For The Stars Have Sinned

For The Stars Have Sinned

last updateHuling Na-update : 2023-07-11
By:   aranew  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 Mga Ratings. 2 Rebyu
64Mga Kabanata
3.5Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Synopsis

Para makuha ang lalaking pinapangarap niya, gagawin ni Rishel ang lahat kahit magbulag-bulagan sa ginawang krimen ng ultimate idol niya na si Levi. Hindi nagtagal ay napansin siya nito at naging girlfriend ng lalaki. Habang lumalalim ang mga bagay sa pagitan nila, napagtanto ni Rishel na hindi siya ang obsess sa kanilang dalawa sapagkat ang pagkahumaling ni Levi sa kanya ay higit pa sa iniisip niya. Kaya mahirap maniwalang may ibang babae itong tinatago na hindi nito kayang iwanan. Dahil dito kaya nakapagdesisyon siyang tapusin ang lahat sa pagitan nila ni Levi. Ikinama niya ang CEO na si Lyndon na nag-iwan ng maraming problema pagkatapos niyang tumakas kasama ang kanilang anak. Nang bumalik siya makalipas ang ilang taon, napagtanto ni Rishel na parehong naghihintay ang dalawang lalaki sa kanyang pagbabalik.

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Kabanata 1

Victimless CrimeMarami akong kakilalang mga babae na mahilig makialam sa buhay nang may buhay, pero ngayon lang ako nakakilala ng isang lalaking hindi lang pakialamero, isa ring werdo at walang modo.Nagbaba ako ng tingin sa relo na nasa bisig ko. Alas-tres na ng hapon. Wala pa si Papa sa opisina at wala yatang balak na umalis ang lalaking kanina pa nakaupo sa visitor's lair. Kanina pa ako nakatayo sa gilid ng water dispenser na malapit sa pintuan. Ayaw kong lumapit sa malaking mesa ni Papa dahil nasa harap niyon nakaupo ang lalaking werdo na kanina pa nakatingin nang masama sa akin. Tch. Paano ko ba siya mapapaalis? Tumingin ako sa bintana. May isang paso ng bonsai roon. Kung ihahampas ko kaya sa mukha niya ang paso? Nang tingnan ko naman ang malaking wooden table, may mga malalaking binders doon. Perfect na panghampas sa mukhang parang pinaglihi sa sama ng loob. Tch. Kanina pa 'yan nambabato ng masamang tingin sa mukha ko. "Do you need something other than falsely accusating ...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
aranew
Hello! Author here. Salamat sa suporta niyo sa istoryang ito. May sinusulat po ako ngayon tungkol sa secret agent, mafia, billionaire, at urban romance. Ang title ay "Hidden Mafia King and the Fearless CEO." Siguradong magugustuhan niyo ang story lalo na sa mga mahilig sa "hidden child."
2023-08-14 11:11:56
0
user avatar
Janelyn Molina
highly recommend po... I know the author is bisaya from south of Cebu.. so that I support you.. take care and God bless po..
2023-05-19 21:00:02
1
64 Kabanata
Kabanata 1
Victimless CrimeMarami akong kakilalang mga babae na mahilig makialam sa buhay nang may buhay, pero ngayon lang ako nakakilala ng isang lalaking hindi lang pakialamero, isa ring werdo at walang modo.Nagbaba ako ng tingin sa relo na nasa bisig ko. Alas-tres na ng hapon. Wala pa si Papa sa opisina at wala yatang balak na umalis ang lalaking kanina pa nakaupo sa visitor's lair. Kanina pa ako nakatayo sa gilid ng water dispenser na malapit sa pintuan. Ayaw kong lumapit sa malaking mesa ni Papa dahil nasa harap niyon nakaupo ang lalaking werdo na kanina pa nakatingin nang masama sa akin. Tch. Paano ko ba siya mapapaalis? Tumingin ako sa bintana. May isang paso ng bonsai roon. Kung ihahampas ko kaya sa mukha niya ang paso? Nang tingnan ko naman ang malaking wooden table, may mga malalaking binders doon. Perfect na panghampas sa mukhang parang pinaglihi sa sama ng loob. Tch. Kanina pa 'yan nambabato ng masamang tingin sa mukha ko. "Do you need something other than falsely accusating
last updateHuling Na-update : 2023-05-02
Magbasa pa
Kabanata 2
LyndonMany people believe you'll see your dream when you are at death's door, and I think it's true. Kung hindi lang ako sinipa ng dream ko. Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti akong lumubog sa ilalim ng tubig. Madilim. Walang liwanag at tanging ang bilog na ilaw lang sa itaas ang nakikita ko. Mabilis akong lumangoy tungo sa liwanag at sumungaw ang ulo ko sa itaas ng tubig-alat.Shocks. Ano 'yong nakita ko sa ilalim ng tubig?Mga malalalim na mata ni Levi at manipis niyang labi. Muntik ko nang hagkan, pero bigla niya lang akong sinipa palayo. Tinampal ko ang sariling noo. Naman, Rishel. Kung magdi-daydream ka, sana naman 'yong romantic ang datingan ni Levi."Levi! Ano bang ginagawa mo riyan? Come back, we're late!" sigaw ng isang matinis na boses babae. Tumingala ako sa dock at nakita ko ang isang nakapameywang na babaeng kamukha ni Nicole, iyong nag-iisang babae ng bandang Vine. May suot na summer hat sa ulo at isang bestidang kulay asul. Sa tindig pa lang ay alam nang may pina
last updateHuling Na-update : 2023-05-02
Magbasa pa
Kabanata 3
Sunset at DockI pursed my lips and took a step back to Larica shipyard, just a few meters away from the private dock. Nakasunod lang si Lyndon sa likod at wala akong planong makipag-usap sa kaniya. I was thankful that he was silent even though it's awkward.Nang umihip ang hangin ay niyakap ko ang sarili. Hindi basta-basta ang lamig ng simoy sa dapit-hapon, but he placed a warm jacket around my shoulder and my teeth stopped chattering instantly. Pasimple akong lumingon sa gilid at nakita ko ang side view ng mukha niya. The sun was setting in the west and the soft rays touched the tip of his nose. Sa anggulo na nakikita ko, para bang ginuhitan ng malamlam na sinag ng araw ang mukha ni Lyndon, tracing his side profile which made him look ethereal. I looked away and sighed. May itsura nga pero ang ugali... err nevermind. A few minutes later, I took a step in the shipyard. Dito kinukompuni ang mga barko na ginagamit para sa paglalayag. It was one of Larica Shipment's properties at hind
last updateHuling Na-update : 2023-05-02
Magbasa pa
Kabanata 4
Unwanted Guest Tumaas ang balahibo ko sa batok at mabilis na humakbang paalis ng dock. Pero bigla na lang akong nadapa. Napahiyaw ako at nanginginig na tumayo. Binilisan ko ang hakbang. Nabawasan lang ang panginginig ko nang umapak ang mga paa ko sa lupa. Kinagat ko ang ibabang labi at sumulyap sa dock. Walang tao. Pero sino ang nagsalita kanina? Niyakap ko ang sarili. Simula nang gabing iyon sa Boljoon, dalawang buwan nang nakalipas, may naririnig na akong kung ano-ano. Noong una ay hindi ko pinansin pero paminsan-minsan ay bigla na lang akong kinikilabutan lalo pa't ramdam ko ang mga matang nakasunod sa bawat galaw ko. Nitong nakaraang mga araw ay wala na akong naramdamang kakaiba kaya nakampante na ako, pero nang marinig ko ang boses na iyon sa dock... hindi ko maiwasang isipin na hindi pa nawawala ang takot ko sa gabing iyon. Ano mang misteryo ang nakabalot sa boses na iyon ay hindi ko na inisip. Mabilis kong inayos ang sarili at tumakbo pabalik sa Larica building. Tahimik ako
last updateHuling Na-update : 2023-05-02
Magbasa pa
Kabanata 5
Back at CampusKinabukasan, hinatid ako ni Gerard sa Argao. Sinabi ko kay Papa na hindi na kailangan, kaso ayaw niyang makinig. Ngumuso ako. Mas okay lang naman na mag-jeep papunta sa University. Isinandal ko ang ulo sa headrest at humalukipkip. Binaling ko ang tingin sa labas ng bintana. Bukang-liwayway na. "Miss, dala niyo ba 'yong nasa likod?" tanong ni Gerard.Sumulyap ako saglit sa kaniya bago binalik ang tingin sa labas ng bintana. "May problema ba?""Wala naman, Miss." Umikhim siya. "Napapansin ko nitong nakaraang mga araw na hindi ka naman nagdadala ng mabibigat sa Unibersidad. Nakapagtataka lang ngayon."Naningkit ang mga mata ko. "Wala ka nang paki ro'n, okay?" Umirap ako at humalukipkip. Ilang minuto pa at napadaan ang kotse sa crime scene. Nakita ko ang naka-yellow cross line sa main road ng Arbor. Kinagat ko ang ibabang labi.Dalawang buwan na rin nang maganap 'yong usap-usapang krimen sa Baranggay Arbor. May pinatay daw at tinago ang biktima. E, wala namang nakitang e
last updateHuling Na-update : 2023-05-02
Magbasa pa
Kabanata 6
Something's New "I know, I know." Sumimangot ako. Kanina pa siya kuda nang kuda na kesyo hindi safe na bumiyahe nang mag-isa, at kanina pa ako naririndi sa boses niya. Nakakainis lang kasi. Hindi na ako bata pero bakit palagi na lang niya akong pinapagalitan? I know his point and I understand it, pero hinayaan ko lang siyang kumuda dahil malapit nang marating ng kotse niya ang Larica building. Prente akong sumandal sa sandalan ng passenger seat at tumingin sa labas ng windshield. Paliko na ang kotse papunta sa Pier 3, at paliko papunta sa gate 5, kung saan naroon ang Pier 1. Hanggang ngayon, hindi ko naintindihan kung bakit baliktad 'yong numbering ng mga pier at gates. Sa Pier 3 lang yata sumakto, e. "Sa susunod na linggo magsisimula ang renovation. 'Wag ka na munang pumasyal sa Port," sabi ni Lyndon. Napatingin ako sa kaniya. "Saang parte ba ang iri-renovate?" "Sa kaliwa. Padiretso sa beacon. Ililipat na rin ang beacon para mas lumawak ang sakop." Naningkit ang mga mata ko. "
last updateHuling Na-update : 2023-05-02
Magbasa pa
Kabanata 7
Meet Them Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Maya-maya pa ay kumibot ang sulok ng mga labi niya at tumawa. "We'll see, Rishel... we'll see," aniya bago naglakad paalis. Kinuyom ko ang mga kamao at tiningnan nang masama ang ibon na lumilipad sa ibabaw ng alon. Bumaling sa gawi ko ang ibon at binali ang sariling pakpak. Umiyak ang ibon at bumulusok sa ilalim ng alon. Alam kong dapat akong maawa sa ibon pero hindi ko ramdam ang awa. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya dahil nando'n ako. KASALUKUYAN kong binabasa ang akda ni CareLikeGoldFish. Mystery-thriller ang book at kahit na walang romance, hindi ko mapigilang basahin nang buo. Napakapamilyar kasi ng mga scenes, para bang nakita ko na dati. Gaya na lang ng scene kung saan binaril ng main character ang kaibigan niya. Pareho sa nakita ko doon sa Boljoon two months ago... Biglang namatay ang Wifi. Kumurap ako at madilim ang mukhang lumabas ng kuwarto. Didiretso sana ako sa kusina dahil alam kong si Mama ang may pakana, pero big
last updateHuling Na-update : 2023-05-02
Magbasa pa
Kabanata 8
Along the roadAno pa bang aasahan ko kay Nicole? Siyempre, ayaw no'n ng istorbo. Hilaw na ngumiti si June sa akin samantalang bumusangot ang mukha ni Ariel. Alam kong hindi gano'n kaganda ang samahan nina Ariel at Nicole kaya naintindihan ko kung medyo hindi maganda ang timpla ng mukha niya nang sinambit ko ang pangalan na iyon. Iyon din siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit pumayag siyang magpunta ako sa Club Fort, para inisin ang babaeng 'yon. Matapos makuha ang matamis na oo ni Mama, nagpaalam na sina Tiden at June. Hindi na ako nagulat nang makita ang pagmumukha ni Tiden kinabukasan. The problem is... hindi pa sumisikat ang araw at sobrang dilim pa ng paligid. "Ang aga mo naman," paos kong reklamo. Kakagising ko lang. Ginising ako ng isang katulong dahil naghihintay daw 'yong kaibigan ko sa sala. At dahil naistorbo ang pagtulog ko kaya inismiran ko ang lalaking nakangiti sa akin. Hindi man lang nabawasan ang ngiti sa mga labi niya. "Sungit mo pa rin kahit maaga," biro niya
last updateHuling Na-update : 2023-05-02
Magbasa pa
Kabanata 9
ChallengeHindi ko pinansin ang kakaibang pakiramdam na iyon. Umibis ako ng sasakyan at tinanaw ang kabuuan ng resort.Club Fort Med is a resort located at Arbor, same baranggay with El Grande Lat. Not too simple and not too flashy, just enough for a quiet weekend. Kumurba ang gilid ng mga labi ko.Tiningala ko ang malaking wooden placard kung saan naka-engrave ang pangalan ng resort. It is my first time to be with the Vine. Nakakakaba pero nakaka-excite rin naman. Nakita kung nauna na si Tiden sa loob ng resort kaya sumunod ako. Dumiretso siya sa isang modernized restaurant na bahagyang elevated kaysa sa ibang parte ng resort. Pumasok siya sa loob at naupo sa upuan sa may tabi ng malaking glass wall kung saan kitang-kita ko ang kabuuan ng resort. 'Not bad,' I thought.Umupo ako sa upuan katapat ng kaniya at tumingin sa labas ng glass wall. Nakita ko ang tatlong pools ng Club Fort Med, which the resort's known for. Maliit na round table ang nakapagitan sa amin. May munting cactus n
last updateHuling Na-update : 2023-05-02
Magbasa pa
Kabanata 10
Knowing him Hingal kong hinawi ang basang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ko. Mariin kong tiningnan si Ariel na prenteng nakaupo sa gilid ng pool habang nakabanlaw ang binti sa tubig. "Madaya ka," nakalabi kong saad at lumangoy tungo sa hawakan ng hagdanan.Hindi niya ako hinintay at agad na lumusong sa pool kanina. Gusto ko sanang magreklamo sa kaniya pero nakita kong wala siyang balak na huminto sa paglangoy, kaya wala akong nagawa kung 'di lumusong na lang din. Pagkatapos ko ng dalawang turn, nakita ko siyang nakangiti habang nakaupo sa gilid ng pool. Tumawa siya at umusog nang kaunti palapit sa akin. Dumukwang siya para magpantay ang mukha namin. Nahigit ko ang hininga nang ngumisi siya. "It's fair enough," aniya."Nauna kang lumusong!" reklamo ko.Nagkibit-balikat siya at umayos ng upo sa tabi ng pool. "I don't understand why can't you accept your defeat, but rest assured your stay here will be worth it." Tumaas ang sulok ng labi niya.Bumuga ako ng hangin at umahon. Nakit
last updateHuling Na-update : 2023-05-02
Magbasa pa
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status