Share

Chapter 3

last update Huling Na-update: 2024-03-05 00:10:09

BAGYO JR:

MASAYA kaming bumalik ng nayon ni Tight. Ang kababata at parang kapatid ko na rin. Gusto pa sana naming mag-stay muna sa syudad dahil sa bagong kakilala naming kamukha at kapangalan ko. Pero hindi kami p'wedeng magtagal doon. Hindi ko maintindihan pero parang may koneksyon kaming dalawa ni Dos sa isa't-isa.

Mag-isa akong anak ni Nanay at Tatay. Hindi rin buo ang pamilyang kinagisnan ko dahil hindi naman nagsasama si Nanay at Tatay sa iisang bubong. At naiintindihan ko naman iyon dahil bata pa lang ako ay ipinaintindi na sa akin ni Tatay ang sitwasyon nila ni Nanay.

"Bay, anong tingin mo kay Dos? Mapagkaka tiwalaan ba natin siya sa sikreto ng samahan natin sa nayon?" wala sa sariling tanong ko kay Tight habang pumapapak ito ng chicharon.

Sinusubuan lang akong nagmamaneho ng pick-up na siyang service ko kapag lumuluwas ako ng bayan o sa syudad.

"Tingin ko naman mabuti siyang kaibigan, bay. Pero. . . pero h'wag mong kalimutang parak 'yon. Alagad ng batas. Hindi natin alam kung isa ba siyang kakampi o isa sa mga kaaway natin. Hindi ka naman seryoso sa nabanggit mong ipapakilala mo siya kay Suprimo, tama?"

Napailing ako at kusang sumilay ang ngiti sa mga labi ko.

"Gusto ko sana siyang ipakilala kay Tatay. Tiyak matutuwa 'yon kay Dos."

"Si Suprimo p'wede. At malamang ituturing din niyang anak si Dos. Eh paano si Tita Thea at ang nayon? Tingin mo ba, kapag nalaman nilang may kaibigan tayong alagad ng batas na 'di natin sigurado kung tapat sa tungkulin o isa sa mga dapat nating linisin sa tungkulin. Papayag silang dalhin natin si Dos sa nayon? Baka parating pa lang tayo ay pinaulanan na nila si Dos ng bala."

Napatangu-tango ako sa sinaad nito. Tama naman siya. Bagong kakilala pa lang namin si Dos. Kahit pa magaan ang loob ko sa kanya at nahuli niya agad ang tiwala ko ay hindi pa namin ito lubos na kakilala.

Mahirap ng malagay sa alanganin ang buong nayon. Lalo na't salot sa lipunan ang tingin sa amin ng taong bayang pinoprotektahan namin. Laban sa mga gahamang alagad ng gobyerno at mga kurap na nakaupo sa serbisyo.

Mga taong inihalal ng mga taong bayan para makatulong sa mahihirap kapag nasa serbisyo na pero. . . sila pa ang siyang maglulugmok lalo sa taong bayan sa kahirapan, habang sila? Sila ang umaasenso ang buhay sa maruming paraan. Dahil sa pagnanakaw nila sa kaban ng bayan.

Sila ang tunay na salot sa bansa. Hindi kaming binansagang teroristang banta sa mga tao at kalaban ng pamahalaan.

Karapatang pantao at pantay-pantay na pamamahala ang ipinaglalaban namin kaya nga kami na mismo ang lumilinis sa makalat na gobyerno pero kami pa ang napapasama.

MAGDIDILIM na nang makarating kami ni Tight sa liblib at munting nayon namin. Kung saan kaming mga kasapi ng pangkat lang ang nakatira dito kasama ang mga pamilya namin.

Magmula ng si Tatay Bagyo na o mas kilala na ngayon bilang Suprimo dahil siya ang pumalit sa dating Suprimo o pinuno ng samahan ay marami ang binago nito sa nakagawian sa pangkat.

Katulad ng pagbibigay nito ng kalayaan sa lahat mapababae o lalake. Namumuhay kami na parang sa mga normal na tao lang at hindi kailangang armado lagi.

Nagtatanim ng mga prutas at gulay na siyang hanap buhay namin at nag-aalaga ng mga hayop na dinadala sa kalapit na bayan para maibenta para sa ibang pangangailangan namin.

Maging ang mga bata ay binigyan ni Tatay ng kalayaang makapag-aral hanggang makapagtapos sa kursong pangarap maging. Kaya tulong-tulong ang buong nayon namin sa pagpapaaral sa lahat ng kabataan dito pero syempre, kasabay no'n ang pagpapaintindi sa amin mula pagkabata pa lang kung bakit kami nakahiwalay sa publiko.

At kasabay ng paglaki namin ang pag-e-ensayo namin sa larangan ng martial arts at maging sa pag-asinta. Paggamit ng iba-ibang weapon para sa misyong kinakaharap ng buong nayon namin. At 'yon ang linisin. . .ang buong bansa.

Excited akong bumaba ng mabungaran namin si Tatay na tila kanina pa kami inaabangan dito sa tarangkahan papasok sa mga kabahayan dito sa nayon.

"May naging problema ba, anak? Bakit ginabi kayo?" magkasunod na tanong nito.

Ngumiti akong nagmano muna dito at sumunod naman si Tight dahil lahat naman dito na kaedaran namin at maging mga kabataan ay ama na ang turing kay Tatay. Buong nayon, to be exact.

Kaya nga buong nayon din ang karibal ko sa kalinga niya kasi kahit anak niya ako ay pantay-pantay ang pinaparamdam nitong pag-aaruga sa lahat dito.

Kaya gustong-gusto ng lahat ang makabagong pamamahala ni Tatay. Dahil isa siyang matuwid, pantay at magaling na pinuno. Kaya nararapat lang siyang maging aming. . . Suprimo.

"May nakilala kasi kami sa syudad, Tay, pasensiya na po kayo nag-alala pa tuloy kayo."

"Naku, Tay! Parak ho 'yong bagong nakaibigan namin sa syudad at-- ummpptt!"

Tinakpan ko na ang bibig ng kaibigan kong chismoso sa pagsabat sa usapan namin ni tatay.

Napangiwi ako kay Tatay na ngayo'y pinaniningkitan na tuloy kaming magkaibigan dahil takip-takip ko pa rin sa bibig ang kaibigan kong kumakawag-kawag ang mga paa.

"Anong parak ang sinasabi mo, Tight?"

Napatayo na kami ng tuwid at binitawan ko na rin ang pahamak kong kaibigang walang preno ang bibig.

Inirapan ko ito dahil ngayo'y kunotnoo na si Tatay na matiim kaming tinititigan. Para tuloy siyang nanglilitis.

"Tay, mabait naman ho siya. Tinulungan ko po siyang habulin kanina 'yong snatcher kaya kami nagkakilala."

"Tay, magkamukha po sila ni Bagyo! At magkapangalan!"

Namilog ang mga mata ko sa pagsingit ni Tight at pagsabi ng tungkol kay Dos!

Lalong nagsalubong tuloy ang mga kilay ni Tatay na napatitig sa akin at kitang nagtatanong ito sa uri ng pagtitig nito kaya wala na akong choice kundi magtapat.

Nagkatinginan kami ni Tight nang nagpatiuna na si Tatay na pumasok ng nayon kaya natahimik kaming napasunod dito.

KABADO ako pagdating namin ng bahay dahil napakatahimik pa rin nitong tila may hindi nagustuhang narinig. O baka dahil isang pulis ang bago naming nakaibigan sa syudad kaya nagbagong bigla ang aura ni Tatay.

"Tay, galit po ba kayo?" lakas loob kong tanong.

Maghahating-gabi na pero nandidito pa rin siya sa balkonahe at napakalalim ng naiisip. Kahit kabado ay nakiupo na ako sa tabi nito. Hindi rin naman kasi ako sanay na hindi kami maayos ni Tatay.

Lalo na't kami lang naman ang magkasama dito sa bahay.

Napahinga pa ito ng pagkalalim-lalim na tila may malaking problemang kinakaharap.

"Totoo ba ang sinabi ni Tight, anak? M-May nakaharap kang kapangalan at kamukha mo?"

Napalingon ako dito pero sa kalangitan naman nakatuon ang mga mata habang nakahiga sa duyang gawa sa ratan.

Kakaibang lungkot din ang nababasa ko sa mga mata nitong may bahid ng luha.

"Opo, Tay. Pero mukha naman po siyang matinong alagad ng batas. Nakakahanga nga po siya, Tay. Ang bata pa niya pero. . . Captain na siya."

Kusa akong napangiti na maalalang muli si Dos kung paano siya kagaang makipag-usap sa amin ni Tight.

Kahit mukha siyang anak mayaman ay nakipag sabayan pa rin siyang kumain sa karinderyang pinagdalhan namin sa kanya at walang bahid ng pandidiri itong kumain kasama namin.

"Ano pang. . . mga nalaman mo sa kanya, anak?"

Napalingon ako kay Tatay na ngayo'y matamang na pala akong tinititigan.

Napailing akong ikinakunotnoo nito.

"Nabanggit niyang triplets sila. Nakakatuwa nga po siyang kasama. Ramdam kong totoong tao siyang kumilos. Nagtulungan nga po kaming mahuli 'yong snatcher sa Quiapo kanina. Pero nakakalungkot lang na wala na ang ama nila. Ang sabi niya nasa sinapupunan pa lang sila ng ina nila ay nawala na ang ama nila."

Naapatayo ako at dinamayan si Tatay nang mapahagulhol ito.

"Tay, bakit po? May problema ba?"

Napayakap ito sa akin at sumubsob sa balikat ko. Nanigas ako at 'di alam ang gagawin. Minsan nahihiwagaan din ako sa kinikilos ni Tatay lalo pagdating sa nakaraan ng buhay niya dahil wala akong kaalam-alam. Kahit naman kasi si nanay ay hindi nagkukwento ng tungkol sa nakaraan nila ni Tatay.

Hinihimas-himas ko ito sa likod para mapagaan ang ano mang dinadala niya. Matagal-tagal din itong umiyak sa balikat ko bago tumahan at nagpahid ng luha.

"Ahm, pasensiya na. May naalala lang ako, anak. Sige na, matulog ka na," saad nito ng nahimasmasan na.

Nakangiti ito pero iba ang sinasabi ng kanyang mga mata na nababalot na lang lagi ng matinding kalungkutan at 'di ko batid kung para saan.

Bago ako pumasok ng bahay ay muli ko itong nilingon. Nakatingala na naman siya sa mga tala at kahit hindi niya sabahin ay ramdam at kita kong meron siyang dinadalang problema. At alam kong tungkol iyon sa nakaraang buhay niya. Dahil tungkol lang naman sa buhay niya dati ang hindi niya masabi-sabi sa akin. Kaya hindi ko na lamang siya kinukulit tungkol do'n dahil hindi rin naman siya magkukwento.

KINABUKASAN nagising ako sa matinis na boses ng dalawang kaibigan ko na masayang nagkukwentuhan sa balkonahe.

"Ang aga niyong mambulabog."

Natigilan ang mga ito paglabas kong kumukusot-kusot sa aking mga mata. Magliliwanag pa lang pero heto at ang ingay-ingay na nila at dito pa talaga sa bahay sila nagngangangawa.

"Tanghali na kaya, Bagyo. Samahan mo ako mamaya sa bayan, hah?"

Napalingon ako kay Rose sa sinaad nito habang nagsisipilyo.

"Bakit siya ang isasama mo? Ako itong kanina mo pa kasa-kasama ah," sabat ni Tight kaya napaismid ang kaibigan namin sa kanyang ikinangiwi niya.

"Bakit, anong gagawin mo, do'n?"

Lumapit na ito at siya na ang nagsalok ng tubig sa tabo mula sa drum dahil nagsasabon na ako ng mukha.

"May mga bibilhin lang akong materials para sa mga bata," simpleng sagot nito habang dahan-dahang binubuhusan ako sa mukha ng tubig para magbanlaw.

Isa kasing public teacher si Rose sa bayan. Magkasing-edad lang kami nila Tight at sabay lumaki dito sa nayon. 'Yon nga lang ay iba-iba ang kinuha naming kurso sa kolehiyo. Ako ay sa medisina habang si Tight ay isa ng lisensyadong public attorney at si Rose naman ay sa education para magamit namin dito sa mga kanayon din namin.

Kung tutuusi'y para na kaming magkakapatid na tatlo sa dami na rin ng napagdaanan namin. Sa hirap at ginhawa ay magkakatulong kami sa lahat ng bagay.

MATAPOS naming kumain ay nagpaalam na kaming tatlo kay Tatay na kasalukuyang sinasamahan ang mga kanayon naming kalalakihan dito sa sakahan naming nag-aani ng mga gulay.

"Basta mag-iingat kayo doon, alam niyong isang maling galaw niyo lang ikakapahamak nating lahat ang resulta," habilin pa nitong ikinatango-tango namin.

"Sige po, Tay."

Tumango lang ito at muling bumaling sa ginagawang pagha-harvest ng mga gulay.

"Bakit?" takang tanong ko kay Rose ng matigilan ito sa paglalakad at marahan akong siniko.

Napatingin ako sa makakasalubong naming tinitignan nito at napaayos ng tayo. Maging sila ni Tight ay napayuko na sa tabi kong hinihintay ang babaeng papalapit sa aming masama na naman ang timpla ng mukha. . . si Nanay Thea.

"Iwan niyo muna kami," maawtoridad nitong utos sa dalawa kaya lumayo agad ang mga ito.

"Saan ka na namang pupuntang bata ka?" taas kilay nitong tanong.

"Sa bayan ho, Nay," mahinang sagot ko.

Nagpamewang ito sa harapan kong tila hindi na naman gusto ang gagawin ko.

"Imbes na magliwaliw ka sa bayan, kung tinutulungan mo kaya ako para mapalapit sa ama mo. 'Di sana buo ang pamilya natin dito. Puro ka na lang barkada. Kumbinsiin mo din kaya ang Tatay mong buoin niya ang pamilya natin. Hindi 'yong porke't maayos ang relasyon niyong mag-ama ay okay na 'yon sa'yo. Sana pala hindi na lang kita iniluwal kung hindi ka rin naman makakatulong sa aking makuha ang ama mo!" singhal nito kaya napayuko akong pasimpleng nagpahid ng luha.

Mula pagkabata ay mainit lagi ang ulo sa akin ni Nanay. Dahil hindi ko naman daw ito natutulungang makumbinsi si Tatay na magsama kaming pamilya sa iisang bubong.

Hindi naman kasi mahal ni Tatay si Nanay. Pinaliwanag na iyon sa akin ni Tatay. Bata pa lang ako at naiintindihan ko naman siya. Kaya nga sa kanya ako nakatira hindi kay Nanay dahil palagi na lang mainit ang ulo nito sa akin.

Hindi kasi ako nabuo sa pagmamahalan. Kundi sa pagkakamali. Sinabi ni Tatay na hindi niya kailanman minahal o mamahalin si Nanay kahit pa ba para sa akin dahil matagal ng sarado ang puso niya pagdating daw sa pag-ibig.

Nagkaroon daw noon ng kasiyahan dito sa nayon. Primo pa lang noon si Tatay na ang ibig sabihin. . . anak ng pinuno.

Lasing na lasing noon si Tatay at hindi alam ang ginagawa. Kaya may nangyari sa kanila ni Nanay at dahil do'n? Nabuo ako.

Sinamantala ni Nanay ang pagkakataon niya kaya siya nagpabuntis para makuha ng tuluyan si Tatay pero. . . pero nabigo lang ito dahil lalo lang nasuklam si Tatay sa kanya. At alam 'yon ng lahat dito na hindi magkasundo ang mga magulang ko. Marami din naman ang nagtangkang mapaibig din si Tatay pero wala ni isa ang nagtagumpay.

Kaya mainit lagi ang ulo sa akin ni Nanay mula pagkabata ko dahil wala din daw akong kwenta para sa kanya.

"May mahalaga po kaming gagawin doon, Nay," magalang kong sagot.

Kahit naman hindi niya ako tinuturing na anak ay siya pa rin ang nag-iisang ina kong nagsilang sa akin sa mundong ito.

"Tsk! Wala ka talagang kwentang anak. Mas inuuna mo pang tulungan ang iba kaysa sa aking sarili mong ina."

Napuyuko akong muli sa sinaad nitong parang kutsilyong tumatarak sa puso ko.

Kahit sanay na akong marinig ang mga hindi katanggap-tanggap na salita sa kanya mula pagkabata ko ay nasasaktan pa rin ako. Kaya nga si Tatay na lang ang pumapawi sa pasakit na dinudulot sa akin ni Nanay.

Siya lang din ang nagsisilbing ina at ama sa akin kaya sa kanilang dalawa ay mas malapit ang loob ko sa ama ko dahil ni minsa'y hindi niya ako pinagsalitahan ng mga masasakit na salita. Kahit galit siya at nasusuklam kay Nanay? Ni minsan ay 'di niya ako dinamay o pinagbuntunan ng galit dahil sa ina ko. Kaya mahal na mahal ko siya at iniidolo. . . ang kabutihan ng puso niya.

"Sige po, Nay, alis na kami."

"Tsk! H'wag ka na rin kayang bumalik dito?" paismid nitong sagot at nagpatiuna ng iwan akong nagtungo sa kinaroroonan nila Tatay.

TAHIMIK ako habang nagmamanehong pababa ng bayan. Ramdam kong nahihinulaan na ng mga kaibigan ko ang napag-usapan namin ni Nanay. Dahil maging sila ay sinasabon din ni Nanay sa tuwing magkakasama kaming lumuluwas ng bayan.

"Uy, bay! Ngumiti ka naman d'yan. Iniisip mo na naman ba ang mga sinabi ng Nanay Thea mo sa'yo?" basag ni Tight sa katahimikan naming tatlo.

Napailing-iling akong mapait na napangiti sa mga ito.

"Immune na ako sa kanya. May iba akong iniisip," pagkakaila ko.

Matamang naman ang mga itong nakatitig at kita ko sa peripheral vision kong hindi sila naniniwalang hindi ako apektado sa pananabon ni Nanay sa akin.

"Hoy, Bagyo, kilala kita hanggang sa mga balun-balunan mo. H'wag ka ng magkaila."

Mahina akong natawa sa sinaad ni Rose kaya natawa na rin ang mga ito. Kilalang-kilala nga nila ako. Alam nila kung kailan okay ako at hindi. Kung kailan ako nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo. Kaya wala kaming naitatago sa isa't-isa dahil kabisado na namin ang likaw ng mga bituka namin.

PAGKABABA namin ng bayan ay tumuloy na kami sa palengke. Kung saan nito kukunin ang mga materyales na sadya namin para sa pagtuturo niya.

Naiiling na lamang akong ginawa niya pa kaming tagabitbit ng mga binili nito at panay ang tawad. Ginagamit pa ako sa mga kababaihang tindera para maka-discount.

"Bakit pati mga 'yan?" bulong ko ng namimili ito ng mga personal things na naka-set na tulad ng toothpaste, toothbrush, face towel at handsoap.

"Kailangan ng mga bata 'to. Hindi naman kasi lahat ng magulang ng mga estudyante ko ay kaya nilang ibili ng ganito ang mga anak nila."

Napatango-tango akong pumili na rin. Halos nasa benteng piraso din ang kinuha nitong nakasilid na sa maliit na plastic pouch.

"Ate, magkano po?" baling nito sa tinderang nagpapa-cute pala sa aking 'di ko napansin.

Binilang naman nito ang ini-abot ni Rose sa kanya at isa-isang isinilid sa ecobag.

"Isang libo po, Ma'am ganda."

"Po!?" bulalas nito sa sagot ng tindera na namimilog ang mga mata.

"Eh teka. . . ba't ang mahal naman naman, Ate ganda. Wala ka bang bawas d'yan?"

Napakamot na ako sa ulo.

Lahat ng binilhan namin ay gan'to ang pakulo niyang nagugulat sa presyo at hihingi ng tawad.

"Ma'am, singkwenta po kasi ang isang set nito, nasa benteng piraso po ang kinuha niyo," magalang sagot ng tindera.

"Eh, Ate. Patawad naman oh. Gan'to, bigyan mo ako ng 50 percent discount, pahahalikan ko itong mamang pogi sa'yo sa pisngi," pag-aalok pa nito na akala mo'y isa lang akong bagay dito.

Pinamulaan pa tuloy ang tindera na hindi na makatingin sa mga mata ko. Maya pa'y sinenyasan nito si Rose na lumapit at may ibubulong.

"Ang hirap maging pogi, noh?" pang-aasar pa ni Tight.

Dahil mukhang nagkakasundo na ang dalawang nagbubulungan na sa akin nakatingin. At sa uri ng hagikhikan nila ay mapaghahalataan mong may kalokohan na naman itong kaibigan namin.

"Ahm, Bagyo, kiss mo daw," nakangiting bulong nitong ikinamilog ng mga mata ko.

Napailing-iling ako dito pero pinandilatan lang ako ng mga matang tila nagbabanta.

"Gawin mo na, kiss lang 'yan. Kulang na ang budget ko eh marami pa akong kailangan bilhin. H'wag ka ng mag-inarte smack lang naman eh. Magsipilyo ka na lang ulit mamaya samahan mo na rin ng yakap para sa discount ko. Isipin mo na lang ang mga batang makikinabang sa mga binili natin," madiing bulong nito.

Kinonsensya pa talaga ako para lang makatawad. Kanina pa ako nito binebenta sa mga tindera kaya nakakatawad!

Pikit mata ko na lamang in-smack-kiss ang matandang dalagang tindera na kilig na kilig at halos mangunyapit sa batok ko ng mayakap ako. Napapabungisngis pa ang mga ito sa aking naniningkit ng mga mata sa kanilang dalawa.

"Sige po, Ate, sa uulitin," nakangiting paalam pa nito sa tinderang napakalapad ng ngiting tumatango-tango.

Pagkatalikod nami'y napapahid ako sa mga labi ko. Kaya tawang-tawa naman ang dalawa sa akin na hindi na maipinta ang mukha.

"Nakakahalata na ako sa'yo ah, binebenta mo na ako eh," mahinang asik ko habang naglalakad na kami palabas ng palengke.

"Hayaan mo na, hindi ka naman nila mababawasan, arte mo," natatawang sagot nito.

"Eh bakit ako lang? Nand'yan din si Tight oh?" nguso ko kay Tight na ngingisi-ngisi sa akin.

"Eh sa ikaw ang gusto nila. Hayaan mo na, atlis nakamenos tayo. Kita mo naman. Isang halik at yakap mo lang ay nakalibre na tayo."

Napakunotnoo akong tumingin ditong matamis namang nakangiti sa akin.

"Anong libre?"

"Libre 'yan oh, hindi na niya pinabayad sa akin ang mga kinuha natin kung may kiss at yakap siya sa'yo."

Mariin akong napapikit ng mapahagalpak pa sila ng tawa ni Tight dahil umuusok na ang mga butas ng ilong ko sa inis!

"Napakabait niyo talagang mga kaibigan eh."

Nagpatiuna na akong nagtungo sa pick-up ko pero mabilis din naman silang sumunod sa akin.

"Uy, Bagyo, galit ka ba?"

Padabog kong inilapag ang mga dala kong ecobag sa likuran ng pick-up.

"Dahan-dahan naman masisira ang mga 'yan."

Hindi ko ito pinansin at pumasok na ng driver side. Natahimik naman ang mga ito na kitang badtrip na ako at nagpapasaringan pa sa isa't-isa.

"Sorry na ito naman, napakamatampuhin."

Hindi rin ito nakatiis at yumakap na sa braso kong nakahawak sa kambyo.

"Nagmamaneho ako, ano ba?" kunwari'y asik ko kaya nagkakandahaba na ang nguso nito.

Napapreno ako ng biglang humalik ito sa pisngi kong ikinairit ng nasa likuran namin!

Dahan-dahan akong napalingon dito na namimilog ang mga mata kaya napangiwi itong nag-piece-sign sa akin.

"Pambawi, sorry na kasi ito naman."

Napailing na lamang ako at 'di mapigilang mapangiti kaya lalo lang ako nitong 'di na tinantanan asaring hinalik-halikan sa pisngi hanggang hindi ako napapatawa.

"Last mo na 'yon ah, hindi na kita sasamahan sa susunod."

"Opo," parang maamong tupang sagot nito.

PAGDATING namin ng nayon ay sakto namang kinakarga na sa jeepney ni Tatay ang mga naani nilang halo-halong gulay para dalhin sa bagsakan sa bayan.

Kaagad na akong lumapit kay Tatay at sumunod naman ang dalawa.

Nagmano muna kami dito na ikinangiti nito at inakbayan pa ako.

"Kumusta ang lakad niyo, anak?"

Naglakad na kami pauwi ng bahay dahil paalis na ang jeepney at ang ama ni Tight ang nagmanehong mangdadala sa bayan sa mga 'yon. Si Tito Troy.

"Maayos naman po, Tay. Kayo po?"

Napahinga ito ng malalim at nagtungo na sa drum na puno ng tubig dito sa harap ng balkonahe ng bahay namin at naghugas ng kamay at hilamos.

"Maghapon sa sakahan. May pasyente ka bang naka-schedule bukas?"

"Wala naman po, Tay. Bakit po?" agarang sagot ko.

Pumasok na ito at nagbihis.

"Samahan mo ako mamaya, may pupuntahan tayo."

Nangunot ang noo ko at napapilig ng ulo. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinaad nito kahit wala pa naman akong ideya sa pag-uusapan namin.

Napapasunod na lamang ako kay Tatay nang nagtungo kami sa taas nitong burol kung saan ang nayon namin at tanaw sa baba ang nagkukumpulang ilaw mula sa bayan.

Walang kuryente dito pero may solar at generator kaming gamit kaya maliwanag pa rin naman dito sa gabi.

Naupo kami sa kubo dito at ako na ang nagtimpla sa juice na dala namin pangtoser sa gin na dala ni Tatay.

Nakakagawian rin naman naming dalawa ito kapag wala akong pasyente. Na parang bonding na naming mag-ama ang magtungo dito sa taas ng burol at magkwentuhan ng kung ano-ano habang nagtatagayan.

Nasa bentekwatro naman na ako kaya okay lang kay Tatay na nakikipag-inuman ako lalo't responsable pa rin naman ako kahit malasing ako.

"Tay, p'wede pong magtanong?" basag ko sa katahimikan namin habang may hawak na baso ng gin at nakamata sa kailawan sa baba.

"Tungkol saan, anak?"

Napangiti ako at nilagok muna ang shot ko para may lakas ng loob akong magtanong ng tungkol sa nakaraan niya. Baka sakaling ngayon ay magkwento na siya para naman maintindihan ko kung bakit hindi niya magusto-gustuhan ang ina ko kahit maganda din naman ito.

"Tungkol po sana sa inyo. . . kung okay lang po," pikitmatang tanong ko.

Napahinga ito ng malalim na ikinakaba ko at piping nagdarasal na sana magkwento ito. Kahit kasi gusto kong tulungan si Nanay ay mahigpit ang pagtanggi ni tatay kaya lalo lang nagagalit sa akin si Nanay dahil hindi ko ito matulung tulungang mapapayag si Tatay magsama-sama kami sa iisang bubong.

"Itatanong mo ba kung bakit ayo'ko sa ina mo?"

Napalunok akong napalingon dito pero sa kailawan pa rin naman sa baba ito nakatingin. At kahit nakatagilid ito ay kita ko sa kanyang napakalungkot nitong tila may malalim na problema at 'yon ang gusto kong malaman.

"Kung okay lang po, Tay," mahinang sagot ko.

Napailing naman ito at inisang lagok muna ang shot nito. Maya pa'y sunod-sunod itong napahinga ng malalim.

"Dahil may mahal na ako anak. At siya lang ang nandidito sa puso ko," malungkot nitong paninimulang ikinatigil ko.

Napayuko ito na kalauna'y napahagulhol kaya nabahala naman akong isinandal ito sa balikat ko at marahang tinatapik-tapik sa likod.

Parang tinutusok-tusok ng libo-libong karayom ang puso kong ang amang buong akala ko'y napakatatag pero ngayo'y humahagulhol na sa balikat ko.

"Miss na miss ko na ang pamilya ko. Ang asawa ko. . . ang mga kapatid mo. Pero heto at nandidito pa rin akong tila nakakulong na ang kapalaran sa bundok na 'to. Kung p'wede lang hilahin ang oras at matumbok na natin ang lahat ng mga pahirap sa pamahalaan para makabalik na ako sa kanila ay gagawin ko. Dahil walang saysay ang dalawampu't limang taong ginugol ko dito para malinisan ang gobyerno kung hindi ko ito mareresolba bago bumalik sa kanila.

Kahit alam kong maayos sila at tanggap ng wala ako ay nais ko pa ring makabalik sa kanila." Pagbubukas nito sa nakaraan niyang ikinadurog ng puso ko.

'Di ko namalayang masagana ng umaagos ang luha ko. Kaya naman pala ayaw niya sa ina ko. Ibig bang sabihin. . . kapag natapos na namin ang misyon na handa ng magbalikloob sa gobyerno ay. . .babalik na siya sa tunay niyang pamilya.

Paano kami ni Nanay? Paano ako? Napapahid ako ng luha ng maalala si Dos!

"Tay, tingin mo ba. . .si D-Dos. . .anak mo ba siya?" nanginginig ang boses kong tanong.

Napayuko itong tumango-tango na ikinanghina ko. Muling nagragasa ang luha kong. . . nakaharap ko na pala ang isang anak ni Tatay!

Kaya naman pala ramdam ko ang koneksyon naming dalawa! Kaya naman pala hawig na hawig ko siya at kapangalan pa! Hindi lang pala nagkataon ang lahat. . . dahil magkapatid kami sa ama!

"Mapaglaro talaga ang tadhana dahil sa dinami-rami ng taong makakasalamuha mo sa syudad? Nakaharap mo pa. . . ang Kuya Dos mo."

Mapait akong napangiti at nagpahid ng luha.

"Buong akala nila patay na ang ama nila. Ang sabi rin niya triplets sila."

Napatango-tango ito at muling nagsalin sa baso namin ng alak.

"Alam ko anak. . . alam ko."

Nangunot ang noo kong napatitig dito.

"Sa tuwing lumuluwas ako ng syudad para singilin ang mga dapat tinutumba ng pahirap sa pamahalaan ay lihim akong nagmamasid sa mag-iina ko sa malayo. Kahit hindi ko sila malapitan ay masaya na akong masilayan silang maayos at nagpapatuloy sa buhay. Si Dos, ang bunso sa triplets namin ni Catrione. Ang asawa ko. Noong nanganak siya sa hospital nila, nagpanggap akong doctor noon para makapuslit ng hospital at mapuntahan ang mag-iina ko. Doon ko napag-alamang. . . triplets ang isinilang nito. 'Yon ang huling beses kong nahawakan at nakita ng malapitan ang asawa kong bahagya pang nangayayat noon. Sa paglipas ng panahon, nagkasya na lamang akong sinusubaybayan siya sa malayo sa bawat events na dinadaluhan nito dahil sa mga anak namin. May lima kang kapatid, anak. Ang panganay namin ni Catrione, kambal na lalake. Nasa trenta na rin ang edad nila ngayon. Si Tyrone, at Typhus. At ang sumunod ang triplets. Si Taylor, Marione at si Dos. Malungkot ang naging kwento ng buhay namin ni Catrione dahil sa profession ko. Siguro kung nakinig lang ako sa kanya noong una pa lang na bumitaw na ako ng serbisyo at mamuhay ng tahimik kasama sila? Hindi sana kami umabot dito. Hindi maayos ang relasyon namin noong una dahil pilit siyang ipinakasal sa akin ng mga magulang nito dahil nagalaw ko si Catrione dala na rin ng kalasingan namin. Pero mahal na mahal ko na noon pa man ito kaya hindi na ako nagsayang ng pagkakataong makuha ko ito. Hanggang sa natutunan niya rin akong mahalin. Pero. . . dumating si Althea sa departamento ko, ang ina mo. Isa siyang Lieutenant noon. At siya ang naging mitsa ng pagkasira namin ng tuluyan ni Catrione. Siya rin ang dahilan kaya nakunan ang asawa ko sa unang baby namin, at doon nagsimulang bumagsak ang masaya at buong pamilyang binuo namin ng asawa ko. Hanggang sa naaksidente ako at. . . namatay. Pero sa awa ng Diyos ay nakabalik pa rin ako. Pero. . . pero maraming nabura sa ala-ala ko, kabilang doon ang ang asawa ko. Lumipas ang limang taon na pinaiikot-ikot ako ng ina mong nagpakilalang kasintahan ko, hanggang sa isang araw. Biglang may dalawang paslit na sumulpot sa kalagitnaan ng pagpo-propose ko noon sa ina mo sa harap ng mga tao ko sa headquarters namin mismo.

Sa pagbabalik ng mag-iina ko, unti-unting bumalik ang mga naburang ala-ala namin at muli kaming nagkabalikan ni Catrione. Bagay na hindi matanggap ng ina mo. Muli kaming nagpakasal ni Catrione at nakabuong muli ng mga anak. Siya namang pagkadakip sa kanya noon ni Primo na anak ng dati nating Suprimo. Kaya kami nagkaharap-harap dito. Pero iyon din ang araw na naging bihag na kami ni Althea dito. Nagpanggap akong walang maalala para makuha ang tiwala ng mga tao dito lalo na si Suprimo dahil pinalabas nilang bangkay ko ang katawan ni Primo na anak nito. . . at ako ang ipinalit niyang Primo ng samahan. Dito ako namulat sa katotohanan, kung gaano karumi ang gobyernong pinaglilingkuran ko ng buong puso. Kaya gano'n na lamang ang kagustuhan kong tugisin isa-isa ang mga nakaupo sa pwestong pahirap sa taong bayan. Para matapos ko na ito at malayang makabalik na sa mag-iina ko. Pero. . . kahit iba ang ina mo, anak? At nabuo ka lang sa pagkakamali dala ng kalasingan ko? Buong-buo ang pagmamahal ko sayo katulad sa mga kapatid mo."

Napayuko akong nagpahid ng luha para itago ang mapait na ngiti sa mga labi ko.

Tinapik-tapik pa ako nito sa balikat kaya napaangat ako ng mukha at pilit ngumiti sa kanya.

"Patawarin mo ako kung 'di ko naibigay ang marangyang buhay at buong pamilya sayo anak. Patawad dahil inuna ni Tatay ang taong bayan bago kayong mga anak ko."

Umiling-iling akong hinawakan sa kamay ito.

"Kayo po ang pinakada-best at ulirang ama para sa akin, Tay. Wala po akong sama ng loob sa inyo. Humahanga po ako sa malasakit at pagsasakripisyo niyo para sa iba. Kahit pa kapalit no'n. . .ang sarili niyong pamilya."

Tumango-tango itong napangiti pero hindi abot sa kanyang mga mata.

Ngayo'y malinaw na sa akin ang lahat. Kaya naman pala kinakasuklaman ni Tatay si Nanay at hindi magawang mahalin kahit ginagawa na nito ang lahat para mapaamo si Tatay.

Tama siya, kay Nanay nga nagsimula ang pagdudusa nilang pamilya. Kung hindi dahil kay Nanay? Masaya sana ngayon si Tatay at buo ang pamilya niya, 'di bale ng 'di ako naisilang sa mundong ito. Ang mahalaga ay masaya ang ama ko. Pero hindi, nandidito na ako at hindi na namin mababago ang nakaraan.

Ang kailangan na lang naming gawin ay magpatuloy sa laban upang matapos na ito. . .at makalaya na rin si Tatay. Mahigit dalawang dekada na rin itong nagdudusa at nagtitiis malayo sa pamilya niya.

Ngayong alam ko nang magkapatid kami ni Dos, mas lalo pa akong makikipaglapit dito. At unti-unting ilapit ito. . . sa ama ko. Sa ama namin.

Kaugnay na kabanata

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 4

    DOS:NAPAANGAT ako ng mukha nang mag-vibrate ang cellphone kong nakapatong sa lamesa ko. Tinatapos ko lang ang office hour ko para makauwi pero natigilan ako pagkabasa sa mensaheng galing sa unknown number."8:pm San Diego ville. Come and witness how dirty your government you've been protecting is, Captain Typhoon Del Mundo Jr."Kinabahan ako at kaagad ni-dial ang numero pero out of coverage na ito! Marahas akong napatayo at lumabas na ng headquarters. Baka nag-i-scam lang ang unknown sender na 'yon! Hindi ko na dapat pagtuonan ng pansin ang pinadala nito. Hindi ko alam pero parang may humuhila na sa aking umuwi.Pagdating ko ng mansion saktong nakahanda na ang hapunan kaya nagpaakyat na ako ng hapunan namin ni mommy sa silid nito.Taranta akong pumasok ng silid nito ng marinig ang mga nagngangabasag na gamit mula sa loob dahil nakabukas ang pinto at ang pagtitili ni Ate Yoona at Yonyon!"Mommy!!" Patakbo ko itong niyakap ng matigilan pagkakita sa akin at akmang babasagin ang hawak-h

    Huling Na-update : 2024-03-05
  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 5

    DOS:NAPALINGA-LINGA ako sa paligid namin na ngayo'y nagbubulungan at pasimple na rin kaming kinukunan ng videos. Kaya isinuot ko na ang shades ko at hinila sa kamay ang dilag na napagkamalhang ako si Bagyo. Ang bagong kaibigan kong kapangalan at kamukha ko.Nagpatianod lang naman ito hanggang sa sumakay kami ng private elevator kung saan pamilya lang namin ang may access na gumamit dito sa mall.Lihim akong napapangiti na hinayaan lang naman ako nitong naka-intertwined ang mga daliri namin. Hindi man gaanong malambot ang kamay nito na mas malambot pa ang kamay ko'y may puwang pa rin sa puso kong kinikilig at nagugustuhan ang pagkakahawak ko sa kamay nito.Pipi akong nagdarasal na sana. . . sana hindi ito kasintahan ni Bagyo. Sayang naman kasi. Ngayon lang ako naka-encounter ng katulad niyang walang kaarte-arte sa katawan at pananalita para magpa-impressed sa akin."Woohh?! T-Teka, Bagyo, kanino 'toh?!" gimbal nitong bulalas paglabas namin ng elevator at dinala ito sa sportscar kong a

    Huling Na-update : 2024-03-05
  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 6

    DOS:PALINGA-LINGA ako sa paligid pagkababa namin ni Rose sa bungaran ng kanilang nayon. Tahimik na ang paligid at may mga ilaw pa rin naman sa mga kabahayan ditong magkakatabi-tabi lang.May mga iilang tao pa sa paligid pero normal lang naman ang kilos nila kung saan nagkukwentuhan habang nag-iinuman sa balkonahe ng bahay.Wala rin akong makitang may mga dalang baril kung kuta man ito ng mga teroristang pinamumunuan ni Suprimo."Dito nakatira si Bagyo kasama ang ama niya," mahinang bulong nito pagkatapat namin sa pinakagitnang bahay."May hinahanap ka?" bulong pa nitong kaagad kong ikinailing at matamis itong nginitian dahil nanunuri ang ginagawad nitong tingin."Ang tahimik naman dito." Nakitabi na ako sa pag-upo nito sa pahabang upuang kawayan dito sa loob ng balkonahe ng bahay nila Bagyo."Maagang natutulog ang mga tao dito dahil maaga rin gumigising," simpleng sagot nito."Ano bang pinagkaka abalahan niyo dito?" pag-uusyoso ko at pinapakiramdaman ang reaks'yon nito."Ano pa nga

    Huling Na-update : 2024-03-06
  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 7 Back home

    DOS:UMIIKOT ang paligid ko sa mga nangyayari! Sumisikip din ang dibdib ko sa halo-halong nararamdaman ko ngayon na hawak ko si Daddy. Buhay siya. . . at siya nga si Suprimo na pinuno ng mga terorista. Tama lahat ng mga kutob ko."Dos a-anak, o-okay ka lang ba?"Sa umiikot kong paningin ay napangiti akong marinig ang pagbigkas niya sa pangalan ko at sa pagtawag sa akin ng. . .anak."D-Daddy. . . h'wag kang umalis," naghihingalong pakiusap ko at mahigpit na nakahawak sa braso nito.Nakaalalay naman ito sa akin na napasandal sa kanya sa kawalang lakas ng mga tuhod ko."A-Anak.""Nagmamakaawa ako, Daddy.""Dos!" Dinig ko pa ang pagsigaw nito sa pangalan ko kasabay ng tuluyang pagbagsak ko sa bisig nitong ikinangiti ko.NAPAKUNOTNOO ako at pinakiramdaman ang paligid. Napakatahimik dito at parang nakakarinig ako ng hampas ng mga. . . alon?!Napabalikwas ako ng upo at napalunok na mabungaran ang paligid ko! Iginala ko ang paningin at napagtantong nasa baywalk lang naman ako ng Manila bay.

    Huling Na-update : 2024-03-07
  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 8

    BAGYO JR:TAHIMIK akong nagkukubli dito sa likod ng bahay na nakikinig sa susunod na hakbang nila Tatay sa pagbaba sa syudad. Kabado man at pakiramdam ko'y tatraydorin ko si Tatay pero kung hindi ako kikilos? Hindi sila magkaka-encounter ni Dos. Alam ko namang nangungulila na rin si Tatay sa pamilya niya. At kahit masakit sa akin. . . nakahanda akong magsakripisyo maibabalik lang siya sa kung saan siya dapat naroroon. At 'yon ay sa syudad. Kung saan naroon. . . ang totoong pamilya niya.Pagkalabas nila ng nayon ay palihim akong sumabit sa jeep nito at sumunod sa kanila pababa ng bayan. Mabuti na lang at hindi sila nakakahalata ng lumipat na sila sa bigbike motor na nirentahan nila habang nakasunod ako sa 'di kalayuan.PAGDATING namin ng syudad ay agad kong hinanap sa internet ang pangalan ni Dos. Mabuti na lang at nakalagay sa page ng headquarters nila ang cell number ni Police Captain nila kaya napadalhan ko ito ng mensahe tungkol sa magaganap na kilos nila Tatay at Tito Troy, ang a

    Huling Na-update : 2024-03-08
  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 9

    TYPHOON SR:MALUHA-LUHA akong pinagmamasdan ang asawa kong ngayo'y nahihimbing na. Halos ayaw na nga nitong matulog sa takot na paggising ay wala na akong makagisnan nito. Salitan nga kami ng anak kong si Dos na sinusuyo itong magpahinga na dahil hindi maganda sa kanya ang magpuyat.Lalo akong kinakain ng kunsensya ko habang pinagmamasdan ko ito. Ngayon ko lang mas nabigyan pansin ang itsura nitong namumutla at nangayayat na. Bakas din sa mga kamay nito ang mga turok ng karayom sa kanyang mga ugat sa tuwing tinuturukan siya ng pampatulog kapag nagwawala ito lalo na kung hindi nila maipakita sa kanya ang anak naming bunso sa triplets. Si Dos."Dad, magpahinga na rin po kayo." Napangiti akong umiling sa sinaad ng anak kong nakahiga na sa paanan nitong kama ng kanyang ina.Wala pang ibang may alam dito sa mansion na nandito na ako bukod sa aming apat na nandidito sa silid. Lumabas na rin ang pinsan ni Dos na isa pa lang psychiatrist doctor ni Catrione na anak ni Cathleen at Ethan, si

    Huling Na-update : 2024-03-09
  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 10

    DOS:NAGKAKATUWAAN kami ng mga kapatid at pinsan ko dito sa Bar ng resort na tinuluyan namin sa isla ng Jeju. Habang ang matatanda naman ay nagkaharap-harap sa kabilang cottage at ang mga babae ang siyang nagbantay sa mga batang makukulit."So, Dos. What's your next plan, couz?" Napalingon ako kay Kuya Claude sa tanong nito kaya nakamata na silang lahat sa akin.Si kuya Claude ay ang bunso nila Tita Cathleen at mag-isang lalake sa kanilang magkakapatid."As I promised to Mom? Isarado ko lang ang kasong hawak ko. Pagkatapos nito, lalagay na ako sa tahimik," kibit balikat kong sagot na ikinasinghap pa ng mga ito."What do you mean? Magpapakasal na ba kayo ni Ange?" Napangiwi ako kay Kuya Akhiro sa sinaad nito. Ang panganay nila Tito Khiro."No, it's not her, Kuya." Napanganga naman ang mga itong mas lalong inilapit ang mga upuan sa akin para makiusyoso sa buhay ko."And who's this unlucky woman, young officer?" nakangising tudyo ni Kuya Kieanne. Panganay ni Tito Khiranz."Tss. You're

    Huling Na-update : 2024-03-10
  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 11

    BAGYO JR:LUMIPAS ang mga araw at naging maayos naman ang pamumuno ko sa nayon namin. Kaya kahit paano ay masaya akong naging maganda ang kinalabasan ng paghaharap nila Tatay at Dos kahit na ang kapalit nito ay malalayo na si Tatay sa akin."Bay, kailan tayo luluwas ng syudad?" Napaangat ako ng mukha sa sinaad ng kaibigan ko habang nandidito kami sa clinic at hinihintay matapos ang klase ni Rosas ng sabay-sabay na kaming aakyat sa nayon."Wala pang kumpirmasyon para sa sunod na galaw ni sen Tudiasi, bay. Bakit?" sagot ko.Napanguso naman itong pinakibot-kibot pa na tila naiinip."Namimis ko na si poging bay eh. Saka nangako siyang pasasakayin niya ako sa susunod sa astig niyang kotse eh," anito.Napangiwi akong pinaningkitan itong napangiwi din ang ngiti."Para kang bata. Paano ka ba naging public attorney sa mindset mong 'yan? Malapit na akong magdudang nandaya ka kaya pumasa ka ng board," saad ko.Napalis ang ngiti nitong sinamaan ako ng tingin na natatawa sa itsura nito."Ang bait

    Huling Na-update : 2024-03-11

Pinakabagong kabanata

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 35

    DOS:"CHEERS!!" Sabay-sabay naming kampay ng mga pinsan ko. Matapos naming maisara ang kaso ng terrorism ay bumaba na kami ni Ange gaya ng plano. Matagal-tagal na dramahan ang nangyari sa headquarters namin sa paghihiwalay namin ng buong departamento ko lalo na ng team Alpha na pangalan team namin."Tuloy na ba ang kasalan?" tudyo ni Kuya Kieanne na palipat-lipat ng tingin sa amin ni Bagyo. Napangiti akong nilingon sina Rose at mga ate ko sa gawi ng pool kung saan sila nagkakasayahang mga babae."I guess," tumatango-tangong sagot ko."Yooowwnn!! Cheers to that then, young man!" masiglang hiyaw ni Kuya Akhiro kaya muli naming pinag-to-toss ang aming beer."Ikaw, bunso. Mayaya mo na ba?" tudyo ni Kuya Tyrone kay Bagyo na ikinalingon namin dito. Napangiti itong napailing."Wala eh, hindi pa naman niya ako tinatanong." Nasamid kaming lahat sa sagot nitong ikinahalakhak nito na hinagod kami ni Kuya Akhiro na katabi nito."Damn, young man. Ikaw ang magtanong sa kanya," natatawang saad ni

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 34

    DOS:ILANG araw lang kami ng hacienda dahil kailangan din naming bumalik agad ng syudad. Nagpaiwan naman si Mommy at Daddy doon maging si Tight at Angelica. Para doon na magsimula ng bagong buhay kasama ang dating ka-nayon ng mga ito. Sumama naman pabalik si Bagyo at Rose sa amin. Syempre, hindi ako makakapayag na maiiwan ang sweetheart ko doon sa hacienda. Lalo na't nagkalat din kaya ang mga binatang tauhan namin doon. Mahirap ng malingat lang ako ay makuha nila ang bulaklak kong hindi ko pa nadidiligan."Bunso, kinakabahan ako. What if, what if may mangyari sa mission nating ito?" kabadong saad ko dito. Kasalukuyan kaming naghahanda sa paglusob sa hideout ni General Altamerano. Mabuti na lang at naiintindihan ni Angelica na kailangan naming dakpin ang ama nito. Siya nga rin ang nagbigay ng hideout na kinaroroonan ng ilang warehouse na lutuan ng mga bawal na gamot na pinoprotektahan ng ama nito. Pinagtapat din namin ang tungkol sa biological mother nito na natanggap nito. Matagal

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 33

    BAGYO:NANGINGITI akong pinagmamasdang nahihimbing si Ange sa tabi ko. Matapos madali si Tight ng mga honeybee sa manggahan ay pinagaling na muna namin ito at salitang inaalagaan dahil sa lala ng natamo. Lagi pa kaming nakakatikim ng batok, kurot at sabunot ni Dos kina Ange at Rosas. Dahil 'di namin maiwasang mapabungisngis sa tuwing mapapatingin sa itsura ni Tight. Lumubo kasi ang mukha at kumapal ang mga namamagang labi! Kahit mga mata ay parang mata na ng zombie na kay lalaki ng talukap at eyebags na halos hindi makadilat."Ang ganda talaga," nangingiting saad ko habang hinahaplos ito sa pisngi."Matagal na, baby." Namula ako na gising na pala ito at narinig ang compliment ko. Napahagikhik itong sumubsob sa dibdib kong ikinalunok ko lalo na't nandidito kami sa silid ko.Nakitulog kasi ito dito na underwear lang ang suot dahil hindi raw makatulog kapag nakadamit. Napakainit at lambot ng katawan nitong nakasiksik sa akin. Kahit nakasuot ako ng manipis na pajama at white sando ay na

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 32

    TIGHT:NAPAKALAPAD ng ngiti ko habang hawak-kamay kami ni Angelica na naglalakad dito sa may manggahan sa hacienda nila Dos at Bagyo. Mabuti na lang at sumama si Angelica dito ng hindi na naman ako maiinggit sa apat kong kaibigan na wagas magtukahan sa tuwing magkakasama kame. Tila iniinggit lang ako. Pero ang sabi naman ni poging bay, panooren ko lang kung paano siya humalik para matuto ako kapag nagka-gerpren ako. At ngayon mai-aplay ko na ang mga walastek nilang da-moves ng kambal netong si Bagyo.Hindi ko mapigilang mapangite habang marahang pinipisil-pisil ko ang napakalambot na palad ng langga ko. Maging ito'y pinipisil-pisil den naman ang palad ko kahit pa magaspang at may mga kalyo ito hayst! Nakakaheya nga dahil parang bulak sa lambot ang palad neto pero. . . kakapalan ko na lang ang fes ko!"Langga, kaya mong umakyat?" Natigil naman sa paglalakbay ang diwa ko ng mapahinto ang langga ko at matamang nakatingala sa malaking puno ng mangga. Ilang hektarya den itong manggahan

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 31

    DOS:KABADO ako habang tinatahak ang daan papunta sa headquarter ni General Altamerano. Para sa parangal na matatanggap ng buong team ko sa pagkakasara namin ng malaking kasong hawak namin. Alam ko namang isa siya sa mga dapat alisin namin ni Bagyo sa serbisyo. Dahil kaya malayang nakakagalaw noon si Althea ay dahil ito ang tumutulong sa kanya. Nakakapanghinayang lang dahil dati siyang matalik na kaibigan ni daddy ng magkasama pa sila sa serbisyo. Napapabuga ako ng hangin habang nagse-ceremony ang angkan ng kapulisan dito sa harapan ng PNP headquarters ni General Altamerano. Marami din naman akong kasabayan na mapo-promote kasama syempre ang buong team ko pero nakakakaba pa rin.Nanagangatog ang mga tuhod ko ng tawagin na ang departamento namin ni General na magtungo ng stage at isa-isang kabitan ng badge para sa pagtataas ng ranggo namin. Tuwid na tuwid ang pagkakatayo namin at isa-isang kinamayan ang mga pinuno ng PNP na nandidito. Kabado man ay pinilit kong kalmahin ang sarili

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 30

    BAGYO:ILANG linggo rin kaming nanatili sa hospital nila Tight at Rosas dahil sa lala ng mga tinamo naming injuries. Nakakalungkot lang na marami pa rin ang nalagas sa mga ka-nayon ko. At kabilang na nga doon ang kinilala kong ina buong buhay ko. Si Althea. Mabuti na lamang at mas marami pa rin namang natira na siyang sumuko. Noong nilusob kami sa Basilan ng join forces ng team ni Dos at ang private army ng pamilya Montereal. Kaya madali nila kaming nakuha. Alam ko namang napipilitan lang ang mga kasamahan naming sundin noon si Althea dala ng takot para sa kapakanan kaya napapasunod sila noon sa bawat utos nito. Pero, mabuti na lang at natapos na.Nakahinga kami nila Rosas at Tight ng maluwag na naabswelto na ang buong nayon. Sa pagbabalik loob nila sa pamahalaan at ngayon nga ay nasa hacienda na sila ng Montereal. Ang sabi ni Dos ay doon na ang pangalawang tatawaging tahanan nila. Kung saan malayang makakapagsimulang muli. Gusto na nga rin naming sumunod doon. Pero may mga hindi p

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 29

    CATRIONE:NAPANGISI ako ng masundan namin ni Angelique si Althea na natatarantang bumababa ng burol. Hila-hila si Rose na nanghihina at. . . duguan. Puno din ng pasa ito lalo sa mukha at halos hindi na nga namin makilala! Nangingitim ang dalawang malaking blackeye nito sa mga mata, sabog-sabog ang buhok, kulay ube na rin ang kabilaang pisngi at nangingitim ang mga labi sa natuyong dugo mula doon. Napakuyom ako ng kamao. Halang talaga ang bituka nito.Maingat kaming tumakbo ni Ange na inunahan ito at nang ma-corner. Dalawa pa kaming tinutukan ito ng baril. Natigilan si Rose dahil panay ang lingon ni Althea sa likuran nito na wala na ang mga tao nitong nakasunod lang kanina kung saan dakip ang anak ko at ibang kasama ng mga ito."Longtime no see. . . Althea Arabella Montereal. Did you missed this gorgeous Cat?" nakangising pang-uuyam kong ikinatigil nito at dahan-dahang napalingon. Namutla ito na mabungaran kami ni Ange na nakatutok sa kanya ang baril namin kaya itinutok naman niya ka

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 28

    Dos:NATIGILAN KAMI SA masinsinang pag-uusap ng pamilya ko ng mag-ring ang cellphone ko. Napapilig ako ng ulo na unregistered number ang caller at muling nilukob ng kaba."Who's calling?" ani Ange ng mapansing natulala ako. Napailing ako at pilit ngumiti."Unregistered, baka nangpa-prank na naman. Nakakainis, magpalit na kaya ako ng number ang daming tumatawag sa akin na unregistered dahil nakalagay sa page natin ang number ko" reklamo ko at muling ibinulsa ang phone ko.Pero muli na namang tumawag ang caller."Sagutin mo na muna anak" ani daddy na natigilan na naman sa pagdi-discuss ng mga lugar na maaaring pinagdalhan nila kina Bagyo. Napahilot ako ng sentido at nanggigigil na sinagot ang makulit na caller."Hello?!" iritadong sagot ko."C-Captain Typhoon Del Mundo JR" ani ng baritong boses sa kabilang linya. Napahilot ako sa kilay kong salubong at napahingang malalim. Sabi na eh, may nangti-trip na naman sa akin kaya kinuha ang number ko sa page ng headquarters namin."Speaking?" n

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 27

    BAGYO:NANIGAS ako nang nagsilapit na ang ilang kalalakihan na kasamahan namin dito sa nayon at dinakip nga kami nila Rosas! Napalingon ako kina Tito Troy na umiling lang sa aking nagpapahiwatig na hindi na ako manlalaban at hayaan ang mga ito! Napakuyom ako ng kamao at hinayaang itali nila ang mga kamay ko sa likod maging sina Tight, Rosas, Tito Troy, Asiong at Tita Daisy!Ikinulong nila kami sa bakanteng bahay at kinandado pa sa labas. Nanghihina kaming napaupo sa kahoy na sahig."Patawad ho. Nadamay pa kayo, Tito, Tita," nakayukong paumanhin ko na tumutulo ang luha ko."Hindi ka namin sinisisi, anak. Mas kakampihan ka naman namin kaysa sa baluktot na katwiran ng ina mo," ani Tito Troy na ikinailing ko."Alam niya ang mga nangyayari at malamang ay nagpaplano na pala siya ng 'di natin namamalayan. Masyado akong nakampante na maayos ang samahang pinamununuan ko at nag-focus lang sa mga kalaban sa gobyerno," 'di ko mapigilang sisihin ang sarili sa kapabayaan ko!"Ang sama talaga ng in

DMCA.com Protection Status