Home / Romance / Promesa Rota / CHAPTER 02

Share

CHAPTER 02

Pagkalabas ko sa Airport bigla akong nanlumo. Lalo na nang makita ko ang nagtataasang gusali sa harap ko. Hindi ko naman alam kung ano ang kulturang mayroon dito sa bansang ito. Hindi ko rin alam kung ano ba ang gagawin ko rito, at kung saan ako tutungo.

Napaupo ako sa gilid katabi ang maleta pati na rin ang ibang gamit ko pa. Kung bakit naman kasi dito pa ako pumunta, puwede namang sa Pilipinas na lang din?! "Bobita!" singhal ko sa aking sarili.

Nakita ko rin si Azul na may kausap sa cellphone niya. Alam niya kaya ang mga lugar dito? Puwede naman siguro akong sumama sa kanya? Lumapit ako sa gawi ni Azul at kinalabit siya nang matapos siyang makipag-usap sa kung sino man. 

Nagulat naman siya sa akin ng lumingon siya, bago kumunot ang noo at nagtatakang nagtanong. "Problema mo?" He asked. 

Inihanda ko na ang sarili ko at umiyak sa harap niya. Iyak na tulad ng matagal ko ng kinabisa. Kung paanong itinuro sa akin ng ama ko ang tamang pag-iyak sa harap ng ibang tao. Ngunit sa totoo lang ay natatakot akong harapin ang gulong pinasok ko. Natatakot akong pakibagayan ang lugar na nasa harap ko. At natatakot akong mamuhay mag-isa nang walang tulong at sinasandalang iba. 

Paano na lang kung maubos ang perang mayroon ako? Hindi ako puwedeng magutom at baka mabaliw ako. At lalong anong alam ko sa buhay? I don't know how to cook, tagakain lang ako sa amin!

"I'm scared. I don't know what to do," mahinang usal ko sa pagitan ng luha at paghikbi. Pinag-igihan ko pa ang pag da-drama para tumalab sa kanya.

Kahit na nakakahiya mang humarap sa kanya ng ganito'y pinilit ko pa rin. Dahil 'yon ang dapat. Ang mapaniwala ko sila sa emosyong pinapakita ko sa kanila. Kinapalan ko na rin nga ang mukha ko, kahit na nga ba hindi naman kami magkakilala talaga. 

"Saan ka ba pupunta? May hotel, dorm o unit ka ba dito? Gusto mo ba ihatid kita?" Nag-aalalang tanong niya. Ibig sabihin, effective ang acting ko. "May kamag-anak ka ba rito?"

Ganoon pa man ay natuwa ako dahil hindi man kami lubusang magkakilala, bakas pa rin sa mukha niya ang pag-aalala. Nahimigan ko rin sa boses niya ang kagustuhang tumulong sa kapwa niya. 

Dahil d'yan plus one point siya sa heaven! Dagdag pogi points din siya sa aking amber eyes.

Umiling lang ako sa mga tanong niya bilang tugon. Dahil alin man sa nabanggit ay tanging wala ang sagot ko roon. Pinunasan ko rin ang luha sa mga mata ko bago muling tumingin sa kanya. "Puwede ba akong sumama sa'yo? Wala kasi akong tutuluyan. Wala akong alam dito," mahinang saad ko. Umaasa na sana ay pumayag siya. "Ampunin mo na lang ako. Kawawa naman ako kung iiwan mo lang. Tsaka 'di ka naman na lugi, maganda naman ako eh."

Ngunit muli na namang kumunot ang noo niya at napakamot pa sa batok niya. "Bakit ka pala narito kung wala ka namang ipinunta rito?" 

Napayuko naman ako kasabay ng paghugot ng buntong-hininga. Langya, ang hirap magpaawa kung hindi naman kasi mukhang kaawa-awa.

Pero bakit nga ba? Bakit kasi rito pa sa lugar na wala naman akong alam pinapunta ni Ara? Bakit pa kasi ako nagmatigas sa mga magulang ko? Bakit ko ba sila sinuway? Ito ang unang pagkakataon na sumuway ako sa mahigpit nilang utos, kung kaya't dapat kong panindigan 'to. Dahil kung hindi... I'll be punished.

"Isa lang naman ang gusto ko. Ang mamuhay ng tahimik. Malayo sa idinidikta ng mga magulang ko. I wanted to be free. I wanted to build my life here. Por favor, ayúdame!" Mahabang sagot ko sa kanya. 

Makalipas ang ilang sigundo na wala akong narinig sa kaniya'y, tumalikod na ako at naglakad palayo. Hindi effective ang drama skills ko. Kung ayaw niya... edi dont!

Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo. Naramdaman ko na lang ang kamay na humawak sa braso ko, dahilan upang lumingon ako ulit. 

"Isasama kita sa bahay ko pero sa isang kondisyon." 

Maang na nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Baka kasi manyakis pala siya at puri ko ang hingin niyang kapalit. Pero wala naman akong magagawa dahil ginusto ko 'to, at narito na ako. Kung kaya't tumango na lang ako bago hinintay ang sasabihin niya. 

"Bawal kang magsama ng barkada sa bahay, babae man o lalaki. Kani-kaniyang luto at bili ng pagkain. Salitan tayo sa paglilinis ng bahay. At higit sa lahat ikaw ang maglalaba ng mga damit. Hindi ako marunong maglaba." Iyon lang ang sinabi niya bago tumalikod at naglakad na.

Akala ko ba isang kondisyon lang? Bakit parang ang dami niya yatang sinabi? Mukhang napasubo ako sa lalaking 'yon ah. Sa tingin niya ba marunong akong maglaba? Panty ko nga ay si Ara pa ang naglalaba. Tsaka, paano ako magluluto?

Ah bahala na si Batman!

Tumakbo na ako upang maabutan siya. At nang nasa tabi ko na siya ay kumapit ako kaagad sa braso niya, feeling close agad. Mahirap na baka iwanan niya ako, o kaya naman ay magbago ang isip niya. 

"Gracias amor," kinikilig ang singit na sambit ko.

Mahaba ang biyas niya kaya naman hingal kabayo ako makaagapay lang sa kanya papunta sa parking lot. Naroon daw kasi ang sasakyan niya. 

"Taray!" bulalas ko ng bumungad sa amin ang Blue Lamborghini. "Sayo yan? Ang pogi naman ng car mo."

Manghang-mangha pa ako sa sasakyan pero nilampasan niya lang. Iyong katabi pala ng sasakyan na 'yon ang kanya. Hindi pa naman bulok, pero konting pitik na lang mukhang titirik na.

"This is my car," aniya sabay ngisi. "Regalo sa akin ni Dad noong 18 ako. Sakay na mahal na Seniorita!"

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi naman siguro alam ng hudyong ito na tunay akong Seniorita, right? 

"Sasakay ka o tatanga ka na muna?" Sa asar ko dahil sa tanong niya'y pabalibag kong sinara ang pinto.

ILANG oras din ang binyahe namin hanggang sa makarating kami sa isang bahay. Yes, bahay na nasa isang subdibisyon dito sa America. Mayaman siguro itong si Azul? Dahil hindi naman siya magkakaroon ng bahay dito kung wala lang. O baka naman sa mga magulang niya 'to. 

Sa kaisipang iyon ay wala sa loob na napatingin ako sa kanya. Abala siyang nag-aayos ng gamit niya. Isinasalansan niya isa-isa ang mga aklat na dala niya sa maliit na book shelve. Habang ang mga damit niya naman ay naiwan pa sa maleta. 

"Mag-aaral ka?" wala sa loob na tanong ko sa kanya ng makita ko ang mga librong inaayos niya. Sa dami ng librong dala niya, ewan ko na lang kung hindi pa siya tumalino. 

"Yes," maikling sagot niya naman. 

Ako kaya? Paano ako makapag-aaral dito kung wala naman akong pera? Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ang itatagal ng pocket money na dala ko. Gusto ko rin sana... gusto kong subukang mag-aral sa mga eskwelahan, dahil hindi ko pa 'yon naranasan. Simula ng magkaisip ako, hanggang sa natuto akong magsulat at bumasa, tanging ang Rancho lang namin ang naging paaralan ko. 

May apat na guro ang pumupunta sa bahay araw-araw upang turuan ako. Nag-aaral ako oo, nagtapos nga rin ako ng elementarya hanggang highschool. Ngunit nasa kalahating taon mahigit palang ako sa kolehiyo. At tulad ng dati, sa Rancho pa rin ako nag-aaral. Ni minsan, hindi ko pa naranasan ang pumasok sa tunay na paaralan. 

Istrikto kasi si Daddy. Katwiran niya'y baka kung ano lang ang gawin at matutunan ko sa paaralan, na makikita ko sa ibang mag-aaral. Ayaw niya rin na makipagkaibigan ako sa ibang bata noon. Dahil daw baka pera lang ang habol. Kaya nga si Zafira lang ang kilala kong tao bukod sa pamilya ko, at mga nagsisilbi sa amin sa Rancho. 

Ganoon ka-boring ang buhay ko sa puder ng pamilya ko. Hindi ko kailangang magsalita. Hindi ko kailangang kumilos. Bagkus ay sasang-ayon lang ako sa gusto ng mga magulang ko. Iyon daw kasi ang tama at makabubuti para sa akin. 

Not until I heard them talking. Sa pag-uusap nila'y narinig ko na kailangan kong pakasalan ang isa sa mga business partners ni Papa. At mangyayari iyon pagtungtong ko ng dalawamput tatlong taong gulang. Kaya naman heto, kesehodang mamatay ako sa gutom at masira ang maganda kong kamay kalalaba sa damit namin ni Azul, 'wag lang akong makasal sa taong hindi ko pa naman nakikilala!

"Hoy Alinnyta! Kinakausap kita pero nakatanga ka lang. Ano, may jet lag ka pa ba?" Rinig kong sigaw ni Azul. 

Sa totoo lang wala akong narinig o ideya man lang kung ano ba ang sinabi niya. Ngunit nagpanting talaga ang tenga ko ng dahil sa pagtawag niya ng pangalan ko. Handa na sana akong tanungin siya at singhalan, kung ano ba ang sinasabi niya. Ngunit muli akong napatingin sa mga libro niya. 

"Anong pakiramdam na mag-aral sa loob ng paaralan?" Imbes na tanungin kung ano ba ang sinasabi niya, iyon ang lumabas sa bibig ko. 

Kumunot ang noo niya bago tumitig sa akin. "Seriously? Hindi mo alam? Hindi ka ba nag-aaral?" Kunot noong balik tanong niya naman. "Tao ka ba?"

"'Di ka nga pala na-inform na Diyosa ang kaharap mo at hindi simpleng maganda lang." Ngumiti lang ako sa kanya bago tinalikuran na siya. Wala akong balak makipag kuwentuhan sa kanya, dahil sa totoo lang pagod ako sa b'yahe. 

Akmang papasok na ako sa kuwarto ko ng bigla akong matigilan. Hindi ko nga pala ito bahay. "Where is my room? And can you give me my lunch? I'm hungry."

Bagsak ang pangang natulala sa harap ko si Azul. Ewan kung nagandahan ba sa akin o na-amaze. 

"Hoy ipapaalala ko lang sa'yo, hindi ka Seniorita sa pamamahay ko," maya-maya ay sagot niya saka namaywang. "Simulan mo na kayang magluto para makakain na rin ako."

Seriously? Sigurado ba siya sa sinasabi niya? I don't know how to cook.

"Naalala ko, diet pala ako," sagot ko na lang saka siya mabilis na tinalikuran. 

Pumasok ako sa silid na una kong nakita saka nag lock ng pinto. Kakalimutan ko na muna ang hiya, sa panahon ngayon uso na ang pakapalan ng mukha. Tsaka, sabi niya naman sa akin kanina sa byahe ay puwede akong tumira rito basta 'wag ko lang kalilimutan ang kondisyon niya. 

Pero wala pang isang minuto ay binulabog na ako ng malalakas na katok sa pinto. "Lenny! Lumabas ka nga muna! Please lang tulungan mo na muna akong mag asikaso rito sa kusina, ano ba?!"

Oh boys! Bakit ba mas mabubunganga pa sila kaysa sa mga babae?!

Nagpalit na muna ako ng damit. Pinili ko ang pajama na terno na dahil medyo malamig ang klima rito. Nagsuklay na rin muna ako at nag spray ng moisturizer sa mukha saka naglagay ng collagen mask. Nang sa tingin ko'y medyo fresh na ako ulit ay saka pa lang ako lumabas.

"What the hell?!" bungad sa akin ni Azul. "Gusto ko lang malaman mo na magluluto ka at makikipag face-to-face sa kaldero, tingin mo may maitutulong yang collagen mask sa mukha mo habang nagluluto? Baka mahulog pa yan!"

"Alam mo ikaw napakadaldal mo! Pinakain ka ba ng p**e ng baboy noong bata?!" balik tanong ko naman sa kanya. "Tsaka, inaano ka ba ng collagen mask ko?"

Bumuntong hininga lang siya saka tinuro sa akin ang may kaliitang bagay na ewan kung para saan. "Mag salang ka na ng kanin," aniya.

Kunot naman ang noo ko ng sundan ko ang tinuro niya. " But how?"

"What the!" Naihilamos niya ang palad niya sa kanyang mukha bago ako tinitigan ng masama. "Alam mo kung araw-araw na ganito ang scenario natin sa pamamahay ko mabuti pang umalis ka na lang."

Gosh! Nasa menopausal stage na ba ang lalaking 'to?!

*****

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status