"Sa liwanag ng buwan at kislap ng tala sa kalangitan, munti kong kahilingan sana'y iyong pagbigyan. Pagkalooban mo sana ako ng isa pang pagkakataon upang itama ang mali sa aking kahapon," taimtim kong usal sa aking isipan habang nakapikit. Tulad ng kung paano niya ipinikit ang mga mata niya at itinuro sa akin ang bagay na ito. Ang humiling sa tala kahit na wala namang kasiguraduhan kung pakikinggan ba ang iyong kahilingan o hindi.
.
.
Niccolo Alejandro...
Paano nga ba kita makakalimutan? Ikaw ang nagturo sa akin kung paano pumikit at humiling sa mga tala. Ikaw ang nagparamdam sa akin kung paano ang piliin, sa kabila ng paulit-ulit na pagtanggi ng mga taong nakapaligid sa akin. Kung alam ko lang, sana pala hindi na ako tumingin sa iba. Sana ay nakuntento na lang ako sa pagmamahal na kaya mong ibigay. At sana pala, hindi ako natakot na ipaglaban ka.
Pero kailan nga ba muling magtatagpo ang landas nating dalawa? Ilang taon na ba ang lumipas simula ng huli tayong magkita? Ilang taon na rin pala... simula ng tumalikod ka at hindi na muling lumingon pa.
Pinunasan ko ang luhang kumawala sa mga mata ko ng hindi namamalayan at handa ng pumasok sa loob. Ngunit muli akong natigilan ng makita kong umilaw ang cellphone ko. Hindi ko narinig na tumunog 'yon tulad ng pagtunog no'n kapag may tumatawag.
"Ibig sabihin text lang," bulong ko.
Baliwalang dinampot ko ang cellphone at naglakad na papasok sa loob upang humiga at matulog. Ngunit ng inilapag ko ang cellphone sa bedside table, muli 'yong umilaw. Nagdadalawang isip man, kinuha ko ulit 'yon at binasa ang mensaheng natanggap ko.
[Tulad ko, tinatanaw mo pa rin ba ang mga tala sa kalangitan hanggang ngayon?]
Iyon ang unang mensahe na nabasa ko mula sa hindi nakarehistrong numero sa cellphone ko. Binuksan ko pa ang isa at muling binasa. Ngunit ganoon na lang ang panglalaki ng mga mata ko at hindi makapaniwala nang mabasa ko ang pangalawang mensaheng natanggap ko roon.
Bumilis ang pintig ng puso ko at tila ba may dumaloy na init sa katawan ko. Hindi ko alam kung tama ba ito o namamalikmata lang ako? Daig ko pa ang hihimatayin dahil sa kaba nang muli kong binasa ang ika-lawang mensahe na tulad sa nauna ay galing pa rin sa kaparehong numero.
At ang numerong iyon ay mula sa taong akala ko'y nilimot na ako...
[Sigo pensando en ti, mi amor.]
Nicco
******
©All rights reserved
_PAUPAU_
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.Please be advised that this story contains, mature themes, and strong language that are not suitable for every young audience.Read at your own risk.*****."IKAW lang yata ang nakita kong ikakasal pero nakasimangot. Umayos ka Alinnyta, kun'di pangit ka sa wedding picture n'yo ni Blue!" Pang-aasar sa akin ng pinsan kong si Zafira.Ngayon ang araw ng kasal namin ni Blue. Napakatagal kong hinintay ang araw na 'to. Ilang taon ang tiniis ko mauwi lang kami sa simbahan tulad ng napagkasunduan. Kulang na nga lang ay mag pamisa ako araw-araw, at gayumahin siya para lang matupad itong araw na 'to.Pero bakit ngayon ay iba ang pakiramdam ko? Bakit parang may mali? Bakit pakiramdam ko'y may mangyayaring hindi maganda? Kabado bente talaga ako per
[FLASHBACK]"This is it, malaya na ako!" Halos kiligin ako sa tuwa dahil sa siksik, liglig at nag-uumapaw na kasiyahang nadarama ko. Sa loob ng dalawampung taon na inilagi ko sa mundong ito, ngayon lang ako nakalaya sa puder ng mga magulang ko. Ngunit kapalit niyon ay ang pagtalikod sa buhay na kinagisnan ko. Ang mga magulang ko kasi ay nabubuhay pa rin sa taong uso pa si Rizal. Naniniwala pa rin sila sa salitang 'pinagkasundo' pero hindi tinadhana, at seyempre, 'yon din ang plano nilang gawin sa akin. Ang ikasal sa kung sino mang hampaslupang tinamaan ng magaling. Pero nang aksidente kong marinig ang plano nilang 'yon, kesehodang magdeklara ako ng ika-apat na pandaigdigang gera 'wag lang talagang matuloy! Ayaw ko kayang maikasal sa kung sino mang uhuging katchupoy na napili nila! Isa pa, maaga pa para ikasal ako at maging dakilang maybahay lang. Marami pa akong pangarap. Isa na lang doon ay ang makapunta sa mall, ultimate dream ko talaga 'yon. Pangalawa ay ang makapanood ng concert
Pagkalabas ko sa Airport bigla akong nanlumo. Lalo na nang makita ko ang nagtataasang gusali sa harap ko. Hindi ko naman alam kung ano ang kulturang mayroon dito sa bansang ito. Hindi ko rin alam kung ano ba ang gagawin ko rito, at kung saan ako tutungo.Napaupo ako sa gilid katabi ang maleta pati na rin ang ibang gamit ko pa. Kung bakit naman kasi dito pa ako pumunta, puwede namang sa Pilipinas na lang din?! "Bobita!" singhal ko sa aking sarili.Nakita ko rin si Azul na may kausap sa cellphone niya. Alam niya kaya ang mga lugar dito? Puwede naman siguro akong sumama sa kanya? Lumapit ako sa gawi ni Azul at kinalabit siya nang matapos siyang makipag-usap sa kung sino man. Nagulat naman siya sa akin ng lumingon siya, bago kumunot ang noo at nagtatakang nagtanong. "Problema mo?" He asked. Inihanda ko na ang sarili ko at umiyak sa harap niya. Iyak na tulad ng matagal ko ng kinabisa. Kung paanong itinuro sa akin ng ama ko ang tamang pag-iyak sa harap ng ibang tao. Ngunit sa totoo lang a
Kusinerang Seniorita... Labag man sa loob ko'y pumunta ako sa kusina at nakipagtitigan sa kaldero tulad ng sinabi ni Blue. Binigyan niya ako ng limang pirasong hotdog na nasa plato at sandok na kahoy. Iluto ko raw ang hotdog habang siya ay mag aayos pa ng ibang gamit niya. Ewan ko ba sa kanya, naka-color coding pa kasi ang mga gamit niya, ewan lang kung pati brief niya ay may pattern sa pagtitiklop. Sinipat kong muli ang hotdog at muli rin akong nayamot. "Where the hell on earth should I get the idea on how to cook this red thingy called fucking hotdog?!" naiinis kong tanong sa aking sarili. Kahit yata abutin ako ng pasko ay hindi ko pa rin alam kung paano iluluto ito. And to think na halos masiraan na ako ng bait kanina ng pag hiwain ako ni Blue ng sibuyas, baka itong hotdog na ito naman ang maging mitsa ng buhay ko. Ilang galon yata ang iniluha ko makaraos lang sa isang sibuyas kanina. Tapos ngayon, itong hotdog naman ang kailangan kong igapang! Jusmio marimar! Nang wala talaga
Tatlong buwan...Sa bilis ng araw, halos hindi ko na namalayan na unti-unti na pala akong inuugat dito sa America. Sinong makapagsasabi na matitiis ako ni Blue sa loob ng tatlong buwang magkasama kami sa iisang bubong? Sino pa nga ba, seyempre si author lang!Kahit na halos isumpa namin ang isa't isa ni Blue at magsakalan ng leeg araw-araw ay hindi pa rin kami naghihiwalay. Noong nag away kami ng limang oras dahil sa nasunog kong uniform niya, hindi niya rin ako natiis. Siya rin ang unang nakipag bati dahil kung hindi au susunugin ko rin ang terno ng uniform niya.Sa loob ng tatlong buwan, nakatatlong trabaho na rin ako. Palipat-lipat dahil lagi akong palpak. Noong unang apply ko ay isa akong crew member sa Mc Donalds. Okay naman sana, pero makalipas ang tatling araw ay tinanggal ako dahil muntik ko ng masunog ang buong fast food na pinapasukan ko. Di ko naman sinasadya at aksidente lang ang lahag.Sa ikalawang trabaho ko naman ay di rin ako nagtagal. Assistant keme raw kasi ako sa is
Crush kita..."Wala ka bang balak umuwi sa Pilipinas?" tanong sa akin ni Blue.Narito kami ngayon sa Golden Gate Bridge. Sa tinagal-tagal na namin dito sa U.S, ngayon lang kami nagkaroon ng oras upang mag gala. Abala kasi si Blue sa pag-aaral niya. Habang ako naman ay abala sa trabaho at pag-aaral na rin. Mahalaga sa akin ang bawat oras dahil malingat lang ako sandali, maaaring mawala ang trabahong pinaghirapan kong igapang, at pati na rin ang pag-aaral na pinangarap ko.Gusto ko kasing magkaroon din ng sarili kong diploma. Para naman kapag may nang api sa akin ay puwede ko silang sampalin ng Summa Cum laude kong diploma.Tinignan ko si Blue saka inirapan. "Wala," maikling sagot ko sa kanya.Wala naman kasi talaga akong balak na umuwi. Hindi ko nga alam kung may uuwian pa ba ako. Wala na rin akong balita sa pamilya ko. Hanggat maaari ay hindi namin napag-uusapan ni Zafy ang tungkol sa Hacienda Avilla kapag nagtetelebabad kaming dalawa."Last semester ko na. After that, I will go home,
He's leaving...It's been a year and Blue graduated already. Sa bilis ng panahon ni hindi ko na namalayang ngayon na nga pala ang alis niya. Dumating na nga ang araw na kinatatakutan ko. Ang araw kung kailan uuwi na si Blue sa Pinas. Sa nakalipas na buwan ay hindi namin napagtutuunan ng pansin ang isa't isa dahil abala ako sa trabaho at pag-aaral sa gabi. Siya, ewan ko ba... hindi ko alam kung ano at sino ang pinagkabalahan niya. Simula rin noong inamin ko sa kanya na crush ko siya ay naging mailap na siya sa akin. Ayaw niya na akong paglabahin ng mga damit niya. Sa tuwing ipinagluluto ko naman siya ay palagi niyang sinasabi na busog siya. Edi bahala siya sa buhay niya! Feeling niya naman hahabulin ko siya, eh ang pangit nga naman! Hmp!Pero ngayong narito kami sa Airport, para akong tanga na umiiyak sa harap niya. "Lenny stop crying! Uuwi lang ako sa Pilipinas at hindi mamamatay. Pinagtitinginan na tayo ng ibang narito, nakakahiya! Baka isipin nila ginawan kita ng masama," singhal
Akala ko hindi na darating ang araw na ito. Ang araw na kailangan kong umuwi sa Pilipinas hindi dahil gusto ko, kun'di dahil kailangan. Habang tumatagal kasi ang paglalagi ni Ayesha roon, lalo lang lumalala ang sitwasyon. Kaya naman heto, napilitan akong lumipad patungo sa lugar na akala ko'y hindi ko na muling aapakan pa.'Ninoy Aquino International Airport.' Napabuntong hininga na lang ako ng makita ko ang signage na iyon. Ilang taon na nga ba ulit simula ng huli akong umapak dito? Isa? Dalawa? Parang sa sobrang tagal na, hindi ko na alam kung ilan ang eksaktong bilang.Nang makalapag ang eroplanong sinasakyan ko'y nag madali akong lumabas. Hindi dahil sa nasasabik akong tumapak muli sa aking lupang sinilangan, kun'di dahil pinupog na ako ng chat ni Zafira. Bago pa ako umuwi ay tumawag na ako sa kanya na kung maaari ay sunduin niya ako, tutal nasa Manila naman siya. Pumayag naman ang bruha na tila ba mas excited pa kaysa sa akin. "Nasaan na ba ang exit?" yamot kong tanong sa aking