Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2024-03-05 00:10:49

DOS:

NAPAANGAT ako ng mukha nang mag-vibrate ang cellphone kong nakapatong sa lamesa ko. Tinatapos ko lang ang office hour ko para makauwi pero natigilan ako pagkabasa sa mensaheng galing sa unknown number.

"8:pm San Diego ville. Come and witness how dirty your government you've been protecting is, Captain Typhoon Del Mundo Jr."

Kinabahan ako at kaagad ni-dial ang numero pero out of coverage na ito! Marahas akong napatayo at lumabas na ng headquarters. Baka nag-i-scam lang ang unknown sender na 'yon! Hindi ko na dapat pagtuonan ng pansin ang pinadala nito. Hindi ko alam pero parang may humuhila na sa aking umuwi.

Pagdating ko ng mansion saktong nakahanda na ang hapunan kaya nagpaakyat na ako ng hapunan namin ni mommy sa silid nito.

Taranta akong pumasok ng silid nito ng marinig ang mga nagngangabasag na gamit mula sa loob dahil nakabukas ang pinto at ang pagtitili ni Ate Yoona at Yonyon!

"Mommy!!"

Patakbo ko itong niyakap ng matigilan pagkakita sa akin at akmang babasagin ang hawak-hawak na malaking vase. Nagkalat na naman ang mga sirang gamit dito sa pagwawala nito. Mukhang kanina pa ito nagwawawala. Lumamlam din bigla ang itsura nito at napahikbi pagkayakap ko. Nanghihina na ito na mukhang pagod na pagod sa pagwawala.

"Mommy, tahan na. Nandito na ako," pagpapakalma ko habang yakap-yakap ito at hinahaplos sa likod.

Ilang minuto rin itong nakasubsob sa dibdib ko na humihikbi. Pilit akong ngumiti dito at pinahid ang luhaang mga mata nitong nakatutok na sa akin habang nakatingala at nakayapos sa baywang ko ang dalawang kamay.

"H'wag ka ng magalit, Mommy, hmm? Nandito na ako," lambing kong ikinatango-tango nito at may munting ngiti sa mga labi.

Nangilid ang luha kong ikinulong ang mukha nito sa dalawang kamay ko at mariing humalik sa noo nito bago nag-smack-kiss sa mga labi nitong lalo niyang ikinangiti.

"Mabuti na lang maaga kang umuwi, Dos, hinahanap ka kanina kaya nagwala si Tita ng 'di ka namin mailabas," saad ni Ate Yoona na kasalukuyang nililigpit ang mga kalat sa sahig kasama si Ate Yonyon.

Kinarga ko naman si mommy sa kama nito dahil nagkalat din ang mga bubog sa sahig.

Naging mas kalmado na nga ito at hindi na nagwawalang nandidito ako sa tabi nito. Buti na lang at umuwi akong maaga kung hindi ay hirap na hirap na naman sana ang mga tao dito sa mansion na pakalmahin si Mommy sa pagwawala nito lalo na't hindi nila ito malapitan kapag nagwawala para maturukan ng pampatulog na gamot nito.

Maingat ko itong pinaupo sa kama at isinandal sa headboard nito bago hinubad ang boots ko at umupo katabi ito. Siya namang pasok ng tatlo kong kuya na may dalang pagkain.

"Himalang maaga ngayon ang Captain," ismid ni Kuya Tyrone sa akin pagkakita sa mga nagkalat na mga sira-sirang gamit sa sahig.

May tampo pa rin kasi ito sa akin sa huling pag-uusap namin dahil hindi ko pinagbigyan ang utos nitong bitawan ko ang kaso ni Suprimo para na rin sa kapakanan ko.

Naiiling na lamang si Kuya Typhus at Taylor na inilapag sa center table ang mga dala nilang naka-tray na pagkain at tinulungan si Ate Yonyon at Yoona sa pagliligpit ng mga bubog sa sahig.

"Kita mo na? Ikaw ang gamot ni Mommy. Dos naman, h'wag ng matigas ang ulo mo. Kawawa naman si Mommy, immune na ang katawan niya sa gamot na pampakalmang higit dalawang dekada ng isinasaksak sa mga ugat niya. Hihintayin mo pa bang malagay ka sa bingit ng kamatayan bago ka makinig, huh?" mahinahong sermon ni Kuya Tyrone na ang pinupunto ay ang kasong hawak ko.

"Oo nga naman, Dos. Kung tutuusin nga ay dapat ikaw ang nandiditong nag-aalaga kay Mommy dahil kalmado lang siya kapag ikaw ang bantay niya. Ano bang mapapala mo sa paglilingkod sa taong bayan bilang alagad ng batas? Medal? Award? Ranggo? Dos, kung pagtulong lang maraming paraan. Marami namang foundation ang pamilya Del Prado at Montereal na tumutulong sa taong bayan. Is it not enough? Kailangan ba pati ikaw? Unahin mo naman si Mommy, h'wag mong tularan si Daddy na inuna ang taong bayan kaysa tayong pamilya niya, kaysa ang sarili nating ina. Dos, walang bayaning nabubuhay. Dahil saka ka lang nagiging bayani. . . kapag nasa hukay ka na dahil sa tungkulin mo," segunda ni Kuya Typhus na panenermon sa akin.

Mukhang alam na nilang lahat ang tungkol sa hawak kong kaso.

"Sinabi ko naman na, tapusin ko lang 'to. Isasara ko lang ang kasong hawak ko, pagkatapos nito? Bibitaw na ako sa tungkulin. Para mapangalagaan si Mommy."

Napailing na lamang ang mga itong halatang hindi gusto ang sagot ko.

"Kung si Daddy nga na isang batika at magaling na pulis hindi naisara ang kasong 'yan at naging mitsa ng pagkamatay nito? Paano pa kaya ang isang katulad mong bata at baguhan sa tungkulin? H'wag na tayong maglokohan, Dos. Alam naman nating dahil sa track record ni Daddy at sa pinagsama-samang apelyedo natin kaya mo narating ang posisyon ng pagiging Captain. Napasabak ka na ba sa labanan? Dos. . .mga terorista ang kahaharapin mo. Halang ang bituka ng mga iyon. Kamatayan mo ang kapalit ng pagbangga mo sa kanila," panenermon din ni Kuya Taylor na ngayo'y matamang ng nakatitig sa amin ni Mommy na magkayakap.

Napahinga na lamang ako ng malalim dahil sa pagkakaisa nila sa akin. Kahit naman maganda ang punto nila at inaalala lang ako lalo na ang ina namin ay nakakatampo pa rin dahil parang wala lang sa kanila na hindi na maibigay ang hustisya para sa ama namin dahil sa mga teroristang grupo ni Suprimo!

"Tama na nga 'yan. Nakikinig si Mommy sa bangayan niyo," pag-awat na ni Ate Yonyon sa amin.

Saka lumapit dala ang isang tray ng pagkain at tubig.

Maingat nitong inilapag iyon sa bedside table katabi ko bago bumalik ng center table at kinuha na nila ang ibang pagkain at nagsisampa sa malaking kama ni Mommy.

Kusa namang kumalas sa pagkakayakap sa akin si mommy at nangingiting inginuso ang pagkain. Mukhang nagustuhan nitong kasalo kami ngayon dito sa silid nito.

"Ganyan nga, Mommy. Dapat nakangiti ka lagi. Ang ganda-ganda kaya ng Mommy namin lalo na kapag nakangiti," paglalambing ni Ate Yonyon.

Nakaupo na ito ngayon sa paanan namin katabi sina Kuya Tyrone, Typhus, Taylor at Ate Yoona na may hawak ng pagkain nila.

"H'wag naman palagi. Mapagkakalmalhan siyang may sayad lalo na kapag nakangiting mag-isa," natatawang saad kong ikinabungisngis ng apat maliban kay Ate Yonyon na sinamaan ako ng tingin.

"Hahaha, nakakatawa, Dos." Inis nitong ismid sa aking ikinatawa ko.

Napalingon ako kay Mommy ng mahina itong natawa kaya maging ang mga kasama namin ay napatingin sa kanya.

Napailing ito sa akin na may malapad na ngiting ikinatuwa ng puso ko.

"Ang corny mo, Typhoon."

Napahagalpak ng tawa ang mga kasama namin sa komento nito na ikinakamot ko sa batok. Natatawa na rin akong kahit paano ay napatawa namin ito ng tunay at nagsalita pa kahit na si Daddy naman ang nakikita niya sa akin.

Ni minsan nga ay hindi niya ako tinawag na Dos dahil hindi nag-e-exist si Dos sa paningin niya kundi si Typhoon. . .na ama namin ang nakikita sa katauhan ko.

"Corny nga pero gwapo naman, Mommy," banat ko kaya napaismid ang mga kapatid kong umakto pang nasusuka kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Mas gwapo sa kanilang tatlo, mas mabait, mas malambing, mas magaling-"

"At mas mahangin."

Napanganga ako sa pagputol nito sa pagpupuri ko sa sariling ikinahagalpak muli ng tawa ng mga kapatid ko maging ni Ate Yoona kaya pati ito ay natatawa na ring napangiwi ako.

"Mommy naman, nagsasabi ako ng totoo eh. Akala ko ba kampi tayo?" parang batang pagmamaktol ko.

Napailing naman itong hinawakan ako sa kamay kaya natigil din sa pagtawa ang lima sa paanan namin na ngayo'y matiim na kaming pinapanood ni Mommy.

"Nagsasabi din ako ng totoo, Typhoon."

Napangiwi akong ikinatawang muli ng mga ito. Pero kahit pinagkakaisahan na nila ako ay nangingibabaw pa rin ang tuwa sa puso kong napapatawa namin at napapagsalita si Mommy dahil minsanan lang mangyaring makipag-usap ito ng mahinahon sa amin. Kapag ako ang kaharap nito.

MASAYA kaming naghapunang mag-iina sa silid ni Mommy. Kahit mabilang lang ang pagsabat-sabat nito sa kulitan at asaran naming mga kasama nito ay masayang-masaya kaming mga anak nitong kahit paano ay nalilibang din namin ito.

Nagpapahangin ako dito sa may veranda ng silid ni Mommy ng biglang mag-vibrate ang cellphone ko at ang mysterious number ang tumatawag. Nilukob ako ng kakaibang kaba pero para namang may sariling isip ang kamay kong sinagot ang tawag nito at pikitmatang itinapat sa tainga ang aparato.

"Did you receive my message, Captain Del Mundo Jr?"

Napalunok ako sa boses nitong buong-buo pero kay lalim na tila sinasadyang ibahin ang totoong boses.

"Yes," simpleng sagot ko.

"Then what are you waiting for? Makakatulong sa'yo ang makikita ng mga mata mo sa address na sinabi ko. May 20 minutes ka pa to get ready, Captain," saad nito at ibinaba na ang tawag ng 'di hinintay ang sagot ko.

Pumasok na ako ng silid at napatitig sa ina naming nahihimbing na rin.

Tinawagan ko naman si Ate Yoona at nagbihis ng muli dahil nakapantulog na ako.

Naka-black sweat pants, black t-shirt at black cap lang ako at sinukbit sa tagiliran ang isang caliber 45 ko. Mahirap ng masalisihan ako lalo't 'di ko naman sigurado kung dapat ko bang pagkatiwalaan ang mysterious caller na nagbigay ng tip sa akin.

Hindi ko rin maintindihan pero parang may nag-uudyok sa aking sumunod sa sinaad nito.

Napakunotnoo si Ate Yoona pagpasok ng silid ni mommy at napasadaan ang ayos ko mula ulo hanggang paa.

"Gabi na, saan ang lakad mo?" mahinang tanong nito.

"May date ako, Ate, mabilis lang ako. Ikaw na munang bahala kay Mommy," pagkakaila kong ikinatango-tango nito.

Mukha namang napaniwala ko sa alibi ko.

"Sige, mag-ingat ka, Dos."

Humalik muna ako kay Mommy bago binalingan ito.

"I will, Ate, salamat."

Napangiwi ito ng humalik din ako sa noo nito.

"Kung hindi ka lang malambing sa lahat iisipin kong nang-iisa ka lang eh," natatawang saad nito at ihinatid pa ako ng pintong tila excited sa lakad ko sa pag-aakalang may ka-date ako.

PAGKALABAS ko ng mansion ay tinawagan ko si Angelique na magkita kami sa lugar na sinaad ng caller sa akin. Mabuti ng may kasama ako para kung sakaling patibong ito ay may nakakaalam ng mangyayari sa akin.

Maaasahan ko naman si Angelique sa lahat lalo na pagdating sa trabaho kaya nga wala akong naitatago dito.

Pumarada ako sa malaking puno ng acacia at ikinubli ang ducati motor ko dahil malapit lang dito ang lugar na sinend sa akin ng unknown number. Ngayon ko lang napansing private pala ang lugar at malayo-layo din sa kabahayan kaya lalo akong nilulukob ng kaba.

Ilang saglit lang ay dumating na rin si Angelique sakay ng bigbike motor din nitong itinabi sa motor ko. Katulad ko ay naka-civilian din ito.

"Anong meron dito? Hindi mo ba alam pag-aari ni Sen Joannes ang compound na 'to? Private property dito, makakasuhan tayo ng trespassing oras na may makahuli sa atin dito, Dos," mahinang saad nito habang nagpapalinga-linga sa paligid.

"Hindi ko alam, pero may unknown number na nag-message at tumawag sa aking may kailangan daw akong makita dito para ma-witness ng mga mata ko kung gaano karumi ang gobyernong pinaglilingkuran natin," bulong kong ikinalingon nito.

Muntik pa kaming maghalikan sa biglaang paglingon nito kaya napingot ako nito sa tainga.

"Sira ka ba? Kinagat mo ang tip sayo. Paano kung ma-set-up tayo?" mahinang asik nito.

"Bahala na, basta dito ka lang. Ako ang papasok sa bahay."

Pinigilan naman ako nito sa akmang pag-alis ko.

"Ayo'ko, bahala na rin. Kung nasaan ka, nandoon din ako," saad nito at nauna ng lumabas sa pinagkukublian namin.

"Ange," mahinang pagtawag ko pero sinenyasan lang akong sumunod.

KABADO akong maingat na lumapit sa likurang bahagi ng bahay dahil maraming bantay ang nagkalat sa labas lalo na sa harapan.

Magkasunod lang naman kami ni Angelique na maingat bawat hakbang palapit ng bahay. May kataasan ang bakod dito pero kapansin-pansing walang bantay pero nagkalat ang cctv sa paligid kaya panay ang kubli namin.

"Tumawag na kaya tayo ng back-up, Dos? Iba ang pakiramdam ko dito eh," mahinang bulong nito.

"Wala na tayong oras. Kung gusto mo ako na lang ang papasok. Bumalik ka sa kinaroroonan natin kanina at tumawag ka doon ng back-up."

"Ayo'ko tara na nga," pagtanggi din naman nito.

Mabilis kaming tumalon sa bakod at maingat na bumaba papasok. Mabuti na lamang at malalaki ang halamanan dito sa likod kaya nakakakubli kami habang palapit nang palapit sa likod ng bahay.

Expert si Angelique sa pagbubukas ng pinto kahit simpleng hairpin lang nito ang gagamitin ay madali niya lang mabubuksan ang pagkakakandado ng pinto kaya saglit lang ay nakapasok na kami dito sa likurang bahagi ng bahay.

Tahimik naman dito at walang kahina-hinala pero nakakabahala pa rin ang katahimikan nito kung malakas ang instinct mo.

Napalinga-linga kami dito sa kusinang bumungad sa amin na wala namang katao. Panay ang kubli namin kahit wala kaming makitang cctv dito sa loob. Napapilig ako ng ulo dahil dalawang palapag lang ang bahay at mukhang walang ibang tao dito pero bakit may mga bantay sa labas?

Napakubli kami ni Angelique nang may dalawang lalakeng naka-mask ang pumasok sa main door na maingat din bawat kilos kaya sinundan namin ang mga ito.

Napanganga na lamang kami na may underground pala dito at sa malaking portrait sa wall na display ang sikretong pintuan! Magkahalong takot at kaba ang lumulukob ngayon sa aking pilit kong nilalabanan! Maging si Angelique ay ramdam kong kinakabahan din ito sa higpit ng pagkakahawak nito sa kamay ko.

Natigilan kami at napakubli sa naglalakihang box dito sa taas ng bumungad sa amin ang tila isang lab! Marami ring tao ditong mga naka-all-white at facemask. Lalo kaming napakubli at sumisilip na lamang sa siwang ng mga box na pinagkukublian namin sa nangyayari sa baba dahil mabilis ang kilos ng dalawang lalakeng sinundan namin na pinatumba ang mga armado ditong mga gwardya!

Nagsisiksikan naman sa iisang gilid ang mga nakaputing mga trabahador sa pagluluto at re-pack ng mga. . . drugs!

Maya pa'y nagsitumbahan na ang lahat ng armadong kalalakihan. Siya namang paglabas ng ilang armado sa isang silid kasunod si. . . senador Joannes?!

"Anong ibig sabihin nito? Hindi ba't tinitingalang pulitiko si sen?" mahinang bulong ni Angelique na nakasilip din sa baba.

"Isa lang ang sigurado, kabilang siya sa mga kurap na nagbabalat kayong naglilingkod sa gobyerno," bulong kong ikinatango-tango nito.

Wala sa sariling hinugot ko ang phone kong naka-silent mode at kinunan ng video si senador na ngayo'y nakangising aso pa sa dalawang naka-maskna lalakeng nakikipagtutukan ng baril sa ilang tao nito.

"Ang talino mo namang. . . naamoy ang nangyayari dito kung sino ka man pero sayang. Dahil ikaw na mismo ang nagdala sa sarili mo sa hukay," nakangising pang-uuyam nito sa dalawang lalakeng kaharap.

"Nagkakamali ka, senador Joannes, dahil ikaw ang dadalhin namin sa hukay. Ang mga katulad mong nakaupo sa pwesto at protector ng mga naglalakihang sindikato ng bansa. . . ang totoong salot sa lipunan. H'wag kang mag-alala, idadagdag ko na ang pangalan mo. . .sa mga sisingilin ko,"  sagot nito.

Iglap lang ay humandusay na sa sahig ang grupo ni senador na duguan at nakadilat pa ang mga mata sa mabilisang pag-asinta ng dalawa sa kanila at puro sa noo ang tama!

Siniguro pa nilang muling pinutukan sa ulo si senador bago mabilis nilisan ang lugar kaya patakbo akong sumunod. Pagkalabas namin ng bahay saka ko lang napansing wala na ang mga nagkalat na bantay sa paligid.

"Stop! Pulis, itaas niyo ang mga kamay ninyo!"  sigaw ko na nakatutok na sa kanilang dalawa ang baril ko.

Natigilan ang mga itong dahan-dahang pumihit. Nanigas ako at kinilabutan ng mapatitig sa isang kumausap kanina kay senador. Napapilig ito ng ulo na tila kinakabisa ang mukha ko.

Maya pa'y napailing itong ibinaba ang baril na nakatutok sa akin at inawat din ang kasamang bakas ang pagtataka tulad ko.

"Sino kayo? Anong alam niyo sa pamamahalang naganap dito?" 

Lumapit na rin si Angelique na nakatutok sa dalawa ang baril tulad ko.

"Hindi kami ang kalaban mo dito, nasa loob ang ibidensya. Mabuti na rin at nandidito ka, ikaw ng bahalang umako sa natuklasan mong illegal na gawain ng isa sa mga kagalang-galang na senador ng bansa. Isipin mo na lang. . . regalo ko 'yon sa'yo." 

Napapilig ako ng ulo sa normal nitong pakikipag-usap na hindi mababakasan ng takot o kaba kahit pa ba nakatutok sa kanya ang baril.

"Ikaw. . . sino ka ba?" wala sa sariling tanong ko.

Saglit itong natigilan na matamang tinitigan ako dahil dalawang hakbang na lang ang pagitan namin.

"Tawagin mo na lang ako sa pangalang. . . Suprimo."

Nanigas ako sa narinig at nanginig ang mga tuhod ko! Parang biglang natakasan ako ng lakas na marinig ang pangalan nitong. . . Suprimo.

"Ikaw!"

Sinugod ko itong sinuntok pero mabilis nitong sinalo ang kamay ko at iniikot sa likuran ko!

Lalo akong nanigas at hindi makakilos kahit na hindi naman mahigpit ang pag-lock nito sa braso ko sa likod ko pero sobrang higpit ng pagkakayakap nitong ikinalukob ng kakaibang damdamin sa puso ko!

Parang nagugustuhan ng puso ko ang pagkakayakap nito sa akin mula sa likuran ko na tila may koneksyon kami sa isa't-isa! Hindi ako makapanlaban dahil walang plano ang katawan kong saktan ito dahil nangingibabaw ang kakaibang saya sa puso kong 'di ko batid kung bakit?!

"B-Bitawan mo ako," nauutal kong saad sa mahigpit nitong pagkakayakap sa akin.

"Masaya akong makita ka. . . Captain Jr Del Mundo," bulong pa nito at itinulak na ako kaya muntik pa akong mapasubsob sa damuhan kung hindi ako nasalo ni Angelique.

Naalarma akong napatakbo sa sinuotan ng mga ito pero kaagad ng nakalayo ang humaharurot na motor na sinakyan ng mga ito. Siya namang datingan ng pulisya na kaya nanghihina akong napaluhod at rumagasa ang luha.

"Dos, tama na,"  pag-aalo ni Angelique na yumakap sa akin.

"Ang t*langa ko! Ang tanga-tanga ko, Ange. Hawak ko na siya, kaharap ko na siya. . .pero wala akong nagawa. Kung sana binaril ko na lang siya 'di sana nakuha ko na ang hustisya para sa pagkitil niya sa buhay ng ama ko."

"H'wag mong sabihin 'yan. Pero kung siya nga si Suprimo, possible ding hindi siya ang pumatay sa ama mo, Dos. Higit dalawang dekada na ang nakalipas pero. . . pero medyo bata pa ang nakaharap natin sa tindig at boses nito."

Napailing akong inalalayan nitong makatayo.

"Siya man o hindi ang nakapatay sa ama ko. Grupo niya pa rin ang salarin kaya naulila kami."

"Pero. . . bakit pakiramdam ko mabuti siyang tao? Tignan mo, hindi niya tayo dinamay kahit pa nagpakilala kang pulis. Maging ang mga civilian sa loob. Wala rin siyang ginalaw sa lahat ng evidence sa loob ng lab."

Natigilan akong napatitig dito.

"Naramdaman mo rin? Na hindi siya. . .kalaban natin?" 

Napatango-tango itong napangiti.

"Kaya nga hindi ko rin nagawang kalabitin ang baril ko kahit pa yakap ka na niya."

LABAG man sa loob ko ay inako namin ni Angelique ang nangyari sa private house ni senador. Kaagad ding naibalita ang nangyari dito at pinalabas naming nahuli sila sa akto pero. . . nanlaban ang mga ito.

Napangaralan pa kami ni Angelique ng president ng bansa dahil sa malaking achievement naming pagkahuli sa isang protector nang mga sindikato na nakaupo sa gobyerno.

Pero kung ang buong departamento ko ay masayang-masaya sa amin at nagawa pang magpa-party? Iba naman sa pamilya ko dahil lahat sila'y sinermonan ako sa pagsuong ko sa panganib! Hindi ko na lamang binanggit na nakaharap ko si Suprimo dahil lalo lang nila akong sasabunin at pipilitin na namang bumitaw sa tungkulin!

Ilang araw din akong hindi kinikibo ng mga kapatid ko dahil sa nangyari. Naipabalita kasing kami ni Angelique ang nakahuli sa akto sa ginagawang illegal ng dating senador.

NAKASANDAL ako sa glass wall ng mens department dito sa mall namin at hinihintay si Angelique dahil ngayon pa lamang kami makakapag-celebrate ng solo sa achievement namin noong nakaraan.

Panay ang tingin ko sa wrists watch ko dahil late na ito katulad ng nakakagawian! Pinagtitilian na nga ako dito dahil kilala ako ng mga staff dito at nakakaagaw pansin naman talaga ako kaya maging mga costumer ay nagiiritang nakatitig sa akin.

Palakad-lakad ako dahil pakiramdam ko'y namamanhid na ang mga paa kong nakatayo ng may makabunggo ako!

Napatili pa ito sa gulat. Mabuti na lamang at napayapos ako sa malambot nitong baywang bago pa sumubsob sa sahig!

Nanigas ako at parang nag-slow-motion ang paligid ng maitayo ko ito at humarap sa akin ang. . . napakaganda niyang mukha. Maging ito ay natigilang napatitig sa akin na nangingislap ang mga mata.

Wala itong kakolo-kolorete sa mukhang lalo niyang ikinaganda! Makinis at medyo morena ang balat nitong ikinabagay naman nito kahit pa naka-kupas na maong, white sneakers at white shirt lang ito na nakalugay ang mahaba at unat na unat nitong itim na buhok. Pilipinang-pilipina ang angking ganda nito na nakakaagaw pansin sa mga kalalakihan!

"B-Bagyo? Ikaw nga!" bulalas nito at napayakap pang tila tuwang-tuwa na ikinanigas ko at nagpasinghap sa mga tao sa paligid.

"Anong nangyari sa'yo?! Bigla kang nag-glow-up! Share mo naman ang ginamit mo, teka? Naka-contact lens ka ba? Nakikita mo ako ng malinaw? Sabi ko naman sa'yo eh. . . mas gwapo kang hindi ka naka-reading glasses kita mo na!" sunod-sunod na bulalas nito.

Napanganga ako ng maalala. . . si Bagyo!

"Shit! Anong gagawin ko?!"

Related chapters

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 5

    DOS:NAPALINGA-LINGA ako sa paligid namin na ngayo'y nagbubulungan at pasimple na rin kaming kinukunan ng videos. Kaya isinuot ko na ang shades ko at hinila sa kamay ang dilag na napagkamalhang ako si Bagyo. Ang bagong kaibigan kong kapangalan at kamukha ko.Nagpatianod lang naman ito hanggang sa sumakay kami ng private elevator kung saan pamilya lang namin ang may access na gumamit dito sa mall.Lihim akong napapangiti na hinayaan lang naman ako nitong naka-intertwined ang mga daliri namin. Hindi man gaanong malambot ang kamay nito na mas malambot pa ang kamay ko'y may puwang pa rin sa puso kong kinikilig at nagugustuhan ang pagkakahawak ko sa kamay nito.Pipi akong nagdarasal na sana. . . sana hindi ito kasintahan ni Bagyo. Sayang naman kasi. Ngayon lang ako naka-encounter ng katulad niyang walang kaarte-arte sa katawan at pananalita para magpa-impressed sa akin."Woohh?! T-Teka, Bagyo, kanino 'toh?!" gimbal nitong bulalas paglabas namin ng elevator at dinala ito sa sportscar kong a

    Last Updated : 2024-03-05
  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 6

    DOS:PALINGA-LINGA ako sa paligid pagkababa namin ni Rose sa bungaran ng kanilang nayon. Tahimik na ang paligid at may mga ilaw pa rin naman sa mga kabahayan ditong magkakatabi-tabi lang.May mga iilang tao pa sa paligid pero normal lang naman ang kilos nila kung saan nagkukwentuhan habang nag-iinuman sa balkonahe ng bahay.Wala rin akong makitang may mga dalang baril kung kuta man ito ng mga teroristang pinamumunuan ni Suprimo."Dito nakatira si Bagyo kasama ang ama niya," mahinang bulong nito pagkatapat namin sa pinakagitnang bahay."May hinahanap ka?" bulong pa nitong kaagad kong ikinailing at matamis itong nginitian dahil nanunuri ang ginagawad nitong tingin."Ang tahimik naman dito." Nakitabi na ako sa pag-upo nito sa pahabang upuang kawayan dito sa loob ng balkonahe ng bahay nila Bagyo."Maagang natutulog ang mga tao dito dahil maaga rin gumigising," simpleng sagot nito."Ano bang pinagkaka abalahan niyo dito?" pag-uusyoso ko at pinapakiramdaman ang reaks'yon nito."Ano pa nga

    Last Updated : 2024-03-06
  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 7 Back home

    DOS:UMIIKOT ang paligid ko sa mga nangyayari! Sumisikip din ang dibdib ko sa halo-halong nararamdaman ko ngayon na hawak ko si Daddy. Buhay siya. . . at siya nga si Suprimo na pinuno ng mga terorista. Tama lahat ng mga kutob ko."Dos a-anak, o-okay ka lang ba?"Sa umiikot kong paningin ay napangiti akong marinig ang pagbigkas niya sa pangalan ko at sa pagtawag sa akin ng. . .anak."D-Daddy. . . h'wag kang umalis," naghihingalong pakiusap ko at mahigpit na nakahawak sa braso nito.Nakaalalay naman ito sa akin na napasandal sa kanya sa kawalang lakas ng mga tuhod ko."A-Anak.""Nagmamakaawa ako, Daddy.""Dos!" Dinig ko pa ang pagsigaw nito sa pangalan ko kasabay ng tuluyang pagbagsak ko sa bisig nitong ikinangiti ko.NAPAKUNOTNOO ako at pinakiramdaman ang paligid. Napakatahimik dito at parang nakakarinig ako ng hampas ng mga. . . alon?!Napabalikwas ako ng upo at napalunok na mabungaran ang paligid ko! Iginala ko ang paningin at napagtantong nasa baywalk lang naman ako ng Manila bay.

    Last Updated : 2024-03-07
  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 8

    BAGYO JR:TAHIMIK akong nagkukubli dito sa likod ng bahay na nakikinig sa susunod na hakbang nila Tatay sa pagbaba sa syudad. Kabado man at pakiramdam ko'y tatraydorin ko si Tatay pero kung hindi ako kikilos? Hindi sila magkaka-encounter ni Dos. Alam ko namang nangungulila na rin si Tatay sa pamilya niya. At kahit masakit sa akin. . . nakahanda akong magsakripisyo maibabalik lang siya sa kung saan siya dapat naroroon. At 'yon ay sa syudad. Kung saan naroon. . . ang totoong pamilya niya.Pagkalabas nila ng nayon ay palihim akong sumabit sa jeep nito at sumunod sa kanila pababa ng bayan. Mabuti na lang at hindi sila nakakahalata ng lumipat na sila sa bigbike motor na nirentahan nila habang nakasunod ako sa 'di kalayuan.PAGDATING namin ng syudad ay agad kong hinanap sa internet ang pangalan ni Dos. Mabuti na lang at nakalagay sa page ng headquarters nila ang cell number ni Police Captain nila kaya napadalhan ko ito ng mensahe tungkol sa magaganap na kilos nila Tatay at Tito Troy, ang a

    Last Updated : 2024-03-08
  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 9

    TYPHOON SR:MALUHA-LUHA akong pinagmamasdan ang asawa kong ngayo'y nahihimbing na. Halos ayaw na nga nitong matulog sa takot na paggising ay wala na akong makagisnan nito. Salitan nga kami ng anak kong si Dos na sinusuyo itong magpahinga na dahil hindi maganda sa kanya ang magpuyat.Lalo akong kinakain ng kunsensya ko habang pinagmamasdan ko ito. Ngayon ko lang mas nabigyan pansin ang itsura nitong namumutla at nangayayat na. Bakas din sa mga kamay nito ang mga turok ng karayom sa kanyang mga ugat sa tuwing tinuturukan siya ng pampatulog kapag nagwawala ito lalo na kung hindi nila maipakita sa kanya ang anak naming bunso sa triplets. Si Dos."Dad, magpahinga na rin po kayo." Napangiti akong umiling sa sinaad ng anak kong nakahiga na sa paanan nitong kama ng kanyang ina.Wala pang ibang may alam dito sa mansion na nandito na ako bukod sa aming apat na nandidito sa silid. Lumabas na rin ang pinsan ni Dos na isa pa lang psychiatrist doctor ni Catrione na anak ni Cathleen at Ethan, si

    Last Updated : 2024-03-09
  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 10

    DOS:NAGKAKATUWAAN kami ng mga kapatid at pinsan ko dito sa Bar ng resort na tinuluyan namin sa isla ng Jeju. Habang ang matatanda naman ay nagkaharap-harap sa kabilang cottage at ang mga babae ang siyang nagbantay sa mga batang makukulit."So, Dos. What's your next plan, couz?" Napalingon ako kay Kuya Claude sa tanong nito kaya nakamata na silang lahat sa akin.Si kuya Claude ay ang bunso nila Tita Cathleen at mag-isang lalake sa kanilang magkakapatid."As I promised to Mom? Isarado ko lang ang kasong hawak ko. Pagkatapos nito, lalagay na ako sa tahimik," kibit balikat kong sagot na ikinasinghap pa ng mga ito."What do you mean? Magpapakasal na ba kayo ni Ange?" Napangiwi ako kay Kuya Akhiro sa sinaad nito. Ang panganay nila Tito Khiro."No, it's not her, Kuya." Napanganga naman ang mga itong mas lalong inilapit ang mga upuan sa akin para makiusyoso sa buhay ko."And who's this unlucky woman, young officer?" nakangising tudyo ni Kuya Kieanne. Panganay ni Tito Khiranz."Tss. You're

    Last Updated : 2024-03-10
  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 11

    BAGYO JR:LUMIPAS ang mga araw at naging maayos naman ang pamumuno ko sa nayon namin. Kaya kahit paano ay masaya akong naging maganda ang kinalabasan ng paghaharap nila Tatay at Dos kahit na ang kapalit nito ay malalayo na si Tatay sa akin."Bay, kailan tayo luluwas ng syudad?" Napaangat ako ng mukha sa sinaad ng kaibigan ko habang nandidito kami sa clinic at hinihintay matapos ang klase ni Rosas ng sabay-sabay na kaming aakyat sa nayon."Wala pang kumpirmasyon para sa sunod na galaw ni sen Tudiasi, bay. Bakit?" sagot ko.Napanguso naman itong pinakibot-kibot pa na tila naiinip."Namimis ko na si poging bay eh. Saka nangako siyang pasasakayin niya ako sa susunod sa astig niyang kotse eh," anito.Napangiwi akong pinaningkitan itong napangiwi din ang ngiti."Para kang bata. Paano ka ba naging public attorney sa mindset mong 'yan? Malapit na akong magdudang nandaya ka kaya pumasa ka ng board," saad ko.Napalis ang ngiti nitong sinamaan ako ng tingin na natatawa sa itsura nito."Ang bait

    Last Updated : 2024-03-11
  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 12

    DOS:NAIILING na lamang akong napapanguso. Habang tumutungga ng beer at nanonood sa mga nagkakagulong tao sa dancefloor nitong bar namin. Dahil ang makukulit kong Kuya ay binitbit si Bagyo para dalhin dito sa Bar ng maka-bonding naman daw. At ako? Heto at parang hangin sa kanila. Hindi ko alam kung nananadya ang mga itong si Bagyo lang ang kinakausap o sadyang gaya ko ay tuwang-tuwa lang din silang may isa pa kaming kapatid."Ayos ka lang ba, Dos?""Hmm?" Nakanguso akong nagtatakang nilingon bahagya ang katabi ko sa tanong nito."May problema ba?" ulit nito na mas malakas ang boses. Maingay kasi dito sa pwesto dala ng mga nagkakasiyahang lasing na sa dancefloor. Idagdag pa ang malakas na tugtugin ng live band na nagpe-perform tonight."Wala naman. Ikaw masaya ka ba?" baliktanong ko. Ngumiti naman itong tumango-tango at tinungga na rin ang inuming beer."Honestly, Dos. First time kong magpunta sa gan'to--" Napakunotnoo ako nang matigilan ito na nakamata sa kabilang table kaya napa

    Last Updated : 2024-03-12

Latest chapter

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 35

    DOS:"CHEERS!!" Sabay-sabay naming kampay ng mga pinsan ko. Matapos naming maisara ang kaso ng terrorism ay bumaba na kami ni Ange gaya ng plano. Matagal-tagal na dramahan ang nangyari sa headquarters namin sa paghihiwalay namin ng buong departamento ko lalo na ng team Alpha na pangalan team namin."Tuloy na ba ang kasalan?" tudyo ni Kuya Kieanne na palipat-lipat ng tingin sa amin ni Bagyo. Napangiti akong nilingon sina Rose at mga ate ko sa gawi ng pool kung saan sila nagkakasayahang mga babae."I guess," tumatango-tangong sagot ko."Yooowwnn!! Cheers to that then, young man!" masiglang hiyaw ni Kuya Akhiro kaya muli naming pinag-to-toss ang aming beer."Ikaw, bunso. Mayaya mo na ba?" tudyo ni Kuya Tyrone kay Bagyo na ikinalingon namin dito. Napangiti itong napailing."Wala eh, hindi pa naman niya ako tinatanong." Nasamid kaming lahat sa sagot nitong ikinahalakhak nito na hinagod kami ni Kuya Akhiro na katabi nito."Damn, young man. Ikaw ang magtanong sa kanya," natatawang saad ni

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 34

    DOS:ILANG araw lang kami ng hacienda dahil kailangan din naming bumalik agad ng syudad. Nagpaiwan naman si Mommy at Daddy doon maging si Tight at Angelica. Para doon na magsimula ng bagong buhay kasama ang dating ka-nayon ng mga ito. Sumama naman pabalik si Bagyo at Rose sa amin. Syempre, hindi ako makakapayag na maiiwan ang sweetheart ko doon sa hacienda. Lalo na't nagkalat din kaya ang mga binatang tauhan namin doon. Mahirap ng malingat lang ako ay makuha nila ang bulaklak kong hindi ko pa nadidiligan."Bunso, kinakabahan ako. What if, what if may mangyari sa mission nating ito?" kabadong saad ko dito. Kasalukuyan kaming naghahanda sa paglusob sa hideout ni General Altamerano. Mabuti na lang at naiintindihan ni Angelica na kailangan naming dakpin ang ama nito. Siya nga rin ang nagbigay ng hideout na kinaroroonan ng ilang warehouse na lutuan ng mga bawal na gamot na pinoprotektahan ng ama nito. Pinagtapat din namin ang tungkol sa biological mother nito na natanggap nito. Matagal

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 33

    BAGYO:NANGINGITI akong pinagmamasdang nahihimbing si Ange sa tabi ko. Matapos madali si Tight ng mga honeybee sa manggahan ay pinagaling na muna namin ito at salitang inaalagaan dahil sa lala ng natamo. Lagi pa kaming nakakatikim ng batok, kurot at sabunot ni Dos kina Ange at Rosas. Dahil 'di namin maiwasang mapabungisngis sa tuwing mapapatingin sa itsura ni Tight. Lumubo kasi ang mukha at kumapal ang mga namamagang labi! Kahit mga mata ay parang mata na ng zombie na kay lalaki ng talukap at eyebags na halos hindi makadilat."Ang ganda talaga," nangingiting saad ko habang hinahaplos ito sa pisngi."Matagal na, baby." Namula ako na gising na pala ito at narinig ang compliment ko. Napahagikhik itong sumubsob sa dibdib kong ikinalunok ko lalo na't nandidito kami sa silid ko.Nakitulog kasi ito dito na underwear lang ang suot dahil hindi raw makatulog kapag nakadamit. Napakainit at lambot ng katawan nitong nakasiksik sa akin. Kahit nakasuot ako ng manipis na pajama at white sando ay na

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 32

    TIGHT:NAPAKALAPAD ng ngiti ko habang hawak-kamay kami ni Angelica na naglalakad dito sa may manggahan sa hacienda nila Dos at Bagyo. Mabuti na lang at sumama si Angelica dito ng hindi na naman ako maiinggit sa apat kong kaibigan na wagas magtukahan sa tuwing magkakasama kame. Tila iniinggit lang ako. Pero ang sabi naman ni poging bay, panooren ko lang kung paano siya humalik para matuto ako kapag nagka-gerpren ako. At ngayon mai-aplay ko na ang mga walastek nilang da-moves ng kambal netong si Bagyo.Hindi ko mapigilang mapangite habang marahang pinipisil-pisil ko ang napakalambot na palad ng langga ko. Maging ito'y pinipisil-pisil den naman ang palad ko kahit pa magaspang at may mga kalyo ito hayst! Nakakaheya nga dahil parang bulak sa lambot ang palad neto pero. . . kakapalan ko na lang ang fes ko!"Langga, kaya mong umakyat?" Natigil naman sa paglalakbay ang diwa ko ng mapahinto ang langga ko at matamang nakatingala sa malaking puno ng mangga. Ilang hektarya den itong manggahan

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 31

    DOS:KABADO ako habang tinatahak ang daan papunta sa headquarter ni General Altamerano. Para sa parangal na matatanggap ng buong team ko sa pagkakasara namin ng malaking kasong hawak namin. Alam ko namang isa siya sa mga dapat alisin namin ni Bagyo sa serbisyo. Dahil kaya malayang nakakagalaw noon si Althea ay dahil ito ang tumutulong sa kanya. Nakakapanghinayang lang dahil dati siyang matalik na kaibigan ni daddy ng magkasama pa sila sa serbisyo. Napapabuga ako ng hangin habang nagse-ceremony ang angkan ng kapulisan dito sa harapan ng PNP headquarters ni General Altamerano. Marami din naman akong kasabayan na mapo-promote kasama syempre ang buong team ko pero nakakakaba pa rin.Nanagangatog ang mga tuhod ko ng tawagin na ang departamento namin ni General na magtungo ng stage at isa-isang kabitan ng badge para sa pagtataas ng ranggo namin. Tuwid na tuwid ang pagkakatayo namin at isa-isang kinamayan ang mga pinuno ng PNP na nandidito. Kabado man ay pinilit kong kalmahin ang sarili

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 30

    BAGYO:ILANG linggo rin kaming nanatili sa hospital nila Tight at Rosas dahil sa lala ng mga tinamo naming injuries. Nakakalungkot lang na marami pa rin ang nalagas sa mga ka-nayon ko. At kabilang na nga doon ang kinilala kong ina buong buhay ko. Si Althea. Mabuti na lamang at mas marami pa rin namang natira na siyang sumuko. Noong nilusob kami sa Basilan ng join forces ng team ni Dos at ang private army ng pamilya Montereal. Kaya madali nila kaming nakuha. Alam ko namang napipilitan lang ang mga kasamahan naming sundin noon si Althea dala ng takot para sa kapakanan kaya napapasunod sila noon sa bawat utos nito. Pero, mabuti na lang at natapos na.Nakahinga kami nila Rosas at Tight ng maluwag na naabswelto na ang buong nayon. Sa pagbabalik loob nila sa pamahalaan at ngayon nga ay nasa hacienda na sila ng Montereal. Ang sabi ni Dos ay doon na ang pangalawang tatawaging tahanan nila. Kung saan malayang makakapagsimulang muli. Gusto na nga rin naming sumunod doon. Pero may mga hindi p

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 29

    CATRIONE:NAPANGISI ako ng masundan namin ni Angelique si Althea na natatarantang bumababa ng burol. Hila-hila si Rose na nanghihina at. . . duguan. Puno din ng pasa ito lalo sa mukha at halos hindi na nga namin makilala! Nangingitim ang dalawang malaking blackeye nito sa mga mata, sabog-sabog ang buhok, kulay ube na rin ang kabilaang pisngi at nangingitim ang mga labi sa natuyong dugo mula doon. Napakuyom ako ng kamao. Halang talaga ang bituka nito.Maingat kaming tumakbo ni Ange na inunahan ito at nang ma-corner. Dalawa pa kaming tinutukan ito ng baril. Natigilan si Rose dahil panay ang lingon ni Althea sa likuran nito na wala na ang mga tao nitong nakasunod lang kanina kung saan dakip ang anak ko at ibang kasama ng mga ito."Longtime no see. . . Althea Arabella Montereal. Did you missed this gorgeous Cat?" nakangising pang-uuyam kong ikinatigil nito at dahan-dahang napalingon. Namutla ito na mabungaran kami ni Ange na nakatutok sa kanya ang baril namin kaya itinutok naman niya ka

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 28

    Dos:NATIGILAN KAMI SA masinsinang pag-uusap ng pamilya ko ng mag-ring ang cellphone ko. Napapilig ako ng ulo na unregistered number ang caller at muling nilukob ng kaba."Who's calling?" ani Ange ng mapansing natulala ako. Napailing ako at pilit ngumiti."Unregistered, baka nangpa-prank na naman. Nakakainis, magpalit na kaya ako ng number ang daming tumatawag sa akin na unregistered dahil nakalagay sa page natin ang number ko" reklamo ko at muling ibinulsa ang phone ko.Pero muli na namang tumawag ang caller."Sagutin mo na muna anak" ani daddy na natigilan na naman sa pagdi-discuss ng mga lugar na maaaring pinagdalhan nila kina Bagyo. Napahilot ako ng sentido at nanggigigil na sinagot ang makulit na caller."Hello?!" iritadong sagot ko."C-Captain Typhoon Del Mundo JR" ani ng baritong boses sa kabilang linya. Napahilot ako sa kilay kong salubong at napahingang malalim. Sabi na eh, may nangti-trip na naman sa akin kaya kinuha ang number ko sa page ng headquarters namin."Speaking?" n

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 27

    BAGYO:NANIGAS ako nang nagsilapit na ang ilang kalalakihan na kasamahan namin dito sa nayon at dinakip nga kami nila Rosas! Napalingon ako kina Tito Troy na umiling lang sa aking nagpapahiwatig na hindi na ako manlalaban at hayaan ang mga ito! Napakuyom ako ng kamao at hinayaang itali nila ang mga kamay ko sa likod maging sina Tight, Rosas, Tito Troy, Asiong at Tita Daisy!Ikinulong nila kami sa bakanteng bahay at kinandado pa sa labas. Nanghihina kaming napaupo sa kahoy na sahig."Patawad ho. Nadamay pa kayo, Tito, Tita," nakayukong paumanhin ko na tumutulo ang luha ko."Hindi ka namin sinisisi, anak. Mas kakampihan ka naman namin kaysa sa baluktot na katwiran ng ina mo," ani Tito Troy na ikinailing ko."Alam niya ang mga nangyayari at malamang ay nagpaplano na pala siya ng 'di natin namamalayan. Masyado akong nakampante na maayos ang samahang pinamununuan ko at nag-focus lang sa mga kalaban sa gobyerno," 'di ko mapigilang sisihin ang sarili sa kapabayaan ko!"Ang sama talaga ng in

DMCA.com Protection Status