DAHLIA
Napasandal na lang ako sa likod ng pintuan ko pagpasok ko sa loob ng unit ko. Bakit ba ganito siya sa akin? Bakit ba siya ganito? Paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko. Hindi ko kasi maintindihan hanggang ngayon. Alam ko na half brother ko siya pero bakit mas mahigpit pa siya kaysa kay Kuya Gavin.
Nagpalit na ako ng damit ayoko na maging apektado sa kapatid ko. Gusto ko na talaga siyang kalimutan. Dahil mas lalo pa yata akong nagkakagusto sa kanya kapag pinabayaan ko ang sarili ko. Pagkatapos kung mabihis ay kumain at nanuod muna ako ng k-drama. Nang matapos ko na ang limang episodes ay tumayo na ako para magpahinga na.
Papasok na sana ako sa room pero may nagdo-doorbell ng paulit-ulit sa pintuan ko kaya lumabas ako. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang nakayuko ko na kapatid. Sinalubong ako ng malakas na amoy ng alak.
“Are you drunk?” naiinis na tanong ko sa kanya.
“No, I’m not.” mabilis na sagot niya sa akin habang sinisinok.
“Bakit ka ba nagpakalasing?” tanong ko sa kanya at hinila ko siya papasok sa loob ng unit ko.
Kahit na anong gawin ko ay kapatid ko pa rin siya. Kaya hindi ko naman makakaya na pabayaan na lang siya sa labas.
“Galit ka kasi sa akin. Alam mo ba na mahal kita, pinoprotektahan lang kita kasi kapatid kita. Hindi naman ako galit sa ‘yo. Ikaw lang ang nag-iisip na galit ako.” saad niya sa akin.
Hindi ako nagsasalita at nakikinig lang ako sa kanya.
“Ayoko lang na masaktan ka. Gusto ko na humarap muna sa amin ang mga manliligaw mo. Ikaw ang bunso namin, Dahlia. At mahal na mahal ka namin.” lasing na sabi niya sa akin.
Naiyak ako sa sinabi niya. “Pero nakakasakal ka, masyado kang mahigpit sa akin. Bakit ba hindi mo kayang magtiwala sa akin? Wala naman akong balak na magka-boyfriend eh. Masyado akong busy para isipin pa na magboyfriend. Gusto ko lang naman na mahalin mo ako. Bilang bunso mo na kapatid. ‘Yung nag-uusap tayo kagaya ng iba. ‘Yung gentle ka sa akin at hindi pabulyaw kung makipag-usap.” umiiyak na sabi ko sa kanya.
“I have reasons at hindi ko puwedeng sabihin sa ‘yo. I’m sorry kung nasasakal kana sa akin. Sorry kung overprotective ako sa ‘yo. Hayaan mo, simula ngayon ay hahayaan na kita.” Sabi niya sa akin.
Dahil sa sinabi niya ay niyakap ko siya. “Gusto ko lang naman na pagkatiwalaan mo ako, kuya. ‘Yun lang naman ang nais ko.” umiiyak na sabi ko sa kanya.
“Okay, simula ngayon ay magiging mabuting kuya na ako sa ‘yo. Sorry kung nasasaktan kita. I love you, Dahlia.” sabi niya sa akin.
“I love you, kuya. I love you,” naiiyak na sabi ko sa kanya.
Alam ko sa sarili ko na may iba pang ibig sabihin ang sinabi ko na ‘yun. “Simula ngayon ay mamahalin kita sa paraan na alam ko. Sa paraan na hindi mo malalaman.” saad ko sa sarili ko habang yakap ko siya.
Nang maging okay na kami ay tabi kaming natulog. Hindi man ako komportable ay pinilit ko ang sarili ko na matulog. Maaga pa akong gumising pero wala na sa tabi ko si kuya. Paglabas ko sa silid ko ay nakita ko siyang nagluluto sa kusina.
“Good morning, bunso.” nakangiti na bati niya sa akin at sinalubong ako ng halik sa noo.
“Good morning, kuya. Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Ako ang dapat na nagluluto. Hindi ba masakit ang ulo mo?” tanong ko sa kanya.
“It's fine. Minsan lang naman at isa pa gusto kitang ipagluto. Diba ang sabi ko sa ‘yo babawi ako.” nakangiti na sabi niya sa akin.
“Gusto mo ba ng coffee, kuya? Black or with cream?” tanong ko sa kanya para iligaw ang usapan namin.
“Black, please.” nakangiti na sagot niya sa akin.
“Okay, black coffee for my poging kuya.” pabiro na sabi ko sa kanya.
Narinig ko siyang tumawa kaya napangiti na lang ako. Kaagad akong nagtimpla ng kape niya. Sakto dahil tapos na rin siyang magluto kaya pinagsaluhan namin ang isang masarap na almusal. At ito ang unang beses na nakita ko siyang ngumiti ulit at nakipagkulitan sa akin. Ang matagal ko ng panagarap.
“Sana ay magtuloy-tuloy na.” saad ko sa sarili ko.
******
AFTER 4 YEARS
"DAHLIA SELENA SANTILLAN, MAGNA CÜM LAUDE!"
Narinig ko ang malakas na palakpakan ng mga kasabay kong magtatapos ngayon taon. Isa ito sa araw na hinihintay ko. Ang makapagtapos sa kursong hindi mo naman gusto. Pero pinilit ko pa rin ang sarili ko na tapusin.
And today napatunayan ko na kaya ko pala. Pero may part pa rin sa akin na hindi ako masaya. Ginawa ko man ang lahat, pero kulang pa rin. Hindi pa rin si mommy ang kasama kong kukuha ng medalya ko sa stage. At lalo ko lang napatunayan na hindi niya ako matatanggap na anak niya. And in the past four years. I have also distanced myself to her. Tinatawag ko pa rin siya na mommy pero hindi na kagaya ng dati tuwing uuwi ako sa hacienda.
"Congratulations, bunso. I'm so proud of you." Nakangiti na saad sa akin ni Kuya Axel.
"Thank you, kuya. Para ito sa inyo ni Kuya Gavin." nakangiti na sabi ko sa kanya.
Siya ang makakasama ko ngayon. Wala si Kuya Gavin dahil may sakit ang pamangkin ko. Kaya kailangan niya itong alagaan. Masaya ako dahil sa nakalipas na apat taon ay naging maayos ang relasyon namin ni Kuya Axel. Tinupad niya ang pangako niya sa akin na aalagaan niya ako at mamahalin bilang isang kapatid.
"Smile ka, hindi maganda kung pangit ka sa graduation photo mo." Pabiro na sabi niya sa akin.
Ngumiti ako sa camera at ganun rin si kuya. Masaya pa rin ako dahil may mga kapatid ako na proud sila sa akin. Kumain lang kami ni kuya sa isang fancy restaurant. Syempre libre niya dahil daw deserve ko na i-treat.
"So, what's your plan now?" Tanong sa akin ni kuya habang kumakain kami.
"Wala pa, kuya."
"Can I ask you a favor?" Tanong niya sa akin.
"What is it, kuya?"
"Can you be my temporary secretary? Kakaalis lang kasi ng secretary ko. Kung okay lang sa 'yo. If hindi ay okay lang naman."
"Okay, kuya. No problem." Nakangiti na sagot ko sa kanya.
“Thank you, bunso.”
Okay rin na magtrabaho ako sa company namin. Habang naghahanda ako ulit na pumasok sa school. Gusto ko na tuparin ang pangarap ko. Alam ko na maiintindihan ako ng mga kapatid ko. Dahil alam nila ang hirap ko sa loob ng maraming taon.
Kaagad akong nagsimula sa company namin bilang secretary ni Kuya. When it comes to work ay sobrang strict ni kuya and I understand him. Sa loob ng opisina niya ay hindi niya ako kapatid. I'm his secretary. At kapag tapos na ang trabaho ay balik na ulit siya sa pagiging malambing na kuya.
"Dahlia, may lakad ako mamaya. Kaya hindi kita maihahatid pauwi." Sabi sa akin ni kuya.
"It's okay, kuya. I'll take a cab na lang. At may lakad rin po kami ni Jane." Sagot ko sa kanya.
"Okay, sorry talaga bunso." Aniya sa akin.
It's not a big deal for me na hindi niya ako ihatid. He has a life. At alam ko na nag-eenjoy siya. Sanay na ako sa pagiging babaero niya. Halos gabi-gabi ay nasa bar siya. Pero may lungkot na akong nararamdaman. Lalo na ngayon na may papalit na sa akin bilang secretary niya. Aaminin ko na napamahal na ako sa trabaho ko. Pero may kailan kasi kaming gawin. At magagalit si mommy kapag hindi ako umuwi sa hacienda.
Halos hindi ko namalayan na halos mag-iisang taon na rin pala akong nagtatrabaho sa company namin. Umuwi akong mag-isa ngayon. Pero tuwing out ko sa trabaho ko ay palagi akong niyaya ng kaibigan ko na kumain sa labas kapag wala si kuya Axel. Hindi kasi ako sumasama sa kanya sa bar.
“Alam mo sa tingin ko talaga ay magiging matandang dalaga ka. Masaya ka pa ba sa buhay mo?” tanong sa akin ng kaibigan kong si Jane.
“Oo naman, bakit naman ako hindi magiging masaya?” tanong ko rin sa kanya.
“Mahal mo talaga?” biglang tanong sa akin ni Jane.
“Huwag na natin pag-usapan ‘yan,” saad ko sa kanya.
“Hanggang kailan ka ba magiging ganito, Dah?” tanong pa niya ulit sa akin.
Dahil sa sinabi niya ay napaisip rin ako. Hanggang kailan nga kaya ako magiging ganito? Alam ko na bawal pero hindi ko naman puwedeng turuan ang puso ko. Dahil mas lalo yatang lumalim ang nararamdaman ko sa kanya.
“I’m secretly in love with my brother, Jane. Na kahit lumipas man ang ilang taon ay siya pa rin. Hindi ko alam, Jane. Pero alam ko na unti-unti ng nasusunog ang kaluluwa ko sa impyerno sa ginagawa kong ito.” Sagot ko sa kanya. Si Jane lang ang tanging nakakaalam sa sikretong tinatago ko. Kasi siya ang bestfriend ko at pinagkakatiwalaan ko sa lahat.
“Ipagdarasal ko na makahanap ka ng lalaking hihigit sa kanya. Bakit ba ayaw mong bigyan ng chance si Ryan? Mabait naman siya?” tanong niya sa akin.
“Kung pwede ko lang turuan ang puso ko ay matagal ko na sanang ginawa. Dahil kahit ako ay gusto ko ng matapos itong kahibangan ko.” sagot ko kanya.
DAHLIAMaaga pa akong pumasok sa office. Pero mas maaga pa sa akin ang bagong secretary ni Kuya Axel. “Good morning, Miss Dahlia.” mahinhin na bati sa akin ni Flor."Good morning." Nakangiti rin na bati ko sa kanya.Si kuya mismo ang pumili sa kanya bilang bagong secretary. At isang linggo na lang ako dito sa company. Wala namang problema sa akin kung dumito ako. Kung puwede nga na ako na lang ang maging secretary niya ay gagawin ko. Pero ganun talaga may mga bagay na kahit na gustuhin ko ay hindi puwede. Wala naman akong masabi kay Flor dahil magaling siya sa trabaho. Maganda siya at sexy. "You know what I like, Flor. Sa tingin ko ay maayos naman siya bilang secretary ko." Sabi sa akin ni Kuya Axel habang nasa biyahe kami pauwi sa condo ko."Yeah, you're right. Mabilis lang siyang turuan at wala akong naging problema sa kanya." Sagot ko rin sa kanya.“I like her also as my—”“Stop it, kuya! You’re so gross,” naiinis na sabi ko sa kanya.“Single naman ako,” nakangisi na sabi niya sa
DAHLIA (PARIS, France)“Wala pa bang balak na umuwi dito?” malungkot na tanong sa akin ni Kuya Gavin.“Sa ngayon, kuya ay wala pa.” Sagot ko sa kanya.“Bakit?” tanong niya sa akin.“Na-miss mo na ba ako?” pabiro na tanong ko sa kanya.“Of course, lalo na si Alec. Miss kana niya,” sagot niya sa akin.“Miss ko na rin siya, kuya.” “Bakit hindi ka lang umuwi? Nakahanda na ang pinagawa mong shop.” tanong niya sa akin.“Thank you, kuya. Sasabihan kita kapag uuwi na ako. Don’t worry hindi ito magtatagal.” sabi ko sa kanya.“Okay, ingat ka diyan.” sabi niya sa akin.“I will, kuya. I miss you and I love you, kuya.” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Love you too, bunso.” Marami ang nangyari sa pamilya namin. Lalo na kay Kuya Gavin. At sa loob ng panibagong anim na taon ay walang nagbago sa nararamdaman ko. Mas pinili ko na ilayo ang sarili ko kay Kuya Axel. Mas gusto ko siyang maging masaya sa buhay niya. At gusto ko rin na maging okay ang buhay ko.Nandito ako ngayon sa Paris. Dito ako nag-aral
DAHLIA Nang nakabalik na ako sa Maynila ay hindi na kami nagkikita ni Kuya Axel. Hangga’t maaari ay iniiwasan ko na siya dahil ayoko nang maging hibang sa kanya. Alam ko na nagtataka na siya sa akin dahil nakatanggap ako ng maraming text message mula sa kanya. Marami akong inaasikaso ngayon dahil binuksan ko na ang boutique ko. Kaya wala na akong time para sa ibang bagay. Masaya ako dahil naging maganda ang takbo ng mga pangyayari sa buhay ko. Masaya ako na bumalik na si Ate Mireya. Gusto ko siyang makita ulit pero alam ko na hindi pa puwede. “Miss Dahlia, may bisita ka po.” sabi sa akin ng staff ko. “Sin—” “Me,” walang emosyon na saad ni Kuya Axel. “K–Kuya?” nauutal na sambit ko. “Hanggang kailan mo ba ako iiwasan?” tanong niya sa akin. “Hindi naman kita iniiwasan. Busy lang ako sa trabaho ko.” sagot ko sa kanya at itinuon ang atensyon ko sa ginagawa kong sketch ng wedding gown. “Really?” tanong niya sa akin na alam kong naiinis siya sa akin. “I’m sorry, kuya. Hindi kasi ma
WARNING MATURE CONTENT! THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS R18+. PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK!!DAHLIAHindi ko alam kung paano kami nakarating na dalawa sa condo unit niya. Alam ko na lasing si kuya dahil hindi man lang niya ako nakilala. At ako naman ay nawala na ang pagkalasing ko sa halik na pinagsaluhan namin sa loob ng kotse. Bago kami bumaba ay hindi niya tinantanan ang labi ko. Pagpasok pa lang namin sa loob ng unit niya ay siniil niya ako ng isang maalab at mapusok na halik. Na siyang tinugon ko ng buong puso.Aminado ako na wala akong gaanong karanasan pero sinabayan ko ang bawat galaw ng labi niya. Ayoko na isipin niya na hindi ako marunong. Binuhat niya ako habang hindi naghihiwalay ang mga labi naming dalawa. Nakakapit ako sa leeg niya.Matagal ko ng pinangarap na mahalikan niya at ngayon natupad na. Naging mas agresibo pa ang bawat galaw niya. Nababangga namin ang mga gamit dito sa loob ng unit niya pero wala kaming pakialam at patuloy lang kami sa paghahalikan.“Kan
DAHLIA Alam ko na naging disperada ako kagabi. Pero tapos na at wala na akong magagawa. Kusang loob kong binigay ang sarili ko kay Kuya Axel. Ipinagkaloob ko ng walang pag-aalinlangan. At wala akong pagsisisi na naramdaman. Mahal ko siya at kahit sa isang gabi lang ay maramdaman ko ang pagmamahal niya. Nagising ako kanina na masama ang pakiramdam ko. Pero pinilit ko pa rin bumangon kahit na masakit ang nasa pagitan ng hita ko.Halos isang oras rin akong nagbabad sa warm water dito sa bathtub ko. I do my research at nakakatulong daw ang maligamgam na tubig para mabawasan ang sakit at pamamaga. Pakiramdam ko ay nalamog ang buo kong katawan. Lumabas na ako sa silid ko dahil dumating na ang pagkain na pina-deliver ko.“K—Kuya,” nauutal na sambit ko dahil nasa tapat siya ng pintuan ko.Kaagad siyang pumasok sa loob at hindi man lang ako pinansin. Hinayaan ko na lang siya. Sakto rin na dumating ang pagkain. Pagpasok ko ay nakahiga siya sa sofa ko.“Kumain kana ba, kuya?” Tanong ko sa kanya
DAHLIASimula noong nakaraan ay hindi na kami nagpapansinan ni Kuya Axel. Kahit na nagkaka-salubong kami sa daan ay hindi niya ako tinatapunan ng tingin. Minsan ay gusto ko siyang batiin at kausapin pero hindi ko magawa. Naging busy ako sa trabaho ko. Kaya hindi ko na namalayan ang mga araw na dumaan na ganito kaming dalawa.At hindi ko talaga namalayan na halos isang buwan na kaming hindi nag-uusap. Kahit na ngayon ay magkasabay kaming dalawa sa loob ng elevator.“Yes, babe. I’m on my way there,” rinig ko na sabi niya sa kausap niya.Sino kaya ang girlfriend niya? May sineseryoso na kaya siya? Tanong ko sa sarili ko.Biglang nagvibrate ang phone ko kaya sinagot ko ito kaagad.“Hello, Ry. Nasa elevator na ako. Okay, see you,” sabi ko at lumabas na ako noong bumukas ang pinto ng elevator.May lakad kami ni Ryan dahil balak ko na magbukas ng isa pang boutique at siya ang napili ko na architect. Nakita ko na siya kaya kumaway ako sa kanya. “Hi,” bati sa akin ni Ryan.“Hi,” nakangiti rin
AXEL LUIS (PRESENT TIME)Sobrang sakit para sa akin na isang kasinungalingan lang ang naging buhay ko. Na kasinungalingan lang pala ang buong pagkatao ko. So, all this time ay hindi ako isang Santillan. Nagsisisi ako dahil sinaktan ko pa ang kuya Gavin ko. At higit sa lahat si Dahlia.Palabas na ako sa unit ko dahil gusto ko na lang lumayo. Ayokong maging puppet ni mommy. Kaya mas pipiliin ko na lang na lumayo kaysa masaktan ko pa sila. I booked a flight abroad. Pero palabas pa lang ako unit ko ay may biglang humataw sa akin dahilan para mawalan ako ng malay.*****Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko. Bumukas ang pintuan ang pumasok si mommy.“Mom, what's the meaning of this?” Tanong ko sa kanya.“Alam ko na alam mo na hindi kita anak. Tinatanong mo kung bakit ko ito ginagawa? Simple lang dahil gusto ko na ipakita sa ‘yo na ang mga taong balak mong kampihan ay walang pakialam sa ‘yo. Isa ka ring traydor katulad ni
AXEL LUIS Hindi ko magalaw ang katawan ko. Nakaratay ako dito sa hospital. Gustuhin ko man na malaman ang kalagayan ni Dahlia ay walang ni inisang dumalaw sa akin kaya mas lalo akong kinakabahan. Nais ko talagang malaman kung okay lang ba sila ng baby ko.“Miss, puwede ba akong lumabas para puntahan si Dahlia?” Tanong ko sa nurse.“Sorry po, Sir Pogi. Pero hindi po kayo puwedeng lumabas ngayon. Kailangan niyo po munang magpagaling.” Sagot niya sa akin.“Alam ko, Miss. Pero kailangan kong malaman ang lagay ni Dahlia.” Saad ko pa sa kanya.“Tulog pa po siya. Marami ang nawalang dugo sa kanya. Sa ngayon po ay under monitoring pa rin po siya.” Sagot niya sa akin.Kahit papaano ay nakahinga naman ako ng maluwag dahil ligtas siya. Sa dami ng pasa na natamo ko ay alam ko na matatagalan pa akong gumaling kaya sa ngayon ay sa iba muna ako magtatanong tungkol sa kalagayan niya. Lumabas na ang nurse kaya hindi ko na naitanong ang kalagayan ng anak namin ni Dahlia.So, all this time ay alam na n
HELLO po sa inyong lahat,Nais ko lang po magpasalamat sa lahat ng sumubaybay sa story na ito. Alam ko na marami po akong absent dito at humihingi po ako ng pasensya sa inyong mga naghintay ng matagal. Masaya po ako na kahit medyo matagal akong nawala ay hindi niyo ako iniwan. Ang story po ni Theo ay ihihiwalay ko po dito. Hindi ko pa po alam kung kailan ko isusulat dahil may bago akong story na ilalabas soon. Sana ay suportahan niyo rin po ito kapag lumabas na. Thank you po sa inyong mga nag-add nitong story, sa mga nagbigay ng Gems, sa mga comments. at sa inyong lahat na nagbabasa sa story na ito. May mga pagkakataon na nakakapagod magsulat pero dahil sa inyo kaya ko pinipili pa rin na magsulat. Magpapahinga pero magsusulat pa rin. Thank you so much po sa inyong lahat and God bless you!STAY HAPPY AND HEALTHY!LIST OF MY COMPLETED STORIES1. MY SECRETARY IS A SINGLE MOM2. LOVING, MR. CHEF3. MR. BLAKE, THE MYSTERIOUS BILLIONAIRE4. PROFESSOR'S MAID5. TRAPPED BY A HOT PROFESSOR6.
MEC-MEC3 YEARS LATER…“Mama, may gusto ka po bang kainin?” tanong sa akin ni Macky.“Wala po,” nakangiti na sagot ko sa kanya.“Hindi po ba nagugutom si baby?” nakangiti na tanong niya at hinaplos ang tiyan ko.“Hindi pa po siya nagugutom.” malambing na sagot ko sa panganay kong anak.“Kapag may gusto ka po ay sabihin mo po sa akin, mama. Ang sabi ni papa ay ako po muna ang mag-aalaga sa ‘yo habang wala siya. Ako po muna ang mag-aalaga sa inyo.” “Ang galing naman ng Kuya Macky namin. Maasahan na talaga ni papa. Sigurado ako na matutuwa ang papa mo kapag nalaman niya na sobrang maasahan na ang kuya namin,” sabi ko sa kanya.Nasa business trip kasi ang asawa ko at limang buwan na akong buntis. Sa dami ng nangyari sa buhay namin talagang hindi naging madali ang lahat. Mahirap pero kinaya namin.Minsan ay naaalala ko pa ang nangyari three years ago. Parang bangungot pero dahil nasa tabi ko ang mag-ama ko ay nalagpasan namin ni Macky ang lahat. Hindi lang ako ang nahihirapan kundi pati na
MEC-MEC Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali man na may nangyari sa anak namin. Mabuti na lang at mabilis namin siyang nadala sa pinakamalapit na ospital. Ligtas na siya ngayon dahil ang tubig na iniinom niya kanina ay may lason pala. “Kasalanan ko ito, sana hindi ko na lang siya pinainom ng tubig niya.” umiiyak na sabi ko habang nakaupo sa tabi ng anak ko at hawak ko ang kamay niya. “Mahal, wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan, okay. Pina-imbestigahan ko na ito. At hindi ko hahayaan na hindi managot ang tunay na may gawa nito. Kahit pa kilala ko na kung sino.” sabi sa akin ni Mark. “Huwag siyang magpapakita sa akin dahil baka mapatay ko siya. Baliw siya, papatayin niya ang anak natin.” umiiyak na sambit ko. “Sorry, mahal. Alam ko na may pagkukulang ako. Alam ko na ako ang may kasalanan kaya ito nangyayari. I’m really sorry dahil wala na naman akong nagawa,” umiiyak na sabi ng asawa ko. “Wala kang kasalanan at may ginawa ka. Kung hindi natin dinala agad ang anak natin dito
MEC-MEC“Mahal, sa tingin mo tama ang ginawa natin?” tanong ko sa asawa ko na ngayon ay paakyat na kami sa office niya.Tinawagan niya kasi ako kung gusto ko daw siyang puntahan. Hindi ko naman alam na nasa labas pala si Tina kaya tuloy hindi ko na napigilan ang sarili ko na magmaldita sa kanya.Nakaramdam rin ako ng awa sa anak niya pero kasi kaysa ang anak ko naman ang pagbantaan niya. Umaasa kami na sa ginawa ng asawa ko ay mapapaalis namin siya sa school. Sila ng anak niya, gustong-gusto ko ang tahimik na buhay pero itong mga babae na baliw sa asawa ko ang nagiging dahilan kaya kami nagugulo.“May problema ba?” tanong niya sa akin.“Nag-aalala lang ako kay Macky.” sagot ko sa kanya.“Okay lang siya, sinabihan ko na rin ang school na tingnan nila ang anak natin. Hindi ko hahayaan na masaktan ang anak natin.” malambing na sabi niya sa akin.“Pinapunta mo ako dito. Ano naman ang gagawin ko dito?” tanong ko sa kanya.“Wala, gusto lang kitang kasama dito.” sabi niya sa akin.“Akala ko p
THIRD PERSON POV Lihim na napangiti si Tina dahil ang buong akala niya ay natalo na niya si Mec-mec. Alam niya na natatakot na ito sa kanya dahil pinagbantaan niya ang anak nito. Napahawak siya sa kanyang pisngi dahil sa sampal sa kanya ni Mec-mec.. Hindi niya hahayaan na maging masaya ito. Dahil sa babaeng ito ay nawala sa kanya ang lahat. Nawala ang trabaho niya at higit sa lahat ay nawala sa kanya si Mark. Ang lalaking mahal na mahal niya. Ngayon lang siya naging baliw sa isang lalaki. Ito kasi ang nagparamdam sa kanya na kamahal-mahal siya. Ang nagbigay halaga sa kanya at sa anak niya. Napangiti siya dahil nakita niya na tumatawag sa kanya si Mark. mabilis niya itong sinagot. “Hello, Sir.” “What do you want?” tanong ni Mark sa kanya. “I want you, Sir.” nakangiti na sagot niya pero bigla na lang pinatay ni Mark ang tawag kaya nakaramdam ng inis si Tina. “Bwisit!” bulalas niya. “Miss Tina, pinapatawag po kayo sa principal’s office.” saad ng isang teacher. “Bakit po?” “Hindi
WARNING: THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! PLEASE READ AT YOUR OWN RISK! MATURE CONTENT! FOR ADULT ONLY…MEC-MECHinalikan niya muna ako bago siya pumwesto sa pagitan ng mga hita ko. Aaminin ko na nakakaramdam ako ng kaba at excitement. Kinakabahan kasi alam ko kung gaano kalaki ang ipinagmamalaki ng asawa ko at excitement dahil sa loob ng limang taon ay magagawa namin ito ulit.Sa loob ng limang taon ay umiikot lang ang buhay ko sa anak ko. Ni hindi ko man lang naisip ang ganitong bagay.“Are you nervous?” nakangisi na tanong niya sa akin.“Hindi ah,” sagot ko agad sa kanya.“Really?” panunukso pa niya sa akin.“Bakit naman ako kakabahan? Baka ikaw ang kinakabahan d’yan?” nakangiti na sabi ko sa kanya at pilit na tinatago ang nararamdaman ko.“Okay, sabi mo.” nakangiti na sabi niya at naramdaman ko ang pagk*lalaki niya sa bukana ko.Napalunok ako habang nakatingin ako sa kanya. “Sh*t! Hindi pa nga ako nakapasok pero ang sarap na.” sabi niya habang ikinikiskis ang ulo ng pagk*l
MEC-MEC (PRESENT TIME)“Alam mo ang hirap ng buhay ko doon dahil may mga bagay ako na hindi ko maibigay sa anak natin. Pero kahit ganun ay hindi ko alam kung paano ba kami naka-survive na dalawa. Basta ang alam ko ay umasa ako. May mga pagkakataon na iniisip ko na baka hindi na ako hahanapin ng pamilya ko. Na hindi na ako hahanapin ni Mark. Ang pangalan na nakaukit dito sa singsing ko. Minsan pa nga ay naisip ko na ibenta ito para lang may pambili ako ng damit at pagkain namin. Pero pinigilan ako ni nanay. Kasi naniniwala siya na ito ang magdadala sa akin sa pamilya ko.” umiiyak na sabi ko sa asawa ko.“Sorry, mahal. Sorry kung wala ako sa tabi. Pero hinahanap kita, hindi ako tumigil na ipa-hanap ka. Kasi naniniwala ako na buhay ka pa.” sabi niya sa akin.“Aaminin ko na nakaramdam ako ng inis dahil iniisip ko noon na hindi niyo man lang ba ako hinanap? Wala man lang ba naghahanap sa akin? Pero nang malaman ko kung gaano kalayo ang Maynila sa Isla ay doon ko naintindihan na imposible ng
(CONTINUATION OF FLASHBACK)MEC-MECNagising ako na puting kisame ang bumungad sa akin. Mag-isa lang ako dito at sa naamoy ko ay nasa ospital ako. Ibig sabihin ay dinala nila ako dito. Pero malayo ito sa isla. Ilang oras na ba akong tulog? Nahihilo pa rin ako kaya naman humiga ako pero bumangon rin ako ulit dahil na-aalala ako sa anak ko.Hanggang sa bumungad sa akin ang lalaki at hawak niya ang kamay ng anak ko. Tinanong niya ako kung nagugutom ako at ang totoo ay gutom na nga ako. Bumili siya ng pagkain at naiwan si Macky sa tabi ko.“Mama, kumain po kami sa labas. Ang sarap po ng mga pagkain na binili sa akin ni papa.” sabi niya sa akin.Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi umiyak dahil sa narinig ko mula sa anak ko. Ngayon lang kasi siya nakakain ng masarap. Masarap naman ang isda at gulay pero laging ganun ang ulam namin. At nakakain lang yata siya ng karne ay isang beses pa lang.“Marami ba ang kinain mo?” tanong ko sa kanya.“Opo, marami po. Ang sabi po sa akin ni papa ay k
(CONTINUATION OF FLASHBACKS)MEC-MECLimang taon ang lumipas at hindi ko ito namalayan. Hindi ko alam kung paano kami naka-survive ng anak ko. Oo mahirap pero ang mahalaga ay malusog ang anak ko. Malaki na si Macky at natutuwa ako dahil naiintindihan niya ang lahat ng sinasabi ko sa kanya. Ipinaliwanag ko ang tungkol sa akin. Na wala akong naalala sa nakaraan ko at naiintindihan naman niya ito. Malambing at mabait ang anak ko. Nawawala ang pagod ko kapag niyayakap ako ng anak ko.Sa patag ay may sideline ako. Nag-tutor ako doon every weekend. Doon ako kumukuha ng ng pambili ko ng bigas namin dito sa isla. Ang halaga sa akin palagi ay may bigas kami. Marami namang ulam dito sa isla. Maraming isda at gulay ang narito na puwede naming i-ulam.“Mama, may mga dumating po na dayo.” Sabi sa akin ng anak ko.“Anak, dito ka lang. ‘Wag kang pumunta sa kung saan.” Sabi ko sa anak ko.“Opo, mama.” Sagot niya sa akin.Pero may kakulitan talaga na taglay ang anak ko. Kahit pa sinabi ko sa kanya na ‘