Share

Chapter 2

last update Huling Na-update: 2024-03-02 20:37:00

DOS:

MASAYA akong pumasok ng headquarters namin dahil may mga bagong lead kaming nahahagip tungkol sa kasong hawak ko.

Hanggang ngayo'y palaisipan pa rin sa amin ang bagong pagmumukha ni Suprimo na siyang hina-hunting namin dahil sa dating mga kaso nilang nangunguha ng mga kabataan.

Kahit hindi na sila muling napabalitang nangunguha ng mga kabataan ay malaki pa rin silang banta sa lipunang kailangang tugisin ng mga katulad kong pumoprotekta sa gobyerno.

Kahit pakonti-konti ang nahahagilap naming impormasyon para matunton ang grupo na pinamumunuan no'ng Suprimo na 'yon ay masaya na ako sa resulta. Pakiramdam ko'y palapit na ako nang palapit sa katotohanan at sa pagkakaresolba ko sa kasong ito. At sa pagbibigay ko ng hustisya para sa yumaong ama namin.

NAPAIKTAD ako ng mag-vibrate ang phone ko sa pagkakasubsob ko sa laptop ko habang nagre-review sa hawak naming kaso.

"Hello, Ate?"

Iniipit ko na lamang sa balikat ang phone ko padikit sa tainga ko at muling nagpatuloy sa ginagawa.

"Uy, Dos, anong oras ang lunch break mo? Samahan mo naman ako, nandito ako sa Quiapo church. Hintayin kita dito," bungad ni Ate Yoona sa kabilang linya.

Napatingin ako sa wrists watch ko at mag-alasdose na nga ng tanghali kaya pinatay ko na muna ang laptop at napahilot sa noo. No'ng isang linggo pa ako kinukulit ni Ate Yoona na i-treat ko daw siya.

"Sige na nga, bigyan mo 'ko 10 minutes," pagsang-ayon ko at narinig pang napatili at yes itong ikinailing ko.

Palabas na ako ng headquarters nang makasalubong ko si Angelique na kunot ang noo.

"Out ka na?"

"Yup," simpleng sagot ko.

"Teka lang sabay na tayo," pigil nito sa akmang paglabas ko.

"Hindi p'wede may ka-date ako, panggulo ka do'n."

Napataas ito ng kilay at pinasadaan ako ng mapanuring tingin. Mula sa makintab kong leather black shoe hanggang sa pagkaka-wax ng bagong gupit kong buhok. Sininghut-singhot pa akong parang may inaamoy na mali sa perfume ko kaya napaamoy ako sa sarili kung mabaho ba ako.

"Anong ginagawa mo?"

"Sinong ka-date mo na hindi ko alam? Naligo ka pa ng pabango, huh?" pag-uusisa pa nito na animo'y isang girlfriend na hinuhuli ang boyfriend madulas sa sariling dila.

"Secret."

Mahina kong pinitik ito sa noo kaya lalong napabusangot ang magandang mukha nito.

"Dos, sama ako," ungot pa nito at nauna pang sumakay ng motor ko.

Naiiling na lamang ako sa inaasta nito. Paniguradong babatukan ako nito mamaya kapag malamang isa sa pinsan namin ang ka-date ko.

Ako na lamang ang umangkas dahil hilig din naman nito ang magmaneho ng mga bigbike motor. Minsan nga kapag free kami ay nagro-road-trip kami at nagkakarerahan sa highway gamit ang ducati namin. Kaya madalas ko itong binibirong nakakasawa na ang pagmumukha dahil halos 24/7 ay magkadikit kaming dalawa.

Napalinga-linga ito ng ipinahinto ko sa isang fast-food restaurant katabi ng simbahan ang motor. Tahimik lang naman itong napasunod sa akin ng pumasok na ako ng restaurant at panay ang linga sa paligid. Lihim akong napapangiti dahil mukhang excited itong ma-meet ang date ko.

Napahinto ito ng kumaway sa gilid ang magandang dilag na nakaupong mag-isa. Napabitaw ito sa pagkakayakap sa braso ko at 'di nga ako nagkamali ng hula dahil binatukan ako nitong ikinasinghap ng mga tao dito sa loob na nakamata sa amin.

"Aw," natatawang d***g kong napakamot sa batok.

Natatawa kong inakbayan ito at iginiya palapit sa kinauupuan ni Ate Yoona. Yumakap din naman ito sa tagiliran ko pero panay ang kurot sa akin na ikinaiiktad ko.

"Hmm. . . kung hindi ko lang kayo kakilala kikiligin na sana ako sa inyo eh," panunukso ni Ate Yoona pagkalapit namin.

Nagbeso-beso pa silang dalawa bago kami. Inalalayan ko pa ang mga itong makaupo bago naupo sa gitna nila at tinawag ang waiter.

"Naku, Ate, anong kilig-kilig ka d'yan? Kilabot kamo."

"Grabe ka naman sa akin. Ni hindi nga kumakalahati sa kagwapuhan ko 'yong mga nakaka-date mo," saad kong ikinahagikhik ni Ate Yoona.

Matamang nakatitig sa amin ni Ange na nagsisiringan ng tingin sa isa't-isa.

Hindi pa man kami nakaka-order ay may nakita ako sa labas na nagtatakbuhan kaya napatayo na akong tumakbo palabas ng restaurant.

"Dos!"

Narinig ko pang pagtawag sa akin ni Ate Yoona at Ange pero mabilis na akong lumabas at sinundan ang lalakeng mabilis kumaripas ng takbo habang may dala-dalang shoulder bag ng babaeng humahabol dito at sumisigaw ng snatcher!

Sinundan ko na ang tinatawag nitong snatcher na sumuot sa mga iskinita nitong lugar. May nakasunod din dito na 'di ko batid kung kasabwat o good samaritan lang na tumutulong mabawi ang bag sa snatcher!

"Freeze! Hands up!" sigaw ko sa sa snatcher nang salubungin ko ito.

Namutla itong napaatras ng mabungaran akong nakatutok sa kanya ang caliber 45 ko.

Siya namang dating ng isa pang humabol dito at agad dinakma ang may katandaang lalake.

Kahit malaki ang katawan ay walang katakot-takot at hirap nitong pinilipit ang isang kamay nitong ini-lock sa kanyang likod kaya napaluhod ang matandang snatcher sa bilis kumilos ng tumulong sa aking ma-corner ito. Lumapit na ako at pinosasan ito.

"Salamat sa pagtulong--"

Akmang kakamayan ko ito ng matigilan kami pareho sa pagsalubong ng mga mata namin.

Nanigas ako at sunod-sunod napalunok tulad nitong matamang ding nakatitig sa aking walang kakurap-kurap.

"I-Ikaw. . . s-sino ka?" nauutal nitong tanong ng una siyang nakabawi sa akin.

"Bagyo, tara na--"

Natigilan ang biglang sumulpot at hinihingal nitong kasama nang mapatingin sa aking kaharap nila. Palipat-lipat ito ng tingin sa akin at sa katabi nito.

"Tight, s-sabihin mo nga. . . namamalik-mata lang ako, 'di ba?" saad nitong sa akin pa rin nakatutok ang mga mata.

"Hindi ka namamalik-mata, Bagyo. Kamukha mo ang parak na 'yan, kamukhang-kamukha!" namamanghang bulalas nito sa kamukha kong nakatitig din sa akin na tila kinakabisa ang itsura ko tulad nito.

"Ahm, n-nagkataon lang siguro na magkamukha kami," anito at muling pinasadaan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Yeah you're right, I'm Captain Typhoon Del Mundo JR. And you are?" nakangiting saad ko at naglahad ng kamay dito.

Namutla pa sila sa narinig na pangalan ko at nagkatinginan na tila nagkakatanungan bago muling bumaling sa akin.

"Typhoon Del Mundo JR too, officer, doctor ako sa nayon namin. Hindi naman siguro tayo. . . magkapatid, tama? Nagkataon lang sigurong magkamukha at magkapangalan tayo," pagpapakilala din nitong ikinatigil ko.

Napabalik ang ulirat ko nang kamayan ako nito ng mahigpit at parang nakuryente sa paglapat ng kamay nito sa kamay ko. Kita ko din namang maging ito ay natigilang napatingin sa magkahawak naming kamay na tila naramdaman din ang naramdaman ko.

"Hindi kaya magkapatid kayo, mga idol? Nakakapagtaka lang na magkamukha kayo. . . at magkapangalan," sabat ng katabi nitong namamangha akong kinamayan.

May malapad na ngiting palipat-lipat ng tingin sa amin ng kasama nitong kapangalan ko. Napangiti na ako na lalo nilang ikinamangha.

"Nabuang na oy! May biloy ka rin!?" bulalas nito at muling nagkatinginan sa katabi.

"Nagkataon lang siguro. Imposible kasing. . . anak ka ng Tatay ko. Pero masaya akong makilala ka, officer. . . katukayo," nakangiting saad nito at saka ko lang napansing may dalawang dimples din itong malalalim.

"Maybe. . . I guess, too. Masaya din akong makilala ka, doc. . . katukayo. Alam mo may mga kambal ako. Triplets kami actually. Tiyak matutuwa din sila na makilala ka. Sana hindi ito ang huli nating pagkikita," sagot kong ikinamangha nilang dalawa.

"Sana nga, katukayo. Hindi ito ang huli. Minsanan lang kasi kami dito sa syudad para kumuha lang ng mga kakailanganin naming gamot sa nayon," sagot nitong muli akong kinamayang malugod kong tinanggap.

"Sana makadalaw din ako d'yan sa nayon niyo. Gusto ko ring makilala ang ama mong kapangalan ng ama ko," wala sa sariling saad kong ikinapula nila at pilit ngumiti sa akin.

"Ako rin. Sana makilala ko rin ang ama mo, katukayo."

Mapait akong napangiti at iling dito na ikinasalubong ng mga kilay nila.

"Ahem! Wala na siya. Nasa sinapupunan pa lamang kami ni Mommy ay namahinga na ang ama namin."

Natigilan ang mga ito sa pagtatapat ko at lumamlam ang itsurang bakas ang lungkot sa narinig.

"G-Ganon ba. . .pasensiya ka na, pero hayaan mo, katukayo. Kung may pagkakataong madala kita sa nayon namin ay malugod kitang ipapakilala sa Tatay ko. Tiyak akong matutuwa siyang makilala ka lalo't solong anak ako."

Napatango-tango ako at nangingiting inakbayan ito. Umakbay din naman ito at ramdam kong tila may malalim na koneksyon sa pagitan naming dalawa.

Siya namang dating ng mga pulis na dadampot sa snatcher na nahuli namin ni Bagyo kaya natahimik muna kami.

Nang makaalis na ang mga ito ay inaya ko muna sila sa kalapit na restaurant pero ako ang hinila nila sa mga nakahilerang kainan dito sa gilid ng kalsada.

Hindi ko maintindihan ang sarili pero wala naman akong nararamdaman na pagdududa at pagtanggi sa kanila na parang matagal ko na silang kakilala at may malalim na koneksyon sa isa't-isa.

Napapatili pa sa amin ang mga kababaihan dito at halos dagsain na kami sa pinasukang karinderya.

"Masyado ba akong gwapo para dagsain nila? Ano sa tingin niyo, dalawang Bagyo?" namamanghang bulalas ni Tight.

Kumakaway-kaway pa sa mga kababaihang nagtitili sa paligid naming inaawat ng mga helper nitong kainan.

Napabungisngis ako at iling nang batukan ito ng katabing si Bagyo.

"Hindi naman ikaw ang tinitilian nila. Nakakahiya ka umayos ka nga. Tatawagin mo pa talagang Bagyo si Captain. Pasensiya ka na, katukayo. Wala kasing preno ang bibig ng kaibigan kong 'to eh. Ewan ko ba kung paano ko ito naging kaibigan," saad ni Bagyo na ikinalabi ni Tight.

"Ayos lang, mas maganda ngang komportable kayo sa akin, katukayo."

"Mabuti ka pa, mas gwapo ka na, mas mabait ka pa! Ahm. . . ano ba dapat itawag ko sa'yo, Captain? Nakakalito kung dalawa kayong tatawagin kong Bagyo," sabat ni Tight na ikinangiti ko.

"Dos, Dos na lang. Tight, right?"

Namilog pa ang mga mata nito at napahawak sa tapat ng dibdib na tila touch na touch sa sinaad ko. Nangingiti tuloy kami ni Bagyo at napapailing na nakatitig ditong maluha-luha pang nakatitig sa aking kaharap nila.

"Ah gano'n? Sa mas gwapo p'wede pa 'yon. . . pati ba naman mas mabait siya rin 'yon? Ang bait mo ring kaibigan eh, huh?" naiiling bulalas ni Bagyo na muling binatukan si Tight na napapakamot na sa batok at napapangusong parang bata.

"Ang seloso mo naman, bay. Oo na mabait kayo pareho. Mas lamang lang ng isang paligo si Dos sa'yo. Kasi makinis at mistiso siya. Kaya nga. . . maghilod-hilod ka rin para mabawasan ang libag mo ng pumuti ang balat mong sunog na sa araw."

'Di ko mapigilang mapabungingis sa paraan ng pag-uusap nilang tila nagpapasaringan pero hindi naman nagkakainitan at pikunan.

Medyo moreno kasi si Bagyo sa akin at simpleng manamit. Naka-eyeglass din ito at medyo malago ang buhok na tinatakpan ng bonet nitong suot.

MASAYA kaming nananghaliang tatlo. Kahit ngayon ko lang naranasang kumain sa karinderya kasabay ang mga simpleng taong katulad nila ay napuno pa rin ng kasiyahan ang table namin.

May galak sa puso ko at ang gaan nilang kasama. Ramdam ko ang pagiging down to earth nila kaya siguro magkakasundo kaming tatlo dahil pareho lang naman kaming hindi nagpapakitang tao.

Matapos naming mananghalian ay humiwalay na ako sa kanila dahil may duty pa ako at kailangan na rin daw nilang makabalik ng nayon nila dahil naghihintay ang mga kanayon nila sa mga dala nilang gamot.

Ayon kay Bagyo isa siyang lisensyadong doctor na mas piniling sa nayon nila maglingkod. Kahit pa libre ang serbisyo nito doon ay masaya itong pinagsisilbihan ang mga kanayon.

Mas na-e-excite tuloy ako na makarating sa nayon nila at para na rin makilala. . . ang ama niyang kapangalan namin ni Daddy.

Nakalimutan ko tuloy ang dalawang instant girlfriend kong naghihintay sa akin sa restaurant na pinasukan namin. Kaya sinusumpong na naman ng kasungitan si Ange sa akin na mas inuna ko pa raw ang ibang tao kaysa sa kanila.

"Late ka yatang nakauwi, Dos? May bagong hawak ka bang kaso?" bungad sa akin ni Kuya Tyrone na siyang nandidito sa silid ni Mommy.

Binabantayan ang nahihimbing naming ina. Naupo ako sa gilid ng kama at humalik kay Mommy bago hinubad ang sapatos ko at sumampa ng kama para mayakap ang ina namin.

"Kuya, sa'yo ko na muna ipapaalam ito. Hawak ko ang kasong. . . terrorism na hawak noon ni Daddy. Eto na ang pinakahinihintay ko, Kuya. Ako ang reresolba at magsasara sa kasong inumpisahan ni Daddy."

"Na siyang tumapos din ng buhay niya. Dos, bakit mo tinanggap ang kasong 'yan? Gusto mo bang mabaliw na ng tuluyan si Mommy? Alam mong dahil sa mga terorista kaya tayo nawalan ng ama at nawalan ng asawa si Mommy. Na hanggang ngayo'y nagluluksa pa rin at nakalugmok sa kalungkutan. Iniisip mo ba ang mararamdaman ni Mommy, huh?" napalis ang ngiti ko sa masayang pagbabalita ko sa panenermon nito.

Kapwa kami natigilan ng gumalaw si Mommy na tila nagising sa may kalakasang boses ni Kuya Tyrone.

"Mm. . . Typhoon?"

Umayos ako sa pagkakasandal sa headboard nitong kama ni Mommy at mas niyakap ko ito nang tuluyan na nga itong nagising.

"Nagugutom ka ba, Mommy? Gusto mong samahan ako? Meryenda, gusto mo? May dala akong chocolate 'yong paborito mo," pag-alok ko dito na matamang nakatingala sa akin.

Kahit walang kinang ang mga nanlalalim niyang mga mata at tumango pa rin naman ito kaya nagpadala ako ng pagkain namin dito sa silid.

Tumayo na si kuya para salubungin ang pagkaing dala ng mga maids para sa amin ni Mommy.

"Umayos ka. Maawa ka naman kay Mommy. Ibigay mo na 'yan sa iba, Dos. Sapat na ang isang naging bayani sa pamilya natin. Hindi ako makakapayag na pati sa kabilang buhay ay susundan mo ang yapak ni Daddy. Sapat ng pinayagan ka naming sumunod sa profession tulad niya," panenermon pa rin nito habang pinapakain ko ang ina namin na sinasabayan ko.

Napahinga na lamang ako ng malalim dahil ayo'kong makipagtalo sa mga kapatid ko lalo na at nakaharap si Mommy.

"I'm sorry, Kuya. But I can't. Huli na 'to, reresolbahin at isasara ko ang kaso para mabigyang hustisya na rin. . . ang ama natin."

Kaugnay na kabanata

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 3

    BAGYO JR:MASAYA kaming bumalik ng nayon ni Tight. Ang kababata at parang kapatid ko na rin. Gusto pa sana naming mag-stay muna sa syudad dahil sa bagong kakilala naming kamukha at kapangalan ko. Pero hindi kami p'wedeng magtagal doon. Hindi ko maintindihan pero parang may koneksyon kaming dalawa ni Dos sa isa't-isa.Mag-isa akong anak ni Nanay at Tatay. Hindi rin buo ang pamilyang kinagisnan ko dahil hindi naman nagsasama si Nanay at Tatay sa iisang bubong. At naiintindihan ko naman iyon dahil bata pa lang ako ay ipinaintindi na sa akin ni Tatay ang sitwasyon nila ni Nanay."Bay, anong tingin mo kay Dos? Mapagkaka tiwalaan ba natin siya sa sikreto ng samahan natin sa nayon?" wala sa sariling tanong ko kay Tight habang pumapapak ito ng chicharon.Sinusubuan lang akong nagmamaneho ng pick-up na siyang service ko kapag lumuluwas ako ng bayan o sa syudad."Tingin ko naman mabuti siyang kaibigan, bay. Pero. . . pero h'wag mong kalimutang parak 'yon. Alagad ng batas. Hindi natin alam kung

    Huling Na-update : 2024-03-05
  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 4

    DOS:NAPAANGAT ako ng mukha nang mag-vibrate ang cellphone kong nakapatong sa lamesa ko. Tinatapos ko lang ang office hour ko para makauwi pero natigilan ako pagkabasa sa mensaheng galing sa unknown number."8:pm San Diego ville. Come and witness how dirty your government you've been protecting is, Captain Typhoon Del Mundo Jr."Kinabahan ako at kaagad ni-dial ang numero pero out of coverage na ito! Marahas akong napatayo at lumabas na ng headquarters. Baka nag-i-scam lang ang unknown sender na 'yon! Hindi ko na dapat pagtuonan ng pansin ang pinadala nito. Hindi ko alam pero parang may humuhila na sa aking umuwi.Pagdating ko ng mansion saktong nakahanda na ang hapunan kaya nagpaakyat na ako ng hapunan namin ni mommy sa silid nito.Taranta akong pumasok ng silid nito ng marinig ang mga nagngangabasag na gamit mula sa loob dahil nakabukas ang pinto at ang pagtitili ni Ate Yoona at Yonyon!"Mommy!!" Patakbo ko itong niyakap ng matigilan pagkakita sa akin at akmang babasagin ang hawak-h

    Huling Na-update : 2024-03-05
  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 5

    DOS:NAPALINGA-LINGA ako sa paligid namin na ngayo'y nagbubulungan at pasimple na rin kaming kinukunan ng videos. Kaya isinuot ko na ang shades ko at hinila sa kamay ang dilag na napagkamalhang ako si Bagyo. Ang bagong kaibigan kong kapangalan at kamukha ko.Nagpatianod lang naman ito hanggang sa sumakay kami ng private elevator kung saan pamilya lang namin ang may access na gumamit dito sa mall.Lihim akong napapangiti na hinayaan lang naman ako nitong naka-intertwined ang mga daliri namin. Hindi man gaanong malambot ang kamay nito na mas malambot pa ang kamay ko'y may puwang pa rin sa puso kong kinikilig at nagugustuhan ang pagkakahawak ko sa kamay nito.Pipi akong nagdarasal na sana. . . sana hindi ito kasintahan ni Bagyo. Sayang naman kasi. Ngayon lang ako naka-encounter ng katulad niyang walang kaarte-arte sa katawan at pananalita para magpa-impressed sa akin."Woohh?! T-Teka, Bagyo, kanino 'toh?!" gimbal nitong bulalas paglabas namin ng elevator at dinala ito sa sportscar kong a

    Huling Na-update : 2024-03-05
  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 6

    DOS:PALINGA-LINGA ako sa paligid pagkababa namin ni Rose sa bungaran ng kanilang nayon. Tahimik na ang paligid at may mga ilaw pa rin naman sa mga kabahayan ditong magkakatabi-tabi lang.May mga iilang tao pa sa paligid pero normal lang naman ang kilos nila kung saan nagkukwentuhan habang nag-iinuman sa balkonahe ng bahay.Wala rin akong makitang may mga dalang baril kung kuta man ito ng mga teroristang pinamumunuan ni Suprimo."Dito nakatira si Bagyo kasama ang ama niya," mahinang bulong nito pagkatapat namin sa pinakagitnang bahay."May hinahanap ka?" bulong pa nitong kaagad kong ikinailing at matamis itong nginitian dahil nanunuri ang ginagawad nitong tingin."Ang tahimik naman dito." Nakitabi na ako sa pag-upo nito sa pahabang upuang kawayan dito sa loob ng balkonahe ng bahay nila Bagyo."Maagang natutulog ang mga tao dito dahil maaga rin gumigising," simpleng sagot nito."Ano bang pinagkaka abalahan niyo dito?" pag-uusyoso ko at pinapakiramdaman ang reaks'yon nito."Ano pa nga

    Huling Na-update : 2024-03-06
  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 7 Back home

    DOS:UMIIKOT ang paligid ko sa mga nangyayari! Sumisikip din ang dibdib ko sa halo-halong nararamdaman ko ngayon na hawak ko si Daddy. Buhay siya. . . at siya nga si Suprimo na pinuno ng mga terorista. Tama lahat ng mga kutob ko."Dos a-anak, o-okay ka lang ba?"Sa umiikot kong paningin ay napangiti akong marinig ang pagbigkas niya sa pangalan ko at sa pagtawag sa akin ng. . .anak."D-Daddy. . . h'wag kang umalis," naghihingalong pakiusap ko at mahigpit na nakahawak sa braso nito.Nakaalalay naman ito sa akin na napasandal sa kanya sa kawalang lakas ng mga tuhod ko."A-Anak.""Nagmamakaawa ako, Daddy.""Dos!" Dinig ko pa ang pagsigaw nito sa pangalan ko kasabay ng tuluyang pagbagsak ko sa bisig nitong ikinangiti ko.NAPAKUNOTNOO ako at pinakiramdaman ang paligid. Napakatahimik dito at parang nakakarinig ako ng hampas ng mga. . . alon?!Napabalikwas ako ng upo at napalunok na mabungaran ang paligid ko! Iginala ko ang paningin at napagtantong nasa baywalk lang naman ako ng Manila bay.

    Huling Na-update : 2024-03-07
  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 8

    BAGYO JR:TAHIMIK akong nagkukubli dito sa likod ng bahay na nakikinig sa susunod na hakbang nila Tatay sa pagbaba sa syudad. Kabado man at pakiramdam ko'y tatraydorin ko si Tatay pero kung hindi ako kikilos? Hindi sila magkaka-encounter ni Dos. Alam ko namang nangungulila na rin si Tatay sa pamilya niya. At kahit masakit sa akin. . . nakahanda akong magsakripisyo maibabalik lang siya sa kung saan siya dapat naroroon. At 'yon ay sa syudad. Kung saan naroon. . . ang totoong pamilya niya.Pagkalabas nila ng nayon ay palihim akong sumabit sa jeep nito at sumunod sa kanila pababa ng bayan. Mabuti na lang at hindi sila nakakahalata ng lumipat na sila sa bigbike motor na nirentahan nila habang nakasunod ako sa 'di kalayuan.PAGDATING namin ng syudad ay agad kong hinanap sa internet ang pangalan ni Dos. Mabuti na lang at nakalagay sa page ng headquarters nila ang cell number ni Police Captain nila kaya napadalhan ko ito ng mensahe tungkol sa magaganap na kilos nila Tatay at Tito Troy, ang a

    Huling Na-update : 2024-03-08
  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 9

    TYPHOON SR:MALUHA-LUHA akong pinagmamasdan ang asawa kong ngayo'y nahihimbing na. Halos ayaw na nga nitong matulog sa takot na paggising ay wala na akong makagisnan nito. Salitan nga kami ng anak kong si Dos na sinusuyo itong magpahinga na dahil hindi maganda sa kanya ang magpuyat.Lalo akong kinakain ng kunsensya ko habang pinagmamasdan ko ito. Ngayon ko lang mas nabigyan pansin ang itsura nitong namumutla at nangayayat na. Bakas din sa mga kamay nito ang mga turok ng karayom sa kanyang mga ugat sa tuwing tinuturukan siya ng pampatulog kapag nagwawala ito lalo na kung hindi nila maipakita sa kanya ang anak naming bunso sa triplets. Si Dos."Dad, magpahinga na rin po kayo." Napangiti akong umiling sa sinaad ng anak kong nakahiga na sa paanan nitong kama ng kanyang ina.Wala pang ibang may alam dito sa mansion na nandito na ako bukod sa aming apat na nandidito sa silid. Lumabas na rin ang pinsan ni Dos na isa pa lang psychiatrist doctor ni Catrione na anak ni Cathleen at Ethan, si

    Huling Na-update : 2024-03-09
  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 10

    DOS:NAGKAKATUWAAN kami ng mga kapatid at pinsan ko dito sa Bar ng resort na tinuluyan namin sa isla ng Jeju. Habang ang matatanda naman ay nagkaharap-harap sa kabilang cottage at ang mga babae ang siyang nagbantay sa mga batang makukulit."So, Dos. What's your next plan, couz?" Napalingon ako kay Kuya Claude sa tanong nito kaya nakamata na silang lahat sa akin.Si kuya Claude ay ang bunso nila Tita Cathleen at mag-isang lalake sa kanilang magkakapatid."As I promised to Mom? Isarado ko lang ang kasong hawak ko. Pagkatapos nito, lalagay na ako sa tahimik," kibit balikat kong sagot na ikinasinghap pa ng mga ito."What do you mean? Magpapakasal na ba kayo ni Ange?" Napangiwi ako kay Kuya Akhiro sa sinaad nito. Ang panganay nila Tito Khiro."No, it's not her, Kuya." Napanganga naman ang mga itong mas lalong inilapit ang mga upuan sa akin para makiusyoso sa buhay ko."And who's this unlucky woman, young officer?" nakangising tudyo ni Kuya Kieanne. Panganay ni Tito Khiranz."Tss. You're

    Huling Na-update : 2024-03-10

Pinakabagong kabanata

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 35

    DOS:"CHEERS!!" Sabay-sabay naming kampay ng mga pinsan ko. Matapos naming maisara ang kaso ng terrorism ay bumaba na kami ni Ange gaya ng plano. Matagal-tagal na dramahan ang nangyari sa headquarters namin sa paghihiwalay namin ng buong departamento ko lalo na ng team Alpha na pangalan team namin."Tuloy na ba ang kasalan?" tudyo ni Kuya Kieanne na palipat-lipat ng tingin sa amin ni Bagyo. Napangiti akong nilingon sina Rose at mga ate ko sa gawi ng pool kung saan sila nagkakasayahang mga babae."I guess," tumatango-tangong sagot ko."Yooowwnn!! Cheers to that then, young man!" masiglang hiyaw ni Kuya Akhiro kaya muli naming pinag-to-toss ang aming beer."Ikaw, bunso. Mayaya mo na ba?" tudyo ni Kuya Tyrone kay Bagyo na ikinalingon namin dito. Napangiti itong napailing."Wala eh, hindi pa naman niya ako tinatanong." Nasamid kaming lahat sa sagot nitong ikinahalakhak nito na hinagod kami ni Kuya Akhiro na katabi nito."Damn, young man. Ikaw ang magtanong sa kanya," natatawang saad ni

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 34

    DOS:ILANG araw lang kami ng hacienda dahil kailangan din naming bumalik agad ng syudad. Nagpaiwan naman si Mommy at Daddy doon maging si Tight at Angelica. Para doon na magsimula ng bagong buhay kasama ang dating ka-nayon ng mga ito. Sumama naman pabalik si Bagyo at Rose sa amin. Syempre, hindi ako makakapayag na maiiwan ang sweetheart ko doon sa hacienda. Lalo na't nagkalat din kaya ang mga binatang tauhan namin doon. Mahirap ng malingat lang ako ay makuha nila ang bulaklak kong hindi ko pa nadidiligan."Bunso, kinakabahan ako. What if, what if may mangyari sa mission nating ito?" kabadong saad ko dito. Kasalukuyan kaming naghahanda sa paglusob sa hideout ni General Altamerano. Mabuti na lang at naiintindihan ni Angelica na kailangan naming dakpin ang ama nito. Siya nga rin ang nagbigay ng hideout na kinaroroonan ng ilang warehouse na lutuan ng mga bawal na gamot na pinoprotektahan ng ama nito. Pinagtapat din namin ang tungkol sa biological mother nito na natanggap nito. Matagal

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 33

    BAGYO:NANGINGITI akong pinagmamasdang nahihimbing si Ange sa tabi ko. Matapos madali si Tight ng mga honeybee sa manggahan ay pinagaling na muna namin ito at salitang inaalagaan dahil sa lala ng natamo. Lagi pa kaming nakakatikim ng batok, kurot at sabunot ni Dos kina Ange at Rosas. Dahil 'di namin maiwasang mapabungisngis sa tuwing mapapatingin sa itsura ni Tight. Lumubo kasi ang mukha at kumapal ang mga namamagang labi! Kahit mga mata ay parang mata na ng zombie na kay lalaki ng talukap at eyebags na halos hindi makadilat."Ang ganda talaga," nangingiting saad ko habang hinahaplos ito sa pisngi."Matagal na, baby." Namula ako na gising na pala ito at narinig ang compliment ko. Napahagikhik itong sumubsob sa dibdib kong ikinalunok ko lalo na't nandidito kami sa silid ko.Nakitulog kasi ito dito na underwear lang ang suot dahil hindi raw makatulog kapag nakadamit. Napakainit at lambot ng katawan nitong nakasiksik sa akin. Kahit nakasuot ako ng manipis na pajama at white sando ay na

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 32

    TIGHT:NAPAKALAPAD ng ngiti ko habang hawak-kamay kami ni Angelica na naglalakad dito sa may manggahan sa hacienda nila Dos at Bagyo. Mabuti na lang at sumama si Angelica dito ng hindi na naman ako maiinggit sa apat kong kaibigan na wagas magtukahan sa tuwing magkakasama kame. Tila iniinggit lang ako. Pero ang sabi naman ni poging bay, panooren ko lang kung paano siya humalik para matuto ako kapag nagka-gerpren ako. At ngayon mai-aplay ko na ang mga walastek nilang da-moves ng kambal netong si Bagyo.Hindi ko mapigilang mapangite habang marahang pinipisil-pisil ko ang napakalambot na palad ng langga ko. Maging ito'y pinipisil-pisil den naman ang palad ko kahit pa magaspang at may mga kalyo ito hayst! Nakakaheya nga dahil parang bulak sa lambot ang palad neto pero. . . kakapalan ko na lang ang fes ko!"Langga, kaya mong umakyat?" Natigil naman sa paglalakbay ang diwa ko ng mapahinto ang langga ko at matamang nakatingala sa malaking puno ng mangga. Ilang hektarya den itong manggahan

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 31

    DOS:KABADO ako habang tinatahak ang daan papunta sa headquarter ni General Altamerano. Para sa parangal na matatanggap ng buong team ko sa pagkakasara namin ng malaking kasong hawak namin. Alam ko namang isa siya sa mga dapat alisin namin ni Bagyo sa serbisyo. Dahil kaya malayang nakakagalaw noon si Althea ay dahil ito ang tumutulong sa kanya. Nakakapanghinayang lang dahil dati siyang matalik na kaibigan ni daddy ng magkasama pa sila sa serbisyo. Napapabuga ako ng hangin habang nagse-ceremony ang angkan ng kapulisan dito sa harapan ng PNP headquarters ni General Altamerano. Marami din naman akong kasabayan na mapo-promote kasama syempre ang buong team ko pero nakakakaba pa rin.Nanagangatog ang mga tuhod ko ng tawagin na ang departamento namin ni General na magtungo ng stage at isa-isang kabitan ng badge para sa pagtataas ng ranggo namin. Tuwid na tuwid ang pagkakatayo namin at isa-isang kinamayan ang mga pinuno ng PNP na nandidito. Kabado man ay pinilit kong kalmahin ang sarili

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 30

    BAGYO:ILANG linggo rin kaming nanatili sa hospital nila Tight at Rosas dahil sa lala ng mga tinamo naming injuries. Nakakalungkot lang na marami pa rin ang nalagas sa mga ka-nayon ko. At kabilang na nga doon ang kinilala kong ina buong buhay ko. Si Althea. Mabuti na lamang at mas marami pa rin namang natira na siyang sumuko. Noong nilusob kami sa Basilan ng join forces ng team ni Dos at ang private army ng pamilya Montereal. Kaya madali nila kaming nakuha. Alam ko namang napipilitan lang ang mga kasamahan naming sundin noon si Althea dala ng takot para sa kapakanan kaya napapasunod sila noon sa bawat utos nito. Pero, mabuti na lang at natapos na.Nakahinga kami nila Rosas at Tight ng maluwag na naabswelto na ang buong nayon. Sa pagbabalik loob nila sa pamahalaan at ngayon nga ay nasa hacienda na sila ng Montereal. Ang sabi ni Dos ay doon na ang pangalawang tatawaging tahanan nila. Kung saan malayang makakapagsimulang muli. Gusto na nga rin naming sumunod doon. Pero may mga hindi p

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 29

    CATRIONE:NAPANGISI ako ng masundan namin ni Angelique si Althea na natatarantang bumababa ng burol. Hila-hila si Rose na nanghihina at. . . duguan. Puno din ng pasa ito lalo sa mukha at halos hindi na nga namin makilala! Nangingitim ang dalawang malaking blackeye nito sa mga mata, sabog-sabog ang buhok, kulay ube na rin ang kabilaang pisngi at nangingitim ang mga labi sa natuyong dugo mula doon. Napakuyom ako ng kamao. Halang talaga ang bituka nito.Maingat kaming tumakbo ni Ange na inunahan ito at nang ma-corner. Dalawa pa kaming tinutukan ito ng baril. Natigilan si Rose dahil panay ang lingon ni Althea sa likuran nito na wala na ang mga tao nitong nakasunod lang kanina kung saan dakip ang anak ko at ibang kasama ng mga ito."Longtime no see. . . Althea Arabella Montereal. Did you missed this gorgeous Cat?" nakangising pang-uuyam kong ikinatigil nito at dahan-dahang napalingon. Namutla ito na mabungaran kami ni Ange na nakatutok sa kanya ang baril namin kaya itinutok naman niya ka

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 28

    Dos:NATIGILAN KAMI SA masinsinang pag-uusap ng pamilya ko ng mag-ring ang cellphone ko. Napapilig ako ng ulo na unregistered number ang caller at muling nilukob ng kaba."Who's calling?" ani Ange ng mapansing natulala ako. Napailing ako at pilit ngumiti."Unregistered, baka nangpa-prank na naman. Nakakainis, magpalit na kaya ako ng number ang daming tumatawag sa akin na unregistered dahil nakalagay sa page natin ang number ko" reklamo ko at muling ibinulsa ang phone ko.Pero muli na namang tumawag ang caller."Sagutin mo na muna anak" ani daddy na natigilan na naman sa pagdi-discuss ng mga lugar na maaaring pinagdalhan nila kina Bagyo. Napahilot ako ng sentido at nanggigigil na sinagot ang makulit na caller."Hello?!" iritadong sagot ko."C-Captain Typhoon Del Mundo JR" ani ng baritong boses sa kabilang linya. Napahilot ako sa kilay kong salubong at napahingang malalim. Sabi na eh, may nangti-trip na naman sa akin kaya kinuha ang number ko sa page ng headquarters namin."Speaking?" n

  • My Brother's Girl Bestfriend    Chapter 27

    BAGYO:NANIGAS ako nang nagsilapit na ang ilang kalalakihan na kasamahan namin dito sa nayon at dinakip nga kami nila Rosas! Napalingon ako kina Tito Troy na umiling lang sa aking nagpapahiwatig na hindi na ako manlalaban at hayaan ang mga ito! Napakuyom ako ng kamao at hinayaang itali nila ang mga kamay ko sa likod maging sina Tight, Rosas, Tito Troy, Asiong at Tita Daisy!Ikinulong nila kami sa bakanteng bahay at kinandado pa sa labas. Nanghihina kaming napaupo sa kahoy na sahig."Patawad ho. Nadamay pa kayo, Tito, Tita," nakayukong paumanhin ko na tumutulo ang luha ko."Hindi ka namin sinisisi, anak. Mas kakampihan ka naman namin kaysa sa baluktot na katwiran ng ina mo," ani Tito Troy na ikinailing ko."Alam niya ang mga nangyayari at malamang ay nagpaplano na pala siya ng 'di natin namamalayan. Masyado akong nakampante na maayos ang samahang pinamununuan ko at nag-focus lang sa mga kalaban sa gobyerno," 'di ko mapigilang sisihin ang sarili sa kapabayaan ko!"Ang sama talaga ng in

DMCA.com Protection Status