Paano kung ang tahimik at masaya mong buhay ay biglang magbago sa kadahilanang ipinagkasundo ka sa lalaking hindi mo naman lubusang kilala, at higit sa lahat... lalaking hindi mo naman mahal? Lalaking walang ibang ginawa kun’di ang husgahan at parusahan ka sa kasalanang hindi mo naman ginawa! Maaari nga ba mabago ang kapalaran ni Pipay sa piling ng asawa na kailanman ay puro parusa ang ipinalasap sa kaniya? Maaari nga bang mauwi sa pagmamahalan at happy ending ang pagsasama nila ng kaniyang asawa na si Hector PenaVega?
view moreBIGLANG napabalikwas nang bangon si Pipay nang maalimpungatan siya dahil sa malakas na tunog ng kaniyang alarm clock na nasa bedside table. Agad niyang kinuha iyon at pinatay. Isturbo sa masarap niyang tulog.Pero ganoon na lamang ang kaniyang pagkagulat nang mapagtanto ang oras. “Huh? Alas nuebe y medya na?” sambit niya. “Hala! Lagot ako nito.” Kinakabahan at nagmamadali siyang bumangon sa higaan at pumasok sa banyo. Matapos mag hilamos at mag-toothbrush ay nagmamadali rin siyang nanaog sa hagdan para tunguhin ang kusina. “Lagot ako nito, e! Bakit kasi 9:30 na ako nagising? Hay nako! Tanga mo, Pipay! Tanga!” Panenermon niya sa sarili habang binabatukan ang ulo.Malamang na abot-abot na galit na naman ang makukuha niya mula sa asawa. Ilang oras na siyang late ng gising. Dapat ala-sais palang nang umaga ay naka-ready na ang almusal ni Hector. Paano, kagabi ay inabot na siya ng alas tres ng madaling araw bago dinalaw ng antok kakaisip sa mga bagay-bagay. Kaya hayon at late na siyang na
ISANG malakas na dighay ang pinakawalan ni Pipay matapos kainin ang huling slice ng pancake na inihain sa kaniya ng asawa. “Sorry! Excuse me.” Nahihiyang saad niya kay Hector saka nagbaba ng tingin dito.“You want more?” tanong nito.“Huh? A, busog na ako. Salamat!” aniya.“Um!” bigla itong naputol sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone nito na nasa ibabaw ng lamesa.Dahil nasa tapat niya lang ang asawa ay nakita niya agad kung sino ang tumatawag dito.Erneth? Babae ba ’yon? Tanong niya sa isipan nang mapasilip siya sa asawa na abala naman sa pagnguya sa kinakain nito. Mabilis na kumilos ang kamay ni Hector at pinatay ang tawag. Pero mayamaya ay tumunog na naman iyon.“B-Baka importante ’yang tawag sa ’yo.” Lakas loob na saad niya nang makailang ring na ang cellphone nito pero pinapatay lamang iyon ni Hector. Ang pagkakaalam niya kasi ay walang tawag ang asawa na hindi nito sinasagot. Even if he is in front of the dining table, when his phone rings, he answers it immediately, whe
HABANG tumatagal na nakatitig si Hector sa asawa ay mas lalo lang siyang naguguluhan sa nararamdaman ng kaniyang dibdib. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit kailangan niyang maramdaman iyon. Mayamaya ay bigla siyang napailing kasabay ng pagpapakawala nang malalim na buntong-hininga. “Peppa, wake up!” Muli niya itong sinubukan na gisingin.Bahagya namang nagulat si Pipay nang pagkamulat ng kaniyang mga mata ay nakita niyang hawak-hawak ni Hector ang kaniyang kamay. Napabalikwas siya nang bangon at mabilis na binawi ang kamay mula rito at umupo sa gilid ng kama. “Um, s-sorry,” aniya. “A-Anong ginagawa mo rito?” nauutal at kinakabahang tanong niya.Bumuntong-hininga ulit si Hector, “we need to clean your wound. Come here at ako na ang maggagamot sa ’yo,” wika nito saka walang sabi-sabi na hinawakan ang kamay ng asawa at bahagyang hinila. Wala namang nagawa si Pipay kun’di ang lumapit sa kinauupuan nito. “Turn around at itaas mo ang damit mo.” Utos nito sa kaniya.“H-Huh? B-Bakit?
KINABUKASAN, nang magising si Peppa, biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang mapagtanto niyang nasa loob na siya ng kaniyang silid. Nagtataka siya kung paano siyang na punta roon, gayo’ng ang pagkakaalala niya ay nasa sala siya nang nagdaang gabi, at umiiyak na naman siya nang dahil sa kaniyang asawa. Naalala pa nga niya na namaga ang kaniyang isang paa dahil sa pagkakatisod nang sapilitan siyang hilahin ni Hector palabas ng hotel maging ang pananakit nito sa kaniya, hanggang sa itinulak siya nito at tumama ang tagiliran niya sa bubog na lamesa. Ngunit bakit wala siyang maramdamang sakit sa paa at tagiliran niya ngayon?Medyo masakit pa man ang kaniyang ulo’y pinilit niyang kumilos sa kaniyang puwesto at kunot ang noo na dahan-dahan siyang umupo sa kaniyang kama para siyasatin ang sarili. Ngunit ganoon na lamang ang pagtataka niya nang makitang nakabenda ang kaniyang paa. At nang kapain niya ang kaniyang tagiliran ay may bandaid na rin iyon.Napamaang siya. Oh, baka ang asawa
TAHIMIK lang si Peppa na nakaupo sa isang bench sa lobby ng hotel habang nakatanaw sa labas ng entrance. Kanina pa siya roon at naghihintay sa kaniyang asawa, pero mula nang iwan siya nito at sumama sa isang babae ay mukhang nakalimutan na ata siya nito at ni hindi man lang siya binalikan o hinanap. Sabagay... he is Hector PenaVega at kailanman ay hindi siya magkakaroon ng puwang sa puso nito.“Pipay?”Agad siyang napalingon sa gawing kanan niya nang marinig niya ang isang boses na tumawag sa pangalan niya.“Pipay! Ikaw nga!” Malapad ang ngiti sa mga labing saad ng lalaki at pagkuwa’y nagmamadali itong lumapit sa kinaroroonan niya.“Hunter?” kunot ang noo na sambit niya. Hindi siya makapaniwala na makikita niya ngayon ang lalaki.Oh, God! It’s been years simula no’ng huli nilang pagkikita. Pero, aminado siyang hindi niya nakalimutan ang hitsura nito kaya agad niya itong nakilala.“Hey! Long time no see!” Mahahalata ang labis na tuwa sa boses nito hindi lamang sa hitsura nito ngayon. “
NAALIMPUNGATAN bigla si Pipay nang marinig niya ang kalabog sa tapat ng pinto ng kaniyang kuwarto. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya kanina habang umiiyak. Well, ano pa nga ba ang bago roon? Lagi naman niyang nakakatulugan ang sarili na hilam sa luha pagkatapos siyang saktan ng kaniyang magaling na asawa.Halos mahulog pa siya sa kaniyang kama sa pagmamadaling makabangon at mabuksan ang pinto na sa tingin niya ay kaunti na lang ay mawawasak na dahil sa sobrang lakas nang pagkalabog ng asawa mula sa labas!“S-Sandali lang! Nandyan na!” Nanginginig pa ang kaniyang boses habang nagkukumahog na lumapit sa pinto at binuksan iyon. Bumungad sa kaniya ang galit at hindi maipintang hitsura ni Hector.“What took you so long?” galit na tanong nito agad sa kaniya. “Alam mong ayoko na pinaghihintay ako!”“N-Nakatulog kasi ako. Pasensiya na!” Nakayokong hinging paumanhin niya rito.Narinig niya naman ang pagpapakawala nang malalim at mabigat na buntong-hininga nito, siyang naging dahil
“WHO told you na puwede kang umalis ng bahay ko ng ’di nagpapaalam sa ’kin, huh?” galit na sigaw ni Hector habang nangigigil itong nakahawak sa baba ng kawawang asawa.Hilam naman ng luha ang buong mukha ni Pipay habang takot na nagmamakaawa siya sa kaniyang asawa, ngunit ayaw naman siyang pakinggan nito. “Sorry! L-Lumabas lang naman ako para magpahangin,” aniya habang panay pa rin ang hikbi. “Nasasaktan na ako!” Nahihirapang pagsusumamo niya rito habang nakahawak din sa kamay ng asawa.Ngunit mayamaya ay napadaing siya nang husto nang sabunutan nito lalo ang kaniyang buhok kung kaya’t napatingala siya rito.“I own you. No one else can own you but me. Do you understand? Kapag nalaman kong nakikipagkita ka sa lalaki mo, mapapatay kita.” Galit na banta nito sa kaniya.Dahil sa takot at sa galit na nakikita niya sa mga mata ng asawa ay napatango siya nang sunod-sunod dito bilang pagsang-ayon sa mga sinabi nito.Padabog naman siyang binitawan ni Hector kaya napasubsob siya sa carpet ng sa
“WHO told you na puwede kang umalis ng bahay ko ng ’di nagpapaalam sa ’kin, huh?” galit na sigaw ni Hector habang nangigigil itong nakahawak sa baba ng kawawang asawa.Hilam naman ng luha ang buong mukha ni Pipay habang takot na nagmamakaawa siya sa kaniyang asawa, ngunit ayaw naman siyang pakinggan nito. “Sorry! L-Lumabas lang naman ako para magpahangin,” aniya habang panay pa rin ang hikbi. “Nasasaktan na ako!” Nahihirapang pagsusumamo niya rito habang nakahawak din sa kamay ng asawa.Ngunit mayamaya ay napadaing siya nang husto nang sabunutan nito lalo ang kaniyang buhok kung kaya’t napatingala siya rito.“I own you. No one else can own you but me. Do you understand? Kapag nalaman kong nakikipagkita ka sa lalaki mo, mapapatay kita.” Galit na banta nito sa kaniya.Dahil sa takot at sa galit na nakikita niya sa mga mata ng asawa ay napatango siya nang sunod-sunod dito bilang pagsang-ayon sa mga sinabi nito.Padabog naman siyang binitawan ni Hector kaya napasubsob siya sa carpet ng sa...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments