Secretly in love with my brother

Secretly in love with my brother

last updateLast Updated : 2024-08-11
By:   CALLIEYAH JULY  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
61 ratings. 61 reviews
120Chapters
35.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

BOOK 1- SECRETLY IN LOVE WITH MY BROTHER BOOK 2- MY ADOPTED BROTHER Lumaki si Dahlia Selena Santillan sa piling ng kanyang dalawang kuya. Isang araw ay bigla na lang tumibok ang kanyang puso sa kanyang Kuya Axel. At doon nagsimula ang kanyang lihim na pagtingin para sa kanyang kapatid. Nalaman niya na half brother pala niya ito. Pilit niyang itinago ang damdamin na kanyang nararamdaman para sa kanyang kuya. Hanggang sa nabunyag ang isang lihim. Hindi pala niya ito tunay na kapatid. Isang gabi ay may namagitan sa kanilang dalawa at inilihim ito ni Dahlia. At dahil sa magulo nilang pamilya ay dinukot sila. At doon nalaman ni Dahlia na may lihim rin na pagtingin sa kanya ang kanyang kuya. Paano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung sa mata ng batas ay magkapatid sila? May pag-asa kaya na magkaroon sila ng happy ending?

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

PROLOGUE“Dahlia, sumama kana sa amin. Palagi ka na lang tumatanggi sa amin.” saad ng kanyang kaibigan na si Jane.“Sorry talaga, Jane pero hindi talaga ako mahilig pumunta sa bar.” sagot niya sa kanyang kaibigan.“Minsan lang naman. Please, birthday ko naman ngayon eh. Kahit ngayon lang,” saad pa nito sa kanya.“Baka nandoon ang kuya ko.” saad niya kay Jane.“Sino? Si Axel ba? Sigurado ako na nandoon siya pero isuot mo na lang ito para hindi ka niya makilala. Nasa legal age kana at dapat nga may boyfriend kana ngayon. Balak mo bang maging matandang dalaga. Masyadong strict ang isa mong kuya.” saad nito sa sabay abot ng isang maskara.Napatingin siya at nagdadalawang isip kung tatanggapin ba niya ito o hindi. Legal age na siya pero alam niya na magagalit ang Kuya Axel niya kapag pumunta siya sa mga bar. Isa rin sa dahilan kaya kahit na nasa tamang gulang na siya ay hindi pa siya nagkakaroon ng kasintahan. Palagi kasing sinasabi ng kanyang kuya na dapat ipakilala niya ang manliligaw n...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

10
100%(61)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
61 ratings · 61 reviews
Leave your review on App
user avatar
Sunshine De lapaz
kakaiba siyang story. ang ganda niya at may matutunan ka talaga about family. good job MissA
2024-08-13 23:05:29
2
user avatar
Gene Darden
Ang ganda ng story book 1 and 2 highly recomended... basahin nyo po at may happy ending... Thank you po Ms. Callie... as always one my favorite author♡♡♡
2024-08-11 19:40:07
1
user avatar
Bhai DaDa Bhai
highly recommend ang gnda ng story nakaka kilig salamat lagi sa magandang story Hindi tlga bored ...
2024-08-08 04:47:41
3
user avatar
Jelyn Senisan
available n po b ang book 2?
2024-04-30 01:24:53
1
user avatar
Xienne Gutierrez
yes mas maganda Ang book 2 but Ofc maganda din nmn Sila Dahlia...
2024-03-07 04:45:57
2
user avatar
leahcim flor
exciting ang book 2.. ang ganda po
2024-02-19 02:02:07
1
user avatar
Armell Amoren
next please Ang ganda po
2024-02-11 12:01:00
1
user avatar
Gene Darden
Welcome back Ms.Callie namiss ko kayo hehehe. Thank you sa update.♡♡♡
2024-02-03 22:04:52
2
user avatar
Aira Belle
yehey! nagsimula na ulit ang update. thank you miss A
2024-02-03 16:26:43
2
user avatar
Rechell Ann
wow super smooth at Ang Ganda lng Ng story very promising di ka maiinis at magagalit! thanks Author heart heart
2024-01-22 04:11:32
2
user avatar
Aira Belle
Thank you po sa update Miss A
2024-01-12 04:17:56
2
user avatar
Harvee Heister
Miss A update na po kayo... please
2024-01-10 02:57:19
2
user avatar
Gene Darden
madami talaga akong natutunan sayo Ms. Callie...one sa mga spg mo kailangan mong katabi asawa mo hahaha... two napaka family oriented ng story. Kaya go lang Ms. Callie pakihabaan mo pa ang story☆♡♡♡
2024-01-02 23:28:30
2
user avatar
Xienne Gutierrez
Ang Ganda sobra sarap lng basahin mula p sa Hiding the Miracle Heiress gang Kay Meriya at ito ngang Kay Dally .... Next Author please!!!!!
2024-01-01 22:47:40
2
user avatar
Xienne Gutierrez
Yeeeyyy finally Dahlia you reach your dream....all dreams do come true! Tyaga lng tlga...Ganda next sana nmn may kalaro na Ang kambal at sana kambal din Ang anak nila hehe Happy and Prosperous New Year Author and more brilliant ideas come along your way! God Bless Us All Always. Thanks!
2024-01-01 22:45:05
2
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
120 Chapters
Prologue
PROLOGUE“Dahlia, sumama kana sa amin. Palagi ka na lang tumatanggi sa amin.” saad ng kanyang kaibigan na si Jane.“Sorry talaga, Jane pero hindi talaga ako mahilig pumunta sa bar.” sagot niya sa kanyang kaibigan.“Minsan lang naman. Please, birthday ko naman ngayon eh. Kahit ngayon lang,” saad pa nito sa kanya.“Baka nandoon ang kuya ko.” saad niya kay Jane.“Sino? Si Axel ba? Sigurado ako na nandoon siya pero isuot mo na lang ito para hindi ka niya makilala. Nasa legal age kana at dapat nga may boyfriend kana ngayon. Balak mo bang maging matandang dalaga. Masyadong strict ang isa mong kuya.” saad nito sa sabay abot ng isang maskara.Napatingin siya at nagdadalawang isip kung tatanggapin ba niya ito o hindi. Legal age na siya pero alam niya na magagalit ang Kuya Axel niya kapag pumunta siya sa mga bar. Isa rin sa dahilan kaya kahit na nasa tamang gulang na siya ay hindi pa siya nagkakaroon ng kasintahan. Palagi kasing sinasabi ng kanyang kuya na dapat ipakilala niya ang manliligaw n
last updateLast Updated : 2023-10-31
Read more
Chapter 1
DAHLIA18th Birthday!Suot ang isang magarbong gown ay nakaupo ako dito sa silid ko. Habang hinihintay ko na magsimula ang party. Ngayon ang 18th birthday ko. Hindi ko nais ng isang magarang party pero hindi pumayag ang mga kuya ko. Ang sabi kasi ni Kuya Gavin ay isang beses lang raw ang debut. At gusto niya na maranasan ko rin ito. Mayaman ang pamilya namin pero ayoko sana na gumastos pa sila para sa akin.“Happy birthday, Dahlia.” malambing na sabi sa akin ni Kuya Gavin na kaka-pasok lang dito sa silid ko.“Thank you, kuya.” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Dalaga kana talaga. Pero kahit na dalaga ka ay huwag ka munang magboyfriend. Mag-enjoy ka muna bago ka pumasok sa isang relasyon. At tuparin mo muna ang pangarap mo.” saad sa akin ni Kuya.“Opo, crush lang po muna sa ngayon.” natatawa na sabi ko kay Kuya.“Anong crush?” Napalingon kami ni Kuya Gavin sa may pintuan dahil narinig namin ang boses ni Kuya Axel. Nakasimangot na naman ito at parang galit na naman. Pagdating talaga sa
last updateLast Updated : 2023-11-01
Read more
Chapter 2
DAHLIAPagpasok ko sa room ko dito sa hotel ay kaagad akong sumampa sa kama. Sa wakas ay makakapag-pahinga na rin ako. Tumayo ako para hubarin ang suot kong gown. Pero bigla may nagdoorbell kaya naglakad ako papunta sa may pintuan para silipin kung sino ang nasa labas."Kuya Axel," bumungad sa akin ang kapatid ko na ngayon ay magulo ang buhok. At alam ko na kung bakit. Malamang ay sinabunutan siya nung babae na kasama niya. Dire-diretso lang siyang pumasok sa loob sabay sampa sa kama ko."Dito ako matutulog," sabi niya sa akin. Nabigla ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata sa kanya. Gusto ko sanang magtanong pero nakita ko ang maleta niya na nandito.Hindi ba sila natuloy kasama niyang babae? Tanong ko sa sarili ko."Okay po," pagpayag ko dahil wala naman akong magagawa."Hindi ka ba nahihirapan sa damit mo? Bakit hindi ka pa nagbibihis?" Tanong niya sa akin."Magbibihis na po, matulog kana diyan kuya." Sagot ko sa kanya."Okay," tipid na sagot niya sa akin at hinubad niya ang
last updateLast Updated : 2023-11-02
Read more
Chapter 3
DAHLIANakatayo ako dito sa may labas ng pintuan. Tahimik na umiiyak habang nakikinig sa kanilang dalawa. “Mahirap po ba talaga na pumunta sa Maynila, mom?” tanong ni Kuya Gavin kay mommy.“Bakit naman ako pupunta doon? Para ano?”“Mom, birthday po ni Dahlia. Kahit man po sana pakitang tao ay ginawa niyo.” saad pa ni Kuya.“Wala akong pakialam. Puwede ba hayaan mo ako!”“Ni minsan po ba ay hindi niyo talaga siya tinuring na anak?” Ramdam ko ang hinanakit ni kuya.“Ano na naman ito, Gavin?!” galit na tanong ni mommy.“Just answer my question, mom.” “Sa tingin mo ba talaga ay mamahalin ko ang bastarda na ‘yon?! Hinding-hindi ko siya mamahalin dahil siya ang nagpapaalala sa kataksilan na ginawa ng daddy mo!” sigaw ni mommy.“Pero mahal ka niya. Kahit na hindi mo siya mahal ay mahal ka ni Dahlia. Hindi mo ba puwedeng kalimutan ang lahat. Wala siyang kasalanan, hindi niya kasalanan ang ginawa sa’yo ni daddy. Kaya sana mahalin niyo rin, kahit hindi na bilang anak. Kahit bilang tao na lang
last updateLast Updated : 2023-11-03
Read more
Chapter 4
DAHLIANapasandal na lang ako sa likod ng pintuan ko pagpasok ko sa loob ng unit ko. Bakit ba ganito siya sa akin? Bakit ba siya ganito? Paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko. Hindi ko kasi maintindihan hanggang ngayon. Alam ko na half brother ko siya pero bakit mas mahigpit pa siya kaysa kay Kuya Gavin.Nagpalit na ako ng damit ayoko na maging apektado sa kapatid ko. Gusto ko na talaga siyang kalimutan. Dahil mas lalo pa yata akong nagkakagusto sa kanya kapag pinabayaan ko ang sarili ko. Pagkatapos kung mabihis ay kumain at nanuod muna ako ng k-drama. Nang matapos ko na ang limang episodes ay tumayo na ako para magpahinga na.Papasok na sana ako sa room pero may nagdo-doorbell ng paulit-ulit sa pintuan ko kaya lumabas ako. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang nakayuko ko na kapatid. Sinalubong ako ng malakas na amoy ng alak.“Are you drunk?” naiinis na tanong ko sa kanya.“No, I’m not.” mabilis na sagot niya sa akin habang sinisinok.“Bakit ka ba nagpakalasing?” tanong ko sa kanya at
last updateLast Updated : 2023-11-06
Read more
Chapter 5
DAHLIAMaaga pa akong pumasok sa office. Pero mas maaga pa sa akin ang bagong secretary ni Kuya Axel. “Good morning, Miss Dahlia.” mahinhin na bati sa akin ni Flor."Good morning." Nakangiti rin na bati ko sa kanya.Si kuya mismo ang pumili sa kanya bilang bagong secretary. At isang linggo na lang ako dito sa company. Wala namang problema sa akin kung dumito ako. Kung puwede nga na ako na lang ang maging secretary niya ay gagawin ko. Pero ganun talaga may mga bagay na kahit na gustuhin ko ay hindi puwede. Wala naman akong masabi kay Flor dahil magaling siya sa trabaho. Maganda siya at sexy. "You know what I like, Flor. Sa tingin ko ay maayos naman siya bilang secretary ko." Sabi sa akin ni Kuya Axel habang nasa biyahe kami pauwi sa condo ko."Yeah, you're right. Mabilis lang siyang turuan at wala akong naging problema sa kanya." Sagot ko rin sa kanya.“I like her also as my—”“Stop it, kuya! You’re so gross,” naiinis na sabi ko sa kanya.“Single naman ako,” nakangisi na sabi niya sa
last updateLast Updated : 2023-11-07
Read more
Chapter 6
DAHLIA (PARIS, France)“Wala pa bang balak na umuwi dito?” malungkot na tanong sa akin ni Kuya Gavin.“Sa ngayon, kuya ay wala pa.” Sagot ko sa kanya.“Bakit?” tanong niya sa akin.“Na-miss mo na ba ako?” pabiro na tanong ko sa kanya.“Of course, lalo na si Alec. Miss kana niya,” sagot niya sa akin.“Miss ko na rin siya, kuya.” “Bakit hindi ka lang umuwi? Nakahanda na ang pinagawa mong shop.” tanong niya sa akin.“Thank you, kuya. Sasabihan kita kapag uuwi na ako. Don’t worry hindi ito magtatagal.” sabi ko sa kanya.“Okay, ingat ka diyan.” sabi niya sa akin.“I will, kuya. I miss you and I love you, kuya.” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Love you too, bunso.” Marami ang nangyari sa pamilya namin. Lalo na kay Kuya Gavin. At sa loob ng panibagong anim na taon ay walang nagbago sa nararamdaman ko. Mas pinili ko na ilayo ang sarili ko kay Kuya Axel. Mas gusto ko siyang maging masaya sa buhay niya. At gusto ko rin na maging okay ang buhay ko.Nandito ako ngayon sa Paris. Dito ako nag-aral
last updateLast Updated : 2023-11-08
Read more
Chapter 7
DAHLIA Nang nakabalik na ako sa Maynila ay hindi na kami nagkikita ni Kuya Axel. Hangga’t maaari ay iniiwasan ko na siya dahil ayoko nang maging hibang sa kanya. Alam ko na nagtataka na siya sa akin dahil nakatanggap ako ng maraming text message mula sa kanya. Marami akong inaasikaso ngayon dahil binuksan ko na ang boutique ko. Kaya wala na akong time para sa ibang bagay. Masaya ako dahil naging maganda ang takbo ng mga pangyayari sa buhay ko. Masaya ako na bumalik na si Ate Mireya. Gusto ko siyang makita ulit pero alam ko na hindi pa puwede. “Miss Dahlia, may bisita ka po.” sabi sa akin ng staff ko. “Sin—” “Me,” walang emosyon na saad ni Kuya Axel. “K–Kuya?” nauutal na sambit ko. “Hanggang kailan mo ba ako iiwasan?” tanong niya sa akin. “Hindi naman kita iniiwasan. Busy lang ako sa trabaho ko.” sagot ko sa kanya at itinuon ang atensyon ko sa ginagawa kong sketch ng wedding gown. “Really?” tanong niya sa akin na alam kong naiinis siya sa akin. “I’m sorry, kuya. Hindi kasi ma
last updateLast Updated : 2023-11-09
Read more
Chapter 8
WARNING MATURE CONTENT! THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS R18+. PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK!!DAHLIAHindi ko alam kung paano kami nakarating na dalawa sa condo unit niya. Alam ko na lasing si kuya dahil hindi man lang niya ako nakilala. At ako naman ay nawala na ang pagkalasing ko sa halik na pinagsaluhan namin sa loob ng kotse. Bago kami bumaba ay hindi niya tinantanan ang labi ko. Pagpasok pa lang namin sa loob ng unit niya ay siniil niya ako ng isang maalab at mapusok na halik. Na siyang tinugon ko ng buong puso.Aminado ako na wala akong gaanong karanasan pero sinabayan ko ang bawat galaw ng labi niya. Ayoko na isipin niya na hindi ako marunong. Binuhat niya ako habang hindi naghihiwalay ang mga labi naming dalawa. Nakakapit ako sa leeg niya.Matagal ko ng pinangarap na mahalikan niya at ngayon natupad na. Naging mas agresibo pa ang bawat galaw niya. Nababangga namin ang mga gamit dito sa loob ng unit niya pero wala kaming pakialam at patuloy lang kami sa paghahalikan.“Kan
last updateLast Updated : 2023-11-10
Read more
Chapter 9
DAHLIA Alam ko na naging disperada ako kagabi. Pero tapos na at wala na akong magagawa. Kusang loob kong binigay ang sarili ko kay Kuya Axel. Ipinagkaloob ko ng walang pag-aalinlangan. At wala akong pagsisisi na naramdaman. Mahal ko siya at kahit sa isang gabi lang ay maramdaman ko ang pagmamahal niya. Nagising ako kanina na masama ang pakiramdam ko. Pero pinilit ko pa rin bumangon kahit na masakit ang nasa pagitan ng hita ko.Halos isang oras rin akong nagbabad sa warm water dito sa bathtub ko. I do my research at nakakatulong daw ang maligamgam na tubig para mabawasan ang sakit at pamamaga. Pakiramdam ko ay nalamog ang buo kong katawan. Lumabas na ako sa silid ko dahil dumating na ang pagkain na pina-deliver ko.“K—Kuya,” nauutal na sambit ko dahil nasa tapat siya ng pintuan ko.Kaagad siyang pumasok sa loob at hindi man lang ako pinansin. Hinayaan ko na lang siya. Sakto rin na dumating ang pagkain. Pagpasok ko ay nakahiga siya sa sofa ko.“Kumain kana ba, kuya?” Tanong ko sa kanya
last updateLast Updated : 2023-11-11
Read more
DMCA.com Protection Status