith?" nakangiting tanong niya sa akin.

"Yes." Gumanti din ako ng ngiti.

"Okaerinasai (Welcome home), Ms. Smith."

Napangiti ako nang mag-Japanese siya. "Arigatou. I'm sorry kung ilang minuto akong late. Ang tagal nilang inilabas ang aking bagahe," kwento ko sa kanya.

Mukhang nagulat siya sa pagsasalita ko ng Tagalog. "It's fine, Ms. Smith. Shall we?" Kinuha niya ang aking travelling bag. Nagulat ako sa ginawa niya at hindi na nakatanggi pa. Hindi ako sanay na itinuturing akong babae. Tahimik akong sumunod sa kanya.

Bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya napatigil din ako, mukhang may hinihintay siya. Nanlaki ang aking mga mata nang may tumigil sa harapan ko na limousine.

"Miss Bella," magalang na tawag niya sa akin.

Pilit na nakangiting nilingon ko siya. "Why?" tanong ko sa kanya.Kanina ko pa napapansin na sobrang galang niya sa akin, hindi ako sanay.

"Please get in." Binuksan niya ang pinto ng limousine na nasa harapan ko.

What the— ito ang gagamitin naming sasakyan? Nag-aksaya pa si Lolo ng pera, pwede naman kaming mag-taxi. Si Lolo talaga! Actually, wala akong idea kung anong klaseng tao siya. Hindi naman kasi pala-kwento ang Mommy ko sa mga ganoong bagay. Noong patungo ako rito, doon lang siya nagsabi sa akin tungkol sa lolo ko at isang katangian lang nito ang sinabi niya sa akin— siya ay isang istriktong tao. Medyo kinabahan ako nang sinabi ni Mommy sa akin 'yun, all these years, ngayon ko lang makakaharap ang aking lolo.

Pagkapasok ko sa loob ng limousine ay isinara agad ng lalaki ang pinto.  Nagtaka ako dahil hindi siya pumasok sa loob at  sa halip ay yumuko lang siya na lalong nagpagulo sa isip ko. Binaba ko ang window mirror.

"Hindi ka po ba sasama sa akin?" magalang na tanong ko.

"P-Po?" gulat na sambit niya.

"What I mean is, iiwan mo akong mag-isa rito?" tanong ko ulit sa kanya.

Ngumiti siya sa akin nang magaan. "Hindi po ako pwedeng sumabay sa inyo, Ms. Bella. Ipinagbabawal po iyon sa amin," magalang na paliwanag niya sa akin.

Napanganga ako sa tinuran niya sa akin. Ano raw? Pinagbabawal? Nawi-weirdohan na ako sa kanya. Magtatanong pa sana ako kaya lang umandar na ang sasakyan, kaya kinawayan ko na lang siya bilang pamamaalam. Nang hindi ko na siya makita ay itinaas ko ulit ang window mirror.

Napabuntong-hininga na lamang ako at inilibot ang aking paningin sa loob ng limousine. Masyadong maluwang para    sa isang tao ang sasakyan na ito. Nakakalungkot namang bumiyahe mag-isa. Napansin ko na tinatahak ng sasakyan ngayon ang kahabaan ng EDSA. Nahagip ng aking mga mata ang mga kalalakihan na nag mo-motorbike race. Naalala ko ang mga gangmates ko. Kumusta na kaya sila? I hiss.

Nakalimutan ko na nangako ako kay Mommy na magiging normal na babae ako at ititigil ko na ang pakikipagbasag ulo dahil hindi raw iyon gawain ng isang matinong babae. Galit na galit siya nang napag-alamanan niyang isa akong leader ng sikat na Gang sa Japan.

Hindi raw niya ako pinag-aral ng iba't ibang martial arts para lang makipagbasag-ulo sa walang kabuluhang bagay. Hindi siya tumigil sa kakaiyak nang gabing iyon. Dahil sa nakonsensiya ako, nangako ako na magbabagong buhay. Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit niya ako pinapunta ng Pilipinas, isa itong malaking palaisipan sa akin.

Lumipas ang dalawang oras ngunit hindi pa kami nakakarating sa aming pupuntahan. I sighed and lean my back on my seat. Mula sa bintana, nakita ko ang naglalakihang puno habang binabagtas namin ang daan. Hindi ko akalain na may ganito pang kagandang lugar sa Pilipinas. Mayamaya ay naramdaman ko na huminto ang sasakyan namin at dahil sa curiousity ko ay hindi ko mapigilan na sumungaw ako sa bintana para mapagmasdan ang harapan. Napanganga ako na makita ang malaking gate na kulay ginto at may malaking arko sa itaas na hugis dragon. Lalo ako namangha na magbukas ito. Lalo tuloy ako nanabik dahil doon. Unti-unti umandar ang sasakyan namin at bumungad sa akin malawak na lupain. Napanganga ako sa aking nakita dahil bawat daraanan namin ay nagsusumigaw ang yaman ng taong nakatira dito. Bigla ako nanlamig habang papalapit na kami. Napatitig ako sa mga kamay ko na ngayon ay nanginginig na.

"Ma'am, we're here," announce ng driver sa akin

Napakislot ako na marinig ko ang sinabi niya.

"Ma'am?" tawag niya sa akin ulit.

"Yes, I heard you," kinakabahang saad ko. Huminga ako ng malalim bago ako bumaba. Bubuksan ko sana ang pinto pero naunahan ako dahil bumukas na ito ng kusa.

"Welcome, Ms. Bella," bungad sa akin ng isang lalaking nakangiti.

Tila nawala ang kaba ko na makita ko ang kanyang ngiti. "Thank you," tipid na saad ko. 

Napatingala ako at humahangang  inilibot ko ang aking paningin. Puti at ginto ang kulay ng mansion at kahit saan ako tumingin ay wala akong maipipintas.

Sino ba talaga ang aking lolo? "I'm glad you're here, Ms. Bella"

Tiningnan ko ang lalaking nagsalita na nasa gilid ko. May katandaan na ito at sa tingin ko ay nasa mid 40's na siya. Mabilis na pinasadahan ko siya ng tingin. Kulay tsokolate ang kanyang mga mata. Matangos ang ilong at may munting ngiti na nakapaskil sa kanyang labi. Napaka pormal din ng kanyang kasuotan. Marahil siya si Mr. Jackson, ang secretary ng aking lolo.

"Same here," tugon ko.

Nakangiting lumapit siya sa akin. "I'm the corporate secretary of your grandfather. My name is Henry Jackson," pakilala niya sa kanyang sarili. "And welcome back, Ms. Bella."

"Nice meeting you, Mr. Jackson," nakangiting wika ko.

"Alam kong pagod ka sa mahabang biyahe mo kaya naman ay pumasok na tayo sa loob," mahinahong wika niya.

Tumango naman ako bilang sang ayon ko sa kanya.

"This way, Ms. Bella," at nauna na siyang pumasok sa loob. Sumunod naman ako sa kanya agad. My eyes widen as I saw inside of mansion. Napapa-wow ako sa laki at ganda nito. Seriously, it takes my breath away. Napatigil ako sa paglalakad na makita ko ang isang malaking larawan ng isang seryosong matandang lalaki kung tatantiyahan marahil nasa 60's na ito. Napaka istrikto ng kanyang mukha at kahit ganoon ay hindi nawawala ang kanyang kaguwapuhan. Pero teka parang pamilyar siya sa akin. Parang nakita ko na siya pero hindi ko lang matandaan kung saan.

"Ms. Bella?"

Tumingin ako kay Mr. Jackson na ngayon ay nasa hagdan na tila hinihintay niya ako. Nahihiyang sumunod ako sa kanya. Nang nasa second floor na kami ay pumunta siya sa kanang bahagi at huminto sa harap ng malaking pinto na may doorknob na hugis butterfly na kulay ginto.

Bigla akong kinabahan na pihitin ni Mr. Jackson ang doorknob.

Nasa loob kaya ang aking lolo? 

Nang buksan niya ito, tumambad sa akin ang eleganteng kuwarto na may mga mamahaling gamit. Kung titingnan ang interior ng loob ng kuwarto ay para talaga sa isang babae ang design na iyon.

"Please sit down, Young Mistress," sabi niya sa akin.

Napangiti ako at umupo sa malambot na sofa. Teka, kanina ko pa naririnig ang 'Young Mistress', ako ba ang tinutukoy nila?

"Eto ang magiging kuwarto mo 'pag nandito ka sa mansion." Nanlaki ang aking mga mata sa tinuran niya.

"Ho? Bakit masyadong malaki?" naibulalas ko.

"May problema ba, Young Mistress?" nagtatakang tanong niya sa akin.

Napakagat ako sa aking labi. OA yata ang naging reaksiyon ko. "Wala naman pong problema, kaya lang, nakakapanibago dahil sanay akong matulog sa sahig. Nasaan ho pala si Lolo?"

Malungkot siyang ngumiti sa akin. "Pumanaw na ang inyong lolo, Miss Bella."

Nagulat ako sa binalita niya. "P-Po? When?"

"Three months ago," malungkot niyang saad.

"Po? Bakit ganoong katagal na? Kung wala na siya, bakit pa ako pinauwi rito? Akala ko po ay magkikita na kami," naguguluhang sabi ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pa ako narito.

Huminga nang malalim si Mr. Jackson. "Matagal ka nang ipinapahanap ng iyong Lolo, kahit noong bago pa siya mamatay. Last week lang namin nahanap ang inyong address sa Japan, Miss Bella."

Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya sa akin. Naguguluhan ako sa pangyayari. Matagal na niya kaming pinahahanap?

May inabot siya sa akin na ipinagtaka ko, galing sa bulsa ng kanyang itim na coat. Isang sobre ito. Kinuha ko naman agad. Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko.

"Bago pumanaw ang iyong Lolo ay iniutos niya sa akin na ibigay ko sa iyo iyan. Ang sulat na iyan ang makakasagot sa iyong katanungan."

Habang pinagmamasdan ko ang hawak kong puting sobre, tinungo niya ang isang maliit na drawer malapit sa sofang kinauupuan ko at kinuha sa loob ang isang short brown envelope. Pagkatapos ay lumakad siya pabalik sa akin. "Young Mistress, maari ko na bang basahin ang last will and testament ng iyong Lolo?"

Kahit naguguluhan ako sa pangyayari ay tumango na lamang ako sa kanya.

Dated September 30, 2XXX

WILL OF MR. RENJI ECHIZEN

I, Renji Echizen, do hereby declare this to be my last and will testament.

I appoint Mr. Henry Jackson, of legal age, 45, living in Manila, Philippines, to be the sole executor and trustee of my will.

To  my  grand daughter, Bella Echizen Smith, I give the sum  of eight hundred billion dollars to be held in trust until her eighteen birthday and all of my real estate property, my cars, BE Malls and the most important to me, the Red Dragon University.

"BE Mall? Ang pinakasikat na mall sa buong Asya? Ang Lolo ko ang may-ari?" naguguluhan na tanong ko sa aking sarili.

Red Dragon University, with state of art facilitates and world class teachers to match, a prestigious university, a place where only the rich & top students in the Philippines will gather.

On behalf of me, I entrust my granddaughter to be the Head Mistress of RDU.

Biglang tumigil si Mr. Jackson sa pagbabasa at tumingin sa akin. "Miss Bella, magiging Head Mistress ka ng palihim."

"Palihim? But why?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Para sa kaligtasan mo," seryosong wika niya.

Mukhang hindi maganda ang kutob ko sa kanyang sinabi. "Hindi ko po kasi maintindihan, gaano po ba kadelikadong maging Head Mistress ng school na iyon?" usisa ko.

Matagal siyang hindi nakaimik. "Bilang heiress ng Echizen Family, isa itong panganib dahil may taong sakim sa yaman  ng iyong Lolo. Kapag nalaman nila ang iyong existence, paniguradong ipapapatay ka nila."

Hindi na ako na-shock sa narinig kong explanation niya. Obvious naman, katulad sa mga drama na napapanood sa tv, ganyan madalas ang nangyayari.

"Any further questions, Ms. Bella?" tanong niya sa akin.

Umiling ako bilang sagot ko sa kanya.

Nagpatuloy na siya sa pagbabasa ulit.

I know that she would not accept anything from me, but I hope this, my last will and testament will remind her of the never ending love I have for her.

Signed by: Renji Echizen

Malungkot akong napangiti.

"Are you accepting this will, Ms. Bella?" tanong niya sa akin.

Walang emosyon na tumingin ako sa kanya. "What if hindi ko tanggapin ang will ni Lolo? Anong mangyayari?" seryosong tanong ko sa kanya.

Kitang-kita ko sa kanyang mga mata na hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Miss Bella..."

Napapikit ako na marinig ko ang pagtutol niya doon. "Maaari niyo po ba akong iwan muna? Gusto ko pong mag-isip, hindi porke't may magandang balita kayong sinabi ay magtatatalon na ako sa tuwa. Pasensya na po pero nabibigla  po ako sa nangyayari," magalang na sabi ko sa kanya. "Akala ko po naparito ako para bisitahin lang ang aking Lolo, hindi ko akalain na isang malaking responsibilidad ang iniwan niya sa akin. Kailangan ko po munang kausapin si Mommy."

Napatitig siya sa akin nang mariin. "Well you can think about it, Ms. Bella. Kapag handa na po kayo, you can visit my office or call me." Inabot niya sa akin ang kanyang calling card.

"Thank you," mahinang sabi ko.

"Miss Bella, alam kong nabibigla ka sa mga nalaman mo pero sana isipin mo na lang na para ito sa lolo mo," tipid na ngiting wika niya.

Napangiti ako sa sinabi niya. "Don't worry Mr. Jackson, I will call you immediately once I decided. Ayaw naman kita paghintay nang matagal."

"Maghihintay ako sa magandang balita na maririnig sa inyo, Miss Bella," sabay lahad ng kanyang palad sa akin. "Oh siya maiwan ko na kayo para magpahinga."

Huminga ako ng malalim at tinanggap ko iyon. "Hindi ko alam, Mr. Jackson."

Tumayo ako at hinatid siya hanggang sa pinto.

Nang makaalis na siya ay nanghihina ako napaupo sa sahig. Honestly, gulong-gulo ang isip ko ngayon. Huminga ako ng malalim at nagpasyang humiga sa kama para makalma ang aking sarili.

Pabagsak na humiga ako sa kama. Napatitig na lamang ako sa puting kisame at iniisip ang mga narinig ko mula kay Mr. Jackson. Sa totoo lang ay hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.

Anong intensiyon ni Mommy? Bakit niya ako ipinadala rito kung pumanaw na ang aking lolo? Paano ko tatanggapin ang lahat ng iyon kung para sa akin ay isa siyang  estranghero?

Kinuha ko ang aking cell phone sa aking bulsa at tinawagan ko ang taong makakasagot sa akin ng lahat.

"Nakarating ka na?" bungad niya sa akin.

Napangiti ako na marinig ko ang boses ni Mommy. "Mom, what's going on? Akala ko ba kaya niyo ako pinapunta rito ay para makita at makilala ko si Lolo, pero huli na pala ako."

Matagal siyang hindi nakaimik bagkus humikbi na lamang siya. Patay! Napaiyak ko pa yata.

"Mom, I'm sorry—."

"Don't. Kasalanan ko, kung hindi ako naging matigas  sa  iyong Lolo eh di sana na-meet mo siya ngayon. Alam kong naguguluhan ka, para sa ikatatahimik ng Lolo mo ay tanggapin mo ang pamana niya sa iyo."

"But Mom—"

"No buts, Bella. You can sleep now," ma-awtoridad na sabi niya sa akin.

"Is that your order?" mahinang tanong ko.

"It's not an order, but a wish, Bella. Bilang ina, gusto kong makita ang anak ko na normal at masaya."

"Sa palagay mo, Mom ay magiging masaya ako na maging tagapagmana ng Echizen Family?" naiiyak na tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ako. "Mas gugustuhin ko na makasama kayo riyan sa Japan."

"No! Mas ligtas ka riyan. Don't worry, dadalaw-dalawin ka namin diyan ng Daddy mo."

Gusto kong sabihin na mapanganib din ang maging heiress, pero kung iyon ang ikakasiya ng magulang ko ay tatanggapin ko na lang ito para na rin sa ikatatahimik ni Lolo.

"I understand, Mom. Para sa iyo ay gagawin ko ito," ang sabi ko sa kanya.

Mahabang katahimikan ang namayani sa amin. "Mom?" untag ko sa kanya.

"Thank you, Bella," at tuluyan na siya nawala sa linya.

Napakagat ako sa aking labi na mapagtanto ang lahat. Tinignan ko ang hawak kong sobre na bigay ni Mr. Jackson sa akin. Dahil sa curiosity ay binuksan ko ito at binasa ng tahimik.

My treasure Bella,

Sa sandaling hawak mo na ang sulat na ito ay  maaring wala na ako. Nang panahong nalaman ko ang pag-iibigan ng iyong Mommy at Daddy ay tumutol agad ako. Natakot ako dahil baka ang habol lang ng Daddy mo sa iyong Mommy ay pera. Pero nakita ko na hindi ganun ang Daddy mo. Nagsikap siya para itaguyod kayo. Dahil sa pride ko at gusto kong bumalik ang anak ko sa akin ay ipinakidnap kita. Lalo siyang nagalit sa aking ginawa. Ang intensiyon ko lamang naman ay bumalik sila sa mansion at makasama ko na kayo dahil malungkot ako...

Hihingi sana ako ng tawad sa Mommy mo kaya naman sa pangalawang pagkakataon ay pinahanap ko kayo pero nalaman ko na na lumipat na kayo ng tirahan. Ilang detectives na ang ini-hire ko para lang mahanap kayo pero ilang beses na akong nabigo. Walang makakapagsabi sa akin kung nasaan kayo at dahil doon ay nagsisisi ako sa ginawa kong kapahangasan sa inyo. Ilang taon ako nagdurusa pero hindi pa rin ako sumusuko na baling araw say matatagpuan ko kayo at makilala kita.

Nang panahon na pumunta ako ng Japan para sa business, nakita kita. Naalala mo ba na tinulungan mo ko sa mga magnanakaw? Nang makita ko ang iyong mukha, naalala ko si Isabella dahil magkamukhang magkamukha kayong dalawa. Tuwang tuwa ka sakin nang malaman mo na Filipino ako. Pinakain mo 'ko at nagkuwentuhan tayo...

Kaya tinanong ko ang pangalan mo at sinabi mong ikaw si Bella Echizen Smith. Natulala ako sa sinabi mo at hindi ako nakapagsalita. Hindi na kita nahabol dahil tinawag ka na ng mga kaibigan mo. Pinahanap kita sa Japan pero bigo na naman ako. taon ang lumipas hanggang sa tuluyan na bumigay ang katawan ko at nalaman ko na hindi na ako magtatagal sa mundong ito.

My treasure, Bella, patawarin mo ako sa kasalanan ko pero nang sandali na nakasama kita sa Japan, iyon ang pinakamagandang nangyari sa buong buhay ko. Napangiti mo ako at hindi ka natakot sa akin kahit na sinusungitan kita. Tinuruan mo ako ng ilang bagay tungkol sa buhay.

Sayang apo, hindi kita nakasama nang matagal. Pero masaya pa rin ako dahil binigyan ako ng chance na makilala kita. My Bella, alam ko na tatanggihan mo ang lahat-lahat ng ari-arian ko na ipinamana ko sa iyo pero umaasa ako na tatanggapin mo ito at pangangalagaan ang yaman na pinagsikapan ko para sa inyo ng mommy mo. At lagi mong tandaan na mahal na mahal ko kayo. Salamat at itinuro mo sakin kung paano maging masaya kahit sa sandaling panahon lamang.

Sayonara, My Treasure.

Renji Echizen.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang binabasa ko ang sulat na ito. Naninikip ang aking dibdib sa sobrang lungkot na aking nararamdaman ngayon. Kaya pala pamilyar ang larawan na nasa baba. Siya pala ang lolo ko na matagal ko nang tinatanong kay Mommy. Bigla ko naisip ang isang alaala na hindi ko makakalimutan na nangyari noon sa Japan. Si lolong masungit… Ang lolo ko… Kahit isang saglit lamang iyon ay masaya ako na makilala siya. Pinunasan ko ang aking mga luha at isang desisyon ang nabuo sa aking isipan.

Bukas na bukas ay kakausapin ko si Mr. Jackson para tanggapin ang pamana ni lolo sa akin.

Promise lolo na iingatan ko ang pamana mo sa akin. I love you po.

Mga Comments (11)
goodnovel comment avatar
Ladyangee
dito ko lang pala ito Makikita sana completed na ito, omyyy hinanap ko to sa watty it's been awhile black butterfly hehe. my ebook era is screaming
goodnovel comment avatar
Kharley Marquez
Favorite ko to ...
goodnovel comment avatar
Ferrer Victoria Bajar
hi miss lara melissa una ko pong nabasa itong story niyo sa ebook kayo rin po ang dahilan kaya nag dowload ako ng novel app ..taga hanga niyo po ako mula pa noon wahh masaya po ako pag nababasa ko to pinag iipunan ko po yung book version ng black butterfly wahhhh im so happy thank you po ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 2: BLACK DRAGON GANG

    [Red Dragon University] Bella's POV Nandito ako ngayon sa harap ng school na aking pamamahalaan este papasukan pala. Last week ay kumuha ako ng entrance exam dito. Ayaw ko naman kasi na ituring akong special sa RDU. Masaya ako na nakapasa ako at ngayon ang unang araw ko sa klase bilang transferee student. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na ma-excite. Bago nga ako pumasok ay maraming paalala sa akin si Mr. Jackson. Una na roon na ang dating Bella Echizen Smith ay magiging Bella Uy na isang ordinaryong estudyante. Binigyan din niya ako ng sarili kong bahay na malapit lamang sa school. Pinagsabihan na rin ako ni Mommy na huwag gamitin ang pagiging gangster ko sa school na ito at umiwas sa gulo. Pagpasok ko pa lang sa gate ay humanga na ako sa laki ng eskuwelahan na ito, pero may napansin ako. Bawat estudyante na nadadaanan ko ay nagkik

    Huling Na-update : 2021-09-10
  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 3: SCHOOL BULLYING

    Bella's POVMabilis akong tumakbo patungo sa room ng second subject ko. Dahil nakipag-usap pa ako kay Ms. Melissa ay hindi ko napasukan ang aking first subject. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kong may kasalubong ako, huli na para umiwas dahil nagkabungguan na kami."Ouch," hinaing ng babaeng nabangga ko.Masakit nga!Tumayo ako para pulutin ang mga libro na nahulog sa sahig. "I'm sorry, Miss." Sabay abot ko sa kanya ng mga napulot ko."Oh!" gulat na sambit niya. "It's you again."Ako? Takang isip-isip ko.Ngumiti siya. "Ikaw yung kumalaban kay Kuya Jar."Jar? Huwag niyang sabihin ang mayabang na lalaking iyon ang tinutukoy niya?"Thank you pala dito," tuko niya sa mga librong napulot ko. "Piece of advise lang ah mas mabuting lumipat ka na n

    Huling Na-update : 2021-09-18
  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 4: GIRLFRIENDS

    Bella's POVPabagsak na inihiga ko ang aking sarili sa kama. Napagod ako sa nangyari kanina, mukhang bukas ay hindi na ako susuwertihin. Bakit ko nga ba pinatulan ang mga iyon? Marahas na napabuntong hininga na lamang ako. Alas diyes pasado na ng gabi at ngayon lang ako nakauwi.Tumayo ako para mag-shower, tinanggal ko ang aking bra at sumulyap sa salamin ng tokador. May isang bagay na kumuha ng atensyon ko. Humakbang ako palapit sa salamin at muling tinitigan ang kanang braso ko.Banayad kong hinaplos ang aking Black Butterly na tattoo. Naaalala ko ang Japan sa tuwing tinititigan ko ito. Pumasok na ako sa banyo at nag-shower.After ten years, bumalik ako sa motherland ko para pagbigyan ang hiling ni Mommy. Nakakalungkot isipin na hindi ko na makakasama ang mga katropa ko lalo na ang mga best friends ko na sina Taki, Kuya Rei, Natsume, Empress, at Ryuuji. Wala nang gulo, away, asaran, at motorb

    Huling Na-update : 2021-09-18
  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 5: BASKETBALL GAME

    [Basketball Stadium]Bella's POVP.E. ang subject ko ngayon, nasa loob kami ng Basketball Stadium at nagwa-warm up para sa game namin mamaya nang bigla na lamang nagtilian nang malakas ang mga kababaihan doon. Napatakip ako sa aking tenga.Grabe! Ang sakit sa tenga ng mga tili nila. Hinanap ko ang sanhi ng kanilang kaguluhan, napasimangot ako nang makitang paparating ang Black Dragon Gang—mga lalaki na ang tingin sa sarili ay Diyos ng kaguwapuhan.Umupo sila sa bench kung saan ang mga players ng basketball ay nakaupo doon. Mukhang hindi naman susuwertihin ang araw ko ngayon. Bakit ba andito sila? Inis na inis akong nakatingin sa kanila. Nahuli ako ni Jace na minamasdan sila kaya agad akong umiwas ng tingin. Shit! Mamaya niyan, kung ano pa ang isipin nila.Biglang pumalakpak nang malakas ang aming prof, tinatawag niya ang aming atensyon. "Cl

    Huling Na-update : 2021-09-18
  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 6: THE CONSEQUENCE

    Bella's POVIsang nakakatamad na umaga ang araw na ito. Panay ang buntong hininga ko habang papasok ng school. Sa totoo lang, wala talaga akong balak na pumasok ngayon dahil sa nangyari kahapon. Pero as usual, ganoon pa rin ang eksena. Lahat ng estudyante, kapag nakikita nila ako, ay nakatingin sa akin at pinagbubulungan nila ako. Napailing na lamang ako at hindi ko na sila initindi sa halip ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Pagdating ko sa classroom, lahat ng classmates ko ay nakatingin na naman sa akin. Nagkibit balikat lamang ako at dumiretso na sa upuan ko."Di ba siya 'yung nerd kahapon?""Infairness ang galing niya.""Eww! I can't accept that she kissed our Emp."What the hell?! Para namang gusto kong mahalikan ng freak na iyon? Kung alam lang nila kung naka-

    Huling Na-update : 2021-09-18
  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 7: THE CONTRACT

    [Empire Hotel]Bella's POVHindi ko na alam kung ilang beses akong napanganga habang pinagmamasdan ko ang lawak ng loob ng hotel nila Jarvis. Actually, humahanga talaga ako lalo na sa interior nito. Parang isang paradise kung titignan mo. Sa pagkakaalam ko pa, ito ang kaunaunahang hotel na itinayo ng pamilyang Fortalejo. Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit sobrang laki nito kumpara sa ibang hotel nila.Naiinis ko kay Jarvis dahil mula sa loob ng sasakyan niya at hanggang dito ay hindi niya ako kinakausap. Honestly feeling ko panis na ang laway ko. Hindi ko alam kung bakit sinama niya pa ako rito. Walang imik na sinusundan ko siya hanggang sa huminto siya sa isang pintuan na may nakasulat doon na "conference room". Nagulat ako sa ginawa ni Jarvis dahil ang mokong ay hindi man lang kumatok basta binuksan niya lang ito. Napapailing ako tila hari kung umasta talaga!Ma

    Huling Na-update : 2021-09-18
  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 8: TRIAL DATE

    Bella's POVNatatawa ako habang naglalakad patungo sa tagpuan namin ni Freak. Ngayon kasi gaganapin ang aming trial date. Binantaan niya pa ako dahil ito na raw ang una't huling date na mangyayari sa amin. Hindi lamang iyon, nagmayabang pa siya na napakasuwerte ko raw dahil makaka-date ko siya. Nakakasuka 'yung mga pinagsasasabi niya.Marahil ang ibang babae ay hihimatayin nga sa kilig kapag naka-date nila si Jarvis, pero hindi ako katulad nila. Inis nga ako sa lalaking iyon. Siguro nga nang magsaboy ang Diyos ng kayabangan ay nasalo na niya lahat.Napapitlag ako nang mag-ring ang cell phone ko. Napakunot noo ako sa unknown number na tumatawag sa akin."Hello?""Bella?" tinig ng isang lalaki. "Speaking. Who's this?""Kon'nichiwa (Hello) Bella. Dono yōdesu ka? (How are you?)" masayang tanong niya. Parang kilala

    Huling Na-update : 2021-09-18
  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 9: PLAYBOY'S JEALOUS GIRL

    Bella's POV"Bella!"Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko ang Girlfriends na papalapit sa direksiyon ko."How are you girl?" tanong ni Grace sa kanya."Ayos lang," maikling sagot ko."Good!" nakangiting sabi ni Princess."Napapansin ko lang girls, mula sa pagpasok ko sa school na ito ay panay bulungan ang lagi kong naririnig," kunot noong sabi ni Angel"You're right! Ano kayang meron?" napapaisip na tanong ni Ellen."May nabugbog kaya ulit or may napaalis na naman na student sa school natin?" sambit ni Angel."Have you heard the news? Si Emp, may dinidate ng babae!""Oo, nakita ko nga 'yung picture sa bulletin""Napakasuwerte ng babaeng iyon.""Hindi iyon susuwertehin sa akin kapag nalaman ko kung sino an

    Huling Na-update : 2021-09-19

Pinakabagong kabanata

  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 121.3: ITAMA

    Bella's POVTulad nang sinabi ni Taki sa akin ay hindi na siya nagpakita sa akin. Nabalitaan ko na lamang kay Hana na totoo ang gustong gawin ni Taki na magpapakalayo-layo. Hindi ko nga lang alam kung kailan iyon magsisimula. Sobrang lungkot nga ni Hana na malaman niya iyon.Sumapit ang araw ng linggo. Ito ang araw na gaganapin ang second match namin ni Tres. Maraming tao ang naririto. Noong nakaraang match ay leaders at queens lang ang naroon. Ngayon ay kasama na ang mga members ng Queens.Sobrang daming tao ang gustong manood sa laban na ito. Nasa isang arena kami. May napansin ako sa gitna ng arena na may dalawang upuan at isang mesa ang naroroon. Napapalibutan pa ito ng mga salamin. In short, para siyang malaking cube.Doon yata kami pupuwesto ni Tres mamaya.Nakita ko na lamang na paparating sila Uno. Naupo sa ibabang bahagi ng arena. Tumayo ako para puntahan sila sumunod naman sa akin si Selena at Snow."Hello," bati ko sa queens.Ngumiti si Lara, si Quatro ay tumango naman, si

  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 121.2: MOVE ON

    Rose University Bella's POV Kalalabas ko lamang ng building namin na matanaw ko ang mga girlfriends na naghihintay sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. Noong isang araw kasi nagchat sa akin si Princess at niyaya niya ako na magdate kami kasama ang iba pang girlfriends. Hindi naman ako nagdalawang isip at pumayag ako. Agad ko rin ininform si Jarvis tungkol dito at pumayag din naman siya. Naalala ko pa nga ang sinabi niya na magiging masaya siya na makasama at makausap ko sila Princess. Hindi kasi namin nagawa iyon nung pinakilala niya ako bilang girlfriend niya dahil umuwi rin kami agad niyon. "Hello!" malakas na sabi ko na kinalingon nilang lahat. "Bella!" sabay takbo nila sa aking at nag group hug kami. Natatawang niyakap ko sila. "Kumusta kayo?" "Namiss ka namin!" masayang saad ni Grace. Tulad ng dati ay wala pa rin si Grace pinagbago, masayahing tao pa rin. "Mabuti naman na pumayag kayong dito na lang magkita-kita sa university ko," sabi ko sa kanila. "Wala nama

  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 121.1: NOT AN ORDINARY CHESS MATCH

    Bella's POVBumuntong hininga ako na maalala ang nangyari kagabi. Kitang-kita ko ang pagdurusa ni Taki at kung paano i-comfort ni Hana si Taki.Gusto ko sila lapitan pero alam ko na hindi ako makakatulong baka nga lumala pa lalo. Mapait akong napangiti. "Bella..." tawag sa akin ni Jarvis.Nag angat ako nang tingin upang tignan ko siya pero nagulat ako na may iced americano ang nasa harapan ng mukha ko."Salamat," tipid kong ngiti.Umupo si Jarvis sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa bahay nila, to be more specific ay nasa room kami kung saan pwede kaming mag training at hinihintay ang pagdating nina Rei at Taki. Ngayon kasi ang unang araw ng training ko sa kanilang apat tatlo."Iniisip mo pa rin ba si Kier?" tanong niya sa akin.Huminto ako sa pag inom ko ng iced americano at napatingin sa kanya. Malungkot akong ngumiti at naramdaman ko na lamang ang pag akbay niya sa akin. Banayad na hinimas niya ang aking braso para i-comfort niya ako. "Huwag kang mag alala, Bella. Sigurado ako na m

  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 120.5: AKO NA LANG

    Hana's POV Nang talikuran kami ni Taki ay mabilis na hinabol ko siya. "Taki!" malakas kong sigaw. Pero hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin siyang naglalakad. "Taki! Sandali!" at nadapa ako. Hay... Ang saya nito. Napangiwi ako na maramdaman ang sakit. "Ouch..." naiirita kong sabi. Pagtingin ko sa harapan ay hindi ko na makita si Taki. Kailangan kong habulin si Taki baka kung ano ang gawin niya. Dali-dali akong tumayo pero napaupo ulit na maramdaman ko ang sakit sa aking tuhod nang tignan ko iyon ay doon ko napansin na nagasgasan ito. Hindi ko napigilan na mapaiyak. Ang sakit naman kasi! Nagulat na lamang ako na bigla akong umangat sa ere at nang tignan ko ang gumawa niyon ay walang iba kundi si Taki. "Taki..." sabay tulo ng aking luha. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha na walang emosyon na mababakasan doon. Para siyang naging manhid. Hindi ako ngulit pa dahil alam ko na ang gusto ni Taki ngayon ay katahimika

  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 120.4: MY ONE AND ONLY GIRLFRIEND

    Bella's POV Masasabi ko na naging successful ang family dinner namin na kasama si Jarvis. Pagkatapos kasi ng dinner namin ay niyaya ni Dad si Jarvis na mag usap sa kanyang office. Hindi ko na alam kung ano ang pinag usapan nila pero sa tingin ko ay naging okay naman ang relasyon nila nang lumabas sila mula sa office ni Dad. "Kumusta ang pag uusap niyo ni Dad?" tanong ko kay Jarvis. "Hmmm... Masaya," tipid niyang sabi. Napakamot ako sa aking mukha. Ang tipid na sagot niya. "Ano ang pinag usapan niyo?' curious kong tanong. Napahinto siya sa paglalakad at hinarap niya ako. Nagtatakang tinignan ko siya. "Ikaw," sabi niya. "Ako?" sabay turo ko sa aking sarili. "Oo," saby gulo niya sa buhok ko na kinainis ko. "Freak!" nakabusangot na saad ko. "Ang masasabi ko lang ay mahal na mahal ka ng daddy mo," nakangiting wika niya. "Alam ko," sabi ko sa kanya. "Napaisip nga ako, Bella," sabi niya pa. "Huh? Ano ang naisipan mo?" tanong ko sa kanya. "Kapag nagkaroon tayo ng anak, pwede b

  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 120.3: DINNER

    Bella's POV "Nagseselos ka ba kay Taki?" marahan na tanong ko. "Ako? Oo naman," mabilis na sagot niya. "Normal lang naman siguro iyon, Bella." "Bakit naman?" takang tanong ko sa kanya. "Bella... Kalahati ng buhay mo ay kasama mo na si Taki. At masasabi ko na kilalang kilala niyo na ang bawat isa," mahinahong wika niya. "Hmmm.. Totoo ang sinabi mo at hindi ko iyon itatanggi," napapatangong sabi ko. "Pero ang pagmamahal na meron ako kay Taki ay pagmamahal bilang kaibigan lamang." Napatitig sa akin si Jarvis. "Kahit ba minsan ay hindi ka na in love sa kanya?" "Iyong totoo?" sabi ko. "Hindi. Sa iyo ko lang iyon naramdaman, Bf." Naramdaman ko na hinawakan ni Jarvis ang aking mga kamay at marahan na hinalikan iyon. Mahinang napasinghap ako na maramdaman ko ang labi niya sa ibabaw ng kamay ko. "Alam mo bang sobrang sobra ang pasasalamat ko sa Itaas na ibinalik ka Niya sa akin," mahina niyang wika. "Ako rin. Nagpapasalamat ako ng binigyan pa tayo ng second chance," nakangiting wik

  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 120.2: ASH MONTERO

    Bella’s POV “Ano’ng ginagawa mo rito?!” mariin kong saad sa kanya. Mabilis na tinago ko ang aking butterfly knife. Hindi siya umimik bagkus ay nakatitig lang siya sa akin. “Umalis kana bago ka pa nila makilala,” sabi ko. “Bella!” tawag sa akin ni Jarvis. Nilingon ko si Jarvis na nagtataka kung bakit hindi pa ako sumusunod sa kanila. “Yumuko ka, Bella,” madiin na wika niya na lalo kong kinaguluhan. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkairita dahil sa hindi ko siya sinunod. Nagulat na lamang ako na bigla niya akong hinila at niyakap nang mahigpit. Nanlaki ang aking mga mata na makita ko na may baril na siyang hawak at itinutok iyon sa direksiyon nila Jarvis. Nilingon ko sila Jarvis na mabilis na nagtago sa gilid ng mga kotse. Ilang putok pa ang pinakawalan ni Ash, pagkatapos ay hinawakan niya ang aking kamay at tumakbo sa gilid ng mga kotse. Shit! “Ano’ng nangyayari, Ash?” galit na tanong ko sa kanya. “Mga tao ni Tres na nag aabang sa iyo para patayin ka,” kaswal niyang w

  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 120.1: BOTOHAN

    Bella's POV "Pinag uusapan natin dito ay ang pagpalit ng isang Queen. Alalahanin mo kung anong responsibilidad ng isang Queen sa atin. Do you think Black Butterfly can handle our organization?" seryosong wika ni Quatro. "Hindi ko ikakaila kung gaano kahusay at kagaling siya. Nasaksihan ko iyon lahat. Pero para sa akin, hindi siya karapat dapat na maging isang Queen. Not now, Uno." Napabuntong hininga si Uno at tumingin kay Tres. "What is your opinion, Tres?" Sinulyapan ni Tres si Uno at nagkatitigan ang dalawa. "Hindi magbabago ang aking desisyon, Uno. I will not accept her," sabay tingin niya sa akin. "Hindi siya karapat dapat na pumalit sa iyo. Hinding-hindi ako papayag!" Lihim ako napangiti na makita kung gaano siya kagalit sa akin. Hindi ko akalain na makikita ko kung paano siya kabahan. Napatingin sa akin si Snow. Nagkibit balikat lang ako na dahilan na mapailing si Snow sa akin. Mahabang katahimikan ang namayani, walang sino man ang gusto magsalita at hinihintay ang susuno

  • Black Butterfly (Queen of the Gangsters)   CHAPTER 119.5: ANNOUNCEMENT

    Bella’s POV “Ano sa palagay mo?” walang gana na balik na tanong ko sa kanya. “Sa palagay ko?” at natawa siya. Tawang nakakainis sa aking pandinig. Nang tumigil siya sa pagtawa ay tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata. “Where is your respect, Black Butterfly?” seryosong sabi niya. Napaunat ako sa aking kinauupuan at medyo lumapit sa kanya. “Black Butterfly is dead,” mahina kong sabi. Pagkatapos ay inilayo ko ang aking sarili sa kanya at seryosong tinignan ko siya. “Kaya mas mabuting huwag na nating pag usapan iyon.” Ngumiti siya. Ngiting hindi maipaliwanag. “Nakalimutan ko na matagal na palang patay si Black Butterfly.” Matapos niyang sabihin iyon ay may hinagis siyang maliit na shuriken sa aking direksiyon. Dahil sa bilis ng shuriken ay hindi ko ito naiwasan agad. Naramdaman ko ng kaonting sakit na nadaplisan ako nito. Tinignan ko ang natamaan na braso ko. Napunit ang mangas ko at nalantad ang aking tattoo. Hindi ko gusto ang ginawa niyang kapahangasan sa akin. Sinu

DMCA.com Protection Status