Akala ko hindi na darating ang araw na ito. Ang araw na kailangan kong umuwi sa Pilipinas hindi dahil gusto ko, kun'di dahil kailangan. Habang tumatagal kasi ang paglalagi ni Ayesha roon, lalo lang lumalala ang sitwasyon. Kaya naman heto, napilitan akong lumipad patungo sa lugar na akala ko'y hindi ko na muling aapakan pa.'Ninoy Aquino International Airport.' Napabuntong hininga na lang ako ng makita ko ang signage na iyon. Ilang taon na nga ba ulit simula ng huli akong umapak dito? Isa? Dalawa? Parang sa sobrang tagal na, hindi ko na alam kung ilan ang eksaktong bilang.Nang makalapag ang eroplanong sinasakyan ko'y nag madali akong lumabas. Hindi dahil sa nasasabik akong tumapak muli sa aking lupang sinilangan, kun'di dahil pinupog na ako ng chat ni Zafira. Bago pa ako umuwi ay tumawag na ako sa kanya na kung maaari ay sunduin niya ako, tutal nasa Manila naman siya. Pumayag naman ang bruha na tila ba mas excited pa kaysa sa akin. "Nasaan na ba ang exit?" yamot kong tanong sa aking
[NICO'S POV]Hindi naman mapakali si Nico kung ano ba ang gagawin niya sa babaeng ngayon ay daig pang patay na nakabulagta sa kama niya. Ilang beses na rin siyang nag paruo't parito hanggang sa nilapitan niya na ang dalaga at mariing tinitigan. "Your face seems familiar," mahina kong sabi sa natutulog na babae. Para bang nakita ko na siya ngunit hindi ko alam kung saan at kailan. Matangos ang ilong, manipis ang mapula niyang labi, at malalantik ang pilik. "Puwede na," giit ko pa. Mukha naman siyang high-class kumpara sa ibang babae sa loob ng Club-V. Akala niya yata ay maloloko niya ako. Wala na bang ibang trabaho na puwede niyang pasukan maliban sa bahay aliwan?I went to the balcony while holding a glass of wine, isa na namang nakakapagod na araw ang natapos. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang mga sinabi ng ama ko tungkol sa kasal na pinagkasunduan nila ng kumpare niya. Wala pa sa isip ko ang magpakasal goddammit! At mas lalong ayaw kong magpakasal sa babaeng ni hindi ko pa nak
Ngayon ang araw ng interview ni Ayesha ngunit hindi niya alam na kasama si Janrick. Well, I think Janrick loves her seriously. Kaya nga nagpa-schedule ng interview ang hudyo. Buti pa ang bruha may forever na. Samantalang ako, umamin lang sa crush ko'y lumigwak pa! Aba Lord anak mo rin naman ako! Ilang minuto pa ang matuling lumipas hanggang sa may nag text sa akin mula sa hindi nakarehistrong numero. [The car is ready... black BMW. Bumaba na kayo.]Iyon ang sabi, kung kaya't niyaya ko na pababa si, Ayesha. Pagkatapos ng show na ito, mag babakasyon na talaga ako! Aba kailangan ko rin naman ibalandra ang kagandahan ko! Paano ba ako makakabingwit ng fafa kung stress na stress ang katawang lupa ko? Nang makarating sa baba, bigla namang huminto ang itim na BMW. Ito ba ang sasakyan namin? Ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng lumabas ang lalaki na siyang magmamaneho no'n. Shoot! Bakit narito ang baby ko? "Nico?" Nagtatakang tanong ni Ayesha. So, Nico pala ang pangalan niya. "At your s
Pucha kailan pa 'ko lumandi ng husto? At bakit ba naisipan kong sabihin ang mga salitang iyon sa lalaking ito?Kasalukuyan pa rin akong nakasakay sa black BMW na si Nico pa rin ang nagmamaneho. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta ang alam ko lang... nadala ako sa pahawak kamay keme niya! "What are you thinking?" he asks curiously then smirks at me. Lumingon ako sa kanya. No scratch that! Dahil nang lumingon ako sa kanya'y hindi ko na magawang utusan ang mga mata ko na bumaling sa iba, ibig sabihin titig ang tawag doon diba? Bakit ba ngayon ko lang napansin na guwapo si, Nico? Lalo na kapag mapapatitig ka sa mga mata niya, para bang hindi mo na nanaising lumayo ng tingin sa kanya. Bumagay rin sa mukha niya ang pinong buhok na nakapalibot mula sa kaliwang patilya niya patungo sa kanan. Nagmukha siyang maginoo pero medyo gago, charot lang!"Pumasa ba ako sa pamantayan mo?" Nakangiting tanong niya. At kumindat pa nga talaga! Baka hindi ako makapag pigil mahalikan ko na lang si
"Where do you live?" Bahagyang tumaas ang sulok ng aking labi sa tanong na 'yon ni Nico. Ang tagal niyang nag wish tapos 'yon lang pala ang gusto niyang malaman.Kung saan ako nakatira, char!Feeling closed kasi siya agad kahit na nagbangayan kami kanina at namasyal pagkatapos. Pero okay na rin 'yong ganito, at least kahit papaano ay may nakakasama ako. Lalo na ngayon na hindi ko alam kung saan ko hahagilapin si Blue."Blue..." wala sa loob na usal ko. Hindi pa kasi kami nagkikita simula nang dumating ako rito sa Pinas. Ni hindi rin nagpaparamdam sa akin ang lintek na iyon.Buti pa nga yata ang mga kaluluwang naliligaw pati na rin ang mga lamang lupa ay marunong magparamdam, pero ang bughaw na 'yon... hmp! Ewan! Sabagay, pano nga ba siya magpaparamdam kung hindi pa naman siya patay! Kung tuluyan ko na lang kaya siya, kakainis kasi talaga ang bughaw na 'yon!"Wierd," ani naman ni Nico. "Ngayon ko lang narinig ang lugar na yan, san ba banda yan dito sa atin?" nagtatakang tanong niya pa.
"It's okay as long as you're okay with it."Sa kanya ko lang narinig ang ganyang salita. Kahit kasi si Blue ay tumataliwas sa mga gusto ko. Kadalasan nga ay siya ang nasusunod. Ang gusto niya lang ang iniintindi ko at dapat na pakibagayan. "Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Nico. Nginitian ko na lang siya saka bahagyang tinulak palayo."Akong pipili ng oorderin huh!" giit ko at nauna nang pumasok sa unit niya nang buksan niya ang pinto.Aware akong sinusundan niya ako ng tingin. Aware din akong nagtataka siya sa akin. Pero hindi ko binibigyang pansin ang mga iyon. Dahil kapag pinairal ko ang aking emosyon, baka mahirapan na akong ibalik ang pagkatao kong hinubog ng mga magulang ko sa mahabang panahon.Hindi puwedeng maging sobrang saya. Bawal ang umiyak, unless kailangan. Bawal masaktan dahil walang akong karapatan. My father taught me a lot of things about normal people can not do, while my mother... yes, she's always there, but I never felt her presence. Ewan, basta may
Akala ko hindi na muling magtatagpo pa ang landas namin ni Nico, ngunit tignan mo nga naman ang pagkakataon. Heto siya ngayon, kulang na lang ay lumitaw ang buong gilagid pati na rin ang wisdom tooth niya nang dahil sa katatawa. Kung bakit ba naman kasi kulang-kulang sa kagamitan itong si Ayesha, kaya pati ang mga niluto ko'y halos hindi kayang tanggapin ng aking sikmura!"Next time, if you want to eat a proper meal just call me. Ipagluluto kita ng kahit na anong putahe na gusto mo." Napairap na lang ako sa sinabing 'yon ni Nico. Akala mo naman talaga kung sinong magaling! Nang tumalikod siya upang tulungan akong mag ligpit, ay muli kong tinignan ang mga niluto ko na walang awa nilang hinusgahan at tinawanan kanina. Mukha namang edible pa ang chorizo pati na rin ang pancake. But when I turned my gazed into the fried chicken that I cooked... Jusme! Anyare?!Kahit ako'y nakaramdam ng stress dahil sa manok na ito. Tirik na tirik naman kasi ang mata. But swear! Niluto ko ng mabuti ang fr
Simula noong pumunta kami sa Park ni Nico, napapadalas na ang paglabas-labas namin at pagkikita. Nakakahalata na nga ako eh, feeling ko talaga may hidden kalandian ang taong ito. Tulad ngayon, magkasama na naman kami. Hindi nga lang sa isang sikat at mamahaling restaurant... kun'di sa Peryahan! Peryahan na halos bilang lang ang tao dahil alas singko pa lang naman. Minsan hindi ko na rin alam kung ano ba itong trip ng taong 'to e. Pinag-dress pa ako, at ako naman itong si tanga ay nag dress nga! Tapos sa Peryahan lang pala ang bagsak naming dalawa, kun'di ba naman saksakan ng kumag itong lalaking 'to! Pinagtitinginan tuloy kaming dalawa ng mga taong narito rin dahil sa ayos namin. I wore my black bodycon dress, na may mahabang slit sa left side ng hita pababa sa kalahati ng binti ko. Tinernohan ko rin ng itim na sandals na may three inches na takong, take note nagmake-up pa ako at napaka-elegante ng pagkakaayos ng buhok ko buwisit! Well, Nico wore his black tuxedo partnered with bla