Please be advised that this story contains, mature themes, and strong language that are not suitable for every young audience.
Read at your own risk.
*****
.
"IKAW lang yata ang nakita kong ikakasal pero nakasimangot. Umayos ka Alinnyta, kun'di pangit ka sa wedding picture n'yo ni Blue!" Pang-aasar sa akin ng pinsan kong si Zafira.
Ngayon ang araw ng kasal namin ni Blue. Napakatagal kong hinintay ang araw na 'to. Ilang taon ang tiniis ko mauwi lang kami sa simbahan tulad ng napagkasunduan. Kulang na nga lang ay mag pamisa ako araw-araw, at gayumahin siya para lang matupad itong araw na 'to.
Pero bakit ngayon ay iba ang pakiramdam ko? Bakit parang may mali? Bakit pakiramdam ko'y may mangyayaring hindi maganda? Kabado bente talaga ako pero para sa happy ending na hangad nang lahat, push!
"Zafy, nakaramdam ka rin ba ng kaba noong kinasal kayo ni Justine?" Seryosong tanong ko sa kaisa-isa kong pinsan. "Malakas kasi ang tibok ng puso ko. Nagpapawis ang mga palad ko, at higit sa lahat, mabigat ang pakiramdam ko. Normal lang ba na makaramdam ako ng ganito?"
"Seryoso ka? Hindi kaya natatae ka lang?" balik tanong naman niya na kulang na lang ay masapak ko sa ilong. "Pero, oo. Naramdaman ko rin yan, iniisip ko kasi dati na baka hindi siya sumipot sa simbahan. Iyon pala, ako ang mahuhuli sa pagdating doon," giit niya pa. Bahagya pa siyang natawa ng maalala ang panahon noong ikinasal sila ng pagsintang pururot niya.
Napabuntong hininga ako. Normal nga lang siguro 'to. Normal lang na makaramdam ako ng kaba, dahil tatlong taon ang hinintay ko bago matupad ang pangakong ito ni Blue.
Sabay kaming lumingon ni Zafy sa pinto ng bumukas 'yon at bumungad sa amin si Mama. "Maghanda na kayo at nasa labas na ang karwahe," mariin niyang paalala sa amin nang sumilip siya sa silid na kinalulugaran namin ni Zafy.
"Opo Mama," nakangiting sagot ko naman sa kanya.
Ito na 'yon, wala ng urungan. Sa kabila ng lahat ng naganap simula ng maging magkasintahan kami ni Blue, sinong makapagsasabi na hahantong din kami sa simbahan? Marami man ang nagbago at naging kapalit nito, masaya pa rin ako dahil tumupad siya sa kanyang mga pangako. At seyempre excited na rin akong sabihin ang 'I do' sabay kiss ng malupet sa lips.
Sa totoo lang, ilang beses din naming pinag-awayan ang kasal na ito. Simula sa damit na susuotin namin maging sa mga pagkain na dapat ihanda, at pati na rin sa mga taong iimbitahin. Lahat ng 'yon ay pinag-awayan namin, pero kalaunan ay nagkasundo rin naman.
Bukod sa mga kamag-anak at piling kakilala, ang mga kaibigan lang din namin ang mga pupunta. Pupunta kaya si Nico? Pinadalhan ko rin siya ng imbitasyon, kahit na nga ba hindi niya na ako kinakausap. Magkaibigan pa rin naman kami, ngunit hindi na tulad ng dati.
Eh si Pauline kaya, pupunta?
Napabuntong hininga na lang ako, bago pilit na inalis ang lahat ng katanungang iyon sa isip ko. Tumayo na rin ako ng hilahin na ako patayo ni Zafy.
"Kahit anong mangyari, isipin mong ikaw ang pinakamaganda ngayon kahit na ako naman talaga," nakangiting saad niya sa akin na ikinairap ko naman. "Joke lang, seyempre maganda tayong dalawa pero dahil kasal mo 'to magpapaubaya na lang muna ako," dagdag niya pa na ikinatawa naming dalawa bago sabay ng lumabas.
This is it, pansit!
Kasabay ko si Zafy hanggang sa labas. Saka lang kami naghiwalay ng sumampa na ako sa karwaheng aking sasakyan. At sakay nga ng karwahe'y binaybay namin ang daan papuntang St. Nicholas Parish dito sa Mariveles kung saan gaganapin ang kasal namin ni Blue. Kasal na napakatagal kong hinintay, at ngayon nga ay heto na. Ilang sandali na lang, ganap na kaming mag-asawa.
Hindi naman ganoon kalayo at smooth lang ang takbo. Ganoon pa man ay hindi pa rin nawawala ang kabang nadarama ko.
Ilang minuto lang ay narating na rin namin ang simbahan. Pag hinto ng karwahe ay huminto rin ang sasakyan ko na minamaneho ni Ara. She's my personal nanny and just five years older than me. I told her to bring my car in case of an emergency. She parked it just beside the carriage and smiled at me which made me calm a little.
Inalalayan ako ng ama ko na makababa, at iginiya hanggang sa pinto ng simbahan. Sinalubong naman ako ni Lyka na siyang tatayong maid of honor ko, dahil hindi na puwede sina Ayesa at Zafira. Si Lyka ay ang nag-iisa at bunsong kapatid ni Blue. Kamakailan lang din siya umuwi galing America.
Nang pumailanlang sa loob ng simbahan ang kantang napili ko, 'yon na ang hudyat upang lumakad ako papasok sa loob. Marahan lang habang naka-abresete sa braso ng aking ama. Naka-agapay naman si Lyka mula sa likod ko na kumukuha rin sa atensyon ng mga narito sa simbahan.
Hanggang ngayon dama ko pa rin ang kaba. Dama ko pa rin ang panlalamig ng mga palad ko. Ngunit ng makita ko si Blue na nakatayo sa harap ng altar, tila ba kumalma ang isipan ko at nabawasan kahit papaano ang pangangambang nadarama ko.
Ah, just like he promised.
"Take care of my daughter," pabulong na sabi ni Papa sa kanya, bago binitawan na ang kamay ko.
Tumingin ako kay Blue at nginitian siya. Ngunit hindi siya ngumiti pabalik at nanatiling seryoso. Mababakas din ang kabalisaan sa mukha niya. Tulad ko, kinakabahan din kaya siya?
"Bago natin simulan ang kasalang ito, mayroon bang tutol?" malakas na tanong naman nang Pari nang makitang handa na ang lahat.
Halos pigilin ko ang aking paghinga ng dahil sa tanong niyang 'yon. Kailangan ba talagang tanungin pa kung may tutol o wala? Hindi ba puwedeng ikasal na lang ng walang humahadlang? Subukan lang na may tumutol, magwawala talaga ako!
"Kung wala namang tututol, tayo ngayon ay mag umpisa na," muli pang sabi ng pari bago tumingin sa amin ni Blue.
Nakahinga ako ng maluwag. "Thank God!"
Ngunit ganoon na lang ang gulat naming lahat, ng biglang may batang sumigaw. Hindi ko alam kung saan siya galing at kung kaninong anak ba siya. Laking gulat ko rin ng lumakad siya palapit kay Blue.
"Daddy!"
Nagkaroon ng mahinang bulong-bulungan sa loob ng simbahan, gawa ng biglaang pagsulpot ng bata. Napansin ko pang tumayo sina Justine at Zafira mula sa kinauupuan nila na nagulat din.
Gusto rin sanang sawayin ni Lyka ang bata. Ngunit ng makalapit ang bata kay Blue, ay muli itong nagsalita na ikinagulat naming lahat. Lalo na ako, na wala man lang kaalam-alam sa mga nangyayari.
"We have the same eye color. Same hair color. My skin is like yours too. You're my Daddy right?" kuryosong tanong ng bata habang nakatitig kay Blue.
Ang mahinang bulong-bulungan ay lumakas. Ngunit tulad ni Blue, pareho kaming walang mahagilap na salita. Hindi rin niya masagot ang bata na ngayon ay pinagmamasdan siya.
"Mom said, you're busy finding your way back home. Are you lost Dad?" muli niya pang tanong. Inilahad niya ang kamay niya kay Blue at hinintay na abutin 'yon. "Here, hold my hand Daddy. I lead you the way." Ngunit nanatiling nakatitig si Blue sa bata, bakas ang kalituhan sa mukha bago bumaling sa akin na punong-puno ng katanungan sa mga mata.
Lumipas ang ilang sandali na nakatingin lang si Blue sa munti niyang kamay. Hanggang sa dahan-dahang nanubig ang mga mata ng bata at tuluyan na ngang umiyak.
Walang sino man ang makapagsalita. Walang sino man ang kumuha sa bata upang awatin ito. Hindi rin namin alam kung saan siya galing at kung kaninong anak ba siya. Ngunit sa nakikita ko ngayon, parang may namumuong ideya na sa isipan ko.
"Did you forget my Mom? Did you forget me too?" Lumuluhang tanong niya kay Blue. "We're still waiting, Dad, please... come home." Matapos niyang sabihin 'yon, pinunasan niya ang mga mata niya bago tumakbo palabas ng simbahan.
Hindi ako sigurado, pero ang salitang 'yon. Ang boses na 'yon. At ang kilos niyang 'yon. Kaparehong-kapareho ni...
"Pauline!"
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang sumigaw si Blue at banggitin ang pangalang iyon. Pangalan na akala ko'y hindi niya na muling maaalala pa.
Inalalayan ko siya ng bigla siyang mapaupo na para bang nauupos na kandila. Sapo ang ulo at may bahid ng dugo sa kanyang ilong ay tumingin siya sa akin. Puno ng pagtataka; kalituhan; at katanungan ang makikita sa kanyang mga mata na kahit ako mismo ay hindi ko mabigyan ng kasagutan.
"I remember... I remember everything!" aniya saka nawalan ng malay.
"Blue! Hey, what happened? Help!" Para akong tanga na hindi alam ang gagawin. Sa dinami-rami ng tao sa mundo bakit naman sa akin pa nangyari ang ganito? Bakit sa araw pa ng kasal ko?!
Lahat ng tao ngayon dito sa simbahan ay nagsitayo. Lahat ay nakiki-usyoso kung ano ang nangyari kay Blue. Kaagad ding umagapay sina Justine kasama ang iba pa niyang mga kaibigan, bago binuhat si Blue at isinakay sa saksakyan sa labas ng simbahan.
Habang ako naman ay naiwang nakatayo pa rin sa harap ng altar, kasama ang Pari na gulat na gulat din sa nangyari. Para akong tinakasan ng aking kaluluwa at itinulos sa aking kinatatayuan.
Ang lahat ay nakatingin sa akin. Puno ng pangangamba at awa ang mababakas sa mga mata nila, habang nakatitig sa akin.
What the hell?! Ito ba ang dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng kaba kanina?
Tila ba nabingi ako at tanging ang malakas na kabog ng dibdib ko lang ang naririnig ko. Hindi ko na masyadong marinig ang nasa paligid ko. At bago tuluyang bumagsak ang luha sa mga mata ko'y tumakbo na ako palabas ng simbahan.
"Hindi 'to totoo! Panaginip lang ito! Gising Lenny!" sunud-sunod kong sabi habang sinasampal ang sarili ng makalabas sa simbahan at makalapit sa sasakyan ko.
Ngunit nang akmang bubuksan ko ang sasakyan, narinig kong muli ang boses niya. Boses na akala ko'y hindi ko na muling maririnig pa.
"Hola, mi amor..."
Hilam ng luha ang mata'y nilingon ko ang may-ari ng boses na 'yon at nasalo ko ang malamlam niyang mga mata. Ilang buwan... hindi... taon na. Hindi na ako sigurado kung kailan ko ba siya huling nakita pero sigurado ako... may parte sa pagkatao ko ang nadala niya ng lumisan siya.
Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong umiyak sa kanya. Gusto kong maramdaman muli na narito siya para sa akin. Ngunit hindi ako nakagalaw at tila ba itinulos ako sa kinatatayuan ko. At tulad ng dati...tinalikuran niya ako. Tumalikod siya at hindi na muling lumingon pa.
"NICO!" malakas at hinihingal kong sigaw bago tumingin sa paligid ko, kinukumpirma kung nasaan ako at kung tama ba ang nakita ko.
Puting kisame; kama; pinto; unan, at kumot ang mga bagay na una kong nakita ng magising ako. Tagaktak ang pawis ko at hinihingal dahil sa nangyari.
Panaginip...
Panaginip lang pala. Panaginip na lagi na lang nauulit. Halos limang taong mahigit na rin nang mangyari 'yon. Pero hanggang ngayon ay bumabalik pa rin... bumabalik sa aking panaginip.
Tumayo ako bago nagtungo sa balkonahe ng condo unit ko. Mula sa kinalulugaran ko'y tanaw ko ang dahan-dahang pagsilip ng bukangliwayway. Alas kuwatro pa lang pala ng umaga. Ngunit para bang napakahaba na ng oras na nadama ko ng dahil sa panaginip kong 'yon.
Great! Why did I dream about him anyway? Hindi ko naman siya iniisip, at hindi na dapat isipin pa. Isa pa, hindi lang naman siya ang may pangalang Nico sa mundo. Baka na-wrong send lang sa akin 'yong nag text kagabi. Nang go-good time lang siguro at walang magawa sa buhay.
Knowing him, he'll never gonna say that he was still thinking of me after what had happened. Nagpapatawa ba s'ya?!
"Mommy..." Lumingon ako sa aking likuran at doon ko nasilayan ang munting anghel na siyang nagbibigay sa akin ng lakas sa araw-araw. "Are you okay? Are you having nightmares again?" nag-aalala at sunud-sunod niyang tanong.
"No Nica," sagot ko naman bago pilit na ngumiti upang hindi na siya mag alala pa. "Go back to sleep, baby."
Muli naman siyang humiga at pumikit na. Halatang naalimpungatan lang siya at nakaramdam na umalis ako sa tabi niya kaya siya nagising.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga at muling tumingin sa marahang pagsilip ng araw. Napakaraming sakit, napakaraming ala-ala na kung puwede lang ay ayaw ko ng balikan pa.
Ayaw ko ng ulitin pa ang mga nangyari noon na hindi ko naman ginusto. Hanggang ngayon ay nakakulong pa rin ako. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahanap ang sarili ko. At hanggang ngayon, iisang paraan pa rin ang alam ko upang makalimot.
Bumalik ako sa loob at naghanap ng bagay na alam kong makatutulong sa akin. Nang makita ko ang gunting na nasa maliit na mesa na siyang una kong nakita ay kaagad kong kinuha. "I need pain. Mas masakit... mas mabisa," I whispered.
Then and now, pain is my remedy. Sa pamamagitan niyon ay naitatago ko ang sakit na namumuo sa dibdib ko na hindi puwedeng makita ng iba. Through pain, my feelings are valid. Puwede akong umiyak dahil sa sakit na nadarama ko. Dati kasi ay walang rason para umiyak ako. Walang dahilan para makaramdam ako. I have no choice but to accept and welcome all the misery.
But when I saw my daughter who peacefully sleeping, I was stunned. Nabitawan ko ang gunting at nanginginig ang mga kamay na napatakip na lang ako sa aking bibig.
I get the pouch instead, where I put all my medicines. I have to calm myself. Uminom ako ng gamot na pampakalma. Pumuwesto ako sa ibaba ng kama at doon tumalungko. I placed my left hand over my chest and did a light tapping while trying to breathe slowly. This was how I soothe myself whenever I was feeling like this.
Hindi ako puwedeng marinig ni Nica.
Mas mahihirapan lang ako. And worst, baka magising ang anak ko at makita niya akong ganito. Ayaw ko siyang masaktan ulit.
"Lilipas din ito..." Nangangatog pa rin ang mga kamay ko. "You'll be okay Lenny... it's all right. It's okay... fuck, you have to be okay!" I whispered to myself.
But what if not? Paano kung hindi na mawala ang sakit? Kung hindi na ako maging okay pa?
Napasabunot na ako sa sarili kong buhok. Kinalmot ang sarili at nagtititili. I can't hold back! Ilang minuto na ba? Bakit ang tagal ng oras?!
"Mommy?"
Shit! My daughter, she's awake!
"Mommy! Mommy calm down..." I saw her angelic face. She held my hand but I just pushed her away. "Mommy it's me. Calm down Mommy, please..." She's crying.
Lahat na lang ng taong mahal ko ay sinasaktan ko. Lahat sila ay umiiyak nang dahil sa akin.
Ah, I'm tired! Too tired to defend me. Too tired to say sorry even if I was the one who suffered from all the pain and misery. I just wanted them to be safe. To be happy. I had always been protecting their safety; their heart; and their life, without even asking... who would be the one to protect me?
"Makasarili ba ako kung pipiliin ko naman ang sarili ko?" I asked myself while staring at my daughter's face who was crying continuously.
Kaparehong mata, ilong, at pati na rin ang buhok nila ay iisa. Too bad, ni hindi man lang siya kinilala.
I wiped her tears and smiled. "Lo siento, mi amor. Mamá te quiere mucho..." I whisper while slowly closing my eyes and breathing heavily because of the pain and dizziness that I feel. But before I faced the darkness, the image of her father and our past came rushing like I was watching a story.
*****
[FLASHBACK]"This is it, malaya na ako!" Halos kiligin ako sa tuwa dahil sa siksik, liglig at nag-uumapaw na kasiyahang nadarama ko. Sa loob ng dalawampung taon na inilagi ko sa mundong ito, ngayon lang ako nakalaya sa puder ng mga magulang ko. Ngunit kapalit niyon ay ang pagtalikod sa buhay na kinagisnan ko. Ang mga magulang ko kasi ay nabubuhay pa rin sa taong uso pa si Rizal. Naniniwala pa rin sila sa salitang 'pinagkasundo' pero hindi tinadhana, at seyempre, 'yon din ang plano nilang gawin sa akin. Ang ikasal sa kung sino mang hampaslupang tinamaan ng magaling. Pero nang aksidente kong marinig ang plano nilang 'yon, kesehodang magdeklara ako ng ika-apat na pandaigdigang gera 'wag lang talagang matuloy! Ayaw ko kayang maikasal sa kung sino mang uhuging katchupoy na napili nila! Isa pa, maaga pa para ikasal ako at maging dakilang maybahay lang. Marami pa akong pangarap. Isa na lang doon ay ang makapunta sa mall, ultimate dream ko talaga 'yon. Pangalawa ay ang makapanood ng concert
Pagkalabas ko sa Airport bigla akong nanlumo. Lalo na nang makita ko ang nagtataasang gusali sa harap ko. Hindi ko naman alam kung ano ang kulturang mayroon dito sa bansang ito. Hindi ko rin alam kung ano ba ang gagawin ko rito, at kung saan ako tutungo.Napaupo ako sa gilid katabi ang maleta pati na rin ang ibang gamit ko pa. Kung bakit naman kasi dito pa ako pumunta, puwede namang sa Pilipinas na lang din?! "Bobita!" singhal ko sa aking sarili.Nakita ko rin si Azul na may kausap sa cellphone niya. Alam niya kaya ang mga lugar dito? Puwede naman siguro akong sumama sa kanya? Lumapit ako sa gawi ni Azul at kinalabit siya nang matapos siyang makipag-usap sa kung sino man. Nagulat naman siya sa akin ng lumingon siya, bago kumunot ang noo at nagtatakang nagtanong. "Problema mo?" He asked. Inihanda ko na ang sarili ko at umiyak sa harap niya. Iyak na tulad ng matagal ko ng kinabisa. Kung paanong itinuro sa akin ng ama ko ang tamang pag-iyak sa harap ng ibang tao. Ngunit sa totoo lang a
Kusinerang Seniorita... Labag man sa loob ko'y pumunta ako sa kusina at nakipagtitigan sa kaldero tulad ng sinabi ni Blue. Binigyan niya ako ng limang pirasong hotdog na nasa plato at sandok na kahoy. Iluto ko raw ang hotdog habang siya ay mag aayos pa ng ibang gamit niya. Ewan ko ba sa kanya, naka-color coding pa kasi ang mga gamit niya, ewan lang kung pati brief niya ay may pattern sa pagtitiklop. Sinipat kong muli ang hotdog at muli rin akong nayamot. "Where the hell on earth should I get the idea on how to cook this red thingy called fucking hotdog?!" naiinis kong tanong sa aking sarili. Kahit yata abutin ako ng pasko ay hindi ko pa rin alam kung paano iluluto ito. And to think na halos masiraan na ako ng bait kanina ng pag hiwain ako ni Blue ng sibuyas, baka itong hotdog na ito naman ang maging mitsa ng buhay ko. Ilang galon yata ang iniluha ko makaraos lang sa isang sibuyas kanina. Tapos ngayon, itong hotdog naman ang kailangan kong igapang! Jusmio marimar! Nang wala talaga
Tatlong buwan...Sa bilis ng araw, halos hindi ko na namalayan na unti-unti na pala akong inuugat dito sa America. Sinong makapagsasabi na matitiis ako ni Blue sa loob ng tatlong buwang magkasama kami sa iisang bubong? Sino pa nga ba, seyempre si author lang!Kahit na halos isumpa namin ang isa't isa ni Blue at magsakalan ng leeg araw-araw ay hindi pa rin kami naghihiwalay. Noong nag away kami ng limang oras dahil sa nasunog kong uniform niya, hindi niya rin ako natiis. Siya rin ang unang nakipag bati dahil kung hindi au susunugin ko rin ang terno ng uniform niya.Sa loob ng tatlong buwan, nakatatlong trabaho na rin ako. Palipat-lipat dahil lagi akong palpak. Noong unang apply ko ay isa akong crew member sa Mc Donalds. Okay naman sana, pero makalipas ang tatling araw ay tinanggal ako dahil muntik ko ng masunog ang buong fast food na pinapasukan ko. Di ko naman sinasadya at aksidente lang ang lahag.Sa ikalawang trabaho ko naman ay di rin ako nagtagal. Assistant keme raw kasi ako sa is
Crush kita..."Wala ka bang balak umuwi sa Pilipinas?" tanong sa akin ni Blue.Narito kami ngayon sa Golden Gate Bridge. Sa tinagal-tagal na namin dito sa U.S, ngayon lang kami nagkaroon ng oras upang mag gala. Abala kasi si Blue sa pag-aaral niya. Habang ako naman ay abala sa trabaho at pag-aaral na rin. Mahalaga sa akin ang bawat oras dahil malingat lang ako sandali, maaaring mawala ang trabahong pinaghirapan kong igapang, at pati na rin ang pag-aaral na pinangarap ko.Gusto ko kasing magkaroon din ng sarili kong diploma. Para naman kapag may nang api sa akin ay puwede ko silang sampalin ng Summa Cum laude kong diploma.Tinignan ko si Blue saka inirapan. "Wala," maikling sagot ko sa kanya.Wala naman kasi talaga akong balak na umuwi. Hindi ko nga alam kung may uuwian pa ba ako. Wala na rin akong balita sa pamilya ko. Hanggat maaari ay hindi namin napag-uusapan ni Zafy ang tungkol sa Hacienda Avilla kapag nagtetelebabad kaming dalawa."Last semester ko na. After that, I will go home,
He's leaving...It's been a year and Blue graduated already. Sa bilis ng panahon ni hindi ko na namalayang ngayon na nga pala ang alis niya. Dumating na nga ang araw na kinatatakutan ko. Ang araw kung kailan uuwi na si Blue sa Pinas. Sa nakalipas na buwan ay hindi namin napagtutuunan ng pansin ang isa't isa dahil abala ako sa trabaho at pag-aaral sa gabi. Siya, ewan ko ba... hindi ko alam kung ano at sino ang pinagkabalahan niya. Simula rin noong inamin ko sa kanya na crush ko siya ay naging mailap na siya sa akin. Ayaw niya na akong paglabahin ng mga damit niya. Sa tuwing ipinagluluto ko naman siya ay palagi niyang sinasabi na busog siya. Edi bahala siya sa buhay niya! Feeling niya naman hahabulin ko siya, eh ang pangit nga naman! Hmp!Pero ngayong narito kami sa Airport, para akong tanga na umiiyak sa harap niya. "Lenny stop crying! Uuwi lang ako sa Pilipinas at hindi mamamatay. Pinagtitinginan na tayo ng ibang narito, nakakahiya! Baka isipin nila ginawan kita ng masama," singhal
Akala ko hindi na darating ang araw na ito. Ang araw na kailangan kong umuwi sa Pilipinas hindi dahil gusto ko, kun'di dahil kailangan. Habang tumatagal kasi ang paglalagi ni Ayesha roon, lalo lang lumalala ang sitwasyon. Kaya naman heto, napilitan akong lumipad patungo sa lugar na akala ko'y hindi ko na muling aapakan pa.'Ninoy Aquino International Airport.' Napabuntong hininga na lang ako ng makita ko ang signage na iyon. Ilang taon na nga ba ulit simula ng huli akong umapak dito? Isa? Dalawa? Parang sa sobrang tagal na, hindi ko na alam kung ilan ang eksaktong bilang.Nang makalapag ang eroplanong sinasakyan ko'y nag madali akong lumabas. Hindi dahil sa nasasabik akong tumapak muli sa aking lupang sinilangan, kun'di dahil pinupog na ako ng chat ni Zafira. Bago pa ako umuwi ay tumawag na ako sa kanya na kung maaari ay sunduin niya ako, tutal nasa Manila naman siya. Pumayag naman ang bruha na tila ba mas excited pa kaysa sa akin. "Nasaan na ba ang exit?" yamot kong tanong sa aking
[NICO'S POV]Hindi naman mapakali si Nico kung ano ba ang gagawin niya sa babaeng ngayon ay daig pang patay na nakabulagta sa kama niya. Ilang beses na rin siyang nag paruo't parito hanggang sa nilapitan niya na ang dalaga at mariing tinitigan. "Your face seems familiar," mahina kong sabi sa natutulog na babae. Para bang nakita ko na siya ngunit hindi ko alam kung saan at kailan. Matangos ang ilong, manipis ang mapula niyang labi, at malalantik ang pilik. "Puwede na," giit ko pa. Mukha naman siyang high-class kumpara sa ibang babae sa loob ng Club-V. Akala niya yata ay maloloko niya ako. Wala na bang ibang trabaho na puwede niyang pasukan maliban sa bahay aliwan?I went to the balcony while holding a glass of wine, isa na namang nakakapagod na araw ang natapos. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang mga sinabi ng ama ko tungkol sa kasal na pinagkasunduan nila ng kumpare niya. Wala pa sa isip ko ang magpakasal goddammit! At mas lalong ayaw kong magpakasal sa babaeng ni hindi ko pa nak