My Brother's Girl Bestfriend

My Brother's Girl Bestfriend

last updateLast Updated : 2024-04-04
By:   AKHIRAH MIAMOR  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
35Chapters
978views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Dahil sa pagkamatay ng ama ni Dos Del Mundo ay nag pulis ito para maipaghiganti ang ama niya sa mga terorista. Pero paano kung sa pagkakahanap nito sa mga terorista ay mahuhulog siya sa isa sa kanila? Paano reresolbahin ni Captain Dos ang pag-iisa ng dalawang panig na mortal na magkaaway?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Typhoon JR.:"Congratulations, Captain Del Mundo Jr!"NAPANGITI ako sa masiglang pag-welcome at bati sa akin ng aming headquarters."Salamat! Salamat!" Isa-isa ang mga itong kinakamayan ako para sa pagkaka-promote ko bilang bago nilang Captain sa aming departamento. "Congrats, Dos! You deserved it!" Napangiti akong yumakap sa girl bestfriend kong si Lieutenant Angelique Madrigal, pamangkin ng Tita Cathleen ko. "Thanks, Ange, regalo ko?" biro kong ikinangiwi nito."Eto," saad nito sabay halik sa pisngi ko. Umani tuloy ng hiyawan at tuksuan sa amin ng mga kapwa naming pulis.Tatawa-tawa lang naman ito ng pamulaan ako sa paghalik nito sa akin in public.Sanay naman na kaming naglalambingan ni Ange. Mula pagkabata ay magkasanggang dikit kami kaya nga kahit sa kursong kinuha ko ay ginaya rin nito.Madalas tuloy napagkakamalhan kaming magkasintahan ng mga tao sa sweetness namin sa isa't-isa pero. . . hanggang magkapatid lang ang turing namin sa isa't-isa. Hinahayaan ko itong makipag-...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
35 Chapters
Chapter 1
Typhoon JR.:"Congratulations, Captain Del Mundo Jr!"NAPANGITI ako sa masiglang pag-welcome at bati sa akin ng aming headquarters."Salamat! Salamat!" Isa-isa ang mga itong kinakamayan ako para sa pagkaka-promote ko bilang bago nilang Captain sa aming departamento. "Congrats, Dos! You deserved it!" Napangiti akong yumakap sa girl bestfriend kong si Lieutenant Angelique Madrigal, pamangkin ng Tita Cathleen ko. "Thanks, Ange, regalo ko?" biro kong ikinangiwi nito."Eto," saad nito sabay halik sa pisngi ko. Umani tuloy ng hiyawan at tuksuan sa amin ng mga kapwa naming pulis.Tatawa-tawa lang naman ito ng pamulaan ako sa paghalik nito sa akin in public.Sanay naman na kaming naglalambingan ni Ange. Mula pagkabata ay magkasanggang dikit kami kaya nga kahit sa kursong kinuha ko ay ginaya rin nito.Madalas tuloy napagkakamalhan kaming magkasintahan ng mga tao sa sweetness namin sa isa't-isa pero. . . hanggang magkapatid lang ang turing namin sa isa't-isa. Hinahayaan ko itong makipag-
last updateLast Updated : 2024-03-01
Read more
Chapter 2
DOS:MASAYA akong pumasok ng headquarters namin dahil may mga bagong lead kaming nahahagip tungkol sa kasong hawak ko.Hanggang ngayo'y palaisipan pa rin sa amin ang bagong pagmumukha ni Suprimo na siyang hina-hunting namin dahil sa dating mga kaso nilang nangunguha ng mga kabataan. Kahit hindi na sila muling napabalitang nangunguha ng mga kabataan ay malaki pa rin silang banta sa lipunang kailangang tugisin ng mga katulad kong pumoprotekta sa gobyerno.Kahit pakonti-konti ang nahahagilap naming impormasyon para matunton ang grupo na pinamumunuan no'ng Suprimo na 'yon ay masaya na ako sa resulta. Pakiramdam ko'y palapit na ako nang palapit sa katotohanan at sa pagkakaresolba ko sa kasong ito. At sa pagbibigay ko ng hustisya para sa yumaong ama namin.NAPAIKTAD ako ng mag-vibrate ang phone ko sa pagkakasubsob ko sa laptop ko habang nagre-review sa hawak naming kaso."Hello, Ate?" Iniipit ko na lamang sa balikat ang phone ko padikit sa tainga ko at muling nagpatuloy sa ginagawa."Uy,
last updateLast Updated : 2024-03-02
Read more
Chapter 3
BAGYO JR:MASAYA kaming bumalik ng nayon ni Tight. Ang kababata at parang kapatid ko na rin. Gusto pa sana naming mag-stay muna sa syudad dahil sa bagong kakilala naming kamukha at kapangalan ko. Pero hindi kami p'wedeng magtagal doon. Hindi ko maintindihan pero parang may koneksyon kaming dalawa ni Dos sa isa't-isa.Mag-isa akong anak ni Nanay at Tatay. Hindi rin buo ang pamilyang kinagisnan ko dahil hindi naman nagsasama si Nanay at Tatay sa iisang bubong. At naiintindihan ko naman iyon dahil bata pa lang ako ay ipinaintindi na sa akin ni Tatay ang sitwasyon nila ni Nanay."Bay, anong tingin mo kay Dos? Mapagkaka tiwalaan ba natin siya sa sikreto ng samahan natin sa nayon?" wala sa sariling tanong ko kay Tight habang pumapapak ito ng chicharon.Sinusubuan lang akong nagmamaneho ng pick-up na siyang service ko kapag lumuluwas ako ng bayan o sa syudad."Tingin ko naman mabuti siyang kaibigan, bay. Pero. . . pero h'wag mong kalimutang parak 'yon. Alagad ng batas. Hindi natin alam kung
last updateLast Updated : 2024-03-05
Read more
Chapter 4
DOS:NAPAANGAT ako ng mukha nang mag-vibrate ang cellphone kong nakapatong sa lamesa ko. Tinatapos ko lang ang office hour ko para makauwi pero natigilan ako pagkabasa sa mensaheng galing sa unknown number."8:pm San Diego ville. Come and witness how dirty your government you've been protecting is, Captain Typhoon Del Mundo Jr."Kinabahan ako at kaagad ni-dial ang numero pero out of coverage na ito! Marahas akong napatayo at lumabas na ng headquarters. Baka nag-i-scam lang ang unknown sender na 'yon! Hindi ko na dapat pagtuonan ng pansin ang pinadala nito. Hindi ko alam pero parang may humuhila na sa aking umuwi.Pagdating ko ng mansion saktong nakahanda na ang hapunan kaya nagpaakyat na ako ng hapunan namin ni mommy sa silid nito.Taranta akong pumasok ng silid nito ng marinig ang mga nagngangabasag na gamit mula sa loob dahil nakabukas ang pinto at ang pagtitili ni Ate Yoona at Yonyon!"Mommy!!" Patakbo ko itong niyakap ng matigilan pagkakita sa akin at akmang babasagin ang hawak-h
last updateLast Updated : 2024-03-05
Read more
Chapter 5
DOS:NAPALINGA-LINGA ako sa paligid namin na ngayo'y nagbubulungan at pasimple na rin kaming kinukunan ng videos. Kaya isinuot ko na ang shades ko at hinila sa kamay ang dilag na napagkamalhang ako si Bagyo. Ang bagong kaibigan kong kapangalan at kamukha ko.Nagpatianod lang naman ito hanggang sa sumakay kami ng private elevator kung saan pamilya lang namin ang may access na gumamit dito sa mall.Lihim akong napapangiti na hinayaan lang naman ako nitong naka-intertwined ang mga daliri namin. Hindi man gaanong malambot ang kamay nito na mas malambot pa ang kamay ko'y may puwang pa rin sa puso kong kinikilig at nagugustuhan ang pagkakahawak ko sa kamay nito.Pipi akong nagdarasal na sana. . . sana hindi ito kasintahan ni Bagyo. Sayang naman kasi. Ngayon lang ako naka-encounter ng katulad niyang walang kaarte-arte sa katawan at pananalita para magpa-impressed sa akin."Woohh?! T-Teka, Bagyo, kanino 'toh?!" gimbal nitong bulalas paglabas namin ng elevator at dinala ito sa sportscar kong a
last updateLast Updated : 2024-03-05
Read more
Chapter 6
DOS:PALINGA-LINGA ako sa paligid pagkababa namin ni Rose sa bungaran ng kanilang nayon. Tahimik na ang paligid at may mga ilaw pa rin naman sa mga kabahayan ditong magkakatabi-tabi lang.May mga iilang tao pa sa paligid pero normal lang naman ang kilos nila kung saan nagkukwentuhan habang nag-iinuman sa balkonahe ng bahay.Wala rin akong makitang may mga dalang baril kung kuta man ito ng mga teroristang pinamumunuan ni Suprimo."Dito nakatira si Bagyo kasama ang ama niya," mahinang bulong nito pagkatapat namin sa pinakagitnang bahay."May hinahanap ka?" bulong pa nitong kaagad kong ikinailing at matamis itong nginitian dahil nanunuri ang ginagawad nitong tingin."Ang tahimik naman dito." Nakitabi na ako sa pag-upo nito sa pahabang upuang kawayan dito sa loob ng balkonahe ng bahay nila Bagyo."Maagang natutulog ang mga tao dito dahil maaga rin gumigising," simpleng sagot nito."Ano bang pinagkaka abalahan niyo dito?" pag-uusyoso ko at pinapakiramdaman ang reaks'yon nito."Ano pa nga
last updateLast Updated : 2024-03-06
Read more
Chapter 7 Back home
DOS:UMIIKOT ang paligid ko sa mga nangyayari! Sumisikip din ang dibdib ko sa halo-halong nararamdaman ko ngayon na hawak ko si Daddy. Buhay siya. . . at siya nga si Suprimo na pinuno ng mga terorista. Tama lahat ng mga kutob ko."Dos a-anak, o-okay ka lang ba?"Sa umiikot kong paningin ay napangiti akong marinig ang pagbigkas niya sa pangalan ko at sa pagtawag sa akin ng. . .anak."D-Daddy. . . h'wag kang umalis," naghihingalong pakiusap ko at mahigpit na nakahawak sa braso nito.Nakaalalay naman ito sa akin na napasandal sa kanya sa kawalang lakas ng mga tuhod ko."A-Anak.""Nagmamakaawa ako, Daddy.""Dos!" Dinig ko pa ang pagsigaw nito sa pangalan ko kasabay ng tuluyang pagbagsak ko sa bisig nitong ikinangiti ko.NAPAKUNOTNOO ako at pinakiramdaman ang paligid. Napakatahimik dito at parang nakakarinig ako ng hampas ng mga. . . alon?!Napabalikwas ako ng upo at napalunok na mabungaran ang paligid ko! Iginala ko ang paningin at napagtantong nasa baywalk lang naman ako ng Manila bay.
last updateLast Updated : 2024-03-07
Read more
Chapter 8
BAGYO JR:TAHIMIK akong nagkukubli dito sa likod ng bahay na nakikinig sa susunod na hakbang nila Tatay sa pagbaba sa syudad. Kabado man at pakiramdam ko'y tatraydorin ko si Tatay pero kung hindi ako kikilos? Hindi sila magkaka-encounter ni Dos. Alam ko namang nangungulila na rin si Tatay sa pamilya niya. At kahit masakit sa akin. . . nakahanda akong magsakripisyo maibabalik lang siya sa kung saan siya dapat naroroon. At 'yon ay sa syudad. Kung saan naroon. . . ang totoong pamilya niya.Pagkalabas nila ng nayon ay palihim akong sumabit sa jeep nito at sumunod sa kanila pababa ng bayan. Mabuti na lang at hindi sila nakakahalata ng lumipat na sila sa bigbike motor na nirentahan nila habang nakasunod ako sa 'di kalayuan.PAGDATING namin ng syudad ay agad kong hinanap sa internet ang pangalan ni Dos. Mabuti na lang at nakalagay sa page ng headquarters nila ang cell number ni Police Captain nila kaya napadalhan ko ito ng mensahe tungkol sa magaganap na kilos nila Tatay at Tito Troy, ang a
last updateLast Updated : 2024-03-08
Read more
Chapter 9
TYPHOON SR:MALUHA-LUHA akong pinagmamasdan ang asawa kong ngayo'y nahihimbing na. Halos ayaw na nga nitong matulog sa takot na paggising ay wala na akong makagisnan nito. Salitan nga kami ng anak kong si Dos na sinusuyo itong magpahinga na dahil hindi maganda sa kanya ang magpuyat.Lalo akong kinakain ng kunsensya ko habang pinagmamasdan ko ito. Ngayon ko lang mas nabigyan pansin ang itsura nitong namumutla at nangayayat na. Bakas din sa mga kamay nito ang mga turok ng karayom sa kanyang mga ugat sa tuwing tinuturukan siya ng pampatulog kapag nagwawala ito lalo na kung hindi nila maipakita sa kanya ang anak naming bunso sa triplets. Si Dos."Dad, magpahinga na rin po kayo." Napangiti akong umiling sa sinaad ng anak kong nakahiga na sa paanan nitong kama ng kanyang ina.Wala pang ibang may alam dito sa mansion na nandito na ako bukod sa aming apat na nandidito sa silid. Lumabas na rin ang pinsan ni Dos na isa pa lang psychiatrist doctor ni Catrione na anak ni Cathleen at Ethan, si
last updateLast Updated : 2024-03-09
Read more
Chapter 10
DOS:NAGKAKATUWAAN kami ng mga kapatid at pinsan ko dito sa Bar ng resort na tinuluyan namin sa isla ng Jeju. Habang ang matatanda naman ay nagkaharap-harap sa kabilang cottage at ang mga babae ang siyang nagbantay sa mga batang makukulit."So, Dos. What's your next plan, couz?" Napalingon ako kay Kuya Claude sa tanong nito kaya nakamata na silang lahat sa akin.Si kuya Claude ay ang bunso nila Tita Cathleen at mag-isang lalake sa kanilang magkakapatid."As I promised to Mom? Isarado ko lang ang kasong hawak ko. Pagkatapos nito, lalagay na ako sa tahimik," kibit balikat kong sagot na ikinasinghap pa ng mga ito."What do you mean? Magpapakasal na ba kayo ni Ange?" Napangiwi ako kay Kuya Akhiro sa sinaad nito. Ang panganay nila Tito Khiro."No, it's not her, Kuya." Napanganga naman ang mga itong mas lalong inilapit ang mga upuan sa akin para makiusyoso sa buhay ko."And who's this unlucky woman, young officer?" nakangising tudyo ni Kuya Kieanne. Panganay ni Tito Khiranz."Tss. You're
last updateLast Updated : 2024-03-10
Read more
DMCA.com Protection Status