Home / Romance / Promesa Rota / CHAPTER 03

Share

CHAPTER 03

Kusinerang Seniorita...

Labag man sa loob ko'y pumunta ako sa kusina at nakipagtitigan sa kaldero tulad ng sinabi ni Blue.

Binigyan niya ako ng limang pirasong hotdog na nasa plato at sandok na kahoy. Iluto ko raw ang hotdog habang siya ay mag aayos pa ng ibang gamit niya. Ewan ko ba sa kanya, naka-color coding pa kasi ang mga gamit niya, ewan lang kung pati brief niya ay may pattern sa pagtitiklop.

Sinipat kong muli ang hotdog at muli rin akong nayamot. "Where the hell on earth should I get the idea on how to cook this red thingy called fucking hotdog?!" naiinis kong tanong sa aking sarili. Kahit yata abutin ako ng pasko ay hindi ko pa rin alam kung paano iluluto ito.

And to think na halos masiraan na ako ng bait kanina ng pag hiwain ako ni Blue ng sibuyas, baka itong hotdog na ito naman ang maging mitsa ng buhay ko. Ilang galon yata ang iniluha ko makaraos lang sa isang sibuyas kanina. Tapos ngayon, itong hotdog naman ang kailangan kong igapang! Jusmio marimar!

Nang wala talaga akong maisip na ideya kung anong gagawin sa pesteng hotdog ay nag sign of the cross na lang ako. Wala pa kasi akong internet kaya hindi ako makapag YT. Ah basta, bahala na kung ano ang kalalabasan, susundin ko na lang ang sinasabi ng instinct ko.

Kinuha ko ang sibuyas na pinahiwa ni Blue sa akin kanina saka ko inilagay sa casserole. Nilagyan ko yon ng tatlong basong tubig, bay leaf na nakita ko sa tabi, saka paminta.

"Oh god, 'wag naman sanang masira ang tiyan naming dalawa pagkatapos ng sakunang ito!" napapakamot sa ulong dalangin ko.

Nilagyan ko rin ng asin at nang kung anu-ano pang powdered condements ang kaserola saka ko ibinagsak doon ang hotdog. Kailangan niyang maluto ng kusa kung hindi ay malilintikan na talaga ako ng tuluyan.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag alarm ng two minutes. Buti na lang naituro sa akin ni Blue kung paano kalikutin ang kalan kanina bago niya ako iniwan. 

Nang mag alarm na ang cellphone ko makalipas ang dalawang minuto ay binuksan ko na ang kaserola. Tamang may bula-bula lang ang tubig doon at parang matigas pa ang hotdog gawa ng matagal na pagkakalagay sa fridge. Nag adjust pa ako ng isa pang minuto saka ko ulit tinignan. Nang sa tingin ko'y oka'y na ay pinatay ko na ang kalan.

Nag handa na ako ng plato at baso sa mesa. Inihanda ko na rin ang cutlery from smallest to largest saka nanguha ng table napkin. Kahit papaano ay marunong akong mag ayos ng mesa at kung saan ba naka-assign ang puwesto ng mga kutsara, tinidor, at pati na rin kutsilyo. Nakikita ko kasi minsan si Ara kung paano niya ayusin ang mga inihahanda niyang pagkain para sa akin.

Nang sa tingin ko'y maayos naman na, at presentable naman na ang mesa ay nagpunta na ako sa kuwarto ni Blue. "Mahal na Seniorito, luto na po ang pagkain. Kumain ka na kung gusto mo pang mabuhay, pero kung gusto mo nang bumitaw... edi go!"

"I can't believe that you cook almost two hours for a simple dish."

"Puwes maniwala ka na," baliwalang sagot ko saka siya tinalikuran.

Daming satsat, buti nga ipinagluto pa siya!

Pag dating sa kusina ay kaagad na naupo si Blue at pumwesto na. Ni hindi na nga ako naalala pa at tamang ready na siya sa chibugan. Pero nang mapansin niyang wala pang nakahaing pagkain ay muli siyang tumingin sa akin.

"Maghain ka na," aniya sa hindi naman mayabang na tono pero nakakairita.

Tumayo ako at kumuha ng niluto kong hotdog. Wala namang gagawa niyon kun'di ako pa rin. Baka kasi dumanak pa ang dugo kapag nakipagmatigasan pa ako sa kanya sa pagkuha lang ng pagkain. Dalawang piraso lang muna ng hotdog ang kinuha ko saka ko nilagyan ng sabaw para hindi nakakaumay, bago sinerve sa harap niya. 

"Ito na po mahal na hari!" sarkastiko kong sabi.

"Salamat--" Natigilan siya at nanlalaki ang mga matang tinuro ang inihanda kong pagkain na nasa mesa. "What the F! Ano yan?!"

"Hotdog," baliwalang sagot ko.

"I know that's a fucking hotdog pero bakit ganyan? Why did you put sabaw on it?" sunud-sunod niyang tanong na para bang karumal dumal na krimen ang nagawa ko. 

"Sabi mo iluto ko, right? Edi niluto ko! And duhh... anong luto ba ang dapat para sa lintek na hotdog na yan?!" Nakakairita. Hindi na lang magpasalamat dahil may makakain na siya kahit hindi naman siya ang nagpakahirap sa pagluluto. Subukan niya talagang mag-inarte, babatukan ko siya sa noo!

"You can simply fry that hotdog, not sinabawang hotdog!" singhal niya naman sa akin.

"And you can simply get the hotdog from that sabaw kung ayaw mo ng soup, gosh!" Inirapan ko siya sa sobrang inis ko sa kanya. 

"You know what, ikaw na lang ang kumain niyang niluto mo." Tumayo siya at may kinuha sa loob ng drawer saka muling umupo sa katapat kong upuan. "Magdedelata na lang ako. Bahala ka na sa buhay mo, pag nalason ka d'yan sa niluto mo ipagdarasal na lang kita tuwing fiestang patay." 

"Alam mo yang ugali mo parang attitude!" Sa inis ko'y pinagtutusok ko ang hotdog saka nilagay sa plato niya. "Magpasalamat ka naman dahil pinagsilbihan kita. Ngayon lang ako naging kusinerang seniorita pero ganyan pa ang asta mo. Kainin mo yan kung ayaw mong tuhugin kita at gawing Letchon de Blue ngayon!"  

Mukhang kinabahan naman siya dahil natulala siya ng slight sa akin. Siguro'y nakikita niya rin ang invisible na apoy sa ilong at tenga ko kaya naman wala na siyang nagawa kun'di ang sumunod sa akin.

Kinuha niya ang isang hotdog saka iyon tinusok-tusok without care nga lang. Sa bawat pag subo niya ay napapailing siya. Dama ko 'yong pagpipigil niyang iluwa ang pagkain pero hindi niya magawa dahil pinanlilisikan ko talaga siya ng tingin.

Nang maubos niya ang isang hotdog ay kaagad siyang kumuha ng isang basong tubig at inubos iyon. 

"Those hotdogs taste sweet, instead of salt, you put sugar on it." Walang ganang nakatingin siya sa akin habang nag le-lecture about sa sinabawang hotdog. "Hindi pa rin luto. Matigas pa ang gitna, and you put a lot of bay leaf and pepper. Sana nilason mo na lang ako baka naatim ko pa."

Bagsak ang pangang napasunod na lang ako ng tingin sa kanya ng tila seryoso siyang tumalikod at umalis ng kusina. Hindi naman siguro siya mamamatay kaagad nang dahil lang sa sinabawang hotdog, right? And one more thing, I make sure na niluto ko 'yon ng three minutes. Halos makabuo na nga ako ng pangarap kahihintay kanina kung okay na ba or hindi pa.

Sa sobrang sama ng loob ko'y kinuha ko ang tatlo pang natira na hotdog sa kaserola at kaagad na kinagat ang isa. Pero nang kumalat sa bibig ko ang lasa niyon ay kaagad ko ring niluwa.

"What the hell?! Bakit ganito kasama ang lasa?" nagtatakang tanong ko sa aking sarili saka tinitigang mabuti ang hotdog.

Mukha naman siyang luto na at masarap, pero pag tinikman na'y daig ko pa nga ang unti-unting nilalason na ewan. 

"Gosh! I have to learn how to cook! Kailangan kong maging bihasa sa pagluluto hindi lang para sa sarili kong sikmura kun'di para na rin sa sikmura ng ma-attitude na si Blue!" giit ko pa.

And when that happens, I swear to all the goddesses in the world that I'll be the best! Who you sa akin si Blue, kahit na anong hiling niya'y hindi ko siya ipagluluto, puwera na lang kung pipilitin niya ako at lalambingin. Tho, I doubt about that! Forget about that lambingin part dahil hindi naman mangyayari 'yon.

"Yang Azul pa na yan! Super choosy, kala mo sobrang yummy! Ang lapad-lapad naman ng noo, hmp!" nagpupuyos ang kaloobang sambit ko kahit na sa ibang parte ng isip ko'y alam kong hindi totoo ang mga pinagsasabi ko. Kasi nga, guwapo talaga si Blue. A drop-dead-gorgeous who can easily make girls go crazy!

*****

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status