Akala ko hindi na muling magtatagpo pa ang landas namin ni Nico, ngunit tignan mo nga naman ang pagkakataon. Heto siya ngayon, kulang na lang ay lumitaw ang buong gilagid pati na rin ang wisdom tooth niya nang dahil sa katatawa. Kung bakit ba naman kasi kulang-kulang sa kagamitan itong si Ayesha, kaya pati ang mga niluto ko'y halos hindi kayang tanggapin ng aking sikmura!"Next time, if you want to eat a proper meal just call me. Ipagluluto kita ng kahit na anong putahe na gusto mo." Napairap na lang ako sa sinabing 'yon ni Nico. Akala mo naman talaga kung sinong magaling! Nang tumalikod siya upang tulungan akong mag ligpit, ay muli kong tinignan ang mga niluto ko na walang awa nilang hinusgahan at tinawanan kanina. Mukha namang edible pa ang chorizo pati na rin ang pancake. But when I turned my gazed into the fried chicken that I cooked... Jusme! Anyare?!Kahit ako'y nakaramdam ng stress dahil sa manok na ito. Tirik na tirik naman kasi ang mata. But swear! Niluto ko ng mabuti ang fr
Simula noong pumunta kami sa Park ni Nico, napapadalas na ang paglabas-labas namin at pagkikita. Nakakahalata na nga ako eh, feeling ko talaga may hidden kalandian ang taong ito. Tulad ngayon, magkasama na naman kami. Hindi nga lang sa isang sikat at mamahaling restaurant... kun'di sa Peryahan! Peryahan na halos bilang lang ang tao dahil alas singko pa lang naman. Minsan hindi ko na rin alam kung ano ba itong trip ng taong 'to e. Pinag-dress pa ako, at ako naman itong si tanga ay nag dress nga! Tapos sa Peryahan lang pala ang bagsak naming dalawa, kun'di ba naman saksakan ng kumag itong lalaking 'to! Pinagtitinginan tuloy kaming dalawa ng mga taong narito rin dahil sa ayos namin. I wore my black bodycon dress, na may mahabang slit sa left side ng hita pababa sa kalahati ng binti ko. Tinernohan ko rin ng itim na sandals na may three inches na takong, take note nagmake-up pa ako at napaka-elegante ng pagkakaayos ng buhok ko buwisit! Well, Nico wore his black tuxedo partnered with bla
Kung ang level ng kabang nadarama ko kanina bago kami pumasok sa loob ng mansion nila Nico ay kalahati pa lang. Ngayon, lampas ulo na! Lalo na ng ipakilala niya ako sa mga magulang niya bilang girlfriend niya.Yes! He shamelessly introduced me as his girlfriend, in front of his parent's guesses. But despite this situation and the nervousness that I felt, I still managed to show them my sweetest smile. Kahit na nga ba ngawit na ngawit na ang panga ko sa kakangiti at halos manginig na ang labi ko masabi lang na masaya ako ngayon."You are?" Baliwalang tanong ng ina ni Nico sa akin.Nakataas ang isang kilay niya habang nakatutok ng husto ang mga mata niya sa akin. Napansin ko pa na pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Taray ng magiging biyanan ko huh!"Alinnyta Carmi M. Avilla, Ma'am," sagot ko. Shocks! Bakit ko ba binanggit ng buo ang pangalan ko? Hindi ba't nagpapanggap lang naman akong girlfriend ni Nico?Nang tumingin ako sa gawi ni Nico ay tumingin din siya sa akin.
Para sa iba ay normal na lumilipas ang araw. Mabilis at tila ba hindi na namamalayan ang mabagal na takbo ng oras. Lalo na sa kaibigan kong si Ayesha na halos kakakasal lang kay Janrick. Sinong makapagsasabing sa simbahan din pala ang bagsak nilang dalawa, matapos ang napakaraming kontrobersyal sa pagitan nila at ng media? Masaya, laging nakangiti at higit sa lahat, may dahilan ang araw-araw na paggising niya sa umaga. Ganoon ba talaga kapag nagmamahal at minamahal pabalik? Kabaliktaran naman ang nangyari sa pinsan kong si Zafira. Dahil bokya ang gaga sa pagsintang pururot niya! Ngunit sa kabila ng mga nangyayari, inaasam ko na sana ay maranasan ko rin 'yon...ang mahalin pabalik. Humugot na muna ako ng malalim na buntong hininga bago ngumiti ng pagkatamis-tamis, saka kumatok. Matapos ang ilang buwan na paglalagi ko rito sa Pilipinas ay ngayon lang ulit kami magkikita ni Blue... kung narito man siya. "Lenny?" Nanantiyang tanong ni Nay Hilda bago ako sinuri ng tingin mula ulo hanggan
R-18Read at your own risk!Hindi ko alam kung bakit ko hinalikan si Nico nang mapatitig ako sa kaniya upang sana'y alalayan akong tumayo. Nakainom ako oo, pero hindi ako lasing. Nakakaramdam ako ng hilo at pamimigat ng mata, ngunit nasa tamang 'wisyo pa ako. Alam ko ang ginagawa ko... ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ko hinalikan si Nico. Bumibilis ang kabog ng dibdib ko, nakakaramdam ako ng init sa katawan, lalo na nang muli niya akong halikan. Nanlalamig ang mga palad ko at tila ba may malamyos na musika akong naririnig. Hindi ko alam kung bakit ganito, pero isa lang ang alam ko... hindi ako puwedeng makaramdam ng ganito. Akmang itutulak ko na si Nico ngunit nag bitaw siya ng salita na mas lalong nagpalakas sa kabog ng dibdib ko. "Don't beg me to love you, Lenny. You don't have to beg, mi amor. Dahil alam kong nahulog na ako sa'yo, at ikaw na lang ang hinihintay ko para saluhin ako," he whispered as he kissed my forehead down to my cheek. "And yes my love, I will love
Buo na ang desisyon ko na bumalik sa America, dahil wala naman ng dahilan upang manatili pa ako rito sa Pilipinas. Panatag at makakahinga na rin ako ng maluwag dahil masaya na si Ayesha. Ngunit nang malaman ko ang dahilan ng pag tawag ng pinsan kong si Zafy, ay kaagad na bumyahe ako patungong Mariveles. Hindi ko siya maaaring iwanan sa sitwasyong kinahaharap niya ngayon. Isinantabi ko na rin muna ang sarili kong problema, dahil kailangan ako ng pinsan ko. Ngunit bago ako pumunta sa Rancho Mejia, tinahak ko na muna ang daan patungo sa amin. Ang lagur kung saan sinabi kong hindi na ako muling aapak pa. Pero tignan mo nga naman, heto ako ngayon at malayang tinatanaw ang karatula patungo sa kinalak'han ko.Bienvenida a Rancho AvillaHalos anim na taon na rin pala simula ng tinakasan ko ang lugar na ito. Gaya ng dati, mga naglalakihang puno ng niyog, nagkalat na damong ligaw at sariwang hangin. Iyon ang sasalubong at una mong makikita bago makapasok sa Rancho Avilla. Mula sa ninuno hangga
Habang nagmamaneho patungo sa Rancho Mejia ay hindi ko maiwasang mapapitlag. Lalo na kung tumatalbog gawa ng hindi kagandahang daan. Masakit ang likod at likod ng hita ko gawa ng latigong natamo ko. Kahit na hindi ko iyon tinignan sa pagkakataong ito'y alam kong tulad ng dati, nagdulot na naman ng sugat ang latigong lumatay sa aking balat.Hindi na bago sa akin ang ganoong klase ng parusa. Dahil simula ng bata ako'y iyon na ang kabayaran sa hindi ko pagsunod sa mga magulang ko. Sa t'wing malalaman nila na tumakas ako, na nakipaglaro ako, hindi nakakuha ng mataas na marka at ultimo maliliit na pagkakamali gawa ng kabataan. Lahat ng iyon, latigo ang nagiging kabayaran.I have the worst family, yet I love them. The hard thing was, I try to help them, but still, they can't appreciate me. Instead of being the best, I become the worst version of myself. Sometimes I regret being one of the Avilla. I regret being like this. Smiling when I'm not happy, laughing even if I was crying inside. Be
It was a tiring day for me. Inasikaso ko ang lahat ng papel ni Ayesha, dahil nag resign na siya bilang isang modelo. Inasikaso ko rin ang lahat ng kailangan ni Zafira mula ng tumira siya rito sa condo unit ko. Pakiramdam ko nga ay magkakasakit na ako, but I had to go to the nearest store to buy some food. Dahil wala akong kakainin, poor me! Nasa trabaho si Zafira at ako lang ang narito sa condo. Pinag-iisipan ko rin kung babalik na ako sa U.S o mag re-resign na rin sa iniwan kong trabaho roon? I can open a small agency here for a new start if I want. But, I want to consider what my Dad wanted me to do also. Nang tinanggap niya ako ulit bilang isang Avilla ay nag bitaw siya ng salita, na kailangan kong maghanap ng pakakasalan para sa negosyo namin. Dahil kung hindi, muli niya akong ipagkakasundo sa isa sa anak ng mga business partners niya. Pero sino naman ang papayag na pakasalan ako ng ganoon na lang, at mangyayari iyon sa loob ng isang buwan? Napabuntong hininga na lang ako at ak