TYPHOON SR:MALUHA-LUHA akong pinagmamasdan ang asawa kong ngayo'y nahihimbing na. Halos ayaw na nga nitong matulog sa takot na paggising ay wala na akong makagisnan nito. Salitan nga kami ng anak kong si Dos na sinusuyo itong magpahinga na dahil hindi maganda sa kanya ang magpuyat.Lalo akong kinakain ng kunsensya ko habang pinagmamasdan ko ito. Ngayon ko lang mas nabigyan pansin ang itsura nitong namumutla at nangayayat na. Bakas din sa mga kamay nito ang mga turok ng karayom sa kanyang mga ugat sa tuwing tinuturukan siya ng pampatulog kapag nagwawala ito lalo na kung hindi nila maipakita sa kanya ang anak naming bunso sa triplets. Si Dos."Dad, magpahinga na rin po kayo." Napangiti akong umiling sa sinaad ng anak kong nakahiga na sa paanan nitong kama ng kanyang ina.Wala pang ibang may alam dito sa mansion na nandito na ako bukod sa aming apat na nandidito sa silid. Lumabas na rin ang pinsan ni Dos na isa pa lang psychiatrist doctor ni Catrione na anak ni Cathleen at Ethan, si
DOS:NAGKAKATUWAAN kami ng mga kapatid at pinsan ko dito sa Bar ng resort na tinuluyan namin sa isla ng Jeju. Habang ang matatanda naman ay nagkaharap-harap sa kabilang cottage at ang mga babae ang siyang nagbantay sa mga batang makukulit."So, Dos. What's your next plan, couz?" Napalingon ako kay Kuya Claude sa tanong nito kaya nakamata na silang lahat sa akin.Si kuya Claude ay ang bunso nila Tita Cathleen at mag-isang lalake sa kanilang magkakapatid."As I promised to Mom? Isarado ko lang ang kasong hawak ko. Pagkatapos nito, lalagay na ako sa tahimik," kibit balikat kong sagot na ikinasinghap pa ng mga ito."What do you mean? Magpapakasal na ba kayo ni Ange?" Napangiwi ako kay Kuya Akhiro sa sinaad nito. Ang panganay nila Tito Khiro."No, it's not her, Kuya." Napanganga naman ang mga itong mas lalong inilapit ang mga upuan sa akin para makiusyoso sa buhay ko."And who's this unlucky woman, young officer?" nakangising tudyo ni Kuya Kieanne. Panganay ni Tito Khiranz."Tss. You're
BAGYO JR:LUMIPAS ang mga araw at naging maayos naman ang pamumuno ko sa nayon namin. Kaya kahit paano ay masaya akong naging maganda ang kinalabasan ng paghaharap nila Tatay at Dos kahit na ang kapalit nito ay malalayo na si Tatay sa akin."Bay, kailan tayo luluwas ng syudad?" Napaangat ako ng mukha sa sinaad ng kaibigan ko habang nandidito kami sa clinic at hinihintay matapos ang klase ni Rosas ng sabay-sabay na kaming aakyat sa nayon."Wala pang kumpirmasyon para sa sunod na galaw ni sen Tudiasi, bay. Bakit?" sagot ko.Napanguso naman itong pinakibot-kibot pa na tila naiinip."Namimis ko na si poging bay eh. Saka nangako siyang pasasakayin niya ako sa susunod sa astig niyang kotse eh," anito.Napangiwi akong pinaningkitan itong napangiwi din ang ngiti."Para kang bata. Paano ka ba naging public attorney sa mindset mong 'yan? Malapit na akong magdudang nandaya ka kaya pumasa ka ng board," saad ko.Napalis ang ngiti nitong sinamaan ako ng tingin na natatawa sa itsura nito."Ang bait
DOS:NAIILING na lamang akong napapanguso. Habang tumutungga ng beer at nanonood sa mga nagkakagulong tao sa dancefloor nitong bar namin. Dahil ang makukulit kong Kuya ay binitbit si Bagyo para dalhin dito sa Bar ng maka-bonding naman daw. At ako? Heto at parang hangin sa kanila. Hindi ko alam kung nananadya ang mga itong si Bagyo lang ang kinakausap o sadyang gaya ko ay tuwang-tuwa lang din silang may isa pa kaming kapatid."Ayos ka lang ba, Dos?""Hmm?" Nakanguso akong nagtatakang nilingon bahagya ang katabi ko sa tanong nito."May problema ba?" ulit nito na mas malakas ang boses. Maingay kasi dito sa pwesto dala ng mga nagkakasiyahang lasing na sa dancefloor. Idagdag pa ang malakas na tugtugin ng live band na nagpe-perform tonight."Wala naman. Ikaw masaya ka ba?" baliktanong ko. Ngumiti naman itong tumango-tango at tinungga na rin ang inuming beer."Honestly, Dos. First time kong magpunta sa gan'to--" Napakunotnoo ako nang matigilan ito na nakamata sa kabilang table kaya napa
Dos:NGITING TAGUMPAY akong pumasok ng silid ko dahil napapayag ko si Bagyo na ako ang babalik sa nayon nila bukas. Nakapag-file naman ako ng ilang araw na leave sa trabaho kaya malaya kong bisitahin ang sweetheart ko. Nandito din daw sa syudad si Tight na katatapos lang ang hearing at naka-check-in sa tinuluyan nilang hotel. Ngayon ko lang nalamang abogado pala ang lokong 'yon. Akala ko kalokohan lang ang alam sa sarili. May naitatagong talino pala!"Gan'to pala kasaya magkaroon ng kumpletong pamilya, Dos. Hindi ko maipaliwanag ang sayang naghahari sa puso ko" napangiti akong pinatay na ang hair blower at ipinasa dito.Katatapos lang naming maligo at syempre....dito siya sa silid ko tumuloy kahit pa marami namang guests room ang available dito sa mansion nila mama Liezel. Gusto ko ring maka-bonding ito ng maranasan ko namang makakwentuhan ang kapatid ko bago matulog. Hindi ko kasi naranasan iyon kina kuya kasi nga, kay mommy ako laging nakatabi mula pagkabata hanggang ngayong binata
Dos:"Uhmm... s-sweetheart" 'di ko mapigilang mapangiti ng sa wakas ay hindi na ito umaangal sa ginagawad kong panghalik ng may kapusukan sa kanyang mga labi!"Uhmm...D-Dos..." hinihingal kaming naghahabol ng hiningang napabitaw sa isa't-isa.Tumatama na rin ang mainit at mabangong hininga nito sa pagkakadikit ng mga noo namin at halos nagpapalitan na lang kami ng nilalanghap na hangin.Napapikit ako ng umangat ang mga palad nitong nakakapit sa mga braso paakyat sa leeg at pisngi ko."Are you mad sweetheart?" bulong kong ikinailing nito.Gumaan ang loob kong hindi ito galit sa pagsisiil ko sa kanyang mga labi. Kahit walang ilaw at madilim ang kinaroroonan nami'y ramdam ko ang matiim nitong mga matang nanunuot hanggang buto ko habang marahang humahaplos ang mga hinlalaki nito sa pisngi ko."F*ck that bird!" napahagikhik itong sumubsob sa leeg ko ng mapamura ako dahil muli na namang humuni ang lintik na ibong tiktik na 'yon!Kinikilabutan ako sa tuwing humuhuni itong tila nag-aaya na ng
DOS:KABADO ako ng mabungaran ang buong ka-nayon nila Rose na nagkukumpulan dito sa harapan ng kabahayan na tila nagmi-meeting abanse. Pasimpleng bumitaw si Rose sa pagkaka-intertwined ng mga daliri namin ng mapalingon silang lahat at nagsihawi.Bumungad sa amin ang pinagdikit-dikit nilang lamesa sa gitna na puno ng iba't-ibang uri ng pagkain at mga prutas. Napapilig ako ng ulo at nagpatianod ng akayin ako ng ilang kababaihan sa gitna. Nakangiti ang mga itong napapayuko pa sa akin. Maliban sa isa na hindi ko mabakasan ng tuwa sa mga mata nito kundi pagkairita. Si Tita Althea, ang ina ni Bagyo."Suprimo, binabati ka namin sa pagkakalutas at exposed mo sa mga illegal na gawain ng isa sa mga senador nitong bansa natin. Napakahusay mo. Manang-mana ka sa iyong ama." Pilit akong ngumiti sa sinaad ng isang may katandaang lalake na siyang nag-abot sa akin ng isang basong tubig.May mga hawak na rin ang mga itong itinaas pa kaya napagaya na akong nangingiti sa kanilang lahat."Para sa tagump
Dos:NGITING TAGUMPAY AKONG napatitig kay Rose na pulang-pula sa wala sa oras niyang pag-amin na umani ng hiyawan at tilian sa amin ng buong nayon.Panay pa ang kurot nitong gigil na gigil sa akin at 'di makatingin sa mga mata kong nanunudyo sa kanya. Parang nawala ang kalasingan ko na napasagot ito at sa harap pa ng lahat!"Sweetheart" malambing tawag ko ng napakatahimik na nito habang nandidito na kami sa bahay. Natahimik na rin ang paligid mula sa kasiyahang naganap kanina at mukhang tulog na ang mga tao.Napahalukipkip itong napatingala sa bilog na buwan na napapanguso."Dos" saway nito sa pagyakap ko mula sa likuran at nakidungaw na rin dito sa bintana na pinagmasdan ang may kabilugang buwan."Saan mo gustong magpakasal tayo sweetheart? Dito o sa syudad? P'wede ring beach wedding o kaya abroad" napailing itong binaklas ang mga braso kong nakayapos sa baywang nito at pumihit paharap."Ang bilis mo talaga, kasasagot ko pa nga lang sayo eh. Kasal agad?" napabungisngis akong sumubsob
DOS:"CHEERS!!" Sabay-sabay naming kampay ng mga pinsan ko. Matapos naming maisara ang kaso ng terrorism ay bumaba na kami ni Ange gaya ng plano. Matagal-tagal na dramahan ang nangyari sa headquarters namin sa paghihiwalay namin ng buong departamento ko lalo na ng team Alpha na pangalan team namin."Tuloy na ba ang kasalan?" tudyo ni Kuya Kieanne na palipat-lipat ng tingin sa amin ni Bagyo. Napangiti akong nilingon sina Rose at mga ate ko sa gawi ng pool kung saan sila nagkakasayahang mga babae."I guess," tumatango-tangong sagot ko."Yooowwnn!! Cheers to that then, young man!" masiglang hiyaw ni Kuya Akhiro kaya muli naming pinag-to-toss ang aming beer."Ikaw, bunso. Mayaya mo na ba?" tudyo ni Kuya Tyrone kay Bagyo na ikinalingon namin dito. Napangiti itong napailing."Wala eh, hindi pa naman niya ako tinatanong." Nasamid kaming lahat sa sagot nitong ikinahalakhak nito na hinagod kami ni Kuya Akhiro na katabi nito."Damn, young man. Ikaw ang magtanong sa kanya," natatawang saad ni
DOS:ILANG araw lang kami ng hacienda dahil kailangan din naming bumalik agad ng syudad. Nagpaiwan naman si Mommy at Daddy doon maging si Tight at Angelica. Para doon na magsimula ng bagong buhay kasama ang dating ka-nayon ng mga ito. Sumama naman pabalik si Bagyo at Rose sa amin. Syempre, hindi ako makakapayag na maiiwan ang sweetheart ko doon sa hacienda. Lalo na't nagkalat din kaya ang mga binatang tauhan namin doon. Mahirap ng malingat lang ako ay makuha nila ang bulaklak kong hindi ko pa nadidiligan."Bunso, kinakabahan ako. What if, what if may mangyari sa mission nating ito?" kabadong saad ko dito. Kasalukuyan kaming naghahanda sa paglusob sa hideout ni General Altamerano. Mabuti na lang at naiintindihan ni Angelica na kailangan naming dakpin ang ama nito. Siya nga rin ang nagbigay ng hideout na kinaroroonan ng ilang warehouse na lutuan ng mga bawal na gamot na pinoprotektahan ng ama nito. Pinagtapat din namin ang tungkol sa biological mother nito na natanggap nito. Matagal
BAGYO:NANGINGITI akong pinagmamasdang nahihimbing si Ange sa tabi ko. Matapos madali si Tight ng mga honeybee sa manggahan ay pinagaling na muna namin ito at salitang inaalagaan dahil sa lala ng natamo. Lagi pa kaming nakakatikim ng batok, kurot at sabunot ni Dos kina Ange at Rosas. Dahil 'di namin maiwasang mapabungisngis sa tuwing mapapatingin sa itsura ni Tight. Lumubo kasi ang mukha at kumapal ang mga namamagang labi! Kahit mga mata ay parang mata na ng zombie na kay lalaki ng talukap at eyebags na halos hindi makadilat."Ang ganda talaga," nangingiting saad ko habang hinahaplos ito sa pisngi."Matagal na, baby." Namula ako na gising na pala ito at narinig ang compliment ko. Napahagikhik itong sumubsob sa dibdib kong ikinalunok ko lalo na't nandidito kami sa silid ko.Nakitulog kasi ito dito na underwear lang ang suot dahil hindi raw makatulog kapag nakadamit. Napakainit at lambot ng katawan nitong nakasiksik sa akin. Kahit nakasuot ako ng manipis na pajama at white sando ay na
TIGHT:NAPAKALAPAD ng ngiti ko habang hawak-kamay kami ni Angelica na naglalakad dito sa may manggahan sa hacienda nila Dos at Bagyo. Mabuti na lang at sumama si Angelica dito ng hindi na naman ako maiinggit sa apat kong kaibigan na wagas magtukahan sa tuwing magkakasama kame. Tila iniinggit lang ako. Pero ang sabi naman ni poging bay, panooren ko lang kung paano siya humalik para matuto ako kapag nagka-gerpren ako. At ngayon mai-aplay ko na ang mga walastek nilang da-moves ng kambal netong si Bagyo.Hindi ko mapigilang mapangite habang marahang pinipisil-pisil ko ang napakalambot na palad ng langga ko. Maging ito'y pinipisil-pisil den naman ang palad ko kahit pa magaspang at may mga kalyo ito hayst! Nakakaheya nga dahil parang bulak sa lambot ang palad neto pero. . . kakapalan ko na lang ang fes ko!"Langga, kaya mong umakyat?" Natigil naman sa paglalakbay ang diwa ko ng mapahinto ang langga ko at matamang nakatingala sa malaking puno ng mangga. Ilang hektarya den itong manggahan
DOS:KABADO ako habang tinatahak ang daan papunta sa headquarter ni General Altamerano. Para sa parangal na matatanggap ng buong team ko sa pagkakasara namin ng malaking kasong hawak namin. Alam ko namang isa siya sa mga dapat alisin namin ni Bagyo sa serbisyo. Dahil kaya malayang nakakagalaw noon si Althea ay dahil ito ang tumutulong sa kanya. Nakakapanghinayang lang dahil dati siyang matalik na kaibigan ni daddy ng magkasama pa sila sa serbisyo. Napapabuga ako ng hangin habang nagse-ceremony ang angkan ng kapulisan dito sa harapan ng PNP headquarters ni General Altamerano. Marami din naman akong kasabayan na mapo-promote kasama syempre ang buong team ko pero nakakakaba pa rin.Nanagangatog ang mga tuhod ko ng tawagin na ang departamento namin ni General na magtungo ng stage at isa-isang kabitan ng badge para sa pagtataas ng ranggo namin. Tuwid na tuwid ang pagkakatayo namin at isa-isang kinamayan ang mga pinuno ng PNP na nandidito. Kabado man ay pinilit kong kalmahin ang sarili
BAGYO:ILANG linggo rin kaming nanatili sa hospital nila Tight at Rosas dahil sa lala ng mga tinamo naming injuries. Nakakalungkot lang na marami pa rin ang nalagas sa mga ka-nayon ko. At kabilang na nga doon ang kinilala kong ina buong buhay ko. Si Althea. Mabuti na lamang at mas marami pa rin namang natira na siyang sumuko. Noong nilusob kami sa Basilan ng join forces ng team ni Dos at ang private army ng pamilya Montereal. Kaya madali nila kaming nakuha. Alam ko namang napipilitan lang ang mga kasamahan naming sundin noon si Althea dala ng takot para sa kapakanan kaya napapasunod sila noon sa bawat utos nito. Pero, mabuti na lang at natapos na.Nakahinga kami nila Rosas at Tight ng maluwag na naabswelto na ang buong nayon. Sa pagbabalik loob nila sa pamahalaan at ngayon nga ay nasa hacienda na sila ng Montereal. Ang sabi ni Dos ay doon na ang pangalawang tatawaging tahanan nila. Kung saan malayang makakapagsimulang muli. Gusto na nga rin naming sumunod doon. Pero may mga hindi p
CATRIONE:NAPANGISI ako ng masundan namin ni Angelique si Althea na natatarantang bumababa ng burol. Hila-hila si Rose na nanghihina at. . . duguan. Puno din ng pasa ito lalo sa mukha at halos hindi na nga namin makilala! Nangingitim ang dalawang malaking blackeye nito sa mga mata, sabog-sabog ang buhok, kulay ube na rin ang kabilaang pisngi at nangingitim ang mga labi sa natuyong dugo mula doon. Napakuyom ako ng kamao. Halang talaga ang bituka nito.Maingat kaming tumakbo ni Ange na inunahan ito at nang ma-corner. Dalawa pa kaming tinutukan ito ng baril. Natigilan si Rose dahil panay ang lingon ni Althea sa likuran nito na wala na ang mga tao nitong nakasunod lang kanina kung saan dakip ang anak ko at ibang kasama ng mga ito."Longtime no see. . . Althea Arabella Montereal. Did you missed this gorgeous Cat?" nakangising pang-uuyam kong ikinatigil nito at dahan-dahang napalingon. Namutla ito na mabungaran kami ni Ange na nakatutok sa kanya ang baril namin kaya itinutok naman niya ka
Dos:NATIGILAN KAMI SA masinsinang pag-uusap ng pamilya ko ng mag-ring ang cellphone ko. Napapilig ako ng ulo na unregistered number ang caller at muling nilukob ng kaba."Who's calling?" ani Ange ng mapansing natulala ako. Napailing ako at pilit ngumiti."Unregistered, baka nangpa-prank na naman. Nakakainis, magpalit na kaya ako ng number ang daming tumatawag sa akin na unregistered dahil nakalagay sa page natin ang number ko" reklamo ko at muling ibinulsa ang phone ko.Pero muli na namang tumawag ang caller."Sagutin mo na muna anak" ani daddy na natigilan na naman sa pagdi-discuss ng mga lugar na maaaring pinagdalhan nila kina Bagyo. Napahilot ako ng sentido at nanggigigil na sinagot ang makulit na caller."Hello?!" iritadong sagot ko."C-Captain Typhoon Del Mundo JR" ani ng baritong boses sa kabilang linya. Napahilot ako sa kilay kong salubong at napahingang malalim. Sabi na eh, may nangti-trip na naman sa akin kaya kinuha ang number ko sa page ng headquarters namin."Speaking?" n
BAGYO:NANIGAS ako nang nagsilapit na ang ilang kalalakihan na kasamahan namin dito sa nayon at dinakip nga kami nila Rosas! Napalingon ako kina Tito Troy na umiling lang sa aking nagpapahiwatig na hindi na ako manlalaban at hayaan ang mga ito! Napakuyom ako ng kamao at hinayaang itali nila ang mga kamay ko sa likod maging sina Tight, Rosas, Tito Troy, Asiong at Tita Daisy!Ikinulong nila kami sa bakanteng bahay at kinandado pa sa labas. Nanghihina kaming napaupo sa kahoy na sahig."Patawad ho. Nadamay pa kayo, Tito, Tita," nakayukong paumanhin ko na tumutulo ang luha ko."Hindi ka namin sinisisi, anak. Mas kakampihan ka naman namin kaysa sa baluktot na katwiran ng ina mo," ani Tito Troy na ikinailing ko."Alam niya ang mga nangyayari at malamang ay nagpaplano na pala siya ng 'di natin namamalayan. Masyado akong nakampante na maayos ang samahang pinamununuan ko at nag-focus lang sa mga kalaban sa gobyerno," 'di ko mapigilang sisihin ang sarili sa kapabayaan ko!"Ang sama talaga ng in