Isang kwento ng limang magkakabata, magkakaklase at matalik na magkakaibigan na mga probinsyana na ang tanging pangarap ay magkapagtapos ng pagaaral upang maihaon ang pamilya sa kahirapan ngunit isang araw umuwi ang isa pa sa mga kababata nila mula Amerika at may dalang asawang Amerikano. Nakita nila ang malaking pagbabago ng buhay nito. Nakapagpatayo ng sariling bahay at nabigyan ng magandang buhay ang pamilya. Hindi nila napagilan ang sarilung mainggit rito ngunit ang mas lalong kinaiingitan nila ay ang gwapong mukha ng napangasawa nitong Afam na may malaking umbok sa harapan na noong nakita nila'y nahirapan silang lumunok. Simula noon bigla na lamang nagbago ang pangarap nilang lima, bukod sa pagtatapos ng pag-aaral ay dinagdag nila sa kanilang bucket list ang makapag-asawa ng Afam na mayaman, gwapo, yummy at higit sa lahat ay daks. Tunghayan kung saan dadalhin ang lima magkakaibigan na ito na sina SIting, Doring, Meling, Ajing at Aning sa kanilang mga pangarap sa buhay at samahan rin natin sila sa kanilang Operationg: Finding Bilyonaryong Afam na Daks.
View MoreDoring’s POVMuli niya ‘kong kinintalan ng mabilis na halik sa labi ko bago niya pinaandar ang kanyang kotse. Ang kanina’y pag-aalinlangan at bigat sa puso ko’y agad na napalitan ng kilig. Sino bang hindi kikiligin sa isang Sir Ethan?Hanggang ngayon hirap pa rin kong paniwalaan na nangyayari ito lahat sa ming dalawa. Pangarap ko lang siya ngayon hinahalik-halikan na niya ako. Tapos tinawag pa niya akong babe? Sana all, babe! Ibig sabihin kaya nito, kami na? Kami na ba talaga? Ngayon na kaya kami mag-uusap? “Are you still bothered?” Untag niya sa ‘kin.Natigil ako sa malalim n pagiisip ng marinig kong nagsalita siya. Napalingon ako sa kanyang gawi. Ang mga mata niya'y nasa kalsada. Ang astig niyang tingnan habang nagmamaneho tila lalo siynag gumwpo sa paningin ko.Nang maramdaman niya ang pninitig ko ay saglit niya ‘kong nilingon at mabilis na binalik muli sa kalsada ang mga tingin. Malamang baka mabangga kami. Kakasimula pa nga lang ng love story naming dalawa. Mula sa kung saa
Doring’s POV Pagmulat ko ng mata kinaumagahan ay agad na napangiti ako. Ewan, pero yung puso ko punong-puno, sobrang saya. Bumangon ako at nag-unat. Napapikit ang mga mata ko ngunit nanatili ang ngiti sa mga labi ko. “Lahat ay gagawin para sa'yoGanyan ang alay na pag-ibig ko ♫♬” Habang sinimulan kong magligpit ng hinigaan ko’y ‘di ko mapigilang mapakanta dala na rin ng saya ng puso ko. Una kong tinupi ang ginamit kong kumot.“Kahit ang dagat ay aking tatawirin. Ang ulap may akin aabutin Sa 'yo'y walang hindi kayang gawin ♫♬”Patuloy na pagkanta ko. ‘Di mabura-bura ang ngiti sa mga labi ko habang ang tanging nasa isip ay ang lalaking labis ko na ngayong iniibig, shet!Matapos kong matupi ang ginamit kong kumot ay sinunod ko ang pag-arrange ng ginamit kong unan, kasunod kung tinupi ang telang sapin ng kama kong gawa sa kahoy. Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Inumpisahan kong magsaing. Habang inaayos ko ang kahoy sa kalan naming gawa sa bakal ay patuloy lamang ang pagkanta ko. N
Doring’s POVKahit saan ko ibaling ang sarili, di ako mapakali. Tila hinalukay ang lamang loob sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang ginawa namin ni Sir kanina sa may Mahogany.Nakatihaya ako habang nakatitig sa kisame ngunit wala roon ang isip ko. Wala sa sariling napahawak ako sa ‘king mga labi at tangang nangingiti. Kahit anong pigil kong wag tumaas ang bawat gilid ng labi ko ay ‘di ko mapigilan. Potek! Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang halikan na nga niya’y para na ‘kong mababaliw sa kilig tapos umabot na kami sa ganun. Sa kilig ko’y naitakip ko ang unan sa ‘king mukha upang pigilan ang sariling mapahiyaw sa kilig. Ano ba ‘tong ginagawa mo sa ‘kin, Sir Ethan! Mas lalo lamang nahulog ang puso ko sa kanya. Napatagilid ako at napahawak sa ‘king dibdib, kay bilis ng bawat pintig nito. Hindi ako kinakabahan, masyado lang talagang masaya ang puso ko. Gigil na napayakap ang mga braso ko’t binti sa malaking unan kasabay ng mariing pagpikit ng mga mata ko ngunit paano ba ako makakatulog
Doring’s POV Kinalas niya ang botones ng suot kong short. Gustong magpaubaya. Gustong pagbigyan siya. Gusto kong maramdaman ang nais niya, ‘di ko alam may takot at pag-aalinlangan sa puso ko ngunit malaking parte ng katawan ko ang nananabik sa sinasabi niyang tikim lang. Napalunok ako at hinayaan siya. Pinikit ko ang mga mata ng maramdaman ang pagpasok ng kamay nito sa loob ng suot kong short. Sunod-sunod ang paglunok ko habang kay lakas ng kalabog ng puso ko. “Doring!” Nagitla ako at ‘di sinadyang naitulak ko si Sir ng marinig ang malakas ng tawag ni Tatay sa pangalan ko. Nawalan ng balanse si Sir at napaupo sa damuhan. “Sorry, Sir,” hinging paumanhin ko sa maliit na boses. “Doring!” Muli ay malakas na tawag ni Tatay. Dali-dali kong inayos ang sarili. Muli kong kinabit ang botones ng short kong nakalas ni Sir. Binaba ko ang t-shirt kong nalihis. “Doring!” Nataranta na ‘ko ng marinig ang yapak ni Tatay palapit sa kinaroroonan namin ni Sir. “Sorry, Sir pero kailangan k
Doring’s POV “Pwede ka bang lumabas?” Nakahiga na ‘ko sa kama ko ng mabasa ko ang mensahe ni Sir. “Bakit po, Sir?” “Nandito ako malapit sa inyo.” Napabalikwas ako ng bangon ng mabasa ang reply niya. “Bakit po, Sir? Ano pong ginagawa niyo malapit sa ‘min?” “Can we talk?” Kinakabahan ako ngunit may halong pananabik, pananabik na makausap siya na kami lang dalawa, pananabik na makita siya at makasama. “Ano pong pag-uusapan natin?” “About us.” Gi-atay! Kinikilig ako. May kami pala? “May ‘US’ pala, Sir?” “Please, Dorina… I really want to see you.” Pisti na! Parang ginitara ‘yong tinggil ko sa kilig. Gustong-gusto ko rin siyang makita, excited din akong marinig kong ano man ang sasabihin niya tungkol sa aming dalawa. Kinakabahan ako na, ewan. Ang problema ko lang ay kung ano ang sasabihin kong rason para makalabas ng bahay pero sana ay tulog na sina nanay at tatay para ‘di ko na kailangan pang magsinungaling. “Sa’n ka ba, Sir?” “Dito sa malaking puno ng mahogany nakapar
Doring’s POVNakailang message at misscalls si Sir nang gabing iyon ngunit wala ako sa mood na makipagtext o makipag-usap sa kanya. Panay ang pagvibrate ng phone ko ngunit ‘di ko iyon pinapansin hanggang sa nakatulugan ko na ngunit nagising pa rin ako dahil sa pagvibrate pa rin ng phone ko. Kinusot ko ang mga mata. Kinuha ko ang cp at tinignan kung anong oras na. Sir E calling…Panay pa rin ang tawag niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang alas dose na ng gabi. Hindi ba siya natutulog? Tanong ko sa ‘king sarili. Bumangon ako. Tulog na lahat ng mga tao sa loob ng bahay. Ayokong sagutin sa kwarto ko ang tawag dahil baka marinig ng mga magulang ko sa kabilang kwarto ang bose ko. Kay nipis pa naman ng pagitan ng kwarto ko sa kanila. Pumunta ako sa tambayan sa bakuran ng bahay namin. Medyo madilim sa parteng iyon at ang ilaw mula sa buwan lamang ang tanging nagbibigay ng liwanag. Ako na lang yata ang gising sa mga oras na iyon. “Hello, Sir?”“Finally,” saad niya sa kabilang linya.“Ba
Chapter 50Doring’s POV“Aaack! Kenekeleg pa rin ako hanggang ngayon sa inyo Doring!” Tili ni Siting.“Anong feeling mayakap ang kras uy!” Kiniikilig na tanong naman ni Aning sa akin.“Oo nga! Yawa! Aaack!” Tili rin ni Meling!“Para kang dinuduyan iyan sa hangin, dama ko yan ng halikan ako ni Daomingsi!” Kinikilig ring saad ni Ajing.“Okay lang,” saad ko sabay ipit ng buhok ko sa likod ng aking tenga. Pabebe ba pero ang mga hinayupak kong kaibigan kinuyog ako. Si Siting Sinabunutan ako, si Aning niyugyog ang kanang balikat ko habang sa kaliwang balikat ay si Ajing habang si Meling sa leeg ko. Shutang mga kaibigan ‘to! Papatayin pa ako! “Ano ba! Maghunus dili!” Nabitiwan nila ako ng iwaksi ko ang kanilang mga kamay. “Ano ba! Ako lang ‘to! Aray! Yawa!” Muli ay impit ko ng muli nila akong kinuyog.“I’m so happy for you!” Saad ni Meling.“Sana all!” Saad ni Ajing.“How to be por you!” Saad ni Aning. “Anong how to be por you?” “E, ano ba dapat?”“How to be you!” Pagko-korek ni Siting.“E
Doring’s POV“Si Ser ba, murag taaalaaa!” Muli ay naibulalas ko. “Gusto kita, Doring,” naluha ako nang naisubo ko ang buong kamao ko sa loob ng bibig ko, nabilaukan ako, nalimutan kong kamao yung naisubo ko. Napaubo pa ako. “Okay ka lang, Doring?” Tanong ni Ser sa akin.“Ha? Ah, oo, nagulat lang ako sa sinabi mo, Ser,” saad ko. “Bakit naman?” Tanong niya muli tapos naisip ko baka gusto niya ako bilang estudyante niya hindi bilang babae. Shuta! Ang feeler ko naman!“Kasi Ser lagi niyo akong sinusungitan, paano ko mapapaniwalaan na gusto niyo ako bilang estudyante mo?” Tanong ko.“I have to… I need to, Doring nang sa ganun ay maalala kong guro mo ako at estudyante kita pero the more na pinipigilan ko ang nararamdaman ko para sa iyo ay mas lalo lamang akong nahuhulog sa iyo…” Natigil ako. Tila nahinto ang pag-ikot ng aking mundo. Totoo ba ‘tong naririnig ko? Kung sakaling panaginip pwede ba akong mananatili rito habang buhay? “Doring? Are you still there?” Untag nito sa akin ng ilang m
Chapter 48Doring’s POVKatatapos ko lang maghugas ng pinggan. Binilisan ko talaga ang paghugas dahil nananabik na akong masilip ang mga mensahe sa panay na pagva-vibrate ng cellphone kong bigay sa akin ni Sir Nalusuan. “Nay, tay, tapos na po akong maghugas. ‘Di na muna ako sa papag sa labas magpapahangin,” paalam ko sa mga magulang.“Sige, basta ‘di ka na pwedeng lumayo, anak at gabi na. Alam mo naman maraming gumagalang masasamang tao sa dis oras ng gabi,” paalala ni Nanay.“Opo, Nay!” Pagkasabi ko’y agad akong lumabas. Tinungo ko ang ginawang papag ni Tatay sa ilalim ng punong nangka, tatlong metro ang layo mula sa bahay namin. Nang marating ay agad akon4g umupo. Tinanggal ko ang suot kong tsinelas at inangat ang mga paa sa papag, nagsquat ako. Sasandal sana ako buti naalala ko na giniba na pala ni Tatay ang sandalan nito dahil inanay. . Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko upang tingnan ang mga mensahe ni Sir Nalusuan. Hindi ko mapigilang manabik, mangiti at kiligin sa isipin
Maria Sittienor Crisostomo’s POV“Siiiiitiiiiing!” heto na naman si Marilyn. Tinatawag na naman pangalan ko. “Ilang seconds yun?” tawang-tawang tanong ni Meling sa akin kung ilang segundo ang haba ng pagtawag ni Marilyn sa pangalan ko.Narito kaming magkakaibigan sa tambayan namin sa burol. Nilalantakan ang manggang ninakaw namin mula sa nadaanang puno isang kilometro ang layo mula sa eskwelahan.“Sex seconds!” pabirong sagot ko. Tawang-tawa ang buong tropa, sa lakas ng tawa naghampasan na.“Siiiiitiiiiing!” muli ay sigaw ni Marilyn sa pangalan ko.“Yun? Ilang seconds yun?” tanong naman ni Doring.“Sexty-nine seconds!” muling pabirong sagot ko. Tawang-tawa muli ang tropa. Umiilag na ako dahil si Aning kung makahampas daig pang may hawak na maso. Makakakita ka talaga ng bituin kapag nahampas ka sa mahiwagang palad nito.“Tanginang palad naman yan Aning!” reklamo ni Ajing. “Ang sakit, pisti! Pakiramdam ko na dislokit yung bowns ko sa arms,” natigil kami sa tawanan at napatingin kay Ajin...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments