[FLASHBACK]
"This is it, malaya na ako!" Halos kiligin ako sa tuwa dahil sa siksik, liglig at nag-uumapaw na kasiyahang nadarama ko.
Sa loob ng dalawampung taon na inilagi ko sa mundong ito, ngayon lang ako nakalaya sa puder ng mga magulang ko. Ngunit kapalit niyon ay ang pagtalikod sa buhay na kinagisnan ko.
Ang mga magulang ko kasi ay nabubuhay pa rin sa taong uso pa si Rizal. Naniniwala pa rin sila sa salitang 'pinagkasundo' pero hindi tinadhana, at seyempre, 'yon din ang plano nilang gawin sa akin. Ang ikasal sa kung sino mang hampaslupang tinamaan ng magaling. Pero nang aksidente kong marinig ang plano nilang 'yon, kesehodang magdeklara ako ng ika-apat na pandaigdigang gera 'wag lang talagang matuloy!
Ayaw ko kayang maikasal sa kung sino mang uhuging katchupoy na napili nila! Isa pa, maaga pa para ikasal ako at maging dakilang maybahay lang. Marami pa akong pangarap. Isa na lang doon ay ang makapunta sa mall, ultimate dream ko talaga 'yon. Pangalawa ay ang makapanood ng concert, at pangatlo naman ay ang makapagbake ng cookies. Sa t.v ko lang kasi na e-experience ang mga ganoong bagay.
Sa hacienda kasi namin ay ako ang Seniorita. Kumbaga sa mga palasyo, ako ang prinsesa, at bida naman sa paboritong teleserye ni Ara. Pero tulad ng ibon, daig ko pa ang nakakulong sa isang malawak na hawla. Ni hindi nga ako pinapayagan ni Papa na lumabas ng Hacienda Avilla.
May lahi kasing Español ang Mama ko at purong Pilipino naman ang Papa ko. Tubong mayayaman ang angkan na pinagmulan nila, kung kaya't ang salitang 'pinagkasundo' ay nag e-exist pa rin sa dictionary nila. Sa madaling salita, panahon pa ng kopong-kopong ang pinaniniwalaan nila hanggang ngayon. Lagi rin nilang sinasabi na para raw sa kapakanan ko ang ginagawa nilang paghihigpit sa akin. Sa sobrang higpit nga'y ni hindi pa ako nakapunta sa palengke.
And just like my cousin Zafira na itinakdang ipagkasundo ng mga magulang niya sa lalaking hindi niya kilala, malamang ako rin ay ganoon ang magiging eksena. Kaya naman bago pa mangyari 'yon, nilayasan ko na sila. Bahala na ang lahat ng santo at engkanto kung saan nila ako balak idistino. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay makalayo sa lugar kung saan ako inugat!
Ayaw ko ngang magpakasal sa kung sino mang lalaki na napili raw nila para sa akin. Baka mamaya mayaman nga at edukado, pero may powers naman ang kilikili. O kaya naman ay guwapo nga at mabango, pero amoy alipunga naman ang hininga. Kumusta naman ang beauty ko no'n pag nagkataon?!
And I, Alinnyta Carmi Avilla twenty years old, pambansang diwata ng Pilipinas; maganda; matalino at maalindog ay nanunumpang hinding-hindi na muling aapak pa sa lugar kung saan ako nagmula! Just like my father told me.
"Sige, gawin mo ang gusto mong gawin! Suwayin mo kami. Ngunit tandaan mo Alinnyta, kapag lumabas ka sa pinto ng pamamahay na 'to. Hinding-hindi ka na muling makakapasok pa!" Kung hindi ako nagkakamali ay 'yon ang eksaktong sinabi ni Papa.
Ngunit dahil 'sing tigas ng semento ang bungo ko, aba'y lumabas talaga ako! Katwiran ko'y marami namang bintana ang bahay sa Rancho. Doon na lang ako papasok sakali mang ikandado nila ang pinto.
Ngayo'y heto, dala ang maleta, pasaporte at iba pang mahahalagang dokumento na mayroon ako'y dumiretso ako rito sa Airport. Ewan ko ba kung bakit dito ako dinala ng mapa ni Ara. Marami namang karatig bayan sa lugar namin pero sabi sa hula ay dapat daw akong lumabas ng bansa.
Bahala na kung saan aabot ang laman ng piggy bank ko!
Sa kaisipang 'yon, wala sa loob na
napatingin pa ako sa piggy bank ko, na halos sing-laki ng kalahating balde. Mahilig akong mag ipon, at mula sa mga nakukupit kong pera sa bulsa ng pantalon ni Papa ang inihuhulog ko sa alkansya kong ito. Hindi naman kasi ako pinalalabas ng bahay at wala akong pagkakagastusan kaya paano ako makakaipon kung hindi ako kukupit sa pantlon ni Papa? Tsaka five hundred lang naman sa isang linggo, maliit na halaga kumbaga sa pinapamudmod nilang pera sa mga tao sa Hacienda.Ganito pala ang Airport. Maraming pasikot-sikot at marami ring tao. Hindi ko tuloy alam kung saan ba ako pupunta. Basta na lang akong nakisabay sa daloy nila kung saan sila pumapasok at pumipila.
Ngunit dahil sa pagmamadali ko at pagkamangha sa aking mga nakikita ay hindi ko inaasahang mapapatid ako sa sarili kong paa. Kapag tinamaan ka nga naman talaga ng kamalasan! Hindi ako nakaiwas, kaya naman heto at daig ko pa ang palakang lumagapak sa lapag!
"Walang nakakita" giit ko sa aking sarili kahit alam ko namang mayroon dahil muntik ko ng mahalikan ang Nike Air Jordan na sapatos ng kung sino man.
Dahan-dahan akong tumayo, bago tinignan kung sino ang may-ari ng pares ng sapatos na muntik ko ng mahalikan gawa ng pagkakadapa. Nahihiya pa akong tumingin sa kanya dahil sa katangahan ko. Ngunit ng masilayan ko ang mukha niya'y daig ko pa ang nakakita ng anghel na bumaba sa lupa. Jusmio marimar por dios por santo, ka-guwapo e!
Kasing kulay ng asul na dagat ang mga mata niya. Malalantik ang pilik na mas mahaba pa kaysa sa pilik mata kong ginupit ni Ara para raw tumikwas. Matangos din ang ilong na parang padulasan. At higit sa lahat, kissable lips.
Ganoon pa man, nakaramdam pa rin ako ng inis. Bakas kasi sa mukha niya ang pagpipigil na matawa. Kaya bago niya pa ako tuluyang pagtawanan, sininghalan ko na siya.
"Hindi mo man lang ako sinalo! Guwapo ka nga pero anong silbi mo?!" Mataray kong singhal sa kanya. Ang kaninang pagpipigil na tawa na mababakas sa kanyang mukha ay napalitan ng bahagyang pagkairita.
Kumunot pa ang kilay niya, bago tumikhim at tumitig sa akin. "Wow, naman! Kasalan ko pa palang lampa ka kaya ka nadapa? Sana isinigaw mong madadapa ka para nasalo kita," sarkastikong sagot niya naman. Aba ang kapal ng mukha! Akala mo naman kung sinong guwapo. Sabagay guwapo naman siya talaga.
Pinulot ko ang mga papel kong nahulog, at walang pakialam na sinilid sa bag ko. Ngunit ng makita ko si porky daig ko pa ang gumuho ang mundo.
"Porky! Diyos ko, bakit mo naman ako iniwan sa ganitong paraan?!" Ano ba naman ito. Ang kaawa-awa kong alkansya ay nabitak na ng tuluyan.
Nagmadali akong pulutin ang nagsabog na barya, pati na rin ang ibang papel na pera. Hindi ko na inisip ang kahihiyan. At nawala na rin ang inis ko sa lalaking ngayon ay tinutulungan akong pulutin ang laman-loob ni porky.
"Here," aniya. Inabot niya sa akin ang huling sentemo na pinulot niya. Kinuha ko naman 'yon bago tumingin sa kanya.
Inilahad ko pa ang kamay ko upang magpakilala, at magpasalamat na rin. "Lenny nga pala. Pinakamagandang diwata sa balat ng earth. Muchas gracias," baliwalang saad ko.
Pero ang hudas na lalaki ay tinawanan lang ako. Kulang na nga lang ay lumabas ang wisdom tooth niya dahil sa katatawa. Pinanood ko lang naman siya hanggang sa matapos siya. Baka kasi huling tawa niya na ngayon, ang sama ko naman kung pipigilan ko pa.
Umabot din siguro ng isang minuto ang tinagal ng tawa niya. Pagkatapos niyon ay inilahad niya ang kamay niya at nagpakilala rin. "Azul, pinakaguwapo at macho sa aming magkakaibigan." Ang kilay kong dati ng mataas ay mas lalo pang tumaas, ng dahil sa sinabi niya.
Guwapo siya oo, pero kung ikukumpara sa iba... aba anong malay ko sa itsura ng mga kaibigan niya?!
"Bakit? Ilan ba ang kaibigan mo?" Taas kilay kong tanong sa kanya.
"Isa," baliwala pa ring sagot niya na ikinatawa ko rin ng sobra.
Sa sagot niyang 'yon, isa lang ang masasabi ko. Kumpirmadong makapal nga ang mukha niya! Sing kapal ng kilay niya! Ngunit ganoon na lang din ang gulat ko ng walang anu-ano ay nilampasan niya ako na parang walang nangyari. Parang hindi lumigaya ng ilang minuto ang buhay niya ng makaharap niya ako ah!
Hindi man sinasadya ay napasunod ako sa kanya. Dahil tulad niya, iisa lang naman ang papasukan namin.
Ipinakita ko ang pasaporte at ticket na hinihingi sa akin. At nang matapos ay umupo lang ako sa mga nakahilerang upuan, kung saan nakaupo ang iba pang naghihintay.
Nang marinig ko na ang flight details ko ay kaagad akong tumayo at pumasok na paloob sa eroplano. Nag sign of the cross pa ako, dahil hindi ko naman alam kung ano ang naghihintay sa akin sa America. And yes, sa America ang destinasyon ko. Wala naman ito sa plano ko, pero ano pang magagawa ko kung narito na ako, at iyon ang lumabas sa hula?
"Seat #55 B," bulong ko sa aking sarili.
First-time kong sumakay sa eroplano kaya naman nagmistula akong ogag kahahanap sa seat #55 keme na yan! At kung nagtataka kayo kung saan nanggaling ang pinambili ko ng ticket at pocket money na rin. Puwes! Binenta ko lang naman ang pinakamamahal kong kabayo na si Rodolf. Regalo sa akin ni Daddy 'yon noong 18'th birthday ko. Wala silang alam na ibinenta ko 'yon upang gamitin sa binabalak kong pag-aalsabalutan. Well, kapag nakaipon na ako'y muli ko naman siyang bibilhin sa kalapit naming Rancho. Iyon ay kung makabalik pa ako sa Pilipinas ng buhay.
"Lenny, nakaharang ka sa daan!"
Tumingin ako sa likuran ko at handa nang humingi nang paumanhin. Ngunit ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino siya.
"Azul! Uy long time no see ah. Akalain mong kakakilala lang natin kanina, ngayon narito ka na! Sinusundan mo ako ano?!" Pang-aasar ko sa kanya.
Ngunit ang totoo, gusto ko lang siyang kaibiganin para magpatulong sa kanya na hanapin ang upuan ko. Mukha kasing sanay na siyang sumakay sa eroplano. Ilang taon na kaya siya? Ka-edad ko kaya?
"Ano ako, bangaw na sumusunod sa tae? Oh please, ang guwapong bangaw ko naman-"
"'Wag ka ngang assuming!" agap ko sa kanya sabay irap. "GGSS ka masyado, eh ang lapad-lapad naman ng noo mo!" Tinalikuran ko na siya dahil baka hindi ko siya matantsa at baka sikmuraan ko siya likod.
Pinilit ko na lang hanapin ang seat number ko kahit na halos maduling ako. Sa huli, hindi ko pa rin nakita letse!
Muli akong bumalik kay Azul na nasa kabilang row na. Kinalabit ko pa ang likod niya, at nang lumingon siya'y nginitian ko ng pagkatamis-tamis. Wala eh, matindi ang pangangailangan ko sa ngayon.
Isa pa, sinong tatanggi sa ngiti ko? Best asset ko 'yon sabi ni Mama dahil na-master ko na raw ang tamang pag ngiti, kaya naman naniniwala ako. Pero ang sesteng Azul ay dinedma ang pangmalakasan kong ngiti! Kaya imbes na kalabitin siya ulit, binatukan ko na lang. Para mayanig naman ang buong pagkatao niya, isama na rin pati kaluluwa!
"Ano bang problema mo?" Yamot na tanong niya sa akin bago umupo sa upuang para sa kanya. Naiinis man at may kaunting hiya pa akong nararamdaman, isinantabi ko na lang.
Inabot ko sa kanya ang flight details ko, bago napakamot sa ulo. "Ano kasi...pakihanap naman ang upuan ko," halos bulong ko. Kinuha niya naman 'yon bago kumunot ang noo. Tumingin pa siya sa akin saka ngumiti.
"Dito ka. Katabi tayo," ngingisi-ngising sagot niya. Hindi pa ako naniwala agad. Pero dahil wala akong masyadong alam dito, tumabi na nga ako sa kanya.
Tumingin pa ako sa kanya at magpapasalamat sana, ngunit nakatingin din siya sa akin. Mamula-mula ang mukha, at parang natatawa na hindi ko alam. Anong problema niya? Natatae ba siya?
"Bakit?" maang na tanong ko sa kanya. "Para kang namaligno."
"May pa Lenny Lenny ka pa kasing nalalaman. Alinnyta naman pala ang pangalan mo. Napaka bantot-"
Kaagad kong tinakpan ang bibig niya. "Sige! Ituloy mo ng dukutin ko ang ngala-ngala mo, kasama na rin ang bituka! At puwede ba, 'wag mo ng ulit-ulitin dahil higit na alam ko ang pangalan ko kaysa sa'yo!" Pagpuputol ko sa sasabihin niya habang nakatakip ang isang palad ko sa bibig niya.
Kung bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng pangalan sa mundo, Alinnyta Carmi pa ang napili ng mga magulang ko?! Well, my name came from my parents name. Ang Alinnyta ay hango sa pangalan ng Papa ko na Alinito. At ang Carmi naman ay mula sa pangalan ni Mama na Carmelita.
I give myself a nick name which is Lenny, para katanggap-tanggap naman kahit papaano. Ngunit ang walanghiyang Azul na 'to, talagang pinangalandakan pa talaga kung gaano kabantot ang pangalan ko!
"Walang basagan ng trip! Ikaw nga hindi ko kinuwestiyon ang pangalan mo, kaya manahimik ka riyan!" malakas ko pang singhal sa kanya saka tinanggal ang pagkakatakip sa bibig niya.
Mahaba ang b'yahe, at sa buong b'yaheng iyon ay tumahimik nga talaga si Azul. Mas mainam siguro kung Blue na lang ang itawag ko sa kanya. Oo tama, Blue na lang tutal blue eyes siya.
Makalipas ang halos dalawang minuto ay saka pa lang ako bumaling sa kanya at kakausapin sana. But he was peacefully sleeping. Sa tabi ng bintana ng eroplano ang upuan niya, kung kaya't nakasandal ang ulo niya sa bintana.
At dahil usisera akong sadya, dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Hindi dahil gusto kong titigan siya o ano man, kun'di dahil gusto kong sumilip sa bintana. Gusto kong makita ang labas. Kung may mga eroplano rin ba kaming kasabay at kung may traffic din ba sa himpapawid. Wala na nga akong pakialam kahit na magising siya basta makalapit lang. At ng halos mahalikan ko na ang mukha niya kadudungaw...lintek! Pakpak lang pala ng eroplano ang makikita ko!
"Scam!" napalakas kong sabi. "Akala ko ba maganda rito sa himpapawid?!"
"Alinnyta ano ba?! Umayos ka nga ng upo mo. Balak mo pa yata akong halikan!" Kunot noong singhal sa akin ni Blue ng magising dahil sa kagagahan ko.
Pinandilatan ko siya ng mata. "Kilabutan ka nga. Baka mamaya may virus ka, mahawa pa ako sakaling halikan kita!" Bumalik ako sa puwesto ko at pinilit din na matulog. Sa kapipilit ko, tuluyan na nga akong nakatulog at sa buong b'yahe pa.
Naramdaman ko na lang ang mahinang tapik sa pisngi ko na siyang dahilan kaya ako nagising. At ng dahan-dahan kong imulat ang mata ko'y, ang guwapong mukha ni Blue ang bumungad sa akin.
"Nasa langit pa ba ako?" Wala sa loob na tanong ko. Ngumisi naman siya sa akin bago itinuro ang mga pasaherong naghahanda na.
"Wala ka na sa langit. Bumagsak ka na sa lupa! At believe rin naman ako sa'yo, desi-otso oras ang b'yahe pero tinulugan mo lang. Pambihira, 'wag kang didighay baka makapatay ka ng wala sa oras," sunud-sunod niyang sambit.
Sa dinami-rami ng sinabi niya, ni isa wala akong naintindihan. Dahil bukod sa antok pa ako, hindi pa yata sumasanib ang diwa ko sa katawang lupa ko. Ngunit sabi niya nasa lupa na kami. Ibig sabihin...
"Ladies and gentlemen, we welcome you to the United State of America. The local time is five thirty in the afternoon. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisle clear until we are parked at the gate. Thank you."
Dahil sa anunsiyong 'yon ay tuluyan na ngang nagising ang diwa ko at ang unti-unting pag ahon ng kaba sa dibdib ko.
*****
Pagkalabas ko sa Airport bigla akong nanlumo. Lalo na nang makita ko ang nagtataasang gusali sa harap ko. Hindi ko naman alam kung ano ang kulturang mayroon dito sa bansang ito. Hindi ko rin alam kung ano ba ang gagawin ko rito, at kung saan ako tutungo.Napaupo ako sa gilid katabi ang maleta pati na rin ang ibang gamit ko pa. Kung bakit naman kasi dito pa ako pumunta, puwede namang sa Pilipinas na lang din?! "Bobita!" singhal ko sa aking sarili.Nakita ko rin si Azul na may kausap sa cellphone niya. Alam niya kaya ang mga lugar dito? Puwede naman siguro akong sumama sa kanya? Lumapit ako sa gawi ni Azul at kinalabit siya nang matapos siyang makipag-usap sa kung sino man. Nagulat naman siya sa akin ng lumingon siya, bago kumunot ang noo at nagtatakang nagtanong. "Problema mo?" He asked. Inihanda ko na ang sarili ko at umiyak sa harap niya. Iyak na tulad ng matagal ko ng kinabisa. Kung paanong itinuro sa akin ng ama ko ang tamang pag-iyak sa harap ng ibang tao. Ngunit sa totoo lang a
Kusinerang Seniorita... Labag man sa loob ko'y pumunta ako sa kusina at nakipagtitigan sa kaldero tulad ng sinabi ni Blue. Binigyan niya ako ng limang pirasong hotdog na nasa plato at sandok na kahoy. Iluto ko raw ang hotdog habang siya ay mag aayos pa ng ibang gamit niya. Ewan ko ba sa kanya, naka-color coding pa kasi ang mga gamit niya, ewan lang kung pati brief niya ay may pattern sa pagtitiklop. Sinipat kong muli ang hotdog at muli rin akong nayamot. "Where the hell on earth should I get the idea on how to cook this red thingy called fucking hotdog?!" naiinis kong tanong sa aking sarili. Kahit yata abutin ako ng pasko ay hindi ko pa rin alam kung paano iluluto ito. And to think na halos masiraan na ako ng bait kanina ng pag hiwain ako ni Blue ng sibuyas, baka itong hotdog na ito naman ang maging mitsa ng buhay ko. Ilang galon yata ang iniluha ko makaraos lang sa isang sibuyas kanina. Tapos ngayon, itong hotdog naman ang kailangan kong igapang! Jusmio marimar! Nang wala talaga
Tatlong buwan...Sa bilis ng araw, halos hindi ko na namalayan na unti-unti na pala akong inuugat dito sa America. Sinong makapagsasabi na matitiis ako ni Blue sa loob ng tatlong buwang magkasama kami sa iisang bubong? Sino pa nga ba, seyempre si author lang!Kahit na halos isumpa namin ang isa't isa ni Blue at magsakalan ng leeg araw-araw ay hindi pa rin kami naghihiwalay. Noong nag away kami ng limang oras dahil sa nasunog kong uniform niya, hindi niya rin ako natiis. Siya rin ang unang nakipag bati dahil kung hindi au susunugin ko rin ang terno ng uniform niya.Sa loob ng tatlong buwan, nakatatlong trabaho na rin ako. Palipat-lipat dahil lagi akong palpak. Noong unang apply ko ay isa akong crew member sa Mc Donalds. Okay naman sana, pero makalipas ang tatling araw ay tinanggal ako dahil muntik ko ng masunog ang buong fast food na pinapasukan ko. Di ko naman sinasadya at aksidente lang ang lahag.Sa ikalawang trabaho ko naman ay di rin ako nagtagal. Assistant keme raw kasi ako sa is
Crush kita..."Wala ka bang balak umuwi sa Pilipinas?" tanong sa akin ni Blue.Narito kami ngayon sa Golden Gate Bridge. Sa tinagal-tagal na namin dito sa U.S, ngayon lang kami nagkaroon ng oras upang mag gala. Abala kasi si Blue sa pag-aaral niya. Habang ako naman ay abala sa trabaho at pag-aaral na rin. Mahalaga sa akin ang bawat oras dahil malingat lang ako sandali, maaaring mawala ang trabahong pinaghirapan kong igapang, at pati na rin ang pag-aaral na pinangarap ko.Gusto ko kasing magkaroon din ng sarili kong diploma. Para naman kapag may nang api sa akin ay puwede ko silang sampalin ng Summa Cum laude kong diploma.Tinignan ko si Blue saka inirapan. "Wala," maikling sagot ko sa kanya.Wala naman kasi talaga akong balak na umuwi. Hindi ko nga alam kung may uuwian pa ba ako. Wala na rin akong balita sa pamilya ko. Hanggat maaari ay hindi namin napag-uusapan ni Zafy ang tungkol sa Hacienda Avilla kapag nagtetelebabad kaming dalawa."Last semester ko na. After that, I will go home,
He's leaving...It's been a year and Blue graduated already. Sa bilis ng panahon ni hindi ko na namalayang ngayon na nga pala ang alis niya. Dumating na nga ang araw na kinatatakutan ko. Ang araw kung kailan uuwi na si Blue sa Pinas. Sa nakalipas na buwan ay hindi namin napagtutuunan ng pansin ang isa't isa dahil abala ako sa trabaho at pag-aaral sa gabi. Siya, ewan ko ba... hindi ko alam kung ano at sino ang pinagkabalahan niya. Simula rin noong inamin ko sa kanya na crush ko siya ay naging mailap na siya sa akin. Ayaw niya na akong paglabahin ng mga damit niya. Sa tuwing ipinagluluto ko naman siya ay palagi niyang sinasabi na busog siya. Edi bahala siya sa buhay niya! Feeling niya naman hahabulin ko siya, eh ang pangit nga naman! Hmp!Pero ngayong narito kami sa Airport, para akong tanga na umiiyak sa harap niya. "Lenny stop crying! Uuwi lang ako sa Pilipinas at hindi mamamatay. Pinagtitinginan na tayo ng ibang narito, nakakahiya! Baka isipin nila ginawan kita ng masama," singhal
Akala ko hindi na darating ang araw na ito. Ang araw na kailangan kong umuwi sa Pilipinas hindi dahil gusto ko, kun'di dahil kailangan. Habang tumatagal kasi ang paglalagi ni Ayesha roon, lalo lang lumalala ang sitwasyon. Kaya naman heto, napilitan akong lumipad patungo sa lugar na akala ko'y hindi ko na muling aapakan pa.'Ninoy Aquino International Airport.' Napabuntong hininga na lang ako ng makita ko ang signage na iyon. Ilang taon na nga ba ulit simula ng huli akong umapak dito? Isa? Dalawa? Parang sa sobrang tagal na, hindi ko na alam kung ilan ang eksaktong bilang.Nang makalapag ang eroplanong sinasakyan ko'y nag madali akong lumabas. Hindi dahil sa nasasabik akong tumapak muli sa aking lupang sinilangan, kun'di dahil pinupog na ako ng chat ni Zafira. Bago pa ako umuwi ay tumawag na ako sa kanya na kung maaari ay sunduin niya ako, tutal nasa Manila naman siya. Pumayag naman ang bruha na tila ba mas excited pa kaysa sa akin. "Nasaan na ba ang exit?" yamot kong tanong sa aking
[NICO'S POV]Hindi naman mapakali si Nico kung ano ba ang gagawin niya sa babaeng ngayon ay daig pang patay na nakabulagta sa kama niya. Ilang beses na rin siyang nag paruo't parito hanggang sa nilapitan niya na ang dalaga at mariing tinitigan. "Your face seems familiar," mahina kong sabi sa natutulog na babae. Para bang nakita ko na siya ngunit hindi ko alam kung saan at kailan. Matangos ang ilong, manipis ang mapula niyang labi, at malalantik ang pilik. "Puwede na," giit ko pa. Mukha naman siyang high-class kumpara sa ibang babae sa loob ng Club-V. Akala niya yata ay maloloko niya ako. Wala na bang ibang trabaho na puwede niyang pasukan maliban sa bahay aliwan?I went to the balcony while holding a glass of wine, isa na namang nakakapagod na araw ang natapos. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang mga sinabi ng ama ko tungkol sa kasal na pinagkasunduan nila ng kumpare niya. Wala pa sa isip ko ang magpakasal goddammit! At mas lalong ayaw kong magpakasal sa babaeng ni hindi ko pa nak
Ngayon ang araw ng interview ni Ayesha ngunit hindi niya alam na kasama si Janrick. Well, I think Janrick loves her seriously. Kaya nga nagpa-schedule ng interview ang hudyo. Buti pa ang bruha may forever na. Samantalang ako, umamin lang sa crush ko'y lumigwak pa! Aba Lord anak mo rin naman ako! Ilang minuto pa ang matuling lumipas hanggang sa may nag text sa akin mula sa hindi nakarehistrong numero. [The car is ready... black BMW. Bumaba na kayo.]Iyon ang sabi, kung kaya't niyaya ko na pababa si, Ayesha. Pagkatapos ng show na ito, mag babakasyon na talaga ako! Aba kailangan ko rin naman ibalandra ang kagandahan ko! Paano ba ako makakabingwit ng fafa kung stress na stress ang katawang lupa ko? Nang makarating sa baba, bigla namang huminto ang itim na BMW. Ito ba ang sasakyan namin? Ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng lumabas ang lalaki na siyang magmamaneho no'n. Shoot! Bakit narito ang baby ko? "Nico?" Nagtatakang tanong ni Ayesha. So, Nico pala ang pangalan niya. "At your s
Promesa Rota has ended. Salamat po sa oras na ibinigay nyo upang basahin ang kuwento ni Lenny. Sa totoo lang, hindi talaga kasama si Lenny sa The Neighborhood Series. And yes, Series po talaga ang story ng mga Macho Gwapitos na una kong isinulat sa W*****d. It was originally The Neighborhood Series, at ang story ni Lenny ay pasilip lang mula sa “Forget Me Not” na story ni Pauline at Blue, at “Te Quiero” na story naman ni Nico at Ely. Hindi ako sure kung mailalagay ko ba ang kuwento dito ni Nico dahil plano ko po sana ‘yon na ipasalibro.Muli, maraming salamat po sa inyong lahat na sumuporta at nagbasa. Sana ay suportahan at basahin nyo rin ang iba ko pang mga s. Salamat po heart heart.SNEAK PEEK of TE QUIERO:"I, Eliana Lopez promised to love and cherish you, from the beginning till end; for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. And I... set you free." ~Ely~ " ***Eliana 'Ely' Lopez woke up feel
It was my last day here in Linden Hall as a Business Management student. After this boring ceremony, I will stay for almost two weeks before I go back to the Philippines. Kahit papaano ay marami naman akong natutunan na puwede kong dalhin at gamitin sa pagpapatakbo ng business namin. Sa loob ng halos tatlong taon na pananatili ko rito sa U.S wala naman akong ibang inatupag kun'di ang mag aral, kumain at matulog. Wala rin akong masyadong kaibigan dito na matatawag kong sanggang dikit tulad ng mga naging kaibigan ko sa Pilipinas noon. Ganoon pa man, may matatawag pa rin naman akong tropa and that was Azul Dela Vega. Pinoy rin kaya naman kaagad kaming nagkasundo. Nauna nga lang siyang nagtapos kaysa sa akin, kaya nauna na rin siyang bumalik sa Pinas."One cappuccino for Mr. Niccolo!" dinig kong sigaw ng kahera kaya naman kaagad akong tumayo at lumapit sa cashier. I just bought a cup of coffee to take-out and then plan to go back to my unit. Wala naman akong ibang gagawin kun'di ang ma
[Trigger Warning]My chest hurts so bad! Halos liparin ko na ang pinto palabas ng library room kung saan ko siya iniwan. Hindi ko kayang tignan ang malungkot niyang mga mata. Ang pag luha niya. Ang sakit na bumabalatay sa mukha niya habang binabanggit ang pangalan ni Zara. Pangalan ng panganay niyang anak na kinuha sa kanila... pangalan ko."Fuck! Not now, please!" Dali-dali ko nang tinakbo ang pagitan mula sa sala hanggang sa pinto ng hacienda Mejia."Seniorita!" tawag sa akin ni Ara pero hindi ko na siya nilingon pa.Kaagad akong sumakay sa aking sasakyan at nag maniobra paalis. Hindi ko na alam. Iba ang aking pakiramdam. Para akong nakalutang sa kawalan at naglalakbay ang diwa sa nakaraan."Oh God... not now!" My voice is shaking and I can feel that my body is trembling. As I looked at my hands on the steering wheel, it was shaking too. I have to calm down... I need to. But I can't, fuck!I drive as fast as I can just to stay away from where I am. Gusto kong makatakas sa nakaraan
"ALINNYTA CARMI AVILLA!"Hindi pa man ako nakakababa ay dinig na dinig ko na ang matining na boses ni Zafy. Nakakamiss din, pero nangingibabaw pa rin 'yong irita. Bukod kasi sa napaka tining at masakit sa tenga, binanggit niya pa talaga ng buo ang napakabantot kong pangalan!Pagbaba ko ng sasakyan ay kaagad akong sinalubong ni Zafy at niyakap ng mahigpit. "Na miss kitang bruha ka! Ano na? For good ka na ba dito? For bad? O tamang visit lang? Sumagot ka!"Kusang umikot ang eyeballs ko, wala pa rin siyang pinagbago. Napakataklesa pa rin kahit na happily married with two children's."Zafy puwede ba pagpahingahin mo muna ako. Okay lang ba 'yon? Puwede ba 'yon?" Inirapan ko siya."O.A mo ha! Pasalamat ka nga at sinalubong pa kita!""Oh edi thank you!" pasaring kong sagot. Akmang sasagot pa sana siya ng biglang bumukas ang pinto ng kotse at bumaba doon si Ara."Kumusta Seniorita Zafira?" aniya ng nakangiti. Zafy wanted to greet Ara, but here comes the cutest one."Holla!" my daughter said
"SENIORITA!"Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko ngunit muli ring napapikit ng dahil sa nakasisilaw na liwanag."Mommy..."But when I heard Nica's voice, doon ako tuluyang nagising. "Anong nangyari?" tanong ko habang palipat-lipat ng tingin kay Ara at kay Nica na halos mangulay papel ang mga mukha habang nakatitig sa akin."Mommy are you feeling better now?" balik tanong ni Nica sa akin. "You passed out a while ago... you scared me, mom."Nagtatakang napatingin ako kay Ara. Nag trigger na naman ang depression ko kaya nag papanic attack ako. Pero pagkatapos niyon ay hindi ko kaagad maalala kung ano ang eksaktong nangyari."Mabuti na lang at nagising si Nica," ani Ara. "Ginising niya ako kaagad, ayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo? Tatawag na ako ng doktor-""No... n-no need Ara, I'm okay." Napabuntong hininga ako. Hindi kaagad umepekto ang gamot kong pangpakalma kaya nagkaganon. Hindi na rin naman masakit ang dibdib ko. Maliban sa mga kalmot sa aking braso, leeg, a
[PRESENT...]"Mommy... are you oh-tay?"Nilingon ko si Nica, ang tatlong taon gulang kong anak. With her deep gray eyes, pointed nose, rosy cheeks, kissable lips, and curly eyelashes... she really looks like her father. Wala nga yatang nakuha sa akin kun'di ang kepyas.I smiled and pinched her rosy cheeks. "Yes, mommy's okay. You should sleep now Nica, hindi magandang magpuyat ang batang katulad mo.""Mommy, can you sing foh me?" I smiled again. Hanggang ngayon kasi ay medyo bulol pa siya. May mga salita at letra pa rin na hirap siyang bigkasin ng tama. "Ara used to sing a lullaby so that I would sleep fast, but you know what mommy... her voice is panget. Sakit sa ears, that's why natutulog nalan ako."Bahagya akong natawa saka siya hinawi ang buhok niyang bumagsak sa makinis niyang pisngi. "I don't sing, but maybe your Dad can sing-" Huli na ng maisip ko ang lumabas sa aking bibig. Nang tignan ko si Nica ay kunot ang noong nakatitig siya sa akin."Daddy?" nagtatakang tanong niya. "Wh
"All my life... I was living in the dark." pag-uumpisa ko na ikinalaki ng mata ni Zafira.Pareho kami halos ng kinalakihan at pamumuhay ni Zafy. We live in the same place. Kapareho kami ng kinagisnan at kinaugalian. Daig din namin ang mga preso dahil ilang taon kaming nabuhay na tanging nasa Hacienda lang. "What do you mean?" She asked curiously. "Makinig kang mabuti dahil hindi ko na muling uulitin ang mga sasabihin ko." Tumango lang siya bilang sagot at nakinig tulad ng sinabi ko. "When I was seven years old, my father changed. Nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit at kung para saan ang mga ginagawa niya, basta lagi na lang siyang nagagalit. One mistake... I will pay." Napasinghap siya ng malakas ng dahil sa sinabi ko. "What's the payment?" She asked. I look at her and then smile, but I know that my smile doesn't reach my eyes. "Whipped," I told her smiling. Na para bang wala na lang sa akin ang ganoong parusa. Na para bang sanay na ako sa ganoong eksen
SUNDAY…I was staring at my reflection in the mirror just to admire the beautiful white wedding gown that I wore. Yes, it was indeed beautiful and elegant. And yes... today is my wedding day.Pinilit kong ngumiti at umaktong masaya kahit na halatang-halata sa mga mata ko ang lungkot. Halatang hindi ako masaya, at halata rin na napipilitan lang. Sinong tanga ang magpapakasal ng hindi niya naman gusto? Edi ako! Sino pa nga ba?I've been always dreaming to be married to Blue... noon. Noong panahong akala ko ay siya ang gusto kong makasama hanggang sa dulo. At ngayon nga'y heto na... pero bakit hindi ako masaya? Bakit para akong kinakabahan at sa tingin ko ay may hindi magandang mangyayari? Hindi ako kampante."Ang ganda-ganda mo cousin," nakangiting usal ni Zafy na ngayon ay nasa tabi ko na rin. "Hindi ako makapaniwalang sa simbahan din pala ang bagsak niyo ni Blue," aniya pa.Kahit ako ay hindi makapaniwala. Pero bakit ganito? Bakit ngayon, iba ang pakiramdam ko? Bakit parang may mali?
"S-Sa Steves Hotel ako," halos pabulong kong sabi ng dire-diretso lang sa pagmamaneho si Nico. Kung sa condo niya siya uuwi, baka doon din ang punta niya dahil magkatabi lang ang unit namin.Gaya noong nakaraang gabi, galing ulit ako sa Macho Gwapito Subdivision. At gaya pa rin noong nakaraang gabi, umuwi ulit ako at naglakad palabas ngunit muling naisakay ni Nico. Kasama niya ulit si Ely, ang babaeng kasama niya rin dati na ngayon ay masarap ulit ang tulog sa likuran.Hindi naman ako pinansin ni Nico o tinapunan man lang ng tingin pero ng tignan ko siya ay maya't maya kung tumingin siya sa salamin. Tinitignan niya si Ely mula sa salamin na ngayon ay mahimbing pa rin na natutulog. Hindi ko na siya kinausap pa at muling bumaling sa bintana ng sasakyan. Kahit na mangalay ang leeg ko'y ayos lang, ang awkward naman kasi. Lagi na lang ganito, sa oras ng kagipitan nasasalubong ko siya sa daan."Bakit hindi ka hinatid ng boyfriend mo? Hindi ba siya aware na gabi na at naglalakad kang mag is