Promesa Rota

Promesa Rota

last updateLast Updated : 2024-07-05
By:   Paupau  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
44Chapters
1.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

"Prometo elegirte, protegerte y amarte hasta la última página de nuestra historia." ~Nico~ Originally arranged to be married, Alinnyta Carmi Avilla's world comes crashing down when her first love and soon-to-be husband Azul 'Blue' Dela Vega falls in love with another girl. But when she meets Niccolo Alejandro – the man who has the same vibes as hers, she learns how to trust and love again. Can she finally get the happy ending she's been longing for? Or accept that a happy ending does not truly exist?

View More

Latest chapter

Free Preview

TEASER

Malalim na ang gabi ngunit narito pa rin ako sa balkonahe ng condo unit ko. Nakatayo, habang pinagmamasdan ang mga tala sa kalangitan. Dama ko ang lamig na hatid ng hangin na nanunuot sa buo kong katawan. Tanging ang ilaw sa mga nagtataasang gusali at kislap ng tala at buwan, ang nagsisilbing liwanag sa madilim na kapaligiran.Humalukipkip ako habang yakap ang aking sarili. Hindi naman kasi ganito kalungkot dati. Hindi naman ganito katahimik ang gabi. At lalong hindi ganito ang pakiramdam sa tuwing pagmamasdan ko ang mga tala sa kalangitan. Ngunit kusang sumilay ang mapait na ngiti sa aking labi ng makita ko ang pagkislap niyon. At gaya ng dati, ipinikit ko ang mga mata ko bago humiling..."Sa liwanag ng buwan at kislap ng tala sa kalangitan, munti kong kahilingan sana'y iyong pagbigyan. Pagkalooban mo sana ako ng isa pang pagkakataon upang itama ang mali sa aking kahapon," taimtim kong usal sa aking isipan habang nakapikit. Tulad ng kung paano niya ipinikit ang mga mata niya at itinu...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Funbun
Finally may story na si Allynita at Nico. I read few scenes of them sa story nina Zafira and justine. And I had a thought that Lenny and Zafira were siblings.
2024-09-16 05:55:08
0
user avatar
Paupau
Finally, Nico and Lenny's Story! Please support and read their story till the last page. Thank you sooo much...️...️...️
2023-11-07 04:19:22
1
44 Chapters
TEASER
Malalim na ang gabi ngunit narito pa rin ako sa balkonahe ng condo unit ko. Nakatayo, habang pinagmamasdan ang mga tala sa kalangitan. Dama ko ang lamig na hatid ng hangin na nanunuot sa buo kong katawan. Tanging ang ilaw sa mga nagtataasang gusali at kislap ng tala at buwan, ang nagsisilbing liwanag sa madilim na kapaligiran.Humalukipkip ako habang yakap ang aking sarili. Hindi naman kasi ganito kalungkot dati. Hindi naman ganito katahimik ang gabi. At lalong hindi ganito ang pakiramdam sa tuwing pagmamasdan ko ang mga tala sa kalangitan. Ngunit kusang sumilay ang mapait na ngiti sa aking labi ng makita ko ang pagkislap niyon. At gaya ng dati, ipinikit ko ang mga mata ko bago humiling..."Sa liwanag ng buwan at kislap ng tala sa kalangitan, munti kong kahilingan sana'y iyong pagbigyan. Pagkalooban mo sana ako ng isa pang pagkakataon upang itama ang mali sa aking kahapon," taimtim kong usal sa aking isipan habang nakapikit. Tulad ng kung paano niya ipinikit ang mga mata niya at itinu
last updateLast Updated : 2023-11-02
Read more
PROLOGUE
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.Please be advised that this story contains, mature themes, and strong language that are not suitable for every young audience.Read at your own risk.*****."IKAW lang yata ang nakita kong ikakasal pero nakasimangot. Umayos ka Alinnyta, kun'di pangit ka sa wedding picture n'yo ni Blue!" Pang-aasar sa akin ng pinsan kong si Zafira.Ngayon ang araw ng kasal namin ni Blue. Napakatagal kong hinintay ang araw na 'to. Ilang taon ang tiniis ko mauwi lang kami sa simbahan tulad ng napagkasunduan. Kulang na nga lang ay mag pamisa ako araw-araw, at gayumahin siya para lang matupad itong araw na 'to.Pero bakit ngayon ay iba ang pakiramdam ko? Bakit parang may mali? Bakit pakiramdam ko'y may mangyayaring hindi maganda? Kabado bente talaga ako per
last updateLast Updated : 2023-11-03
Read more
CHAPTER 01
[FLASHBACK]"This is it, malaya na ako!" Halos kiligin ako sa tuwa dahil sa siksik, liglig at nag-uumapaw na kasiyahang nadarama ko. Sa loob ng dalawampung taon na inilagi ko sa mundong ito, ngayon lang ako nakalaya sa puder ng mga magulang ko. Ngunit kapalit niyon ay ang pagtalikod sa buhay na kinagisnan ko. Ang mga magulang ko kasi ay nabubuhay pa rin sa taong uso pa si Rizal. Naniniwala pa rin sila sa salitang 'pinagkasundo' pero hindi tinadhana, at seyempre, 'yon din ang plano nilang gawin sa akin. Ang ikasal sa kung sino mang hampaslupang tinamaan ng magaling. Pero nang aksidente kong marinig ang plano nilang 'yon, kesehodang magdeklara ako ng ika-apat na pandaigdigang gera 'wag lang talagang matuloy! Ayaw ko kayang maikasal sa kung sino mang uhuging katchupoy na napili nila! Isa pa, maaga pa para ikasal ako at maging dakilang maybahay lang. Marami pa akong pangarap. Isa na lang doon ay ang makapunta sa mall, ultimate dream ko talaga 'yon. Pangalawa ay ang makapanood ng concert
last updateLast Updated : 2023-11-04
Read more
CHAPTER 02
Pagkalabas ko sa Airport bigla akong nanlumo. Lalo na nang makita ko ang nagtataasang gusali sa harap ko. Hindi ko naman alam kung ano ang kulturang mayroon dito sa bansang ito. Hindi ko rin alam kung ano ba ang gagawin ko rito, at kung saan ako tutungo.Napaupo ako sa gilid katabi ang maleta pati na rin ang ibang gamit ko pa. Kung bakit naman kasi dito pa ako pumunta, puwede namang sa Pilipinas na lang din?! "Bobita!" singhal ko sa aking sarili.Nakita ko rin si Azul na may kausap sa cellphone niya. Alam niya kaya ang mga lugar dito? Puwede naman siguro akong sumama sa kanya? Lumapit ako sa gawi ni Azul at kinalabit siya nang matapos siyang makipag-usap sa kung sino man. Nagulat naman siya sa akin ng lumingon siya, bago kumunot ang noo at nagtatakang nagtanong. "Problema mo?" He asked. Inihanda ko na ang sarili ko at umiyak sa harap niya. Iyak na tulad ng matagal ko ng kinabisa. Kung paanong itinuro sa akin ng ama ko ang tamang pag-iyak sa harap ng ibang tao. Ngunit sa totoo lang a
last updateLast Updated : 2023-11-07
Read more
CHAPTER 03
Kusinerang Seniorita... Labag man sa loob ko'y pumunta ako sa kusina at nakipagtitigan sa kaldero tulad ng sinabi ni Blue. Binigyan niya ako ng limang pirasong hotdog na nasa plato at sandok na kahoy. Iluto ko raw ang hotdog habang siya ay mag aayos pa ng ibang gamit niya. Ewan ko ba sa kanya, naka-color coding pa kasi ang mga gamit niya, ewan lang kung pati brief niya ay may pattern sa pagtitiklop. Sinipat kong muli ang hotdog at muli rin akong nayamot. "Where the hell on earth should I get the idea on how to cook this red thingy called fucking hotdog?!" naiinis kong tanong sa aking sarili. Kahit yata abutin ako ng pasko ay hindi ko pa rin alam kung paano iluluto ito. And to think na halos masiraan na ako ng bait kanina ng pag hiwain ako ni Blue ng sibuyas, baka itong hotdog na ito naman ang maging mitsa ng buhay ko. Ilang galon yata ang iniluha ko makaraos lang sa isang sibuyas kanina. Tapos ngayon, itong hotdog naman ang kailangan kong igapang! Jusmio marimar! Nang wala talaga
last updateLast Updated : 2023-11-10
Read more
CHAPTER 04
Tatlong buwan...Sa bilis ng araw, halos hindi ko na namalayan na unti-unti na pala akong inuugat dito sa America. Sinong makapagsasabi na matitiis ako ni Blue sa loob ng tatlong buwang magkasama kami sa iisang bubong? Sino pa nga ba, seyempre si author lang!Kahit na halos isumpa namin ang isa't isa ni Blue at magsakalan ng leeg araw-araw ay hindi pa rin kami naghihiwalay. Noong nag away kami ng limang oras dahil sa nasunog kong uniform niya, hindi niya rin ako natiis. Siya rin ang unang nakipag bati dahil kung hindi au susunugin ko rin ang terno ng uniform niya.Sa loob ng tatlong buwan, nakatatlong trabaho na rin ako. Palipat-lipat dahil lagi akong palpak. Noong unang apply ko ay isa akong crew member sa Mc Donalds. Okay naman sana, pero makalipas ang tatling araw ay tinanggal ako dahil muntik ko ng masunog ang buong fast food na pinapasukan ko. Di ko naman sinasadya at aksidente lang ang lahag.Sa ikalawang trabaho ko naman ay di rin ako nagtagal. Assistant keme raw kasi ako sa is
last updateLast Updated : 2023-11-10
Read more
CHAPTER 05
Crush kita..."Wala ka bang balak umuwi sa Pilipinas?" tanong sa akin ni Blue.Narito kami ngayon sa Golden Gate Bridge. Sa tinagal-tagal na namin dito sa U.S, ngayon lang kami nagkaroon ng oras upang mag gala. Abala kasi si Blue sa pag-aaral niya. Habang ako naman ay abala sa trabaho at pag-aaral na rin. Mahalaga sa akin ang bawat oras dahil malingat lang ako sandali, maaaring mawala ang trabahong pinaghirapan kong igapang, at pati na rin ang pag-aaral na pinangarap ko.Gusto ko kasing magkaroon din ng sarili kong diploma. Para naman kapag may nang api sa akin ay puwede ko silang sampalin ng Summa Cum laude kong diploma.Tinignan ko si Blue saka inirapan. "Wala," maikling sagot ko sa kanya.Wala naman kasi talaga akong balak na umuwi. Hindi ko nga alam kung may uuwian pa ba ako. Wala na rin akong balita sa pamilya ko. Hanggat maaari ay hindi namin napag-uusapan ni Zafy ang tungkol sa Hacienda Avilla kapag nagtetelebabad kaming dalawa."Last semester ko na. After that, I will go home,
last updateLast Updated : 2023-11-11
Read more
CHAPTER 06
He's leaving...It's been a year and Blue graduated already. Sa bilis ng panahon ni hindi ko na namalayang ngayon na nga pala ang alis niya. Dumating na nga ang araw na kinatatakutan ko. Ang araw kung kailan uuwi na si Blue sa Pinas. Sa nakalipas na buwan ay hindi namin napagtutuunan ng pansin ang isa't isa dahil abala ako sa trabaho at pag-aaral sa gabi. Siya, ewan ko ba... hindi ko alam kung ano at sino ang pinagkabalahan niya. Simula rin noong inamin ko sa kanya na crush ko siya ay naging mailap na siya sa akin. Ayaw niya na akong paglabahin ng mga damit niya. Sa tuwing ipinagluluto ko naman siya ay palagi niyang sinasabi na busog siya. Edi bahala siya sa buhay niya! Feeling niya naman hahabulin ko siya, eh ang pangit nga naman! Hmp!Pero ngayong narito kami sa Airport, para akong tanga na umiiyak sa harap niya. "Lenny stop crying! Uuwi lang ako sa Pilipinas at hindi mamamatay. Pinagtitinginan na tayo ng ibang narito, nakakahiya! Baka isipin nila ginawan kita ng masama," singhal
last updateLast Updated : 2023-11-12
Read more
CHAPTER 07
Akala ko hindi na darating ang araw na ito. Ang araw na kailangan kong umuwi sa Pilipinas hindi dahil gusto ko, kun'di dahil kailangan. Habang tumatagal kasi ang paglalagi ni Ayesha roon, lalo lang lumalala ang sitwasyon. Kaya naman heto, napilitan akong lumipad patungo sa lugar na akala ko'y hindi ko na muling aapakan pa.'Ninoy Aquino International Airport.' Napabuntong hininga na lang ako ng makita ko ang signage na iyon. Ilang taon na nga ba ulit simula ng huli akong umapak dito? Isa? Dalawa? Parang sa sobrang tagal na, hindi ko na alam kung ilan ang eksaktong bilang.Nang makalapag ang eroplanong sinasakyan ko'y nag madali akong lumabas. Hindi dahil sa nasasabik akong tumapak muli sa aking lupang sinilangan, kun'di dahil pinupog na ako ng chat ni Zafira. Bago pa ako umuwi ay tumawag na ako sa kanya na kung maaari ay sunduin niya ako, tutal nasa Manila naman siya. Pumayag naman ang bruha na tila ba mas excited pa kaysa sa akin. "Nasaan na ba ang exit?" yamot kong tanong sa aking
last updateLast Updated : 2023-11-14
Read more
CHAPTER 08
[NICO'S POV]Hindi naman mapakali si Nico kung ano ba ang gagawin niya sa babaeng ngayon ay daig pang patay na nakabulagta sa kama niya. Ilang beses na rin siyang nag paruo't parito hanggang sa nilapitan niya na ang dalaga at mariing tinitigan. "Your face seems familiar," mahina kong sabi sa natutulog na babae. Para bang nakita ko na siya ngunit hindi ko alam kung saan at kailan. Matangos ang ilong, manipis ang mapula niyang labi, at malalantik ang pilik. "Puwede na," giit ko pa. Mukha naman siyang high-class kumpara sa ibang babae sa loob ng Club-V. Akala niya yata ay maloloko niya ako. Wala na bang ibang trabaho na puwede niyang pasukan maliban sa bahay aliwan?I went to the balcony while holding a glass of wine, isa na namang nakakapagod na araw ang natapos. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang mga sinabi ng ama ko tungkol sa kasal na pinagkasunduan nila ng kumpare niya. Wala pa sa isip ko ang magpakasal goddammit! At mas lalong ayaw kong magpakasal sa babaeng ni hindi ko pa nak
last updateLast Updated : 2023-11-17
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status